Chapter 14 “Sir Ethan, at bakit naman siya matatakot sa akin? Sabihin po ninyo sa kanya na hindi kita type dahil sigurado akong hindi ka pa po natuli!” inis kong sabi habang hinahampas ang basahan sa lababo. Halos mabilaukan si Sir Ethan sa kape niya. Nagpupumilit siyang maging composed, pero halata sa namumula niyang mukha na nasindak siya sa sinabi ko. “Pipay!” sigaw niya, hindi ko alam kung nagagalit o napapahiya. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” singhal niya sa akin. "Ang alin, sir? Yung hindi ka pa tuli? Aba! Sir Ethan. Kaya ka nga kinuhaan ng Manny ang mommy mo para maalagaan ka kasi hindi ka pa tuli!" bigkas ko na seryoso ang tuno. Tumayo ako nang diretso, nilahad ang aking kamay na parang abogado sa korte. “Eh ano pa ba, Sir? Kaya pala insecure si Ma’am Cassandra, eh! Yun lang pala ang kinatatakutan niya? ‘Wag siyang mag-alala, wala akong interes sa mga lalaking hindi pa graduate sa ‘seremonya'," pang-uuyam kong sabi. Halos mabasag ang tasa ng kape ni Sir Ethan habang bi
Chapter 15 Ethan POV Habang nakaupo ako sa gilid ng kama, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero hindi, hindi talaga ako mapakali. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Pipay. "Hindi pa tuli? Gusto ba niya ipakita ko sa kanya ang aking dragon?" inis kong bulong sa sarili ko habang halos mapunit ko na ang kwelyo ng suot kong polo. Bakit ba ang lakas ng loob niyang sabihin ‘yun sa akin? At bakit naman parang nasa tamang timpla siya ng lakas ng loob? Siya pa ang nagtatanong, na parang nagdududa talaga? Napalakad ako papunta sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko nang matagal. "Ako na ito—Ethan Monteverde, CEO, successful, matalino, at syempre, walang bahid ng kahinaan. Eh bakit ba naman kailangan kong patulan ang mga salita ng isang katulong? Pero... bakit parang hindi ko matanggap?" bulong ko sa aking sarili. Tumingala ako, pinilit ang sarili kong huwag magalit. Pero imbes na ma-relax, bigla kong naalala ang mga hirit niya kanina: "Sabihin mo sa nobya mo na
Chapter 16Napahinto ako sa malayo. Ang plano ko kanina na sigawan siya? Biglang hindi ko na magawa. Paano mo sisigawan ang taong parang walang ginawang masama?Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako nang matagal. Hanggang sa bigla siyang lumingon sa direksyon ko.“Sir Ethan!” sigaw niya, sabay lapit sa akin. “Gusto niyo po bang tikman ang piyaya ko? Mas pinagbuti ko na po ang lasa, hindi na kasing tamis ng pagmamahalan niyo ng nobya niyo!”Napasimangot ako. Eto na naman siya. Pinapaalala pa talaga ang nobya ko sa piyaya?“Hindi ako interesado,” sagot ko, pero sa totoo lang, gusto kong tikman.“Ah, ganun ba? Sige po, sayang. Ang dami ko pang niluto, baka si Ma’am Cassandra ang gusto niyo pong subuan—ay, sorry, busy po pala siya sa ibang bagay,” biro niya, sabay ngiti.Napairap ako, pero sa loob-loob ko, hindi ko na alam kung galit pa ba ako o natatawa. Paano ba naman, si Pipay? Siya lang talaga ang taong kayang baliwin ang buong sistema ko.Pagkatapos ng kanyang biro, bigla niyan
Chapter 17 Bumuntong hininga na lamang ako saka tumayo upang umakyat na lamang sa itaas. "Saan ka pupunta, Ethan?" tanong ni Mom. "Sa itaas po, Mom. May gagawin akong importante!" bigkas ko saka humakbang paalis. "Oh, I see!" tugon lang niya sa akin. "Pipay, gumawa ka ng bagong piyaya at pagkatapos ibalot mo sa iba. Alam mo ba nasarapan ang mga amega ko kahapon," dinig kong sabi ni mom dito. "At saka magtira ka na lang apat na piraso para sa Baby Ethan, ihatid mo lang pagkatapos mong magluto," dagdag nitong sabi. "Okay po Ma'am!" agad nitong sagot. Habang naglalakad ako patungo sa aking kwarto ay nag-isip ako ng paraan upang makaganti kay Pipay. Hanggang pumasikasok sa aking isip ang isang magandang ideya ag siguro akong si Mommy mismo ang magpatalsik dito. Pagdating ko sa silid ay agad ako ng praktis kung paano ko sabihin at paano ko ito aakitin. First time kong mang-akit ng babae at ang masaklap pa ay ang aking Nanny pa. Pagsapit ng 3:00 PM ay nakarinig na ako ng ma
Chapter 18 "Panghihiram kang bata ka! Alam mo ba kung paano mo kami pinataranta," inis na sabi sa aking ina. "Ako bang panaginip mo, ha?" dagdag nitong sabi. Kaya napatingin ako ng seryoso, nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba o hindi. Kung sasabihin ko sigurado akong pagtatawanan niya ako. Kaya mas mainam na magsinungaling na lamang ako. "I have a bad dreams, Mommy!" bigkas ko sabay iwas tingin. "Anong panaginip yan, gaano ka sama?" tanong niya sa akin. "Sobrang sama, Mom!" tugon ko. Agad namang napataas ang kanyang kilay sa aking sinabi. "Tell me, anong klaseng bangungut -yan?" tanong na kaya napalunok ako ng lawas dahil wala akong maisip kung anong sasabihin ko hanggang napako ang mata ko sa isang pirasong piyaya nasa aking harapan. "Yan, tama! Yan ang masamang napanaginipan ko!" sabay turo ko sa piyayang natira. Ang akala ko ay maawa ang aking mommy dahil sa masamang panaginip ko. Pero bigla na lang itong tumawa na parang nasiyahan pa sa kanyang nawal
Chapter 19 Pagkatapos naming kumain, habang nagliligpit na si Pipay at bumalik sa kusina, biglang dumating ang aking nobya, si Cassandra. Bitbit niya ang kanyang designer handbag at naka-power dress pa, na parang pupunta sa board meeting sa halip na makipag-bonding. Masayang-masaya ang ngiti niya, pero nang makita ko si Mommy na palihim na naka-irap sa kanya, alam kong may kung anong tensyon na namumuo. “Hi, Baby Ethan!” bati ni Cassandra habang yumakap sa akin. Agad naman siyang umupo sa tabi ko, para bang sinisiguradong mapansin siya ng lahat. “Good morning, Cassandra,” sagot ko, pilit na ngumiti kahit alam kong hindi ko trip ang masyadong dramatic na entrance niya. Samantalang si Mommy, hindi ko alam kung sadya o trip lang, pero bigla na lang umubo nang malakas. Hindi ko maiwasang mapansin ang iritasyon sa kanyang mukha habang palihim siyang tumingin kay Cassandra na parang nakakita ng nakakalason na halaman. “Good morning po, Tita!” masiglang bati ni Cassandra kay Mommy,
Chapter 20 Pipay POV Habang abala akong nag-aalok ng piyaya cake sa mga kasamahan ko sa mansyon, hindi ko maiwasang pakinggan ang usapan nina Ma'am Margaret at Ma'am Cassandra. Kung tutuusin, wala naman akong pakialam, pero ang paraan ng pagkakasabi ni Ma'am Margaret ng mga linya niya, aba, parang eksena sa teleserye! Pinipigilan ko ang mapangiti habang nagtataka ang mga kasamahan ko sa kitchen. "Pipay, bakit parang ang saya mo?" tanong ni Manang Glo, ang pinakamatagal nang katulong dito sa bahay. "Eh kasi naman, ang tapang ni Ma'am Margaret kay Ma'am Cassandra! Tapos ang arte-arte pa ng dating nobya ni Baby Ethan," sambit ko pero may biglang napatigil ako ng na-realize ang tawag ko sa aking alaga. 'Wait, Baby Ethan na pala ang tawag ko sa amo ko ngayon. At ang cute din pakinggan,' ngiti ko ng lihim. Hindi ko maiwasang isipin ang reaksyon ni Ma'am Cassandra habang pinaparinggan siya ni Ma'am Margaret. Tila ba napaso sa init ng kape ang mukha niya sa sobrang inis. Pero a
Bigla akong napahinto sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni nang marinig kong sumabog na sa galit ang nobya ni Baby Ethan. Para akong napatigil sa paghinga habang parang teleserye ang eksenang nakikita ko."From now on, ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng Baby dahil ako ang kanyang nobya. Nanny ka lang niya, kaya ilugar mo ang sarili mo, Pipay," galit na sabi ni Ma’am Cassandra, sabay taas ng isang kilay at flip ng buhok na parang nasa shampoo commercial.Shocks, ang intense! Napatitig ako sa kanya, tapos kay Baby Ethan, na halatang gustong magpalamon sa upuan sa sobrang hiya.Pero syempre, hindi naman ako papatalo nang ganun-ganun lang! Nag-deep breath ako, parang nagha-handang makipag-debate sa National Quiz Bee."Ma’am Cassandra, pasensya na po kung na-offend kayo," sabi ko, nakangiti pero halatang may konting asaran mode. "Pero FYI lang po, hindi naman po ako nagkakaila. Talagang nanny lang ako. Pero kahit nanny, pwede namang magbigay ng cute na palayaw, di ba po?"Si
"Sandali, sabi mo wala na si Pipay dito?" tanong ni Ma’am Casandra, na may halong inis sa tono. Kitang-kita ko ang pagka-kabog sa kanyang mata, parang may iba na namang ibig iparating.Nagpanggap ako ng kalmado at agad sinagot siya, "Ay, pasensiya na po, Ma'am Casandra. Namimiss ko kasi ang baby damulag ko."Napansin kong namutla siya at tumingala sa langit, siguro nag-iisip kung anong klaseng sagot ang natanggap niya mula sa akin. Habang ako naman, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi matawa sa tawag kong "baby damulag." Laking pasalamat ko na medyo malayo ang mga mata ni Ethan, hindi siya sigurado kung anong ibig kong sabihin.Si Ma’am Casandra, mukhang hindi natuwa, at medyo namula ang mukha sa inis. "Pipay, kahit kailan talagang hindi mo ako titigilan," sabi niya ng may bahid ng pagtataray."Promise, hindi po! Hindi ko kayo titigilan, Ma’am Casandra. Kasi, sabi nga nila, love-hate relationship lang po tayo!" sagot ko, medyo may kalsadang pagmumura sa sarili."At saka, wag kang
Chapter 55 Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang pinsan ko. Siya ang magiging katuwang ko sa plano upang siguraduhin na hindi makarating si Ma'am Casandra sa kasal. Sa isip ko, ito ang pinakamabilis at pinakasimpleng paraan para maisakatuparan ang plano nang hindi nabubunyag kay Ethan ang sabwatan namin ng kanyang mommy. Pagkatapos kong magbigay ng detalye, binigyan ko rin siya ng litrato ni Ma'am Casandra. Ngunit laking gulat ko nang marinig ang sagot niya sa kabilang linya. "Siya? Kilala ko ‘yan!" sabi ng pinsan ko na may halong inis. "Isa siyang gold digger! Hindi lang isang beses, Pipay—ilang beses na niyang ginawa 'yan sa iba’t ibang tao. Kahit hindi ko kilala si Ethan, naaawa ako sa kanya." Halos mabitawan ko ang telepono sa sinabi niya. "Talaga? Gold digger siya? Akala ko ba—" "Oo," putol ng pinsan ko. "Kaya pala ang kapal ng mukha niyang magkunwari. Alam mo, Pipay, hindi na ako magtataka kung talagang pera lang ang habol niya sa kasalang ‘yan. Ano ba ang plano mo
Chapter 54 Napaisip ako nang malalim, naguguluhan kung paano ba nagiging ganito ka-blind si Sir Ethan sa obvious na sitwasyon. "Ma’am, hindi ba siya kahit man lang nagdududa?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses. "Siguro, Pipay, pero ang problema, mas malakas ang hawak ni Casandra sa emosyon niya kaysa sa logic niya," paliwanag ni Ma’am Margaret. "Alam mo naman si Ethan, kapag minahal niya, buo. Kaya nga sobrang sakit para sa kanya noong makita niya 'yung ebidensya, pero mukhang mas pinili pa rin niyang magpaniwala sa mga sinasabi ni Casandra kaysa sa katotohanan," malungkot nitong sabi. Napailing ako, hindi makapaniwala. "Kung ganito lang po pala ang nangyayari, parang napaka-unfair naman po sa ating dalawa at sa lahat ng nagmamalasakit sa kanya," tugon ko dito. "Oo, Pipay, pero wala tayong magagawa kung siya mismo ang ayaw magbukas ng mata niya," sabi niya, na parang naguguluhan kung paano nga ba haharapin ang sitwasyong ito. "At sana lang, Pipay, sa araw ng
Chapter 53 Pagkatapos kong magbihis, agad akong humiga sa malambot kong kama. Pakiramdam ko, parang isang buong araw akong nakipag-away sa mundo. Napapikit ako habang iniisip ang lahat ng nangyari. Bukas na bukas, kailangan kong harapin si Ethan, bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bumalik ako rito. Lalo pa't sa huling pagkakataon, medyo magulo ang aming mga pinagdaanan. "Haaaay, bakit ba ang gulo ng buhay ko?" tanong ko habang yakap ang unan. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit pa ang utak ko ay tila isang sirang plaka na paulit-ulit iniisip ang mangyayari bukas. Napatitig ako sa kisame. Si Ethan… kaya ba niya akong tanggapin ulit, kahit hindi ko pa maipaliwanag nang maayos ang dahilan ng lahat ng ito? Habang unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko, pilit kong inaayos ang sarili. Kaya ko 'to. Bahala na si Batman, basta kailangan kong harapin ito bukas. Sa wakas, tuluyan na akong nilamon ng antok at natulog nang m
Chapter 52 Habang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Galit, sakit, at inis ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga alaala sa isipan ko—ang simpleng buhay ko noon sa Mansyon ng Monteverde. Doon, kahit paano, tanggap ako. Naisip ko si Ma'am Margaret. Oo, medyo masungit siya minsan, pero marunong siyang umintindi. At si Sir Ethan? Napailing ako sa ideya ng kanyang presensya. "Medyo masungit" ang understatement. Pero kahit paano, may kilig sa puso ko habang iniisip ang huling pagkakataong magkasama kami. "Tsk," sabi ko sa sarili, pilit na inaayos ang gulo sa utak ko. "At least natikman ko na siya," bulong ko, sabay mapait na ngiti. Nakakatawa pero totoo. Sa kabila ng kanyang pagiging masungit, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari sa amin. Nilingon ko ang palasyo sa likuran ko, ang lugar na akala ko'y magiging tahanan ko. Pero paano ito magiging tahanan kung hindi ko nararamdaman ang pagmamahal o pag-unawa? Napakagat-labi
Chapter 51 Dahil sa sagot ko, nanatiling tahimik ang kwarto. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata nila sa akin, at kahit na ang mga magulang ko ay nag-aalala, ang sinabing kasinungalingan ko ay tila nagbigay daan sa isang uri ng pagpapaliwanag—mabilis na nagbago ang galit at tensyon sa mga mata nila. "Kung iyon ang dahilan, Pipay..." ang mama ko, ang boses ay naglalaman ng kalungkutan, "huwag kang mag-alala, hindi kami magmamadali. Gusto namin na ikaw ay maging handa sa kung anuman ang mangyari." Parang may matinding kaguluhan sa aking isipan. Bakit ko sinabi ‘yun? Dahil ba gusto ko lang pigilan ang nangyayari? Pero sa isang banda, natatakot akong harapin ang mga magiging epekto ng desisyong ito, at hindi ko rin alam kung paano ako makakalabas sa sitwasyon na ito.Ngising sabi ko saka ko binalingan ang lalaking mapangasawa ko, napangiwi na lamang ako sa nakita. Isang payat, malaki ang ayeglass nasa kanyang mata ang buhok nito ay kulog at higit sa lahat ay naka brece ang ngipin. Hind
Chapter 50"Ang mapapangasawa n'yo!" sabi ng isa sa kanila, at halos mapatalon ako sa gulat. Ano?!"Ha?" napasigaw ako sa sobrang pagkabigla. Para akong biglang ginising mula sa isang panaginip na hindi ko alam kung gusto ko bang maging totoo. Ano 'to? Nandiyan na pala ako sa stage ng arranged marriage?Tumingin ako sa kanila, para bang nagsusukat ng reaksyon ko. "H-Huwag po kayong magbiro!" sabi ko, kahit na may halong kaba at takot sa boses ko. "Hindi ako ready!"Pero hindi ko maitatanggi, may bahagi ng utak ko na curious na gusto pang magtanong ng mga detalye. Sino siya? Anong klaseng tao? At ang pinakatanong ko, Paano ko i-handle ito kung mangyayari talaga?Sumulyap ako sa paligid, parang may spotlight na naka-focus sa akin habang naglalakad ako papunta sa study room. Ang mapapangasawa ko? Parang pelikula lang na may twist.Pero seryoso, hindi ko pa rin alam kung paano ako makakasabay sa buhay na ito. Kaya bago ko pa masabi ang mga susunod na tanong, nag-pause ako at inisip, Well,
Chapter 49Lulubog na sana ako sa bathtub nang mapansin ko ang isang tablet sa gilid—parang katulad ng ginagamit ni Lulu! Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong kinuha. Ano kaya ang meron dito?Pagbukas ko, ayan na, isang napaka-high-tech na tablet na parang galing pa sa ibang planeta. Agad akong naghanap ng paraan para mag-download ng story app. Buti na lang at hindi ako nakakalimot sa Gmail account ko at password (salamat sa memorya kong parang elepante). Agad akong naka-log in, parang hacker lang!Nang makapasok na ako sa app, dali-dali kong hinanap ang paborito kong story at nagsimula akong magbasa. Grabe, parang hinigop ako ng kwento! Apat na chapters agad ang nabasa ko, at sa dulo ng bawat isa, napapangiti na lang ako.Pero bigla akong napahinto at natawa nang makita ang notification: "Please vote to unlock the next chapter!" Huh?! Ang arte naman, parang naniningil pa ng tong sa sarili kong kaligayahan!Hindi lang 'yun, may pa-gem system pa sila para makapasok sa rank
Chapter 48 Naglakad ako patungo sa kama upang umupo, umaasang kahit papaano ay makapagpapahinga na ako. Pero laking gulat ko nang bigla akong lumubog sa malambot na kutson! Parang nilamon ako ng kama, dahilan upang mabilis akong napatayo ulit. "Anong klaseng kama 'to?!" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang malambot na higaan na parang ulap ang itsura. Sinubukan ko ulit itong hawakan, at halos mawala ang kamay ko sa sobrang lambot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiilang. Sanay ako sa mga higaan na matigas-tigas, kaya itong mala-prinsesa na kama na parang yakap ng marshmallow ay ibang-iba sa akin. "Okay, Pipay, calm down. Kama lang 'to," sabi ko habang pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Sinubukan ko ulit umupo, mas dahan-dahan na ngayon, at oo nga—hindi pa rin ako mapakali sa sobrang lambot nito. Parang gusto kong tawagin ang tatlong pinsan ko at tanungin, "May instruction manual ba kung paano umupo rito?" Hanggang may kumatok sa pintuan, kaya agad akong pumunt