Chapter 7
Napatitig ako kay Pipay habang tumatawa siya sa isang joke na siya lang yata ang nakakaintindi. Si Mommy naman, abala sa pagtawag sa chef para mag-order ng "celebration dinner" daw, kasi "masaya na raw ako sa wakas," ngumiti pa si Mommy habang sinasabi nito. 'Ano ‘to, graduation party?' sambit ng aking isipan. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. "Mommy, tama na ‘yan. Kung gusto mo ng entertainment, manood ka ng telenovela. Hindi si Pipay ang bida ng buhay ko!" saad ko dito. Ngumiti si Mommy nang parang may alam na hindi ko alam. "Anak, sa telenovela, laging kinakalaban ng bida ang taong mamahalin niya. Ayoko nang magsabi ng spoiler, pero baka si Pipay na ‘yan ang endgame mo," pabalang sambit niya sa akin. Halos masamid ako sa hangin. "Endgame?! Mommy, mukhang scripted ka na rin kagaya ng telenovela mo!" pagtatama ko dito. Ngumiti lang si Pipay na parang inosente. "Sir Ethan, ano po ba ang 'endgame'? Parang Avengers po ba ‘yan? Ako si Black Widow?" baliw nitong sabi habang may ngiti sa labi. Ngayon ko lang na isip na baka isang baliw ang na hire ni Mommy bilang Nanny ko o di kaya galing sa mental hospital. Napahawak ako sa sentido ko. "Hindi ka Black Widow, Pipay. Ikaw ang dahilan kung bakit parang gusto ko nang mag-retire nang maaga!" bigkas ko dito. Bigla siyang ngumiti nang napakalaki. "Ay, talaga, Sir? Gusto niyo po ba ng tulong sa retirement? Pwede ko po kayong samahan sa probinsya, magtatayo tayo ng maliit ng tindahan doon. Kayo po ang magbantay ng tindahan habang ako ang mamimili!" sambit nito. Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. "Tindahan? Pipay, CEO ako ng multi-billion company! Paano mo ako mapapababa sa pagbebenta ng chichirya?" inis kong sabi. " Sandali nga Pipay, tao ka ba o alien?" tanong ko dito. "Ay, syempre Sir Ethan, tao ako. Ay saka kung alien ako baka gusto mong sumama sa kabilang mundo!" tawa nitong sabi. Sumabat si Mommy habang abot-tenga ang ngiti. "Hay, anak, bakit hindi mo subukan? Malay mo, mas masaya ang simpleng buhay kasama si Pipay. At least, sa tindahan, siguradong walang Cassandra na magpapasakit ng ulo mo!" paghihingkayat ni Mommy sa akin. Napapikit ako, parang gusto ko nang mag-teleport papalayo. "Mommy, tama na, please. Hindi bagay si Pipay sa mundo ko. At lalong hindi siya bagay sa akin!" wika ko. Ngunit na realize ko agad ang aking sinabi ng nakita ko ang mapait na ngiting sumilay sa labi ni Pipay. Biglang umupo si Pipay sa tabi ko, hawak ang isang kutsara na parang microphone. "Sir Ethan, kung hindi po ako bagay sa mundo mo, eh di dalhin kita sa aking mundo! Tara, magluto tayo ng piyaya mamaya. Para ma-feel mo ang simpleng buhay!" bigkas nito. Hindi ko alam kung paano niya agad nawala ang aking nakita o guni-guni ko lamang yun lahat. Napatitig lang ako sa kanya, habang si Mommy ay humagalpak na ng tawa sa gilid. "Piyaya? Ano ako, contestant sa regional cooking show?" tugon ko dito. Ngumiti si Pipay na parang napaka-logical ng ideya niya. "Oo nga, Sir Ethan! Baka ikaw ang susunod na Piyaya King ng barangay namin!" sagot naman nito. Sa puntong iyon, hindi ko na alam kung paano ko iiwas ang sarili ko. Pero habang tinitingnan ko si Pipay na may hawak na kutsara at si Mommy na hindi mapigilan ang tawa, napansin ko—bakit nga ba parang hindi ko maiwasang ngumiti sa mga kalokohan niya? Sumandal si Mommy, nakatingin sa akin na parang nanalo siya sa isang malaking pustahan. "O, diba, anak? Ngayon ko lang nakita ang ngiti mong ganyan. Mukhang hindi piyaya ang niluluto ni Pipay—baka puso mo na," wika ni Mommy sa akin. Halos mapasigaw ako sa sinabi niya. "Mommy, please! Wala akong ganung klaseng recipe!" madiin kong sabi. Biglang tumayo si Pipay, hawak pa rin ang kutsara. "Sir Ethan, pwede niyo pong subukan. Malay mo, ang piyaya ko, hindi lang sweet—baka best seller pa!" bigkas nito. Hindi ko alam kung totoo ba ang kanyang mga sinabi o biro lamang. Napatakip ako sa mukha habang si Mommy ay humagalpak na naman ng tawa. Mukhang wala na akong ligtas sa kombinasyon ng crazy energy ni Pipay at conspiratorial smile ni Mommy. At sa isang iglap, parang hindi ko na alam kung sino ang boss sa sarili kong bahay. Para kasing biglang bumaliktad ang setwasyon. (Author note: Hello, magandang araw/gabi sa inyong lahat! Sana ay magustuhan ninyo ang story na ito. Hinihikayat ko kayong idagdag ito sa inyong library at tulungan akong maipasok ito sa ranking sa pamamagitan ng inyong mga gems at comments sa bawat chapter. Malaking tulong ang inyong feedback upang malaman ko kung nagustuhan ninyo ang aking bagong akda. Kung nagustuhan ninyo, sana'y makuha ko ang inyong suporta at patuloy na suportahan ang aking kwento. Makakasiguro kayong bibigyan ko kayo ng isang magandang kwento at patuloy na maghahatid ng kasiyahan at kilig. Maraming salamat sa inyong suporta! Love you all! )Chapter 8 Biglang tumikhim si Mommy, tumayo, at nag-pose na parang bida sa isang teleserye. “Ethan, anak, aminin mo na. Ang init ng ulo mo dati, parang ulam na laging sunog. Pero ngayon, aba, parang may cinnamon roll na dumating sa buhay mo—sweet at nakakagaan ng loob.” Napalunok ako, pilit nilalabanan ang pag-init ng mukha ko. "Mommy, cinnamon roll? Si Pipay? Ang dami-dami namang dessert, bakit siya pa?" Ngumisi si Mommy, sabay taas ng kilay. “Eh kasi nga, anak, tingnan mo siya! Parang piyaya, mukhang simple, pero may secret filling! Hindi ba't mahilig ka sa surprises?” Si Pipay naman, nakatingin lang sa amin habang sinusubukan pigilan ang pagtawa. “Naku, Ma’am, baka sabihin ni Sir Ethan, masyado akong sticky para sa kanya.” Tumawa nang malakas si Mommy, halos tumalon sa saya. “Sticky nga, pero siya rin ang hindi makakawala sa iyo! Huwag kang mag-alala, Pipay, darating ang panahon na hindi ka na lang nanny—baka ikaw na ang lady of the house!” “Lady of the house?” Halos mal
Chapter 9 Margaret POV Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit parang laging high blood ang anak ko. Eh, sa itsura niya, parang bida sa mga Korean drama—yung tipong konting ngiti lang, hihimatayin na ang mga tao. Pero bakit parang laging pasabog ang aura niya? Puro "Mommy, ano ba 'yan?!" at "Stop interfering in my life!" ang linya niya sa akin. Eh hello? Ako ang nanay mo! Trabaho ko 'to! Kanina nga lang, habang tinitingnan ko silang dalawa ni Pipay, napansin ko ang kakaibang vibe. Yung tipong nag-aasaran pero may chemistry. Parang teleserye na ang plot ay: “Ang CEO na Kasing Lamig ng Yelo at Ang Yaya na Mainit Pa sa Piyaya.” Hindi ba bagay? Ako na ang writer! Pero syempre, matalino ako. Hindi ko pwedeng ipilit agad. Kailangan ko ng strategic plan. Sabi nga nila, patience is a virtue. Kaya habang nagkakape si Ethan kanina, sinabi ko na lang, “Alam mo, anak, kung gusto mo talagang stress-free ang buhay, mag-relax ka. Gusto mo, mag-painting tayo ng mukha ni Pipay sa dingding?”
Chapter 10 Cassandra POV Hindi ko alam kung paano ko nagawa na manatiling nakangiti sa harap ng Margaret na ‘yon. Margaret Monteverde—ang babaeng hindi ko maintindihan kung ang misyon ba sa buhay ay gawing miserable ang buhay ko o gawing clown ang sarili niya. Ang sakit sa ulo! “Breathe, Cassandra. Breathe,” sabi ko sa sarili ko habang mag-isang naglalakad sa garden ng mansyon nila Ethan. Ang lamig ng hangin, pero bakit parang gusto kong mag-alab sa galit? Kung hindi ko lang mahal si Ethan at kailangan ang koneksyon ng Monteverde sa mga plano ko, baka iniwan ko na ang pamilyang ito matagal na. Kaninang nasa sala kami, halos hindi ko na matiis ang mga banat ng Margaret na ‘yon. “Oh, Cassandra, try this! Oh, Cassandra, si Pipay ganito, si Pipay ganyan!” Pipay, Pipay, Pipay! Ano ba, siya na ba ang reyna ng mansyon na ‘to? “Special yaya? Ha! More like special pest,” bulong ko sa sarili ko, habang pinipilit kong kontrolin ang galit ko. Halos gusto ko nang tawagan ang mga contact ko pa
Chapter 11 "Sino ba talaga si Pipay, Ethan?" tanong ko, pilit na pinapatatag ang aking boses kahit nagbabaga na ang galit sa loob ko. “She is my nanny!” sagot niya, pero halata sa tinig niya ang alinlangan. Nanny? Halos mamilipit ako sa narinig. NANNY? Napatingin ako sa kanya na parang gusto kong itanong kung saan niya itinapon ang utak niya. “Nanny?” ulit ko, kasabay ng pilit kong ngiti. “You’re telling me, Ethan Monteverde, CEO ng Monteverde Group of Companies, may nanny? Para saan? Para magpakain sa iyo ng lugaw?” Hindi siya sumagot agad. Napatingin siya sa lupa, halatang iniisip ang susunod niyang sasabihin. “Mom hired her… to help around the house,” sagot niya sa wakas. “To help around the house? Ethan, may tatlo kayong chef, dalawang butler, at isang buong team ng housekeepers. Ano pa ang kailangang tulungan? Ang pagtatanim ng sunflower?” bulyaw ko, hindi na maitago ang inis ko. “Cassandra, huwag mo na itong gawing issue. She’s just here to work,” sagot niya, pero
Chapter 12Pipay POVKanina pa ako nakatayo dito sa likod ng halamanan, nagmamasid. Oo, sino bang hindi mapapatingin kung ang alaga kong damulag na si Sir Ethan ay parang nilalandi ng nobya niyang si Cassandra? Halos maghubad na ng saplot ang babae!“Ay, grabe! Isang konting galaw na lang, pwede nang maging eksena sa pelikula!” bulong ko sa sarili ko habang nakasilip mula sa dahon ng gumamela.Eto namang si Sir Ethan, parang walang pakialam! Wala bang malisya sa kanya kahit dinidikit na ni Cassandra ang dibdib niya sa braso niya? Diyos ko, parang wala siyang dugo o baka naman sobrang sanay na?“Tapos ako pa ang lagi niyang pinagdidiskitahan dito sa mansyon,” inis kong sabi habang pinitik ang dahon ng halaman. “Eh, kung titingnan mo, siya itong may malaking issue!”Nagpahinga ako saglit, pero biglang napansin ko si Ma’am Margaret, ang ina ng alaga kong damulag. Aba, nakatayo rin siya sa kabilang banda ng halamanan, pero may hawak na kamera!“Ha? Ano ‘to, behind-the-scenes? Para saan an
Chapter 13Habang papalayo ako, narinig ko siyang bumubulong kay Sir Ethan, pero kahit malayo na ako, naririnig ko pa rin ang tono ng kanyang inis.“Ethan, bakit ba hindi mo palayasin ang babaeng ‘yan? Nakakainis siya! Parang alam lahat!”Napatingin ako sa likod at nakita kong umiwas lang ng tingin si Sir Ethan, pero halata kong pigil niya ang tawa.'Hmm, mukha namang hindi ako magaling mag-alaga lang ng aso. Magaling din akong maglagay ng asim sa buhay nilang dalawa!' usal ko sa aking isipan. Kinagabihan, abala akong nagluluto sa kusina. Ginaya ko lang naman ang piaya na nakita ko sa internet, pero syempre, may twist ako! Ang tawag ko dito: Piyaya ni Pipay! Medyo proud ako kasi kahit hindi pantay-pantay ang hugis, amoy palang parang pasado na sa fiesta ng barangay.Habang inaayos ko ang isang batch, biglang napansin ko na tahimik na ang mansyon. ''Hmm, bakit parang wala na ang presensya ni Ma’am Cassandra?" bulong ko sa aking sarili. Hindi ko naman kasi siya narinig na nagpaalam o
Chapter 14 “Sir Ethan, at bakit naman siya matatakot sa akin? Sabihin po ninyo sa kanya na hindi kita type dahil sigurado akong hindi ka pa po natuli!” inis kong sabi habang hinahampas ang basahan sa lababo. Halos mabilaukan si Sir Ethan sa kape niya. Nagpupumilit siyang maging composed, pero halata sa namumula niyang mukha na nasindak siya sa sinabi ko. “Pipay!” sigaw niya, hindi ko alam kung nagagalit o napapahiya. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” singhal niya sa akin. "Ang alin, sir? Yung hindi ka pa tuli? Aba! Sir Ethan. Kaya ka nga kinuhaan ng Manny ang mommy mo para maalagaan ka kasi hindi ka pa tuli!" bigkas ko na seryoso ang tuno. Tumayo ako nang diretso, nilahad ang aking kamay na parang abogado sa korte. “Eh ano pa ba, Sir? Kaya pala insecure si Ma’am Cassandra, eh! Yun lang pala ang kinatatakutan niya? ‘Wag siyang mag-alala, wala akong interes sa mga lalaking hindi pa graduate sa ‘seremonya'," pang-uuyam kong sabi. Halos mabasag ang tasa ng kape ni Sir Ethan habang bi
Chapter 15 Ethan POV Habang nakaupo ako sa gilid ng kama, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero hindi, hindi talaga ako mapakali. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Pipay. "Hindi pa tuli? Gusto ba niya ipakita ko sa kanya ang aking dragon?" inis kong bulong sa sarili ko habang halos mapunit ko na ang kwelyo ng suot kong polo. Bakit ba ang lakas ng loob niyang sabihin ‘yun sa akin? At bakit naman parang nasa tamang timpla siya ng lakas ng loob? Siya pa ang nagtatanong, na parang nagdududa talaga? Napalakad ako papunta sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko nang matagal. "Ako na ito—Ethan Monteverde, CEO, successful, matalino, at syempre, walang bahid ng kahinaan. Eh bakit ba naman kailangan kong patulan ang mga salita ng isang katulong? Pero... bakit parang hindi ko matanggap?" bulong ko sa aking sarili. Tumingala ako, pinilit ang sarili kong huwag magalit. Pero imbes na ma-relax, bigla kong naalala ang mga hirit niya kanina: "Sabihin mo sa nobya mo na
"Sandali, sabi mo wala na si Pipay dito?" tanong ni Ma’am Casandra, na may halong inis sa tono. Kitang-kita ko ang pagka-kabog sa kanyang mata, parang may iba na namang ibig iparating.Nagpanggap ako ng kalmado at agad sinagot siya, "Ay, pasensiya na po, Ma'am Casandra. Namimiss ko kasi ang baby damulag ko."Napansin kong namutla siya at tumingala sa langit, siguro nag-iisip kung anong klaseng sagot ang natanggap niya mula sa akin. Habang ako naman, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi matawa sa tawag kong "baby damulag." Laking pasalamat ko na medyo malayo ang mga mata ni Ethan, hindi siya sigurado kung anong ibig kong sabihin.Si Ma’am Casandra, mukhang hindi natuwa, at medyo namula ang mukha sa inis. "Pipay, kahit kailan talagang hindi mo ako titigilan," sabi niya ng may bahid ng pagtataray."Promise, hindi po! Hindi ko kayo titigilan, Ma’am Casandra. Kasi, sabi nga nila, love-hate relationship lang po tayo!" sagot ko, medyo may kalsadang pagmumura sa sarili."At saka, wag kang
Chapter 55 Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang pinsan ko. Siya ang magiging katuwang ko sa plano upang siguraduhin na hindi makarating si Ma'am Casandra sa kasal. Sa isip ko, ito ang pinakamabilis at pinakasimpleng paraan para maisakatuparan ang plano nang hindi nabubunyag kay Ethan ang sabwatan namin ng kanyang mommy. Pagkatapos kong magbigay ng detalye, binigyan ko rin siya ng litrato ni Ma'am Casandra. Ngunit laking gulat ko nang marinig ang sagot niya sa kabilang linya. "Siya? Kilala ko ‘yan!" sabi ng pinsan ko na may halong inis. "Isa siyang gold digger! Hindi lang isang beses, Pipay—ilang beses na niyang ginawa 'yan sa iba’t ibang tao. Kahit hindi ko kilala si Ethan, naaawa ako sa kanya." Halos mabitawan ko ang telepono sa sinabi niya. "Talaga? Gold digger siya? Akala ko ba—" "Oo," putol ng pinsan ko. "Kaya pala ang kapal ng mukha niyang magkunwari. Alam mo, Pipay, hindi na ako magtataka kung talagang pera lang ang habol niya sa kasalang ‘yan. Ano ba ang plano mo
Chapter 54 Napaisip ako nang malalim, naguguluhan kung paano ba nagiging ganito ka-blind si Sir Ethan sa obvious na sitwasyon. "Ma’am, hindi ba siya kahit man lang nagdududa?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses. "Siguro, Pipay, pero ang problema, mas malakas ang hawak ni Casandra sa emosyon niya kaysa sa logic niya," paliwanag ni Ma’am Margaret. "Alam mo naman si Ethan, kapag minahal niya, buo. Kaya nga sobrang sakit para sa kanya noong makita niya 'yung ebidensya, pero mukhang mas pinili pa rin niyang magpaniwala sa mga sinasabi ni Casandra kaysa sa katotohanan," malungkot nitong sabi. Napailing ako, hindi makapaniwala. "Kung ganito lang po pala ang nangyayari, parang napaka-unfair naman po sa ating dalawa at sa lahat ng nagmamalasakit sa kanya," tugon ko dito. "Oo, Pipay, pero wala tayong magagawa kung siya mismo ang ayaw magbukas ng mata niya," sabi niya, na parang naguguluhan kung paano nga ba haharapin ang sitwasyong ito. "At sana lang, Pipay, sa araw ng
Chapter 53 Pagkatapos kong magbihis, agad akong humiga sa malambot kong kama. Pakiramdam ko, parang isang buong araw akong nakipag-away sa mundo. Napapikit ako habang iniisip ang lahat ng nangyari. Bukas na bukas, kailangan kong harapin si Ethan, bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bumalik ako rito. Lalo pa't sa huling pagkakataon, medyo magulo ang aming mga pinagdaanan. "Haaaay, bakit ba ang gulo ng buhay ko?" tanong ko habang yakap ang unan. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit pa ang utak ko ay tila isang sirang plaka na paulit-ulit iniisip ang mangyayari bukas. Napatitig ako sa kisame. Si Ethan… kaya ba niya akong tanggapin ulit, kahit hindi ko pa maipaliwanag nang maayos ang dahilan ng lahat ng ito? Habang unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko, pilit kong inaayos ang sarili. Kaya ko 'to. Bahala na si Batman, basta kailangan kong harapin ito bukas. Sa wakas, tuluyan na akong nilamon ng antok at natulog nang m
Chapter 52 Habang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Galit, sakit, at inis ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga alaala sa isipan ko—ang simpleng buhay ko noon sa Mansyon ng Monteverde. Doon, kahit paano, tanggap ako. Naisip ko si Ma'am Margaret. Oo, medyo masungit siya minsan, pero marunong siyang umintindi. At si Sir Ethan? Napailing ako sa ideya ng kanyang presensya. "Medyo masungit" ang understatement. Pero kahit paano, may kilig sa puso ko habang iniisip ang huling pagkakataong magkasama kami. "Tsk," sabi ko sa sarili, pilit na inaayos ang gulo sa utak ko. "At least natikman ko na siya," bulong ko, sabay mapait na ngiti. Nakakatawa pero totoo. Sa kabila ng kanyang pagiging masungit, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari sa amin. Nilingon ko ang palasyo sa likuran ko, ang lugar na akala ko'y magiging tahanan ko. Pero paano ito magiging tahanan kung hindi ko nararamdaman ang pagmamahal o pag-unawa? Napakagat-labi
Chapter 51 Dahil sa sagot ko, nanatiling tahimik ang kwarto. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata nila sa akin, at kahit na ang mga magulang ko ay nag-aalala, ang sinabing kasinungalingan ko ay tila nagbigay daan sa isang uri ng pagpapaliwanag—mabilis na nagbago ang galit at tensyon sa mga mata nila. "Kung iyon ang dahilan, Pipay..." ang mama ko, ang boses ay naglalaman ng kalungkutan, "huwag kang mag-alala, hindi kami magmamadali. Gusto namin na ikaw ay maging handa sa kung anuman ang mangyari." Parang may matinding kaguluhan sa aking isipan. Bakit ko sinabi ‘yun? Dahil ba gusto ko lang pigilan ang nangyayari? Pero sa isang banda, natatakot akong harapin ang mga magiging epekto ng desisyong ito, at hindi ko rin alam kung paano ako makakalabas sa sitwasyon na ito.Ngising sabi ko saka ko binalingan ang lalaking mapangasawa ko, napangiwi na lamang ako sa nakita. Isang payat, malaki ang ayeglass nasa kanyang mata ang buhok nito ay kulog at higit sa lahat ay naka brece ang ngipin. Hind
Chapter 50"Ang mapapangasawa n'yo!" sabi ng isa sa kanila, at halos mapatalon ako sa gulat. Ano?!"Ha?" napasigaw ako sa sobrang pagkabigla. Para akong biglang ginising mula sa isang panaginip na hindi ko alam kung gusto ko bang maging totoo. Ano 'to? Nandiyan na pala ako sa stage ng arranged marriage?Tumingin ako sa kanila, para bang nagsusukat ng reaksyon ko. "H-Huwag po kayong magbiro!" sabi ko, kahit na may halong kaba at takot sa boses ko. "Hindi ako ready!"Pero hindi ko maitatanggi, may bahagi ng utak ko na curious na gusto pang magtanong ng mga detalye. Sino siya? Anong klaseng tao? At ang pinakatanong ko, Paano ko i-handle ito kung mangyayari talaga?Sumulyap ako sa paligid, parang may spotlight na naka-focus sa akin habang naglalakad ako papunta sa study room. Ang mapapangasawa ko? Parang pelikula lang na may twist.Pero seryoso, hindi ko pa rin alam kung paano ako makakasabay sa buhay na ito. Kaya bago ko pa masabi ang mga susunod na tanong, nag-pause ako at inisip, Well,
Chapter 49Lulubog na sana ako sa bathtub nang mapansin ko ang isang tablet sa gilid—parang katulad ng ginagamit ni Lulu! Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong kinuha. Ano kaya ang meron dito?Pagbukas ko, ayan na, isang napaka-high-tech na tablet na parang galing pa sa ibang planeta. Agad akong naghanap ng paraan para mag-download ng story app. Buti na lang at hindi ako nakakalimot sa Gmail account ko at password (salamat sa memorya kong parang elepante). Agad akong naka-log in, parang hacker lang!Nang makapasok na ako sa app, dali-dali kong hinanap ang paborito kong story at nagsimula akong magbasa. Grabe, parang hinigop ako ng kwento! Apat na chapters agad ang nabasa ko, at sa dulo ng bawat isa, napapangiti na lang ako.Pero bigla akong napahinto at natawa nang makita ang notification: "Please vote to unlock the next chapter!" Huh?! Ang arte naman, parang naniningil pa ng tong sa sarili kong kaligayahan!Hindi lang 'yun, may pa-gem system pa sila para makapasok sa rank
Chapter 48 Naglakad ako patungo sa kama upang umupo, umaasang kahit papaano ay makapagpapahinga na ako. Pero laking gulat ko nang bigla akong lumubog sa malambot na kutson! Parang nilamon ako ng kama, dahilan upang mabilis akong napatayo ulit. "Anong klaseng kama 'to?!" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang malambot na higaan na parang ulap ang itsura. Sinubukan ko ulit itong hawakan, at halos mawala ang kamay ko sa sobrang lambot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiilang. Sanay ako sa mga higaan na matigas-tigas, kaya itong mala-prinsesa na kama na parang yakap ng marshmallow ay ibang-iba sa akin. "Okay, Pipay, calm down. Kama lang 'to," sabi ko habang pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Sinubukan ko ulit umupo, mas dahan-dahan na ngayon, at oo nga—hindi pa rin ako mapakali sa sobrang lambot nito. Parang gusto kong tawagin ang tatlong pinsan ko at tanungin, "May instruction manual ba kung paano umupo rito?" Hanggang may kumatok sa pintuan, kaya agad akong pumunt