For matured readers only (TAGLISH) "Akala ko sapat na ang salitang I love you para umabot tayo hanggang dulo..." Galing sa sawing pag-ibig si Marion. Kinse palang siya nang unang umibig. Naging masalimuot ang buhay niya sa murang edad dahil sa kapusukan at katigasan ng ulo. Nagresulta para matakot siyang magmahal dahil naging sugatan ang puso niya. Pero makalipas ang ilang taon heto at nagbabalik ang sumugat sa puso niya. Si Shin Dela Vega. "Oo nagkamali ako, nasaktan kita. Hindi rin kita naipaglaban noon, pero gusto kong malaman mo na ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon at gusto kong itama ang lahat, all I need is a second chance Marion..." pakiusap ni Shin. Pero may isang humihingi ng pagkakataon na lingunin niya. "Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Manhid ka ba? Hindi mo ba nakikita na palagi akong nasa tabi mo kahit noon pa. Hindi kita iniiwan at kaya kitang ipaglaban kanino man. Hinihintay ko lang na bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka para maramdaman mong karapat-dapat din ako sa puso mo," pag-amin ni Grant Tyler sa kanya. Nalilito ang puso niya. Sino ang dapat niyang piliin? Magbibigay ba siya ng ikalawang pagkakataon para kay Shin, ang taong minahal niya o susubukan niyang muling buksan ang puso para kay Grant Tyler?
View More"Kain na po kayo," ani Marion kay Shiela at itinapat sa bibig nito ang kutsarang may lamang pagkain.Hindi ito kumibo bagkus ay nakatitig lang sa kawalan habang nakaupo sa sofa. Napabuntong hininga siya."Kailangan niyo pong kumain kasi hindi bibilis ang recovery niyo kung mahina kayo," kausap pa niya dito saka niya hinawakan ang baba nito para pabukahin ang bibig nito.Naisubo naman niya dito ang pagkain. Surprisingly ay nginuya naman nito iyon. Napangiti siya. Akala niya pati pagnguya ay nakalimutan na nitong gawin. Kunsabagay sabi naman ng Doctor ay nakakaintindi naman ito, iyon nga lang ay nalimitahan ang mobility nito dahil sa aksidente."Iinom pa po kayong gamot kaya dapat medyo madami makain niyo."Nakakatatlong subo palang ito nang marinig niya ang anak niyang umiiyak. Kinuha niya ito sa kuna na nakapwesto rin sa sala at binuhat ang sanggol."Ssshhh..." hele niya dito. Binuksan niya ang blouse para ilabas ang dibdib. Alam niyang gutom na ito. Kaagad naman iyong hinagilap ng b
Chapter 47Nang mailabas ng hospital si Shiela ay nakawheel chair na ito. Mahihirapang makalakad dahil masama ang pagkakabangga dito. Kailangan ng treatment pero saan naman sila kukuha ng pera? Bukod doon ay hindi pa nakikita ang taong nakabundol dito para sana mapapanagot. Idagdag pang naging tulala ito dahil napatama ang ulo sa sementadong sahig. Ang sabi naman ng Doctor ay makakabalik naman ito sa normal at makakapagsalita ulit, depende sa bilis ng recovery.Nang gabing iyon ay tatlo silang nag-usap-usap ni Shin kasama si Chelsea. Nasa kusina sila at magkakaharap na nakaupo sa dining."Chelsea, dapat tulong-tulong tayong mag-alaga kay Mama. Pag wala ako dito sa bahay ikaw ang magbabantay at mag-aalaga kay Mama. Pag wala ka, ako naman ang bahala sa kanya," panimula ni Shin."Eh, kung parehas tayong may lakad na importante?" nakaangat ang kilay na tanong ng maldita."Siyempre ako na yun. Kaya ko naman sigurong alagaan sila ni Shion," nasabi niya."Well good.""Chelsea, ano kaya kung
Palalim na ang tulog ni Marion nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likuran niya. Braso ni Shin. Humarap siya dito at niyakap ito. "Ginabi ka yata?" "May tinapos ako sa computer shop na project. May uwi akong siomai, gusto mo?" "Bukas na lang, busog pa ko. Salamat." "Tulog na pala si kulit…" tukoy nito kay Shion na nasa crib. "Oo, di ka na nahintay." Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi. Napapikit siya, naramdaman niyang humimas ang kamay nito sa braso niya. "Marion?" "Hmmm?" "I miss you…" anas nito at bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Napalunok siya. Alam niya ang gusto nitong iparating. It’s been two months magmula nang manganak siya. At ngayon lang ulit ito naglambing sa kanya. "Nakalock na ang pinto?" naitanong niya. Natawa ito. "Payag ka?" "Miss na rin kita…" nasabi niya kaya lalo itong nap
Chapter 45 Nakauwi rin sila ni Shin kinaumagahan. Dala-dala na nila si Baby Shion. Masayang-masaya sila ni Shin pero kabaliktaran naman iyon ni Chelsea at ng Mommy Shiela ni Shin. Si Chelsea ni hindi man lang sila sinilip nung manganak siya. Ang mommy naman ni Shin ay nandoon nga pero kibuin-dili naman siya. Ni hindi niya rin nakitaan ng excitement sa bagong silang na apo nito. Pero di bale na at least hindi naman siya inaaway ni Shiela. Mas okay na sa kanya ang silent treatment kaysa sa palagi siyang binubulyawan. "Ang ingay naman niyan! Patahimikin mo nga 'yan!" angil ni Chelsea habang karga niya ang anak na ayaw tumigil sa pagtahan. Sa sala nakapwesto ang anak niya at si Chelsea ay nandoon rin at nakahilata sa sofa, naistorbo sa pagsicellphone dahil sa palahaw ng anak. Araw ng Sabado kaya nasa bahay ang mag-ina. Si Shin ay nagtatrabaho kaya wala ito sa bahay. "K-Kanina ko pa nga ito ipinaghehele, ayaw talaga," kinig ang tinig na sagot niya. Halos maiyak na rin siya dahil pan
Chapter 44Habol ni Marion ang hininga habang pinapairi siya ng Doctor."Isa pa nakikita ko na," muling utos nito."Ahhh! Hah!" halos mapugto na ang hininga niya nang muling umiri.Napaiyak siya sa hirap.Lahat ng pagkakamali niya nagbalik sa utak niya. Kung sana nandito ang Lola niya baka sakaling mas gumaan ang pakiramdam niya. Pero hindi, galit ito sa kanya.Wala na itong pakialam sa kanya. Ganoon ba talaga? Pag nagkamali ka, itataboy ka? Huhusgahan ka? Wala ng karapatang magbago o bumangon man lang sa pagkakadapa?Ito na yata ang pinakamahirap sa pinagdaanan niya. Ang magluwal ng sanggol.Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng iyak."Nandito na siya. Lalaki ang anak mo!" anunsiyo ng doktora kaya unti-unti siyang napangiti sa kabila ng hirap na pinagdaanan.Napapikit siya para pakalmahin ang sarili. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.~*~*~*~*~"Kamusta si Marion?" tanong kaagad ni Grant nang makita si Shin sa labas ng delivery room. Kasunod nito ang barkada."Nangan
Chapter 43 "Marion, natataranta ko sa’yo, sigurado ka bang hindi pa tayo pupunta ng ospital?" aligaga si Shin nang umagang iyon habang naghahanda sa pagpasok. Akala nila kasi kagabi manganganak na talaga siya kaya pinapara niya ito ng sasakyan, pero nung dumating naman ang tricycle ay nawala na naman ang sakit. "Oo nga, o ngayon o wala naman akong nararamdaman ulit. Ganun naman yata talaga kapag malapit na. Madalas na ang sakit. Saka isa pa, mamaya na ang battle of the bands niyo. Hindi pwedeng hindi ako manunood. Sabi nga ni Alexis baka maging lucky charm niyo ko." "Hay sige na nga, katawan mo naman ‘yan, mas ikaw nakakaalam. Basta tawagan mo ko kung may mararamdaman ka." "Oo, ‘wag ka ng mag-alala." "Sige bye, Love you." "Love you too…" at humalik na siya sa pisngi nito. Pumasok pa rin siya sa trabaho. Iniisip niya sayang ang kikitain. "Hoy sipag mo, hindi ka pa ba manganganak ng lagay na ‘yan?" usisa ng bading na si Krissy habang naglalagay ito sa tabi ng lababo
Chapter 42 Balisa si Marion habang nakahiga. Sumasakit ang tiyan niya. Napatingin siya sa katabing si Shin. Mahimbing ang tulog nito pero siya ay kanina pa alumpihit. Kabuwanan na niya. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang manganak dahil wala pa naman silang ganoong pera. Konti nga lang ang gamit na napamili nila para sa bata sa tulong ng kaunting kita nilang pinagsama sa pagtatrabaho nila sa boss na tsekwa. "Marion?" naalimpungatan si Shin dahil naramdaman nito ang paglilikot niya. Napabangon ito at binuksan ang ilaw. "Masakit pa rin?" nag-aalalang tanong nito at napahawak sa tiyan niya. Napangiwi siya. "D-Dumadalas na talaga…" "Itakbo na kaya kita sa ospital?" "Di ko pa naman due date, saka kaya ko pa naman. Sabi ko rin kasi kay boss mag-o-overtime ako. Sayang kita…" Napabuntong hininga ito. "Sigurado ka?" "O-Oo. Sige na tulog na tayo ulit. May exa
Chapter 41 "Palakas ka, ah?" ani Marion kay Shin habang sinusubuan niya ito ng mainit na sopas na nabili niya sa canteen sa ibaba ng ospital. "Oo naman, lalo pa at inaalagaan mo ko." Napangiti siya sa sinabi nito. "Shin, ‘wag ka ulit aangkas ng motor, ah? Takaw disgrasiya lang ‘yan," paalala niya. "Gusto ko kasing makauwi kaagad nun kaya umangkas ako kay Brando. Saka wala talaga sa hinagap ko na madidisgrasiya kami." "Alam ko, pero mas okay na yung nag-iingat. Ano na lang gagawin ko kung hindi ka nakabalik?" nangilid ang mga luhang sabi niya. "Hey…I’m already here so don’t cry," marahan nitong hinagip ang kamay niya at hinalikan pa iyon. "Thankful ako sa itaas na hindi ka niya pinabayaan." Nakangiting tumango ito. "Simba tayo sa Sunday? This is my second life kaya dapat magpasalamat ako sa kanya," yakag nito kaya napangiti rin siya. "Yun lang pala, eh. Sige simba tayo. Paalam tayo sa Mommy mo baka kasi magalit na naman sa’kin yun." "Sana magkasundo na talaga kayo…" "Sana n
Chapter 40 Lalong nagngitngit si Chelsea dahil sa sinabi ni Grant. Malinaw na kay Marion ito kumakampi. At hindi man nito diretsong sabihin ay alam niyang pinagbabantaan siya nito na anumang gawin niya kay Marion ay ito mismo ang makakalaban niya. "Damn that b!tch!" nagtatagis ang mga ngiping maktol niya. Nagmamartsang tumungo siya sa silid nito. Nakapikit si Marion at anyong tulog. Nangangati ang palad niya at gusto niya talaga itong sampalin. Talagang mainit ang dugo niya dito sa babaeng ito. Ipinahamak nito si Shin dahil sa pagiging malandi nito, maaga itong magiging batang ama. Tapos ngayon ay nakuha nito pati ang loob ni Grant! She likes Grant, matagal na. Pero hindi naman siya nito pinag-uukulan ng pansin at mukhang mas lalo siyang walang magiging pag-asa dahil nasa side ito ni Marion. Muntik na siyang mapaatras nang makitang nagmulat ng mga mata
Chapter 1Matapos ipwesto sa phone holder ang smart phone ay umimbay nasa isang sikat na tugtugin ang malambot na balakang at bewang ni Marion para sumayaw.Sa harap ng camera ng smart phone niya ay panay ang ngiti at pacute niya. Kung minsan kahit sa edad na kinse, ang mga steps ng sayaw niya ay hindi nababagay sa edad niya. Masiyadong mapanukso at tila nang-aakit.Maiksing shorts at isang red spaghetti top ang suot niya. Litaw ang makikinis na balikat at mga hita. Isa siya sa mukha ng makabagong kilos ng mga modernang kabataan ngayon. Nahuhumaling sa mga social media apps, walang pakialam kahit pa magmukha ng katawa-tawa o kahiya-hiya sa iba basta't mas marami ang likes o heart reacts sa ginawa nila ay iyon lang ang mahalaga.Sumusunod sa malambot na hataw ng katawan niya ang mahaba at tuwid na buhok niyang inilugay niya.Dagdag dating iyon sa kagandahang taglay niya.Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi nakukuntinting ng daliri niya ang mga social media apps niya sa phone at m...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments