Isa sa pinakamasakit para sa isang babae ay halos ibigay mo na ang lahat sa isang lalaki, pero hindi pa pala iyon sapat. Labis-labis ang pagmamahal na ibinigay ni Diana para kay Jeremy. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit alam niya na hindi pa rin nakaka-move on si Jeremy sa ex girlfriend nito ay hindi iyon inisip ni Diana. Kaya naman nang alukin siya ng ama ni Jeremy na magpakasal kay Jeremy ay hindi na nagdalawang-isip pa si Diana. Pumayag siya agad. Akala niya ay makakalimot din si Jeremy, na mahahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa ex girlfriend. Pero iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ni Diana. Two years being Mrs. Saltzman, pero ni isang beses ay hindi niya naramdaman na naging asawa si Jeremy sa kanya. Mas lalo pang sinampal ng katotohanan si Diana nang biglang bumalik ang ex girlfriend ni Jeremy at mag-file ito ng divorce pagkatapos niyang malaman na buntis siya.
View MoreHindi pumasok si Diana sa trabaho kinabukasan dahil sa nangyari kahapon, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Jeremy sa ginawa nitong pag-DNA ng anak niya. Kaya pagka-uwi niya kahapon ay naghanap agad siya ng ibang company para pag-apply-an dahil malamang sa malamang hindi na siya tatanggapin sa dati niyang company. Pagkahatid niya rin kay Justin sa skwela, gumawa na rin siya ng resignation letter at dumiretso sa kumpanya ni Jeremy, pagkarating niya wala si Jeremy sa opisina nito kaya iniwan niya na lang ang resignantion letter sa Human Resources. Pagkababa niya sa building, huminga siya nang malalim at nagdadasal sa isipan na sana hindi na magkrus ang landas nila ni Jeremy. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi takot para sa kanya at sa anak niya.Iwinakli niya muna iyon sa isipan niya at nag-book ng grab taxi para puntahan ang anak niya. Dahil wala pa siyang trabaho, naisipan niyang magpalipas muna ng oras mag-antay kay Justin sa skwela nito. Agad din naman siyang n
Habang hawak ni Jeremy ang papel na naglalaman ng resulta na inaasahan niya, hindi matigil ang pagnginig ng kamay niya. Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon. Saya, lungkot at galit. Saya dahil simula nang mawala si Diana sa buhay niya, doon niya napagtanto na gusto niyang magkaroon ng anak. Lungkot dahil ang tagal niyang nawalay sa anak niya, at galit—ngunit hindi niya alam kung kanino siya talaga nagalit. Sa sarili niya ba o kay Diana na nagsisinungaling sa kanya. Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim, ibinalik niya ang papel sa envelope nito at lumabas ng kotse. Pinakalma niya ang sarili niya, bumalik sa dating malamig at tuloy-tuloy na pumasok sa building hanggang sa makarating siya sa opisina niya. Nakita niya si Diana na masayang nakipag-usap sa ibang empleyado at nang maramdaman nila ang presensya ni Jeremy, agad silang nagsibalikan sa kani-kanilang station. Malamig na tumingin si Jeremy kay Diana na ngayon ay nakatayo ng tuwid at nakatingin din sa kanya. “Goo
Hindi nakapagsalita si Diana agad, gulat siyang nakatingin kay Jeremy. Nang makita niyang umiling si Jeremy na para bang disappointed ito, napabalik siya sa reyalidad. Agad niyang tinignan ang lalaki ng masama.“Ang kapal ng mukha mong gawin iyan sa likod ko. Kailan ka ba titigil?” inis niyang tanong.“Alam mong titigil lang ako kung sinabi mo sa akin ang totoo—”“I already did!” sigaw niya. Bahagyang nagulat si Jeremy dahil sa sigaw niya. Ikinuyom ni Diana ang mga kamao niya, nagpipigil na sumabog ulit. Ayaw niya mang ipakita kay Jeremy ang kahinaan niya pero tila sa araw na ito ay hindi niya na nakayanan itago pa lalo ang galit niya sa lalaki. “Sinabi ko na sayo ang totoo, Jeremy. Hindi mo siya anak kaya pwede ba, tigilan mo na ako sa mga ganyan mo. Wala kang makukuha sa akin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya at umalis. Habang pinagmasdan ni Jeremy ang likod ni Diana na papalayo sa kanya na hindi manlang lumingon ulit, hinigpitan niya ang hawak sa manibela ng ko
Isang Lingoo na ang lumipas simula nang lumipat si Diana sa company ni Jeremy, at isang Linggo na rin na laging late siya umuuwi dahil late din palagi umaalis si Jeremy. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon kaya kada uwi niya sa apartment niya, kailangan niya pang gisingin si Dane para kunin ang anak niyang si Justin na roon muna nanatili sa apartment ni Dane habang wala siya. Kagaya ngayon, Lunes na naman at siya na lang naiwan sa station nila, at si Jeremy na nasa opisina pa nito.“Ginagawa niya na talagang habit ito. Nakakahiya na naman kay Dane.” bulong niya sa sarili niya. Wala na siyang ginagawang trabaho, nakaligpit na rin ang mga gamit niya para handa nang umalis, inaantay niya na lang talagang lumabas si Jeremy. Alas-dyes na ng gabi kaya napahikab-hikab na siya dahil sa antok. Nang marinig niyang tmunog ang pintuan ng opisina ni Jeremy, agad siyang tumayo. Ngumiti siya nagbabasakaling uuwi na ito pero nang makita niyang wala itong dalawang suit case, bigla siyang napagh
Dalawang lalaki ang lumapit kay Diana para kuhanin at dalhin ang gamit niya palabas. Walang magawa si Diana kundi ang bumuntong hininga sabay tingin kina Rochella at Lilith. Niyakap niya ang dalawa.“Balitaan mo kami kung kumusta ka roon ah?” bulong ni Rochelle.“Mukhang iba ang ugali ng mga taong naroon kaysa dito sa atin kaya mag-ingat ka, lalo na makakasama mo ang ex-husband mo,” sabi naman ni Lilith. Tumango lang si Diana sa kanila at nagpaalam na, pati na rin sa iba niyang kasamahan ay nagpaalam siya. Paglingon niya sa likuran niya, nakita niya si Bridgette na nakatingin sa kanya ng nakangiti ngunit bakas sa mukha ang lungkot. Para sa kanya ay mahirap din talaga bitawan ang isa sa pinakamagaling niyang team sa department nila pero gaya ng sabi niya, is alang din siyang empleyado na sumusunod sa nasa itaas niya kaya wala siyang magawa.“Good luck,” she mouthed to Diana.Tumango si Diana sa kanya sabay ngiti. At pagkatapos niyang magpaalam sa lahat, sumunod na sa siya sa dalawang
Third Person POV (Full Narration Style)Kinabukasan si Diana ulit ang naghatid sa kanyang anak na si Justin sa school nito at dumiretso na sa trabaho na walang ibang iniisip kundi paano iwasan ang mga tanong tungkol sa kanya at ni Jeremy.“Diana,” tawag sa kanya ni Rochelle. “Pinapatawag ka ni Ma’am Bridgette sa opisina niya, ngayo din.” seryoso nitong sabi. Kahit nagtataka, hindi na nagtanong si Diana kundi dumiretso na siya sa opisina ni Bridgette. Kumatok siya sa pintuan nang tatlong beses bago buksan at pumasok. “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako?” magalang nitong tanong. Tinignan siya ni Bridgette at tinuro ang upuan sa harap. “Maupo ka,” sabi niya na agad namang ginawa ni Diana. Sa tuwing pinapatawag siya sa oisina ni Bridgette, laging may new project na siya ang gagawa pero tila sa pagkakataon na ito ay may kutob siyang kakaiba dahil sa kabang nararamdaman niya. Ibinaba ni Bridgette ang suot niyang salamin sa mata at seryosong tinignan si Diana, na para bang sinusuri ang
Hindi ako lumingon sa kanya kahit ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Agad akong lumabas pero bago pa ako makalabas sa mismong station nila ay nakita ko si Vivian kaya napatigil ako, tinignan ko siya ng seryoso. “Diana, pwede ba tayong mag-usap?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi ko naman inagawa ang asawa niya para sabihin sakin na layuan ko ito. Hindi ko siya sinagot, bagkus umalis ako sa harap niya at nilampasan siya pero hinawakan niya ako sa pulso na agad ko ring inilayo. “Ano ba? Wala naman tayong pag-uusapan, hindi ko nilandi si Jeremy kaya pwede kang magsaya.” Inis kong sabi.Bigla namang sumeryoso lalo ang mukha niya. “Mag-usap tayo, sumunod ka sa akin.”Wow! Binabayaran niya ba ako? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya, wala akong magawa kundi mainis lalo sa babaeng ito at sumunod sa kanya. Kung hindi ko siya kakausapin baka gulohin niya naman ako. Huminto kami sa cafeteria, umupo siya sa pinakadulo na para bang private
Napansin ko ang pagkatigil niya kaya ginamit ko iyon para alisin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. Inaamin kong sumisikip ang dibdib ko habang binibigkas ang mga salita iyon. Naisip ko pa lang ang nangyari noon ay hindi ko na kaya. Kung tanga at bobo lang ako na sinusunod siya, wala akong isang Justin ngayon na siyang nagbibigay ng saya at lakas sa akin.“A-ano, hindi mo na ba naalala? O nagmaang-maangan kang hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon? Kaya anong karapatan mong tanungin sa akin kung ano mo ba ang anak ko kung una pa lang wala ka nang kakayahan maging ama!” Hindi ko napigilan na sigawan siya. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na kanina pa lumalabas. Umulit na naman, naging mahina na naman ako sa harap niya. Sigurado akong tataas ang pride niya na makita ulit akong nasasaktan at nahihirapan.“I didn’t know….ang akala ko ay nagsisinungaling ka lang noon para makuha ang atensyon ko…”Napatawa ako ng payak. Totoong kaya kong gawin ang lahat noon para sa attention
Kinabukasan, maaga akong gumising para paghandaan ang anak ko. Dahil tapos na ang Family Day nila at walang pasok ngayong araw kahit Biyernes, kailangan ko pa rin siyang ihatid sa Karate Session niya. Nag-alok kahapon si Dane na siya na ang maghahatid kay Justin dahil isasabay niya ito ulit pagpasok sa trabaho pero tumanggi ako. Minsan ko lang ihahatid ang anak ko kaya nilulubos ko na ang minsan na iyon. Kahapon ay maginhawa ang lunch time namin na kasama si Dane, hindi ko hinayaang isingit ng anak ko ang tungkol kay Jeremy dahil wala akong maisasagot sa kanya. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Dane na aliwin siya na para bang naramdaman ni Dane na ayaw ko ngang dalhin sa usapan ang tungkol sa lalaking iyon. “Are you ready?” tanong ko kay Justin nang lumabas na siya sa kwarto niya suot na ang robe niya para sa session. “Yes, Mommy! Excited to see my buddies!” masaya niyang sigaw.Napangiti naman ako sa magiliw niyang mukha, parang kahapon lang ay pagod ito pero ngayon ay hyper na
Napasandal ako sa dingding ng clinic ni Mrs. Borromeo, habang nakatulala at hindi makapaniwala sa nakita, sinisikap na huwag bumagsak ang sarili sa sahig.Slowly, as though in a slow-motion video, I lifted the picture clutched tight in my left hand and stared at the black and white mass that the nurse had handed over to me after the doctor had pronounced the five words that I had not been expecting at all."Congratulations, Mrs. Saltzman! You're pregnant!"Buntis ako at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Magkahalong takot, kaba, at saya ang nasa puso ko. Kung noon siguro ako nabuntis ay hindi ganito ang magiging reaksyon ko.A headache bloomed in my temples and I sighed and let my eyes drift shut.Hindi ko namalayan na nilukot ko na pala ang papel na hawak ko, nilalabanan ang mga luha na nagtatago sa asking mga talukap.This was not the time to give in to bouts of self-pity, I had to figure out what to do, how to break the news to Jeremy, and brace myself for what came after. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments