Chapter 11 Hilong-hilo si Marion paggising niya, nangangasim din ang sikmura niya. Bahagya lang siyang nagmulat ng mga mata nang makarinig ng mga katok. Alam niyang Lola niya iyon. "Marion, apo bangon na," tapik nito sa binti niya nang makapasok sa munting silid niya. Itinakip niya ang unan sa mukha nang buksan nito ang kurtina sa kwarto niya. Parang mas lalong sumama ang pakiramdam niya nang makita ang papasikat na araw. "Tanghali na, baka malate ka," ulit nito. "Baka um-absent po muna ko La," matamlay na sagot niya nang ibaba ang unan. "Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka," bumadha ang pag-aalala sa mukha nito. Kaagad siya nitong nilapitan at sinalat ang noo at leeg niya. "Hindi ka naman nilalagnat, ano bang nararamdaman mo?" tanong nito nang masalat na normal lang naman ang temperatura ng katawan niya. "Medyo nahihilo ako La, saka sumasakit din ang ulo. Medyo nangangasim din ho ang sikmura ko," napapikit na aniya. "Paano'ng hindi mangangasim ang sikmura mo? Hindi k
Chapter 12 Panay ang suka ni Marion sa inidoro nang umagang iyon. Medyo nahihilo na naman siya, Binuksan niya ang gripo sa takot na baka marinig siya ng Lola niya sa labas. Ayaw niyang matanong siya nito dahil hindi rin naman niya alam ang isasagot kung sakali. Ni hindi rin niya alam kung bakit masakit ang n*pples niya. Basta't may kakaiba sa katawan niya, ramdam niya. Halos wala naman siyang inilabas kundi laway. Naligo na siya nang bumuti ang pakiramdam ng sikmura at nagpasiyang pumasok na lang sa school. "Oh okay ka na ba?" usisa ni Nancy nang makapasok na siya ng araw na iyon. "Oo, okay na. Nahilo lang naman ako saka ayun medyo sinikmura," tugon niya sa kaibigan habang nasa canteen sila at umoorder ng lunch. "Buti na lang talaga pumasok ka na, alam mo ba si Jerra, talagang close nasa new friends niya. Sina Chelsea. O di ba sa seniors bumabarkda ang bruha. Kasi pareho silang bruha," bungisngis nito kaya napatawa rin siya. Sa totoo lang wala na siyang pakialam kay Jerra. Kung a
Chapter 13Hilam na siya sa luha. Luminga-linga siya para pumara ng tricycle pauwi. Ang pagkadismaya niya sa naging reaction ni Shin dahil sa hinala niya ay labis na ikinasasama ng loob niya. Marahas niyang pinunasan ang mga luha. Ayaw niyang isipin na kung sakaling totoo nga ay mag-isa lang niyang papasanin ang problema.Bahagya siyang napaatras nang may humintong itim na kotse sa harapan niya. Bumaba ang bintana niyon sa back seat.Bumungad ang mukha ni Grant Tyler."Going home?""O-Oo.""Come on, hop in. Hatid kita," alok nito."Hindi na. Magtatricycle na lang ako. Diyan lang naman ako sa Dacan.""Sakto on the way. Hop in," binuksan na nito ang pinto ng kotse.Napakamot siya sa mukha. Mukhang hindi ito papayag na hindi siya maihatid. Nakakaabala pa sila sa daan kaya sumakay na rin siya. Umisod ito papasok para makasakay siya.Nang mailapat niya pasara ang pintuan ay pinaandar na ng driver ang sasakyan.Tahimik lang ito sa loob ng sasakyan at diretso ang tingin sa daan. The usal sup
Chapter 14 Uwian na. Pinauna niya na si Nancy at humugot ng lakas ng loob para kausapin si Shin. Nagpapractice ang mga ito dahil bukod sa battle of the bands ay malapit na rin ang Foundation day ng school. Habang palapit ay taas baba ang dibdib niya sa inis, paano ay kausap na naman nito si Corene. Ang mga kabanda naman nito tulad ni Grant ay abala sa pagsi-set up ng kanya-kanyang hawak na instruments. "Shin, mag-usap tayo," tawag pansin niya sa boyfriend nang lapitan niya ito sa gilid ng stage. Napatingin siya sa mga kamay ni Corene na naka-abrisiyete pa sa braso ng boyfriend. Nakatingin din sa kanila ang banda. Tila ramdam ang tensiyon sa pagitan nila. "Saka na lang Marion medyo busy kasi kami," tila walang ganang sagot ni Shin kaya nagpanting talaga ang tainga niya. "Busy? Lagi ka na lang busy! Pero sa babaeng 'yan nakikipagtawanan ka pa?" medyo mataas na ang boses na sita niya saka niya binaklas ang kamay ni Corene na nakaangkla dito. "Hey!" gulat na saway ni Corene sa ka
Chapter 15"Marion, inom ka muna, baka naman madehydrate ka na kakaiyak," halata ang pag-aalala sa boses na sabi ni Grant habang nakaupo sila sa foodcourt ng mall na iyon.Inabutan siya nito ng bottled mineral water. Binuksan nito ang takip at itinapat sa bibig niya. Dahil pakiramdam nga niya ay natutuyuan na siya kakaiyak ay ininom niya ang malamig na tubig. Nilagok niya iyon ng diretso.Medyo nagluwag ang nagsisikip na dibdib niya dahil sa nalamang resulta na buntis nga talaga siya."S-Salamat."Bahagya nitong tinapik ang balikat niya at malungkot siyang nginitian."Alam ko wala ka pang plano kaya hindi ko na tatanungin kung ano'ng balak mo? Pero tingin ko, hindi mo dapat pinapasang mag-isa 'yan.""K-Kaya nga, eh. Loko 'yang kaibigan mo, mukhang balak pa kong takbuhan, eh," maktol niya."Wag kang mag-alala, kakausapin ko siya bukas na bukas din."Napatitig siya dito. Hindi niya akalain na napakasincere palang tao ng isang Grant Tyler. Buong akala niya noon ay wala itong pakialam sa
Chapter 16Nakailag si Grant sa suntok ni Shin. Sa lakas ng pinakawalang suntok ni Shin ay nawalan ito ng balanse dahil walang sumalo ng suntok nito. Sadsad ito sa lupa.Nagtatagis ang mga ngiping tumayo ulit si Shin para saktan si Grant. "Shin! Ano ba! Tumigil ka!" bulyaw niya sa lalaki."Ano'ng tumigil? Huling-huli kita 'no? De pasulat-sulat ka pa? Ito ba yung sasabihin mong importante? Na nahulog ka na sa kanya? Kaya siguro gusto mong makipagbreak dahil nagkakagustuhan na kayo ng gagong 'to!""Watch your words Shin!" saway ni Grant na magkalapat na rin ang mga ngipin sa inis dahil sa mga bintang nito."Kapal mo rin ah? Sinusulot mo na nga tong girlfriend ko, ikaw pa ang nagbabanta?""Shin! Ano ba sabi ng tumigil ka, eh!" tulak niya sa lalaki dahil lalapitan na naman nito si Grant kaya pumagitna na siya."Yang kalandian mo ang itigil mo!" sagot ni Shin.Hindi na nakapagpigil si Marion, humaginit sa pisngi ni Shin ang kamay niya. Nabiling ang mukha ng lalaki sa lakas ng sampal niya.
Chapter 17"Alam mo, ang lakas ng appetite mo ngayon. Seryoso. Ngayon lang yata kita nakitang nakathree cups of rice..." tila nagtatakang puna ni Nancy nang maubos niya ang ikatlong kanin na order ni Shin para sa kanya.Nagkatinginan sila ni Shin na kasama nila sa table ng tanghaliang iyon. Magmula nang magkabati sila kasa-kasama na ulit nila ni Nancy kumain ang barkada ni Shin."Oo nga. Baka mamaya ipagpalit ka pag lumobo ka," biro ni Clark kaya pasimple itong siniko ni Nancy."Bibig mo ha?" saway nito sa boyfriend."Joke lang, 'to naman oh!""Oy magsa-summer na! Sa'n plano natin?" tanong ni Alexis na katabi si Grant na tahimik lang kumakain."Baguio?" suhestiyon ni Clark."Gusto mo bang maghiwalay kayo ni Nancy? May sumpa raw yung Baguio for couples," biro niya."Japan!" hyper na ani Nancy. Ilang beses na kasi itong nakapunta doon dahil can afford naman talaga ng family nito."Ni wala pa nga akong passport, Japan ka diyan?" kontra ni Clark."Bora?" ani Shin."Mahal di afford at ang
Chapter 18"Pa'no kaya 'to? Hindi pa man natin nasasabi parang alam na natin kung ano ang magiging resulta..." nadidismayang sabi ni Marion kay Shin habang naglalakad sila sa patio. Naupo sila sa isang swing na korteng itlog ang itsura at yari iyon sa matibay na rattan.Napakaaliwalas at ang ganda ng patio nina Shin lalo pa at napaliligiran ng magagandang halaman at mga puno. Pero hindi niya magawang magrelax lalo pa at mukha namang hindi masasabi ni Shin ang kalagayan niya."Kung hindi lang talaga lalaki ang tiyan mo pwede pa nating itago ng matagal-tagal kaso hindi talaga pwede...""Kung sasabihin kasi natin ngayon at mapapalayas ka ano na lang ang mangyayari sa'tin?"Napabuga ito ng hangin."Nasabi mo na ba sa Lola Mel mo?""Hindi pa rin. Mas lalo na dun, panay nga ang pangaral niya sa'kin na dapat pag-aaral ko lang ang atupagin ko tapos malalaman niyang buntis ako?""Di bale, masasabi rin natin 'yang kalagayan mo, ako na bahala tyumempo, ang hirap din kasi nandiyan si Ate, mangga
"Kain na po kayo," ani Marion kay Shiela at itinapat sa bibig nito ang kutsarang may lamang pagkain.Hindi ito kumibo bagkus ay nakatitig lang sa kawalan habang nakaupo sa sofa. Napabuntong hininga siya."Kailangan niyo pong kumain kasi hindi bibilis ang recovery niyo kung mahina kayo," kausap pa niya dito saka niya hinawakan ang baba nito para pabukahin ang bibig nito.Naisubo naman niya dito ang pagkain. Surprisingly ay nginuya naman nito iyon. Napangiti siya. Akala niya pati pagnguya ay nakalimutan na nitong gawin. Kunsabagay sabi naman ng Doctor ay nakakaintindi naman ito, iyon nga lang ay nalimitahan ang mobility nito dahil sa aksidente."Iinom pa po kayong gamot kaya dapat medyo madami makain niyo."Nakakatatlong subo palang ito nang marinig niya ang anak niyang umiiyak. Kinuha niya ito sa kuna na nakapwesto rin sa sala at binuhat ang sanggol."Ssshhh..." hele niya dito. Binuksan niya ang blouse para ilabas ang dibdib. Alam niyang gutom na ito. Kaagad naman iyong hinagilap ng b
Chapter 47Nang mailabas ng hospital si Shiela ay nakawheel chair na ito. Mahihirapang makalakad dahil masama ang pagkakabangga dito. Kailangan ng treatment pero saan naman sila kukuha ng pera? Bukod doon ay hindi pa nakikita ang taong nakabundol dito para sana mapapanagot. Idagdag pang naging tulala ito dahil napatama ang ulo sa sementadong sahig. Ang sabi naman ng Doctor ay makakabalik naman ito sa normal at makakapagsalita ulit, depende sa bilis ng recovery.Nang gabing iyon ay tatlo silang nag-usap-usap ni Shin kasama si Chelsea. Nasa kusina sila at magkakaharap na nakaupo sa dining."Chelsea, dapat tulong-tulong tayong mag-alaga kay Mama. Pag wala ako dito sa bahay ikaw ang magbabantay at mag-aalaga kay Mama. Pag wala ka, ako naman ang bahala sa kanya," panimula ni Shin."Eh, kung parehas tayong may lakad na importante?" nakaangat ang kilay na tanong ng maldita."Siyempre ako na yun. Kaya ko naman sigurong alagaan sila ni Shion," nasabi niya."Well good.""Chelsea, ano kaya kung
Palalim na ang tulog ni Marion nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likuran niya. Braso ni Shin. Humarap siya dito at niyakap ito. "Ginabi ka yata?" "May tinapos ako sa computer shop na project. May uwi akong siomai, gusto mo?" "Bukas na lang, busog pa ko. Salamat." "Tulog na pala si kulit…" tukoy nito kay Shion na nasa crib. "Oo, di ka na nahintay." Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi. Napapikit siya, naramdaman niyang humimas ang kamay nito sa braso niya. "Marion?" "Hmmm?" "I miss you…" anas nito at bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Napalunok siya. Alam niya ang gusto nitong iparating. It’s been two months magmula nang manganak siya. At ngayon lang ulit ito naglambing sa kanya. "Nakalock na ang pinto?" naitanong niya. Natawa ito. "Payag ka?" "Miss na rin kita…" nasabi niya kaya lalo itong nap
Chapter 45 Nakauwi rin sila ni Shin kinaumagahan. Dala-dala na nila si Baby Shion. Masayang-masaya sila ni Shin pero kabaliktaran naman iyon ni Chelsea at ng Mommy Shiela ni Shin. Si Chelsea ni hindi man lang sila sinilip nung manganak siya. Ang mommy naman ni Shin ay nandoon nga pero kibuin-dili naman siya. Ni hindi niya rin nakitaan ng excitement sa bagong silang na apo nito. Pero di bale na at least hindi naman siya inaaway ni Shiela. Mas okay na sa kanya ang silent treatment kaysa sa palagi siyang binubulyawan. "Ang ingay naman niyan! Patahimikin mo nga 'yan!" angil ni Chelsea habang karga niya ang anak na ayaw tumigil sa pagtahan. Sa sala nakapwesto ang anak niya at si Chelsea ay nandoon rin at nakahilata sa sofa, naistorbo sa pagsicellphone dahil sa palahaw ng anak. Araw ng Sabado kaya nasa bahay ang mag-ina. Si Shin ay nagtatrabaho kaya wala ito sa bahay. "K-Kanina ko pa nga ito ipinaghehele, ayaw talaga," kinig ang tinig na sagot niya. Halos maiyak na rin siya dahil pan
Chapter 44Habol ni Marion ang hininga habang pinapairi siya ng Doctor."Isa pa nakikita ko na," muling utos nito."Ahhh! Hah!" halos mapugto na ang hininga niya nang muling umiri.Napaiyak siya sa hirap.Lahat ng pagkakamali niya nagbalik sa utak niya. Kung sana nandito ang Lola niya baka sakaling mas gumaan ang pakiramdam niya. Pero hindi, galit ito sa kanya.Wala na itong pakialam sa kanya. Ganoon ba talaga? Pag nagkamali ka, itataboy ka? Huhusgahan ka? Wala ng karapatang magbago o bumangon man lang sa pagkakadapa?Ito na yata ang pinakamahirap sa pinagdaanan niya. Ang magluwal ng sanggol.Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng iyak."Nandito na siya. Lalaki ang anak mo!" anunsiyo ng doktora kaya unti-unti siyang napangiti sa kabila ng hirap na pinagdaanan.Napapikit siya para pakalmahin ang sarili. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.~*~*~*~*~"Kamusta si Marion?" tanong kaagad ni Grant nang makita si Shin sa labas ng delivery room. Kasunod nito ang barkada."Nangan
Chapter 43 "Marion, natataranta ko sa’yo, sigurado ka bang hindi pa tayo pupunta ng ospital?" aligaga si Shin nang umagang iyon habang naghahanda sa pagpasok. Akala nila kasi kagabi manganganak na talaga siya kaya pinapara niya ito ng sasakyan, pero nung dumating naman ang tricycle ay nawala na naman ang sakit. "Oo nga, o ngayon o wala naman akong nararamdaman ulit. Ganun naman yata talaga kapag malapit na. Madalas na ang sakit. Saka isa pa, mamaya na ang battle of the bands niyo. Hindi pwedeng hindi ako manunood. Sabi nga ni Alexis baka maging lucky charm niyo ko." "Hay sige na nga, katawan mo naman ‘yan, mas ikaw nakakaalam. Basta tawagan mo ko kung may mararamdaman ka." "Oo, ‘wag ka ng mag-alala." "Sige bye, Love you." "Love you too…" at humalik na siya sa pisngi nito. Pumasok pa rin siya sa trabaho. Iniisip niya sayang ang kikitain. "Hoy sipag mo, hindi ka pa ba manganganak ng lagay na ‘yan?" usisa ng bading na si Krissy habang naglalagay ito sa tabi ng lababo
Chapter 42 Balisa si Marion habang nakahiga. Sumasakit ang tiyan niya. Napatingin siya sa katabing si Shin. Mahimbing ang tulog nito pero siya ay kanina pa alumpihit. Kabuwanan na niya. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang manganak dahil wala pa naman silang ganoong pera. Konti nga lang ang gamit na napamili nila para sa bata sa tulong ng kaunting kita nilang pinagsama sa pagtatrabaho nila sa boss na tsekwa. "Marion?" naalimpungatan si Shin dahil naramdaman nito ang paglilikot niya. Napabangon ito at binuksan ang ilaw. "Masakit pa rin?" nag-aalalang tanong nito at napahawak sa tiyan niya. Napangiwi siya. "D-Dumadalas na talaga…" "Itakbo na kaya kita sa ospital?" "Di ko pa naman due date, saka kaya ko pa naman. Sabi ko rin kasi kay boss mag-o-overtime ako. Sayang kita…" Napabuntong hininga ito. "Sigurado ka?" "O-Oo. Sige na tulog na tayo ulit. May exa
Chapter 41 "Palakas ka, ah?" ani Marion kay Shin habang sinusubuan niya ito ng mainit na sopas na nabili niya sa canteen sa ibaba ng ospital. "Oo naman, lalo pa at inaalagaan mo ko." Napangiti siya sa sinabi nito. "Shin, ‘wag ka ulit aangkas ng motor, ah? Takaw disgrasiya lang ‘yan," paalala niya. "Gusto ko kasing makauwi kaagad nun kaya umangkas ako kay Brando. Saka wala talaga sa hinagap ko na madidisgrasiya kami." "Alam ko, pero mas okay na yung nag-iingat. Ano na lang gagawin ko kung hindi ka nakabalik?" nangilid ang mga luhang sabi niya. "Hey…I’m already here so don’t cry," marahan nitong hinagip ang kamay niya at hinalikan pa iyon. "Thankful ako sa itaas na hindi ka niya pinabayaan." Nakangiting tumango ito. "Simba tayo sa Sunday? This is my second life kaya dapat magpasalamat ako sa kanya," yakag nito kaya napangiti rin siya. "Yun lang pala, eh. Sige simba tayo. Paalam tayo sa Mommy mo baka kasi magalit na naman sa’kin yun." "Sana magkasundo na talaga kayo…" "Sana n
Chapter 40 Lalong nagngitngit si Chelsea dahil sa sinabi ni Grant. Malinaw na kay Marion ito kumakampi. At hindi man nito diretsong sabihin ay alam niyang pinagbabantaan siya nito na anumang gawin niya kay Marion ay ito mismo ang makakalaban niya. "Damn that b!tch!" nagtatagis ang mga ngiping maktol niya. Nagmamartsang tumungo siya sa silid nito. Nakapikit si Marion at anyong tulog. Nangangati ang palad niya at gusto niya talaga itong sampalin. Talagang mainit ang dugo niya dito sa babaeng ito. Ipinahamak nito si Shin dahil sa pagiging malandi nito, maaga itong magiging batang ama. Tapos ngayon ay nakuha nito pati ang loob ni Grant! She likes Grant, matagal na. Pero hindi naman siya nito pinag-uukulan ng pansin at mukhang mas lalo siyang walang magiging pag-asa dahil nasa side ito ni Marion. Muntik na siyang mapaatras nang makitang nagmulat ng mga mata