Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-01-06 08:35:40

Ilang minuto pa bago ako umiwas ng tingin mula sa kanya, hindi ko siya maitindihan. Anong dapat kong ipaliwanag sa kanya? 

Magsasalita pa sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Dane, magiliw na tila ba excited din akong makita. “Nandito ka na pala, kanina ka pa inaantay ni Justin.”

Dahan-dahan akong bumaling sa kanya, hindi pa rin nawawala ang cute niyang ngiti dahil din iyon sa mataba nitong pisngi. “Dana…salamat sa pagsama kay Justin, pasensya na kung nahuli ako. Hindi pa naman siguro nagsisimula?” tanong ko.

Na-guilty ako, dapat ako ang kasama ni Justin pero sa ibang tao ko pa naiasa kahit na hindi naman na iba sa amin si Dane. 

“Nagsimula na sa ibang games pero pwede pa naman tayong humabol. Tara na ba?” Mahinahon niyang tanong. 

Tumingin ako sa kamay ng anak ko na hinihila ang manggas ng damit ko, ang kaninang kaba ay mas lalong bumalik nang makita kong nakatingin ito kay Jeremy. Bumaling din ako kay Jeremy na seryosong nakatingin kay Dane. Napalunok ako ng dalawang beses sabay hawak sa kamay ng anak ko. 

“Baby, sama ka muna kay Spongebob sa pwesto niyo kanina. Pupuntahan ko kayo mamaya, I will just talk to him, okay?” malambing kong sabi sa anak ko.

Kumunot naman ang noo n Justin na para bang pati sa kanya ay kailangan kong magpaliwanag. Ano ba naman ito. 

Nagulat ako nang inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. “Who is he? Do we like him or not?”

Gusto kong matawa sa tanong niya, nakabase talaga sa akin kung gusto ba namin ang isang tao na bago niya pa lang nakita. 

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “I will tell you later, okay? Sa ngayon, samahan mo muna si Spongebob.” Ngiti ko sa kanya. Tumango naman siya at agad na lumapit kay Dane.

Kahit si Dane ay naguguluhan din sa nangyayari pero wala siyang sinabi, sinunod niya lang ang pagtango ko hudyat na mauna na muna sila at susunod ako pagkatapos kong harapin ang kumag na kasama ko ngayon. Inantay ko muna silang makalayo bago ko hinarapa si Jeremy.

“Salamat sa paghatid sa akin, makakaalis ka na.” seryoso kong sabi. Pero hindi siya kumilos para tumalikod, nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin.

“I need your explanation. What the hell is going on?” matigas niyang tanong na nagdulot sa akin ng pagkahina sa mga tuhod ko. Hinawakan niya ako sa braso ko na sobrang higpit.

Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya, isipin niya kung ano ang iisipin niya. Kung inakala niyang pina-abort ko ang batang gusto niyang mawala noon, pwes hindi. Hindi ko kayang pumatay ng inosente lalo na sariling anak ko.

“Bitawan mo ako, nasasaktan ako…” giit ko sa kanya at pilit na inalis ang kamay niya sa braso ko. Tumingin naman siya sa paligid tila napagtanto na nasa publiko kami. Huminga ako nang malalim. “Wala akong dapat ipaliwanag sa’yo, Jeremy. Kung iniisip mo tungkol sa anak ko, huwag ka na mag aksaya ng oras dahil anak ko lang siya. Hindi mo siya anak.”

Pagkatapos kong sabihin iyon, tumalikod na ako sa kanya at nagmamadaling naglakad na hindi siya nililingon ulit. Natatakot ako na kapag nilingon ko siya ay mabigyan ko pa siya ng pag-asa sa sarili niya na anak niya si Justin.

Hindi pwede. Ayaw kong malapit ang anak ko sa kanya, dahil ayaw kong maalala ko ang hirap naming dalawa ng anak ko noong mga panahon na wala ang ama niya. Masaya na kami na kaming dalawa lang, hindi na siya kailangan sa buhay namin. 

“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Dane nang makarating ako sa pwesto niya. 

Tumingin ako sa kanya, tumango at ngumiti nang malapad. “Oo naman, ayos lang ako. Ano, may next game na ba na pwede tayong sumali?” magiliw kong tanong.

“Oo, niregister ko na ang name natin sa Charades, magulang ang maglalaro at yong bata naman ang magche-cheer. Ikaw ang manghuhula,” paliwanag niya. 

Na-excite ako bigla dahil lagi naman namin iyon nilalaro sa apartment tuwing day-off ko kasama si Justin at pamilya ni Dane kaya madali na lang sa amin ang game na ito. 

Nang tinawag na ang players sa susunod na laro, agad kaming pumwesto tatlo, magkaharap kami ni Dane, nakatayo siya at ako naman ang naka-upo habang si Justin ay nasa gitna namin bitbit ang dalawang balloon na kulay blue, pumito na at saka kami nagsimulang maglaro. Ilang minuto lang ay nahulaan ko kaagad ang pinapahula ni Justin pero nang malapit na matapos ang oras ay napatigil ako.

Nawala ako sa focus.

“Diana, dali. Isa na lang ito.”

“Mommy, last one mommy.”

Bakit siya nandito? Pinaalis ko na siya. 

Nakatingin ako sa lalaking parang tigre kung tumingin sa akin na para bang handa na siyang lapain ako. Nakatayo siya sa pwesto naming tatlo kanina

“3 seconds!”

Kung hindi dahil sa sigaw ay hindi ako makakabalik sa laro. Binilisan kong hulaan ang pinahula ni Justin, huling item na. Alam ko naman na ang sagot kanina bago ako mapatingin kay Jeremy kaya kami na ang nanalo. 

Tuwang-tuwa si Justin sa nangyari, ito ang unang game na may kasama siya. Nagpabuhat pa siya sa akin. “You’re amazing, mom!” masaya niyang sabi.

Hinalikan ko siya sa pisngi. Binigay na sa amin ang prize at inalayan naman kami ni Dane na babalik sa pwesto namin. Napatigil ako at naghanap ng ibang pwesto pero wala na akong mahanap kaya wala akong choice kundi bumalik sa dati.

Palihim akong pumikit ng mariin. Naiins ako sa presensya niya, pinaalis ko na siya. Anong rason niya para manatili rito?

Kahit si Dane ay napatigil nang makita siya. Binaba ko si Justin na hindi pinapansin si Jeremy pero itong anak ko siya pa talaga ang unang lumapit! 

Please naman anak, wag kana magsalita!

“Hey! Ikaw iyong kasama ng mommy ko kanina. What are you doing here?”

Anak ka talaga ng tatay mo, hindi ko alam kung kanino nagmana ang batang ito. Sinabi niya iyon kay Jeremy na seryoso at nakataas ang isang kilay. Agad ko siyang nilayo mula kay Jeremy.

Si Jeremy naman hindi maalis ang tingin niya kay Justin, kinakabahan ako ulit. Ayaw kong tignan niya ang anak ko nang matagal. 

“May gusto ka bang bilhin?” tanong ko kay Justin para maiba ang attention niya. Tumingin din ako kay Dane para humingi ng tulong pero hindi siya nakatingin sa akin, kay Jeremy rin siya nakatingin. 

Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ngayon. 

“Ano bang ginagawa mo rito? Hindi ba’t pinaalis na kita?” mahina kong tanong sa kanya, narinig iyon ni Dane at Justin pero wala na akong choice, masyadong dumarami ang tao sa paligid para hilahin ko pa ang isang ito palayo.

Inalis niya ang tingin kay Justin at tumingin sa akin na tila ba handa siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin.

“Wala na akong meeting kaya naisipan kong dito muna at manood.”

Napahawak ako sa sentido ko. “Hindi naman na kailangan ng dagdag audience dito, marami ng tao. Alam kong busy ka Mr. Saltzman kaya hindi mo naman kailangan gawin ito,” mahina ko pa ring sabi sa kanya. 

Gusto ko siyang sipain para umalis lang. Nakatayo pa rin kaming apat at ramdam ko na ang tingin ng mga tao sa paligid namin dahil tila kami lang ang nakatayo. 

“Hmmm.” Tumingin siya kay Dane, sunod kay Justin na nasa tabi ko lang din at huli ay sa akin ulit. “I will play a game with you and this kid too.”

Related chapters

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 6

    Nahihibang na ba siya? Pareho naman kami ng kinain kaninang lunch.“Hindi pwede, sakto na kami.” agad kong sagot. Inilayo ko sa kanya si Justin nang maramdaman kong gusto nilang lumapit sa kanya.Napansin kong bumaling si Jeremy kay Dane dahilan para kumunot ang noo ko. “He already played the first game, siguro naman sa susunod na laro ay ako na ang papalit sa kanya.”Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nababaliw na siya. Tumingin ako kay Dane na kanina pa nalilito sa lalaking ito. Nakakahiya kung papalitan ko si Dane para lang sa gagong ito. Siya ang inaya ko rito!“Ayos lang ba, bro?” Mahinahon pang tanong ni Jeremy kay Dane. Sumeryoso ang mukha ni Dane na nakatingin kay Jeremy. “Pwede ko bang malaman kung sino ka?”Patay na! Hindi alam ni Dane ang tungkol sa nakaraan ko, kahit tinatanong niya ito noon pero isang sabi ko lang na ayaw kong pag-usapan ay kahit kailangan hindi niya na ulit ito tinanong. Kita ko ang pagngisi si Jeremy, at sa ngisi na iyon gusto ko na siyang

    Last Updated : 2025-01-06
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 7

    Huli ko nang napagtanto na ang natitirang games ay sinalihan ni Jeremy at ako lang ang kasama niya pati si Justin. Mas lalo akong nahiya kay Dane dahil kahit isa roon ay hindi siya nakalaro. At dahil do’n gustong-guso ko nang sapakin si Jeremy, pinigilan ko lang ang sarili ko dahil nasa harap ko ang anak ko. Nilista niya ang pangalan naming dalawa sa lahat. “Ano bang ginagawa mo? Hindi mo manlang ako tinanong muna kung gusto kong maglaro sa ibang games na kasama ka,” inis kong bulong sa kanya nang magkatabi na kami; dahil tinawag na rin kami sa susunod na laro. “I asked Justin, and he told me he wants to play every game. Sinunod ko lang ang gusto ng bata,” paliwanag niya pa na para bang wala siyang kakayahang tumanggi kay Justin. “Si Dane ang kasama ko dapat dito, hindi ikaw. You should leave kanina pa,” bulong ko ulit sa kanya. Nakita ko namang saglit siyang bumaling kay Dane na nakatayo pa rin sa pwesto namin habang nakatingin din dito. “Malaki na siya, I think kaya niya naman

    Last Updated : 2025-01-07
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 8

    Kinabukasan, maaga akong gumising para paghandaan ang anak ko. Dahil tapos na ang Family Day nila at walang pasok ngayong araw kahit Biyernes, kailangan ko pa rin siyang ihatid sa Karate Session niya. Nag-alok kahapon si Dane na siya na ang maghahatid kay Justin dahil isasabay niya ito ulit pagpasok sa trabaho pero tumanggi ako. Minsan ko lang ihahatid ang anak ko kaya nilulubos ko na ang minsan na iyon. Kahapon ay maginhawa ang lunch time namin na kasama si Dane, hindi ko hinayaang isingit ng anak ko ang tungkol kay Jeremy dahil wala akong maisasagot sa kanya. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Dane na aliwin siya na para bang naramdaman ni Dane na ayaw ko ngang dalhin sa usapan ang tungkol sa lalaking iyon. “Are you ready?” tanong ko kay Justin nang lumabas na siya sa kwarto niya suot na ang robe niya para sa session. “Yes, Mommy! Excited to see my buddies!” masaya niyang sigaw.Napangiti naman ako sa magiliw niyang mukha, parang kahapon lang ay pagod ito pero ngayon ay hyper na

    Last Updated : 2025-01-08
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 9

    Napansin ko ang pagkatigil niya kaya ginamit ko iyon para alisin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. Inaamin kong sumisikip ang dibdib ko habang binibigkas ang mga salita iyon. Naisip ko pa lang ang nangyari noon ay hindi ko na kaya. Kung tanga at bobo lang ako na sinusunod siya, wala akong isang Justin ngayon na siyang nagbibigay ng saya at lakas sa akin.“A-ano, hindi mo na ba naalala? O nagmaang-maangan kang hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon? Kaya anong karapatan mong tanungin sa akin kung ano mo ba ang anak ko kung una pa lang wala ka nang kakayahan maging ama!” Hindi ko napigilan na sigawan siya. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na kanina pa lumalabas. Umulit na naman, naging mahina na naman ako sa harap niya. Sigurado akong tataas ang pride niya na makita ulit akong nasasaktan at nahihirapan.“I didn’t know….ang akala ko ay nagsisinungaling ka lang noon para makuha ang atensyon ko…”Napatawa ako ng payak. Totoong kaya kong gawin ang lahat noon para sa attention

    Last Updated : 2025-01-09
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 10

    Hindi ako lumingon sa kanya kahit ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Agad akong lumabas pero bago pa ako makalabas sa mismong station nila ay nakita ko si Vivian kaya napatigil ako, tinignan ko siya ng seryoso. “Diana, pwede ba tayong mag-usap?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi ko naman inagawa ang asawa niya para sabihin sakin na layuan ko ito. Hindi ko siya sinagot, bagkus umalis ako sa harap niya at nilampasan siya pero hinawakan niya ako sa pulso na agad ko ring inilayo. “Ano ba? Wala naman tayong pag-uusapan, hindi ko nilandi si Jeremy kaya pwede kang magsaya.” Inis kong sabi.Bigla namang sumeryoso lalo ang mukha niya. “Mag-usap tayo, sumunod ka sa akin.”Wow! Binabayaran niya ba ako? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya, wala akong magawa kundi mainis lalo sa babaeng ito at sumunod sa kanya. Kung hindi ko siya kakausapin baka gulohin niya naman ako. Huminto kami sa cafeteria, umupo siya sa pinakadulo na para bang private

    Last Updated : 2025-01-11
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 11

    Third Person POV (Full Narration Style)Kinabukasan si Diana ulit ang naghatid sa kanyang anak na si Justin sa school nito at dumiretso na sa trabaho na walang ibang iniisip kundi paano iwasan ang mga tanong tungkol sa kanya at ni Jeremy.“Diana,” tawag sa kanya ni Rochelle. “Pinapatawag ka ni Ma’am Bridgette sa opisina niya, ngayo din.” seryoso nitong sabi. Kahit nagtataka, hindi na nagtanong si Diana kundi dumiretso na siya sa opisina ni Bridgette. Kumatok siya sa pintuan nang tatlong beses bago buksan at pumasok. “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako?” magalang nitong tanong. Tinignan siya ni Bridgette at tinuro ang upuan sa harap. “Maupo ka,” sabi niya na agad namang ginawa ni Diana. Sa tuwing pinapatawag siya sa oisina ni Bridgette, laging may new project na siya ang gagawa pero tila sa pagkakataon na ito ay may kutob siyang kakaiba dahil sa kabang nararamdaman niya. Ibinaba ni Bridgette ang suot niyang salamin sa mata at seryosong tinignan si Diana, na para bang sinusuri ang

    Last Updated : 2025-01-12
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 12

    Dalawang lalaki ang lumapit kay Diana para kuhanin at dalhin ang gamit niya palabas. Walang magawa si Diana kundi ang bumuntong hininga sabay tingin kina Rochella at Lilith. Niyakap niya ang dalawa.“Balitaan mo kami kung kumusta ka roon ah?” bulong ni Rochelle.“Mukhang iba ang ugali ng mga taong naroon kaysa dito sa atin kaya mag-ingat ka, lalo na makakasama mo ang ex-husband mo,” sabi naman ni Lilith. Tumango lang si Diana sa kanila at nagpaalam na, pati na rin sa iba niyang kasamahan ay nagpaalam siya. Paglingon niya sa likuran niya, nakita niya si Bridgette na nakatingin sa kanya ng nakangiti ngunit bakas sa mukha ang lungkot. Para sa kanya ay mahirap din talaga bitawan ang isa sa pinakamagaling niyang team sa department nila pero gaya ng sabi niya, is alang din siyang empleyado na sumusunod sa nasa itaas niya kaya wala siyang magawa.“Good luck,” she mouthed to Diana.Tumango si Diana sa kanya sabay ngiti. At pagkatapos niyang magpaalam sa lahat, sumunod na sa siya sa dalawang

    Last Updated : 2025-01-15
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 13

    Isang Lingoo na ang lumipas simula nang lumipat si Diana sa company ni Jeremy, at isang Linggo na rin na laging late siya umuuwi dahil late din palagi umaalis si Jeremy. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon kaya kada uwi niya sa apartment niya, kailangan niya pang gisingin si Dane para kunin ang anak niyang si Justin na roon muna nanatili sa apartment ni Dane habang wala siya. Kagaya ngayon, Lunes na naman at siya na lang naiwan sa station nila, at si Jeremy na nasa opisina pa nito.“Ginagawa niya na talagang habit ito. Nakakahiya na naman kay Dane.” bulong niya sa sarili niya. Wala na siyang ginagawang trabaho, nakaligpit na rin ang mga gamit niya para handa nang umalis, inaantay niya na lang talagang lumabas si Jeremy. Alas-dyes na ng gabi kaya napahikab-hikab na siya dahil sa antok. Nang marinig niyang tmunog ang pintuan ng opisina ni Jeremy, agad siyang tumayo. Ngumiti siya nagbabasakaling uuwi na ito pero nang makita niyang wala itong dalawang suit case, bigla siyang napagh

    Last Updated : 2025-01-16

Latest chapter

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 22

    Inilayo ni Diana si Justin mula kay Jeremy, agad din namang lumapit ang nanay ni Diana para kunin ang bata ngunit nagpumiglas ito. Tumingin si Justin kay Jeremy na umiiyak pa rin. “Stay away from my mommy!” Lumapit siya kay Jeremy at gamit ulit ang maliit na kamay, itinulak niya ito. “Umalis na tayo,” bulong ni Nathan kay Jeremy. Agad siyang lumapit kay Jeremy kanina nang mapansin ang gulo. Hinawakan niya ito sa braso at pinilit na hilain palayo ngunit hindi gumalaw si Jeremy.“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko—”Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha niya, lahat ay nagulat at napasigaw. “Tay!” sigaw ni Diana. Agad niyang nilapitan ang ama niya na sinuntok si Jeremy. Kahit si Jeremy ay nagulat sa ginawa ni David. “Hindi porket mayaman ka at kaya mong gawin lahat gamit ang pera, pwes ibahin mo ang pagkakataon na ito! Lumayas ka rito!” Galit na sigaw ni David. Mas lalong kinabahan si Diana para sa kanyang ama lalo na’t may sakit ito sa puso. “Ma, d

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 21

    Nakarating na sila Diana sa bahay ng magulang niya. Agad din naman silang sinalubong ng pamilya niya. “Nandito na rin kayo sa wakas! Kumusta ang byahe niyo? Nahirapan ba kayo? Sana tinawagan mo ang kapatid mo para tumulong sa pag-aayos ng gamit,” sabi ng kina ni Diana.Niyakap niya naman ito at dumiretso ang ina niya kay Justin pagkatapos magmano ni Dane. “Ayos lang, Ma. Kaunti lang din naman ang gamit namin at tinulungan naman kami ni Dane,” nakangiting sabi ni Diana. Tinulungan na rin sila ng mga taong naroon na ibaba ang mga gamit habang nasa loob na sila ng bahay kasama si Dane. “Salamat at bumalik na rin kayo rito ni Justin,” sabi ng Tita Malet ni Diana, ang kapatid ng kanyang ama. “Oonga, Tita. Namiss po namin kayo kaya naisipan naming lumipat.” sagot naman n Diana. “Ate, na-enroll ko na si Justin sa Kinder School dito. Next week pwede na siya pumasok,” sabi ni Stephanie, ang bunsong kapatid ni Diana.Tatlo lang silang magkakapatid, siya ang panganay, at ang pangalawang an

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 20

    “Anong ginagawa mo?” seryoso ngunit bakas pa rin ang galit sa tono ni Diana na tanungin niya si Jeremy. Hawak niya pa rin ang palupuspusan ni Jeremy.Saglit na tumingin si Jeremy roon at inalis ang kamay ni Diana. “I’m taking my son to play,” sabi nito na para bang normal na sa kanya.Napatawa nang payak si Diana, para bang isang nakakatawang biro ang narinig niya mula sa bibig ni Jeremy. Tumingin siya kay Justin na nasa tabi na ni Dane, hawak ang kamay. “Sa labas tayo mag-usap,” sabi niya kay Jeremy pero kay Justin nakatingin. Hinawakan niya ang kamay ni Justin at naunang lumabas ng jewelry shop. “What the hell are you doing?” bulong ni Nathan kay Jeremy. Ngunit hindi siya nito pinansin, dumiretso si Jeremy sa pagsunod kay Diana sa labas ng shop.Naiwan naman sa loob sina Dane, Justin at Nathan. Nagkatinginan saglit sina Dane at Nathan at tumingin din si Nathan kay Justin. Doon niya lang napagtanto na kamukha nga ni Jeremy ang bata sa malapitan. “We should follow them, Spongebob.

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 19

    “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni Dane kay Diana nang dumating ang araw na magpapaalam na si Diana sa mga kaibigan niya sa apartment. Ngayon ay nasa apartment siya ni Lisa, ang kapatid ni Dane. Kasama niya si Dane ang asawa ni Lisa na si Michael. Tumingin si Diana sa kanilang tatlo isa-isa sabay tango nang marahan. “Kailangan. Kasama naman namin sina Mama at Papa, kaya maayos din ang magiging kalagayan namin doon.” Nakangiting sabi niya. Huminga nang malalim si Lisa at tumingin kay Diana na may pag-aalala. “Ano bang dahilan na lilipat kayo? Limang taon na rin kayo rito ni Justin, napamahal na sainyo ang lugar na ito, kahit ang mga kapitbahay natin sa labas. May naging problema ba? Baka naman may maitulong kami para hindi na kayo lumipat…” Bakas sa boses ni Lisa na sobra ang pag-aalala at lungkot. Isa si Diana na totoon taong nakilala niya at napamahal na rin siya kay Justin na para bang tinuring niya na itong anak. Sa pangungulila niya sa anak nila ni Michael na nasa p

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 18

    Isang Linggo na nang magsimula muling maghanap si Diana ng trabaho ngunit sa loob ng isang Linggo na iyon, tila hindi siya makahanap. Kung meron man ay hindi siya natatanggap. Kahit alam niya naman sa sarili niya na nagawa niya lahat sa interview, nasagot niya ito ayon sa nakasanayan niya. Pinagtataka niya kung bakit parang nagsimula siya noong mga panahon na nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. “Lord, please help me…” bulong niya nang makalabas siya sa building na pinag-apply-an niya. Lunes ngayong araw at ito rin ang huli niyang kumpanya na pag-aapplyan ngayon. Pinagdasal niya na lang na isa siya sa tatawagan dahil ito na rin ang huling company na nasa listahan niya. Pagkauwi niya sa bahay, agad siyang naglinis. Hindi niya na naisipan pang magpahinga dahil kapag nagpahinga siya at naging tulala, maiisip niya lang kung gaano siya kamalas sa loob ng isang Linggo.Pagkatapos niyang maglinis, umupo siya sa sofa at binuksan ang phone. Dumiretso siya sa banking app niya; BDO ang una

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 17

    Tila napako si Diana sa kinatayuan niya ngunit hindi niya binitawan ang kamay ng anak niya. Mahigpit niya itong hinawakan kahit na hindi siya makahinga nang maayos. Habang tinitignan ang mga mata ni Jeremy na nababakas ang galit at sakit, mas lalo siyang nanghina. Umawang ang bibig ni Diana, na para bang marami siyang sasabihin pero ni isa ay walang lumabas hanggang sa si Justin ang nagsalita dahilan para mabalik sa kanyang ulirat si Diana. “Mom, what is he talking about? He’s my dad?” ang napapaos at malambing na boses ng bata ay naghalo. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Diana, gusto niya na talagang tumakbo kasama ang anak ngunit para bang may pumipigil sa kanya na malakas na pwersa. Kahit ang tanong ng anak niya ay hindi niya masagot. “You can’t tell him the truth?” si Jeremy na seryoso pa rin ang tingin kay Diana. Umiling nang ilang ulit si Diana at nagsimula nang tumulo ang mga luha niya na kanina niya pa rin pinipigalan. “H-how dare you…” sa wakas, may lumabas na ring

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 16

    Hindi pumasok si Diana sa trabaho kinabukasan dahil sa nangyari kahapon, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Jeremy sa ginawa nitong pag-DNA ng anak niya. Kaya pagka-uwi niya kahapon ay naghanap agad siya ng ibang company para pag-apply-an dahil malamang sa malamang hindi na siya tatanggapin sa dati niyang company. Pagkahatid niya rin kay Justin sa skwela, gumawa na rin siya ng resignation letter at dumiretso sa kumpanya ni Jeremy, pagkarating niya wala si Jeremy sa opisina nito kaya iniwan niya na lang ang resignantion letter sa Human Resources. Pagkababa niya sa building, huminga siya nang malalim at nagdadasal sa isipan na sana hindi na magkrus ang landas nila ni Jeremy. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi takot para sa kanya at sa anak niya.Iwinakli niya muna iyon sa isipan niya at nag-book ng grab taxi para puntahan ang anak niya. Dahil wala pa siyang trabaho, naisipan niyang magpalipas muna ng oras mag-antay kay Justin sa skwela nito. Agad din naman siyang n

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 15

    Habang hawak ni Jeremy ang papel na naglalaman ng resulta na inaasahan niya, hindi matigil ang pagnginig ng kamay niya. Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon. Saya, lungkot at galit. Saya dahil simula nang mawala si Diana sa buhay niya, doon niya napagtanto na gusto niyang magkaroon ng anak. Lungkot dahil ang tagal niyang nawalay sa anak niya, at galit—ngunit hindi niya alam kung kanino siya talaga nagalit. Sa sarili niya ba o kay Diana na nagsisinungaling sa kanya. Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim, ibinalik niya ang papel sa envelope nito at lumabas ng kotse. Pinakalma niya ang sarili niya, bumalik sa dating malamig at tuloy-tuloy na pumasok sa building hanggang sa makarating siya sa opisina niya. Nakita niya si Diana na masayang nakipag-usap sa ibang empleyado at nang maramdaman nila ang presensya ni Jeremy, agad silang nagsibalikan sa kani-kanilang station. Malamig na tumingin si Jeremy kay Diana na ngayon ay nakatayo ng tuwid at nakatingin din sa kanya. “Goo

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 14

    Hindi nakapagsalita si Diana agad, gulat siyang nakatingin kay Jeremy. Nang makita niyang umiling si Jeremy na para bang disappointed ito, napabalik siya sa reyalidad. Agad niyang tinignan ang lalaki ng masama.“Ang kapal ng mukha mong gawin iyan sa likod ko. Kailan ka ba titigil?” inis niyang tanong.“Alam mong titigil lang ako kung sinabi mo sa akin ang totoo—”“I already did!” sigaw niya. Bahagyang nagulat si Jeremy dahil sa sigaw niya. Ikinuyom ni Diana ang mga kamao niya, nagpipigil na sumabog ulit. Ayaw niya mang ipakita kay Jeremy ang kahinaan niya pero tila sa araw na ito ay hindi niya na nakayanan itago pa lalo ang galit niya sa lalaki. “Sinabi ko na sayo ang totoo, Jeremy. Hindi mo siya anak kaya pwede ba, tigilan mo na ako sa mga ganyan mo. Wala kang makukuha sa akin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya at umalis. Habang pinagmasdan ni Jeremy ang likod ni Diana na papalayo sa kanya na hindi manlang lumingon ulit, hinigpitan niya ang hawak sa manibela ng ko

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status