"Ano ba namang tinginan yun, Diana. Nakakaloka naman ang tensyon sa pagitan niyo ni Mr. Saltzman," nalolokang komento ni Froilan at humabol sa akin pabalik sa desk ko.
I drew a deep breath and closed my eyes to calm myself. Ginisa ako ni Jeremy. Bawat sasabihin ko ay kinokontra niya. Ang presentation na iyon ay nagmukhang debate naming dalawa na walang gusto umawat. Wala rin gusto magpatalo kaya ang inaasahan ko na dalawang oras na presentation ay naging mahigit apart na oras. Mabuti na lamang at pinag-aralan ko ang lahat ng mga ibinigay ni Ma'am Bridgette kaya bawat sasabihin ni Jeremy ay may naisasagot ako.
"Tapos yung mga tingin niya sayo, yung gigil pero may paghanga?"
Hinampas ko ang braso niya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o maiinis. "Tumigil ka nga. Walang Ganon, ilusyon mo lang yun."
Iniligpit ko na ang gamit ko at handa na para umalis. Pero bigla na lamang sumulpot si Ma'am Bridgette.
"Mr. Saltzman wants us to join him for lunch. Lahat sasama."
"Ma'am, hindi ako pwede ngayon. Kailangan ko na umuwi—"
"So Ms. Lucero can't join us?"
Speaking of the devil!
"She can, Mr. Saltzman. Right, Diana?" palihim akong pinanlakihan ng mga mata ni Ma'am Bridgette kaya wala na ako nagawa.
"Sure, Mr. Saltzman," pilit na ngiti ko kay Jeremy.
But seriously, ano bang problema ni Jeremy? Four years ago, pinagtabuyan niya ako habang buntis. Ngayon naman he's playing with me. Is he trying to ruin me?
Napatingin ako sa relong pambisig at nakitang mayroon na lamang akong dalawang oras. Dalawang oras na at magsisimula na ang family day ni Justin. Dapat ay makaalis na ako ngayon dahil hindi na ako aabot.
"Ms. Lucero?"
Napaangat ako ng tingin ko nang muling marinig ang boses ni Jeremy. Handa na ang lahat umalis at ako na lang ang hinihintay.
Napapahiya naman akong tumango. "After you, Mr. Saltzman."
Sa employee elevator ang mga kasama ko, at kami naman ni Ma'am Bridgette, kasama ang director at si Jeremy ay sa VIP elevator.
Jeremy rented the whole luxury restaurant in town para sa aming lahat. Masarap ang pagkain, pero hindi talaga ako mapakali. Ayaw ko sumama ang loob sa akin ng anak ko kung hindi ako makakarating.
"Are you going somewhere, Ms. Lucero? Kanina ka pa nakatingin sa relo mo," puna ni Jeremy.
Pwede bang itahimik niya na lang ang bibig niya. Mas lalo lang nadagdagdagan ang galit ko sa kanya. At madadagdagan pa iyon lalo kapag hindi ako makaalis ngayon din.
"Today is her son's family day, Mr. Saltzman. Mukhang late na siya," si Froilan ang sumagot para sa akin.
Nahugot ko ang hininga ko nang makita ang reaksyon ni Jeremy. Kumunot ang noo niya at naiwan sa ere ang bibig na at nakaletter O.
"Oh, I'm sorry I didn't know you're.... Hindi ko alam na may anak ka." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Go ahead, you may go."
Mabilis akong tumayo at nagpaalam kay Ma'am Bridgette at sa director. Hindi ko na muling tiningnan ang reaksyon ni Jeremy at tumakbo na palabas.
Ayaw ko man isipin, pero naguguluhan ako. Paanong hindi niya alam na may anak ako? Akala ba niya ay ipinalaglag ko ang anak namin kaya akala niya ay single pa rin ako?
Iwinaksi ko sa isipin ko ang mga bagay na gumugulo sa akin. Nag-abang ako ng taxi, pero ni isa ay wala man lang dumadaan. Bakit naman ngayon pa?
Naghintay ako ng sampung minuto, umabot ng trenta minuto pero wala pa rin taxi na dumadating. I booked a motorbike, at doon ko malaman na sarado ang mga daanan dahil puno iyon ng mga nagrarally. Walang sasakyan na makadaan.
"Hindi ito pwede," mangiyak-ngiyak na sabi ko. Isang oras na lang at magsisismula na ang family day.
"You're still here?"
It's Jeremy again. I hate him so much, pero natutuwa ako sa sarili ko dahil nakakaya ko siyang harapan na walang bumabagsak na mga luha. Struggling alone and raising a child alone made me stronger.
Hinarap ko siya at sumeryoso. "What the hell do you want, Jeremy?" Hindi ko na kailangan pa klaruhin ang ibig kong sabihihin dahil alam kong alam naman niya ang ibig kong sabihin.
He chuckled a little. "Nothing. I just want to know how knowledgeable you are in this field. After all, I will invest in that company. Don't think about it too much."
Nilagpasan niya ako pumasok sa loob ng sasakyan niya. Pero agad ding lumabas at narinig ko na lang ang mahina niyang pagmura.
"Until when do I need to wait?" tanong niya sa driver niya. Mukhang hindi rin siya makaalis dahil sa mga nagrarally. "A fucking 2 hours? I can't. Get ready the helicopter, I will leave this place now."
Agad naman sumunod ang secretary niya at may tinawagan. Nawalan naman ako ng pag-asa na makakarating pa sa family day ni Justin nang marinig na kailangan ko pa pala maghintay ng dalawang oras.
"Do you need a ride?"
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jeremy. Nakatayo siya at nakapamulsa.
"No, thank you," sagot ko. Kung magiging investor nga siya ng kompanya namin ay hindi maiiwasan na hindi kami magkita, wala na akong magagawa roon. I can't runaway again and leave. But I won't make him near me again and enter my life... our life. Once is enough.
Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Dane. Sinagot ko ang tawag at bumungad sa akin si Justin.
"Mama, bakit wala ka pa? Hindi ka ba pupunta?"
Bahagya akong lumayo kay Jeremey para makausap ng ayos si Justin. Nakita ko naman na naglakad na sila Papunta sa kabilang building. Narinig ko na rin ang tunog ng helicopter.
"Papunta na ako ako, anak. Malapit na," pagsisinungaling ko. "Hintayin mo si Mama, okay?"
I bit my lower lip and ran towards Jeremy. His my last only option. "Jeremy!" sigaw ko.
Huminto siya at nilingon ako. Hinintay niya ako makarating sa kanya. "P-Pwede bang... makisabay?"
Nakita niya ang pagbakas ng pagkadesperada sa mukha ko. "Where are you going?"
"St. Anthony academy," sagot ko sa kanya.
"Let's go," kalmado at magaan niyang sabi at sinabayan ako sa paglalakad.
Pumasok kami sa telecom building, katapat ng restaurant na kinainan namin. Binati si Jeremy ng ilang tao at itinuro ang elevator at umakyat kami sa rooftop.
Nilipat ang buhok ko at kamuntikan pa ako matumba sa lakas ng hanging mula sa helicopter. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ko at hindi naman ako nagreklamo. Hindi naman unang beses na sasakay ako sa helicopter, pero sa tuwing sasakay ako rito ay parati akong hinahawakan ni Jeremy para alalayan, katulad ngayon.
"Call someone who's working on St. Anthony Academy and tell them we'll land there," utos ni Jeremy sa piloto nang makaakyat kami.
I owed this one to him, but it doesn't mean kakalimutan ko ang kasalanan niya sa amin ng anak niya. Hindi pa rin siya nagpakaama kay Justin. Hindi ko pa rin makakalinutan na pinili niya si Vivian kaysa sa amin.
"Sir, you have an appointment within 15 minutes. Hindi tayo aabot," dinig kong sabi ng secretary niya. "We need to close this deal."
"We'll close the deal no matter what, Toneth," tila ba siguradong sabi ni Jeremy.
He's a good businessman. Bata pa lang ay sinanay na sa mundo ng business ng daddy niya. Kapag sinabi niyang makukuha niya ang deal, sigurado iyon.
Natanaw ko ang malawak na field ng St. Anthony Academy. Maraming tao, karamiham ay students, pero lahat sila ay nasa gilid lang at talaga ready na lumapag ang helicopter.
"Thank you," tipid kong sabi. Alam niya sa sarili na hindi kami magkaibigan para magbigay pa ako ng matatamis na salita. A thank you will enough.
Tumakbo ako papunta sa classroom ni Justin at agad siyang hinanap. Nakita ko siya na nakaupo sa lamesa at nakapangalumbaba.
"Anak," tawag ko at mabilis siyang tumayo at niyakap ako.
"Mama! Akala ko hindi ka na dadating!"
"Pwede ba naman yun? Kapag sinabi ni Mama na dadating ako, dadating talaga ako," pinisil ko ang pisngi niya at hinawakan siya sa kamay. "Halikan, magbihis na tayo."
Nahila ko si Justin sa biglaang paghinto nang bigla na lamang pumasok si Jeremy sa loob ng classroom nina Justin hakbang palabas naman kami, kaya nagkasalubungan kami.
"You left your phone," wika niya at inilahad ang cellphone ko. Pero bigla akong nanlamig nang bumababa ang tingin niya kay Justin at si Justin naman ay nakatingala sa kanya.
Kahit sino siguro ang makakakita sa kanilang dalawa ngayon ay masasabi na mag-ama sila dahil para silang pinagbiyak na bunga.
Nang alisin niya ang tingin kay Justin at bigla siyang sumeryoso. "I think you have something to explain to me, Diana."
Ilang minuto pa bago ako umiwas ng tingin mula sa kanya, hindi ko siya maitindihan. Anong dapat kong ipaliwanag sa kanya? Magsasalita pa sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Dane, magiliw na tila ba excited din akong makita. “Nandito ka na pala, kanina ka pa inaantay ni Justin.”Dahan-dahan akong bumaling sa kanya, hindi pa rin nawawala ang cute niyang ngiti dahil din iyon sa mataba nitong pisngi. “Dana…salamat sa pagsama kay Justin, pasensya na kung nahuli ako. Hindi pa naman siguro nagsisimula?” tanong ko.Na-guilty ako, dapat ako ang kasama ni Justin pero sa ibang tao ko pa naiasa kahit na hindi naman na iba sa amin si Dane. “Nagsimula na sa ibang games pero pwede pa naman tayong humabol. Tara na ba?” Mahinahon niyang tanong. Tumingin ako sa kamay ng anak ko na hinihila ang manggas ng damit ko, ang kaninang kaba ay mas lalong bumalik nang makita kong nakatingin ito kay Jeremy. Bumaling din ako kay Jeremy na seryosong nakatingin kay Dane. Napalunok ako ng dalawang beses
Nahihibang na ba siya? Pareho naman kami ng kinain kaninang lunch.“Hindi pwede, sakto na kami.” agad kong sagot. Inilayo ko sa kanya si Justin nang maramdaman kong gusto nilang lumapit sa kanya.Napansin kong bumaling si Jeremy kay Dane dahilan para kumunot ang noo ko. “He already played the first game, siguro naman sa susunod na laro ay ako na ang papalit sa kanya.”Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nababaliw na siya. Tumingin ako kay Dane na kanina pa nalilito sa lalaking ito. Nakakahiya kung papalitan ko si Dane para lang sa gagong ito. Siya ang inaya ko rito!“Ayos lang ba, bro?” Mahinahon pang tanong ni Jeremy kay Dane. Sumeryoso ang mukha ni Dane na nakatingin kay Jeremy. “Pwede ko bang malaman kung sino ka?”Patay na! Hindi alam ni Dane ang tungkol sa nakaraan ko, kahit tinatanong niya ito noon pero isang sabi ko lang na ayaw kong pag-usapan ay kahit kailangan hindi niya na ulit ito tinanong. Kita ko ang pagngisi si Jeremy, at sa ngisi na iyon gusto ko na siyang
Huli ko nang napagtanto na ang natitirang games ay sinalihan ni Jeremy at ako lang ang kasama niya pati si Justin. Mas lalo akong nahiya kay Dane dahil kahit isa roon ay hindi siya nakalaro. At dahil do’n gustong-guso ko nang sapakin si Jeremy, pinigilan ko lang ang sarili ko dahil nasa harap ko ang anak ko. Nilista niya ang pangalan naming dalawa sa lahat. “Ano bang ginagawa mo? Hindi mo manlang ako tinanong muna kung gusto kong maglaro sa ibang games na kasama ka,” inis kong bulong sa kanya nang magkatabi na kami; dahil tinawag na rin kami sa susunod na laro. “I asked Justin, and he told me he wants to play every game. Sinunod ko lang ang gusto ng bata,” paliwanag niya pa na para bang wala siyang kakayahang tumanggi kay Justin. “Si Dane ang kasama ko dapat dito, hindi ikaw. You should leave kanina pa,” bulong ko ulit sa kanya. Nakita ko namang saglit siyang bumaling kay Dane na nakatayo pa rin sa pwesto namin habang nakatingin din dito. “Malaki na siya, I think kaya niya naman
Kinabukasan, maaga akong gumising para paghandaan ang anak ko. Dahil tapos na ang Family Day nila at walang pasok ngayong araw kahit Biyernes, kailangan ko pa rin siyang ihatid sa Karate Session niya. Nag-alok kahapon si Dane na siya na ang maghahatid kay Justin dahil isasabay niya ito ulit pagpasok sa trabaho pero tumanggi ako. Minsan ko lang ihahatid ang anak ko kaya nilulubos ko na ang minsan na iyon. Kahapon ay maginhawa ang lunch time namin na kasama si Dane, hindi ko hinayaang isingit ng anak ko ang tungkol kay Jeremy dahil wala akong maisasagot sa kanya. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Dane na aliwin siya na para bang naramdaman ni Dane na ayaw ko ngang dalhin sa usapan ang tungkol sa lalaking iyon. “Are you ready?” tanong ko kay Justin nang lumabas na siya sa kwarto niya suot na ang robe niya para sa session. “Yes, Mommy! Excited to see my buddies!” masaya niyang sigaw.Napangiti naman ako sa magiliw niyang mukha, parang kahapon lang ay pagod ito pero ngayon ay hyper na
Napansin ko ang pagkatigil niya kaya ginamit ko iyon para alisin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. Inaamin kong sumisikip ang dibdib ko habang binibigkas ang mga salita iyon. Naisip ko pa lang ang nangyari noon ay hindi ko na kaya. Kung tanga at bobo lang ako na sinusunod siya, wala akong isang Justin ngayon na siyang nagbibigay ng saya at lakas sa akin.“A-ano, hindi mo na ba naalala? O nagmaang-maangan kang hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon? Kaya anong karapatan mong tanungin sa akin kung ano mo ba ang anak ko kung una pa lang wala ka nang kakayahan maging ama!” Hindi ko napigilan na sigawan siya. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na kanina pa lumalabas. Umulit na naman, naging mahina na naman ako sa harap niya. Sigurado akong tataas ang pride niya na makita ulit akong nasasaktan at nahihirapan.“I didn’t know….ang akala ko ay nagsisinungaling ka lang noon para makuha ang atensyon ko…”Napatawa ako ng payak. Totoong kaya kong gawin ang lahat noon para sa attention
Hindi ako lumingon sa kanya kahit ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Agad akong lumabas pero bago pa ako makalabas sa mismong station nila ay nakita ko si Vivian kaya napatigil ako, tinignan ko siya ng seryoso. “Diana, pwede ba tayong mag-usap?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi ko naman inagawa ang asawa niya para sabihin sakin na layuan ko ito. Hindi ko siya sinagot, bagkus umalis ako sa harap niya at nilampasan siya pero hinawakan niya ako sa pulso na agad ko ring inilayo. “Ano ba? Wala naman tayong pag-uusapan, hindi ko nilandi si Jeremy kaya pwede kang magsaya.” Inis kong sabi.Bigla namang sumeryoso lalo ang mukha niya. “Mag-usap tayo, sumunod ka sa akin.”Wow! Binabayaran niya ba ako? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya, wala akong magawa kundi mainis lalo sa babaeng ito at sumunod sa kanya. Kung hindi ko siya kakausapin baka gulohin niya naman ako. Huminto kami sa cafeteria, umupo siya sa pinakadulo na para bang private
Third Person POV (Full Narration Style)Kinabukasan si Diana ulit ang naghatid sa kanyang anak na si Justin sa school nito at dumiretso na sa trabaho na walang ibang iniisip kundi paano iwasan ang mga tanong tungkol sa kanya at ni Jeremy.“Diana,” tawag sa kanya ni Rochelle. “Pinapatawag ka ni Ma’am Bridgette sa opisina niya, ngayo din.” seryoso nitong sabi. Kahit nagtataka, hindi na nagtanong si Diana kundi dumiretso na siya sa opisina ni Bridgette. Kumatok siya sa pintuan nang tatlong beses bago buksan at pumasok. “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako?” magalang nitong tanong. Tinignan siya ni Bridgette at tinuro ang upuan sa harap. “Maupo ka,” sabi niya na agad namang ginawa ni Diana. Sa tuwing pinapatawag siya sa oisina ni Bridgette, laging may new project na siya ang gagawa pero tila sa pagkakataon na ito ay may kutob siyang kakaiba dahil sa kabang nararamdaman niya. Ibinaba ni Bridgette ang suot niyang salamin sa mata at seryosong tinignan si Diana, na para bang sinusuri ang
Dalawang lalaki ang lumapit kay Diana para kuhanin at dalhin ang gamit niya palabas. Walang magawa si Diana kundi ang bumuntong hininga sabay tingin kina Rochella at Lilith. Niyakap niya ang dalawa.“Balitaan mo kami kung kumusta ka roon ah?” bulong ni Rochelle.“Mukhang iba ang ugali ng mga taong naroon kaysa dito sa atin kaya mag-ingat ka, lalo na makakasama mo ang ex-husband mo,” sabi naman ni Lilith. Tumango lang si Diana sa kanila at nagpaalam na, pati na rin sa iba niyang kasamahan ay nagpaalam siya. Paglingon niya sa likuran niya, nakita niya si Bridgette na nakatingin sa kanya ng nakangiti ngunit bakas sa mukha ang lungkot. Para sa kanya ay mahirap din talaga bitawan ang isa sa pinakamagaling niyang team sa department nila pero gaya ng sabi niya, is alang din siyang empleyado na sumusunod sa nasa itaas niya kaya wala siyang magawa.“Good luck,” she mouthed to Diana.Tumango si Diana sa kanya sabay ngiti. At pagkatapos niyang magpaalam sa lahat, sumunod na sa siya sa dalawang
Hindi pumasok si Diana sa trabaho kinabukasan dahil sa nangyari kahapon, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Jeremy sa ginawa nitong pag-DNA ng anak niya. Kaya pagka-uwi niya kahapon ay naghanap agad siya ng ibang company para pag-apply-an dahil malamang sa malamang hindi na siya tatanggapin sa dati niyang company. Pagkahatid niya rin kay Justin sa skwela, gumawa na rin siya ng resignation letter at dumiretso sa kumpanya ni Jeremy, pagkarating niya wala si Jeremy sa opisina nito kaya iniwan niya na lang ang resignantion letter sa Human Resources. Pagkababa niya sa building, huminga siya nang malalim at nagdadasal sa isipan na sana hindi na magkrus ang landas nila ni Jeremy. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi takot para sa kanya at sa anak niya.Iwinakli niya muna iyon sa isipan niya at nag-book ng grab taxi para puntahan ang anak niya. Dahil wala pa siyang trabaho, naisipan niyang magpalipas muna ng oras mag-antay kay Justin sa skwela nito. Agad din naman siyang n
Habang hawak ni Jeremy ang papel na naglalaman ng resulta na inaasahan niya, hindi matigil ang pagnginig ng kamay niya. Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon. Saya, lungkot at galit. Saya dahil simula nang mawala si Diana sa buhay niya, doon niya napagtanto na gusto niyang magkaroon ng anak. Lungkot dahil ang tagal niyang nawalay sa anak niya, at galit—ngunit hindi niya alam kung kanino siya talaga nagalit. Sa sarili niya ba o kay Diana na nagsisinungaling sa kanya. Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim, ibinalik niya ang papel sa envelope nito at lumabas ng kotse. Pinakalma niya ang sarili niya, bumalik sa dating malamig at tuloy-tuloy na pumasok sa building hanggang sa makarating siya sa opisina niya. Nakita niya si Diana na masayang nakipag-usap sa ibang empleyado at nang maramdaman nila ang presensya ni Jeremy, agad silang nagsibalikan sa kani-kanilang station. Malamig na tumingin si Jeremy kay Diana na ngayon ay nakatayo ng tuwid at nakatingin din sa kanya. “Goo
Hindi nakapagsalita si Diana agad, gulat siyang nakatingin kay Jeremy. Nang makita niyang umiling si Jeremy na para bang disappointed ito, napabalik siya sa reyalidad. Agad niyang tinignan ang lalaki ng masama.“Ang kapal ng mukha mong gawin iyan sa likod ko. Kailan ka ba titigil?” inis niyang tanong.“Alam mong titigil lang ako kung sinabi mo sa akin ang totoo—”“I already did!” sigaw niya. Bahagyang nagulat si Jeremy dahil sa sigaw niya. Ikinuyom ni Diana ang mga kamao niya, nagpipigil na sumabog ulit. Ayaw niya mang ipakita kay Jeremy ang kahinaan niya pero tila sa araw na ito ay hindi niya na nakayanan itago pa lalo ang galit niya sa lalaki. “Sinabi ko na sayo ang totoo, Jeremy. Hindi mo siya anak kaya pwede ba, tigilan mo na ako sa mga ganyan mo. Wala kang makukuha sa akin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya at umalis. Habang pinagmasdan ni Jeremy ang likod ni Diana na papalayo sa kanya na hindi manlang lumingon ulit, hinigpitan niya ang hawak sa manibela ng ko
Isang Lingoo na ang lumipas simula nang lumipat si Diana sa company ni Jeremy, at isang Linggo na rin na laging late siya umuuwi dahil late din palagi umaalis si Jeremy. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon kaya kada uwi niya sa apartment niya, kailangan niya pang gisingin si Dane para kunin ang anak niyang si Justin na roon muna nanatili sa apartment ni Dane habang wala siya. Kagaya ngayon, Lunes na naman at siya na lang naiwan sa station nila, at si Jeremy na nasa opisina pa nito.“Ginagawa niya na talagang habit ito. Nakakahiya na naman kay Dane.” bulong niya sa sarili niya. Wala na siyang ginagawang trabaho, nakaligpit na rin ang mga gamit niya para handa nang umalis, inaantay niya na lang talagang lumabas si Jeremy. Alas-dyes na ng gabi kaya napahikab-hikab na siya dahil sa antok. Nang marinig niyang tmunog ang pintuan ng opisina ni Jeremy, agad siyang tumayo. Ngumiti siya nagbabasakaling uuwi na ito pero nang makita niyang wala itong dalawang suit case, bigla siyang napagh