Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2025-01-06 20:52:05

Nahihibang na ba siya? Pareho naman kami ng kinain kaninang lunch.

“Hindi pwede, sakto na kami.” agad kong sagot. Inilayo ko sa kanya si Justin nang maramdaman kong gusto nilang lumapit sa kanya.

Napansin kong bumaling si Jeremy kay Dane dahilan para kumunot ang noo ko. “He already played the first game, siguro naman sa susunod na laro ay ako na ang papalit sa kanya.”

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nababaliw na siya. Tumingin ako kay Dane na kanina pa nalilito sa lalaking ito. Nakakahiya kung papalitan ko si Dane para lang sa gagong ito. Siya ang inaya ko rito!

“Ayos lang ba, bro?” Mahinahon pang tanong ni Jeremy kay Dane. 

Sumeryoso ang mukha ni Dane na nakatingin kay Jeremy. “Pwede ko bang malaman kung sino ka?”

Patay na! Hindi alam ni Dane ang tungkol sa nakaraan ko, kahit tinatanong niya ito noon pero isang sabi ko lang na ayaw kong pag-usapan ay kahit kailangan hindi niya na ulit ito tinanong. 

Kita ko ang pagngisi si Jeremy, at sa ngisi na iyon gusto ko na siyang sampalin. Ang kapal ng mukha niya!

Bakit ba ang dami pang sinasabi ng Emce sa harap, mas lalo tuloy akong naiinis sa presensya ni Jeremy. 

Kagat labi kong tinignan si Jeremy na inilahad ang kanyang kamay sa harap ni Dane. “I am her boss, Jeremy Saltzman.”

What? Kailan ko pa siya naging boss? Investor lang siya ng company namin, hindi ko pa siya naging boss. 

Bumaling sa akin si Dane sabay ngiti kaya tila napakalma ako, ayaw ko siyang magtampo sa akin dahil malaking bagay ang pagsama niya sa amin ni Justin dito sa Family Day

“Siguro mas mabuti kung itanong muna natin kay Diana kung gusto ka niya bang kasama rito. Diana?” 

Oh God! Ayaw ko nga siyang kasama rito pero bakit binigay sa akin ni Dane na para bang wala siyang pakialam kung boss ko nga si Jeremy. Well, sabagay. Alam din ni Dane makibagay sa mga malalaking tao kaya hindi na ako nagulat kung parang wala siyang pakialam sa presensya ni Jeremy. 

Tumayo ako ng tuwid at hinarap si Jeremy ng buong tapang. “Hindi naman na namin kailangan ng iba pang tao para maglaro. Kaya na namin itong tatlo, right son?” Tumingin din ako kay Justin para manghingi ng validation. Kasi feeling ko kapag sumunod siya sa gusto ko ay aalis na itong si Jeremy. 

Pero iyon ang inakala ko. Hindi ko malaman kung anong magic ang dala ng kumag na ito. Bumaba siya para pantayan si Justin kaya ang ginawa ng anak ko ay lumapit sa kanya, wala na akong magawa para pigilan ito dahil para bang magnet ang ngiti ni Jeremy sa kanya. Nakakainis!

“Do you want me to playe with you, little boy? I am strong enough to make us win every game…” Ang lambing ng boses niya. 

“But I don’t know you…my mom said I will not talk to stranger,” saad ng anak ko.

Ayan, tama yan! Mabuti na lang matalino itong anak ko, hindi tulad ng ibang bata na isang lambing lang sa taong hindi nila kilala ay susunod agad ito. 

Hindi naman inalis ni Jeremy ang tingin kay Justin. “Magpapakilala na lang ako sa’yo para hindi na tayo stranger, okay? My name is Jeremy, I am your mom’s friend.”

Ginamit pa ako! Kaya tuloy tumingin si Justin sa akin, nakakunot ang noo na para bang nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ng lalaking nasa harap niya. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa harap ng anak ko.

Humingi ako nang malalim sabay tango sa kanya at magsasalita na sana para hindi nga papayagan si Jeremy pero biglang tumalon si Justin na tuwang-tuwa.

“Okay! You can join us, let us pretend na I have two daddys. Right, mom?”

Anong two daddys?! Hindi pwede. Kahit isa sa kanila ay walang magiging daddy. 

Pero para bang nawalan ako ng lakas na humindi nang makitang binuhat bigla ni Jeremy si Justin. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi talaga pwede. Matagal kong tinago ang anak ko sa kanya. 

Pero bakit ngayon, habang pinagmasdan silang dalawa na nakangiti sa isa’t isa ay para bang kumakalma rin ang loob ko, ngunit hindi pa rin nawawala ang takot sa isipan ko na baka balang araw ay maniwala si Jeremy na anak niya nga si Justin at kunin ito sa akin.

“Siya ba ang ama ni Justin?” 

Agad akong tumingin kay Dane nang magsalita itoo, gulat at napaawang ang bibig ko. Mabuti na lang ay hindi iyon narinig ni Jeremy dahil umalis ito dala si Justin papunta sa registration area para sa susunod na laro. 

Seryoso ang tingin sa akin na Dane, bakas din sa mukha niya na para bang nadidismaya siya. Alam kong hanggang ngayon ay gusto niya pa rin ako kahit na dati ko pa sinasabi at paulit-ulit kong pinaparamdam sa kanya na tanging pagkakaibigan lang ang maibigay ko. Kahit isa sa nakaraan ko ay hindi niya alam, kaya nagulat ako na iyon ang itinanong niya. 

“Ayos lang kung hindi mo sagutin, pero hindi mo pwedeng itanggi ang totoo.” 

Naguguluhan ako sa sinabi niya, kunot noo ko siyang tinignan. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi ko alam kung pilit mo lang bang hindi pansinin, pero kahit na sino ang tumingin sa kanilang dalawa, mahahalata mo na mag-ama sila. From the appearance, and even the attitude of Justin bilang seryosong bata ay makikita mo sa lalaking iyon.” Mahabang paliwanag niya.

Kinabahan ako. Masyado ko bang hinayaan ang ganoong bagay? Alam kong mahahalata agad sa feature nilang dalawa dahil kahit isa ay walang nakuha si Justin sa akin, lahat ay nakay Jeremy. 

Pumikit ako nang mariin sabay dahan-dahang tumango kay Dane. Matalino rin si Dane, hindi ko na dapat ilihim pa sa kanya ang bagay na ito dahil kahit siya ay nakapansin. Si Jeremy pa kaya. Sigurado ako dahil doon kaya siya nanatili rito sa venue. He thinks that Justin is his son.

“Yes, Jeremy is his father. Pero ayaw ko munang mangyari ang bagay na iyon sa kanilang dalawa, masyado pang maaga para kay Justin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat.” Malungkot kong sabi.

Hinawakan naman ako ni Dane sa kamay, kaya napatingin ako roon. Wala lang sa akin ang ganitong eksena kaya naman tumingin ako sa mukha niyang maaliwalas. 

“Matalino ang anak mo, kaya niyang intindihin ang lahat ng sasabihin mo. Pero sa akin, hindi si Justin ang problema…” Napahinto siya sabay tingin sa dalawa na naglalakad papunta sa amin na tila masayang nag-uusap. Tumingin ulit ako kay Dane nang magsalita ulit siya. “Iyang nakaraan mo sa kanya ang dapat mong pansinin, baka mabigatan ka lalo.”

Related chapters

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 7

    Huli ko nang napagtanto na ang natitirang games ay sinalihan ni Jeremy at ako lang ang kasama niya pati si Justin. Mas lalo akong nahiya kay Dane dahil kahit isa roon ay hindi siya nakalaro. At dahil do’n gustong-guso ko nang sapakin si Jeremy, pinigilan ko lang ang sarili ko dahil nasa harap ko ang anak ko. Nilista niya ang pangalan naming dalawa sa lahat. “Ano bang ginagawa mo? Hindi mo manlang ako tinanong muna kung gusto kong maglaro sa ibang games na kasama ka,” inis kong bulong sa kanya nang magkatabi na kami; dahil tinawag na rin kami sa susunod na laro. “I asked Justin, and he told me he wants to play every game. Sinunod ko lang ang gusto ng bata,” paliwanag niya pa na para bang wala siyang kakayahang tumanggi kay Justin. “Si Dane ang kasama ko dapat dito, hindi ikaw. You should leave kanina pa,” bulong ko ulit sa kanya. Nakita ko namang saglit siyang bumaling kay Dane na nakatayo pa rin sa pwesto namin habang nakatingin din dito. “Malaki na siya, I think kaya niya naman

    Last Updated : 2025-01-07
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 8

    Kinabukasan, maaga akong gumising para paghandaan ang anak ko. Dahil tapos na ang Family Day nila at walang pasok ngayong araw kahit Biyernes, kailangan ko pa rin siyang ihatid sa Karate Session niya. Nag-alok kahapon si Dane na siya na ang maghahatid kay Justin dahil isasabay niya ito ulit pagpasok sa trabaho pero tumanggi ako. Minsan ko lang ihahatid ang anak ko kaya nilulubos ko na ang minsan na iyon. Kahapon ay maginhawa ang lunch time namin na kasama si Dane, hindi ko hinayaang isingit ng anak ko ang tungkol kay Jeremy dahil wala akong maisasagot sa kanya. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Dane na aliwin siya na para bang naramdaman ni Dane na ayaw ko ngang dalhin sa usapan ang tungkol sa lalaking iyon. “Are you ready?” tanong ko kay Justin nang lumabas na siya sa kwarto niya suot na ang robe niya para sa session. “Yes, Mommy! Excited to see my buddies!” masaya niyang sigaw.Napangiti naman ako sa magiliw niyang mukha, parang kahapon lang ay pagod ito pero ngayon ay hyper na

    Last Updated : 2025-01-08
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 9

    Napansin ko ang pagkatigil niya kaya ginamit ko iyon para alisin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. Inaamin kong sumisikip ang dibdib ko habang binibigkas ang mga salita iyon. Naisip ko pa lang ang nangyari noon ay hindi ko na kaya. Kung tanga at bobo lang ako na sinusunod siya, wala akong isang Justin ngayon na siyang nagbibigay ng saya at lakas sa akin.“A-ano, hindi mo na ba naalala? O nagmaang-maangan kang hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon? Kaya anong karapatan mong tanungin sa akin kung ano mo ba ang anak ko kung una pa lang wala ka nang kakayahan maging ama!” Hindi ko napigilan na sigawan siya. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na kanina pa lumalabas. Umulit na naman, naging mahina na naman ako sa harap niya. Sigurado akong tataas ang pride niya na makita ulit akong nasasaktan at nahihirapan.“I didn’t know….ang akala ko ay nagsisinungaling ka lang noon para makuha ang atensyon ko…”Napatawa ako ng payak. Totoong kaya kong gawin ang lahat noon para sa attention

    Last Updated : 2025-01-09
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 10

    Hindi ako lumingon sa kanya kahit ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Agad akong lumabas pero bago pa ako makalabas sa mismong station nila ay nakita ko si Vivian kaya napatigil ako, tinignan ko siya ng seryoso. “Diana, pwede ba tayong mag-usap?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi ko naman inagawa ang asawa niya para sabihin sakin na layuan ko ito. Hindi ko siya sinagot, bagkus umalis ako sa harap niya at nilampasan siya pero hinawakan niya ako sa pulso na agad ko ring inilayo. “Ano ba? Wala naman tayong pag-uusapan, hindi ko nilandi si Jeremy kaya pwede kang magsaya.” Inis kong sabi.Bigla namang sumeryoso lalo ang mukha niya. “Mag-usap tayo, sumunod ka sa akin.”Wow! Binabayaran niya ba ako? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya, wala akong magawa kundi mainis lalo sa babaeng ito at sumunod sa kanya. Kung hindi ko siya kakausapin baka gulohin niya naman ako. Huminto kami sa cafeteria, umupo siya sa pinakadulo na para bang private

    Last Updated : 2025-01-11
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 11

    Third Person POV (Full Narration Style)Kinabukasan si Diana ulit ang naghatid sa kanyang anak na si Justin sa school nito at dumiretso na sa trabaho na walang ibang iniisip kundi paano iwasan ang mga tanong tungkol sa kanya at ni Jeremy.“Diana,” tawag sa kanya ni Rochelle. “Pinapatawag ka ni Ma’am Bridgette sa opisina niya, ngayo din.” seryoso nitong sabi. Kahit nagtataka, hindi na nagtanong si Diana kundi dumiretso na siya sa opisina ni Bridgette. Kumatok siya sa pintuan nang tatlong beses bago buksan at pumasok. “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako?” magalang nitong tanong. Tinignan siya ni Bridgette at tinuro ang upuan sa harap. “Maupo ka,” sabi niya na agad namang ginawa ni Diana. Sa tuwing pinapatawag siya sa oisina ni Bridgette, laging may new project na siya ang gagawa pero tila sa pagkakataon na ito ay may kutob siyang kakaiba dahil sa kabang nararamdaman niya. Ibinaba ni Bridgette ang suot niyang salamin sa mata at seryosong tinignan si Diana, na para bang sinusuri ang

    Last Updated : 2025-01-12
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 12

    Dalawang lalaki ang lumapit kay Diana para kuhanin at dalhin ang gamit niya palabas. Walang magawa si Diana kundi ang bumuntong hininga sabay tingin kina Rochella at Lilith. Niyakap niya ang dalawa.“Balitaan mo kami kung kumusta ka roon ah?” bulong ni Rochelle.“Mukhang iba ang ugali ng mga taong naroon kaysa dito sa atin kaya mag-ingat ka, lalo na makakasama mo ang ex-husband mo,” sabi naman ni Lilith. Tumango lang si Diana sa kanila at nagpaalam na, pati na rin sa iba niyang kasamahan ay nagpaalam siya. Paglingon niya sa likuran niya, nakita niya si Bridgette na nakatingin sa kanya ng nakangiti ngunit bakas sa mukha ang lungkot. Para sa kanya ay mahirap din talaga bitawan ang isa sa pinakamagaling niyang team sa department nila pero gaya ng sabi niya, is alang din siyang empleyado na sumusunod sa nasa itaas niya kaya wala siyang magawa.“Good luck,” she mouthed to Diana.Tumango si Diana sa kanya sabay ngiti. At pagkatapos niyang magpaalam sa lahat, sumunod na sa siya sa dalawang

    Last Updated : 2025-01-15
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 13

    Isang Lingoo na ang lumipas simula nang lumipat si Diana sa company ni Jeremy, at isang Linggo na rin na laging late siya umuuwi dahil late din palagi umaalis si Jeremy. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon kaya kada uwi niya sa apartment niya, kailangan niya pang gisingin si Dane para kunin ang anak niyang si Justin na roon muna nanatili sa apartment ni Dane habang wala siya. Kagaya ngayon, Lunes na naman at siya na lang naiwan sa station nila, at si Jeremy na nasa opisina pa nito.“Ginagawa niya na talagang habit ito. Nakakahiya na naman kay Dane.” bulong niya sa sarili niya. Wala na siyang ginagawang trabaho, nakaligpit na rin ang mga gamit niya para handa nang umalis, inaantay niya na lang talagang lumabas si Jeremy. Alas-dyes na ng gabi kaya napahikab-hikab na siya dahil sa antok. Nang marinig niyang tmunog ang pintuan ng opisina ni Jeremy, agad siyang tumayo. Ngumiti siya nagbabasakaling uuwi na ito pero nang makita niyang wala itong dalawang suit case, bigla siyang napagh

    Last Updated : 2025-01-16
  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 14

    Hindi nakapagsalita si Diana agad, gulat siyang nakatingin kay Jeremy. Nang makita niyang umiling si Jeremy na para bang disappointed ito, napabalik siya sa reyalidad. Agad niyang tinignan ang lalaki ng masama.“Ang kapal ng mukha mong gawin iyan sa likod ko. Kailan ka ba titigil?” inis niyang tanong.“Alam mong titigil lang ako kung sinabi mo sa akin ang totoo—”“I already did!” sigaw niya. Bahagyang nagulat si Jeremy dahil sa sigaw niya. Ikinuyom ni Diana ang mga kamao niya, nagpipigil na sumabog ulit. Ayaw niya mang ipakita kay Jeremy ang kahinaan niya pero tila sa araw na ito ay hindi niya na nakayanan itago pa lalo ang galit niya sa lalaki. “Sinabi ko na sayo ang totoo, Jeremy. Hindi mo siya anak kaya pwede ba, tigilan mo na ako sa mga ganyan mo. Wala kang makukuha sa akin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya at umalis. Habang pinagmasdan ni Jeremy ang likod ni Diana na papalayo sa kanya na hindi manlang lumingon ulit, hinigpitan niya ang hawak sa manibela ng ko

    Last Updated : 2025-01-18

Latest chapter

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   52

    After one month, hindi na nagpakita pa muli si Catherine kay Nolan at kahit maliit lang ang mundo, sinusubukan niyang hindi mag-krus ang landas nila o kahit na sino sa pamilya ni Nolan. Naging abala siya na maging maayos ulit ang buhay niya kahit na nahihirapan siyang makisabay sa bagong buhay na ginagalawan niya ngayon kasama si Mina, ang pamilya ni Mina at si Loreen.“Ayos ka lang?” tanong ni Mina kay Catherine. Tumango si Catherine at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. “I’m fine, hindi ko lang inasahan na ganito pala kahirap sa pabrika na pinagtrabuhan ng magulang mo,” komento niya.Natawa naman ng bahagya si Mina dahil sa sinabi ni Catherine. “Ngayon lang din ako nagtrabaho rito kaya ganoon din ang nararamdaman ko. Tara, puntahan natin si Loreen,” aya ni Mina kay Catherine.Agad naman nilang pinuntahan si Loreen na tila may tinitignan sa hindi kalayuan. “Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina na siyang kinagulat ni Loreen. Bumaling siya sa mga kaibigan at tumingin ulit sa tinignan

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   51

    Hindi nagtagumpay si Mina at iba pang servers sa bahay na manatili, wala na silang nagawa nang alisin na sila ng tuluyan ng pamilya ni Nolan at naiwan si Catherine sa bahay kasama si Nolan, ang pamilya ni Nolan at si Maxine. Bumalik sa kanya-kanyang kwarto ang pamilya na para bang walang nangyari habang naiwan si Catherine sa sala na mag-isa, umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin. Buong buhay niya na kasama ang pamilya niya ay hindi niya naranasan ang ganitong sitwasyon, nag-iisang anak siya ng magulang niya, ibinigay sa kanya lahat ngunit hindi niya inasahan na mawawal na lang lahat ng iyon sa isang iglap at sa isang pagkakamali na magpakasal sa isang lalaking ang akala niya ay makakasama niya sa hirap at ginhawa. Tumayo si Catherine nang maisipan niyang pumasok sa kwarto ni Mina, naroon na ang iba niyang gamit dahil bago pa makaalis ang ibang servers inutusan muna ni Nolan ang mga ito na kunin ang gamit ni Catherine sa kwarto at ilagay sa maid’s room, in Mina’s room.“Ano ng

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   50

    Hindi pa rin maitindin ni Catherine ang nangyayari, nasa harap niya ngayon si Mina na nakatingin sa kanya. Nasa kwarto siya ng maid’s room, Mina’s room to be exact.“What are you doing? You are his wife, you are the one supposed to be there, Catherin. Why are you here?” sunod-sunod na tanong ni Mina sa kanya.Umiiyak lang si Catherine tila ba iniisip na wala na siyang magagawa kung iyon na talaga ang nangyari. “I don’t know, Mina. Hindi ko maitindihan kung bakit iba ang sinama niya roon sa kwarto namin, and that is my room noong hindi pa kami kasal. Wala akong maitindihan—”“Ipapaintindi ko sa’yo ang nangyayari, Catherin. At sana maitindihn mo kung paano ka niya niloko, harap-harapan ka niyang sinaktan at sapat na iyon para ma-realized mo na tama na ang kahibangan mo sa kanya.” Mas lalong umiyak si Catherine dahil sa sinabi ni Mina. Si Mina lang ang kakampi niya sa bahay kung saan kasama niya ang pamilya ni Nolan at si Nolan, at kung wala si Mina ay panigurado na mas lalo pa siyang m

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   49

    Kaming mga babae, wala kaming ibang hinangad kundi ang magkaroon ng asawang mapagmahal at aalagaan kami kapag dumating na ang panahon na ikakasal kami. Gusto lang namin maging masaya sa piling ng lalaking mahal namin na kasama namin na humarap sa altar pero bakit sa sitwasyon ko ay naging sumpa ang minsan ko ng pinangarap. “Wala ka ng silbi para sa anak namin kaya mabuti pang umalis ka na lang!” sigaw ng aking mother-in-law. Bakas sa kanyang mukha ang galit niya sa akin. Hindi ko maitindihan kung bakit siya nagagalit sa akin, sinunod ko lang naman ang utos niya na ipagluto siya ng pagkain na gusto niya. “Pasensya na, Mama. Magluluto ulit ako—”“Hindi na!” sigaw niya sa akin kaya napapikit ako at bahagyang umiwas mula sa kanya dahil akma niya akong hahampasin ng hawak niyang libro. “Hindi na nga masarap itong una mong luto at gusto mong pang umulit? Wala ka bang utak?” galit na sabi niya. Lumunok ako ng dalawang beses, nahihirapan magsalita. Hindi ko maitindihan ang takot na nararam

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   48

    Tahimik ang paligid, tila walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla ng kanilang narinig mula sa nars. At nang mapansin ng nars ang naging reaksyon nilang apat ay agad na itong nagpaalam para umalis, sinabi lang ulit ang instruction nito na pwede na silang makalabas sa hospital. Kahit lumabas na sila sa hospital, hindi pa rin kumibo si Irish sa kanilang tatlo, bitbit niya lang ang kanyang anak kahit na nahihirapan siyang maglakad at kahit na gusto nilang tatlo na tulungan siya ay tila nawalan siya ng pakialam, dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nalaman niya; kahit si Sally ay hindi rin alam kung paano kausapin si Irish, naisip niya kanina na baka galit si Irish sa kanya. Pagtingin sa isa’t isa ang naging komunikasyon nina Sally at Jessica na para bang sa pamamagitan ng mga mata nila ay nagkakaintindihan sila tungkol kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse at kahit na si Jarson ay hindi rin alam kung paano magsalita dahil sa katahimikan, pinagdasal niya na lang na sana umiy

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   47

    Grabe ang pag-alala ng mga kaibigan ni Irish sa kanya na sila Sally, Jessica at Jarson dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, anim na oras na simula nang ilipat siya sa kanyang kwarto pagkatapos manganak. Marami na rin napag-usapan ang magpipinsan at nagawa labas pasok sa loob ng kwarto, kasama na sa pag-uusap nila ang tungkol kay Guiller at Irish. Ngunit nagawa lang nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon nang lumabas si Guiller at umalis sa ospital dahil sa biglaang emergency sa kumpanya nito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon, Sal,” komento ni Jessica sa kanyang pinsan nang malaman niya ang ginawa ni Sally. Umiwas nang tingin si Sally at saglit na bumaling kay Irish na wala pa rin malay at bumalik ulit kay Jessica. “Huwag mong babanggitin kay Irish ang napag-usapan natin, magagalit siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon,” mahina niyang sabi.Aangal pa sana si Jessica nang may biglang kumatok sa pintuan kaya sabay silang bumalin

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   46

    Hindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon. “Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit. Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally. “Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitang iyon, Jarson? P

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   45

    Nine Months After…Kabuwanan na ni Irish at lahat ng mga kasama niya ay excited, ganoon din naman siya ngunit kinakabahan siya sa posibleng mangyari na tila ba ngayon niya lang naramdaman ang takot. “Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?” tanong ni Sally sa kanya. Ngayong linggo ay nagsimulang mag labor si Irish sa tulong ng tatlong kaibigan. Tumingin siya kay Sally. “Naisip ko lang kung paano ko buhuhayin ang batang ito paglabas niya, at paano ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa tatay niya,” mahabang sabi ni Sally. Hinawakan naman ni Sally ang kamay niya at inayos ang hibla ng buhok. “Huwag kang mag-alala, palagi kong sinasabi sa’yo na nandito lang naman ako para tulongan ka.” Ngumiti si Sally sa kanya at tumingin lang din siya kay Sally nang biglang may sumagi sa isip niya. Mga nakaraang buwan, hindi na pumasok si Sally sa trabaho pero lagi itong lumalabas ng bahay at pagka-uwi niya may dala na itong maraming gamit, tulad ng grocery at iba pang pwedeng gagamitin nila, l

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 44

    Hindi agad nakapagsalita si Sally sa sinabi ni Guiller, bumaling siya sa loob ng bahay at hindi niya na nakita ang tatlo na nakatingin. Lumunok siya ng laway niya, kahit na nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan at bumaling muli kay Guiller.Hindi na siya nagtataka kung paano nalaman ni Guiller ang tungkol sa pamilya niya, isa rin siyang anak ng negosyante at nanggaling sa mayamang angkan, kagaya ni Irish alam niya rin kung paano kumilos ang mga kagaya ni Guiller. Pero ang hindi niya maitindihan ay kung bakit sa tingin niya na tila ba naging desperado si Guiller kay Irish. “Ano po ba talagang kailangan niyo kay Irish, sir? Pasensya na po kung ganito ang tanong ko pero hindi ko po pwedeng hayaan na lang ang kaibigan ko na minamanmana ninyo—”“Alam ko, Miss Valdez. Kung ayaw mong pumayag sa deal ko, hayaan mo na lang akong kausapin siya,” sabi ni Guiller. Huminga nang malalim si Sally, nahihirapan na siya kung paano niya sasabihin kay Guiller na hindi niya pwedeng gawin ang lahat ng gu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status