Share

Pahina 4.1

HANGGANG diyan lang muna ako sa kanto.” si Nikko ay nagtatrabaho sa isang tanyag na opisina at isa itong direktor.  Habang si Yena naman ay nagtatrabaho lamang sa isang convenience store.

"Here?" pukaw ni Dwight sa diwa niyang nagliwaliw na naman.

"Oo, dito na lang." Ipinarada ni Dwight ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Ahem!" Basag ulit ni Yena sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Why?" malamig pa sa yelong tugon nito na kasalukuyang abala na naman sa selpon na para bang may inaasikaso itong kung anong importante na dukomento roon.

"Salamat pala dito," itinaas niya ang kulay asul na bag. Sa bawat gilid ng bag na iyon ay may disenyong diamante at ang mismo strap naman nito ay yari sa silver. Kumikinang pa nga ito kung natatamaan ng araw. Nahihiya tuloy si Yena kung paano niya susuotin ang gano'n karangya na bag.

"Yeah." walang ganang sabad nito.

"K-Kailan pala birthday mo?" nahihiya niyang tanong. Gusto niyang maka bawi sa binata kahit man lang sa maliit na paraan.

"Don't mind it. You need to go, right?" Doon na siya binalingan ng tingin ni Dwight kasabay nito ang pamimilog ng kaniyang mga mata ng maalala na didiretso pala sa store nila ngayon ang mga nakakataas sa kanila dahil mag impeksiyon ito sa kabuuan ng branch.

"Patay! Mauna na pala ako! Babawi na lang ako sa susunod! Salamat dito!" nagmamadaling tumakbo si Yena palayo sa kotse ng binata.

Napa iling iling kaagad ang binata habang naka titig sa papalayong bulto ni Yena.

Nang mapahinto siya sa pagtakbo ay napa hawak kaagad siya sa sariling mga tuhod habang habol ang hininga na tumingin sa kaniyang likuran.

Parang may kung anong dumampi na mainit na bagay sa dibdib ng dalaga ng napagtanto niyang hanggang ngayon ay hindi parin umaalis doon si Dwight.

Hinihintay niya ba itong maka pasok muna sa store nila bago umalis?

Binalewala na lamang iyon ni Yena at pumasok na sa loob. Pagpasok niya palang ay kaagad na sumalubong sa kanya ang nagdududang tingin ng kaniyang matalik na kabigan na si Jodi.

"Sino 'yon, ha? Si Fafa Nikko no? At  teka, teka, ano yang dala mo?" walang pasintabing kinuha ni Jodi mula sa mga kamay ni Yena ang bag na dala nito.

"Wow! Grabe! Ibang klase ang pagmamahal na 'yan, Yena! May pa LV si fafa!" tinampal pa siya ng malakas ni Jodi sa balikat at halat sa mukha nito ang kilig na nararamdaman para sa kanya.

"Ano na? Dali! Magkuwento ka naman!" kinikilig na sigaw nito at tinudyo pa siya sa tagiliran. Pumasok silang dalawa sa staff room at doon umupo sa gawa sa metal na upuan.

"Hindi si Nikko ang nag bigay ng bag na iyan, Jodi." sa wakas, nakapag salita narin siya. Kumunot kaagad ang noo ni Jodi at napa upo katabi niya. 

Ang kaninang ngiti na naka paskil sa mga labi ni Jodi ay napalitan ng pag-aalala dahil may hinala na siya kung anong kasunod na ssasabihin ni Yena sa kanya.

"Wala kaming relasyon na dalawa katulad ng inaasahan mo," 

Naguluhan kaagad ang kaibigan niya.

"Ha? Ngunit--hindi ba ikakasal na kayo? Iyon ang sabi ng Mama mo sa akin. At base rin naman sa ikinikilos ni Nikko ay alam kong may gusto rin siya sa iyo." naguguluhan na saad ng kaibigan.

Napa yuko nalamang si Yena. Parang ngayon na lang niya naramadaman ang pagod isabay mo pa ang malamig na hangin dulot ng aircon.

"Okay naman kami Jodi, e. Okay kami... noon. Pero simula nung namatay ang Mama niya, nag bago na siya. At saka... "

"At saka ano?"

Napa kagat labi si Yena. Nanginginig na naman ang mga labi niya. Kinalikot niya ang sariling kamay, pinaglaruan iyon bago sumagot.

"N-Nakita ko siya kahapon... May kayakap na babae,"

Napa tawa naman ang kaibigan ni Yena.

"Yena, baka kaibigan lang o kamag anak--"

"Kaibigan parin ba kung nasa loob sila ng hotel at may sariling kuwarto?"

"Ano!? Hotel!?" malakas na sigaw ng kkaibigan na para bang mas galit pa ito sa kanya. "Iyong walang hiyang 'yon! Ang kapal naman ng mukha niyang ipagpalit ka? Aba! Sa ganda mong iyan?! Ipagpapalit ka pa!? Adik ba siya!?" halos mapugto na ang ugat ng kaibigan niya sa kaka sigaw at inabot ang lagayan ng tubig sa harapan nila na maliit na mesa at nag salin sa baso. IInisan lagok lamang iyon ni Jodi.

"Bakit siya pa kasi? Bakit siya pa ang pinili  ng magulang mo?"

Ngumiti siya ng may bahid na kalungkutan sa mga mata.

"Ang yumaong Ina ni Nikko at ang Ina ko ay matalik na magkaibigan, dahil sa napagkasunduan nila sa mga bata pa sila na ang magiging anak nila ay ipagkakasundo nila sa isa't-isa."

Napa ngiwi kaagad si Jodi.

"Telebisyon lang ang peg? At kung telebisyon man ito, ano? Ikaw iyung mabuting huwarang asawa na martir?" puno ng sarkasmong saad ni Jodi sa kanya habang naka krus ang dalawang braso nito sa dibdib.

Napa iling kaagad si Yena.

"H-Hindi ko alam na may kasintahan na pala siya, Jodi. H-Hindi ko alam..." pumaos ang kaniyang boses. Doon na nag unahang nagsibagsakan ang kaniyang mga luha.

Kaagad naman siyang mahigit na niyakap ng kaiibigan at marahang hinaplo ang likod niya.

"Sige, iiyak mo lang lahat Yena... Nandito lang ako."  mas lalong naging mabigat pa ang kaniyang pag-iyak. Pakiramdam niya ay may parang isang punyal na naka itinarak mismo ni Nikko sa kanyang puso.

"A-Ang sakit..." utal niyang saad.

"Shhh... Tahana..."

At ang punyal na iyon ang magsisilbing pilat na hinding hindi na maghihilom habang buhay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anika Joy Loar
please.. excited for your next update ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status