Share

Kabanata 5

last update Last Updated: 2023-08-02 10:38:34

Nang makaalis sa kwarto ni Alejandro ay agad niyang tinungo ang kwarto niya saka pa padabog na nagkulong. Napasandal siya sa pintuan.

"Sh—t!" gigil niyang litanya na pumapadyak-padyak pa dahil sa inis. Bumuga pa siya ng hininga saka pa padabog na tinungo ang kama. Malay ba niyang magkatabi pala ang kwarto nila ng bakulaw na 'yon, eh nasanay siyang..siya lang ang may kwarto sa taas ng mansion.

Humiga siya sa kama at nag-isip. Kung paparito siya sa mahabang panahon, baka mabaliw siya, she can't stand that man in her castle! Dapat ay mapaalis niya ito sa lalong madaling panahon. Kaya naisip niya ang isang ideya. Agad siyang naupo ng tuwid at ngumiti.

"Ang talino ko talaga!" sabi pa niya saka agad na nagbihis at nag-ayos, 'yong parang maglalakwatsa sa club. Labas ang pusod niya sa suot na hanging sando. Nakasuot din siya ng shorts na litaw ang mapuputing hita niya. Pinagbutihan din n'yang itali ang kaniyang mahabang buhok, 'yong naka-messy bun na istilo. Kaharap niya ang salamin nang maglagay siya ng liptint at marahang pinisil-pisil ang pisngi. Iyon na kasi ang nakasanayan niyang gawin to make her cheecks more pinkish.

Kinuha pa niya ang kaniyang phone at isang sling bag. If she can't use her phone due to signal interruption, mas mabuting gamitin niya iyon sa pictorial! Oo, magpi-pictorial siya sa bukirin, o sa kung anumang lugar naroroon siya. Dala na rin niya 'yong papel na isa-submit niya sa school, ayaw na niyang magpatumpik-tumpik pa, dapat ay magmadali siya sa pinaplano niya.

After she dressed up ay agad siyang lumabas sa kwarto at kinatok ang kwarto ni Alejandro, 'yong parang may sunog dahil sa pagkalabog niya.

Mayamaya pa ay niluwa roon ang naka-kunot-noong binata. He was so fresh on his black sando, na nagpapalitaw sa kaniyang matipunong braso, tanaw ni Cassandra roon ang tribal tattoo nito.

"What?" busangot na saad ng bakulaw sa kaniya.

"Ahm..ano kasi.." nag-aatubili siya sa pagsabi, nawala ang minemorya niyang sentence.

"What? I'm busy reading my books." Sabi pa nito sa walang emosyong boses. Parang walang modo ito kung nagsalita.

The nerve of him! Hindi mapigilan ni Cassandra ang mainis rito.

"I want you to drive me outside! I need to submit my documents in somewhere, kung saang eskwelahan ako pwede." Sabi pa ni Cassandra sa pautos na boses. He glare his eyes, as if wala itong narinig. Nanatili lang itong nakatayo.

"Hey? Binge ka ba?"

Umiling ito.

"O, ano pang hinihintay mo? Let's go." She stepped forward to his face.

"First, I am not your driver, second, I do deserve some 'please' if you need help, third, I'm not your slave, forth, of course I have a name, it's Alejandro, señorita." Sabi pa ni Alejandro na parang attorney kung magsalita, dinaig yata nito ang papa niya sa pagmando ng mga katagang 'yon. Napaawang ang bibig niya.

"You're.. Argh! Fine! Please!" sabi pa ni Cassandra na pinapakalma ang sarili.

Ngumiti si Alejandro, natigilan siya. Ba't ba kasi ang gwapo nito. Nakakainis!

"So, if you say so, magbibihis muna ako...maari ba?" sabi pa ni Alejandro na napuna ang pagtitig ni Cassandra sa braso niya. Agad nitong isinara ang pintuan na nagpabalik sa diwa ni Cassandra. Nahimasmasan siya sa pagdabog ng pintuan.

"Walanghiya talaga ang lalaking 'yon!" inis na saad niya nang makita ang pagmumukha na halos masemplang ng pintuang dumikit sa tungki ng ilong niya. Nakasimangot siya na nagmartsa sa hagdanan, pumanaog siya at napagpasyahang lumabas muna.

Nang makalabas siya ay nakita niya ang iilang trabahador ng lolo niya na nakatingin sa kaniya, so, she help herself to smile and greet them with a wave of hello. Ayaw naman niyang maging bastos sa mga ito, kaya pinilit niyang ngumiti. Mayamaya pa ay nilampasan na siya ni Alejandro na dumiretso sa kotseng nasa harapan niya.

The nerve! Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan? Satsat ng isip niya na nakasimangot kay Alejandro. Nakasilid na ito sa kotse na pasimpleng nag-ayos sa salamin.

"O, ano pang hinihintay mo? Let's go!" pabalik na sabi nito kay Cassandra na tila tinutukso siya. Ganoon kasi ang pagkakasabi niya kanina rito, balak yatang gumanti!

Padabog siyang nagbukas ng pinto sa passenger's side at sumilid sa upuan. Pabalang din niyang sinarado ito kaya naglikha iyon ng ingay na umagaw ng atensyon sa kanila.

Ngumiti lang ang bakulaw sa mga taong nandoon, animo'y tatakbo ng konsehal dahil patango-tango pa ito sa kanila at pakaway-kaway.

"Aish!" saad niya na gigil na inirapan ang lalaking katabi niya.

"So saan mo gustong mauna?"

"Mag-drive ka lang.." she replied.

Napansin niyang mas binilisan nito ang pagmamaneho, ginapangan siya ng kaba.

"Wait...wait...wait." Sabi pa niya na itinaas pa ang dalawang palad sa ere.

Pero hindi siya pinansin ni Alejandro.

"Stop..stop..stop." Sabi pa niya, but this dork is still driving crazy! Literally!

Napahawak sa sariling dibdib si Cassandra.

"Oh god! Oh heavenly father, oh have mercy!" litanya niya habang mabilis na pinapatakbo ni Alejandro ang kotse. Wala itong pakundangan sa pagmamaneho, kahit lubak-lubak ang daan.

"Aaahh!" Tili pa ni Cassandra na naluluha na dahil sa nerbyos.

"You said, just drive... I asked you, but you insist your poor attitude, so I just give you an equal." Mahinang boses ni Alejandro na nag-full break ng pedal. Halos masubsob si Cassandra sa dashboard ng sasakyan dahil nakalimutan niyang mag-seatbelt.

Natigilan si Alejandro nang mapansing nanginginig si Cassandra. He bit his lower lip. Parang nagsisisi siya sa pagiging naive sa dalaga. Gusto lang naman sana niyang turuan ito ng leksyon.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito at pinakalma.

"Just breath." Tipid na saad niya sa dalaga na ayaw tumingin sa mukha niya. Nakayuko lang ito habang naghahabol ng hininga.

"I'm...I'm sorry." He said as an apology.

Mayamaya pa ay nag-angat ito ng tingin, nakita niya ang namumulang mata nito, napatiim-bagang siya. Iyon ang ayaw na ayaw niyang makita, ang makitang umiiyak ang mga babae. He felt guilty.

He immediately handed her a bottled water. Nainuman na niya 'yon ng kaunti, but he think that it might help Cassandra to lessen her feeling.

"I really hate you." Mahinang sambit ni Cassandra saka pa kinuha ang bottled water at ininom iyon. Nag-panic siya kanina, since she felt helpless with this man she didn't even know.

Pinandilatan niya ito saka pa umayos ng pag-upo.

"Let's go to that school, if saan man 'yon." She crossed her arms at sumandal sa bintana.

"Okey," tipid na saad ni Alejandro saka pa nagsimulang paandarin ang kotse. Ilang minuto ang pumagitan sa kanila ang katahimikan. Tahimik lang si Cassandra na nakatingin sa labas ng bintana.

Bandang hapon na 'yon kaya ramdam niya ang sinag ng araw, tanaw niya ang nakahilerang talahiban, mga pananim at mga naka-trim na mga Bermuda grass since malawak ang rancho ng lolo Ejercito niya. May mga puno rin na hitik na hitik sa laki at taas. Naroroon din ang mga magagandang bulaklak sa parang na sinasayaw ng hangin.

Bumuntung-hininga siya, ramdam niya ang vibes ng probinsya, ibang-iba ito sa States, mas presko ang hangin dito, mas may buhay, mas kaaya-aya.

Mayamaya pa ay nakita na nila ang bukana ng syudad, ang bayan ng San Luisita. Nang madako sa bandang sentro malapit sa isang malaking gusali na tila City Hall ay lumiko si Alejandro at nag-park sa isang gate. Papasok ito sa isang paaralan na halatang iba sa pinapasukan niya sa San Fransisco. Malawak ang paaralan since nasa sentro ito. Nilinga niya ang katabi at nagtanong.

"Where are we?"

"We're here, ito ang PCCU," saad pa ni Alejandro.

"PCCU?"

"Yes, Province of San Luisita College University."

"Is it accurate and excellent?" tanong pa ni Cassandra kay Alejandro.

"Yes, dito nagtuturo ang isa sa mga kaibigan ko, magna cum laude 'yon, and of course, I assure you that you will learn something here." Diniin pa nito ang huling salita.

"Okey, let's go," sabi pa niya saka pa naunang magbukas ng pintuan. Ni hindi na nga niya hinintay si Alejandro, she know na mabilis itong maglakad kaya taas-noo siyang nauna sa kung saan man ang registrar dito.

Mayamaya pa ay naramdaman niyang katabi na niya ito. "The next time, please wait me before you go, you don't know where you're heading, don't be silly, señorita." Sabi pa nito na hindi tumitingin sa kaniya. Halos tumingala naman si Cassandra dahil may kataasan ang height ni Alejandro, since halos nasa balikat lang nito ang height niya.

Hindi niya pinuna ang sinabi nito, but she literally amazed on how he talked, how he walked, and how he—left her.

Wait?

Nauna na itong naglakad sa kaniya, ang lakas ng paglalakad nito to the point na tumatakbo na siya para sundan ito.

"Wait, wait, wait.." sabi pa niya sabay kalabit sa braso nito para mahila siya sa paglalakad nito. Pansin niyang napako ang tingin ni Alejandro sa kamay niya. Parang ayaw yata nitong hawakan niya iyon.

Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha ni Cassandra ang kamay niya, as if na parang napaso siya sa titig ng binata. Mayamaya pa ay nasa likuran siya nito na sinusundan lang ang pagyapak niya. Napapansin pa niyang panay kaway ito sa mga estudyanteng nandoon.

Wow? Artista?! satsat ng isip niya habang nilinga-linga ang paningin.

"We're here." Narinig niya rito, but she messed up, nang hindi mapansing tumigil ito sa paglalakad. Napasubsob siya sa likuran nito. Para itong pader, batak na batak ang muscles nito sa likod. Agad niyang binawi ang mukhang dumikit at nag-ayos sa sarili.

Dahan-dahan siyang nilingon ni Alejandro at kunot-noong nagsalita.

"Bakit ba kung saan-saan ka na lang sumusobsob?"

She managed to be strong, helding her cheeks up tight.

"Nasaan ang registrar?" pag-iiba pa niya sa binata saka pa nilampasan ito.

"Wait.." narinig pa niya muli kay Alejandro.

Nilingon niya ito.

"Bakit gan'yan ang suot mo? Saan ka ba magpapasa? Sa school o sa isang club?" halos pinasada ni Alejandro ang mata nito sa suot niya.

She doesn't care, nanatili siyang matigas. "It's not in the dress I wear, Alejandro! Don't judge the book by it's cover!" she said saka pa taas-noong naglakad sa may window ng registrar.

Naiiling na lamang si Alejandro sa babaeng ito, kani-kanina lamang ay napaka-vulnerable ng mukha nito, pero ngayon nama'y parang pengguin na taas noong naglalakad na halos n*******d na sa paningin ng iba. Nakita pa niya ang mga mata ng kalalakihan doon na pinapasadahan ng tingin si Cassandra habang nakalinya sa registrar. Hindi niya maatim na tumingin na lang, kaya minabuti niyang hubarin ang jacket at marahas na tinungo ang dalaga at pinasuot sa baywang nito.

"Ano ba!" sita pa ni Cassandra. But he still manage to put it on her waist.

"Better." He said na nakatiim-bagang. Nilinga rin ni Alejandro ang mga mata ng lalaking estudyante na nagsi-alisan nang mapansing kasama niya ang dalaga. Kilala kasi siya ng mga ito na kilabot ng San Luisita. Kilala siya roon kahit pa taliwas iyon sa pagiging public servant niya ngayon, noon kasing nasa pagbibinata pa siya ay laman siya ng gulo noon, kaya hindi kataka-taka na binansagan siyang Alejandro-Barumbado.

Nakasunod siya kay Cassandra nang biglang maramdaman niyang may tumapik sa braso niya. Napalingon siya na aksyon na sana niyang susuntukin kung sinuman iyon.

"Easy pare!" wasiwas pa ni Luis. Ang kaibigan niya.

"You twerp!" sambit ni Alejandro sa kaibigan na agad na kinorner ang ulo nito sa kaniyang braso. Ginulo pa niya ang buhok nito.

"Stop it Primero!" sabi pa ni Luis na tawang-tawa.

"Ba't ka nandito?" tanong pa ni Luis sa kaniya. Umayos muna si Alejandro saka nilingon ang babaeng nakatingin sa kanila.

Nagpabalik-balik ng tingin si Luis kay Alejandro at kay Cassandra. He seems clueless, kaya nag-abot si Cassandra ng kamay.

"I'm Cassandra Monteverde," pakilala pa ni Cassandra kay Luis. Agad naman itong tinanggap ni Luis para sana halikan, but Alejandro immediately crash their connection.

"Ano ka ba naman pare!" bitin na sambit ni Luis.

"We're here to register, do it." Nagtunog mando ito but it seems Luis isn't affected. Nakangiti lang ito saka pa inakbayan si Alejandro papalayo kay Cassandra.

Nalilito tuloy si Cassandra kung sasama ba siya sa mga ito o mananatili ba siya sa pila ng registar.

"Mga may topak!" sambit pa niya saka pa umismid.

...itutuloy.

Related chapters

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 6

    Matapos maka-sumbit ng papers at registration form ay agad na natanggap si Cassandra sa eskwelahan. Bachelor of Science major in Psychology ang kinuha niya, since ito naman ang nasimulan niya sa San Francsico. May mga na-credit sa subject niya at mayroon ding nadagdag since iba ang curriculum ng pilipinas. Nakaupo siya ngayon sa isang bleacher habang pinapaypay ang folder. "Nasaan na ba ang bakulaw na 'yon, 'bat ba kasi niya ako iniwan, Aish!" saad niya na halatang nababagot na. Nilinga niya ang paningin sa paligid, balak niyang hanapin si Alejandro pero baka mawala siya sa lugar, hindi pa naman niya kabisado ang paaralan. Nang mapagpasyahan niyang tumayo ay tinungo na niya ang parking lot sa labas ng gate at minabuting doon na lang mag-hintay. "Kainis!" pagdadabog pa niya habang sinisipat ang wrist watch niya. Malapit nang mag-alas kwatro, gusto pa naman niyang mag-pictorial sa may bukirin. "Hey!" napalingon siya sa boses na iyon. Agad siyang lumingon, nakita niya si Alejandro n

    Last Updated : 2023-08-03
  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 7

    Nasa kama na si Cassandra that time while staring the ceiling. Nasa isipan pa rin niya ang naganap kaninang hapon. Ramdam pa rin niya ang iregular na pagpintig ng kaniyang puso. "It couldn't be, I hate him." Anas pa niya sa sarili. Inabot pa niya ang kaniyang phone at doo'y tiningnan ang mga kuha ni Alejandro sa kaniya. Nang mabuksan niya ang gallery ay nandoon ang kuha niya na naka-focus ang mukha niya. Tanaw niya ang ngiti sa kaniyang mukha. And as she noticed earlier, nandoon din ang video na nakunan ni Alejandro. She smiled staring herself."Walang hiya talaga.." sabi pa niya saka pa napangiti. She didn't realize that Alejandro is annoying her, but the fact na maganda naman ang bawat capture nito sa kaniya. Madalas ay naka-zoom iyon sa mukha niya kaya she can't help it but to smile. Nang ma-scroll niya ang gallery ay naroon ang mga ibang pictures niya, nandoon din ang ibang litrato ng ex-boyfriend niyang si Jerick Santiago. Ito ang matagal niyang boyfriend noon but it seems, hindi

    Last Updated : 2023-08-08
  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 8

    Matapos ang usapan nila ni Alejandro sa bubong ay napagpasyahan nilang matulog na. Alejandro was now lying in his bed, hawak niya ang kaniyang phone, tinitingnan niya ang mga larawang kuha ng kaniyang mga kapatid. Inisa-isa niya iyon. He saw his sister, Chanel. His sister who is now living in Australia, mayroong negosyo ito doon, and as what he remembered, ito ang independent na kapatid niya, close siya rito lalo pa't pareho silang seryoso sa mga bagay-bagay. Nakita rin niya doon ang larawan ng ikatlong kapatid niya, si Jillian, ang kapatid niyang napakabait. Wala siyang naalalang naging kaaway nito, she is his loving sister na ngayo'y nasa California na dahil doon ito nadestino sa pagiging health worker. Nang ma-scroll niya ang iba pang larawan ay nakita niya ang tatlong kapatid niya. Sina Aira, Rheg at si Ada, ito ang parating nakakasama niya even they are not still living together. Nasa Las Vegas sina Aira at Rheg, pinapatakbo nito ang bar na nabili niya noon. Paminsan-minsan ay

    Last Updated : 2023-08-16
  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 9

    "Ang galing naman po n'yan, señorita, ano po ang ginagawa ninyo?" Tanong pa ng matanda. "Ito po ang garlic bread in beans, pagkatapos ko pong isahog ang tinapay sa pan, ay lalagyan ko po ito ng sausage and beans. Ayon lang, madaliang luto lang po ito, madalas ko po itong ginagawa sa States, lalo na kapag late na ako kung gumising." Sabi pa niya sa matanda na nag-obserba lang sa ginagawa niya. "Sige ho, pag-aaralan ko po iyan, para ako na ho ang gumawa." Nakangiting saad ng matanda. Ngumiti si Cassandra. "Ano po ba 'yan manang?" turo pa nito sa katatapos lang na niluto nito. "Ay, gulay po. Pinaluto ni sir Alejandro para po kay Don Ejercito, ito po kasi ang healthy diet na pwede sa lolo po ninyo." Sabi pa ni manang Anda. "Ah, gan'on po ba? Ahm..si Alejandro po ba? Alam n'yo ba ang paborito niyang almusal?" she said while holding his fingers crossed behind. Nagdarasal siyang hindi siya mahalata ng matanda. "Ay, oo alam na alam ko ang paborito ni sir, kuwan..sa umaga, madalas gusto

    Last Updated : 2023-08-16
  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 10

    Walang imik sina Alejandro at Cassandra habang nagmamaneho, papunta sila sa rancho ng mga Guerrero, may kukunin lang umano itong importanteng papeles. "We're here," sabi pa ni Alejandro na agad nag-park sa gilid ng isang bahay. Malawak ang lupain nila, matatanaw rin ang isang kwadra ng kabayo at isang barn house sa gilid. Nang makababa sina Alejandro at Cassandra ay agad na nilibot ni Cassandra ang paningin. Simpleng cabin house ang tahanan nila Alejandro, malawak ang balkonahe nito at yari ito sa purong kahoy na halatang matitibay. Malapit ito sa isang ilog at natatanaw din ni Cassandra ang mga halamang nakahilera sa palibot ng bahay. "Ang ganda ng bahay ninyo," saad pa ni Cassandra kay Alejandro habang naglalakad papanhik sa balkonahe. May dalawang awang ng hagdanan iyon bago makapasok sa pintuan ng bahay. "Suit yourself." Sabi pa ni Alejandro na nilahad ang papasok na daan. Nang makapasok sila sa bahay ay may nakita silang dalaga, parang hindi nalalayo ang edad nito kay Cassan

    Last Updated : 2023-11-23
  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 11

    After their lunch, ay nakumbinse ni Cassandra si Alejandro na turuan siyang mangabayo. Desidido siya na matuto lalo pa't gusto niyang makasama sa pangangabayo ng kaniyang lolo Ejercito."Okey, narito na tayo sa sabsaban, pumili ka ng kabayo, señorita," ani ni Alejandro na minabuting sumilid sa may kwadra ng mga kabayo.Nakatayo lang si Cassandra habang nagmamasid sa mga nakahilerang kabayo."Gusto ko 'yong maamo, hindi matigas ang ulo." Ani Cassandra na hawak ang sariling baba."Maybe, Andromida will do, siya ang napakaamong kabayo sa lahat.""Which one?" she asked.Agad namang kinuha ni Alejandro ang kabayong may kulay tsokolate, purong kayumanggi ang kulay nito na may puting kulay sa noo. Itim naman ang kulay ng kaniyang balahibo sa buntot."This one." Ani Alejandro na hinila ang tali sa may ilong ni Andromida."I like him!""She's a girl."Ay, I like her, pala..siguro'y makakasundo ko siya." Ngiti pa niya saka dahan-dahang lumapit kay Andromida.Akmang hahawakan niya ang noo nito n

    Last Updated : 2023-11-23
  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 12

    Nang makauwi sa may kwadra sina Alejandro at Cassandra ay agad na na inasikaso ng binata si Cassandra, chine-check nito kung may sugat o gasgas ito."I'm fine," saad pa ni Cassandra habang hawak-hawak siya ni Alejandro."I must assure you're totally fine, señorita," he said while checking her elbows and knees.Sa ginagawa ng binata'y lihim na napangiti si Cassandra. She was delighted when Alejandro holds her wrist, panay silakbo ang puso niya sa kaganapan, pero mas lumakas yata ang pintig n'on habang kasama niya ang binata."I guess, a water will do, inuuhaw ako." Pagsisinungaling pa niya dahil ang lagkit na ng pakiramdam niya sa oras na iyon."Okey." Saad naman ni Alejandro na agad tumalima papasok sa bahay. Naiwan si Cassandra sa may upuan, na nakasilong sa isang puno. Katabi nito ang kwadra na kinalalagyan ng mga kabayo.Nilinga pa niya ang paningin at nakita ang ilog na kanina lang ay pinamimingwitan niya ng isda."Hmm, makapaghugas nga r'on." Ani niya saka pa nagtungo sa ilog.Sh

    Last Updated : 2023-11-23
  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 13

    Nang makauwi sa mansyon ng Monteverde ay agad na inasikaso ni Alejandro si Cassandra. Nauna siyang lumabas para magbuksan ito ng pintuan. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito. Kaya minabuti niyang alalayan ito at kargahin papasok sa mansion. Dahan-dahan niyang kinarga ito at tinungo ang bukana ng mansyon, halatang umagaw iyon sa atensyon ng mga iilang trabahador doon, maging sina manang Anda ay ang nagulat nang makitang karga-karga ang señorita nila. "Manang, please make a hot chocolate." Sabi pa ni Alejandro na agad pumanhik agad sa may hagdan. Dali-dali niyang tinahak ang kwarto ni Cassandra. Nang mapunta na sila sa kwarto ay marahan niyang binuksan ang pinto at pumanhik sa may kama, inalalayan niya si Cassandra na mahiga. He felt that her skin is hot. Agad niya itong hinaplos. "Fu—k!" mahinang anas niya nang maramdamang mainit ito, inaapoy ito ng lagnat! Madali niyang tinungo ang first floor at tinanong kung nasaan ang first aid kit, gusto niyang kunan ng temperatura si Cassan

    Last Updated : 2023-11-23

Latest chapter

  • Wanted Not Perfect Daddy   The Last Show

    In that moment, kapwa sila nakatanaw sa anak nilang si Connor, siya ang speaker sa school nila that time, regarding sa speech nito about love, may school activity kasi ito at dapat ay hindi sila mawala sa importanteng okasyon ng anak nila.Kasama rin nila si Gerald na masayang malaman na may kapatid na siya. Isang taon lang ang gap nilang dalawa, naging madali rin dito na tanggapin ang kapatid nito. Ang sabi pa nga nito ay matagal na niyang pinapanalangin na may kapatid siyang lalaki."Look dad, mom, si Connor na po ang susunod." Sabi pa ni Gerald."Okey, let's give him a big hand!" sabi pa ni Alejandro."That's my son!" cheered naman ni Cassandra that time.Ngumiti si Connor sa sandaling iyon saka nagsimula. He starts with a bow."What is Love?" bungad pa ng paslit sa madla.May pa-aksyon-aksyon pa ito habang nakatingin sa lahat ng taong nandoon."Love is when you feel all warm inside, like having a cozy blanket on a chilly day. It's when you hug your teddy bear tight, and it's even

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 80

    "Safe travels everyone," narinig niyang sabi ng flight attendant sa sandaling iyon. Tila nagbabalik sa ala-ala niya ang unang pagkakataon kung kailan siya napunta sa Pilipinas. That moment she's going to her grandparent's place.Nilingon niya ang batang katabi niya ngayon, gaya kanina'y bumalik ito sa pagtulog. Mahimbing pa rin itong natutulog, knowing that Connor gave her the authority na maging protector nito. Kampante ang bata na kasama siya.Bumuntong hininga siya sa sandaling iyon. "Sleep well, Connor." Mahina niyang sambit saka hinalikan ito sa kaniyang buhok. How she wish na sana'y may anak sila ni Alejandro na gaya ni Connor.Napatingin siya sa balat ni Connor na nasa leeg nito, magkapareho sila, may balat din siya sa leeg na gaya ni Connor. Lihim siyang napangiti, marami kasi silang pagkakapareho. No wonder the reason na mabilis silang nagclick na dalawa.Sa sandaling iyon ay kumuha siya ng magazine na nasa gilid ng kinauupuan niya, nagbasa siya doon ng isang article, latest

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 79

    Nasa pier na sina Mabel sa oras na iyon. Kasama niya ang batang si Connor."Ayaw ko na po sa resort, ate ganda. Hindi po ako mahal ni Daddy, busy din po si Mommy. Hindi nila ako mahal, palaging mga yaya ko lang ang kasama ko doon." Naiiyak na sumbong ni Connor kay Mabel."Kawawa ka naman...pero dapat ay ibalik na kita doon.""Please, ate ganda. Huwag mo na po akong ibalik, sa'yo na lang po ako sasama."Nagdadalawang isip man ay walang magawa si Mabel. May kung ano din kasi ang bumubulong sa kaniya na hwag na niyang isauli ang bata doon. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero gusto niyang kasama ang bata at protektahan ito."Hmm, sige. Luluwas tayo sa Davao. Aalis tayo dito sa Samal...""Sige po, kahit saan po, sasama po ako." Sabi pa ni Connor."Pero may problema..." ani ni Mabel."Ano po?""Wala tayong pera..."Ngumiti naman si Connor sa sandaling iyon."Dala ko po ang piggy bank ko."Napangiti na lang si Mabel sa oras na iyon. Matalino rin pala si Connor dahil naisipan nitong dalh

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 78

    "Nice meeting you Connor." Naglamano silang dalawa. Sa sandaling iyon ay parang may koneksyon na gumapang sa buong katawan ni Alejandro. It's very foreign to his system, parang ay kung ano sa bata na hindi niya maalis sa isip niya. May kamukha ito, pero hindi niya mapagtanto ang eksaktong detalye."You're cute." Sabi pa niya rito."Thank you po." Sagot naman ng bata."Ahm, sige Alejandro, enjoy your staycation here," ngiti ni Cassy sa kaniya.Tumango lang siya dito saka nagsara ng kaniyang kwarto. Nang makita ang kabuuan n'on ay kampante niyang nilapag ang dalang bag. Naghubad siya ng suot na shirt at dinama ang kakaibang lamig ng hangin doon. He feels alive again, parang sa lugar na ito makikita niya ang kapayapaan na gusto niya. Sa past weeks na pagtatrabaho ay puro late nights na siya kung makatulog, hectic kasi ang schedule niya at idagdag na rin ang rason na gusto niyang makalimot. Nilulunod niya ang sarili sa trabaho para lang maka-move on... but it's not effective at all."Ahhh

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 77

    Kinabukasan, maagang nagising si Mabel para manguha ng mga tuyong kahoy sa dalampasigan. Iyon ang daily routine niya sa bawat araw. Iyon din ang paraan niya para manumbalik ang memorya niya sa lugar na iyon pero kahit anong pilit niyang pagbalik-balik sa dalampasigan ay wala siyang maalala na nandoon siya noon, wala siyang maaalala na taga-Samal siya."Ah, ano ba kasing nangyari noon...haysss, nakakainis." Sabi pa niya sa sarili habang hawak ang mga kahoy na napulot niya. Ilang sandali pa ay may nakita siyang bata, umiiyak ito sa may bakawan, tila nawawala ito."Hala, bata...anong ginagawa mo dyan?" nilapitan niya ito.Halatang natakot ito nang makita siya."Shh, hwag ka nang umiyak. Hindi naman ako masamang tao e. Tahan na." Sabi pa niya rito."Diyan ka lang po." Sabi ng batang paslit sa kaniya."Hindi ako masama, taga doon ako oh." Turo ni Mabel sa kinaroroonan ng bahay niya.Tiningnan naman iyon ng bata. "Anong pangalan mo?" tanong ng bata sa kaniya."Ako si Mabel, ikaw?""Ahm, ak

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 76

    Unti-unting nagsi-sink in sa isipan ni Mabel na hindi nga siya nanaginip. She's with someone whose holding her arms too tight, like what her dream is telling her about. Pabalik- balik iyon sa isipan niya.Pero parang may mali, nagre-rewind ang pangyayari. It's like a flash of baliktad na eksena. Biglang nagfa-flashback ang mga pangyayari sa utak niya. Mula sa simula, heto na naman ang eksenang nandoon siya, paulit- ulit itong sumasagi sa bawat oras.Nakatayo ako sa kung saan. Baybayin, hampas ng alon, mga ibong malayang lumilipad, mga matatayog na puno ng niyog, puting buhangin, ang ganda ng asul na karagatan at ang nag-iisang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa kaniyang harapan, matamang nakatutok sa kung saan, sinasayaw ng hangin ang suot nito. Isang eksena habang babad sila sa magandang sinag ng takip-silim. Dahan-dahan siyang lumapit, isang hakbang papalapit, isang puldaga na lang ang kaniyang mga kamay, upang sana'y mahawakan niya ito. Nang biglang—"Mabel, gumising ka na, tang

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 75

    Cassandra is quiet clueless on what's happening that time. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil wala siyang kaalam-alam na hindi pala si Alejandro ang kasama niya. Nasa helipad na siya sa oras na iyon, nagdadalawang-isip siya na sumampa sa upuan."Come on, babe. Hindi na tayo dapat magsayang pa ng oras." Sabi pa ni Alejandro, nakatingin ito sa kaniya."Naninibago lang ako sa'yo, Alejandro. You always offer a hand to me. Bakit hindi ngayon?" pagtataka pa nito."We must don't waste our time, arguing here." Medyo nagtaas na ito ng boses sa babae."I can't believe this..." sabi pa niya rito."Now." Utos ni Alejandro.Walang nagawa si Cassandra sa oras na iyon kung di ang sumunod.Nang makaupo na sila sa helicopter ay hindi napansin ni Cassandra ang sumunod na pangyayari dahil may kasama pala sila sa loob, mabilis na tinakpan nito ang mga paningin niya."What is happening, arghh! Pakawalan mo ako, ano bang problema, Alejandro?" pagpupumiglas pa ni Cassandra. May tatlong tauhan si

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 74

    "Anong pwede nating gawin sa kaniya boss?" tanong ng lalaking nasa harapan ni Alejandro. Nakatingin lang ito sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo."Wait for my signal." Sabi ng matandang lalaki at muling tumalikod. Lumabas ito sa kwarto at naiwan sina Alejandro at ang lalaking nagbabantay sa kaniya."Anong gagawin n'yo sa akin? Wala kayong mapapala. Hindi ako ang hinahanap ninyo!""Tsk. Pero malaki ang kikitain namin sa'yo," makahulugang sambit nito."Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Alejandro."Hindi ka namin kilala, pero tiyak kong kilala ka ng hinahanap namin.""I don't who's that fucking guy! Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo.""Relax ka lang brad! Alam namin ang ginagawa namin, sa ngayon...dito ka muna." Unti- unting lumapit ito kay Alejandro at idiniin ang upos ng sigarilyo sa kaniyang hita."Ahh! Damn it!"Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng lalaki sa kaniyang pisngi. Sapol iyon, rason para matumba siya sa kinauupuan. Iyon ang pagkakataon na lumuwag ang tali ni

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 73

    Nagising si Cassandra sa sandaling iyon, wala na sa tabi niya si Alejandro. Hindi niya alam kung nasaan ito."Alejandro? hon?" tawag pa niya sa kabuoan ng kwarto nila. "Baka nasa kusina..." bulong niya sa sarili saka dahan-dahang kinuha ang robe na nasa gilid ng kama. Nagtungo siya sa may kusina, pero walang tao doon. "Hon?" tawag ulit niya sa may sala. Sinipat niya ang orasan na nasa pader, pasado alas singko na ng umaga pero madilim pa rin ang paligid dahil sa masamang panahon. Nakatingin sa labas si Cassandra habang tanaw ang karagatan, halata sa kalangitan na uulan at hindi maaraw. Katunayan ay nag-uumpisa nang umambon sa labas.Nagtaka siya, nasaan kaya ang asawa niya?Nagpunta siya sa staff room, wala pang nandoon dahil stay out ang mga tauhan nila sa isla, ganoon din sa resort nila. Napahimas siya sa kaniyang magkabilang balikat. May kutob siyang may masamang nangyari sa asawa niya."Alejandro! Alejandro!" sigaw ni Cassandra papunta sa dalampasigan. Nilinga niya ang paligid p

DMCA.com Protection Status