Home / Romance / ANG PIYAYA NI PIPAY / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of ANG PIYAYA NI PIPAY: Chapter 1 - Chapter 10

57 Chapters

🥴 Ang mapait na karanasan ni Pipay 🥴 Chapter 1

Chapter 1 Pipay POV “Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ak
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

😱 Go na Pipay para makawala kana d'yan 😱 Chapter 2

Chapter 2Kinabukasan, maaga akong nagising para tapusin ang mga trabaho bago magising si Madam. Sa gitna ng pag-aayos ko ng bakuran, napansin ko ang isang maliit na sobre na nakapatong sa may pintuan ng aking barung-barong."Kaninong sulat ‘to?" bulong ko sa sarili habang dahan-dahang binubuksan ito.Pagkabukas, bumungad ang isang sulat na may maikling mensahe:"Kung gusto mong magbago ang buhay mo, sumama ka sa akin. Maghintay ka mamayang gabi sa may simbahan. - P"Nalaglag ang sobre mula sa kamay ko, kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. Sino ang nagsulat nito? At paano niya nalaman ang sitwasyon ko?Habang patuloy akong nagtatrabaho, hindi maalis sa isip ko ang sulat. Sino si "P"? At bakit niya ako gustong tulungan? May halong takot at pagdududa ang nararamdaman ko, pero sa kabilang banda, umaasa akong baka ito na ang pagkakataon kong makaalis sa impyerno kong buhay.Tinitigan ko ang sulat sa aking kamay. Para bang gustong-gusto kong malaman kung sino ang nag-iwan nito, ngunit
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

🤣 Damulag na pala Pipay ang alagaan mo 🤣 Chapter 3

Chapter 3 Excited akong pumasok sa mansyon kinabukasan. Bitbit ang bag ko at si Bruno, na tila mas excited pa sa akin. Habang pinapakita sa akin ng katiwala ang iba't ibang bahagi ng bahay, hindi ko mapigilang mamangha. Ang laki ng lugar! Para bang nasa ibang mundo ako. “Pipay, ito ang magiging silid mo,” sabi ng katiwala, sabay turo sa isang kwarto na halos kasing laki ng buong barung-barong namin. “Talaga po? Para sa akin lang ‘to?” tanong ko, nanlalaki ang mata. “Oo, syempre. Pero bago ka masyadong ma-excite, ipapakilala ko na sa’yo ang aalagaan mo,” sabi niya, sabay ngiti na parang may itinatago. “Oo nga po pala, Ma’am. Sino po ‘yung bata? Ilang taon na po siya? Mahilig po ba siya sa aso?” sunod-sunod kong tanong habang pinapaliguan ng kilig ang isip ko. Iniisip ko ang cute na batang aalagaan ko—malambing, mahilig maglaro, at madaling pakisamahan. Ngunit ang ngiti ng katiwala ay napalitan ng isang pilit na ekspresyon, na parang pigil ang tawa. “Ah… Pipay, ganito kasi ‘
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

🤣 Naku, Pipay mukhang pinagtripan ka ng alaga mong damulag 🤣 Chapter 4

Chapter 4 Napatingin ako sa kanya na parang gusto kong suntukin ang mukha niya. “Alas-singko? Umaga?” “Bakit? May tanong pa ba? ‘Di ba trabaho mo ‘yon?” sagot niya, sabay ngiti ng nakakaloko bago sumara ang pinto. Humiga ako, nakatingala sa kisame, habang iniisip kung paano ako mabubuhay sa bagong trabahong ito. Pero sa isang banda, napangiti rin ako. Mukhang magiging nakakatuwa ang buhay ko rito kahit papaano. Alas-singko ng umaga, gising na ako, pero hindi dahil gusto kong gumising nang maaga. Gising ako kasi kailangan kong gisingin ang "alaga" kong damulag na si Ethan. Habang papunta ako sa kwarto niya, nagtataka pa rin ako. Bakit ba ako pumayag dito? Hindi naman ako human alarm clock, ah! Pagdating ko sa harap ng pintuan niya, huminga ako nang malalim. Kumatok ako nang tatlong beses. “Sir Ethan, alas-singko na po! May meeting po kayo!” sigaw ko. Walang sagot. Kumatok ulit ako, mas malakas. “Sir! Alas-singko na po! Gising na po!” Tahimik pa rin sa loob. Hindi
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

🥴 Oy, may Nanny si Ethan 🥴 Chapter 5

Chapter 5 Ethan POV Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ni Mommy para kumuha pa ng nanny—NANNY! Para sa akin, isang 26-anyos na CEO ng Monteverde Group of Companies. Ang sabi niya, “Para may mag-alaga sa iyo. Mukha kang pagod at stressed, anak," sabi ng aking mom. 'Mukha daw akong stressed? Eh natural lang, sa dami ba naman ng trabaho ko? Pero seryoso ba siya? Magpapalagay siya ng taong mag-aalaga sa akin, parang bata? Paano na lang kung malaman ‘to ni Cassandra, ang fiancée ko? For sure, pagtatawanan niya ako!' usal ko sa akin sarili. Kaya naisip ko agad, Kailangan kong gawin ang lahat para mapalayas ang babaeng ‘to. Pero hindi ko akalain na ang inaakala kong mahina, tahimik, at madaling maaasar ay isang matibay na kalaban. Una kong plano: gawing impyerno ang buhay niya dito para mag-quit agad. Nung unang araw niya, tinambakan ko siya ng mga gawain sa bahay. “Pipay, siguraduhin mong malinis lahat ng kwarto, tapos lutuin mo lahat ng pagkain ko, at alagaan mo
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

🤣 Hahaha, mukhang pasado si Pipay para sayo Ethan 😅 Chapter 6

Chapter 6Tahimik akong nakaupo sa sofa habang si Mommy ay nakangiti pa rin, nakatingin kay Pipay na tumatawa kasama si Bruno. Tumikhim siya bago nagsalita."Alam mo, anak, tingin ko si Pipay na talaga ang tamang babae para sa’yo," sabi niya bigla.Halos mabulunan ako sa iniinom kong tubig. "Ano po?!" tanong ko, kasabay ng pag-ikot ng mata ko. "Mommy, seryoso ka ba? Siya? NANNY? Para sa akin?" nabulunan pa nga ako ng tubig sa pagsabi ko. Nakangiti lang si Mommy, parang hindi naririnig ang pag-protesta ko. "Oo naman, anak. Kita mo naman, kahit aso mo, mas masaya mula nung dumating si Pipay. Eh ikaw kaya? Lagi kang nakasimangot dati. Ngayon, kahit galit ka, parang may sparkle ka na sa mata," pang-aasar ni Mom sa akin. 'Sparkle? Ano ako, character sa Disney movie?' sambit sa aking isipan. "Mommy, nakakalimutan mo ata—engaged ako kay Cassandra," sagot ko nang may diin.Tumawa lang siya, halatang hindi impressed. "Engaged? E bakit parang wala naman akong nararamdamang chemistry sa inyo?
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

🫢Oy, aminin mo na kasi Ethan na masaya ka 🫢 Chapter 7

Chapter 7 Napatitig ako kay Pipay habang tumatawa siya sa isang joke na siya lang yata ang nakakaintindi. Si Mommy naman, abala sa pagtawag sa chef para mag-order ng "celebration dinner" daw, kasi "masaya na raw ako sa wakas," ngumiti pa si Mommy habang sinasabi nito. 'Ano ‘to, graduation party?' sambit ng aking isipan. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. "Mommy, tama na ‘yan. Kung gusto mo ng entertainment, manood ka ng telenovela. Hindi si Pipay ang bida ng buhay ko!" saad ko dito. Ngumiti si Mommy nang parang may alam na hindi ko alam. "Anak, sa telenovela, laging kinakalaban ng bida ang taong mamahalin niya. Ayoko nang magsabi ng spoiler, pero baka si Pipay na ‘yan ang endgame mo," pabalang sambit niya sa akin. Halos masamid ako sa hangin. "Endgame?! Mommy, mukhang scripted ka na rin kagaya ng telenovela mo!" pagtatama ko dito. Ngumiti lang si Pipay na parang inosente. "Sir Ethan, ano po ba ang 'endgame'? Parang Avengers po ba ‘yan? Ako si Black
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

🤣Kulang sa buwan 🤣 Chapter 8

Chapter 8 Biglang tumikhim si Mommy, tumayo, at nag-pose na parang bida sa isang teleserye. “Ethan, anak, aminin mo na. Ang init ng ulo mo dati, parang ulam na laging sunog. Pero ngayon, aba, parang may cinnamon roll na dumating sa buhay mo—sweet at nakakagaan ng loob.” Napalunok ako, pilit nilalabanan ang pag-init ng mukha ko. "Mommy, cinnamon roll? Si Pipay? Ang dami-dami namang dessert, bakit siya pa?" Ngumisi si Mommy, sabay taas ng kilay. “Eh kasi nga, anak, tingnan mo siya! Parang piyaya, mukhang simple, pero may secret filling! Hindi ba't mahilig ka sa surprises?” Si Pipay naman, nakatingin lang sa amin habang sinusubukan pigilan ang pagtawa. “Naku, Ma’am, baka sabihin ni Sir Ethan, masyado akong sticky para sa kanya.” Tumawa nang malakas si Mommy, halos tumalon sa saya. “Sticky nga, pero siya rin ang hindi makakawala sa iyo! Huwag kang mag-alala, Pipay, darating ang panahon na hindi ka na lang nanny—baka ikaw na ang lady of the house!” “Lady of the house?” Halos mal
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

😱Iba talaga ang kutud ng isang ina. 😱 Chapter 9

Chapter 9 Margaret POV Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit parang laging high blood ang anak ko. Eh, sa itsura niya, parang bida sa mga Korean drama—yung tipong konting ngiti lang, hihimatayin na ang mga tao. Pero bakit parang laging pasabog ang aura niya? Puro "Mommy, ano ba 'yan?!" at "Stop interfering in my life!" ang linya niya sa akin. Eh hello? Ako ang nanay mo! Trabaho ko 'to! Kanina nga lang, habang tinitingnan ko silang dalawa ni Pipay, napansin ko ang kakaibang vibe. Yung tipong nag-aasaran pero may chemistry. Parang teleserye na ang plot ay: “Ang CEO na Kasing Lamig ng Yelo at Ang Yaya na Mainit Pa sa Piyaya.” Hindi ba bagay? Ako na ang writer! Pero syempre, matalino ako. Hindi ko pwedeng ipilit agad. Kailangan ko ng strategic plan. Sabi nga nila, patience is a virtue. Kaya habang nagkakape si Ethan kanina, sinabi ko na lang, “Alam mo, anak, kung gusto mo talagang stress-free ang buhay, mag-relax ka. Gusto mo, mag-painting tayo ng mukha ni Pipay sa dingding?”
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

😠Luh, kontrabida ka pala Girl 🤨 Chapter 10

Chapter 10 Cassandra POV Hindi ko alam kung paano ko nagawa na manatiling nakangiti sa harap ng Margaret na ‘yon. Margaret Monteverde—ang babaeng hindi ko maintindihan kung ang misyon ba sa buhay ay gawing miserable ang buhay ko o gawing clown ang sarili niya. Ang sakit sa ulo! “Breathe, Cassandra. Breathe,” sabi ko sa sarili ko habang mag-isang naglalakad sa garden ng mansyon nila Ethan. Ang lamig ng hangin, pero bakit parang gusto kong mag-alab sa galit? Kung hindi ko lang mahal si Ethan at kailangan ang koneksyon ng Monteverde sa mga plano ko, baka iniwan ko na ang pamilyang ito matagal na. Kaninang nasa sala kami, halos hindi ko na matiis ang mga banat ng Margaret na ‘yon. “Oh, Cassandra, try this! Oh, Cassandra, si Pipay ganito, si Pipay ganyan!” Pipay, Pipay, Pipay! Ano ba, siya na ba ang reyna ng mansyon na ‘to? “Special yaya? Ha! More like special pest,” bulong ko sa sarili ko, habang pinipilit kong kontrolin ang galit ko. Halos gusto ko nang tawagan ang mga contact ko pa
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status