Share

Kabanata 1

“That's just divorce papers, Iyana. Gaano ba kahirap sa 'yo ang pumirma?!”

Napasinghap ako sa takot dahil sa galit at malakas na sigaw ng lalaki. Ang namumuong luha sa mga mata ko ay tuluyang kumawala habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

“M-Mahirap, Bryant. Mahirap k-kasi mahal kita. Sabi mo, mahal mo rin ako, 'di ba?”

Tumawa siya. “Hindi mo pa rin ba nakukuha hanggang ngayon? Paulit-ulit na lang, Iyana! Hindi na kita mahal!” Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Nawala na, Iyana. Hindi na kita mahal.”

Paulit-ulit. Diin na diin. Tila wala lang sa kaniya na sabihin sa akin na hindi na niya ako mahal. Tila wala lang sa kaniya na paulit-ulit akong nadudurog sa harapan niya dahil sa mga sinasabi niya.

“P-Paano?”

Bakit ang bilis naman yata? Parang kahapon lang noong inaya niya akong magpakasal. Parang kahapon lang noong sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako sa harap ng altar at sa harap ng mga taong mahahalaga sa amin.

Anong nangyari? Bakit ang bilis?

“S-Simula noong nakilala ko si Elyse . . .”

Napahilamos siya sa mukha gamit ang mga palad. He looked more frustrated than I was. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi nang gano'n na lang kadali ang mga salitang 'yon.

“Hindi ko alam, Iyana. I lost the sparks with you. H-Hindi ko na ramdam. Hindi na kita mahal.”

“B-Bryant! H-Hindi naman puwedeng ganito na lang. Paano naman ako? M-Mahal pa kita.”

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. “May nangyari sa amin ni Elyse. We're expecting a child soon. Kailangan ko siyang panagutan.”

Hindi ako makapaniwalang tumigin sa kaniya. “M-May nangyari sa inyo . . . habang tayo pa?”

“For fuck's sake, Iyana! I gave you these divorce papers one month ago! Isang buwan na simula noong sinabi ko na hindi na kita mahal! Ano pa bang hindi mo maintindihan?!”

Umiling ako. “Y-You cheated on me. Pananagutan mo siya pero ako? Iiwan mo? Ano, Bryant? Kasal pa tayo—”

“Let's stop this bullshit!” malakas na sigaw niya na sigurado akong narinig sa buong mansyon. “You will sign that divorce papers! Sa ayaw at sa gusto mo! Ako na ang nagsasabi sa 'yo, wala ka nang makukuha sa akin.”

Just like that, he left me with the few pages of papers he wanted me to sign.

Gano'n na lang ba talaga 'yon? Ibig sabihin, wala lang talaga sa kaniya ang nangyari sa amin noong gabing 'yon? Wala lang sa kaniya ang nangyari sa amin isang buwan na ang nakalilipas?

Pareho kaming lasing noon ngunit malinaw na malinaw sa alaala ko na ilang beses niya akong inangkin noong gabing 'yon. Bakit tila hindi niya manlang maalala? I didn't hear him say that he love me, pero naramdaman ko. Sa bawat halik at haplos niya sa akin, naramdaman ko.

Wala lang ba talaga sa kaniya 'yon?

Pumasok ako sa kuwarto ko at doon humagulgol nang malakas. Nanghihina akong umupo sa kama ko. Inilapag ko ang envelope na hawak ko sa tabi ng positive pregnancy test result na binalak ko pa na ipakita sa kaniya. Kasabay ng pagdampot ko ro'n ay ang marahang paghaplos ko sa tiyan ko.

Paano ang anak namin?

Tila gumuho ang mundo ko noong mga oras na 'yon. Gigising akong mugto ang mga mata at matutulog na humahagulgol. Ilang araw kong natutulugan ang pag-iyak ko. Alam kong masama 'yon para sa batang dinadala ko, ngunit sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan.

Pagkatapos kong matanggap na wala na talagang pag-asa na maayos ang pagsasama namin ni Bryant, I signed the divorce papers, gaya ng gusto niya.

Alam kong hangga't nandito ako sa mansyon ng mga Gromeo ay hindi gagaan ang pakiramdam ko at mas lalo lang gugulo ang buhay ko. Hindi ko gustong may mangyaring masama sa anak ko kaya ibinigay ko kung ano ang gusto ni Bryant.

Ang anak ko na lang ang tanging meron ako sa ngayon. Hindi ko hahayaan na pati siya ay mawala pa sa akin. Mahal ko pa si Bryant at hindi ko gustong mawala ang magsisilbing alaala ko mula sa kaniya.

Bukas na ang nakatakdang pag-alis ko. Walang silbi ang plano kong pagpapaalam kay Bryant dahil hindi na niya ako pinapansin. Simula noong pinirmahan ko ang divorce papers namin, tila hangin na lang ako sa kaniya kung daanan. Kahit hindi niya sabihin, alam kong hinihintay na lang niya ako na umalis. Alam ko rin na anumang oras mula ngayon, siya na mismo ang magpapalayas sa akin.

Kaya bago pa man mangyari 'yon, ako na ang gagawa. Hindi ko gusto na madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Bago pa man mahalata ng kung sino man dito sa mansyon na buntis ako, aalis na ako.

“He lied to you.”

Papasok na ako sa kuwarto ko nang marinig ko ang malalim at malamig na boses na 'yon. Lumingon ako at nakita si Arden, ang nakatatandang kapatid ni Bryant.

Bago namatay ang mga magulang nila, gustong-gusto nila si Bryant. While Arden? He was called as the black sheep of the family. Siya ang nakatakdang magmana sa kumpanya ng pamilya Gromeo dahil siya ang panganay. Ngunit dahil naunang magpakasal si Bryant sa kaniya, si Bryant ang nakakuha sa kumpanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Bryant didn't love you. He just used you to claim the company before I could even marry.”

I clenched my fists. “W-Wala kang karapatang sabihin 'yan, Arden. He loved me. Kahit papaano, minahal ako ng kapatid mo.”

Ngumisi siya. “You don't know it, do you? I guess no one ever told you. Every maid in this mansion knows that he met Elyse first than you. He loved Elyse first— I don't think Bryant stopped loving her. Hindi ka niya minahal.”

Nagsimulang manubig ang mga mata ko.

Tama na.

Sobra na akong nasasaktan.

Paulit-ulit ko na lang na naririnig ang mga salitang 'yon. Pagod na pagod na ako.

“Kung totoo nga 'yan, kung talagang mas nauna niyang minahal si Elyse, bakit hindi siya ang pinakasalan ni Bryant? Bakit ako ang pinakasalan niya? Nagsisinungaling ka!”

Sumandal siya sa pader na kaharap lang ng pinto ng kuwarto ko. “The answer is simple: Elyse doesn't love him back then. Ikaw ang nandiyan, kaya ikaw ang pinakasalan. He was that desperate to get the company from me.”

Mabigat ang paghinga ko. Tuluyan na akong humagulgol sa harap ni Arden habang pinapagtanto ang lahat ng bagay.

Did I become a fool to not realize that on my own? Masiyado ba akong nalunod sa pagmamahal ko para kay Bryant para hindi makita na peke ang pagmamahal na ipinakita niya sa akin dati?

Bakit naman gano'n?

“I can offer you something.”

Inangat ko ang tingin kay Arden. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit ang sarili na tumigil mula sa pag-iyak.

“Marry me. I'll make you my wife. I can save you from shame at the same time I can get the company back.”

Tumawa ako nang mapait. “Ano? Gagamitin nanaman ako?” Nanghihina akong tumingin nang diretso sa mga mata niya. “Gagamitin mo rin ako para makuha ang gusto mo?”

Hindi naman ako pinanganak para gamit-gamitin lang ng kung sino-sino!

An unknown emotion immediately filled Arden's eyes. “Iyana, it's not like that.”

Mariin akong umiling sa kaniya. “I can't marry you, Arden. I'm sorry.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status