Chapter 33 "Halika Pipay, sundan natin sila," utos ni Ma'am Margaret, ang mga mata niyang kumikislap sa galit at siguridad. Walang anu-ano, agad akong sumunod sa kanya. Walang oras para mag-atubili—kailangan namin mapag-aralan ang mga susunod na hakbang. Kaya, nagpatuloy kami sa pagsunod sa kanilang mga galaw namin ay maingat at kailangan ay alisto ang aming mata at galaw na hindi kami mapapansin. Naglakad kami sa likod ng hotel, pinili ang mga madidilim na daan upang hindi kami mahalata. Habang sumusunod kami, nararamdaman ko ang galit ni Ma'am Margaret. Alam ko na hindi pwedeng magkamali. Kung madiskubre man kami, tiyak ay magkakaroon ng mas malalaking problema sa kanilang mag-iina. "Siguradong may plano silang dalawa, para sa aking anak!" sabi ni Ma'am Margaret, ang boses niya ay puno ng poot at galit. "Hindi ko papayagan na magpatuloy ang kasal na ito kung ang relasyon ni Ethan ay napapaligiran ng mga ganitong klase ng tao," dagdag niyang sabi. Nagmumuni-muni ako sa mga s
Chapter 34 "You fucking, shit? Ughhhh," sagot naman sa lalaking nakapatong sa ibabaw ni Ma'am Casandra. Mabilis na mabilis itong gumalaw na parang may hinahabol na kung ano. "Ganyan nga, ooohhh shit. Ang galing mo talagang kumadyot!" sabi ni Ma'am Casandra habang mag kasama pang ungol. "Halika na, Pipay! Wag mo nag panuurin yan baka gumaya kapa," bulong ni Ma'am Margaret kaya agad akong sumunod at maingat kaming lumabas sa silid kung nasaan ang dalawang nalaro ng jack-in-poi. Hindi kami sumakay sa elevator; naghagdan kami. Habang naglalakad, napansin ko ang isang pulang button sa gilid ng pader kaya agad akong nagtanong kay Ma'am Margaret. "Ma'am, para saan ito?" sabay turo ko doon. "Para 'yan sa pagbibigay babala sa mga naka-check-in dito sa hotel," sagot niya, kalmado. "Ahhh," tanging sagot ko habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Pero hindi ko maiwasang ma-curious. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko, pero bigla akong bumalik sa itaas. Tinawag pa ako ni Ma
Chapter 35Habang nasa daan pauwi, hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari sa hotel. Ang gulo-gulo, pero sa tingin ko, worth it naman. Lahat ng ito ay para kay Baby Damulag.Oo, si Baby Damulag at si Sir Ethan ay iisa. Hindi ko alam kung paano ko siya tatawaging "Baby" kung CEO siya ng isang malaking kompanya at kasing edad ko lang. Pero alam mo na, sa pamilya ng mga Monteverde, sanay silang may tawag-tawag na ganyan. Kaya kahit nasa harap ng mga tao, Baby Damulag pa rin ang tawag sa kanya ng nanay niya."Ma'am," tanong ko kay Ma’am Margaret habang nakatuon ang mata niya sa kalsada, "ano na ang plano natin kay Sir Ethan? Kailangan ba talaga nating sabihin agad ang tungkol sa video?"Napatingin siya sa akin saglit bago bumalik ang mata niya sa kalsada. "Pipay, hindi pwedeng basta-basta na lang. Alam mo naman ang ugali ng anak ko, 'di ba? Mahilig siyang magbigay ng benepisyo ng pagdududa kahit sa mga taong hindi karapat-dapat. Kung biglaan nating ipakita sa kanya, baka hindi pa rin
Chapter 36 Lumipas ang dalawang araw, at agad na inayos ni Ma'am Margaret ang lahat ng ebidensya. May inutusan pa itong magbigay kay Sir Ethan ng video para mapanood niya. Dahil bukas na ang kasal, minamadali ni Ma'am Margaret ang lahat upang hindi matuloy ang kasal ng kanyang anak sa maharot na si Ma’am Casandra. Yan ang sabi niya sa akin. Habang kami ay naghahanda sa opisina, nakikita ko ang seryosong itsura ni Ma’am Margaret. "Pipay, wala nang atrasan ito. Dapat masigurado nating makita ni Ethan ang buong video at malaman ang buong katotohanan. Huwag mong gawing biro ito, ha?" sabi niya habang nagsusulat sa kanyang planner. "Ma’am, hindi po ako biro! Ito po ang pinakamahalagang misyon ko!" sagot ko, sabay patagilid ng aking ulo. "Pero, honestly, Ma'am, kinakabahan ako. Baka magka-traffic pa at hindi makuha ni Sir Ethan ang video." Napangiti siya ng kaunti. "Huwag kang mag-alala, Pipay. Planado na ang lahat. Pinaghandaan ko na ‘yan. Walang makakagulo." Sa mga oras na ito, paran
Chapter 37 Hindi nagtagal ay agad pinanood ni Sir Ethan ang laman ng USB. Habang nakaupo siya sa harap ng laptop, tahimik ang buong paligid, pero ang tensyon ay para bang sumisigaw sa bawat segundo. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod habang nakatayo sa gilid, nag-aabang sa kanyang magiging reaksyon. Pagkatapos ng ilang minuto, nakita kong nanigas ang katawan niya. Napansin ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa gilid ng mesa. Hindi niya inalis ang mga mata niya sa screen, ngunit ramdam ko ang init ng kanyang galit na unti-unting namumuo. "Ethan, anak, anong nangyayari?" tanong ni Ma’am Margaret habang papasok siya sa opisina, kunwari’y inosente, ngunit halata ang pagtatangkang kontrolin ang sitwasyon. Tumayo si Sir Ethan, kitang-kita ang lalim ng emosyon sa kanyang mukha. Ang kanyang panga ay mahigpit na nakatikom, at ang mga mata niya ay tila dalawang nagbabagang apoy. "Mommy, bakit niya nagawa akong lukuhin? Anong nakita niya sa lalaking na yan na wala sa akin? Ito ba
Chapter 38 Umalis si Ethan sa altar, iniwan si Casandra sa gitna ng lahat. Habang pinupuntahan siya ng kanyang mga magulang, ako naman ay naiwan sa gilid, tahimik ngunit puno ng takot. Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Habang naglalakad si Sir Ethan palabas, huminto siya at tumingin sa akin. Ang tingin niya ay tila puno ng pagdududa. "Ikaw, Pipay. Alam kong may alam ka sa lahat ng ito. Magkikita pa tayo," banta niya bago tuluyang umalis. Sa likod ng lahat ng ito, isang tanong ang bumabagabag sa akin. 'Hanggang kailan ko maitataago ang lihim na ako at si Ma’am Margaret ang nasa likod ng lahat ng ito?' Nakita ko si Ma'am Casandra na puno pagsisisi sa kanyang mukha dahil sa kanyang ginawang pagtaksil sa aking alaga na si Sir Ethan. Habang pinagmamasdan ko si Ma’am Casandra, bakas sa kanyang mukha ang gulat at pagsisisi. Nakatayo siya sa gitna ng altar, tila nawalan ng lahat ng lakas. Ang mga bisita ay tahimik, maliban sa mga bulung-bulungan ng
Chapter 39"Putang ina ka, Pipay! Bumalik ka dito. Wala kang utang na loob," galit na sigaw ng aking madrasta pero hindi ko ito pinansin pa. "Duh, siya kamo walang utang na loob. Sa loob ng mahabang panahon tumira sa bahay ni mama at ginawa pa akong katulong dito tapos ako pa ang walang utang na loob. Pinulot lang naman ni Papa at pinakasalan, tapos ang ganti minaltrato niya akong isang sampid," bulong ko sa aking sabi. Tumikim si Sir Ethan sa aking gilid habang kami ay naglalakad papunta sa kotse. Akala ko ay magsasalita ito pero hindi pala, tila hinayaan niya munang mawala ang tensyon bago muling magsalita. Ilang sandali ay nagsalita ito, ang kalmadong boses niya ay tila may bahid ng pagod at pag-iisip. "Buti pa, Pipay, sumama ka sa akin," sabi niya bigla. "Saan, Sir?" tanong ko, hindi maitago ang pagtataka. "Mag-bar tayo," sagot niya, diretso ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang mukha. "Bar? Parang... barita ng sabon?" inosente kong tanong. Bahagya siyang tumawa. "Hindi, P
Chapter 40 Hindi ko na alam kung anong oras na nang magsimula kaming mag-inuman ni Sir Ethan. Ang unang baso na akala ko’y magiging maingat lang ay naging seryosong pagsubok sa aming "limit." Na para bang, isang malaking contest kung sino ang mas mabilis malasing, at sa mga oras na iyon, sa aming dalawa, mukhang ako ang nangunguna. "Isa pa, Pipay!" sigaw ni Sir Ethan, na tila hindi pa kontento sa ininom niya. "Kaya mo pa ba?" "Tsk, kaya ko pa, Ethan!" sagot ko, kahit na ang mga mata ko ay nagsimula nang magsayaw sa paligid. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang boses ko. Ang feeling ko na lang, parang may halong nakakatuwa at nakakabaliw. "Ang saya pala ng ganito, no?" lasing kong sabi. Tumawa siya ng malakas. "Oo nga, Pipay! Saka ang saya mo palang kasama! Hindi ko akalain na magka-enjoy ako ng ganito," lasing nitong sabi. Nagpatuloy pa kami, at bawat bote ng inumin ay parang nagiging kwento ng kalokohan. Hindi ko na alam kung anong mga kwento ang napag-usapan namin, per
"Sandali, sabi mo wala na si Pipay dito?" tanong ni Ma’am Casandra, na may halong inis sa tono. Kitang-kita ko ang pagka-kabog sa kanyang mata, parang may iba na namang ibig iparating.Nagpanggap ako ng kalmado at agad sinagot siya, "Ay, pasensiya na po, Ma'am Casandra. Namimiss ko kasi ang baby damulag ko."Napansin kong namutla siya at tumingala sa langit, siguro nag-iisip kung anong klaseng sagot ang natanggap niya mula sa akin. Habang ako naman, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi matawa sa tawag kong "baby damulag." Laking pasalamat ko na medyo malayo ang mga mata ni Ethan, hindi siya sigurado kung anong ibig kong sabihin.Si Ma’am Casandra, mukhang hindi natuwa, at medyo namula ang mukha sa inis. "Pipay, kahit kailan talagang hindi mo ako titigilan," sabi niya ng may bahid ng pagtataray."Promise, hindi po! Hindi ko kayo titigilan, Ma’am Casandra. Kasi, sabi nga nila, love-hate relationship lang po tayo!" sagot ko, medyo may kalsadang pagmumura sa sarili."At saka, wag kang
Chapter 55 Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang pinsan ko. Siya ang magiging katuwang ko sa plano upang siguraduhin na hindi makarating si Ma'am Casandra sa kasal. Sa isip ko, ito ang pinakamabilis at pinakasimpleng paraan para maisakatuparan ang plano nang hindi nabubunyag kay Ethan ang sabwatan namin ng kanyang mommy. Pagkatapos kong magbigay ng detalye, binigyan ko rin siya ng litrato ni Ma'am Casandra. Ngunit laking gulat ko nang marinig ang sagot niya sa kabilang linya. "Siya? Kilala ko ‘yan!" sabi ng pinsan ko na may halong inis. "Isa siyang gold digger! Hindi lang isang beses, Pipay—ilang beses na niyang ginawa 'yan sa iba’t ibang tao. Kahit hindi ko kilala si Ethan, naaawa ako sa kanya." Halos mabitawan ko ang telepono sa sinabi niya. "Talaga? Gold digger siya? Akala ko ba—" "Oo," putol ng pinsan ko. "Kaya pala ang kapal ng mukha niyang magkunwari. Alam mo, Pipay, hindi na ako magtataka kung talagang pera lang ang habol niya sa kasalang ‘yan. Ano ba ang plano mo
Chapter 54 Napaisip ako nang malalim, naguguluhan kung paano ba nagiging ganito ka-blind si Sir Ethan sa obvious na sitwasyon. "Ma’am, hindi ba siya kahit man lang nagdududa?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses. "Siguro, Pipay, pero ang problema, mas malakas ang hawak ni Casandra sa emosyon niya kaysa sa logic niya," paliwanag ni Ma’am Margaret. "Alam mo naman si Ethan, kapag minahal niya, buo. Kaya nga sobrang sakit para sa kanya noong makita niya 'yung ebidensya, pero mukhang mas pinili pa rin niyang magpaniwala sa mga sinasabi ni Casandra kaysa sa katotohanan," malungkot nitong sabi. Napailing ako, hindi makapaniwala. "Kung ganito lang po pala ang nangyayari, parang napaka-unfair naman po sa ating dalawa at sa lahat ng nagmamalasakit sa kanya," tugon ko dito. "Oo, Pipay, pero wala tayong magagawa kung siya mismo ang ayaw magbukas ng mata niya," sabi niya, na parang naguguluhan kung paano nga ba haharapin ang sitwasyong ito. "At sana lang, Pipay, sa araw ng
Chapter 53 Pagkatapos kong magbihis, agad akong humiga sa malambot kong kama. Pakiramdam ko, parang isang buong araw akong nakipag-away sa mundo. Napapikit ako habang iniisip ang lahat ng nangyari. Bukas na bukas, kailangan kong harapin si Ethan, bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bumalik ako rito. Lalo pa't sa huling pagkakataon, medyo magulo ang aming mga pinagdaanan. "Haaaay, bakit ba ang gulo ng buhay ko?" tanong ko habang yakap ang unan. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit pa ang utak ko ay tila isang sirang plaka na paulit-ulit iniisip ang mangyayari bukas. Napatitig ako sa kisame. Si Ethan… kaya ba niya akong tanggapin ulit, kahit hindi ko pa maipaliwanag nang maayos ang dahilan ng lahat ng ito? Habang unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko, pilit kong inaayos ang sarili. Kaya ko 'to. Bahala na si Batman, basta kailangan kong harapin ito bukas. Sa wakas, tuluyan na akong nilamon ng antok at natulog nang m
Chapter 52 Habang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Galit, sakit, at inis ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga alaala sa isipan ko—ang simpleng buhay ko noon sa Mansyon ng Monteverde. Doon, kahit paano, tanggap ako. Naisip ko si Ma'am Margaret. Oo, medyo masungit siya minsan, pero marunong siyang umintindi. At si Sir Ethan? Napailing ako sa ideya ng kanyang presensya. "Medyo masungit" ang understatement. Pero kahit paano, may kilig sa puso ko habang iniisip ang huling pagkakataong magkasama kami. "Tsk," sabi ko sa sarili, pilit na inaayos ang gulo sa utak ko. "At least natikman ko na siya," bulong ko, sabay mapait na ngiti. Nakakatawa pero totoo. Sa kabila ng kanyang pagiging masungit, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari sa amin. Nilingon ko ang palasyo sa likuran ko, ang lugar na akala ko'y magiging tahanan ko. Pero paano ito magiging tahanan kung hindi ko nararamdaman ang pagmamahal o pag-unawa? Napakagat-labi
Chapter 51 Dahil sa sagot ko, nanatiling tahimik ang kwarto. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata nila sa akin, at kahit na ang mga magulang ko ay nag-aalala, ang sinabing kasinungalingan ko ay tila nagbigay daan sa isang uri ng pagpapaliwanag—mabilis na nagbago ang galit at tensyon sa mga mata nila. "Kung iyon ang dahilan, Pipay..." ang mama ko, ang boses ay naglalaman ng kalungkutan, "huwag kang mag-alala, hindi kami magmamadali. Gusto namin na ikaw ay maging handa sa kung anuman ang mangyari." Parang may matinding kaguluhan sa aking isipan. Bakit ko sinabi ‘yun? Dahil ba gusto ko lang pigilan ang nangyayari? Pero sa isang banda, natatakot akong harapin ang mga magiging epekto ng desisyong ito, at hindi ko rin alam kung paano ako makakalabas sa sitwasyon na ito.Ngising sabi ko saka ko binalingan ang lalaking mapangasawa ko, napangiwi na lamang ako sa nakita. Isang payat, malaki ang ayeglass nasa kanyang mata ang buhok nito ay kulog at higit sa lahat ay naka brece ang ngipin. Hind
Chapter 50"Ang mapapangasawa n'yo!" sabi ng isa sa kanila, at halos mapatalon ako sa gulat. Ano?!"Ha?" napasigaw ako sa sobrang pagkabigla. Para akong biglang ginising mula sa isang panaginip na hindi ko alam kung gusto ko bang maging totoo. Ano 'to? Nandiyan na pala ako sa stage ng arranged marriage?Tumingin ako sa kanila, para bang nagsusukat ng reaksyon ko. "H-Huwag po kayong magbiro!" sabi ko, kahit na may halong kaba at takot sa boses ko. "Hindi ako ready!"Pero hindi ko maitatanggi, may bahagi ng utak ko na curious na gusto pang magtanong ng mga detalye. Sino siya? Anong klaseng tao? At ang pinakatanong ko, Paano ko i-handle ito kung mangyayari talaga?Sumulyap ako sa paligid, parang may spotlight na naka-focus sa akin habang naglalakad ako papunta sa study room. Ang mapapangasawa ko? Parang pelikula lang na may twist.Pero seryoso, hindi ko pa rin alam kung paano ako makakasabay sa buhay na ito. Kaya bago ko pa masabi ang mga susunod na tanong, nag-pause ako at inisip, Well,
Chapter 49Lulubog na sana ako sa bathtub nang mapansin ko ang isang tablet sa gilid—parang katulad ng ginagamit ni Lulu! Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong kinuha. Ano kaya ang meron dito?Pagbukas ko, ayan na, isang napaka-high-tech na tablet na parang galing pa sa ibang planeta. Agad akong naghanap ng paraan para mag-download ng story app. Buti na lang at hindi ako nakakalimot sa Gmail account ko at password (salamat sa memorya kong parang elepante). Agad akong naka-log in, parang hacker lang!Nang makapasok na ako sa app, dali-dali kong hinanap ang paborito kong story at nagsimula akong magbasa. Grabe, parang hinigop ako ng kwento! Apat na chapters agad ang nabasa ko, at sa dulo ng bawat isa, napapangiti na lang ako.Pero bigla akong napahinto at natawa nang makita ang notification: "Please vote to unlock the next chapter!" Huh?! Ang arte naman, parang naniningil pa ng tong sa sarili kong kaligayahan!Hindi lang 'yun, may pa-gem system pa sila para makapasok sa rank
Chapter 48 Naglakad ako patungo sa kama upang umupo, umaasang kahit papaano ay makapagpapahinga na ako. Pero laking gulat ko nang bigla akong lumubog sa malambot na kutson! Parang nilamon ako ng kama, dahilan upang mabilis akong napatayo ulit. "Anong klaseng kama 'to?!" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang malambot na higaan na parang ulap ang itsura. Sinubukan ko ulit itong hawakan, at halos mawala ang kamay ko sa sobrang lambot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiilang. Sanay ako sa mga higaan na matigas-tigas, kaya itong mala-prinsesa na kama na parang yakap ng marshmallow ay ibang-iba sa akin. "Okay, Pipay, calm down. Kama lang 'to," sabi ko habang pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Sinubukan ko ulit umupo, mas dahan-dahan na ngayon, at oo nga—hindi pa rin ako mapakali sa sobrang lambot nito. Parang gusto kong tawagin ang tatlong pinsan ko at tanungin, "May instruction manual ba kung paano umupo rito?" Hanggang may kumatok sa pintuan, kaya agad akong pumunt