Chapter 15 Ethan POV Habang nakaupo ako sa gilid ng kama, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero hindi, hindi talaga ako mapakali. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Pipay. "Hindi pa tuli? Gusto ba niya ipakita ko sa kanya ang aking dragon?" inis kong bulong sa sarili ko habang halos mapunit ko na ang kwelyo ng suot kong polo. Bakit ba ang lakas ng loob niyang sabihin ‘yun sa akin? At bakit naman parang nasa tamang timpla siya ng lakas ng loob? Siya pa ang nagtatanong, na parang nagdududa talaga? Napalakad ako papunta sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko nang matagal. "Ako na ito—Ethan Monteverde, CEO, successful, matalino, at syempre, walang bahid ng kahinaan. Eh bakit ba naman kailangan kong patulan ang mga salita ng isang katulong? Pero... bakit parang hindi ko matanggap?" bulong ko sa aking sarili. Tumingala ako, pinilit ang sarili kong huwag magalit. Pero imbes na ma-relax, bigla kong naalala ang mga hirit niya kanina: "Sabihin mo sa nobya mo na
Chapter 16Napahinto ako sa malayo. Ang plano ko kanina na sigawan siya? Biglang hindi ko na magawa. Paano mo sisigawan ang taong parang walang ginawang masama?Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako nang matagal. Hanggang sa bigla siyang lumingon sa direksyon ko.“Sir Ethan!” sigaw niya, sabay lapit sa akin. “Gusto niyo po bang tikman ang piyaya ko? Mas pinagbuti ko na po ang lasa, hindi na kasing tamis ng pagmamahalan niyo ng nobya niyo!”Napasimangot ako. Eto na naman siya. Pinapaalala pa talaga ang nobya ko sa piyaya?“Hindi ako interesado,” sagot ko, pero sa totoo lang, gusto kong tikman.“Ah, ganun ba? Sige po, sayang. Ang dami ko pang niluto, baka si Ma’am Cassandra ang gusto niyo pong subuan—ay, sorry, busy po pala siya sa ibang bagay,” biro niya, sabay ngiti.Napairap ako, pero sa loob-loob ko, hindi ko na alam kung galit pa ba ako o natatawa. Paano ba naman, si Pipay? Siya lang talaga ang taong kayang baliwin ang buong sistema ko.Pagkatapos ng kanyang biro, bigla niyan
Chapter 17 Bumuntong hininga na lamang ako saka tumayo upang umakyat na lamang sa itaas. "Saan ka pupunta, Ethan?" tanong ni Mom. "Sa itaas po, Mom. May gagawin akong importante!" bigkas ko saka humakbang paalis. "Oh, I see!" tugon lang niya sa akin. "Pipay, gumawa ka ng bagong piyaya at pagkatapos ibalot mo sa iba. Alam mo ba nasarapan ang mga amega ko kahapon," dinig kong sabi ni mom dito. "At saka magtira ka na lang apat na piraso para sa Baby Ethan, ihatid mo lang pagkatapos mong magluto," dagdag nitong sabi. "Okay po Ma'am!" agad nitong sagot. Habang naglalakad ako patungo sa aking kwarto ay nag-isip ako ng paraan upang makaganti kay Pipay. Hanggang pumasikasok sa aking isip ang isang magandang ideya ag siguro akong si Mommy mismo ang magpatalsik dito. Pagdating ko sa silid ay agad ako ng praktis kung paano ko sabihin at paano ko ito aakitin. First time kong mang-akit ng babae at ang masaklap pa ay ang aking Nanny pa. Pagsapit ng 3:00 PM ay nakarinig na ako ng ma
Chapter 18 "Panghihiram kang bata ka! Alam mo ba kung paano mo kami pinataranta," inis na sabi sa aking ina. "Ako bang panaginip mo, ha?" dagdag nitong sabi. Kaya napatingin ako ng seryoso, nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba o hindi. Kung sasabihin ko sigurado akong pagtatawanan niya ako. Kaya mas mainam na magsinungaling na lamang ako. "I have a bad dreams, Mommy!" bigkas ko sabay iwas tingin. "Anong panaginip yan, gaano ka sama?" tanong niya sa akin. "Sobrang sama, Mom!" tugon ko. Agad namang napataas ang kanyang kilay sa aking sinabi. "Tell me, anong klaseng bangungut -yan?" tanong na kaya napalunok ako ng lawas dahil wala akong maisip kung anong sasabihin ko hanggang napako ang mata ko sa isang pirasong piyaya nasa aking harapan. "Yan, tama! Yan ang masamang napanaginipan ko!" sabay turo ko sa piyayang natira. Ang akala ko ay maawa ang aking mommy dahil sa masamang panaginip ko. Pero bigla na lang itong tumawa na parang nasiyahan pa sa kanyang nawal
Chapter 19 Pagkatapos naming kumain, habang nagliligpit na si Pipay at bumalik sa kusina, biglang dumating ang aking nobya, si Cassandra. Bitbit niya ang kanyang designer handbag at naka-power dress pa, na parang pupunta sa board meeting sa halip na makipag-bonding. Masayang-masaya ang ngiti niya, pero nang makita ko si Mommy na palihim na naka-irap sa kanya, alam kong may kung anong tensyon na namumuo. “Hi, Baby Ethan!” bati ni Cassandra habang yumakap sa akin. Agad naman siyang umupo sa tabi ko, para bang sinisiguradong mapansin siya ng lahat. “Good morning, Cassandra,” sagot ko, pilit na ngumiti kahit alam kong hindi ko trip ang masyadong dramatic na entrance niya. Samantalang si Mommy, hindi ko alam kung sadya o trip lang, pero bigla na lang umubo nang malakas. Hindi ko maiwasang mapansin ang iritasyon sa kanyang mukha habang palihim siyang tumingin kay Cassandra na parang nakakita ng nakakalason na halaman. “Good morning po, Tita!” masiglang bati ni Cassandra kay Mommy,
Chapter 20 Pipay POV Habang abala akong nag-aalok ng piyaya cake sa mga kasamahan ko sa mansyon, hindi ko maiwasang pakinggan ang usapan nina Ma'am Margaret at Ma'am Cassandra. Kung tutuusin, wala naman akong pakialam, pero ang paraan ng pagkakasabi ni Ma'am Margaret ng mga linya niya, aba, parang eksena sa teleserye! Pinipigilan ko ang mapangiti habang nagtataka ang mga kasamahan ko sa kitchen. "Pipay, bakit parang ang saya mo?" tanong ni Manang Glo, ang pinakamatagal nang katulong dito sa bahay. "Eh kasi naman, ang tapang ni Ma'am Margaret kay Ma'am Cassandra! Tapos ang arte-arte pa ng dating nobya ni Baby Ethan," sambit ko pero may biglang napatigil ako ng na-realize ang tawag ko sa aking alaga. 'Wait, Baby Ethan na pala ang tawag ko sa amo ko ngayon. At ang cute din pakinggan,' ngiti ko ng lihim. Hindi ko maiwasang isipin ang reaksyon ni Ma'am Cassandra habang pinaparinggan siya ni Ma'am Margaret. Tila ba napaso sa init ng kape ang mukha niya sa sobrang inis. Pero a
Bigla akong napahinto sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni nang marinig kong sumabog na sa galit ang nobya ni Baby Ethan. Para akong napatigil sa paghinga habang parang teleserye ang eksenang nakikita ko."From now on, ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng Baby dahil ako ang kanyang nobya. Nanny ka lang niya, kaya ilugar mo ang sarili mo, Pipay," galit na sabi ni Ma’am Cassandra, sabay taas ng isang kilay at flip ng buhok na parang nasa shampoo commercial.Shocks, ang intense! Napatitig ako sa kanya, tapos kay Baby Ethan, na halatang gustong magpalamon sa upuan sa sobrang hiya.Pero syempre, hindi naman ako papatalo nang ganun-ganun lang! Nag-deep breath ako, parang nagha-handang makipag-debate sa National Quiz Bee."Ma’am Cassandra, pasensya na po kung na-offend kayo," sabi ko, nakangiti pero halatang may konting asaran mode. "Pero FYI lang po, hindi naman po ako nagkakaila. Talagang nanny lang ako. Pero kahit nanny, pwede namang magbigay ng cute na palayaw, di ba po?"Si
Chapter 22 Habang abala ako sa mga gawain ko sa kusina—naglilinis ng pinagkainan at nag-aayos ng mga kalat—hindi ko pa rin maiwasan ang maalala ang nangyari kanina sa hapag-kainan. Para akong nanood ng live na drama, with matching comedy. Si Baby Damulag—ay, si Sir Ethan pala—umakyat sa itaas kasama ang kanyang nobya, si Ma’am Cassandra, matapos ang ma-init na eksena. Siguro nag-cool down na sila... o baka nagdi-discuss kung paano ako patatalsikin? Pero alam ko namang malabong mangyari iyon, kasi kahit medyo sira-ulo ako minsan, mahal ako ni Baby Damulag. "Hay naku, ang hirap talagang maging nanny sa ganitong klase ng pamilya," bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mesa. Pero syempre, hindi ko pinapakitang affected ako. Tuloy-tuloy pa rin ang trabaho, kahit ang isip ko ay parang marathon runner sa pag-iisip ng mga kaganapan. Naalala ko ang tingin ni Ma’am Cassandra kanina—parang gusto na niya akong ibalibag palabas ng mansyon. Pero si Ma’am Margaret? Aba, siya pa ang n
Hello all, sana ay napasaya ko po kayo sa aking akda.... ako po ay lubos nagpapasalamat sa inyong suporta... Sana po ay subaybayan ninyo ang iba kong story naisulat... maraming salamat sa inyong lahat. Love Inday Stories......
Pipay POVHabang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng puso ko. Dalawang taon. Dalawang taon akong namuhay sa sakit at pangungulila, tinanggap na wala na si Ethan, at pilit na binuo ang buhay ko kasama si Jhovel.At ngayon, parang isang iglap lang, bumalik siya—buhay at humihingi ng puwang sa buhay namin.Napahinto ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito. Kung paano pipigilan ang emosyon sa loob ko na parang gusto nang sumabog."Mommy?" tinig ni Jhovel ang pumukaw sa akin.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin, hawak ang kamay ng lalaking akala ko’y hindi ko na muling makikita. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha, halatang may gusto siyang itanong ngunit hindi alam kung paano.Napangiti ako nang pilit. "Anak, halika na sa loob. Magpapalit ka pa ng damit para sa birthday party mo.""Pero Mommy… si Daddy?" may halong pag-aalalang tanong niya.Napatingin ako kay Ethan, at doon ko siya muling nasilayan nang buo. Matangkad, gwapo pa rin tulad
Chapter 119Dalawang taon. Dalawang taon mula nang huli kong makita si Pipay at si Jhovel. Ngayon, narito ako sa harap ng Vega Mansion, hindi alam kung paano ko haharapin ang mag-inang matagal kong iniwan.Birthday ng anak ko. Ika-pitong taon niya, at ito ang unang pagkakataong makikita ko siya nang malapitan bilang ama niya—hindi bilang isang anino mula sa malayo.Huminga ako nang malalim, pinapakiramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sa loob ng dalawang taon, wala akong nagawa kundi panoorin sila mula sa malayo. Ngayon, oras na para ipakita kong buhay ako—at bumalik ako hindi lang bilang Ethan Monteverde, kundi bilang isang ama kay Jhovel.Pinunasan ko ang pawis sa aking palad bago ako naglakas-loob na lumapit sa gate. Sa loob, maririnig ko ang masasayang tawanan ng mga bata, ang halakhak ng mga bisita, at ang malambing na tinig ng babaeng matagal kong iniwan.Si Pipay.Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin, kung paano siya tutugon sa muli kong pagbabalik. Pero kahit anong mang
Ethan POVSa malayo, nakamasid ako sa kanila nakasuot ng itim na hoodie at tahimik na nakamasid sa kanila. Nakatayo ako sa likod ng isang malaking puno, hindi magawang lumapit.Nakita niyang dahan-dahang sumakay si Pipay sa sasakyan, karga si Jhovel. Halata ang lungkot sa kanyang mukha. Mula rito, rinig niya ang mahina ngunit punong-punong sakit na tinig nito nang sabihing, "Daddy is in heaven now, baby…"Napapikit siya, pilit nilulunok ang kirot sa kanyang dibdib."Pipay…" Mahinang bulong niya sa hangin.Gusto niyang lumapit, gusto niyang yakapin ito, gusto niyang sabihing nandito lang siya, buhay siya. Pero hindi niya kaya. Hindi pa.Sa ngayon, kailangan niyang manatiling patay sa mata ng mundo.Huminga siya nang malalim at nilingon ang isang babaeng lumapit sa kanya. Si Cie Jill, ang tanging nakakaalam ng kanyang sikreto."Umalis na sila," mahina niyang sabi sa lalaki. "Huwag ka munang magpapakita sa kanila, lalo na kay Pipay."Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga kamao. "Alam k
Chapter 117 Kinabukasan, isang madilim at makulimlim na umaga ang bumungad sa amin. Parang nakikisama ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Tahimik akong nagbihis ng itim, hinanda si Jhovel, at pilit na pinatatag ang sarili ko. Habang nasa sasakyan papunta sa sementeryo, mahigpit kong hawak ang maliit na kamay ni Jhovel. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit hindi pa niya lubusang nakilala ang kanyang ama, alam kong dama niya ang pagkawala nito. Pagdating namin sa huling hantungan ni Ethan, marami nang tao roon—mga kaibigan, pamilya, at kasamahan niya sa negosyo. Tahimik ang lahat, tanging ang mahinang iyakan at panaghoy lang ang maririnig. Dahan-dahang inihatid ang kabaong niya sa hukay. Habang bumababa ito, parang unti-unting nababasag ang puso ko. Napakapit ako nang mahigpit kay Jhovel, pinipigilan ang mga luhang pilit na gustong bumagsak. Si Ma’am Margaret ay tahimik na nakatayo sa harapan, ni hindi kumikilos. Kita ko ang sakit sa kanyang
Chapter 116Naramdaman kong lumapit si Rafael at marahang pinisil ang balikat ko. "Pipay... kailangan mong magpakatatag para kay Jhovel."Huminga ako nang malalim at pilit na pinunasan ang aking luha. "Alam ko, Rafael... pero ang sakit."Tahimik lang siya, halatang hindi rin alam kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa, bigla kong narinig ang mahina at tila nag-aalalang tinig ni Ma’am Margaret mula sa labas ng pinto."Pipay... handa ka na ba?"Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Pero alam kong wala na akong magagawa—bukas, haharapin ko ang pinakamalaking sakit ng buhay ko.Biglang nagsalita si Jhovel nakaupo sa kama habang nakamasid sa paligid. "Mom, what happened? Bakit po tayo andito? Bakit pong daming tao sa labas?" inosente nitong tanong.Napalunok ako at pilit na pinigilan ang muling pag-agos ng luha ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari? Paano ko sasabihin na ang ama niyang hindi niya pa nakikilala ay… wala na?Lumapit ako sa kama at marahang hinaplos ang buhok ni J
Chapter 115Pipay POVPakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma’am Margaret. Bukas na ang libing ni Ethan.Para akong sinampal ng reyalidad. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang magpaalam.Mabigat ang bawat pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ang kabaong sa harapan ko. Pilit kong iniisip na baka isang masamang panaginip lang ang lahat. Baka kapag nagising ako bukas, nariyan pa rin si Ethan, nakangiti, tatawagin ang pangalan ko gaya ng dati.Pero hindi. Hindi ito panaginip."P-pero, Ma'am... baka puwede nating ipagpaliban kahit isang araw pa?" mahina kong pakiusap, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.Napatingin siya sa akin, ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Para bang may iniisip siyang ibang dahilan na hindi niya kayang sabihin sa akin."Hindi na natin pwedeng patagalin pa," sagot niya nang matigas. "Mas mabuti na rin na matapos agad ang lahat."Tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapipigilan ang saki
Chapter 114Tahimik akong tumayo sa harap ng kabaong, pinagmamasdan ang bawat detalye nito. Napakabigat sa loob ko ang pagpapanggap na ito, pero wala akong ibang pagpipilian.Biglang bumukas ang pinto ng mansyon, at pumasok sina Pipay kasama sina Rafael, Lucas, at Tristan. Agad kong napansin ang pamumugto ng kanyang mga mata—halatang kakaiyak lang niya.Napalunok ako. Paano ko matitiis ang sakit na pinapasan niya ngayon?Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, nanginginig ang kamay habang hinahaplos ang ibabaw nito. "Ethan..." mahina niyang tawag, na parang umaasang sasagot ito.Hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko maaaring sirain ang plano namin."Ma'am Margaret," basag ni Pipay sa katahimikan. Lumingon siya sa akin, at doon ko nakita ang matinding hinanakit sa kanyang mga mata. "Paano po nangyari ito? Bakit po siya kinuha nang ganito kabilis?"Napapikit ako at pilit na pinakalma ang sarili. "Isang aksidente, anak..." m
Chapter 113 Margaret POVPinamasdan ko ang bulto sa likuran ni Pipay habang papaalis. "Patawad, Pipay anak. Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ninyong dalawa," mahina kong sabi."Tita, sure ka na ba sa plano mong palihim kay Pipay na hindi pa patay si Ethan?" wika sa ex-fiance sa aking anak."Oo, buo na ang loob ko, Cie Jill. Kailangan kong gawin 'to!" tugon ko dito.Alam ko magagalit ito kapag nalaman niyang totoo na buhay si Ethan, pero kailangan itong maoperahan sa ibang bansa dahil matindi ang damage natamo nito sa disgrasya kanina."Pero, Tita, paano kung matuklasan ni Pipay ang totoo?" nag-aalalang tanong ni Cie Jill.Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa ngayon. Kailangan niyang lumayo sa sitwasyon, at higit sa lahat, kailangan nating bigyan si Ethan ng pagkakataong mabuhay."Napayuko si Cie Jill, halatang nag-aalinlangan. "Pero, Tita, may karapatan si Pipay na malaman ang totoo. Anak niya si Jhovel, at—"Pinutol ko siya. "At kay