Bigla akong napahinto sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni nang marinig kong sumabog na sa galit ang nobya ni Baby Ethan. Para akong napatigil sa paghinga habang parang teleserye ang eksenang nakikita ko."From now on, ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng Baby dahil ako ang kanyang nobya. Nanny ka lang niya, kaya ilugar mo ang sarili mo, Pipay," galit na sabi ni Ma’am Cassandra, sabay taas ng isang kilay at flip ng buhok na parang nasa shampoo commercial.Shocks, ang intense! Napatitig ako sa kanya, tapos kay Baby Ethan, na halatang gustong magpalamon sa upuan sa sobrang hiya.Pero syempre, hindi naman ako papatalo nang ganun-ganun lang! Nag-deep breath ako, parang nagha-handang makipag-debate sa National Quiz Bee."Ma’am Cassandra, pasensya na po kung na-offend kayo," sabi ko, nakangiti pero halatang may konting asaran mode. "Pero FYI lang po, hindi naman po ako nagkakaila. Talagang nanny lang ako. Pero kahit nanny, pwede namang magbigay ng cute na palayaw, di ba po?"Si
Chapter 22 Habang abala ako sa mga gawain ko sa kusina—naglilinis ng pinagkainan at nag-aayos ng mga kalat—hindi ko pa rin maiwasan ang maalala ang nangyari kanina sa hapag-kainan. Para akong nanood ng live na drama, with matching comedy. Si Baby Damulag—ay, si Sir Ethan pala—umakyat sa itaas kasama ang kanyang nobya, si Ma’am Cassandra, matapos ang ma-init na eksena. Siguro nag-cool down na sila... o baka nagdi-discuss kung paano ako patatalsikin? Pero alam ko namang malabong mangyari iyon, kasi kahit medyo sira-ulo ako minsan, mahal ako ni Baby Damulag. "Hay naku, ang hirap talagang maging nanny sa ganitong klase ng pamilya," bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mesa. Pero syempre, hindi ko pinapakitang affected ako. Tuloy-tuloy pa rin ang trabaho, kahit ang isip ko ay parang marathon runner sa pag-iisip ng mga kaganapan. Naalala ko ang tingin ni Ma’am Cassandra kanina—parang gusto na niya akong ibalibag palabas ng mansyon. Pero si Ma’am Margaret? Aba, siya pa ang n
Chapter 23 Pagkatapos kong magbihis ng maayos—isang simpleng blouse at pantalon na komportable para sa trabaho—dumiretso ako sa kusina upang tumulong sa chief cook ng mansyon. Naramdaman ko ang bigat ng pangyayari kanina, pero pinilit kong kalmahin ang isip ko. Kailangan kong mag-focus sa trabaho. Pagdating ko sa kusina, naamoy ko agad ang mga aroma ng nilulutong ulam—piniritong isda, sinigang na baboy, at mga sari-saring gulay na naglalabas ng amoy na nagbibigay ng gutom kahit busog pa. Si Manang Tilde, ang head cook dito, ay abala sa paghiwa ng mga sibuyas at kamatis. Napatingin siya sa akin at agad akong binati. “Aba, Pipay! Kanina pa kita hinihintay para sa pag-aasikaso ng tanghalian. Ang dami nating gagawin,” sabi niya nang seryoso pero may halong init ng pakikipagkapwa. “Opo, Manang. Ready na ako,” sagot ko, sabay kinuha ang apron at isinuot ito nang maayos. Pinilit kong kalmahin ang puso ko na tila hindi pa rin nawawala ang kaba dahil sa nangyari kanina. Habang hinihiwa ko
Chapter 24 Pagkatapos kong maglinis sa kusina, nagmamadali akong nagtungo sa aking silid. Nagpalit ako ng puting t-shirt at maong na shorts para maging komportable. Habang nag-aayos, iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Parang roller coaster talaga ang buhay dito sa mansyon. Paglabas ko, naabutan ko si Ma’am Margaret na mukhang tapos na rin kumain. Nakangiti siya sa akin, pero halata sa kanyang tindig na may plano na naman siyang naiisip. “Hintayin mo ako. Magbibihis lang ako,” sabi niya habang inaayos ang kanyang panyo. “Sasama ka sa akin. May pupuntahan tayong parlor.” Nagulat ako. Parlor? Ako? Pero syempre, hindi ko magawang tumanggi. Kaya ang tanging sagot ko ay, “Opo, Ma’am. Sige po.” Habang umaakyat siya sa hagdan para magbihis, napaisip ako. Parang hindi ko trip ang parlor. Ano na naman kaya ang balak ni Ma’am Margaret? Pero hindi ko na inisip pa nang mabuti. Ang importante, sumunod ako sa utos. Habang naghihintay sa sala, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili. Bak
Chapter 25 "Ma'am, mukhang serious po ang ipapagawa niyo sa akin!" kabado kong tanong. "Gusto mo bang malaman ang nais kong ipagawa sayo, Pipay?" seryoso niyang tanong kaya agad akong tumango. "Akitin mo ang anak ko, agawin mo ang anak ko kay Casandra!" agad naman napanganga ang aking bibig sa sinabi nito. Halos mabitiwan ko ang hawak kong maliit na salamin sa narinig ko mula kay Ma’am Margaret. “Ma’am, seryoso po ba kayo? Ako po? Aakitin si Baby Damulag? Este, si Sir Ethan?” tanong ko, hindi makapaniwala. Tinitigan niya ako ng diretso sa mata, na para bang gusto niyang tiyakin na naiintindihan ko ang sinasabi niya. “Oo, Pipay. Hindi ako nagbibiro. Kailangan kong mapalayo si Ethan kay Casandra. Hindi siya ang tamang babae para sa anak ko. Pero ikaw… ikaw ang maaaring maging sagot.” Para akong tinamaan ng kidlat. “Ako po? Ma’am, baka nagkakamali po kayo. Isang kasambahay lang po ako. Si Sir Ethan, isang businessman! Billionaire! Ano pong laban ko kay Ma’am Casandra na may Hermes
Chapter 26 Kinabukasan, habang naghahanda ako ng almusal sa kusina, iniisip ko na ang plano ko para sa araw na ito. Kailangan kong mas galingan pa, pero dapat hindi halata kay Sir Ethan. Ayoko namang isipin niyang may kung anong nangyayari. Pagbaba niya sa hagdan, naka-suit na naman siya, at mukhang handa na sa trabaho. Agad akong lumapit na parang wala lang. "Sir Ethan, gusto niyo po ba ng kape? Freshly brewed, may extra kick para sa mahabang araw niyo," tanong ko, nakangiti pero chill lang. Tumango siya, halatang impressed. “Wow, Pipay, ngayon lang kita nakita na sobrang proactive. Anong meron?” tanong niya sa akin. Napakibit-balikat ako, pilit na kalmado. “Wala naman, Sir. Gusto ko lang pong maayos ang serbisyo ko. Sabi kasi ni Ma’am Margaret, dapat daw maging reliable ako," tugon ko. Ngumiti siya, pero parang may kutob. “Hmm, mabuti naman kung gano’n," sagot niya sa akin. Habang nagkakape siya, tahimik akong nagligpit ng mesa. Pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung
Chapter 27 "Ay, wala sir! Sabi ko hindi ako nag sisinungaling at lalong hindi ako inutusan ng Mommy mo na siraan si Ma'am Casandra," katwiran ko. Nakita ko sa kanyang mga mata na hindi ito naniwala sa aking sinabi kaya agad ko naisip na ipatingin sa kanya ang kuha ng CCTV footage. "Sir Etha, alam ko na hindi kayo naniwala sa akin kung gusto niyo po ng mas malinaw na ebidensya, baka pwede niyo pong tingnan ang CCTV sa coffee shop. Sigurado po akong makikita niyo kung ano ang nangyari,” sabi ko, na may halong tapang. Si Sir Ethan ay napatingin sa akin ng may seryosong mukha. “CCTV?” tanong niya, sabay tingin sa laptop niya. "Wala ka bang ibang nakakita kundi si Casandra? Alam mo Pipay nahawaan kana ni Mommy na parang alergy sa aking nobya," sambit nito sa akin. Agad akong tumugon, “Ay grabe ka naman Baby Damulag. Nahawaan agad?. Pero kung gusto niyo ng proof, nandiyan po ang mga recordings," bigkas ko. Bumuntong-hininga muna ito bago pumunta si Sir Ethan sa kanyang comput
Chapter 28 "Sino bang hindi mabigla sa sinabi ni Ma’am Margaret? Gawin ba naman niya akong parang... escort? At kailangan pa talagang bumukaka sa harapan ni Baby Damulag? Hindi ko alam kung tatawa ako o matutulala!" bulong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa aking kwarto. Habang nagpapalit ng damit, hindi ko maiwasang isipin ang mga plano ni Ma’am Margaret. “Ano kayang iniisip ng matandang iyon? Para akong inuutusang mag-audition sa pelikula!” dagdag ko pang sabi. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, nagdesisyon akong isuot ang pinakamaganda kong damit—isang simpleng cocktail dress na kahit paano’y nagbibigay ng class at hindi mukhang desperado. Syempre, kahit anong mangyari, kailangang magmukhang professional pa rin. Pagbaba ko, agad akong sinalubong ni Ma’am Margaret. “O, ayan! Ganyan ang tamang aura! Simple pero may impact. Siguraduhin mo lang na mararamdaman ni Ethan na ikaw ang kakampi niya sa lahat ng laban,” sabi niya habang tila pinupulbos pa ang imaginary
Hello all, sana ay napasaya ko po kayo sa aking akda.... ako po ay lubos nagpapasalamat sa inyong suporta... Sana po ay subaybayan ninyo ang iba kong story naisulat... maraming salamat sa inyong lahat. Love Inday Stories......
Pipay POVHabang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng puso ko. Dalawang taon. Dalawang taon akong namuhay sa sakit at pangungulila, tinanggap na wala na si Ethan, at pilit na binuo ang buhay ko kasama si Jhovel.At ngayon, parang isang iglap lang, bumalik siya—buhay at humihingi ng puwang sa buhay namin.Napahinto ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito. Kung paano pipigilan ang emosyon sa loob ko na parang gusto nang sumabog."Mommy?" tinig ni Jhovel ang pumukaw sa akin.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin, hawak ang kamay ng lalaking akala ko’y hindi ko na muling makikita. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha, halatang may gusto siyang itanong ngunit hindi alam kung paano.Napangiti ako nang pilit. "Anak, halika na sa loob. Magpapalit ka pa ng damit para sa birthday party mo.""Pero Mommy… si Daddy?" may halong pag-aalalang tanong niya.Napatingin ako kay Ethan, at doon ko siya muling nasilayan nang buo. Matangkad, gwapo pa rin tulad
Chapter 119Dalawang taon. Dalawang taon mula nang huli kong makita si Pipay at si Jhovel. Ngayon, narito ako sa harap ng Vega Mansion, hindi alam kung paano ko haharapin ang mag-inang matagal kong iniwan.Birthday ng anak ko. Ika-pitong taon niya, at ito ang unang pagkakataong makikita ko siya nang malapitan bilang ama niya—hindi bilang isang anino mula sa malayo.Huminga ako nang malalim, pinapakiramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sa loob ng dalawang taon, wala akong nagawa kundi panoorin sila mula sa malayo. Ngayon, oras na para ipakita kong buhay ako—at bumalik ako hindi lang bilang Ethan Monteverde, kundi bilang isang ama kay Jhovel.Pinunasan ko ang pawis sa aking palad bago ako naglakas-loob na lumapit sa gate. Sa loob, maririnig ko ang masasayang tawanan ng mga bata, ang halakhak ng mga bisita, at ang malambing na tinig ng babaeng matagal kong iniwan.Si Pipay.Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin, kung paano siya tutugon sa muli kong pagbabalik. Pero kahit anong mang
Ethan POVSa malayo, nakamasid ako sa kanila nakasuot ng itim na hoodie at tahimik na nakamasid sa kanila. Nakatayo ako sa likod ng isang malaking puno, hindi magawang lumapit.Nakita niyang dahan-dahang sumakay si Pipay sa sasakyan, karga si Jhovel. Halata ang lungkot sa kanyang mukha. Mula rito, rinig niya ang mahina ngunit punong-punong sakit na tinig nito nang sabihing, "Daddy is in heaven now, baby…"Napapikit siya, pilit nilulunok ang kirot sa kanyang dibdib."Pipay…" Mahinang bulong niya sa hangin.Gusto niyang lumapit, gusto niyang yakapin ito, gusto niyang sabihing nandito lang siya, buhay siya. Pero hindi niya kaya. Hindi pa.Sa ngayon, kailangan niyang manatiling patay sa mata ng mundo.Huminga siya nang malalim at nilingon ang isang babaeng lumapit sa kanya. Si Cie Jill, ang tanging nakakaalam ng kanyang sikreto."Umalis na sila," mahina niyang sabi sa lalaki. "Huwag ka munang magpapakita sa kanila, lalo na kay Pipay."Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga kamao. "Alam k
Chapter 117 Kinabukasan, isang madilim at makulimlim na umaga ang bumungad sa amin. Parang nakikisama ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Tahimik akong nagbihis ng itim, hinanda si Jhovel, at pilit na pinatatag ang sarili ko. Habang nasa sasakyan papunta sa sementeryo, mahigpit kong hawak ang maliit na kamay ni Jhovel. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit hindi pa niya lubusang nakilala ang kanyang ama, alam kong dama niya ang pagkawala nito. Pagdating namin sa huling hantungan ni Ethan, marami nang tao roon—mga kaibigan, pamilya, at kasamahan niya sa negosyo. Tahimik ang lahat, tanging ang mahinang iyakan at panaghoy lang ang maririnig. Dahan-dahang inihatid ang kabaong niya sa hukay. Habang bumababa ito, parang unti-unting nababasag ang puso ko. Napakapit ako nang mahigpit kay Jhovel, pinipigilan ang mga luhang pilit na gustong bumagsak. Si Ma’am Margaret ay tahimik na nakatayo sa harapan, ni hindi kumikilos. Kita ko ang sakit sa kanyang
Chapter 116Naramdaman kong lumapit si Rafael at marahang pinisil ang balikat ko. "Pipay... kailangan mong magpakatatag para kay Jhovel."Huminga ako nang malalim at pilit na pinunasan ang aking luha. "Alam ko, Rafael... pero ang sakit."Tahimik lang siya, halatang hindi rin alam kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa, bigla kong narinig ang mahina at tila nag-aalalang tinig ni Ma’am Margaret mula sa labas ng pinto."Pipay... handa ka na ba?"Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Pero alam kong wala na akong magagawa—bukas, haharapin ko ang pinakamalaking sakit ng buhay ko.Biglang nagsalita si Jhovel nakaupo sa kama habang nakamasid sa paligid. "Mom, what happened? Bakit po tayo andito? Bakit pong daming tao sa labas?" inosente nitong tanong.Napalunok ako at pilit na pinigilan ang muling pag-agos ng luha ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari? Paano ko sasabihin na ang ama niyang hindi niya pa nakikilala ay… wala na?Lumapit ako sa kama at marahang hinaplos ang buhok ni J
Chapter 115Pipay POVPakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma’am Margaret. Bukas na ang libing ni Ethan.Para akong sinampal ng reyalidad. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang magpaalam.Mabigat ang bawat pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ang kabaong sa harapan ko. Pilit kong iniisip na baka isang masamang panaginip lang ang lahat. Baka kapag nagising ako bukas, nariyan pa rin si Ethan, nakangiti, tatawagin ang pangalan ko gaya ng dati.Pero hindi. Hindi ito panaginip."P-pero, Ma'am... baka puwede nating ipagpaliban kahit isang araw pa?" mahina kong pakiusap, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.Napatingin siya sa akin, ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Para bang may iniisip siyang ibang dahilan na hindi niya kayang sabihin sa akin."Hindi na natin pwedeng patagalin pa," sagot niya nang matigas. "Mas mabuti na rin na matapos agad ang lahat."Tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapipigilan ang saki
Chapter 114Tahimik akong tumayo sa harap ng kabaong, pinagmamasdan ang bawat detalye nito. Napakabigat sa loob ko ang pagpapanggap na ito, pero wala akong ibang pagpipilian.Biglang bumukas ang pinto ng mansyon, at pumasok sina Pipay kasama sina Rafael, Lucas, at Tristan. Agad kong napansin ang pamumugto ng kanyang mga mata—halatang kakaiyak lang niya.Napalunok ako. Paano ko matitiis ang sakit na pinapasan niya ngayon?Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, nanginginig ang kamay habang hinahaplos ang ibabaw nito. "Ethan..." mahina niyang tawag, na parang umaasang sasagot ito.Hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko maaaring sirain ang plano namin."Ma'am Margaret," basag ni Pipay sa katahimikan. Lumingon siya sa akin, at doon ko nakita ang matinding hinanakit sa kanyang mga mata. "Paano po nangyari ito? Bakit po siya kinuha nang ganito kabilis?"Napapikit ako at pilit na pinakalma ang sarili. "Isang aksidente, anak..." m
Chapter 113 Margaret POVPinamasdan ko ang bulto sa likuran ni Pipay habang papaalis. "Patawad, Pipay anak. Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ninyong dalawa," mahina kong sabi."Tita, sure ka na ba sa plano mong palihim kay Pipay na hindi pa patay si Ethan?" wika sa ex-fiance sa aking anak."Oo, buo na ang loob ko, Cie Jill. Kailangan kong gawin 'to!" tugon ko dito.Alam ko magagalit ito kapag nalaman niyang totoo na buhay si Ethan, pero kailangan itong maoperahan sa ibang bansa dahil matindi ang damage natamo nito sa disgrasya kanina."Pero, Tita, paano kung matuklasan ni Pipay ang totoo?" nag-aalalang tanong ni Cie Jill.Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa ngayon. Kailangan niyang lumayo sa sitwasyon, at higit sa lahat, kailangan nating bigyan si Ethan ng pagkakataong mabuhay."Napayuko si Cie Jill, halatang nag-aalinlangan. "Pero, Tita, may karapatan si Pipay na malaman ang totoo. Anak niya si Jhovel, at—"Pinutol ko siya. "At kay