KAAGAD na bumaba sa kotse si Yena at dumiretso sa loob ng mansiyon ng pamilya Collymore. Ni hindi na nga siya dumiretso sa pamilya niya dahil sa pag-aalala kay Nikko dahil alam niyang paparusahan talaga ito ng kaniyang Ama.Hindi na bago sa mga katulong na naroon si Yena sa mansiyon dahil kilala na nila ang dalaga simula noong bata pa ito. Hindi na nagpa ligoy ligoy si Yena at kaagad na siyang dumiretso sa sala dahil alam niyang naroon na naman naka upo ang madrasta ni Nikko at hindi nga siya nagkamali ng makita niya ito doon. "Magandang araw po Tita-""Alam mo bang masiyado akong nadismaya sa'yo, ha? " hindi kaagad naka galaw si Yena sa kaniyang kinatatayuan. "P-Po? Anong ibig niyo pong sabihin?"Binalingan kaagad siya ng matulis na tingin ng step mother ni Nikko. Nasa 40's palang ang step mother ni Nikko habang ang Ama naman ng binata ay nasa 50's na. Nag de-kuwatro ito ng upo sa kulay red na mahabang couch at ipinag-krus ang dalawang braso nito sa dibdib habang sinusuri ang kab
Continuation... BINALINGAN kaagad niya ng hindi makapaniwalang tingin si Nikko. "Sorry?" napa tawa ng mapakla si Yena, "Sorry saan? Sorry dahil ako lang ang nagseseryoso sa relasyon na ito? Sandali, wala pala tayong relasyon, hindi ba? Nikko naman, engaged na tayo! Ikaw at ako ay ikakasal na. Fiance mo ako at hindi kapatid!" Parang malagutan na nang hininga si Yena dahil sa haba ng kaniyang sinabi. Tumalikod kaagad siya sa gawi ni Nikko at handa na sanang umalis ng biglang magsalita ang binata. "Magkaibigan parin naman tayo hindi ba?" mababakas mo ang kalungkutan sa boses ng binata ngunit hindi nagpa tinag ang dalaga. Ayaw na niya maging baliw pa at umasa na magbabago ang tingin ni Nikko sa kanya. "Aalis na ako." iyon lang ang naging sagot niya at pinihit na pabukas ang pintuan at lumabas ng hall. "What a nice live show to watch, huh?" awtomatikong napako si Yena sa kaniyang kinatatayuan ng marinig niya ang boses na iyon. Napa lingon siya sa kaniyang likuran. Namilog ang mata n
NAPUKAW ang mahimbing na tulog ni Yena dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kaniyang kuwarto. Marahan niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaliwa niyang kamay upang hindi tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mata. Napa tingin siya sa kaniyang orasan na naka lagay sa gilid ng kaniyang kama. "Alas diyes na pala?" bumangon siya sa kama at inayos ang kaniyang sariling buhok. "Lindon, hindi ba't sinabihan na kita dati pa na huwag kang mag-invest sa laro na 'yon!" Napa tayo kaagad si Yena dahil sa malakas na sigaw na iyon. Napa takbo siya palabas ng kaniyang kuwarto at nakitang nagtatalo na naman ang mga magulang niya. Nameywang ang kaniyang Ina at napa hawak sa sariling noo nito habang pabalikbalik sa nilalakaran na para bang nababalisa kung ano ang dapat na gawin. Habang ang kaniyang Ama naman ay naka upo lang sa sofa at para bang nagiisip kung ano ang dapat niyang kasunod na sasabihin sa asawa. "Josefina, hindi ko naman alam na ganoon pala iyon-""Na tatakbo sila hawak
HULING araw na ng bakasyon ni Yena sa bahay nila ngayon. Maaga siyang gumising upang magluto sana ng agahan para sa kanilang tatlo. "Goodbye sweetie, gonna go to office." hinalikan kaagad siya ng kaniyang Ama sa noo. "Teka Pa," Tumingin siya sa relo niya, "Alas-kuwatro palang ng umaga, ang aga naman yata? Nasaan si Mama?" Napa buntong hininga ng malalim ang kaniyang Ama at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Nauna na kanina pa. Masiyadong problemado ang kompanya ngayon anak," dahan dahan na nitong inayos ang suot nitong leather na sa sapatos."Ngunit Pa, g-gusto ko sanang magkasama tayong kumain ng agahan-" hindi na natapos ni Yena ang gusto niyang sabihin ng bigla na lang may tumawaf sa cellphone ng kaniyang Ama. "Yes, hello? Yeah, yeah. This is me, oh sure Mr. Ripley, okay I'll be there in about ten minutes. Okay." Tinapos na nito ang tawag at kaagad ng nagpaalam kay Yena. "Tumawag ka kapag naka balik ka na ng Manila, okay?" pasigaw pa nitong saad habang kumakaway ang kana
MALAKAS ang buhos ng ulan nang tumingin si Yena sa labas ng tinutuluyan niyang tirahan. Napa buntong hininga na lamang siya at bumalik na sa kusina upang tapusin ang ginagawa niyang pagluluto.Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga gawaing bahay ay inihanda na niya ang lamesa at umupo sa pinaka gitnang upuan. Tumingin siya sa orasan at napangiti ng mapagtanto niyang alas syete pa pala ng gabi at maaga pala siyang natapos sa kaniyang mga gawain.Ngunit nagdaan na lang ang ilang oras nanpaghihuntay niya ay wala parin si Nikko, ang mapapa ngasawa niya."Bakit wala pa siya? Magmamadaling araw na, ah?" Nag-aalalang bulalas niya sa sarili at napa tayo sa kinauupuan niya. Hindi inda ang mga sugat na nakuha niya dahil sa paghiwa ng mga gulay kanina.Tinanggal ni Yena ang kulay bughaw niyang apron at inilagay iyon sa upuan at nagmamadaling kinuha ang kaniyang selpon at nag tipa kaagad doon.Ngunit kahit anong gawing tawag niya kay Nikko ay hindi parin ito sumasagot.Umusbong ang pag-aalala s
KAAGAD niyang sinagot ang tawag na may mga ngiti sa labi."Hello hon--""Ikaw ba si Cake?"Kumunot ang noo ni Yena at tiningnan ulit ang pangalan ng tumatawag. Sigurado siyang cellhpone ni Nikko ang gamit nito."O-Oo, ako nga. Sino ka? Nasaan si Nikko? Bakit ikaw gumagamit sa cellphone niya? " hindi niya maiwasang kabahan lalo." Mamaya na kita sasagutin. Paki kuha mo nga muna itong si Nikko dito, nasa police station kami ngayon. Nakipag away na naman. Message ko na lang sa iyo kung saang estasyon siya.""T-Teka! Bakit nasa police station kayo? May nangyari ba? Ano?" natatarantang tanong ni Yena sa kausap sa kabilang linya."Basta, tanungin mo nalang itong tao nato kapag nandito ka na." napipikon nitong sagot sa kanya at pinatay na kaagad nito ang tawag. Ilang segundo palang ang nakalilipas ay may nakuha kaagad siyang mensahe galing dito kung nasaan na police station si Nikko ngayon.Kaagad na pumara ng taksi si Yena at hindi alintana ang nararamdaman na lamig sa katawan dulot ng ulan
“TINGNAN mo, Yena. Maganda ba?” may ngiti sa mga labing tanong ni Nikko sa kanya. Napa buga ng mabigat na hangin si Yena at nameywang. “Nikko, pagagalitan ka na naman ni Uncle kung makikita ka niya. Lagot ka talaga doon,” may pag-aalalang saad pabalik ni Yena. Mahilig kasi si Nikko mag-billiard kaya bumili na naman ito ng bagong bola ng billiard at balang araw gusto daw nitong sumali sa Olympics upang makamit ang gintong medalya para sa Pilipinas.Malayo sa totoong nais ng kaniyang Ama para sa kanya. “Huwag kang mag-alala Yena, hindi naman malalaman-““Anong ibig sabihin nito?” parang isang blokeng yelo na tanong ng Ama ni Nikko mula sa kanilang likuran. Kaagad na itinago ni Nikko sa likuran niya iyong mga bola. “W-Wala naman Ama, nagkukwentuhan lang kami ni Yena, “ Pagsisinungaling ni Nikko. Napa tingin ang Ama ni Nikko kay Yena at tipid na ngiti lamang ang naibigay ng dalaga dito.Ang Ina ni Nikko at ang Ina ni Yena ay matalik na magkaibigan kaya naging matalik rin silang magkai
"Dwight-" Naiwan sa ere ang sasabihin niya ng magsalita si Dwight."I thought you're his girlfriend?"Nabingi si Yena dahil sa simpleng tanong lamang na iyon ni Dwight. Napa higpit ang hawak ni Yena sa gilid ng gawa sa kahoy na lamesa.Wala siyang maisagot na kahit isang salita dito. Dahil alam niya din mismo sa sarili na ang kasalanan na magaganap sa kanilang dalawa nila ni Nikko ay kasunduan lamang ng kanilang mga pamilya.At alam din niya na isang bunsong kapatid lamang ang turing ni Nikko sa kanya."Hindi naman naging kami. Inaalagaan lang namin ang isa't isa, 'yun lang.""So why you're so wet earlier? Don't tell me you save him in the police station again?" mas napa yuko pa si Yena ng mapagtanto na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakipag areglo siya sa mga pulis para lang kay Nikko."Dahil nga doon... " Mahina niyang lintaya."So his girlfriend is dead?" doon napa angat ang ulo ni Yena dahil sa sinabi ng binata. Sobrang talas pala talag ng bibig ni Dwight."P-Pero hindi k