Home / Romance / ANG PIYAYA NI PIPAY / 🤣 Damulag na pala Pipay ang alagaan mo 🤣 Chapter 3

Share

🤣 Damulag na pala Pipay ang alagaan mo 🤣 Chapter 3

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2024-12-14 15:23:40

Chapter 3

Excited akong pumasok sa mansyon kinabukasan. Bitbit ang bag ko at si Bruno, na tila mas excited pa sa akin. Habang pinapakita sa akin ng katiwala ang iba't ibang bahagi ng bahay, hindi ko mapigilang mamangha. Ang laki ng lugar! Para bang nasa ibang mundo ako.

“Pipay, ito ang magiging silid mo,” sabi ng katiwala, sabay turo sa isang kwarto na halos kasing laki ng buong barung-barong namin.

“Talaga po? Para sa akin lang ‘to?” tanong ko, nanlalaki ang mata.

“Oo, syempre. Pero bago ka masyadong ma-excite, ipapakilala ko na sa’yo ang aalagaan mo,” sabi niya, sabay ngiti na parang may itinatago.

“Oo nga po pala, Ma’am. Sino po ‘yung bata? Ilang taon na po siya? Mahilig po ba siya sa aso?” sunod-sunod kong tanong habang pinapaliguan ng kilig ang isip ko. Iniisip ko ang cute na batang aalagaan ko—malambing, mahilig maglaro, at madaling pakisamahan.

Ngunit ang ngiti ng katiwala ay napalitan ng isang pilit na ekspresyon, na parang pigil ang tawa. “Ah… Pipay, ganito kasi ‘yun. Hindi siya bata," wika nito sa akin.

Natigilan ako. “H-Hindi po bata? Eh ano po siya? Baby? Toddler?” gulong tanong ko dito.

“Hindi rin.” Huminga siya nang malalim bago ituloy. “Dalawampu’t anim na taong gulang na siya," ngiti niyang sabi sa akin.

Napanganga ako. “H-Ha? Dalawampu’t anim na taong gulang?! Eh ‘di halos kasing edad ko na ‘yon! Anong gagawin ko sa isang damulag na gano’n?” hindi ko mapigilan lumabas sa aking bibig.

Napangiwi ako habang iniisip ang sitwasyon. Biglang nawala sa isip ko ang mga eksenang maglalaro kami ng tagu-taguan o habulan sa hardin. Ang tumambad sa akin ay imahe ng isang lalaki, nakatunganga, at pinapapakain ko ng lugaw.

“Pipay, huwag kang mag-alala. Hindi siya gano’n kahirap alagaan,” sabi ng katiwala, halatang pinipigilan ang pagtawa. “Pero medyo… espesyal siya," sambit niya sa akin.

“Espesyal? Paano po espesyal?” tanong ko, kinakabahan na.

“Makikita mo na lang. Nasa likod-bahay siya, madalas nando’n kapag umaga. Tara, ipakikilala kita," sabi niya sa akin kaya wala akong magawa kundi sumunod dito.

"Siguro espesyal child!" bulong ko ng mahina pero narinig pala niya ito dahilan upang narinig ko ang mahina nitong tawa.

Habang naglalakad kami papunta sa likod-bahay, pilit kong iniisip kung ano ang hitsura ng aalagaan ko. Siguro naman hindi siya gano’n kalaki… baka naman medyo payat lang o tahimik.

Pero pagkadating namin, halos mahulog ang panga ko.

Nakatayo doon ang isang lalaki—matangkad, matipuno, at mukhang modelo na eksakto lang ang gupit. Pero ang nakakainis? Nakahiga siya sa duyan, naka-shades, habang ngumunguya ng apple. Parang wala siyang pakialam sa mundo!

“Pipay, ito si Ethan. Siya ang aalagaan mo,” sabi ng katiwala habang itinuro ang lalaki.

Napangiwi ako. “Siya po ba talaga? Sigurado po kayo? Hindi po ba ako naligaw ng trabaho? Akala ko po kasi bata—” ngiwi kong sabi.

Biglang tumayo si Ethan, tinanggal ang shades, at ngumisi. “Ano, hindi mo ba ako kaya alagaan?” tanong niya, ang boses niya’y malalim at may halong pang-aasar.

Hindi ako nakapagsalita. Ngunit gusto kong sabihing, “Hindi kita kayang alagaan, hoy!” pero naalala kong kailangan ko ng trabaho. Kaya napangiti ako nang pilit.

“Ah… kaya ko po, Sir. Ano po bang kailangan ninyo?”

“Simple lang,” sagot niya. “Ayoko ng masyadong maingay, huwag mo akong pakialaman, at… pakainin mo rin si Bruno nang maayos. Mukhang mas masaya pa siyang makita ako kaysa sa’yo.”

Napatingin ako kay Bruno, na tila ba pinagtaksilan ako dahil tumatakbo na ito papunta kay Ethan, kinakahol-kahol pa.

“Bruno! Traidor ka!” sigaw ko dito.

Tumawa si Ethan, halatang natutuwa sa reaksyon ko. “Mukhang magiging masaya ang trabaho mo rito, Pipay. Magaling ka bang magluto?” pang-aasar niyang sabi sa akin.

“Ah… Oo naman po! Pero hindi ko po alam kung magugustuhan ninyo,” sagot ko, pilit na sinasaklaw ang inis ko.

“Okay. Gawin mo akong kape mamaya. Tingnan natin kung tatagal ka sa akin," sabi niya sa akin na may halong pagbabanta.

Huminga ako nang malalim. Paano ko ba napasok ‘to?

“Paano nga ulit ako napunta dito?” tanong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa kusina para gawin ang kape ni Sir Ethan. Sa isip ko, kape lang, kaya mo ‘to, Pipay. Magiging maayos din ang lahat.

Pero sa totoo lang, gusto kong bumalik sa barung-barong namin. Kasi ano ‘to? Akala ko bata ang aalagaan ko, hindi malaking lalaking parang boss sa pelikula!

Pagkatapos kong magtimpla ng kape, dinala ko ito sa likod-bahay kung saan abala si Ethan sa—ano nga bang ginagawa niya?

Nakaupo siya sa duyan, hawak ang cellphone, habang si Bruno ay masaya pang nakahiga sa tabi niya. Parang mas masaya pa ang alaga ko kaysa sa akin.

“Ano ba ‘yan, Bruno! Traidor ka na talaga!” bulong ko habang nilalapag ang tray.

“Ang tagal naman ng kape,” reklamo ni Ethan, hindi man lang tumingin sa akin.

“Pasensya na po, Sir. Medyo matagal pong pinakuloan ‘yung tubig.” Nginitian ko siya kahit gusto ko na siyang kuyugin ng tray.

Nang tikman niya ang kape, biglang nanlaki ang mata niya. “Ano ‘to?!” tanong niya, napangiwi na parang nakainom ng suka.

“Kape po, Sir.” Sinubukan kong hindi matawa sa ekspresyon niya.

“Kape? Eh bakit parang lasang tubig na may nilubog na paa ng lola ko?” reklamo niya habang inilalayo ang tasa.

“Eh kasi po, Sir, wala pong paa ang lola ko kaya tubig lang talaga nilubog ko,” sagot ko, sinasakyan ang biro niya.

Natigilan siya, tapos biglang tumawa. Malakas. Tumawa rin si Bruno, este, tumahol, na parang natatawa rin sa sinabi ko.

“Okay ka rin pala, ha,” sabi ni Ethan habang tumatawa pa rin. “Pero Pipay, kung ganito ang kape mo, baka magka-trauma ako. Baka bukas, iced coffee na lang, ha?”

“Noted po, Sir.” Ngumiti ako nang pilit. Pero sa isip ko, Aba, ikaw na! May iced coffee pa siyang nalalaman. Kung gusto niya ng Starbucks, edi siya na ang magtimpla!

Kinagabihan, napaisip ako habang inaayos ang higaan ko. Paano ko ba aalagaan ang isang damulag na ‘to? Ang iniisip kong trabaho ay magpakain ng baby, magpalit ng diaper, at magkwento bago matulog. Hindi magtimpla ng kape na gusto pang perfect!

Biglang bumukas ang pinto, at tumambad si Ethan, nakapajama, pero mukhang hindi pa rin natutulog.

“Pipay, bukas ng umaga, gisingin mo ako nang maaga. May meeting ako.”

“Anong oras po, Sir?” tanong ko.

“Alas-singko.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Melida Cebujano Kristal
ay parang sya ata Yung tumakbo papalayo sa na unang chapter
goodnovel comment avatar
Fyang
matulog kana Pipay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤣 Naku, Pipay mukhang pinagtripan ka ng alaga mong damulag 🤣 Chapter 4

    Chapter 4 Napatingin ako sa kanya na parang gusto kong suntukin ang mukha niya. “Alas-singko? Umaga?” “Bakit? May tanong pa ba? ‘Di ba trabaho mo ‘yon?” sagot niya, sabay ngiti ng nakakaloko bago sumara ang pinto. Humiga ako, nakatingala sa kisame, habang iniisip kung paano ako mabubuhay sa bagong trabahong ito. Pero sa isang banda, napangiti rin ako. Mukhang magiging nakakatuwa ang buhay ko rito kahit papaano. Alas-singko ng umaga, gising na ako, pero hindi dahil gusto kong gumising nang maaga. Gising ako kasi kailangan kong gisingin ang "alaga" kong damulag na si Ethan. Habang papunta ako sa kwarto niya, nagtataka pa rin ako. Bakit ba ako pumayag dito? Hindi naman ako human alarm clock, ah! Pagdating ko sa harap ng pintuan niya, huminga ako nang malalim. Kumatok ako nang tatlong beses. “Sir Ethan, alas-singko na po! May meeting po kayo!” sigaw ko. Walang sagot. Kumatok ulit ako, mas malakas. “Sir! Alas-singko na po! Gising na po!” Tahimik pa rin sa loob. Hindi

    Last Updated : 2024-12-14
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Oy, may Nanny si Ethan 🥴 Chapter 5

    Chapter 5 Ethan POV Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ni Mommy para kumuha pa ng nanny—NANNY! Para sa akin, isang 26-anyos na CEO ng Monteverde Group of Companies. Ang sabi niya, “Para may mag-alaga sa iyo. Mukha kang pagod at stressed, anak," sabi ng aking mom. 'Mukha daw akong stressed? Eh natural lang, sa dami ba naman ng trabaho ko? Pero seryoso ba siya? Magpapalagay siya ng taong mag-aalaga sa akin, parang bata? Paano na lang kung malaman ‘to ni Cassandra, ang fiancée ko? For sure, pagtatawanan niya ako!' usal ko sa akin sarili. Kaya naisip ko agad, Kailangan kong gawin ang lahat para mapalayas ang babaeng ‘to. Pero hindi ko akalain na ang inaakala kong mahina, tahimik, at madaling maaasar ay isang matibay na kalaban. Una kong plano: gawing impyerno ang buhay niya dito para mag-quit agad. Nung unang araw niya, tinambakan ko siya ng mga gawain sa bahay. “Pipay, siguraduhin mong malinis lahat ng kwarto, tapos lutuin mo lahat ng pagkain ko, at alagaan mo

    Last Updated : 2024-12-14
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤣 Hahaha, mukhang pasado si Pipay para sayo Ethan 😅 Chapter 6

    Chapter 6Tahimik akong nakaupo sa sofa habang si Mommy ay nakangiti pa rin, nakatingin kay Pipay na tumatawa kasama si Bruno. Tumikhim siya bago nagsalita."Alam mo, anak, tingin ko si Pipay na talaga ang tamang babae para sa’yo," sabi niya bigla.Halos mabulunan ako sa iniinom kong tubig. "Ano po?!" tanong ko, kasabay ng pag-ikot ng mata ko. "Mommy, seryoso ka ba? Siya? NANNY? Para sa akin?" nabulunan pa nga ako ng tubig sa pagsabi ko. Nakangiti lang si Mommy, parang hindi naririnig ang pag-protesta ko. "Oo naman, anak. Kita mo naman, kahit aso mo, mas masaya mula nung dumating si Pipay. Eh ikaw kaya? Lagi kang nakasimangot dati. Ngayon, kahit galit ka, parang may sparkle ka na sa mata," pang-aasar ni Mom sa akin. 'Sparkle? Ano ako, character sa Disney movie?' sambit sa aking isipan. "Mommy, nakakalimutan mo ata—engaged ako kay Cassandra," sagot ko nang may diin.Tumawa lang siya, halatang hindi impressed. "Engaged? E bakit parang wala naman akong nararamdamang chemistry sa inyo?

    Last Updated : 2024-12-18
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🫢Oy, aminin mo na kasi Ethan na masaya ka 🫢 Chapter 7

    Chapter 7 Napatitig ako kay Pipay habang tumatawa siya sa isang joke na siya lang yata ang nakakaintindi. Si Mommy naman, abala sa pagtawag sa chef para mag-order ng "celebration dinner" daw, kasi "masaya na raw ako sa wakas," ngumiti pa si Mommy habang sinasabi nito. 'Ano ‘to, graduation party?' sambit ng aking isipan. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. "Mommy, tama na ‘yan. Kung gusto mo ng entertainment, manood ka ng telenovela. Hindi si Pipay ang bida ng buhay ko!" saad ko dito. Ngumiti si Mommy nang parang may alam na hindi ko alam. "Anak, sa telenovela, laging kinakalaban ng bida ang taong mamahalin niya. Ayoko nang magsabi ng spoiler, pero baka si Pipay na ‘yan ang endgame mo," pabalang sambit niya sa akin. Halos masamid ako sa hangin. "Endgame?! Mommy, mukhang scripted ka na rin kagaya ng telenovela mo!" pagtatama ko dito. Ngumiti lang si Pipay na parang inosente. "Sir Ethan, ano po ba ang 'endgame'? Parang Avengers po ba ‘yan? Ako si Black

    Last Updated : 2024-12-19
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤣Kulang sa buwan 🤣 Chapter 8

    Chapter 8 Biglang tumikhim si Mommy, tumayo, at nag-pose na parang bida sa isang teleserye. “Ethan, anak, aminin mo na. Ang init ng ulo mo dati, parang ulam na laging sunog. Pero ngayon, aba, parang may cinnamon roll na dumating sa buhay mo—sweet at nakakagaan ng loob.” Napalunok ako, pilit nilalabanan ang pag-init ng mukha ko. "Mommy, cinnamon roll? Si Pipay? Ang dami-dami namang dessert, bakit siya pa?" Ngumisi si Mommy, sabay taas ng kilay. “Eh kasi nga, anak, tingnan mo siya! Parang piyaya, mukhang simple, pero may secret filling! Hindi ba't mahilig ka sa surprises?” Si Pipay naman, nakatingin lang sa amin habang sinusubukan pigilan ang pagtawa. “Naku, Ma’am, baka sabihin ni Sir Ethan, masyado akong sticky para sa kanya.” Tumawa nang malakas si Mommy, halos tumalon sa saya. “Sticky nga, pero siya rin ang hindi makakawala sa iyo! Huwag kang mag-alala, Pipay, darating ang panahon na hindi ka na lang nanny—baka ikaw na ang lady of the house!” “Lady of the house?” Halos mal

    Last Updated : 2024-12-19
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱Iba talaga ang kutud ng isang ina. 😱 Chapter 9

    Chapter 9 Margaret POV Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit parang laging high blood ang anak ko. Eh, sa itsura niya, parang bida sa mga Korean drama—yung tipong konting ngiti lang, hihimatayin na ang mga tao. Pero bakit parang laging pasabog ang aura niya? Puro "Mommy, ano ba 'yan?!" at "Stop interfering in my life!" ang linya niya sa akin. Eh hello? Ako ang nanay mo! Trabaho ko 'to! Kanina nga lang, habang tinitingnan ko silang dalawa ni Pipay, napansin ko ang kakaibang vibe. Yung tipong nag-aasaran pero may chemistry. Parang teleserye na ang plot ay: “Ang CEO na Kasing Lamig ng Yelo at Ang Yaya na Mainit Pa sa Piyaya.” Hindi ba bagay? Ako na ang writer! Pero syempre, matalino ako. Hindi ko pwedeng ipilit agad. Kailangan ko ng strategic plan. Sabi nga nila, patience is a virtue. Kaya habang nagkakape si Ethan kanina, sinabi ko na lang, “Alam mo, anak, kung gusto mo talagang stress-free ang buhay, mag-relax ka. Gusto mo, mag-painting tayo ng mukha ni Pipay sa dingding?”

    Last Updated : 2024-12-19
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😠Luh, kontrabida ka pala Girl 🤨 Chapter 10

    Chapter 10 Cassandra POV Hindi ko alam kung paano ko nagawa na manatiling nakangiti sa harap ng Margaret na ‘yon. Margaret Monteverde—ang babaeng hindi ko maintindihan kung ang misyon ba sa buhay ay gawing miserable ang buhay ko o gawing clown ang sarili niya. Ang sakit sa ulo! “Breathe, Cassandra. Breathe,” sabi ko sa sarili ko habang mag-isang naglalakad sa garden ng mansyon nila Ethan. Ang lamig ng hangin, pero bakit parang gusto kong mag-alab sa galit? Kung hindi ko lang mahal si Ethan at kailangan ang koneksyon ng Monteverde sa mga plano ko, baka iniwan ko na ang pamilyang ito matagal na. Kaninang nasa sala kami, halos hindi ko na matiis ang mga banat ng Margaret na ‘yon. “Oh, Cassandra, try this! Oh, Cassandra, si Pipay ganito, si Pipay ganyan!” Pipay, Pipay, Pipay! Ano ba, siya na ba ang reyna ng mansyon na ‘to? “Special yaya? Ha! More like special pest,” bulong ko sa sarili ko, habang pinipilit kong kontrolin ang galit ko. Halos gusto ko nang tawagan ang mga contact ko pa

    Last Updated : 2024-12-19
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😅 Inis na yarn.... 😅 Chapter 11

    Chapter 11 "Sino ba talaga si Pipay, Ethan?" tanong ko, pilit na pinapatatag ang aking boses kahit nagbabaga na ang galit sa loob ko. “She is my nanny!” sagot niya, pero halata sa tinig niya ang alinlangan. Nanny? Halos mamilipit ako sa narinig. NANNY? Napatingin ako sa kanya na parang gusto kong itanong kung saan niya itinapon ang utak niya. “Nanny?” ulit ko, kasabay ng pilit kong ngiti. “You’re telling me, Ethan Monteverde, CEO ng Monteverde Group of Companies, may nanny? Para saan? Para magpakain sa iyo ng lugaw?” Hindi siya sumagot agad. Napatingin siya sa lupa, halatang iniisip ang susunod niyang sasabihin. “Mom hired her… to help around the house,” sagot niya sa wakas. “To help around the house? Ethan, may tatlo kayong chef, dalawang butler, at isang buong team ng housekeepers. Ano pa ang kailangang tulungan? Ang pagtatanim ng sunflower?” bulyaw ko, hindi na maitago ang inis ko. “Cassandra, huwag mo na itong gawing issue. She’s just here to work,” sagot niya, pero

    Last Updated : 2024-12-20

Latest chapter

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 7

    "Tell me, what happening?" tanong ko dito. Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita. "Siya ang tinutukoy ko na sinusundan ko dito sa Canada ang aking fierce -no mas magandang sabihing ex-fience ko!""So, siya pala!" wika ko. "Yes!" maikling sagot nito saka tumayo. "I- I need to go, pasensiya na sa distubo.""Wait!" agad kong tawag. "Dito ka na lang magpalipas ng gabi. May isang bakanteng silid dito, at isa pa masyado nang gabi baka mapahamak ka lang!""Salamat! Saka ko dinala sa kabilang silid upang makapagpahinga ito at katabi lang din ito sa aking silid. Pagdating naming doon ay agad ako nagpapaalam. " Magpahinga kana, good night!""Good night, Tristan," mahinang tugon ni Rachel, bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.Pagkatapos kong isara ang pinto, bumalik ako sa sarili kong silid. Ngunit kahit anong pilit kong ipikit ang aking mga mata, hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari.Rachel.Bakit ako masyadong apektado? Bakit parang gusto ko siyang protektahan sa kabila ng

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 6

    Pagdating namin sa hotel, agad akong bumaba at kinuha ang aking maleta. Binati ako ng isang bellboy at inialok ang kanyang tulong, pero tinanggihan ko ito."Good afternoon, Sir. Welcome to Royal Luxe Hotel," bati ng receptionist na may pormal na ngiti."Thanks," sagot ko, habang iniabot ang aking passport para sa check-in.Habang inaayos niya ang aking reservation, hindi ko maiwasang mapansin ang malaking chandelier na nagbibigay liwanag sa buong lobby. Lahat ay eleganteng disenyo — tipikal ng isang five-star hotel."Here's your key, Sir. Room 1807. Enjoy your stay.""Thank you."Pagdating ko sa aking kwarto, agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Maluwag ito, may king-sized bed, glass windows na may view ng city skyline, at isang maliit na working desk sa gilid.Inilapag ko ang aking maleta sa tabi ng cabinet at agad na humiga sa kama. Ramdam ko ang pagod sa byahe, pero wala akong balak matulog. Tumitig lang ako sa kisame, pero ang isipan ko ay muling bumalik kay Rachel."Ano na ka

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 5

    Habang tinitingnan ko siya, napansin ko kung gaano siya kaamo sa pagtulog. Para bang wala siyang alalahanin sa mundo. May ilang hibla ng buhok na bumagsak sa kanyang mukha, at kahit paano, tila gusto kong alisin iyon para mas maayos siyang matulog.Ngunit alam kong hindi magtatagal ang sandaling ito. Kaya bago pa man ako magdalawang-isip, kinuha ko ang aking phone at palihim siyang kinuhanan ng litrato. Isang alaala ng isang estrangherang sandaling naging bahagi ng aking paglalakbay."Click!"Isang litrato na magpapaalala sa akin ng mga sandaling ito. Napangiti ako ng bahagya bago ko siya marahang ginising."Rachel," mahina kong bulong habang dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang braso. "Malapit na tayong mag-landing."Unti-unti siyang nagmulat ng mata, bahagyang nag-inat, at tila nahihiya nang mapagtantong nakasandal siya sa akin."Pasensya na," bulong niya, halatang nahihiya."Okay lang. Hindi ka naman mabigat," biro ko, pilit na itinatago ang lungkot na nagsisimula nang sumiksik s

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 4

    "Thank you," biglang sambit niya sa akin saka ngumiti.Biglang akong natulala sa kanyang ngiti, dahil lumabas ang kanyang dimples sa pisngi. Kaya napatitig ako dito."B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" takang tanong niya sa akin.Agad akong natauhan at umiwas ng tingin. "Wala! Wala namang dumi," sagot ko, sabay kunwaring inayos ang upo ko.Napakunot ang noo niya. "Eh bakit mo ako tinititigan nang ganun?"Napakamot ako sa batok at saka ngumiti nang bahagya. "Wala lang. Ngiti mo kasi… ang cute."Nanlaki ang mata niya at tila nahiya. "Ha? A-anong cute?" mabilis niyang tinakpan ang pisngi niya na parang biglang namula.Napangiti ako. "Totoo naman. Saka first time kitang makitang ngumiti. Kanina parang ready kang makipag-away sa mundo, tapos ngayon… ayan, parang anghel.""Hala ka! Bolero ka pala, Mr. Tristan Santa Vega," natatawa niyang sabi."Promise, hindi ako bolero!" sabay taas ko ng kamay na parang nagso-swear. "Sinasabi ko lang kung ano 'yung totoo."Napailing siya pero hindi na nawa

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 3

    "Ahmm, pwede bang d'yan ako sa may bintana?" mahinang pakiusap niya habang tinuturo ang upuang katabi ng bintana.Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagtaka. "Gusto mo bang ikaw ang may view ng ulap?" biro ko, pero halatang seryoso siya."First time ko kasi sumakay ng eroplano," inamin niya, medyo nahihiya. "Gusto ko sanang makita yung view sa itaas."Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, pero ang innocence niya ay tila nagbibigay ng aliw."Okay, fine," sabi ko, kunwaring nagbuntong-hininga. "Ikaw na ang queen ng window seat." Tumayo ako at nagbigay-daan para makadaan siya."Thank you," sagot niya, at kahit simpleng ngiti lang ang ibinigay niya, parang may kakaibang kiliti akong naramdaman.Nang makaupo na siya at nakaharap sa bintana, kita ko ang excitement sa kanyang mga mata. Para siyang batang sabik na sabik sa isang bagong karanasan."Para saan nga pala yung business trip mo?" tanong niya, pilit na binabasag ang katahimikan."Meeting with clients," sagot ko, bahagyang isinanda

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 2

    Pagkauwi ko sa condo, agad akong nag-empake ng mga gamit para sa flight ko bukas. Habang inaayos ko ang mga damit, hindi ko maiwasang mapaisip ulit.Dalawang taon akong nasaksihan kung paano sinubukan ni Pipay na buuin muli ang buhay niya. Nasaktan siya, nagdusa, pero sa kabila ng lahat, nanatili siyang matatag para kay Jhovel. Ngayon na bumalik na si Ethan, hindi ko maitatanggi na may halo akong pangamba.Hindi ko naman itinatanggi na minsan, may bahaging umasa akong may lugar ako sa puso ni Pipay. Pero sapat na para sa akin na makita siyang masaya — kahit hindi ako ang dahilan ng kaligayahan niya.Tumunog ang cellphone ko, isang mensahe mula kay Rafael.Rafael:Bro, balita ko aalis ka bukas. Kailan balik mo?Napangiti ako. Si Rafael, ang pinsan kong laging nandiyan para makipag-usap, lalo na sa mga panahong tahimik akong naglalaban sa sarili kong emosyon.Tristan:Oo, bro. Canada lang naman. Mga isang linggo lang ako roon.Ilang segundo lang ang lumipas at dumating ulit ang reply ni

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 1

    Tristan POV Tahimik kong pinagmasdan sina Pipay at Ethan mula sa malayo. Sa ilalim ng mga bituin, kitang-kita ko kung paanong unti-unting bumabalik ang saya sa mga mata ng pinsan ko. Dalawang taon. Dalawang taon kong nasaksihan kung paano siya bumangon sa kabila ng sakit na iniwan ni Ethan. Akala ko noon, hindi na siya makakabangon. Nakita ko kung paano niya itinuring si Jhovel bilang tanging lakas niya. Si Jhovel ang dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban. Pero ngayon, narito si Ethan—buhay, humihingi ng pangalawang pagkakataon. Napailing ako. Hindi ko maitatangging may bahagi sa akin na nag-aalinlangan. Paano kung muling masaktan si Pipay? Paano kung muling iwan ni Ethan ang pamilya nila? Pero sa kabila ng lahat ng mga tanong na iyon, alam ko rin kung gaano kalalim ang pagmamahal nila sa isa’t isa. “Hindi ka pa rin kumbinsido?” tanong ni Kuya Rafael, na tahimik ding nakamasid sa kanila. “Hindi ko lang maiwasang mag-alala,” sagot ko, bahagyang bumuntong-hininga. “Pinsa

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Author Note

    Hello all, sana ay napasaya ko po kayo sa aking akda.... ako po ay lubos nagpapasalamat sa inyong suporta... Sana po ay subaybayan ninyo ang iba kong story naisulat... maraming salamat sa inyong lahat. Love Inday Stories......

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥰Second Chance 🥰 Last Chapter

    Pipay POVHabang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng puso ko. Dalawang taon. Dalawang taon akong namuhay sa sakit at pangungulila, tinanggap na wala na si Ethan, at pilit na binuo ang buhay ko kasama si Jhovel.At ngayon, parang isang iglap lang, bumalik siya—buhay at humihingi ng puwang sa buhay namin.Napahinto ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito. Kung paano pipigilan ang emosyon sa loob ko na parang gusto nang sumabog."Mommy?" tinig ni Jhovel ang pumukaw sa akin.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin, hawak ang kamay ng lalaking akala ko’y hindi ko na muling makikita. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha, halatang may gusto siyang itanong ngunit hindi alam kung paano.Napangiti ako nang pilit. "Anak, halika na sa loob. Magpapalit ka pa ng damit para sa birthday party mo.""Pero Mommy… si Daddy?" may halong pag-aalalang tanong niya.Napatingin ako kay Ethan, at doon ko siya muling nasilayan nang buo. Matangkad, gwapo pa rin tulad

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status