Chapter: Pahina 10NAGTRABAHO kinagabihan si Yena at masiyado siyang maraming iniisip kaya hindi na niya napansin ang kaibigan na pumasok sa staff-room. "Hoy, gaga! Welcome back!" mahigpit siya nitong niyakap. Naka-break siya ngayon at alas otso na ng gabi. Hanggang alas dose pa ang shift niya. Napa ngiti kaagad siya at niyakap pabalik ang kaibigan. Nakilala niya si Jodi noong nasa kolehiyo siya. "Salamat," may ngiti sa mga labi niyang sagot. "Pero teka nga," umalis ito sa pagkakayap sa kanya at hinawakan ang magkabilang gilid ng kaniyang mukha at sinuri iyon. "May problema ka ba? Siya na naman, 'no?" alam ni Yena kung sino ang tinutukoy ni Jodi. Kaagad siyang umiling. "Hindi, marami lang talaga akong iniisip." "Akala ko kapag naka uwi ka sa sa inyo sa Davao, magiging okay ka na? Pero mali yata ang hinala ko... " may bahid ng lungkot ang boses ni Jodi. Ngumiti siya at umiling upang maibsan ang pag-alala ng kaibigan. "Marami lang talaga akong iniisip at saka... okay na ako, talagang okay na ako-"
Last Updated: 2024-09-20
Chapter: Pahina 9"GALIT ka parin ba?" basag ni Nikko sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. Napa hinto naman kaagad sa pag nguya si Yena."Hindi." matigas niyang sabi at umayos ng upo. Nawalan tuloy siya ng gana kumain. "Akala ko mananatili ka muna doon sa Davao? Bakit bumalik ka kaagad dito sa Manila?" kasalukuyang nasa isang restaurant sila ngayon habang kumakain ng tanghalian. Napa kamot si Nikko sa sarili niyang leeg. "Kasi, may gusto sana akong sabihin sa'yo, Cake." tiningnan siya sa mata ng binata rason upang dumoble ang kaba sa puso niya. "H-Ha? May gusto kang sabihin? Ano naman?" umarte siyang tumitingin sa kaniyang relo upang hindi masiyado halata na kinakabahan siya. "Puwede bang umuwi na muna tayo sa dati nating maliit na tirahan?" Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Bakit? Para saan?""Kasi bahay natin 'yon hindi ba? At sinabihan ako ng Mama mo na dadalaw daw siya sa susunod ng mga linggo doon. Ayaw kong may isipin silang masama sa atin, na nag-aaway tayo." kung titingna
Last Updated: 2024-09-20
Chapter: Pahina 8HULING araw na ng bakasyon ni Yena sa bahay nila ngayon. Maaga siyang gumising upang magluto sana ng agahan para sa kanilang tatlo. "Goodbye sweetie, gonna go to office." hinalikan kaagad siya ng kaniyang Ama sa noo. "Teka Pa," Tumingin siya sa relo niya, "Alas-kuwatro palang ng umaga, ang aga naman yata? Nasaan si Mama?" Napa buntong hininga ng malalim ang kaniyang Ama at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Nauna na kanina pa. Masiyadong problemado ang kompanya ngayon anak," dahan dahan na nitong inayos ang suot nitong leather na sa sapatos."Ngunit Pa, g-gusto ko sanang magkasama tayong kumain ng agahan-" hindi na natapos ni Yena ang gusto niyang sabihin ng bigla na lang may tumawaf sa cellphone ng kaniyang Ama. "Yes, hello? Yeah, yeah. This is me, oh sure Mr. Ripley, okay I'll be there in about ten minutes. Okay." Tinapos na nito ang tawag at kaagad ng nagpaalam kay Yena. "Tumawag ka kapag naka balik ka na ng Manila, okay?" pasigaw pa nitong saad habang kumakaway ang kana
Last Updated: 2024-09-18
Chapter: Pahina 7NAPUKAW ang mahimbing na tulog ni Yena dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kaniyang kuwarto. Marahan niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaliwa niyang kamay upang hindi tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mata. Napa tingin siya sa kaniyang orasan na naka lagay sa gilid ng kaniyang kama. "Alas diyes na pala?" bumangon siya sa kama at inayos ang kaniyang sariling buhok. "Lindon, hindi ba't sinabihan na kita dati pa na huwag kang mag-invest sa laro na 'yon!" Napa tayo kaagad si Yena dahil sa malakas na sigaw na iyon. Napa takbo siya palabas ng kaniyang kuwarto at nakitang nagtatalo na naman ang mga magulang niya. Nameywang ang kaniyang Ina at napa hawak sa sariling noo nito habang pabalikbalik sa nilalakaran na para bang nababalisa kung ano ang dapat na gawin. Habang ang kaniyang Ama naman ay naka upo lang sa sofa at para bang nagiisip kung ano ang dapat niyang kasunod na sasabihin sa asawa. "Josefina, hindi ko naman alam na ganoon pala iyon-""Na tatakbo sila hawak
Last Updated: 2024-09-18
Chapter: Pahina 6Continuation... BINALINGAN kaagad niya ng hindi makapaniwalang tingin si Nikko. "Sorry?" napa tawa ng mapakla si Yena, "Sorry saan? Sorry dahil ako lang ang nagseseryoso sa relasyon na ito? Sandali, wala pala tayong relasyon, hindi ba? Nikko naman, engaged na tayo! Ikaw at ako ay ikakasal na. Fiance mo ako at hindi kapatid!" Parang malagutan na nang hininga si Yena dahil sa haba ng kaniyang sinabi. Tumalikod kaagad siya sa gawi ni Nikko at handa na sanang umalis ng biglang magsalita ang binata. "Magkaibigan parin naman tayo hindi ba?" mababakas mo ang kalungkutan sa boses ng binata ngunit hindi nagpa tinag ang dalaga. Ayaw na niya maging baliw pa at umasa na magbabago ang tingin ni Nikko sa kanya. "Aalis na ako." iyon lang ang naging sagot niya at pinihit na pabukas ang pintuan at lumabas ng hall. "What a nice live show to watch, huh?" awtomatikong napako si Yena sa kaniyang kinatatayuan ng marinig niya ang boses na iyon. Napa lingon siya sa kaniyang likuran. Namilog ang mata n
Last Updated: 2024-09-11
Chapter: Pahina 5.2KAAGAD na bumaba sa kotse si Yena at dumiretso sa loob ng mansiyon ng pamilya Collymore. Ni hindi na nga siya dumiretso sa pamilya niya dahil sa pag-aalala kay Nikko dahil alam niyang paparusahan talaga ito ng kaniyang Ama.Hindi na bago sa mga katulong na naroon si Yena sa mansiyon dahil kilala na nila ang dalaga simula noong bata pa ito. Hindi na nagpa ligoy ligoy si Yena at kaagad na siyang dumiretso sa sala dahil alam niyang naroon na naman naka upo ang madrasta ni Nikko at hindi nga siya nagkamali ng makita niya ito doon. "Magandang araw po Tita-""Alam mo bang masiyado akong nadismaya sa'yo, ha? " hindi kaagad naka galaw si Yena sa kaniyang kinatatayuan. "P-Po? Anong ibig niyo pong sabihin?"Binalingan kaagad siya ng matulis na tingin ng step mother ni Nikko. Nasa 40's palang ang step mother ni Nikko habang ang Ama naman ng binata ay nasa 50's na. Nag de-kuwatro ito ng upo sa kulay red na mahabang couch at ipinag-krus ang dalawang braso nito sa dibdib habang sinusuri ang kab
Last Updated: 2024-09-11