Chapter 26 Kinabukasan, habang naghahanda ako ng almusal sa kusina, iniisip ko na ang plano ko para sa araw na ito. Kailangan kong mas galingan pa, pero dapat hindi halata kay Sir Ethan. Ayoko namang isipin niyang may kung anong nangyayari. Pagbaba niya sa hagdan, naka-suit na naman siya, at mukhang handa na sa trabaho. Agad akong lumapit na parang wala lang. "Sir Ethan, gusto niyo po ba ng kape? Freshly brewed, may extra kick para sa mahabang araw niyo," tanong ko, nakangiti pero chill lang. Tumango siya, halatang impressed. “Wow, Pipay, ngayon lang kita nakita na sobrang proactive. Anong meron?” tanong niya sa akin. Napakibit-balikat ako, pilit na kalmado. “Wala naman, Sir. Gusto ko lang pong maayos ang serbisyo ko. Sabi kasi ni Ma’am Margaret, dapat daw maging reliable ako," tugon ko. Ngumiti siya, pero parang may kutob. “Hmm, mabuti naman kung gano’n," sagot niya sa akin. Habang nagkakape siya, tahimik akong nagligpit ng mesa. Pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung
Chapter 27 "Ay, wala sir! Sabi ko hindi ako nag sisinungaling at lalong hindi ako inutusan ng Mommy mo na siraan si Ma'am Casandra," katwiran ko. Nakita ko sa kanyang mga mata na hindi ito naniwala sa aking sinabi kaya agad ko naisip na ipatingin sa kanya ang kuha ng CCTV footage. "Sir Etha, alam ko na hindi kayo naniwala sa akin kung gusto niyo po ng mas malinaw na ebidensya, baka pwede niyo pong tingnan ang CCTV sa coffee shop. Sigurado po akong makikita niyo kung ano ang nangyari,” sabi ko, na may halong tapang. Si Sir Ethan ay napatingin sa akin ng may seryosong mukha. “CCTV?” tanong niya, sabay tingin sa laptop niya. "Wala ka bang ibang nakakita kundi si Casandra? Alam mo Pipay nahawaan kana ni Mommy na parang alergy sa aking nobya," sambit nito sa akin. Agad akong tumugon, “Ay grabe ka naman Baby Damulag. Nahawaan agad?. Pero kung gusto niyo ng proof, nandiyan po ang mga recordings," bigkas ko. Bumuntong-hininga muna ito bago pumunta si Sir Ethan sa kanyang comput
Chapter 28 "Sino bang hindi mabigla sa sinabi ni Ma’am Margaret? Gawin ba naman niya akong parang... escort? At kailangan pa talagang bumukaka sa harapan ni Baby Damulag? Hindi ko alam kung tatawa ako o matutulala!" bulong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa aking kwarto. Habang nagpapalit ng damit, hindi ko maiwasang isipin ang mga plano ni Ma’am Margaret. “Ano kayang iniisip ng matandang iyon? Para akong inuutusang mag-audition sa pelikula!” dagdag ko pang sabi. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, nagdesisyon akong isuot ang pinakamaganda kong damit—isang simpleng cocktail dress na kahit paano’y nagbibigay ng class at hindi mukhang desperado. Syempre, kahit anong mangyari, kailangang magmukhang professional pa rin. Pagbaba ko, agad akong sinalubong ni Ma’am Margaret. “O, ayan! Ganyan ang tamang aura! Simple pero may impact. Siguraduhin mo lang na mararamdaman ni Ethan na ikaw ang kakampi niya sa lahat ng laban,” sabi niya habang tila pinupulbos pa ang imaginary
Hello all, hindi muna ako mag-update ng isang linggo..... Nais ko munang pahingain si Pipay muna para may enerhiya ito sa magaganap na gapangan hehehe joke. 🥰 Mag family bonding muna kami ng pamilya ko po. Sana ay maunawaan ninyo po 😘. Maraming salamat sa inyong pag-basa, sana ay matulungan po ninyo akong makapasok sa ranking pamamagitan ng inyong vote tulad ng gem.... Merry Christmas and Happy New Year po sa inyong lahat. PS. Kung may nais kayong ipagawa ni Pipay.... Comment lang po kayo 🥴. Love : Inday Stories
Chapter 29 Habang pinapakinggan ko si Sir Ethan na tila lumalalim na naman ang drama sa buhay, nagdesisyon akong kumuha ng maiinom. May nakalagay na mga baso sa mesa, at sa gitna nito, may isang pitsel na may makulay na likido. “Uy, juice! Tamang-tama, ang init dito,” sabi ko sa sarili, sabay kuha ng isang baso at diritsong lagok. 'Pero teka... Ano ‘to?!' sambit ko sa aking isip. Bigla akong napatigil nang maramdaman ang kakaibang timpla sa dila ko. Sa una, tamis na parang katas ng ubas. Pero maya-maya, may sumundot na pait sa lalamunan ko. Tapos… may init na gumapang sa sikmura ko. "Ay, tipalong! Hindi ito juice! Ito pala yung alak na iniinom ni Sir Ethan!” bulong ko habang napapikit. Nais bko sanang isuka. Pero hindi ko rin maiwasang isipin, 'Ang sarap naman nito, ah!' wika ko sa aking isipan. Nang bumalik ako sa sarili, nakita ko si Sir Ethan na tulala pa rin sa baso niya. Napansin ko rin na medyo namumula na ang mukha niya, mukhang nalalasing na. 'Aba, ang tagal kong
Chapter 30 Kinabukasan Nagising ako sa kakaibang pakiramdam sa ulo ko—parang umiikot ang buong mundo. Sa bawat pagmulat ng mata ko, parang ang liwanag mula sa bintana ay sumisigaw ng "Hangover ka, Pipay!" Sinubukan kong igalaw ang katawan ko, pero nang makita ko ang paligid, napansin ko ang carpet na aking hinihigaan. "Bakit ako nandito?" tanong ko sa sarili habang unti-unting bumangon. Paglingon ko, nakita ko si Sir Ethan, nakadapa sa carpet, wala nang suot kundi boxer briefs. Sa sobrang pagkagulat, halos mapasigaw ako. "Sir Ethan! Bakit na naka boxer briefs lang?!" sabay hampas ko dito. Unti-unti siyang nagising at humarap sa akin, pero mukhang tulala pa rin. "Pipay— anong nangyari kagabi?" tanong niya habang hawak ang noo. "Sir, tanong ko rin ‘yan sa sarili ko! Bakit po kayo ganyan ang suot?" sagot ko, pilit kung binabalikan ang nangyari kagabi. Biglang bumalik ang ilang mga alaala mula kagabi—ang juice na hindi pala juice, ang drama ni Sir Ethan, at… Oh my gosh! Ang
Chapter 31 Lumipas ang mga araw, at habang ang lahat ay patuloy na nagbabago sa paligid ko, napansin ko na parang may mga bagay na hindi ko na kayang balikan. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, hindi ko pa rin nagagampanan ang task na ibinigay ni Ma'am Margaret—ang akitin at agawin si Sir Ethan mula kay Ma'am Casandra. Parang may malaking hadlang sa akin na hindi ko kayang lampasan, at hindi ko na alam kung paano pa ito gagawin. Ngunit hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Nasa harap ko ang isang mahalagang misyon, at sa kabila ng lahat ng mga kalokohang nangyari, tila ba hindi ko kayang tanggapin na maging bahagi ako ng ganitong uri ng plano. Gusto ko nang magtapos ito. Ngayong araw, magkasama kami ni Sir Ethan at Ma'am Casandra upang mag-asikaso ng kanilang darating na kasal. Para akong alaga sa isang bagong papel—wala akong magawa kundi sundin ang mga utos at makinig sa mga plano. Si Sir Ethan, na hindi ko na kayang balikan sa mga nangyaring gabing iyon, ay patuloy na
Chapter 32 Habang nag-uusap si Sir Ethan at Ma'am Casandra, nakaramdam ako ng isang kakaibang tensyon sa hangin. Nagpaalam si Ma'am Casandra kay Sir Ethan, nagsabing aalis na ito at magkikita na lamang sila sa araw ng kasal. Sa mga salitang iyon, alam kong may nangyaring hindi ko pa lubos na nauunawaan. "Magkikita na lang tayo sa kasal," sabi ni Ma'am Casandra, ang tinig niya may kasamang pag-aalinlangan, at bahagyang nagmamadali. Nakita ko ang isang mabilis na reaksyon kay Sir Ethan—isang mabilis na pag-angat ng kilay, tanda ng hindi pagkakasigurado sa mga sinabi ni Casandra. Ngunit agad din siyang tumango, na parang wala na siyang magagawa kundi sumang-ayon. "Okay, Casandra. Ingat," sagot ni Sir Ethan, ngunit ang mga mata niya ay tila nagtataglay ng mga tanong na hindi kayang sagutin sa mga simpleng salita. "Kita mo yun, Pipay? Kaya ayaw ko sa babae na yan, parang may tinatagong lihim," bulong ni Ma'am Margaret habang nakatingin sa nobya ng kanyang anak. Pagkaalis ni Ma
Special Chapter 26Pagkatapos magsalita ni Rachel, muling nagsalita ang pari."Sa harap ng Diyos at ng mga mahal ninyong kaibigan at pamilya, narinig natin ang inyong mga sumpa ng pagmamahalan at katapatan sa isa’t isa. Ngayon, sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, idinedeklara ko kayo bilang mag-asawa."Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng ganap na maging isang asawa."Tristan, maaari mo nang halikan ang iyong asawa," dagdag ng pari na may malumanay na ngiti.Dahan-dahan akong lumapit kay Rachel. Kitang-kita ko ang tuwa at pag-ibig sa kanyang mga mata. Para bang sa mga sandaling ito, kami lang ang nasa mundo. Inabot ko ang kanyang mukha, hinaplos ang pisngi niya, at marahan siyang hinalikan.Narinig ko ang palakpakan at masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit para sa akin, tanging si Rachel lamang ang mahalaga."Congrats, Tristan!" sigaw ni Pipay habang tumatalon sa tuwa. "Officially Mrs. Rachel Dela Vega ka na!"
Special Chapter 25Kanina pa ako hindi mapakali. Narito na ako sa harap ng altar, suot ang itim na tuxedo, pero parang mas nahihirapan pa akong huminga kaysa sa araw ng mga malalaking business deals ko."Relax lang, Tristan!" sabi ni Ethan, asawa ni Pipay, sabay tapik sa balikat ko. "Darating din 'yun.""Alam ko naman 'yun," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pero hindi ‘yun ang dahilan ng kaba ko."Napakunot-noo si Ethan. "Eh, ano pa ba? Sigurado ka bang wala ka nang ibang tinatago? Baka may surprise guest ka diyan o may ex na biglang sumulpot—""Hoy!" inis kong putol sa kanya. "Wala akong ganun!"Tumawa lang si Ethan, pero ako? Hindi ko talaga mapigilan ang kaba. Lalo na’t kanina ko pa iniisip ang tatlo kong pinsan — sina Pipay, Rafael, at Lucas — na nasa bridal room kasama si Rachel."Paano kung tinuruan nila ng kung anu-anong kabalastugan ang asawa ko?" bulong ko kay Ethan, tila nanlalambot na ako sa pag-aalala. "Kilala mo naman ‘yung mga ‘yun! Wala akong laban sa trip ng tatlong ‘yun!"
Special Chapter 24Isang buwan ang mabilis na lumipas, at ngayon nga ay narito na ang araw na pinakahihintay namin ni Tristan — ang araw ng aming muling kasal. Hindi na ito isang kasunduan, kundi isang seremonya ng pagmamahalan.Sa mga nakalipas na linggo, mas lalo kong minahal si Tristan. At sa bawat araw na kasama ko siya, napagtanto kong siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.Naging masaya rin akong makilala ang ilan sa mga pinsan niya — sina Pipay, Rafael, at Lucas. Sadyang nasa dugo ng mga Dela Vega ang pagiging mabait at masayahin. Si Pipay lalo na, palaging may kwentong nakakatawa at laging nagpapagaan ng paligid. Pareho kaming mahilig sa kape at madalas kaming magkwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang."Rachel! Siguraduhin mong handa ka na mamaya, ha?" biro ni Pipay habang tinutulungan akong ayusin ang mga bridal essentials."Oo naman!" natatawang tugon ko. "Pero, kinakabahan pa rin ako.""Normal lang 'yan!" sabi ni Lucas, sabay kindat. "Si Tristan nga kanina pa nag
Special Chapter 23Rachel POVPagkatapos ng halik na iyon, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang sarili ko, pero isa lang ang sigurado — totoo ang lahat ng nangyayari.Nasa mga mata ni Tristan ang sinseridad. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ito, pero narito na kami, at hindi ko na gustong umatras."Rachel," bulong niya habang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Simula ngayon, hindi na tayo kailangang magtago. Hindi na natin kailangang magpanggap sa harap ng iba. Totoo na ‘to, ikaw at ako."Napangiti ako, pero ramdam ko pa rin ang kaba. "Paano kung… paano kung magbago ang isip mo, Tristan? Paano kung isang araw magising ka at maisip mong hindi ako sapat?"Hinawakan niya ng mas mahigpit ang mga kamay ko. "Rachel, hindi ako basta-basta nagbabago ng isip. At kung sakali mang may mga pagsubok na dumating, haharapin natin ‘yon. Magkasama."Hindi ko napigilan ang luha na pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ito luha ng
Special Chapter 22Tristan's POVPagkatapos ng mahabang araw, narito ako sa veranda ng mansion ng mga Rosales, katabi si Rachel. Isang basong wine ang hawak ko, pero ang mas matindi kong nararamdaman ay ang bigat ng mga salitang binitiwan niya kanina."Kahit na alam nating hindi ito totoo?"Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko. Oo, kasal nga kami sa papel, pero hanggang kailan namin itatago ang kasinungalingang ito? Hindi ko maipaliwanag, pero sa tuwing tinitingnan ko si Rachel, may kung anong pumipiga sa dibdib ko. Parang gusto kong patunayan na pwedeng maging totoo ang lahat."Tristan, okay ka lang ba?" tanong niya, halatang napansin ang malalim kong iniisip.Napangiti ako ng bahagya, pilit itinatago ang bumabagabag sa akin. "Oo naman. Medyo naisip ko lang kung paano ko nakuha agad ang loob ng Daddy mo."Natawa siya. "Kailangan ko yatang matuto ng mga business tactics mo.""Pwede kitang turuan," sabi ko, sabay sulyap sa kanya. "Pero sa tingin ko, hindi ka naman mahirap matuto. Mat
Special Chapter 21"Welcome, Rosales Family, Iho!" bungad ni Daddy, sabay abot ng kamay kay Tristan.Nagulat ako sa naging tono ni Daddy — malumanay at tila may sinseridad. Hindi ko inaasahan ang ganitong pagtanggap. Agad namang tinanggap ni Tristan ang kanyang kamay at magalang na ngumiti."Salamat po, Sir," sagot ni Tristan. "Malaking karangalan pong makilala kayo."Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Sa isang iglap, nawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa maayos na pagtanggap ni Daddy o dahil sa paraan ng pakikipag-usap ni Tristan na laging may respeto."Halika na, iho. Huwag na tayong magpanggap na pormal. Sabihin mo na lang 'Dad'," nakangiting dagdag ni Daddy na ikinagulat ko.Napatingin ako kay Mommy, at nagkibit-balikat lang siya na parang nagsasabing 'I told you so.'"Thank you, Dad," tugon ni Tristan, bakas sa mukha niya ang kasiyahan."Rachel, anak," tawag ni Mommy habang hinawakan ang kamay ko. "Dapat sinabi mo agad sa amin na ganito kaguwapo at maayos ang n
Special Chapter 20 "Mom, huwag naman po ganyan," mahina kong sabi habang pinipigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. "Kahapon lang halos maputol ang mga linya ng telepono ko kakatawag niyo para sermonan ako. Ngayon naman, bigla na lang kayo masaya?" "Aba syempre, anak!" sagot ni Mommy na tila tuwang-tuwa. "Hindi naman kasi namin inakala na isang Dela Vega pala ang napangasawa mo. Kilalang-kilala ang pamilya nila, Rachel! Napakayaman at makapangyarihan. Naku, siguradong secured na ang future mo!" Napabuntong-hininga ako. "Mom, hindi naman po tungkol sa pera o kapangyarihan ang buhay." "Alam ko, anak. Pero hindi mo rin maikakaila na malaking bagay 'yan. Isa pa, hindi na namin kailangang mag-alala kung magiging maayos ba ang buhay mo." "Mom, mahalaga po ba talaga kung gaano kayaman si Tristan? Hindi po ba mas mahalaga kung masaya ako?" Natigilan si Mommy. Narinig ko ang isang malalim na hininga mula sa kabilang linya bago siya muling nagsalita. "Anak, syempre gusto ko naman talaga an
Special Chapter 19"Welcome to the Philippines!" masiglang bati ng flight attendant habang unti-unting bumaba ang eroplano sa runway.Natanaw ko agad mula sa bintana ang malalawak na palayan at mga gusali sa malayo. Ang init ng araw ay tila ramdam ko na rin kahit nasa loob pa ako ng eroplano."Finally, we're here," bulong ko sa sarili, pero may kung anong kaba ang bumalot sa dibdib ko."Excited?" tanong ni Tristan habang inaabot ang kanyang carry-on bag."Mixed emotions, actually," sagot ko, pinipilit na ngumiti. "Hindi ko pa alam kung anong sasalubong sa atin."Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Anuman 'yon, nandito ako. Hindi kita iiwan."Napatitig ako sa kanya, at kahit pa alam kong kasal namin ay parte lang ng kasunduan, may kung anong init sa puso ko sa mga sinabi niya.Pagbukas ng pinto ng eroplano, isa-isang bumaba ang mga pasahero. Humakbang kami palabas at sinalubong kami ng malamig na hangin ng airport terminal.Habang naglalakad kami patungo sa immigrati
Special Chapter 18 Pagpasok namin sa maliit na opisina ng judge, naroon na ang ilang staff at isang legal assistant na mag-aasikaso ng mga dokumento. Tahimik akong naupo sa tabi ni Tristan, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Good afternoon," bati ng judge, isang matandang lalaki na may maamong mukha. "Handa na ba kayong magsimula?" "Yes, Your Honor," sagot ni Tristan, hawak pa rin ang kamay ko. "Miss Rachel, are you sure about this?" tanong ng judge, tila sinisigurong buo ang loob ko. "Yes, Your Honor," mahina pero buo ang boses ko. Sinimulan na ng judge ang seremonya. Bawat salita niya ay parang unti-unting nagpapalalim sa bigat ng sitwasyon. Lahat ay parang isang panaginip — isang mabilis na desisyong ngayon ay nagiging totoo. "And now, do you, Tristan Dela Vega, take Rachel as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death do you part?"