Home / Romance / ANG PIYAYA NI PIPAY / 🥴 Anong nakita mo, Pipay? 🥴 Chapter 22

Share

🥴 Anong nakita mo, Pipay? 🥴 Chapter 22

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2024-12-28 06:55:32

Chapter 22

Habang abala ako sa mga gawain ko sa kusina—naglilinis ng pinagkainan at nag-aayos ng mga kalat—hindi ko pa rin maiwasan ang maalala ang nangyari kanina sa hapag-kainan. Para akong nanood ng live na drama, with matching comedy.

Si Baby Damulag—ay, si Sir Ethan pala—umakyat sa itaas kasama ang kanyang nobya, si Ma’am Cassandra, matapos ang ma-init na eksena. Siguro nag-cool down na sila... o baka nagdi-discuss kung paano ako patatalsikin? Pero alam ko namang malabong mangyari iyon, kasi kahit medyo sira-ulo ako minsan, mahal ako ni Baby Damulag.

"Hay naku, ang hirap talagang maging nanny sa ganitong klase ng pamilya," bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mesa. Pero syempre, hindi ko pinapakitang affected ako. Tuloy-tuloy pa rin ang trabaho, kahit ang isip ko ay parang marathon runner sa pag-iisip ng mga kaganapan.

Naalala ko ang tingin ni Ma’am Cassandra kanina—parang gusto na niya akong ibalibag palabas ng mansyon. Pero si Ma’am Margaret? Aba, siya pa ang n
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Serious mode si Pipay 🥴 Chapter 23

    Chapter 23 Pagkatapos kong magbihis ng maayos—isang simpleng blouse at pantalon na komportable para sa trabaho—dumiretso ako sa kusina upang tumulong sa chief cook ng mansyon. Naramdaman ko ang bigat ng pangyayari kanina, pero pinilit kong kalmahin ang isip ko. Kailangan kong mag-focus sa trabaho. Pagdating ko sa kusina, naamoy ko agad ang mga aroma ng nilulutong ulam—piniritong isda, sinigang na baboy, at mga sari-saring gulay na naglalabas ng amoy na nagbibigay ng gutom kahit busog pa. Si Manang Tilde, ang head cook dito, ay abala sa paghiwa ng mga sibuyas at kamatis. Napatingin siya sa akin at agad akong binati. “Aba, Pipay! Kanina pa kita hinihintay para sa pag-aasikaso ng tanghalian. Ang dami nating gagawin,” sabi niya nang seryoso pero may halong init ng pakikipagkapwa. “Opo, Manang. Ready na ako,” sagot ko, sabay kinuha ang apron at isinuot ito nang maayos. Pinilit kong kalmahin ang puso ko na tila hindi pa rin nawawala ang kaba dahil sa nangyari kanina. Habang hinihiwa ko

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤔 Naku, Pipay baka may balak yang si Ma'am Margaret. 🤔 Chapter 24

    Chapter 24 Pagkatapos kong maglinis sa kusina, nagmamadali akong nagtungo sa aking silid. Nagpalit ako ng puting t-shirt at maong na shorts para maging komportable. Habang nag-aayos, iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Parang roller coaster talaga ang buhay dito sa mansyon. Paglabas ko, naabutan ko si Ma’am Margaret na mukhang tapos na rin kumain. Nakangiti siya sa akin, pero halata sa kanyang tindig na may plano na naman siyang naiisip. “Hintayin mo ako. Magbibihis lang ako,” sabi niya habang inaayos ang kanyang panyo. “Sasama ka sa akin. May pupuntahan tayong parlor.” Nagulat ako. Parlor? Ako? Pero syempre, hindi ko magawang tumanggi. Kaya ang tanging sagot ko ay, “Opo, Ma’am. Sige po.” Habang umaakyat siya sa hagdan para magbihis, napaisip ako. Parang hindi ko trip ang parlor. Ano na naman kaya ang balak ni Ma’am Margaret? Pero hindi ko na inisip pa nang mabuti. Ang importante, sumunod ako sa utos. Habang naghihintay sa sala, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili. Bak

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤭 Go na Pipay, may basbas na sa ina ni Baby Damulag mo 🤭 Chapter 25

    Chapter 25 "Ma'am, mukhang serious po ang ipapagawa niyo sa akin!" kabado kong tanong. "Gusto mo bang malaman ang nais kong ipagawa sayo, Pipay?" seryoso niyang tanong kaya agad akong tumango. "Akitin mo ang anak ko, agawin mo ang anak ko kay Casandra!" agad naman napanganga ang aking bibig sa sinabi nito. Halos mabitiwan ko ang hawak kong maliit na salamin sa narinig ko mula kay Ma’am Margaret. “Ma’am, seryoso po ba kayo? Ako po? Aakitin si Baby Damulag? Este, si Sir Ethan?” tanong ko, hindi makapaniwala. Tinitigan niya ako ng diretso sa mata, na para bang gusto niyang tiyakin na naiintindihan ko ang sinasabi niya. “Oo, Pipay. Hindi ako nagbibiro. Kailangan kong mapalayo si Ethan kay Casandra. Hindi siya ang tamang babae para sa anak ko. Pero ikaw… ikaw ang maaaring maging sagot.” Para akong tinamaan ng kidlat. “Ako po? Ma’am, baka nagkakamali po kayo. Isang kasambahay lang po ako. Si Sir Ethan, isang businessman! Billionaire! Ano pong laban ko kay Ma’am Casandra na may Hermes

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤨 Talaga lang, Pipay 🤨 Chapter 26

    Chapter 26 Kinabukasan, habang naghahanda ako ng almusal sa kusina, iniisip ko na ang plano ko para sa araw na ito. Kailangan kong mas galingan pa, pero dapat hindi halata kay Sir Ethan. Ayoko namang isipin niyang may kung anong nangyayari. Pagbaba niya sa hagdan, naka-suit na naman siya, at mukhang handa na sa trabaho. Agad akong lumapit na parang wala lang. "Sir Ethan, gusto niyo po ba ng kape? Freshly brewed, may extra kick para sa mahabang araw niyo," tanong ko, nakangiti pero chill lang. Tumango siya, halatang impressed. “Wow, Pipay, ngayon lang kita nakita na sobrang proactive. Anong meron?” tanong niya sa akin. Napakibit-balikat ako, pilit na kalmado. “Wala naman, Sir. Gusto ko lang pong maayos ang serbisyo ko. Sabi kasi ni Ma’am Margaret, dapat daw maging reliable ako," tugon ko. Ngumiti siya, pero parang may kutob. “Hmm, mabuti naman kung gano’n," sagot niya sa akin. Habang nagkakape siya, tahimik akong nagligpit ng mesa. Pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤔 Nangatwiran ka, Pipay 🤔 Chapter 27

    Chapter 27 "Ay, wala sir! Sabi ko hindi ako nag sisinungaling at lalong hindi ako inutusan ng Mommy mo na siraan si Ma'am Casandra," katwiran ko. Nakita ko sa kanyang mga mata na hindi ito naniwala sa aking sinabi kaya agad ko naisip na ipatingin sa kanya ang kuha ng CCTV footage. "Sir Etha, alam ko na hindi kayo naniwala sa akin kung gusto niyo po ng mas malinaw na ebidensya, baka pwede niyo pong tingnan ang CCTV sa coffee shop. Sigurado po akong makikita niyo kung ano ang nangyari,” sabi ko, na may halong tapang. Si Sir Ethan ay napatingin sa akin ng may seryosong mukha. “CCTV?” tanong niya, sabay tingin sa laptop niya. "Wala ka bang ibang nakakita kundi si Casandra? Alam mo Pipay nahawaan kana ni Mommy na parang alergy sa aking nobya," sambit nito sa akin. Agad akong tumugon, “Ay grabe ka naman Baby Damulag. Nahawaan agad?. Pero kung gusto niyo ng proof, nandiyan po ang mga recordings," bigkas ko. Bumuntong-hininga muna ito bago pumunta si Sir Ethan sa kanyang comput

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤣 Lasingin mo daw, Pipay. Para di makita ang kagubatan 🤣 Chapter 28

    Chapter 28 "Sino bang hindi mabigla sa sinabi ni Ma’am Margaret? Gawin ba naman niya akong parang... escort? At kailangan pa talagang bumukaka sa harapan ni Baby Damulag? Hindi ko alam kung tatawa ako o matutulala!" bulong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa aking kwarto. Habang nagpapalit ng damit, hindi ko maiwasang isipin ang mga plano ni Ma’am Margaret. “Ano kayang iniisip ng matandang iyon? Para akong inuutusang mag-audition sa pelikula!” dagdag ko pang sabi. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, nagdesisyon akong isuot ang pinakamaganda kong damit—isang simpleng cocktail dress na kahit paano’y nagbibigay ng class at hindi mukhang desperado. Syempre, kahit anong mangyari, kailangang magmukhang professional pa rin. Pagbaba ko, agad akong sinalubong ni Ma’am Margaret. “O, ayan! Ganyan ang tamang aura! Simple pero may impact. Siguraduhin mo lang na mararamdaman ni Ethan na ikaw ang kakampi niya sa lahat ng laban,” sabi niya habang tila pinupulbos pa ang imaginary

    Huling Na-update : 2024-12-31
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Author Note

    Hello all, hindi muna ako mag-update ng isang linggo..... Nais ko munang pahingain si Pipay muna para may enerhiya ito sa magaganap na gapangan hehehe joke. 🥰 Mag family bonding muna kami ng pamilya ko po. Sana ay maunawaan ninyo po 😘. Maraming salamat sa inyong pag-basa, sana ay matulungan po ninyo akong makapasok sa ranking pamamagitan ng inyong vote tulad ng gem.... Merry Christmas and Happy New Year po sa inyong lahat. PS. Kung may nais kayong ipagawa ni Pipay.... Comment lang po kayo 🥴. Love : Inday Stories

    Huling Na-update : 2024-12-31
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Lasing o hindi? Ikaw Ethan, ha! 🥴 Chapter 29

    Chapter 29 Habang pinapakinggan ko si Sir Ethan na tila lumalalim na naman ang drama sa buhay, nagdesisyon akong kumuha ng maiinom. May nakalagay na mga baso sa mesa, at sa gitna nito, may isang pitsel na may makulay na likido. “Uy, juice! Tamang-tama, ang init dito,” sabi ko sa sarili, sabay kuha ng isang baso at diritsong lagok. 'Pero teka... Ano ‘to?!' sambit ko sa aking isip. Bigla akong napatigil nang maramdaman ang kakaibang timpla sa dila ko. Sa una, tamis na parang katas ng ubas. Pero maya-maya, may sumundot na pait sa lalamunan ko. Tapos… may init na gumapang sa sikmura ko. "Ay, tipalong! Hindi ito juice! Ito pala yung alak na iniinom ni Sir Ethan!” bulong ko habang napapikit. Nais bko sanang isuka. Pero hindi ko rin maiwasang isipin, 'Ang sarap naman nito, ah!' wika ko sa aking isipan. Nang bumalik ako sa sarili, nakita ko si Sir Ethan na tulala pa rin sa baso niya. Napansin ko rin na medyo namumula na ang mukha niya, mukhang nalalasing na. 'Aba, ang tagal kong

    Huling Na-update : 2025-01-01

Pinakabagong kabanata

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Baby Damulag ay kinilig 🥴 Chapter 56

    "Sandali, sabi mo wala na si Pipay dito?" tanong ni Ma’am Casandra, na may halong inis sa tono. Kitang-kita ko ang pagka-kabog sa kanyang mata, parang may iba na namang ibig iparating.Nagpanggap ako ng kalmado at agad sinagot siya, "Ay, pasensiya na po, Ma'am Casandra. Namimiss ko kasi ang baby damulag ko."Napansin kong namutla siya at tumingala sa langit, siguro nag-iisip kung anong klaseng sagot ang natanggap niya mula sa akin. Habang ako naman, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi matawa sa tawag kong "baby damulag." Laking pasalamat ko na medyo malayo ang mga mata ni Ethan, hindi siya sigurado kung anong ibig kong sabihin.Si Ma’am Casandra, mukhang hindi natuwa, at medyo namula ang mukha sa inis. "Pipay, kahit kailan talagang hindi mo ako titigilan," sabi niya ng may bahid ng pagtataray."Promise, hindi po! Hindi ko kayo titigilan, Ma’am Casandra. Kasi, sabi nga nila, love-hate relationship lang po tayo!" sagot ko, medyo may kalsadang pagmumura sa sarili."At saka, wag kang

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤔 Paano mo gawin ngayon, Pipay 🤔 Chapter 55

    Chapter 55 Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang pinsan ko. Siya ang magiging katuwang ko sa plano upang siguraduhin na hindi makarating si Ma'am Casandra sa kasal. Sa isip ko, ito ang pinakamabilis at pinakasimpleng paraan para maisakatuparan ang plano nang hindi nabubunyag kay Ethan ang sabwatan namin ng kanyang mommy. Pagkatapos kong magbigay ng detalye, binigyan ko rin siya ng litrato ni Ma'am Casandra. Ngunit laking gulat ko nang marinig ang sagot niya sa kabilang linya. "Siya? Kilala ko ‘yan!" sabi ng pinsan ko na may halong inis. "Isa siyang gold digger! Hindi lang isang beses, Pipay—ilang beses na niyang ginawa 'yan sa iba’t ibang tao. Kahit hindi ko kilala si Ethan, naaawa ako sa kanya." Halos mabitawan ko ang telepono sa sinabi niya. "Talaga? Gold digger siya? Akala ko ba—" "Oo," putol ng pinsan ko. "Kaya pala ang kapal ng mukha niyang magkunwari. Alam mo, Pipay, hindi na ako magtataka kung talagang pera lang ang habol niya sa kasalang ‘yan. Ano ba ang plano mo

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴Ang galing plano mo, Pipay 🥴 Chapter 54

    Chapter 54 Napaisip ako nang malalim, naguguluhan kung paano ba nagiging ganito ka-blind si Sir Ethan sa obvious na sitwasyon. "Ma’am, hindi ba siya kahit man lang nagdududa?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses. "Siguro, Pipay, pero ang problema, mas malakas ang hawak ni Casandra sa emosyon niya kaysa sa logic niya," paliwanag ni Ma’am Margaret. "Alam mo naman si Ethan, kapag minahal niya, buo. Kaya nga sobrang sakit para sa kanya noong makita niya 'yung ebidensya, pero mukhang mas pinili pa rin niyang magpaniwala sa mga sinasabi ni Casandra kaysa sa katotohanan," malungkot nitong sabi. Napailing ako, hindi makapaniwala. "Kung ganito lang po pala ang nangyayari, parang napaka-unfair naman po sa ating dalawa at sa lahat ng nagmamalasakit sa kanya," tugon ko dito. "Oo, Pipay, pero wala tayong magagawa kung siya mismo ang ayaw magbukas ng mata niya," sabi niya, na parang naguguluhan kung paano nga ba haharapin ang sitwasyong ito. "At sana lang, Pipay, sa araw ng

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱Anong balak mo, Pipay? 😱 Chapter 53

    Chapter 53 Pagkatapos kong magbihis, agad akong humiga sa malambot kong kama. Pakiramdam ko, parang isang buong araw akong nakipag-away sa mundo. Napapikit ako habang iniisip ang lahat ng nangyari. Bukas na bukas, kailangan kong harapin si Ethan, bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bumalik ako rito. Lalo pa't sa huling pagkakataon, medyo magulo ang aming mga pinagdaanan. "Haaaay, bakit ba ang gulo ng buhay ko?" tanong ko habang yakap ang unan. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit pa ang utak ko ay tila isang sirang plaka na paulit-ulit iniisip ang mangyayari bukas. Napatitig ako sa kisame. Si Ethan… kaya ba niya akong tanggapin ulit, kahit hindi ko pa maipaliwanag nang maayos ang dahilan ng lahat ng ito? Habang unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko, pilit kong inaayos ang sarili. Kaya ko 'to. Bahala na si Batman, basta kailangan kong harapin ito bukas. Sa wakas, tuluyan na akong nilamon ng antok at natulog nang m

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Ang sabihin mo lang Pipay,na miss mo ang dragon ni Ethan 🥴 Chapter 52

    Chapter 52 Habang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Galit, sakit, at inis ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga alaala sa isipan ko—ang simpleng buhay ko noon sa Mansyon ng Monteverde. Doon, kahit paano, tanggap ako. Naisip ko si Ma'am Margaret. Oo, medyo masungit siya minsan, pero marunong siyang umintindi. At si Sir Ethan? Napailing ako sa ideya ng kanyang presensya. "Medyo masungit" ang understatement. Pero kahit paano, may kilig sa puso ko habang iniisip ang huling pagkakataong magkasama kami. "Tsk," sabi ko sa sarili, pilit na inaayos ang gulo sa utak ko. "At least natikman ko na siya," bulong ko, sabay mapait na ngiti. Nakakatawa pero totoo. Sa kabila ng kanyang pagiging masungit, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari sa amin. Nilingon ko ang palasyo sa likuran ko, ang lugar na akala ko'y magiging tahanan ko. Pero paano ito magiging tahanan kung hindi ko nararamdaman ang pagmamahal o pag-unawa? Napakagat-labi

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥺 Arranged Marriage 🥺 Chapter 51

    Chapter 51 Dahil sa sagot ko, nanatiling tahimik ang kwarto. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata nila sa akin, at kahit na ang mga magulang ko ay nag-aalala, ang sinabing kasinungalingan ko ay tila nagbigay daan sa isang uri ng pagpapaliwanag—mabilis na nagbago ang galit at tensyon sa mga mata nila. "Kung iyon ang dahilan, Pipay..." ang mama ko, ang boses ay naglalaman ng kalungkutan, "huwag kang mag-alala, hindi kami magmamadali. Gusto namin na ikaw ay maging handa sa kung anuman ang mangyari." Parang may matinding kaguluhan sa aking isipan. Bakit ko sinabi ‘yun? Dahil ba gusto ko lang pigilan ang nangyayari? Pero sa isang banda, natatakot akong harapin ang mga magiging epekto ng desisyong ito, at hindi ko rin alam kung paano ako makakalabas sa sitwasyon na ito.Ngising sabi ko saka ko binalingan ang lalaking mapangasawa ko, napangiwi na lamang ako sa nakita. Isang payat, malaki ang ayeglass nasa kanyang mata ang buhok nito ay kulog at higit sa lahat ay naka brece ang ngipin. Hind

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱 Hala Pipay, paano na ang baby damulag mo 😱 Chapter 50

    Chapter 50"Ang mapapangasawa n'yo!" sabi ng isa sa kanila, at halos mapatalon ako sa gulat. Ano?!"Ha?" napasigaw ako sa sobrang pagkabigla. Para akong biglang ginising mula sa isang panaginip na hindi ko alam kung gusto ko bang maging totoo. Ano 'to? Nandiyan na pala ako sa stage ng arranged marriage?Tumingin ako sa kanila, para bang nagsusukat ng reaksyon ko. "H-Huwag po kayong magbiro!" sabi ko, kahit na may halong kaba at takot sa boses ko. "Hindi ako ready!"Pero hindi ko maitatanggi, may bahagi ng utak ko na curious na gusto pang magtanong ng mga detalye. Sino siya? Anong klaseng tao? At ang pinakatanong ko, Paano ko i-handle ito kung mangyayari talaga?Sumulyap ako sa paligid, parang may spotlight na naka-focus sa akin habang naglalakad ako papunta sa study room. Ang mapapangasawa ko? Parang pelikula lang na may twist.Pero seryoso, hindi ko pa rin alam kung paano ako makakasabay sa buhay na ito. Kaya bago ko pa masabi ang mga susunod na tanong, nag-pause ako at inisip, Well,

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤭 Princess, Pipay 🥴 Chapter 49

    Chapter 49Lulubog na sana ako sa bathtub nang mapansin ko ang isang tablet sa gilid—parang katulad ng ginagamit ni Lulu! Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong kinuha. Ano kaya ang meron dito?Pagbukas ko, ayan na, isang napaka-high-tech na tablet na parang galing pa sa ibang planeta. Agad akong naghanap ng paraan para mag-download ng story app. Buti na lang at hindi ako nakakalimot sa Gmail account ko at password (salamat sa memorya kong parang elepante). Agad akong naka-log in, parang hacker lang!Nang makapasok na ako sa app, dali-dali kong hinanap ang paborito kong story at nagsimula akong magbasa. Grabe, parang hinigop ako ng kwento! Apat na chapters agad ang nabasa ko, at sa dulo ng bawat isa, napapangiti na lang ako.Pero bigla akong napahinto at natawa nang makita ang notification: "Please vote to unlock the next chapter!" Huh?! Ang arte naman, parang naniningil pa ng tong sa sarili kong kaligayahan!Hindi lang 'yun, may pa-gem system pa sila para makapasok sa rank

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤣 Iwan ko sayo, Pipay 🤣 Chapter 48

    Chapter 48 Naglakad ako patungo sa kama upang umupo, umaasang kahit papaano ay makapagpapahinga na ako. Pero laking gulat ko nang bigla akong lumubog sa malambot na kutson! Parang nilamon ako ng kama, dahilan upang mabilis akong napatayo ulit. "Anong klaseng kama 'to?!" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang malambot na higaan na parang ulap ang itsura. Sinubukan ko ulit itong hawakan, at halos mawala ang kamay ko sa sobrang lambot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiilang. Sanay ako sa mga higaan na matigas-tigas, kaya itong mala-prinsesa na kama na parang yakap ng marshmallow ay ibang-iba sa akin. "Okay, Pipay, calm down. Kama lang 'to," sabi ko habang pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Sinubukan ko ulit umupo, mas dahan-dahan na ngayon, at oo nga—hindi pa rin ako mapakali sa sobrang lambot nito. Parang gusto kong tawagin ang tatlong pinsan ko at tanungin, "May instruction manual ba kung paano umupo rito?" Hanggang may kumatok sa pintuan, kaya agad akong pumunt

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status