Home / Romance / ANG PIYAYA NI PIPAY / 🧐 Para kayong mga agent sa ginawa ninyo Pipay 🧐 Chapter 33

Share

🧐 Para kayong mga agent sa ginawa ninyo Pipay 🧐 Chapter 33

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-01-05 16:09:45
Chapter 33

"Halika Pipay, sundan natin sila," utos ni Ma'am Margaret, ang mga mata niyang kumikislap sa galit at siguridad.

Walang anu-ano, agad akong sumunod sa kanya. Walang oras para mag-atubili—kailangan namin mapag-aralan ang mga susunod na hakbang. Kaya, nagpatuloy kami sa pagsunod sa kanilang mga galaw namin ay maingat at kailangan ay alisto ang aming mata at galaw na hindi kami mapapansin.

Naglakad kami sa likod ng hotel, pinili ang mga madidilim na daan upang hindi kami mahalata. Habang sumusunod kami, nararamdaman ko ang galit ni Ma'am Margaret. Alam ko na hindi pwedeng magkamali. Kung madiskubre man kami, tiyak ay magkakaroon ng mas malalaking problema sa kanilang mag-iina.

"Siguradong may plano silang dalawa, para sa aking anak!" sabi ni Ma'am Margaret, ang boses niya ay puno ng poot at galit. "Hindi ko papayagan na magpatuloy ang kasal na ito kung ang relasyon ni Ethan ay napapaligiran ng mga ganitong klase ng tao," dagdag niyang sabi.

Nagmumuni-muni ako sa mga s
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱 Ano ang narinig mo, Pipay 😱 Chapter 34

    Chapter 34 "You fucking, shit? Ughhhh," sagot naman sa lalaking nakapatong sa ibabaw ni Ma'am Casandra. Mabilis na mabilis itong gumalaw na parang may hinahabol na kung ano. "Ganyan nga, ooohhh shit. Ang galing mo talagang kumadyot!" sabi ni Ma'am Casandra habang mag kasama pang ungol. "Halika na, Pipay! Wag mo nag panuurin yan baka gumaya kapa," bulong ni Ma'am Margaret kaya agad akong sumunod at maingat kaming lumabas sa silid kung nasaan ang dalawang nalaro ng jack-in-poi. Hindi kami sumakay sa elevator; naghagdan kami. Habang naglalakad, napansin ko ang isang pulang button sa gilid ng pader kaya agad akong nagtanong kay Ma'am Margaret. "Ma'am, para saan ito?" sabay turo ko doon. "Para 'yan sa pagbibigay babala sa mga naka-check-in dito sa hotel," sagot niya, kalmado. "Ahhh," tanging sagot ko habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Pero hindi ko maiwasang ma-curious. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko, pero bigla akong bumalik sa itaas. Tinawag pa ako ni Ma

    Last Updated : 2025-01-06
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🫣 Pipay 'ha! Akala ko naging seryoso kana 🥴 Chapter 35

    Chapter 35Habang nasa daan pauwi, hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari sa hotel. Ang gulo-gulo, pero sa tingin ko, worth it naman. Lahat ng ito ay para kay Baby Damulag.Oo, si Baby Damulag at si Sir Ethan ay iisa. Hindi ko alam kung paano ko siya tatawaging "Baby" kung CEO siya ng isang malaking kompanya at kasing edad ko lang. Pero alam mo na, sa pamilya ng mga Monteverde, sanay silang may tawag-tawag na ganyan. Kaya kahit nasa harap ng mga tao, Baby Damulag pa rin ang tawag sa kanya ng nanay niya."Ma'am," tanong ko kay Ma’am Margaret habang nakatuon ang mata niya sa kalsada, "ano na ang plano natin kay Sir Ethan? Kailangan ba talaga nating sabihin agad ang tungkol sa video?"Napatingin siya sa akin saglit bago bumalik ang mata niya sa kalsada. "Pipay, hindi pwedeng basta-basta na lang. Alam mo naman ang ugali ng anak ko, 'di ba? Mahilig siyang magbigay ng benepisyo ng pagdududa kahit sa mga taong hindi karapat-dapat. Kung biglaan nating ipakita sa kanya, baka hindi pa rin

    Last Updated : 2025-01-06
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Mag-ingat ka,Pipay 🥴 Chapter 36

    Chapter 36 Lumipas ang dalawang araw, at agad na inayos ni Ma'am Margaret ang lahat ng ebidensya. May inutusan pa itong magbigay kay Sir Ethan ng video para mapanood niya. Dahil bukas na ang kasal, minamadali ni Ma'am Margaret ang lahat upang hindi matuloy ang kasal ng kanyang anak sa maharot na si Ma’am Casandra. Yan ang sabi niya sa akin. Habang kami ay naghahanda sa opisina, nakikita ko ang seryosong itsura ni Ma’am Margaret. "Pipay, wala nang atrasan ito. Dapat masigurado nating makita ni Ethan ang buong video at malaman ang buong katotohanan. Huwag mong gawing biro ito, ha?" sabi niya habang nagsusulat sa kanyang planner. "Ma’am, hindi po ako biro! Ito po ang pinakamahalagang misyon ko!" sagot ko, sabay patagilid ng aking ulo. "Pero, honestly, Ma'am, kinakabahan ako. Baka magka-traffic pa at hindi makuha ni Sir Ethan ang video." Napangiti siya ng kaunti. "Huwag kang mag-alala, Pipay. Planado na ang lahat. Pinaghandaan ko na ‘yan. Walang makakagulo." Sa mga oras na ito, paran

    Last Updated : 2025-01-07
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱 Wag kang aaminin, Pipay 😱 Chapter 37

    Chapter 37 Hindi nagtagal ay agad pinanood ni Sir Ethan ang laman ng USB. Habang nakaupo siya sa harap ng laptop, tahimik ang buong paligid, pero ang tensyon ay para bang sumisigaw sa bawat segundo. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod habang nakatayo sa gilid, nag-aabang sa kanyang magiging reaksyon. Pagkatapos ng ilang minuto, nakita kong nanigas ang katawan niya. Napansin ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa gilid ng mesa. Hindi niya inalis ang mga mata niya sa screen, ngunit ramdam ko ang init ng kanyang galit na unti-unting namumuo. "Ethan, anak, anong nangyayari?" tanong ni Ma’am Margaret habang papasok siya sa opisina, kunwari’y inosente, ngunit halata ang pagtatangkang kontrolin ang sitwasyon. Tumayo si Sir Ethan, kitang-kita ang lalim ng emosyon sa kanyang mukha. Ang kanyang panga ay mahigpit na nakatikom, at ang mga mata niya ay tila dalawang nagbabagang apoy. "Mommy, bakit niya nagawa akong lukuhin? Anong nakita niya sa lalaking na yan na wala sa akin? Ito ba

    Last Updated : 2025-01-07
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Tapang mo Pipay🥴 Chapter 38

    Chapter 38 Umalis si Ethan sa altar, iniwan si Casandra sa gitna ng lahat. Habang pinupuntahan siya ng kanyang mga magulang, ako naman ay naiwan sa gilid, tahimik ngunit puno ng takot. Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Habang naglalakad si Sir Ethan palabas, huminto siya at tumingin sa akin. Ang tingin niya ay tila puno ng pagdududa. "Ikaw, Pipay. Alam kong may alam ka sa lahat ng ito. Magkikita pa tayo," banta niya bago tuluyang umalis. Sa likod ng lahat ng ito, isang tanong ang bumabagabag sa akin. 'Hanggang kailan ko maitataago ang lihim na ako at si Ma’am Margaret ang nasa likod ng lahat ng ito?' Nakita ko si Ma'am Casandra na puno pagsisisi sa kanyang mukha dahil sa kanyang ginawang pagtaksil sa aking alaga na si Sir Ethan. Habang pinagmamasdan ko si Ma’am Casandra, bakas sa kanyang mukha ang gulat at pagsisisi. Nakatayo siya sa gitna ng altar, tila nawalan ng lahat ng lakas. Ang mga bisita ay tahimik, maliban sa mga bulung-bulungan ng

    Last Updated : 2025-01-07
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤔 Mag-ingat ka, Pipay 🤔 Chapter 39

    Chapter 39"Putang ina ka, Pipay! Bumalik ka dito. Wala kang utang na loob," galit na sigaw ng aking madrasta pero hindi ko ito pinansin pa. "Duh, siya kamo walang utang na loob. Sa loob ng mahabang panahon tumira sa bahay ni mama at ginawa pa akong katulong dito tapos ako pa ang walang utang na loob. Pinulot lang naman ni Papa at pinakasalan, tapos ang ganti minaltrato niya akong isang sampid," bulong ko sa aking sabi. Tumikim si Sir Ethan sa aking gilid habang kami ay naglalakad papunta sa kotse. Akala ko ay magsasalita ito pero hindi pala, tila hinayaan niya munang mawala ang tensyon bago muling magsalita. Ilang sandali ay nagsalita ito, ang kalmadong boses niya ay tila may bahid ng pagod at pag-iisip. "Buti pa, Pipay, sumama ka sa akin," sabi niya bigla. "Saan, Sir?" tanong ko, hindi maitago ang pagtataka. "Mag-bar tayo," sagot niya, diretso ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang mukha. "Bar? Parang... barita ng sabon?" inosente kong tanong. Bahagya siyang tumawa. "Hindi, P

    Last Updated : 2025-01-08
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Tagay pa more 🥴 Chapter 40

    Chapter 40 Hindi ko na alam kung anong oras na nang magsimula kaming mag-inuman ni Sir Ethan. Ang unang baso na akala ko’y magiging maingat lang ay naging seryosong pagsubok sa aming "limit." Na para bang, isang malaking contest kung sino ang mas mabilis malasing, at sa mga oras na iyon, sa aming dalawa, mukhang ako ang nangunguna. "Isa pa, Pipay!" sigaw ni Sir Ethan, na tila hindi pa kontento sa ininom niya. "Kaya mo pa ba?" "Tsk, kaya ko pa, Ethan!" sagot ko, kahit na ang mga mata ko ay nagsimula nang magsayaw sa paligid. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang boses ko. Ang feeling ko na lang, parang may halong nakakatuwa at nakakabaliw. "Ang saya pala ng ganito, no?" lasing kong sabi. Tumawa siya ng malakas. "Oo nga, Pipay! Saka ang saya mo palang kasama! Hindi ko akalain na magka-enjoy ako ng ganito," lasing nitong sabi. Nagpatuloy pa kami, at bawat bote ng inumin ay parang nagiging kwento ng kalokohan. Hindi ko na alam kung anong mga kwento ang napag-usapan namin, per

    Last Updated : 2025-01-09
  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥴 Masakit ba, Pipay? 🥴Chapter 41

    Chapter 41Third POVDahil sa matinding kalasingan ni Ethan, hindi nito napansin na may kasamang babae sa kama. Ramdam niya ang init sa katawan kaya’t dali-daling hinubad ni Ethan ang kanyang mga damit, naiisip na baka ito ang dahilan ng kanyang discomfort.Ang babae, walang iba kundi si Pipay, ay tulog na tulog rin dahil sa sobrang nainom. Nasa VIP room sila ng bar kung saan sila nagpasya na magpahinga matapos ang gabing puno ng inuman at tawanan.Habang mahimbing na natutulog si Pipay, si Ethan naman ay muling bumagsak sa kama, hindi na alintana ang kanyang paligid. Sa kanyang kawalan ng ulirat, ni hindi niya napansin na nasa parehong kama sila ni Pipay.Hanggang gumalaw si Ethan at nakapa niya ang isang katawan ng babae kaya nagbibigay dagdag init sa kanya katawan na hindi alam kung bakit naka ganun. Agad nitong ginapang ni Ethan ang kanyang mga daliri patungo sa dibdib ng katabi nito habang si Pipay ay walang kamalay-malay sa nangyari. Hindi pa nakuntento si Ethan ay agad itong

    Last Updated : 2025-01-10

Latest chapter

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Author Note

    Hello all, sana ay napasaya ko po kayo sa aking akda.... ako po ay lubos nagpapasalamat sa inyong suporta... Sana po ay subaybayan ninyo ang iba kong story naisulat... maraming salamat sa inyong lahat. Love Inday Stories......

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥰Second Chance 🥰 Last Chapter

    Pipay POVHabang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng puso ko. Dalawang taon. Dalawang taon akong namuhay sa sakit at pangungulila, tinanggap na wala na si Ethan, at pilit na binuo ang buhay ko kasama si Jhovel.At ngayon, parang isang iglap lang, bumalik siya—buhay at humihingi ng puwang sa buhay namin.Napahinto ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito. Kung paano pipigilan ang emosyon sa loob ko na parang gusto nang sumabog."Mommy?" tinig ni Jhovel ang pumukaw sa akin.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin, hawak ang kamay ng lalaking akala ko’y hindi ko na muling makikita. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha, halatang may gusto siyang itanong ngunit hindi alam kung paano.Napangiti ako nang pilit. "Anak, halika na sa loob. Magpapalit ka pa ng damit para sa birthday party mo.""Pero Mommy… si Daddy?" may halong pag-aalalang tanong niya.Napatingin ako kay Ethan, at doon ko siya muling nasilayan nang buo. Matangkad, gwapo pa rin tulad

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥰 Special Chapter 🥰

    Chapter 119Dalawang taon. Dalawang taon mula nang huli kong makita si Pipay at si Jhovel. Ngayon, narito ako sa harap ng Vega Mansion, hindi alam kung paano ko haharapin ang mag-inang matagal kong iniwan.Birthday ng anak ko. Ika-pitong taon niya, at ito ang unang pagkakataong makikita ko siya nang malapitan bilang ama niya—hindi bilang isang anino mula sa malayo.Huminga ako nang malalim, pinapakiramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sa loob ng dalawang taon, wala akong nagawa kundi panoorin sila mula sa malayo. Ngayon, oras na para ipakita kong buhay ako—at bumalik ako hindi lang bilang Ethan Monteverde, kundi bilang isang ama kay Jhovel.Pinunasan ko ang pawis sa aking palad bago ako naglakas-loob na lumapit sa gate. Sa loob, maririnig ko ang masasayang tawanan ng mga bata, ang halakhak ng mga bisita, at ang malambing na tinig ng babaeng matagal kong iniwan.Si Pipay.Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin, kung paano siya tutugon sa muli kong pagbabalik. Pero kahit anong mang

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱 Misteryo 😱 Chapter 118

    Ethan POVSa malayo, nakamasid ako sa kanila nakasuot ng itim na hoodie at tahimik na nakamasid sa kanila. Nakatayo ako sa likod ng isang malaking puno, hindi magawang lumapit.Nakita niyang dahan-dahang sumakay si Pipay sa sasakyan, karga si Jhovel. Halata ang lungkot sa kanyang mukha. Mula rito, rinig niya ang mahina ngunit punong-punong sakit na tinig nito nang sabihing, "Daddy is in heaven now, baby…"Napapikit siya, pilit nilulunok ang kirot sa kanyang dibdib."Pipay…" Mahinang bulong niya sa hangin.Gusto niyang lumapit, gusto niyang yakapin ito, gusto niyang sabihing nandito lang siya, buhay siya. Pero hindi niya kaya. Hindi pa.Sa ngayon, kailangan niyang manatiling patay sa mata ng mundo.Huminga siya nang malalim at nilingon ang isang babaeng lumapit sa kanya. Si Cie Jill, ang tanging nakakaalam ng kanyang sikreto."Umalis na sila," mahina niyang sabi sa lalaki. "Huwag ka munang magpapakita sa kanila, lalo na kay Pipay."Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga kamao. "Alam k

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🥲 Huling hantungan 🥲 Chapter 117

    Chapter 117 Kinabukasan, isang madilim at makulimlim na umaga ang bumungad sa amin. Parang nakikisama ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Tahimik akong nagbihis ng itim, hinanda si Jhovel, at pilit na pinatatag ang sarili ko. Habang nasa sasakyan papunta sa sementeryo, mahigpit kong hawak ang maliit na kamay ni Jhovel. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit hindi pa niya lubusang nakilala ang kanyang ama, alam kong dama niya ang pagkawala nito. Pagdating namin sa huling hantungan ni Ethan, marami nang tao roon—mga kaibigan, pamilya, at kasamahan niya sa negosyo. Tahimik ang lahat, tanging ang mahinang iyakan at panaghoy lang ang maririnig. Dahan-dahang inihatid ang kabaong niya sa hukay. Habang bumababa ito, parang unti-unting nababasag ang puso ko. Napakapit ako nang mahigpit kay Jhovel, pinipigilan ang mga luhang pilit na gustong bumagsak. Si Ma’am Margaret ay tahimik na nakatayo sa harapan, ni hindi kumikilos. Kita ko ang sakit sa kanyang

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   💔 Burol 💔 Chapter 116

    Chapter 116Naramdaman kong lumapit si Rafael at marahang pinisil ang balikat ko. "Pipay... kailangan mong magpakatatag para kay Jhovel."Huminga ako nang malalim at pilit na pinunasan ang aking luha. "Alam ko, Rafael... pero ang sakit."Tahimik lang siya, halatang hindi rin alam kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa, bigla kong narinig ang mahina at tila nag-aalalang tinig ni Ma’am Margaret mula sa labas ng pinto."Pipay... handa ka na ba?"Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Pero alam kong wala na akong magagawa—bukas, haharapin ko ang pinakamalaking sakit ng buhay ko.Biglang nagsalita si Jhovel nakaupo sa kama habang nakamasid sa paligid. "Mom, what happened? Bakit po tayo andito? Bakit pong daming tao sa labas?" inosente nitong tanong.Napalunok ako at pilit na pinigilan ang muling pag-agos ng luha ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari? Paano ko sasabihin na ang ama niyang hindi niya pa nakikilala ay… wala na?Lumapit ako sa kama at marahang hinaplos ang buhok ni J

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   🤧 Magpakatatag ka,Pipay 🤧 Chapter 115

    Chapter 115Pipay POVPakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma’am Margaret. Bukas na ang libing ni Ethan.Para akong sinampal ng reyalidad. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang magpaalam.Mabigat ang bawat pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ang kabaong sa harapan ko. Pilit kong iniisip na baka isang masamang panaginip lang ang lahat. Baka kapag nagising ako bukas, nariyan pa rin si Ethan, nakangiti, tatawagin ang pangalan ko gaya ng dati.Pero hindi. Hindi ito panaginip."P-pero, Ma'am... baka puwede nating ipagpaliban kahit isang araw pa?" mahina kong pakiusap, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.Napatingin siya sa akin, ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Para bang may iniisip siyang ibang dahilan na hindi niya kayang sabihin sa akin."Hindi na natin pwedeng patagalin pa," sagot niya nang matigas. "Mas mabuti na rin na matapos agad ang lahat."Tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapipigilan ang saki

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱 Bukas ang libing 😱 Chapter 114

    Chapter 114Tahimik akong tumayo sa harap ng kabaong, pinagmamasdan ang bawat detalye nito. Napakabigat sa loob ko ang pagpapanggap na ito, pero wala akong ibang pagpipilian.Biglang bumukas ang pinto ng mansyon, at pumasok sina Pipay kasama sina Rafael, Lucas, at Tristan. Agad kong napansin ang pamumugto ng kanyang mga mata—halatang kakaiyak lang niya.Napalunok ako. Paano ko matitiis ang sakit na pinapasan niya ngayon?Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, nanginginig ang kamay habang hinahaplos ang ibabaw nito. "Ethan..." mahina niyang tawag, na parang umaasang sasagot ito.Hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko maaaring sirain ang plano namin."Ma'am Margaret," basag ni Pipay sa katahimikan. Lumingon siya sa akin, at doon ko nakita ang matinding hinanakit sa kanyang mga mata. "Paano po nangyari ito? Bakit po siya kinuha nang ganito kabilis?"Napapikit ako at pilit na pinakalma ang sarili. "Isang aksidente, anak..." m

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   😱Buhay ka pa pala, Ethan 😱 Chapter 113

    Chapter 113 Margaret POVPinamasdan ko ang bulto sa likuran ni Pipay habang papaalis. "Patawad, Pipay anak. Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ninyong dalawa," mahina kong sabi."Tita, sure ka na ba sa plano mong palihim kay Pipay na hindi pa patay si Ethan?" wika sa ex-fiance sa aking anak."Oo, buo na ang loob ko, Cie Jill. Kailangan kong gawin 'to!" tugon ko dito.Alam ko magagalit ito kapag nalaman niyang totoo na buhay si Ethan, pero kailangan itong maoperahan sa ibang bansa dahil matindi ang damage natamo nito sa disgrasya kanina."Pero, Tita, paano kung matuklasan ni Pipay ang totoo?" nag-aalalang tanong ni Cie Jill.Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa ngayon. Kailangan niyang lumayo sa sitwasyon, at higit sa lahat, kailangan nating bigyan si Ethan ng pagkakataong mabuhay."Napayuko si Cie Jill, halatang nag-aalinlangan. "Pero, Tita, may karapatan si Pipay na malaman ang totoo. Anak niya si Jhovel, at—"Pinutol ko siya. "At kay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status