Wanted Not Perfect Daddy

Wanted Not Perfect Daddy

last updateHuling Na-update : 2023-12-12
By:   Queenregina1994  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 Mga Ratings. 4 Rebyu
81Mga Kabanata
1.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Pinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si Alejandro na grabe makabantay sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin lalo pa't istrikto din ito. Pero sa pagdaan ng panahon, hindi na niya namalayan na nagkakagusto na pala siya sa bodyguard niya, it's impossible! Pero paano nga ba niya pipigilan ang pagtingin niya kay Alejandro kung nasa iisang bahay lang sila?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

Papauwi na siya sa Las Vegas. “Safe travel everyone,” iyon ang narinig ni Cassandra habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sinasakyang eroplano.. Nalaman kasi ng kaniyang mama at papa ang pagtakas niya sa kaniyang eskwelahan at ang walang paalam na pagpunta niya sa Hongkong para gumala. Nayayamot siya habang nakatingala sa mga flight attendant na nagche-check sa mga compartment sa kaniyang bandang uluhan. Ngumiti ang babaeng iyon sa kaniya, kaya ngumiti na rin siya. Tumagal ng ilang oras ang biyahe niya, kaya ang naging pantangal ng inip niya ay ang pagsuot ng headphone at ang pagpili ng mga kanta sa kaniyang ipod. It’s been a decade since it was released and outdated na ngayon, pero ewan ba niya kung bakit gustong-gusto pa rin niya ang lumang ipod na iyon. Iyon kasi ang bigay ng kaniyang kababata noon, si Kata, ang isa sa mga kaibigan niya sa bayan ng San Luisita. That place where her lolo loved her so much. Sampung taon na rin ang lumipas nang mawalay siya sa kaniyang pinakamamahal...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Queenregina1994
Help me gain this to 1k views...
2024-04-25 22:04:28
2
user avatar
Queenregina1994
Thank you sa mga nagbasa .........
2024-04-25 00:48:15
1
user avatar
C.M. LOUDEN
Highly recommended to read :)
2024-04-23 11:51:20
1
user avatar
Queenregina1994
Hello everyone, please read this book. Don't forget to rate it. Thanks !
2023-08-04 12:10:03
1
81 Kabanata
Kabanata 1
Papauwi na siya sa Las Vegas. “Safe travel everyone,” iyon ang narinig ni Cassandra habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sinasakyang eroplano.. Nalaman kasi ng kaniyang mama at papa ang pagtakas niya sa kaniyang eskwelahan at ang walang paalam na pagpunta niya sa Hongkong para gumala. Nayayamot siya habang nakatingala sa mga flight attendant na nagche-check sa mga compartment sa kaniyang bandang uluhan. Ngumiti ang babaeng iyon sa kaniya, kaya ngumiti na rin siya. Tumagal ng ilang oras ang biyahe niya, kaya ang naging pantangal ng inip niya ay ang pagsuot ng headphone at ang pagpili ng mga kanta sa kaniyang ipod. It’s been a decade since it was released and outdated na ngayon, pero ewan ba niya kung bakit gustong-gusto pa rin niya ang lumang ipod na iyon. Iyon kasi ang bigay ng kaniyang kababata noon, si Kata, ang isa sa mga kaibigan niya sa bayan ng San Luisita. That place where her lolo loved her so much. Sampung taon na rin ang lumipas nang mawalay siya sa kaniyang pinakamamahal
last updateHuling Na-update : 2023-08-02
Magbasa pa
Kabanata 2
“Who the hell are you?” Iyon ang nasambit ni Cassandra habang tanaw ang lalaking iyon. Alam niyang hindi niya ito kilala at lalong hindi ito ang driver na palaging inuutusan ng mama’t papa niya. Napalunok siya bago kinuha ang kung anong spray sa bag niya. Nasa likuran siya ng sasakyan at tila nakatulog siya sa ganoong ayos. Sinipat siya ng lalaking iyon sa repleksyon ng salamin sa front mirror. Ngumiti ito saka pa nagsalita, “I am the one asking your name first, but you don’t tell your true name,” sarkastikong sambit nito kay Cassandra kaya ginapangan siya ng kakaibang kaba. Ito kasi madalas ang nakikita niya sa sine, kikidnapin siya at pagsasamantalahan at papatayin! Naghihistirikal ang isip niya sa oras na iyon. “O heavenly father..” sinimulan niyang magdasal. “What are you doing?” tanong pa ng lalaking iyon. Hindi siya nagpagambala rito kaya mas tumaas ang boses ng lalaking iyon, “Hey!” untag pa nito. Kaya imbes na pumikit at maging kabado ay ubod-lakas na sinipa ni Cassandra ang
last updateHuling Na-update : 2023-08-02
Magbasa pa
Kabanata 3
"Wake up little bird!" Sambit ni Alejandro sa dalaga na noo'y nakadipa habang komportableng nakahiga sa kaniyang kama. Halos mapatalon sa pagkakabigla si Cassandra nang mapansing kasama niya ang lalaking iyon. "The fuck I'm here? Ni-rape mo ba ako? I will sue you! I will sue you!" Sambit niya sabay turo sa mukha ng nakatayong binata. "Oh, okey, then sue me after you dress yourself," mahinang sambit ni Alejandro habang binabagtas ng kaniyang paningin ang kabuuan ni Cassandra, "you're horrible." Sabi pa nito sabay talikod. "Hoy! bakulaw! Anong sabi mo?" sabi pa ni Cassandra sabay bato ng kaniyang bag na nasa gilid ng kama. Agad namang natamaan nito ang malapad na likod ng lalaki na animo'y pader na napahinto sa paglalakad. "Hindi pa tayo tapos mister! Bakit ako nandito? Saan mo ba ako dinala?" sambit pa niya na tila na-amnesia sa mga pangyayari sa nagdaang sandali. Marahang sinipat patagilid ni Alejandro ang kaniyang mukha sa nagwawalang dalaga. "You're in my condo..and don't worry,
last updateHuling Na-update : 2023-08-02
Magbasa pa
Kabanata 4
DAHAN-DAHANG tinahak ni Cassandra ang malawak na daanan papunta sa bukana ng mansion ng kaniyang lolo Ejercito, pagbungad pa lang niya sa may gate ay narinig na niya ang pagpito ng kung ano at kasunod n'on ay ang pagtambol at pagtorotot ng mga insrumento. Eh? Anong mayroon? Satsat pa ng isip n'ya. Mayamaya pa ay may nakita niya ang pagmartsa ng mga nakaunipormeng kababaihan na may dalang baton, may mga nagda-drum din at ang ilan na may dalang mga flaglets na sumasayaw. May fiesta ba? Dagdag pa na tanong ng isip n'ya. Naunang maglakad si Kata sa kaniya kaya kinalabit n'ya ito. "Bes, sinong nag-request na may ganiyan?" turo pa ni Cassandra sa bandang sumalubong sa kaniya. "Ay, oo, surpresa 'yan ng lolo mo," ngiti pa ni Kata na nakangiti sa kaniya. Dala pa nito ang iilang bagahe n'ya. "Nasa'n si bakulaw?" nakangusong tanong n'ya rito. "Ha?" kunot-noong tanong ni Kata sa kaniya. "Where's that freak?" kibit-balikat na tanong niya. She means Alejandro, the man she doesn't like a hundr
last updateHuling Na-update : 2023-08-02
Magbasa pa
Kabanata 5
Nang makaalis sa kwarto ni Alejandro ay agad niyang tinungo ang kwarto niya saka pa padabog na nagkulong. Napasandal siya sa pintuan. "Sh—t!" gigil niyang litanya na pumapadyak-padyak pa dahil sa inis. Bumuga pa siya ng hininga saka pa padabog na tinungo ang kama. Malay ba niyang magkatabi pala ang kwarto nila ng bakulaw na 'yon, eh nasanay siyang..siya lang ang may kwarto sa taas ng mansion. Humiga siya sa kama at nag-isip. Kung paparito siya sa mahabang panahon, baka mabaliw siya, she can't stand that man in her castle! Dapat ay mapaalis niya ito sa lalong madaling panahon. Kaya naisip niya ang isang ideya. Agad siyang naupo ng tuwid at ngumiti. "Ang talino ko talaga!" sabi pa niya saka agad na nagbihis at nag-ayos, 'yong parang maglalakwatsa sa club. Labas ang pusod niya sa suot na hanging sando. Nakasuot din siya ng shorts na litaw ang mapuputing hita niya. Pinagbutihan din n'yang itali ang kaniyang mahabang buhok, 'yong naka-messy bun na istilo. Kaharap niya ang salamin nang ma
last updateHuling Na-update : 2023-08-02
Magbasa pa
Kabanata 6
Matapos maka-sumbit ng papers at registration form ay agad na natanggap si Cassandra sa eskwelahan. Bachelor of Science major in Psychology ang kinuha niya, since ito naman ang nasimulan niya sa San Francsico. May mga na-credit sa subject niya at mayroon ding nadagdag since iba ang curriculum ng pilipinas. Nakaupo siya ngayon sa isang bleacher habang pinapaypay ang folder. "Nasaan na ba ang bakulaw na 'yon, 'bat ba kasi niya ako iniwan, Aish!" saad niya na halatang nababagot na. Nilinga niya ang paningin sa paligid, balak niyang hanapin si Alejandro pero baka mawala siya sa lugar, hindi pa naman niya kabisado ang paaralan. Nang mapagpasyahan niyang tumayo ay tinungo na niya ang parking lot sa labas ng gate at minabuting doon na lang mag-hintay. "Kainis!" pagdadabog pa niya habang sinisipat ang wrist watch niya. Malapit nang mag-alas kwatro, gusto pa naman niyang mag-pictorial sa may bukirin. "Hey!" napalingon siya sa boses na iyon. Agad siyang lumingon, nakita niya si Alejandro n
last updateHuling Na-update : 2023-08-03
Magbasa pa
Kabanata 7
Nasa kama na si Cassandra that time while staring the ceiling. Nasa isipan pa rin niya ang naganap kaninang hapon. Ramdam pa rin niya ang iregular na pagpintig ng kaniyang puso. "It couldn't be, I hate him." Anas pa niya sa sarili. Inabot pa niya ang kaniyang phone at doo'y tiningnan ang mga kuha ni Alejandro sa kaniya. Nang mabuksan niya ang gallery ay nandoon ang kuha niya na naka-focus ang mukha niya. Tanaw niya ang ngiti sa kaniyang mukha. And as she noticed earlier, nandoon din ang video na nakunan ni Alejandro. She smiled staring herself."Walang hiya talaga.." sabi pa niya saka pa napangiti. She didn't realize that Alejandro is annoying her, but the fact na maganda naman ang bawat capture nito sa kaniya. Madalas ay naka-zoom iyon sa mukha niya kaya she can't help it but to smile. Nang ma-scroll niya ang gallery ay naroon ang mga ibang pictures niya, nandoon din ang ibang litrato ng ex-boyfriend niyang si Jerick Santiago. Ito ang matagal niyang boyfriend noon but it seems, hindi
last updateHuling Na-update : 2023-08-08
Magbasa pa
Kabanata 8
Matapos ang usapan nila ni Alejandro sa bubong ay napagpasyahan nilang matulog na. Alejandro was now lying in his bed, hawak niya ang kaniyang phone, tinitingnan niya ang mga larawang kuha ng kaniyang mga kapatid. Inisa-isa niya iyon. He saw his sister, Chanel. His sister who is now living in Australia, mayroong negosyo ito doon, and as what he remembered, ito ang independent na kapatid niya, close siya rito lalo pa't pareho silang seryoso sa mga bagay-bagay. Nakita rin niya doon ang larawan ng ikatlong kapatid niya, si Jillian, ang kapatid niyang napakabait. Wala siyang naalalang naging kaaway nito, she is his loving sister na ngayo'y nasa California na dahil doon ito nadestino sa pagiging health worker. Nang ma-scroll niya ang iba pang larawan ay nakita niya ang tatlong kapatid niya. Sina Aira, Rheg at si Ada, ito ang parating nakakasama niya even they are not still living together. Nasa Las Vegas sina Aira at Rheg, pinapatakbo nito ang bar na nabili niya noon. Paminsan-minsan ay
last updateHuling Na-update : 2023-08-16
Magbasa pa
Kabanata 9
"Ang galing naman po n'yan, señorita, ano po ang ginagawa ninyo?" Tanong pa ng matanda. "Ito po ang garlic bread in beans, pagkatapos ko pong isahog ang tinapay sa pan, ay lalagyan ko po ito ng sausage and beans. Ayon lang, madaliang luto lang po ito, madalas ko po itong ginagawa sa States, lalo na kapag late na ako kung gumising." Sabi pa niya sa matanda na nag-obserba lang sa ginagawa niya. "Sige ho, pag-aaralan ko po iyan, para ako na ho ang gumawa." Nakangiting saad ng matanda. Ngumiti si Cassandra. "Ano po ba 'yan manang?" turo pa nito sa katatapos lang na niluto nito. "Ay, gulay po. Pinaluto ni sir Alejandro para po kay Don Ejercito, ito po kasi ang healthy diet na pwede sa lolo po ninyo." Sabi pa ni manang Anda. "Ah, gan'on po ba? Ahm..si Alejandro po ba? Alam n'yo ba ang paborito niyang almusal?" she said while holding his fingers crossed behind. Nagdarasal siyang hindi siya mahalata ng matanda. "Ay, oo alam na alam ko ang paborito ni sir, kuwan..sa umaga, madalas gusto
last updateHuling Na-update : 2023-08-16
Magbasa pa
Kabanata 10
Walang imik sina Alejandro at Cassandra habang nagmamaneho, papunta sila sa rancho ng mga Guerrero, may kukunin lang umano itong importanteng papeles. "We're here," sabi pa ni Alejandro na agad nag-park sa gilid ng isang bahay. Malawak ang lupain nila, matatanaw rin ang isang kwadra ng kabayo at isang barn house sa gilid. Nang makababa sina Alejandro at Cassandra ay agad na nilibot ni Cassandra ang paningin. Simpleng cabin house ang tahanan nila Alejandro, malawak ang balkonahe nito at yari ito sa purong kahoy na halatang matitibay. Malapit ito sa isang ilog at natatanaw din ni Cassandra ang mga halamang nakahilera sa palibot ng bahay. "Ang ganda ng bahay ninyo," saad pa ni Cassandra kay Alejandro habang naglalakad papanhik sa balkonahe. May dalawang awang ng hagdanan iyon bago makapasok sa pintuan ng bahay. "Suit yourself." Sabi pa ni Alejandro na nilahad ang papasok na daan. Nang makapasok sila sa bahay ay may nakita silang dalaga, parang hindi nalalayo ang edad nito kay Cassan
last updateHuling Na-update : 2023-11-23
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status