“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
View MoreHello all, sana ay napasaya ko po kayo sa aking akda.... ako po ay lubos nagpapasalamat sa inyong suporta... Sana po ay subaybayan ninyo ang iba kong story naisulat... maraming salamat sa inyong lahat. Love Inday Stories......
Pipay POVHabang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng puso ko. Dalawang taon. Dalawang taon akong namuhay sa sakit at pangungulila, tinanggap na wala na si Ethan, at pilit na binuo ang buhay ko kasama si Jhovel.At ngayon, parang isang iglap lang, bumalik siya—buhay at humihingi ng puwang sa buhay namin.Napahinto ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito. Kung paano pipigilan ang emosyon sa loob ko na parang gusto nang sumabog."Mommy?" tinig ni Jhovel ang pumukaw sa akin.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin, hawak ang kamay ng lalaking akala ko’y hindi ko na muling makikita. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha, halatang may gusto siyang itanong ngunit hindi alam kung paano.Napangiti ako nang pilit. "Anak, halika na sa loob. Magpapalit ka pa ng damit para sa birthday party mo.""Pero Mommy… si Daddy?" may halong pag-aalalang tanong niya.Napatingin ako kay Ethan, at doon ko siya muling nasilayan nang buo. Matangkad, gwapo pa rin tulad
Chapter 119Dalawang taon. Dalawang taon mula nang huli kong makita si Pipay at si Jhovel. Ngayon, narito ako sa harap ng Vega Mansion, hindi alam kung paano ko haharapin ang mag-inang matagal kong iniwan.Birthday ng anak ko. Ika-pitong taon niya, at ito ang unang pagkakataong makikita ko siya nang malapitan bilang ama niya—hindi bilang isang anino mula sa malayo.Huminga ako nang malalim, pinapakiramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sa loob ng dalawang taon, wala akong nagawa kundi panoorin sila mula sa malayo. Ngayon, oras na para ipakita kong buhay ako—at bumalik ako hindi lang bilang Ethan Monteverde, kundi bilang isang ama kay Jhovel.Pinunasan ko ang pawis sa aking palad bago ako naglakas-loob na lumapit sa gate. Sa loob, maririnig ko ang masasayang tawanan ng mga bata, ang halakhak ng mga bisita, at ang malambing na tinig ng babaeng matagal kong iniwan.Si Pipay.Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin, kung paano siya tutugon sa muli kong pagbabalik. Pero kahit anong mang
Ethan POVSa malayo, nakamasid ako sa kanila nakasuot ng itim na hoodie at tahimik na nakamasid sa kanila. Nakatayo ako sa likod ng isang malaking puno, hindi magawang lumapit.Nakita niyang dahan-dahang sumakay si Pipay sa sasakyan, karga si Jhovel. Halata ang lungkot sa kanyang mukha. Mula rito, rinig niya ang mahina ngunit punong-punong sakit na tinig nito nang sabihing, "Daddy is in heaven now, baby…"Napapikit siya, pilit nilulunok ang kirot sa kanyang dibdib."Pipay…" Mahinang bulong niya sa hangin.Gusto niyang lumapit, gusto niyang yakapin ito, gusto niyang sabihing nandito lang siya, buhay siya. Pero hindi niya kaya. Hindi pa.Sa ngayon, kailangan niyang manatiling patay sa mata ng mundo.Huminga siya nang malalim at nilingon ang isang babaeng lumapit sa kanya. Si Cie Jill, ang tanging nakakaalam ng kanyang sikreto."Umalis na sila," mahina niyang sabi sa lalaki. "Huwag ka munang magpapakita sa kanila, lalo na kay Pipay."Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga kamao. "Alam k
Chapter 117 Kinabukasan, isang madilim at makulimlim na umaga ang bumungad sa amin. Parang nakikisama ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Tahimik akong nagbihis ng itim, hinanda si Jhovel, at pilit na pinatatag ang sarili ko. Habang nasa sasakyan papunta sa sementeryo, mahigpit kong hawak ang maliit na kamay ni Jhovel. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit hindi pa niya lubusang nakilala ang kanyang ama, alam kong dama niya ang pagkawala nito. Pagdating namin sa huling hantungan ni Ethan, marami nang tao roon—mga kaibigan, pamilya, at kasamahan niya sa negosyo. Tahimik ang lahat, tanging ang mahinang iyakan at panaghoy lang ang maririnig. Dahan-dahang inihatid ang kabaong niya sa hukay. Habang bumababa ito, parang unti-unting nababasag ang puso ko. Napakapit ako nang mahigpit kay Jhovel, pinipigilan ang mga luhang pilit na gustong bumagsak. Si Ma’am Margaret ay tahimik na nakatayo sa harapan, ni hindi kumikilos. Kita ko ang sakit sa kanyang
Chapter 116Naramdaman kong lumapit si Rafael at marahang pinisil ang balikat ko. "Pipay... kailangan mong magpakatatag para kay Jhovel."Huminga ako nang malalim at pilit na pinunasan ang aking luha. "Alam ko, Rafael... pero ang sakit."Tahimik lang siya, halatang hindi rin alam kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa, bigla kong narinig ang mahina at tila nag-aalalang tinig ni Ma’am Margaret mula sa labas ng pinto."Pipay... handa ka na ba?"Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Pero alam kong wala na akong magagawa—bukas, haharapin ko ang pinakamalaking sakit ng buhay ko.Biglang nagsalita si Jhovel nakaupo sa kama habang nakamasid sa paligid. "Mom, what happened? Bakit po tayo andito? Bakit pong daming tao sa labas?" inosente nitong tanong.Napalunok ako at pilit na pinigilan ang muling pag-agos ng luha ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari? Paano ko sasabihin na ang ama niyang hindi niya pa nakikilala ay… wala na?Lumapit ako sa kama at marahang hinaplos ang buhok ni J
Chapter 115Pipay POVPakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma’am Margaret. Bukas na ang libing ni Ethan.Para akong sinampal ng reyalidad. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang magpaalam.Mabigat ang bawat pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ang kabaong sa harapan ko. Pilit kong iniisip na baka isang masamang panaginip lang ang lahat. Baka kapag nagising ako bukas, nariyan pa rin si Ethan, nakangiti, tatawagin ang pangalan ko gaya ng dati.Pero hindi. Hindi ito panaginip."P-pero, Ma'am... baka puwede nating ipagpaliban kahit isang araw pa?" mahina kong pakiusap, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.Napatingin siya sa akin, ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Para bang may iniisip siyang ibang dahilan na hindi niya kayang sabihin sa akin."Hindi na natin pwedeng patagalin pa," sagot niya nang matigas. "Mas mabuti na rin na matapos agad ang lahat."Tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapipigilan ang saki
Chapter 114Tahimik akong tumayo sa harap ng kabaong, pinagmamasdan ang bawat detalye nito. Napakabigat sa loob ko ang pagpapanggap na ito, pero wala akong ibang pagpipilian.Biglang bumukas ang pinto ng mansyon, at pumasok sina Pipay kasama sina Rafael, Lucas, at Tristan. Agad kong napansin ang pamumugto ng kanyang mga mata—halatang kakaiyak lang niya.Napalunok ako. Paano ko matitiis ang sakit na pinapasan niya ngayon?Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, nanginginig ang kamay habang hinahaplos ang ibabaw nito. "Ethan..." mahina niyang tawag, na parang umaasang sasagot ito.Hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko maaaring sirain ang plano namin."Ma'am Margaret," basag ni Pipay sa katahimikan. Lumingon siya sa akin, at doon ko nakita ang matinding hinanakit sa kanyang mga mata. "Paano po nangyari ito? Bakit po siya kinuha nang ganito kabilis?"Napapikit ako at pilit na pinakalma ang sarili. "Isang aksidente, anak..." m
Chapter 113 Margaret POVPinamasdan ko ang bulto sa likuran ni Pipay habang papaalis. "Patawad, Pipay anak. Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ninyong dalawa," mahina kong sabi."Tita, sure ka na ba sa plano mong palihim kay Pipay na hindi pa patay si Ethan?" wika sa ex-fiance sa aking anak."Oo, buo na ang loob ko, Cie Jill. Kailangan kong gawin 'to!" tugon ko dito.Alam ko magagalit ito kapag nalaman niyang totoo na buhay si Ethan, pero kailangan itong maoperahan sa ibang bansa dahil matindi ang damage natamo nito sa disgrasya kanina."Pero, Tita, paano kung matuklasan ni Pipay ang totoo?" nag-aalalang tanong ni Cie Jill.Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa ngayon. Kailangan niyang lumayo sa sitwasyon, at higit sa lahat, kailangan nating bigyan si Ethan ng pagkakataong mabuhay."Napayuko si Cie Jill, halatang nag-aalinlangan. "Pero, Tita, may karapatan si Pipay na malaman ang totoo. Anak niya si Jhovel, at—"Pinutol ko siya. "At kay
Chapter 1 Pipay POV “Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ak...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments