"Ang galing naman po n'yan, señorita, ano po ang ginagawa ninyo?" Tanong pa ng matanda. "Ito po ang garlic bread in beans, pagkatapos ko pong isahog ang tinapay sa pan, ay lalagyan ko po ito ng sausage and beans. Ayon lang, madaliang luto lang po ito, madalas ko po itong ginagawa sa States, lalo na kapag late na ako kung gumising." Sabi pa niya sa matanda na nag-obserba lang sa ginagawa niya. "Sige ho, pag-aaralan ko po iyan, para ako na ho ang gumawa." Nakangiting saad ng matanda. Ngumiti si Cassandra. "Ano po ba 'yan manang?" turo pa nito sa katatapos lang na niluto nito. "Ay, gulay po. Pinaluto ni sir Alejandro para po kay Don Ejercito, ito po kasi ang healthy diet na pwede sa lolo po ninyo." Sabi pa ni manang Anda. "Ah, gan'on po ba? Ahm..si Alejandro po ba? Alam n'yo ba ang paborito niyang almusal?" she said while holding his fingers crossed behind. Nagdarasal siyang hindi siya mahalata ng matanda. "Ay, oo alam na alam ko ang paborito ni sir, kuwan..sa umaga, madalas gusto
Last Updated : 2023-08-16 Read more