Hindi nakapagsalita si Diana agad, gulat siyang nakatingin kay Jeremy. Nang makita niyang umiling si Jeremy na para bang disappointed ito, napabalik siya sa reyalidad. Agad niyang tinignan ang lalaki ng masama.“Ang kapal ng mukha mong gawin iyan sa likod ko. Kailan ka ba titigil?” inis niyang tanong.“Alam mong titigil lang ako kung sinabi mo sa akin ang totoo—”“I already did!” sigaw niya. Bahagyang nagulat si Jeremy dahil sa sigaw niya. Ikinuyom ni Diana ang mga kamao niya, nagpipigil na sumabog ulit. Ayaw niya mang ipakita kay Jeremy ang kahinaan niya pero tila sa araw na ito ay hindi niya na nakayanan itago pa lalo ang galit niya sa lalaki. “Sinabi ko na sayo ang totoo, Jeremy. Hindi mo siya anak kaya pwede ba, tigilan mo na ako sa mga ganyan mo. Wala kang makukuha sa akin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya at umalis. Habang pinagmasdan ni Jeremy ang likod ni Diana na papalayo sa kanya na hindi manlang lumingon ulit, hinigpitan niya ang hawak sa manibela ng ko
Habang hawak ni Jeremy ang papel na naglalaman ng resulta na inaasahan niya, hindi matigil ang pagnginig ng kamay niya. Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon. Saya, lungkot at galit. Saya dahil simula nang mawala si Diana sa buhay niya, doon niya napagtanto na gusto niyang magkaroon ng anak. Lungkot dahil ang tagal niyang nawalay sa anak niya, at galit—ngunit hindi niya alam kung kanino siya talaga nagalit. Sa sarili niya ba o kay Diana na nagsisinungaling sa kanya. Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim, ibinalik niya ang papel sa envelope nito at lumabas ng kotse. Pinakalma niya ang sarili niya, bumalik sa dating malamig at tuloy-tuloy na pumasok sa building hanggang sa makarating siya sa opisina niya. Nakita niya si Diana na masayang nakipag-usap sa ibang empleyado at nang maramdaman nila ang presensya ni Jeremy, agad silang nagsibalikan sa kani-kanilang station. Malamig na tumingin si Jeremy kay Diana na ngayon ay nakatayo ng tuwid at nakatingin din sa kanya. “Goo
Hindi pumasok si Diana sa trabaho kinabukasan dahil sa nangyari kahapon, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Jeremy sa ginawa nitong pag-DNA ng anak niya. Kaya pagka-uwi niya kahapon ay naghanap agad siya ng ibang company para pag-apply-an dahil malamang sa malamang hindi na siya tatanggapin sa dati niyang company. Pagkahatid niya rin kay Justin sa skwela, gumawa na rin siya ng resignation letter at dumiretso sa kumpanya ni Jeremy, pagkarating niya wala si Jeremy sa opisina nito kaya iniwan niya na lang ang resignantion letter sa Human Resources. Pagkababa niya sa building, huminga siya nang malalim at nagdadasal sa isipan na sana hindi na magkrus ang landas nila ni Jeremy. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi takot para sa kanya at sa anak niya.Iwinakli niya muna iyon sa isipan niya at nag-book ng grab taxi para puntahan ang anak niya. Dahil wala pa siyang trabaho, naisipan niyang magpalipas muna ng oras mag-antay kay Justin sa skwela nito. Agad din naman siyang n
Tila napako si Diana sa kinatayuan niya ngunit hindi niya binitawan ang kamay ng anak niya. Mahigpit niya itong hinawakan kahit na hindi siya makahinga nang maayos. Habang tinitignan ang mga mata ni Jeremy na nababakas ang galit at sakit, mas lalo siyang nanghina. Umawang ang bibig ni Diana, na para bang marami siyang sasabihin pero ni isa ay walang lumabas hanggang sa si Justin ang nagsalita dahilan para mabalik sa kanyang ulirat si Diana. “Mom, what is he talking about? He’s my dad?” ang napapaos at malambing na boses ng bata ay naghalo. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Diana, gusto niya na talagang tumakbo kasama ang anak ngunit para bang may pumipigil sa kanya na malakas na pwersa. Kahit ang tanong ng anak niya ay hindi niya masagot. “You can’t tell him the truth?” si Jeremy na seryoso pa rin ang tingin kay Diana. Umiling nang ilang ulit si Diana at nagsimula nang tumulo ang mga luha niya na kanina niya pa rin pinipigalan. “H-how dare you…” sa wakas, may lumabas na ring
Isang Linggo na nang magsimula muling maghanap si Diana ng trabaho ngunit sa loob ng isang Linggo na iyon, tila hindi siya makahanap. Kung meron man ay hindi siya natatanggap. Kahit alam niya naman sa sarili niya na nagawa niya lahat sa interview, nasagot niya ito ayon sa nakasanayan niya. Pinagtataka niya kung bakit parang nagsimula siya noong mga panahon na nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. “Lord, please help me…” bulong niya nang makalabas siya sa building na pinag-apply-an niya. Lunes ngayong araw at ito rin ang huli niyang kumpanya na pag-aapplyan ngayon. Pinagdasal niya na lang na isa siya sa tatawagan dahil ito na rin ang huling company na nasa listahan niya. Pagkauwi niya sa bahay, agad siyang naglinis. Hindi niya na naisipan pang magpahinga dahil kapag nagpahinga siya at naging tulala, maiisip niya lang kung gaano siya kamalas sa loob ng isang Linggo.Pagkatapos niyang maglinis, umupo siya sa sofa at binuksan ang phone. Dumiretso siya sa banking app niya; BDO ang una
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni Dane kay Diana nang dumating ang araw na magpapaalam na si Diana sa mga kaibigan niya sa apartment. Ngayon ay nasa apartment siya ni Lisa, ang kapatid ni Dane. Kasama niya si Dane ang asawa ni Lisa na si Michael. Tumingin si Diana sa kanilang tatlo isa-isa sabay tango nang marahan. “Kailangan. Kasama naman namin sina Mama at Papa, kaya maayos din ang magiging kalagayan namin doon.” Nakangiting sabi niya. Huminga nang malalim si Lisa at tumingin kay Diana na may pag-aalala. “Ano bang dahilan na lilipat kayo? Limang taon na rin kayo rito ni Justin, napamahal na sainyo ang lugar na ito, kahit ang mga kapitbahay natin sa labas. May naging problema ba? Baka naman may maitulong kami para hindi na kayo lumipat…” Bakas sa boses ni Lisa na sobra ang pag-aalala at lungkot. Isa si Diana na totoon taong nakilala niya at napamahal na rin siya kay Justin na para bang tinuring niya na itong anak. Sa pangungulila niya sa anak nila ni Michael na nasa p
“Anong ginagawa mo?” seryoso ngunit bakas pa rin ang galit sa tono ni Diana na tanungin niya si Jeremy. Hawak niya pa rin ang palupuspusan ni Jeremy.Saglit na tumingin si Jeremy roon at inalis ang kamay ni Diana. “I’m taking my son to play,” sabi nito na para bang normal na sa kanya.Napatawa nang payak si Diana, para bang isang nakakatawang biro ang narinig niya mula sa bibig ni Jeremy. Tumingin siya kay Justin na nasa tabi na ni Dane, hawak ang kamay. “Sa labas tayo mag-usap,” sabi niya kay Jeremy pero kay Justin nakatingin. Hinawakan niya ang kamay ni Justin at naunang lumabas ng jewelry shop. “What the hell are you doing?” bulong ni Nathan kay Jeremy. Ngunit hindi siya nito pinansin, dumiretso si Jeremy sa pagsunod kay Diana sa labas ng shop.Naiwan naman sa loob sina Dane, Justin at Nathan. Nagkatinginan saglit sina Dane at Nathan at tumingin din si Nathan kay Justin. Doon niya lang napagtanto na kamukha nga ni Jeremy ang bata sa malapitan. “We should follow them, Spongebob.
Nakarating na sila Diana sa bahay ng magulang niya. Agad din naman silang sinalubong ng pamilya niya. “Nandito na rin kayo sa wakas! Kumusta ang byahe niyo? Nahirapan ba kayo? Sana tinawagan mo ang kapatid mo para tumulong sa pag-aayos ng gamit,” sabi ng kina ni Diana.Niyakap niya naman ito at dumiretso ang ina niya kay Justin pagkatapos magmano ni Dane. “Ayos lang, Ma. Kaunti lang din naman ang gamit namin at tinulungan naman kami ni Dane,” nakangiting sabi ni Diana. Tinulungan na rin sila ng mga taong naroon na ibaba ang mga gamit habang nasa loob na sila ng bahay kasama si Dane. “Salamat at bumalik na rin kayo rito ni Justin,” sabi ng Tita Malet ni Diana, ang kapatid ng kanyang ama. “Oonga, Tita. Namiss po namin kayo kaya naisipan naming lumipat.” sagot naman n Diana. “Ate, na-enroll ko na si Justin sa Kinder School dito. Next week pwede na siya pumasok,” sabi ni Stephanie, ang bunsong kapatid ni Diana.Tatlo lang silang magkakapatid, siya ang panganay, at ang pangalawang an
Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-
Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iba
DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me. But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa
Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa
Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vaness
Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Vi
Halos limang oras bago magising si Justin, naroon lang si Diana sa kanyang tabi sa loob ng limang oras na iyon. Habang si Jeremy ay nasa loob lang din ng kwarto, doon niya ginagawa ang iba niyang trabaho na connected sa magiging partnership niya sa business trip na ito. At nang magising si Justin, tinawag niya si Diana. “Anak…gising ka na. May masakit ba sa’yo? How are you?” Mabilis na tanong ni Diana. Nang marinig din ni Jeremy ang boses nilang dalawa, tumayo siya at lumapit sa kama ni Justin.“Dadd, you’re here too…” mahinang sabi ng bata sabay ngiti. “Yes, son. I’m here. How are you?” mahinahon namang tanong ni Jeremy habang hinawakan nito ang noo ng anak. “I am good now. You guys are here, I can tell my new friends that I have a mommy and a daddy….”Dahil sa narinig, sumikip bigla ang dibdib ni Diana. Hindi niya inasahan na iyon ang sasabihin ng anak matapos ang insidente niya sa dinner party. Umiwas siya ng tingin, ngunit hindi nakatakas kay Jeremy ang sakit sa kanyang mga m
Hindi sumagot si Diana kay Jeremy, nahihirapan siyang ibigkas ang mga salitang gusto niyang sabihin sa lalaki. Matagal nang may sakit si Justin, ang pagta-takwondo niya ay isa lang sa paraan para umayos ang pakiramdam niya, ang health niya kapag nasanay sa mga nakakapagod na gawain. Lagi din naman itong nagdadala ng gamot at inantabayan din ng coach nito. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin maiiwasan ang mga posibilidad na babalik ito. Si Jeremy na hindi mapakali, hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi siya sinasagot ni Diana. Mas lalo siyang nainis na tahimik lang ito, nakatulala sa pintuan ng emergency room.Hanggang sa lumabas ang doctor, agad na lumapit si Jeremy dito, at si Diana na nanghihina. “Doc, how’s my son? Is everything alright? Ano?” Sunod-sunod na tanong ni Jeremy. Tinignan naman ng doctor ang dalawa. “He’s fine now. Kailangan niya lang muna magpahinga. Daldalhin na namin siya sa ward niya—”“Doc, please make sure it’s a private room. Kailangan comfortable
Baliw ka na talaga, Lucille. Hindi ko alam na kasama sa plano mo ang maging baliw, bakit mo susugatan ang sarili mo?” mahabang tanong ni Ales kay Lucille. Siguro nga ay nagtataka na siya sa kaibigan ngunit wala naman siyang magagawa dahil iyon ang gusto niya.“Just do it, Ales. Trust me.” Bumuntonghininga si Ales at inilibas ang kutsilyong dala niya, hinawakan niya ang kanan na kamay ni Lucille at agad na sinugatan, palihim na nasaktan si Lucille pero pinigilan ang sarili na sumigaw dahil ayaw niyang marinig nila Judiel.“Dito pa?” gulat na tanong ni Ales nang ipakita ni Lucille ang kaliwang tiyan. “Nahihibang ka na ba talaga? Magkaka-peklat ka, Lucille. Wala bang ibang paraan para ipakita ang kabaliwan mo?” Halata kay Alessandra na naiinis na siya sa kaibigan.“Wala, Ales. Sige na para makaalis ka na agad.” Pilit niyang sinabi kay Ales, walang nagawa ang kaibigan niya kundi sugatan din ang bewang ni Lucille at naglabas ito ng matinding pagdugo. “You are totally insane,” Ales said.