HULING araw na ng bakasyon ni Yena sa bahay nila ngayon. Maaga siyang gumising upang magluto sana ng agahan para sa kanilang tatlo. "Goodbye sweetie, gonna go to office." hinalikan kaagad siya ng kaniyang Ama sa noo. "Teka Pa," Tumingin siya sa relo niya, "Alas-kuwatro palang ng umaga, ang aga naman yata? Nasaan si Mama?" Napa buntong hininga ng malalim ang kaniyang Ama at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Nauna na kanina pa. Masiyadong problemado ang kompanya ngayon anak," dahan dahan na nitong inayos ang suot nitong leather na sa sapatos."Ngunit Pa, g-gusto ko sanang magkasama tayong kumain ng agahan-" hindi na natapos ni Yena ang gusto niyang sabihin ng bigla na lang may tumawaf sa cellphone ng kaniyang Ama. "Yes, hello? Yeah, yeah. This is me, oh sure Mr. Ripley, okay I'll be there in about ten minutes. Okay." Tinapos na nito ang tawag at kaagad ng nagpaalam kay Yena. "Tumawag ka kapag naka balik ka na ng Manila, okay?" pasigaw pa nitong saad habang kumakaway ang kana
MALAKAS ang buhos ng ulan nang tumingin si Yena sa labas ng tinutuluyan niyang tirahan. Napa buntong hininga na lamang siya at bumalik na sa kusina upang tapusin ang ginagawa niyang pagluluto.Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga gawaing bahay ay inihanda na niya ang lamesa at umupo sa pinaka gitnang upuan. Tumingin siya sa orasan at napangiti ng mapagtanto niyang alas syete pa pala ng gabi at maaga pala siyang natapos sa kaniyang mga gawain.Ngunit nagdaan na lang ang ilang oras nanpaghihuntay niya ay wala parin si Nikko, ang mapapa ngasawa niya."Bakit wala pa siya? Magmamadaling araw na, ah?" Nag-aalalang bulalas niya sa sarili at napa tayo sa kinauupuan niya. Hindi inda ang mga sugat na nakuha niya dahil sa paghiwa ng mga gulay kanina.Tinanggal ni Yena ang kulay bughaw niyang apron at inilagay iyon sa upuan at nagmamadaling kinuha ang kaniyang selpon at nag tipa kaagad doon.Ngunit kahit anong gawing tawag niya kay Nikko ay hindi parin ito sumasagot.Umusbong ang pag-aalala s
KAAGAD niyang sinagot ang tawag na may mga ngiti sa labi."Hello hon--""Ikaw ba si Cake?"Kumunot ang noo ni Yena at tiningnan ulit ang pangalan ng tumatawag. Sigurado siyang cellhpone ni Nikko ang gamit nito."O-Oo, ako nga. Sino ka? Nasaan si Nikko? Bakit ikaw gumagamit sa cellphone niya? " hindi niya maiwasang kabahan lalo." Mamaya na kita sasagutin. Paki kuha mo nga muna itong si Nikko dito, nasa police station kami ngayon. Nakipag away na naman. Message ko na lang sa iyo kung saang estasyon siya.""T-Teka! Bakit nasa police station kayo? May nangyari ba? Ano?" natatarantang tanong ni Yena sa kausap sa kabilang linya."Basta, tanungin mo nalang itong tao nato kapag nandito ka na." napipikon nitong sagot sa kanya at pinatay na kaagad nito ang tawag. Ilang segundo palang ang nakalilipas ay may nakuha kaagad siyang mensahe galing dito kung nasaan na police station si Nikko ngayon.Kaagad na pumara ng taksi si Yena at hindi alintana ang nararamdaman na lamig sa katawan dulot ng ulan
“TINGNAN mo, Yena. Maganda ba?” may ngiti sa mga labing tanong ni Nikko sa kanya. Napa buga ng mabigat na hangin si Yena at nameywang. “Nikko, pagagalitan ka na naman ni Uncle kung makikita ka niya. Lagot ka talaga doon,” may pag-aalalang saad pabalik ni Yena. Mahilig kasi si Nikko mag-billiard kaya bumili na naman ito ng bagong bola ng billiard at balang araw gusto daw nitong sumali sa Olympics upang makamit ang gintong medalya para sa Pilipinas.Malayo sa totoong nais ng kaniyang Ama para sa kanya. “Huwag kang mag-alala Yena, hindi naman malalaman-““Anong ibig sabihin nito?” parang isang blokeng yelo na tanong ng Ama ni Nikko mula sa kanilang likuran. Kaagad na itinago ni Nikko sa likuran niya iyong mga bola. “W-Wala naman Ama, nagkukwentuhan lang kami ni Yena, “ Pagsisinungaling ni Nikko. Napa tingin ang Ama ni Nikko kay Yena at tipid na ngiti lamang ang naibigay ng dalaga dito.Ang Ina ni Nikko at ang Ina ni Yena ay matalik na magkaibigan kaya naging matalik rin silang magkai
"Dwight-" Naiwan sa ere ang sasabihin niya ng magsalita si Dwight."I thought you're his girlfriend?"Nabingi si Yena dahil sa simpleng tanong lamang na iyon ni Dwight. Napa higpit ang hawak ni Yena sa gilid ng gawa sa kahoy na lamesa.Wala siyang maisagot na kahit isang salita dito. Dahil alam niya din mismo sa sarili na ang kasalanan na magaganap sa kanilang dalawa nila ni Nikko ay kasunduan lamang ng kanilang mga pamilya.At alam din niya na isang bunsong kapatid lamang ang turing ni Nikko sa kanya."Hindi naman naging kami. Inaalagaan lang namin ang isa't isa, 'yun lang.""So why you're so wet earlier? Don't tell me you save him in the police station again?" mas napa yuko pa si Yena ng mapagtanto na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakipag areglo siya sa mga pulis para lang kay Nikko."Dahil nga doon... " Mahina niyang lintaya."So his girlfriend is dead?" doon napa angat ang ulo ni Yena dahil sa sinabi ng binata. Sobrang talas pala talag ng bibig ni Dwight."P-Pero hindi k
“PSST! Itago natin! Dali!” nagkagulo ang mga kaklase nila na ipinagtaka ni Yena. May kinuha ang mga ito na parang isang libro sa pinka gilid na table mapalit sa bintana kung saan naka upo si Dwight. Nasa elementarya palang sila ngunit napaka lalim na ng awayan sa pagitan ni Dwight at Nikko sa isa’t isa. Mismong Ina ni Dwight ay ayaw sa kanya pati narin ang kinikilalang Ama nito. Maraming kaibigan si Nikko, habang si Dwight naman ni kahit isa ay walang nagtatangkang kumausap sa kanya dahil may hatid daw na malas ang pagiging isang anak sa labas. “Sige na, lagyan niyo na!” sigaw ng mga kalalakihan at parang may inilagay silang kung ano sa upuan nito at pati rin sa lamesa. Naki osyoso si Yena at nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat ng makita niyang kagamitan iyon lahat ni Dwight. Naka labas lahat ng gamit niya pati nga ballpen nito at nalagyan narin nila ng ketchup. “Yena! Halika dali! Masayang gawin ito! Makaka higanti narin ako sa hampaslupang lalaki na iyon!” Masayang bulalas n
“HANGGANG diyan lang muna ako sa kanto.” si Nikko ay nagtatrabaho sa isang tanyag na opisina at isa itong direktor. Habang si Yena naman ay nagtatrabaho lamang sa isang convenience store."Here?" pukaw ni Dwight sa diwa niyang nagliwaliw na naman."Oo, dito na lang." Ipinarada ni Dwight ang sasakyan sa gilid ng kalsada."Ahem!" Basag ulit ni Yena sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa."Why?" malamig pa sa yelong tugon nito na kasalukuyang abala na naman sa selpon na para bang may inaasikaso itong kung anong importante na dukomento roon."Salamat pala dito," itinaas niya ang kulay asul na bag. Sa bawat gilid ng bag na iyon ay may disenyong diamante at ang mismo strap naman nito ay yari sa silver. Kumikinang pa nga ito kung natatamaan ng araw. Nahihiya tuloy si Yena kung paano niya susuotin ang gano'n karangya na bag."Yeah." walang ganang sabad nito."K-Kailan pala birthday mo?" nahihiya niyang tanong. Gusto niyang maka bawi sa binata kahit man lang sa maliit na paraan."Don't mind
NAGRAAN ang dalawang linggo at naging abala si Yena sa trabaho niya. Simula din ng gabing malaman niyang mayroon ng kasintahan si Nikko ay hindi na siya umuwi sa inuukupa nitong tirahan at nag ukupa nalang ng sariling maliit ng kuwarto malapit sa kaniyang pinagtatrabahuan. At kahit ni isang mensahe man lang mula kay Nikko ay wala siyang natanggap. "Yena, paki bigay nga sa'kin iyong mga listahan ng mga stocks na padating mamaya. Naroon naka lagay sa loob ng office, sa maliit na lamesa." kaagad siyang tumango. "Sige po, sandali lang." "Teka, Yena." pigil ng kaniyang boss. Kunot noong nilingon niya ito. "Bakit Ma'am?" Kaagad na tinuro ng boss niya ang kaniyang kanang bulsa gamit ang nguso nito. Napa tingin kaagad siya doon. "Kanina pa iyan tumutunog, hindi mo yata napansin," nagsalubong ang kilay niya na kinuha ang cellphone sa bulsa at namilog kaagad ang kaniyang parehong mata ng mabasa ang pangalan ng nasa screen. "H-Hello?" hindi niya maiwasang kabahan. Naglakad muna siya pala