Chapter 2
Kinabukasan, maaga akong nagising para tapusin ang mga trabaho bago magising si Madam. Sa gitna ng pag-aayos ko ng bakuran, napansin ko ang isang maliit na sobre na nakapatong sa may pintuan ng aking barung-barong. "Kaninong sulat ‘to?" bulong ko sa sarili habang dahan-dahang binubuksan ito. Pagkabukas, bumungad ang isang sulat na may maikling mensahe: "Kung gusto mong magbago ang buhay mo, sumama ka sa akin. Maghintay ka mamayang gabi sa may simbahan. - P" Nalaglag ang sobre mula sa kamay ko, kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. Sino ang nagsulat nito? At paano niya nalaman ang sitwasyon ko? Habang patuloy akong nagtatrabaho, hindi maalis sa isip ko ang sulat. Sino si "P"? At bakit niya ako gustong tulungan? May halong takot at pagdududa ang nararamdaman ko, pero sa kabilang banda, umaasa akong baka ito na ang pagkakataon kong makaalis sa impyerno kong buhay. Tinitigan ko ang sulat sa aking kamay. Para bang gustong-gusto kong malaman kung sino ang nag-iwan nito, ngunit sa huli, binalewala ko rin. Hindi ako pwedeng magtiwala sa kung sinu-sino. Matapos kong tapusin ang mga gawaing bahay, agad kong kinuha ang basket na puno ng piyaya—ang tanging paraan para may makain kami ni Bruno. "Bruno, bantayan mo ang barung-barong, ha? Babalik agad ako," sabi ko sa aking alaga, sabay haplos sa kanyang ulo. Tumahol siya bilang sagot, at naglakad na ako papunta sa kalsada. Habang naglalakad, sigaw ako nang sigaw, "Piyaya! Masarap at abot-kaya!" Sa kabila ng init ng araw at bigat ng basket, hindi ko alintana ang pagod. Kailangan kong magbenta. Sa awa ng Diyos, marami ang bumili sa akin. Isang tindera sa palengke ang kumuha ng sampung piraso, habang ang mga bata naman ay nagkagulo sa kanilang barya para makabili ng tig-dalawang piyaya. "Manang, ito po ang sukli ninyo, sabi ko sa isa pang suki habang ngumiti. "Salamat, hija! Ang sarap talaga ng piyaya mo!" wika ng matandang babae. "Salamat din po, Manang!" sagot ko, habang palihim na napabuntong-hininga sa kaunting kaginhawaan. Kahit papaano, nakakabawas ng lungkot ang masayang reaksyon ng mga tao sa aking paninda. Pagsapit ng hapon, ubos na ang mga piyaya ko. Masaya akong bumalik sa barung-barong habang dala ang konting kinita. Pagtapak ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Bruno na tumatalon pa sa tuwa. "Bruno, ubos na! May pambili na tayo ng pagkain!" masayang sabi ko habang kinikilig siya sa kiliti ng aking haplos. Binilang ko ang mga baryang kinita ko at bumili ng kaunting kanin at ulam mula sa karinderya. Hindi man magarbo, sapat na ito para sa amin ni Bruno. Kinagabihan, habang tahimik na kumakain sa tabi ni Bruno, muli kong naalala ang sulat. "Kung gusto mong magbago ang buhay mo, sumama ka sa akin. Maghintay ka mamayang gabi sa may simbahan." Bumigat ang dibdib ko. Totoo ba ito? O baka isang bitag lamang? Ayoko nang umasa, pero parang may kung anong nagtutulak sa akin na bigyang-pansin iyon. Napatingin ako kay Bruno, na tahimik na ngumunguya ng kanyang pagkain. "Kung aalis ako, sino ang mag-aalaga sa’yo?" mahinang bulong ko. Ngunit sa kabila ng lahat ng agam-agam, nanaig ang pagod at takot ko sa mga maaaring mangyari. Kaya sa halip na sundin ang sulat, humiga na lang ako sa gilid ng barung-barong kasama si Bruno. Sa gabing iyon, pilit kong nilabanan ang pakiramdam na baka may nawala akong malaking pagkakataon. Habang abala ako sa pagluluto ng tanghalian para sa aking Madrasta at kay Claire, biglang narinig ko ang malakas na katok mula sa pintuan ng aming barung-barong. "Hoy, Pipay! Buksan mo ‘tong pinto!" sigaw ni Lulu. Agad akong tumakbo palabas, tinatapos ang pagpupunas ng kamay ko sa basahan. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin si Lulu, pawisan at halatang nagmamadali. "Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ko. "May dala akong magandang balita para sa’yo!" sabi niya, ngumiti nang malaki habang hawak-hawak ang isang papel. "May trabahong naghihintay para sa’yo," wika niya sa akin. Napakunot ang noo ko. "Trabaho? Saan?" "Sa mansyon ng isang mayamang pamilya. Naghahanap sila ng Nanny para sa anak nila. Kailangan nila ng tao na mapagkakatiwalaan at masipag—at ikaw ang naisip kong i-rekomenda!" masayang sabi ni Lulu sa akin. Napaatras ako sa gulat. "H-Ha? Nanny? Pero… paano mo nalaman ‘to?" sabi ko. "May kakilala ako na nagtatrabaho rin doon bilang kasambahay. Sinabi niya sa akin na kailangan nila ng Nanny, at dahil alam kong desperado ka na sa buhay mo rito, inirekomenda kita. Hindi mo ba gusto?" wika niya s akin. Natigilan ako. Sa totoo lang, matagal ko nang gustong makaalis sa bahay na ito, pero hindi ko inakalang magkakaroon ako ng pagkakataon na makahanap ng disenteng trabaho. "Sigurado ka bang papayagan nila ako?" tanong ko, halatang nagdadalawang-isip. "Oo naman! Ang sabi ng kakilala ko, pwede ka pa ngang magdala ng alaga mo, si Bruno, kung gusto mo. Napakaluwag ng pamilya, basta’t maayos kang magtrabaho," tugon niyang sabi sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pwede kong dalhin si Bruno? Hindi ko akalaing posible iyon. Pagkauwi ng qking Madrasta mula sa kanyang lakad, agad akong nagpaalam. "Madam, gusto ko pong humingi ng pahintulot. May nag-aalok po kasi ng trabaho sa akin bilang Nanny sa mansyon," sabi ko, pilit na pinapanatiling magalang ang tono ng boses ko. Napatingin siya sa akin, halatang nagulat. "Trabaho? At iiwanan mo kami rito? Sino na ang gagawa ng mga trabaho sa bahay?!" takang tanong niya sa akin. "Madam, kahit po wala ako, kaya niyo pong kumuha ng ibang kasambahay. At kung sakaling matanggap po ako, mas mabuti po iyon para sa akin… at para rin po sa inyo," sagot ko, nanginginig ang boses pero matatag ang paninindigan. "Bahala ka! Pero tandaan mo, Pipay, hindi ka makakahanap ng mas mabait pang mag-aalaga sa’yo tulad ko!" singhal niya, sabay talikod at nagpunta sa kanyang silid. Tumalikod ako, pilit na pinipigilan ang luha. Hindi na mahalaga kung ano ang sasabihin niya. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magdesisyon para sa sarili ko, at hindi ko na ito pakakawalan. Kinabukasan, sabik akong sinamahan ni Lulu papunta sa mansyon. Bitbit ko ang isang maliit na bag ng damit at si Bruno, na abala sa pag-amoy sa paligid. Nang makarating kami sa mansyon, natulala ako. Napakalaki ng lugar—halos triple ng laki ng bahay namin. Ang mga pader ay gawa sa puting marmol, at ang hardin ay puno ng makukulay na bulaklak. Hindi ko mapigilang mamangha. "Pipay, huwag kang tumunganga!" sabay hatak sa akin ni Lulu. "Tara, ipakikilala na kita," dagdag niyang sabi. Sa loob, sinalubong kami ng isang babae na mukhang katiwala ng bahay. Siya ang nag-interview sa akin. "Sigurado ka bang kaya mong mag-alaga ng bata?" tanong niya. "Opo, ma’am. Masipag po akong magtrabaho, at marunong po akong mag-asikaso ng bata," sagot ko, pilit na pinapakita ang kumpiyansa. "May aso ka pa?" Napatingin siya kay Bruno. “Opo. Pero kaya ko pong siguraduhin na hindi siya magiging abala sa trabaho ko,” sagot ko. Matapos ang ilang tanong, ngumiti ang katiwala. "Sige. Mukhang matapat ka namang tao. Makakapagsimula ka na bukas," sabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala. Napaluhod ako sa sobrang saya at yumakap kay Bruno. Sa wakas, may pag-asa na akong magsimula ng bagong buhay.Chapter 3 Excited akong pumasok sa mansyon kinabukasan. Bitbit ang bag ko at si Bruno, na tila mas excited pa sa akin. Habang pinapakita sa akin ng katiwala ang iba't ibang bahagi ng bahay, hindi ko mapigilang mamangha. Ang laki ng lugar! Para bang nasa ibang mundo ako. “Pipay, ito ang magiging silid mo,” sabi ng katiwala, sabay turo sa isang kwarto na halos kasing laki ng buong barung-barong namin. “Talaga po? Para sa akin lang ‘to?” tanong ko, nanlalaki ang mata. “Oo, syempre. Pero bago ka masyadong ma-excite, ipapakilala ko na sa’yo ang aalagaan mo,” sabi niya, sabay ngiti na parang may itinatago. “Oo nga po pala, Ma’am. Sino po ‘yung bata? Ilang taon na po siya? Mahilig po ba siya sa aso?” sunod-sunod kong tanong habang pinapaliguan ng kilig ang isip ko. Iniisip ko ang cute na batang aalagaan ko—malambing, mahilig maglaro, at madaling pakisamahan. Ngunit ang ngiti ng katiwala ay napalitan ng isang pilit na ekspresyon, na parang pigil ang tawa. “Ah… Pipay, ganito kasi ‘
Chapter 4 Napatingin ako sa kanya na parang gusto kong suntukin ang mukha niya. “Alas-singko? Umaga?” “Bakit? May tanong pa ba? ‘Di ba trabaho mo ‘yon?” sagot niya, sabay ngiti ng nakakaloko bago sumara ang pinto. Humiga ako, nakatingala sa kisame, habang iniisip kung paano ako mabubuhay sa bagong trabahong ito. Pero sa isang banda, napangiti rin ako. Mukhang magiging nakakatuwa ang buhay ko rito kahit papaano. Alas-singko ng umaga, gising na ako, pero hindi dahil gusto kong gumising nang maaga. Gising ako kasi kailangan kong gisingin ang "alaga" kong damulag na si Ethan. Habang papunta ako sa kwarto niya, nagtataka pa rin ako. Bakit ba ako pumayag dito? Hindi naman ako human alarm clock, ah! Pagdating ko sa harap ng pintuan niya, huminga ako nang malalim. Kumatok ako nang tatlong beses. “Sir Ethan, alas-singko na po! May meeting po kayo!” sigaw ko. Walang sagot. Kumatok ulit ako, mas malakas. “Sir! Alas-singko na po! Gising na po!” Tahimik pa rin sa loob. Hindi
Chapter 5 Ethan POV Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ni Mommy para kumuha pa ng nanny—NANNY! Para sa akin, isang 26-anyos na CEO ng Monteverde Group of Companies. Ang sabi niya, “Para may mag-alaga sa iyo. Mukha kang pagod at stressed, anak," sabi ng aking mom. 'Mukha daw akong stressed? Eh natural lang, sa dami ba naman ng trabaho ko? Pero seryoso ba siya? Magpapalagay siya ng taong mag-aalaga sa akin, parang bata? Paano na lang kung malaman ‘to ni Cassandra, ang fiancée ko? For sure, pagtatawanan niya ako!' usal ko sa akin sarili. Kaya naisip ko agad, Kailangan kong gawin ang lahat para mapalayas ang babaeng ‘to. Pero hindi ko akalain na ang inaakala kong mahina, tahimik, at madaling maaasar ay isang matibay na kalaban. Una kong plano: gawing impyerno ang buhay niya dito para mag-quit agad. Nung unang araw niya, tinambakan ko siya ng mga gawain sa bahay. “Pipay, siguraduhin mong malinis lahat ng kwarto, tapos lutuin mo lahat ng pagkain ko, at alagaan mo
Chapter 6Tahimik akong nakaupo sa sofa habang si Mommy ay nakangiti pa rin, nakatingin kay Pipay na tumatawa kasama si Bruno. Tumikhim siya bago nagsalita."Alam mo, anak, tingin ko si Pipay na talaga ang tamang babae para sa’yo," sabi niya bigla.Halos mabulunan ako sa iniinom kong tubig. "Ano po?!" tanong ko, kasabay ng pag-ikot ng mata ko. "Mommy, seryoso ka ba? Siya? NANNY? Para sa akin?" nabulunan pa nga ako ng tubig sa pagsabi ko. Nakangiti lang si Mommy, parang hindi naririnig ang pag-protesta ko. "Oo naman, anak. Kita mo naman, kahit aso mo, mas masaya mula nung dumating si Pipay. Eh ikaw kaya? Lagi kang nakasimangot dati. Ngayon, kahit galit ka, parang may sparkle ka na sa mata," pang-aasar ni Mom sa akin. 'Sparkle? Ano ako, character sa Disney movie?' sambit sa aking isipan. "Mommy, nakakalimutan mo ata—engaged ako kay Cassandra," sagot ko nang may diin.Tumawa lang siya, halatang hindi impressed. "Engaged? E bakit parang wala naman akong nararamdamang chemistry sa inyo?
Chapter 7 Napatitig ako kay Pipay habang tumatawa siya sa isang joke na siya lang yata ang nakakaintindi. Si Mommy naman, abala sa pagtawag sa chef para mag-order ng "celebration dinner" daw, kasi "masaya na raw ako sa wakas," ngumiti pa si Mommy habang sinasabi nito. 'Ano ‘to, graduation party?' sambit ng aking isipan. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. "Mommy, tama na ‘yan. Kung gusto mo ng entertainment, manood ka ng telenovela. Hindi si Pipay ang bida ng buhay ko!" saad ko dito. Ngumiti si Mommy nang parang may alam na hindi ko alam. "Anak, sa telenovela, laging kinakalaban ng bida ang taong mamahalin niya. Ayoko nang magsabi ng spoiler, pero baka si Pipay na ‘yan ang endgame mo," pabalang sambit niya sa akin. Halos masamid ako sa hangin. "Endgame?! Mommy, mukhang scripted ka na rin kagaya ng telenovela mo!" pagtatama ko dito. Ngumiti lang si Pipay na parang inosente. "Sir Ethan, ano po ba ang 'endgame'? Parang Avengers po ba ‘yan? Ako si Black
Chapter 8 Biglang tumikhim si Mommy, tumayo, at nag-pose na parang bida sa isang teleserye. “Ethan, anak, aminin mo na. Ang init ng ulo mo dati, parang ulam na laging sunog. Pero ngayon, aba, parang may cinnamon roll na dumating sa buhay mo—sweet at nakakagaan ng loob.” Napalunok ako, pilit nilalabanan ang pag-init ng mukha ko. "Mommy, cinnamon roll? Si Pipay? Ang dami-dami namang dessert, bakit siya pa?" Ngumisi si Mommy, sabay taas ng kilay. “Eh kasi nga, anak, tingnan mo siya! Parang piyaya, mukhang simple, pero may secret filling! Hindi ba't mahilig ka sa surprises?” Si Pipay naman, nakatingin lang sa amin habang sinusubukan pigilan ang pagtawa. “Naku, Ma’am, baka sabihin ni Sir Ethan, masyado akong sticky para sa kanya.” Tumawa nang malakas si Mommy, halos tumalon sa saya. “Sticky nga, pero siya rin ang hindi makakawala sa iyo! Huwag kang mag-alala, Pipay, darating ang panahon na hindi ka na lang nanny—baka ikaw na ang lady of the house!” “Lady of the house?” Halos mal
Chapter 9 Margaret POV Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit parang laging high blood ang anak ko. Eh, sa itsura niya, parang bida sa mga Korean drama—yung tipong konting ngiti lang, hihimatayin na ang mga tao. Pero bakit parang laging pasabog ang aura niya? Puro "Mommy, ano ba 'yan?!" at "Stop interfering in my life!" ang linya niya sa akin. Eh hello? Ako ang nanay mo! Trabaho ko 'to! Kanina nga lang, habang tinitingnan ko silang dalawa ni Pipay, napansin ko ang kakaibang vibe. Yung tipong nag-aasaran pero may chemistry. Parang teleserye na ang plot ay: “Ang CEO na Kasing Lamig ng Yelo at Ang Yaya na Mainit Pa sa Piyaya.” Hindi ba bagay? Ako na ang writer! Pero syempre, matalino ako. Hindi ko pwedeng ipilit agad. Kailangan ko ng strategic plan. Sabi nga nila, patience is a virtue. Kaya habang nagkakape si Ethan kanina, sinabi ko na lang, “Alam mo, anak, kung gusto mo talagang stress-free ang buhay, mag-relax ka. Gusto mo, mag-painting tayo ng mukha ni Pipay sa dingding?”
Chapter 10 Cassandra POV Hindi ko alam kung paano ko nagawa na manatiling nakangiti sa harap ng Margaret na ‘yon. Margaret Monteverde—ang babaeng hindi ko maintindihan kung ang misyon ba sa buhay ay gawing miserable ang buhay ko o gawing clown ang sarili niya. Ang sakit sa ulo! “Breathe, Cassandra. Breathe,” sabi ko sa sarili ko habang mag-isang naglalakad sa garden ng mansyon nila Ethan. Ang lamig ng hangin, pero bakit parang gusto kong mag-alab sa galit? Kung hindi ko lang mahal si Ethan at kailangan ang koneksyon ng Monteverde sa mga plano ko, baka iniwan ko na ang pamilyang ito matagal na. Kaninang nasa sala kami, halos hindi ko na matiis ang mga banat ng Margaret na ‘yon. “Oh, Cassandra, try this! Oh, Cassandra, si Pipay ganito, si Pipay ganyan!” Pipay, Pipay, Pipay! Ano ba, siya na ba ang reyna ng mansyon na ‘to? “Special yaya? Ha! More like special pest,” bulong ko sa sarili ko, habang pinipilit kong kontrolin ang galit ko. Halos gusto ko nang tawagan ang mga contact ko pa
"Sandali, sabi mo wala na si Pipay dito?" tanong ni Ma’am Casandra, na may halong inis sa tono. Kitang-kita ko ang pagka-kabog sa kanyang mata, parang may iba na namang ibig iparating.Nagpanggap ako ng kalmado at agad sinagot siya, "Ay, pasensiya na po, Ma'am Casandra. Namimiss ko kasi ang baby damulag ko."Napansin kong namutla siya at tumingala sa langit, siguro nag-iisip kung anong klaseng sagot ang natanggap niya mula sa akin. Habang ako naman, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi matawa sa tawag kong "baby damulag." Laking pasalamat ko na medyo malayo ang mga mata ni Ethan, hindi siya sigurado kung anong ibig kong sabihin.Si Ma’am Casandra, mukhang hindi natuwa, at medyo namula ang mukha sa inis. "Pipay, kahit kailan talagang hindi mo ako titigilan," sabi niya ng may bahid ng pagtataray."Promise, hindi po! Hindi ko kayo titigilan, Ma’am Casandra. Kasi, sabi nga nila, love-hate relationship lang po tayo!" sagot ko, medyo may kalsadang pagmumura sa sarili."At saka, wag kang
Chapter 55 Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang pinsan ko. Siya ang magiging katuwang ko sa plano upang siguraduhin na hindi makarating si Ma'am Casandra sa kasal. Sa isip ko, ito ang pinakamabilis at pinakasimpleng paraan para maisakatuparan ang plano nang hindi nabubunyag kay Ethan ang sabwatan namin ng kanyang mommy. Pagkatapos kong magbigay ng detalye, binigyan ko rin siya ng litrato ni Ma'am Casandra. Ngunit laking gulat ko nang marinig ang sagot niya sa kabilang linya. "Siya? Kilala ko ‘yan!" sabi ng pinsan ko na may halong inis. "Isa siyang gold digger! Hindi lang isang beses, Pipay—ilang beses na niyang ginawa 'yan sa iba’t ibang tao. Kahit hindi ko kilala si Ethan, naaawa ako sa kanya." Halos mabitawan ko ang telepono sa sinabi niya. "Talaga? Gold digger siya? Akala ko ba—" "Oo," putol ng pinsan ko. "Kaya pala ang kapal ng mukha niyang magkunwari. Alam mo, Pipay, hindi na ako magtataka kung talagang pera lang ang habol niya sa kasalang ‘yan. Ano ba ang plano mo
Chapter 54 Napaisip ako nang malalim, naguguluhan kung paano ba nagiging ganito ka-blind si Sir Ethan sa obvious na sitwasyon. "Ma’am, hindi ba siya kahit man lang nagdududa?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses. "Siguro, Pipay, pero ang problema, mas malakas ang hawak ni Casandra sa emosyon niya kaysa sa logic niya," paliwanag ni Ma’am Margaret. "Alam mo naman si Ethan, kapag minahal niya, buo. Kaya nga sobrang sakit para sa kanya noong makita niya 'yung ebidensya, pero mukhang mas pinili pa rin niyang magpaniwala sa mga sinasabi ni Casandra kaysa sa katotohanan," malungkot nitong sabi. Napailing ako, hindi makapaniwala. "Kung ganito lang po pala ang nangyayari, parang napaka-unfair naman po sa ating dalawa at sa lahat ng nagmamalasakit sa kanya," tugon ko dito. "Oo, Pipay, pero wala tayong magagawa kung siya mismo ang ayaw magbukas ng mata niya," sabi niya, na parang naguguluhan kung paano nga ba haharapin ang sitwasyong ito. "At sana lang, Pipay, sa araw ng
Chapter 53 Pagkatapos kong magbihis, agad akong humiga sa malambot kong kama. Pakiramdam ko, parang isang buong araw akong nakipag-away sa mundo. Napapikit ako habang iniisip ang lahat ng nangyari. Bukas na bukas, kailangan kong harapin si Ethan, bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bumalik ako rito. Lalo pa't sa huling pagkakataon, medyo magulo ang aming mga pinagdaanan. "Haaaay, bakit ba ang gulo ng buhay ko?" tanong ko habang yakap ang unan. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit pa ang utak ko ay tila isang sirang plaka na paulit-ulit iniisip ang mangyayari bukas. Napatitig ako sa kisame. Si Ethan… kaya ba niya akong tanggapin ulit, kahit hindi ko pa maipaliwanag nang maayos ang dahilan ng lahat ng ito? Habang unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko, pilit kong inaayos ang sarili. Kaya ko 'to. Bahala na si Batman, basta kailangan kong harapin ito bukas. Sa wakas, tuluyan na akong nilamon ng antok at natulog nang m
Chapter 52 Habang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Galit, sakit, at inis ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga alaala sa isipan ko—ang simpleng buhay ko noon sa Mansyon ng Monteverde. Doon, kahit paano, tanggap ako. Naisip ko si Ma'am Margaret. Oo, medyo masungit siya minsan, pero marunong siyang umintindi. At si Sir Ethan? Napailing ako sa ideya ng kanyang presensya. "Medyo masungit" ang understatement. Pero kahit paano, may kilig sa puso ko habang iniisip ang huling pagkakataong magkasama kami. "Tsk," sabi ko sa sarili, pilit na inaayos ang gulo sa utak ko. "At least natikman ko na siya," bulong ko, sabay mapait na ngiti. Nakakatawa pero totoo. Sa kabila ng kanyang pagiging masungit, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari sa amin. Nilingon ko ang palasyo sa likuran ko, ang lugar na akala ko'y magiging tahanan ko. Pero paano ito magiging tahanan kung hindi ko nararamdaman ang pagmamahal o pag-unawa? Napakagat-labi
Chapter 51 Dahil sa sagot ko, nanatiling tahimik ang kwarto. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata nila sa akin, at kahit na ang mga magulang ko ay nag-aalala, ang sinabing kasinungalingan ko ay tila nagbigay daan sa isang uri ng pagpapaliwanag—mabilis na nagbago ang galit at tensyon sa mga mata nila. "Kung iyon ang dahilan, Pipay..." ang mama ko, ang boses ay naglalaman ng kalungkutan, "huwag kang mag-alala, hindi kami magmamadali. Gusto namin na ikaw ay maging handa sa kung anuman ang mangyari." Parang may matinding kaguluhan sa aking isipan. Bakit ko sinabi ‘yun? Dahil ba gusto ko lang pigilan ang nangyayari? Pero sa isang banda, natatakot akong harapin ang mga magiging epekto ng desisyong ito, at hindi ko rin alam kung paano ako makakalabas sa sitwasyon na ito.Ngising sabi ko saka ko binalingan ang lalaking mapangasawa ko, napangiwi na lamang ako sa nakita. Isang payat, malaki ang ayeglass nasa kanyang mata ang buhok nito ay kulog at higit sa lahat ay naka brece ang ngipin. Hind
Chapter 50"Ang mapapangasawa n'yo!" sabi ng isa sa kanila, at halos mapatalon ako sa gulat. Ano?!"Ha?" napasigaw ako sa sobrang pagkabigla. Para akong biglang ginising mula sa isang panaginip na hindi ko alam kung gusto ko bang maging totoo. Ano 'to? Nandiyan na pala ako sa stage ng arranged marriage?Tumingin ako sa kanila, para bang nagsusukat ng reaksyon ko. "H-Huwag po kayong magbiro!" sabi ko, kahit na may halong kaba at takot sa boses ko. "Hindi ako ready!"Pero hindi ko maitatanggi, may bahagi ng utak ko na curious na gusto pang magtanong ng mga detalye. Sino siya? Anong klaseng tao? At ang pinakatanong ko, Paano ko i-handle ito kung mangyayari talaga?Sumulyap ako sa paligid, parang may spotlight na naka-focus sa akin habang naglalakad ako papunta sa study room. Ang mapapangasawa ko? Parang pelikula lang na may twist.Pero seryoso, hindi ko pa rin alam kung paano ako makakasabay sa buhay na ito. Kaya bago ko pa masabi ang mga susunod na tanong, nag-pause ako at inisip, Well,
Chapter 49Lulubog na sana ako sa bathtub nang mapansin ko ang isang tablet sa gilid—parang katulad ng ginagamit ni Lulu! Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong kinuha. Ano kaya ang meron dito?Pagbukas ko, ayan na, isang napaka-high-tech na tablet na parang galing pa sa ibang planeta. Agad akong naghanap ng paraan para mag-download ng story app. Buti na lang at hindi ako nakakalimot sa Gmail account ko at password (salamat sa memorya kong parang elepante). Agad akong naka-log in, parang hacker lang!Nang makapasok na ako sa app, dali-dali kong hinanap ang paborito kong story at nagsimula akong magbasa. Grabe, parang hinigop ako ng kwento! Apat na chapters agad ang nabasa ko, at sa dulo ng bawat isa, napapangiti na lang ako.Pero bigla akong napahinto at natawa nang makita ang notification: "Please vote to unlock the next chapter!" Huh?! Ang arte naman, parang naniningil pa ng tong sa sarili kong kaligayahan!Hindi lang 'yun, may pa-gem system pa sila para makapasok sa rank
Chapter 48 Naglakad ako patungo sa kama upang umupo, umaasang kahit papaano ay makapagpapahinga na ako. Pero laking gulat ko nang bigla akong lumubog sa malambot na kutson! Parang nilamon ako ng kama, dahilan upang mabilis akong napatayo ulit. "Anong klaseng kama 'to?!" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang malambot na higaan na parang ulap ang itsura. Sinubukan ko ulit itong hawakan, at halos mawala ang kamay ko sa sobrang lambot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiilang. Sanay ako sa mga higaan na matigas-tigas, kaya itong mala-prinsesa na kama na parang yakap ng marshmallow ay ibang-iba sa akin. "Okay, Pipay, calm down. Kama lang 'to," sabi ko habang pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Sinubukan ko ulit umupo, mas dahan-dahan na ngayon, at oo nga—hindi pa rin ako mapakali sa sobrang lambot nito. Parang gusto kong tawagin ang tatlong pinsan ko at tanungin, "May instruction manual ba kung paano umupo rito?" Hanggang may kumatok sa pintuan, kaya agad akong pumunt