I Love you, Bodyguard

I Love you, Bodyguard

last updateLast Updated : 2021-03-23
By:  Alliyahmae22Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.8
18 ratings. 18 reviews
25Chapters
30.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Mark San Andres. Seryosong tao, workaholic at tila hindi alam ang salitang pahinga. Isang magaling na Bodyguard si Mark, magaling sa lahat nang bagay pero walang oras sa pakikipag-relasyon Ngunit nang dahil sa isang text message, Nagbago ang lahat. pati ang kanyang puso. matatanggap ka

View More

Chapter 1

Chapter one

  "MARK, maasahan ba kita?" mataman na nakatitig si Mr. Ronaldo Leviste kay Mark.

    "Don't worry, ako na po ang bahala sa lahat Mr. Leviste, I'll take care of your daugther," wika ni Mark habang nakikipagkamay dito. 

    "Just make sure that she's always safe Mark," bilin nito.

    "Yes, sir!" sagot naman ni Mark.

    "Okay, hindi niya dapat malaman na ikaw ang Bodyguard niya, lagi mo siyang sasamahan kahit saan pa siya magpunta. Ayoko nang maulit ang nangyari noon, dahil sa kapabayaan ng huling bodyguard niya napahamak ang anak ko," Anito, "Sige na, you can go now, And mark" pahabol na tawag ni Don Ronaldo sa kanya. "Thank you for taking the job." tumango lang siya dito at lumabas na nang silid.

    Palabas na nang mansyon si Mark nang makita s'ya ni Joan habang pababa ito ng hagdan.

    "Mark!" tawag nito sa kaibigan. "What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Joan sa kaibigan.

    "Kina-usap ko lang ang papa mo, about business." Nakangiting saad ni Mark sa kaibigan.

    "Okay, Well bibisita ka ba ngayon kay Glazey? Miss ko na bestfriend natin. Sure ako na stress na s'ya sa trabaho, pareho na kayong dalawa you're both workaholic, hindi n'yo na nae-enjoy ang saya nang buhay! Ano kaya ang dapat nating gawin?" malambing na tanong nito kay Mark.

    "Ayain natin s'yang mag bar, matagal na rin ng huli tayong uminom, okay ba iyon sa'yo?" Tanong nito kay joan at sabay inakbayan.

    "That's great! mamaya paglabas namin ng opisina aayain ko siya. And Mark, narito ka na rin naman pahatid naman ako sa office." Paki-usap nito sa kaibigan.

    "Sure, come on. Bilisan na natin at baka ma-late ka pa!" wika nito sa kaibigan at sabay silang lumabas ng mansyon.

    Habang nasa sasakyan, napatingin si Joan kay Mark at nagwika, "Ngayon ko lang napansin na guwapo ka pala!" natatawang saad nito kay Mark.

    "Seriously, Joan, ngayon mo lang napansin? E, matagal na akong guwapo, kahit itanong mo pa kay azey." Mayabang nitong sambit.

    "Yeah right!" Joan smirk at mark. "Alam mo ba kung hindi lang tayo magkakaibigan since high school, mapagkakamalan ko kayong mag jowa! Hindi ka ba na-attempt na ligawan si glaze? you know she's beautiful, sexy, brainy, mabait at masipag, i-plus mo na, sobrang mapagmahal na tao, Ano yun! manhid ka ba?" Nagtatakang tanong nito kay Mark.

    "Look, Azey is just a sister to me and besides, Nangako ako sa parents n'ya noon na aalagaan ko s'ya." Paliwanag ni Mark dito, "Mahal ko si Azey, pero bilang isang kapatid lang, bukod dun wala na." seryosong saad nito.

    "E, ako?" tanong niya kay Mark. "Hindi ka ba nagagandahan sa akin?" Seryosong tanong n'ya kay Mark.

    "Joan ano ka ba we've been friends for so many years, Hanggang ngayon iyan pa rin ang tanong mo sa akin?" Natatawang saad nito kay Joan. Sumimangot lang ang dalaga sa kanya at sabay irap.

    "I hate you Mark! Alam mo naman kung ano ang nararamdaman ko sa'yo noon pa. Pero hanggang ngayon parang bale wala pa rin iyon sa'yo. Sarap mong sapakin!" Nanggigigil na sambit nito. Natatawa lang si Mark sa mga pinagsasasabi ni Joan sa kanya. Hanggang sa makarating sila ng office ay hindi pa rin nito pinansin si Mark, 

        "Joan! ang pikon mo talaga, h'wag ka ng magalit hindi bagay sa'yo," wika nito ng makababa na sila ng sasakyan, nakangiting humarap siya kay Joan at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Hey, don't be mad, you know my reasons." malambing na wika niya kay Joan. "We're friends and i dont want you to get mad at me, you and Azey are the only friends i got. Well, i have a few friends but you two are my closest, kaya h'wag ka nang magalit, sige na ngiti na please?" wika niya kay Joan na nakatingin lang sa kanya.

        "Alam mo talaga weakness ko, Ano?" Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang mukha at lumayo siya nang bahagya. "Kailangan mo na din mag girlfriend Mark, para hindi kami ni Glaze ang iniintindi mo," at naglakad na siya palayo kay Mark, ngunit sumunod pa din ito sa kanya. 

        "I know pero talagang hindi pa ako handa magmahal, I focus on my work, at ayokong ma-distract, napaka demanding pa naman niyong mga babae." anito sa kaibigan.

       "Not everybody Mark, Bakit ako naiintindihan ko naman ang klase ng trabaho mo. Minsan bodyguard ka, minsan businessman ka, Pero hindi ka ba napapagod?" Sagot ni Joan ng humarap siya kay Mark. "Your parents are not here, paano kung magkasakit ka, walang mag-aalaga at mag-aasikaso sa iyo! I'm always Damn worried about you!" paliwanag niya kay Mark.

      "Joan, napapagod din ako, pero sa ngayon talaga, Ayoko munang makipag relasyon. After my last girlfriend, nagdesisyon ako na hindi na muna ako manliligaw" sagot niya rito.

     "Yeah right! sige na papasok na ako, Ingat ka." paalam niya rito at sabay lakad papasok ng building. Naglalakad na siya ng may biglang tumawag sa kaniya. 

       "Joannah!" sigaw nito na kaniya namang ikinagulat.

      "Shane!" aniya, habang sapo ang kaniyang dibdib. "Grabe nakakagulat ang pagtawag mo!" saad niya sabay yakap sa kaibigan. 

      "Sorry, na-excite lang ako nang makita kita." paliwanag nito sa kanya. "Halika na, sabay na tayo pumasok sa loob." at magkasabay silang naglakad papasok nang building. habang naglalakad at pasakay ng elevator nagtanong si Shane kay Joan.

       "Nakita kitang kasama si Mark? kumusta naman, wala pa din bang development?" seryosong tanong nito kay Joan. Umiling lang ito kay shane at pagak naman itong tumawa. "Wow, mister manhid talaga! kahit napaka bold na nang feelings mo sa kanya, until now wala pa rin? grabe! may nabubuhay palang  katulad niya rito sa mundo?" natatawang wika ni Shane.

      "Okay lang, Atleast we're close friends and hindi niya kami pinababayaan ni Azey." Dahilan ni Joan.

      "Yeah, the sexytary Azey, Alam mo curious lang ako sa inyo, since ba talaga noon wala siyang naging girlfriend?" Tanong nito kay Joan habang palapit na sila ng kanilang lamesa.

     "Well, meron naman kaya lang nagloko yung huling girlfriend niya, kaya ayun hindi na nanligaw pa." Pagkukuwento nito sa kaibigan.

     "Really? kaya naman pala, na-broken hearted!" Anito nang biglang itong napatigil. "Wait a minute, Joan may naisip akong paraan. Alam kong napaka childish na idea ito, pero i know it will work." Nangingiting saad nito kay Joan.

     "Ano yon? naku, Shane! baka kung ano na naman 'yan. No way ako kung kalokohan iyan. Muntik na akong mapahamak dun sa huling idea mo, at nasisante ang bodyguard ko!"

    "Aba Joan!, hindi ba iyon naman ang plano, ang masisante ang bodyguard mo, kasi nga ayaw mo nang may sumusunod sa'yo." anito, na tumitirik pa ang mga mata.

     "Oo Shane, pero nakakaawa naman yung tao, Napagalitan siya ni papa nang dahil sa ginawa natin." aniya, sa kaibigan.

      "Yeah, pero effective di'ba?" saad nito na tumataas baba pa ang kilay. Kaya natawa na lang si Joan sa kaibigan. "Oo na, ikaw na!" 

     "Ano game ka ba sa naisip ko? Subukan mo lang, para malaman natin kung bading ba si Mark o hindi!"

     "Pasaway ka talaga Shane, siya sige, papayag na ako" sagot niya na may bahagyang pagtawa. 

     "Text him, pero ibang pangalan at ibang number." Paliwanag niya kay joan at may inilabas na keypad phone sa bag. 

     "Seriously, Shane. keypad phone, No way!" tanggi niya. "Alam mong kinakagat ako ng cellphone na iyan, no! bibili na lang ako ng isa pang cellphone. Ayokong gumamit niyan." Anito, sa kaibigan. Natatawa na lang na ibinalik ni Shane ang cp sa kaniyang bag.

       "You know what to do. kaya go girl!" bigay suporta nito sa kaibigan. "H'wag ka lang papahuli, yari ka!" tatawa-tawa na lang itong umalis sa pwesto ni joan.

       "Pasaway talaga," wika ni Joan sa kanyang sarili.

          PASAKAY na si Mark sa kanyang sasakyan ng makatanggap siya ng text message. Kaya kinuha niya ang phone sa bulsa at tinignan kung sino ito. Nangunot ang kaniyang noo ng makita na galing ito sa isang unknown number.

        "Hi!"

Tanging laman ng text. dahil nais na malaman ni Mark kung sino ang nagtext ay nireplayan niya ito.

       "Who's this?" tanong nya dito.

       "I'm Summer, you look good today. Mark." replay nito. Nagulat si Mark sa text, at tumingin sa paligid.

         "Bakit mo ako kilala, sino ka? Kanino mo nakuha ang number ko? kung sino ka man, itigil mo ito. I can track you and i can know who you are!" Galit na reply ni Mark dito.

Maya-maya'y tumawag ito sa kanya. Mabilis niya itong sinagot,

      "Hello, mark?" Salita sa kabilang linya. tila parang napako naman si mark sa pagkakatayo dahil sa narinig niyang boses sa kabilang linya. dahil kakaiba ang tinig nito. 

     "Hello?," iyon na lamang ang kanyang nasabi.

     "Mark Sorry, Dont be mad, i just wanna know you better." Anito sa kaniya. 

    "Well you wanna know me better?, Magkita tayo." hamon n'ya sa kausap. Tila natahimik naman ito.

    "Mark, Okay lang ba kung sa ganitong paraan muna tayo mag-usap? I will tell you, if it's the right time to meet, sa ngayon masaya ako na kausap ka. Bye mark." Agad nitong paalam.

     Wala na ang kausap, ngunit hindi pa rin gumagalaw si Mark sa pagkakatayo sa tabi ng sasakyan. Kaya ipinilig na lang niya ang ulo.

     "Grabe para akong na-hypnotized sa boses na iyon. But there's something in her voice, parang pamilyar, pero hindi ko matandaan." saad niya sa kanyang sarili.         "Naku, tama na nga! saka ko na ito iisipin." Kaya sumakay na s'ya ng sasakyan at umalis na.

     Ngunit habang nagmamaneho, Tila naririnig pa rin niya ang boses nito. it's voice seems echoed in his ears. Kaya itinabi muna niya ang sasakyan at itinigil sa tabi ng kalye. 

   Napahilamos na lang siya sa kanyang mukha, Dahil sa iritasyong nararamdaman.

      "That woman! what did she do to me? nakakairita na!" Nang biglang may tumawag ulit sa kanya. Agad niya itong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang caller.

      "Hello? who's this?" Iritadong sagot nya.

     " Hello Mark, This is Mr. Leviste. What happen? Mukha kang iritado, may nangyari ba?" tanong nang matanda sa kanya.

      "Sorry sir, Its nothing may iniisip lang po ako. bakit po kayo napatawag?" magalang niyang tanong dito.

      "Gusto ko lang sanang kumustahin ang prinsesa ko, nasaan na siya? Naihatid mo na ba sa trabaho ng ligtas?" Tanong nito. 

      "Yes sir, naihatid ko na po."

      "Okay, that's good to know, and mark," anito kay Mark.

      "Yes, sir" sagot niya.

      "Please, dont call me sir, call me Tito or Uncle hindi ka naman iba sa akin. Masaya akong ikaw ang Bodyguard ng anak ko. Malaking advantage na ang pagiging magkaibigan niyo. Kaya hindi na mahirap ang makisama sa anak ko. Salamat talaga, Hijo." saad nito sa kaniya.

      "Wala po iyon, Tito, Its my job, Matagal na kaming magkaibigan, Her safety is also my concern." paliwanag niya.

      "Yeah alam ko naman, okay, sige na mag-iingat ka." and the call ends. 

       Nawala na ang nasa kabilang linya, Ibinalik nya ang cp sa bulsa at nagbalik na siya sa pagmamaneho. Habang nagmamaneho ay bumabalik ulit sa kaniyang isip ang tinig ng babaeng tumawag sa kanya.

      "Who is this summer, anyway? Mukhang kailangan kong mag-ingat baka kung sino lang ito. past friends? o baka stalker ko siya." natawa na lang siya sa ideyang pumasok sa isip niya.

      "Babalik na lang muna ako sa office. i have to know who is this summer." wika niya sa kanyang sarili at mabilis na nagmaneho patungo sa kayang Agency.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
JHAZPHER
Recommended basahin!
2022-06-19 23:27:24
3
user avatar
Rai
Maganda ang story ah! nakakainteresting. Bawat chapter worth it basahin. I love it....
2021-12-24 13:52:00
5
user avatar
alittletouchofwinter
I like it. ...
2021-12-24 12:33:36
5
user avatar
Zyra
The premise is very interesting and worth reading! ...
2021-11-06 09:30:15
4
user avatar
KIDMINGUR
Worth reading...️
2021-11-06 00:25:30
4
user avatar
sena.goodnovel
workaholic, sana ako rin. ˖♡♡˖
2021-11-05 22:57:48
3
user avatar
Lord Shinji
Cutey ng story yieee na all ...
2021-11-05 21:40:27
3
user avatar
Zyra
NAku Mark kung alam mo lang! ...
2021-11-05 01:34:24
3
user avatar
cmalmontea
..............................
2021-11-04 21:08:57
3
user avatar
RV Lovecraft
...️......thanks author...️
2021-08-15 19:07:12
6
user avatar
Mary Grace Soriano-Maturan Fabra
5 star ........................
2021-08-12 20:33:04
5
user avatar
RV Lovecraft
maganda ang story sana may story din ang iba........
2021-08-10 22:12:35
5
user avatar
Janet Liansing Sacudit
maganda ang story nya kaso bitin prati...
2021-07-14 16:41:59
5
user avatar
Marj Segui Sison
nice story😊
2021-07-10 09:18:31
5
user avatar
RV Lovecraft
🥰😌😲🥴👩‍❤️‍💋‍👨😄🤭😍🥰😘😚
2021-06-29 14:22:27
5
  • 1
  • 2
25 Chapters
Chapter one
"MARK, maasahan ba kita?" mataman na nakatitig si Mr. Ronaldo Leviste kay Mark. "Don't worry, ako na po ang bahala sa lahat Mr. Leviste, I'll take care of your daugther," wika ni Mark habang nakikipagkamay dito. "Just make sure that she's always safe Mark," bilin nito. "Yes, sir!" sagot naman ni Mark. "Okay, hindi niya dapat malaman na ikaw ang Bodyguard niya, lagi mo siyang sasamahan kahit saan pa siya magpunta. Ayoko nang maulit ang nangyari noon, dahil sa kapabayaan ng huling bodyguard niya napahamak ang anak ko," Anito, "Sige na, you can go now, And mark" pahabol na tawag ni Don Ronaldo sa kanya. "Thank you for taking the job." tumango lang siya dito at lumabas na nang silid. Palabas na nang mansyon si Mark nang makita s'ya ni Joan habang pababa ito ng hagdan. "Mark!" tawag nito sa kaibigan. "What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Joan sa kaibigan. "Kina-usap ko lang ang papa mo, about business." Nakangiting saad ni Mark sa kaibigan. "Okay,
last updateLast Updated : 2021-02-02
Read more
Chapter two
THE CLOCK strikes at five pm. Nagmadali si Mark na makabalik ng office ni Joan. "Shit! I'm late." mabilis siyang tumayo sa kanyang swivel chair at in-off ang computer at agad na naglakad palabas ng kaniyang opisina. "Kailangang masundo ko si Joan," kinuha niya ang cp sa bulsa at kaagad na tinawagan ang kaibigan upang hintayin siya. "Hello, Joan? Nariyan ka pa ba sa workplace mo? Tanong n'ya sa kaibigan. "Yeah still here, Mag-o-over time ako, ang daming paper works, Kailangan na kasi ito bukas kaya tatapusin ko na 'to ngayon. Baka mga 8 or 9 pm na ako maka-uwi, Ayoko nang balikan ito bukas." Paliwanag nito kay Mark. "Okay, Sige hihintayin na lang kita or if you want, dalhan kita ng dinner diyan para hindi ka na maabala" wika niya rito. "Ang thoughtful talaga nang boyfriend ko!" Malambing na biro nito kay Mark habang nagtitipa ng letra sa computer.. "Tigilan mo nga yan, Joan, kinikilabutan ako sa pagtawag mo sa akin nang ganyan." saad ni
last updateLast Updated : 2021-02-02
Read more
chapter three
DAHIL gabi na nang makarating sila ni Joan sa mansyon at pagod ang kanyang katawan at sa dami nang mga naging trabaho niya kahapon, napasarap ang kanyang tulog. Naramdaman niyang may humaplos sa kanyang buhok, tila napakasarap sa pakiramdam ang ginagawa nang kung sino man ang gumagawa nun sa kanya. hanggang isang napakalambot na labi ang dumampi sa kanyang pisngi, maya-maya'y naramdaman niya ang paggalaw nang kama, mukhang umalis na ang kung sino man iyon. Pinilit niyang idilat ang kanyang mga mata ngunit naaninagan na lamang niya ito na palabas na nang kanyang kuwarto. Nagulat siya g biglang nag-alarm ang kaniyang cellphone, mabilis siyang bumangon at naligo. Dahil may mga damit na siya doon mula kay Don Ronaldo ay hindi na siya nagka-problema.Nang makapagbihis ay agad niyang kinatok ang pinto nang kuwarto ni joan. "Joan, gising ka na?" at muli niyang kinatok ang pinto, nang biglang bumukas iyon at bumungad kaagad si Joan na bagong paligo. "Mark, goodmorn
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
chapter four
BREATH in, breath out...Again, she breath in, and breath out, until she gets her body relax. She stance prior to shooting the bow, stand upright with feet shoulder width apart and feet at ninety degrees to the target.She keep a relaxed grip on the bow handle,she place the arrow on the bow and turn the bow so that it is the horizontal and the arrow rest is facing upwards.Finger position.....Draw....Aiming...Then she release it.A perfect shot, then she do it again, hanggang sa maubos niya ang lahat nang pana na nasa kaniyang lagayan. Pagtapos n'on ay naupo muna siya at tumigin sa kanyang ginawa. "I always never missed." nakangiti niyang aniya, at muli siyang huminga nang malalim. Lagi niya iyong ginagawa kapag mayroon siyang suliranin, sa lahat nang pinag-aralan niya ito ang pinaka nagustuhan niya, pakiramdam niya na sa bawat pagbitaw niya ng pana ay naisasama niya ang kaniyang mga problema at isipin, ginagawa niya ito hanggang sa makuha niya ang tamang desisyon at gagawi
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
chapter five
    PAG-GISING ni Joan, magaan na ang kaniyang pakiramdam, mabuti na lang at hinahatid-sundo siya ni Mark kaya hindi na s'ya napapagod masyado sa pagmamaneho, ang ipinagtataka lang niya ay bakit? dahil ba sa magkaibigan sila at nag-aalala lang ito sa kanya? ito ang tanong niya sa kaniyang sarili.     "Hay naku, pasalamat na lang ako at ginagawa niya 'yon" kaya tumayo na siya at nag-asikaso na nang kaniyang sarili.     Nang matapos ay dumeretso siya sa study room, kung saan laging naroon ang kaniyang papa. Bago pa man siya makapasok ay may narinig na siyang nag-uusap sa loob. kaya tumigil muna siya at nakinig.     "Salamat, Mark sa pagbabantay mo sa anak ko, what can i do without you?" anito,     "it's nothing sir, it's my job. Hindi ko din po kayang  pabayaan ang anak niyo dahil kaibigan ko na siya since high school, kaya mahalaga rin siya sa akin." sagot ni Mark sa matanda.  
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
chapter six
"Jade, kumusta?" Tanong ni Mark, kausap ang isa sa mga magpagkakatiwalaan niyang tao. "Im in position, all clear sir, nothing suspicious" anito, habang nakasilip sa kaniyang binocular. "Okay, how about the others?" Tanong pa niya kay Jade. "Rui and Case are in position." Anito, "Good, i'll call scarlett, to get some information, from what happen inside." Aniya, sa kaniyang agent. "Okay sir, mag-iingat ka." Wika nito sa kaniya. "kayo din ingat din kayong tatlo," and he end the call. then he made another call, tinawagan niya ang tao niya na nagta-trabaho sa loob. "Scarlett, update." "Nothing unusual sir, all things are fine, even Joan. She's busy working." pagrereport nito sa kanya. "Okay, that's good to hear, be alert. Ayoko nang maulit yung engkwentrong nangyari kay Joan, nagawa man niyang kalabanin ang mga iyon, pero sigurado akong hindi na siya papalarin sa susunod. keep your eyes on her, and give me updates, thats all" Utos niya. "Y
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
Chapter seven
Pahiga na si Mark nang makarecieved siya nang text mula kay "mysterious summer", ngunit nagulat siya sa kaniyang nabasa. Kaya muli niya itong binasa at napahawak na lang sa kaniyang ulo, napapangiti dahil sa text message na natanggap. "Tama, mahal niya ako." nakangiting wika ni mark sa sarili at tila kinikilig habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso dahil doon, "parang lalabas na ang puso ko sa dibdib dahil sa sobrang kaba at saya!" Aniya,kaya binasa niyang muli. Matapos ay kaagad niya itong ni-reply-an. "My sweet summer, if you love me, magkita tayo. Gusto kong makita ka bago ako umalis patungo nang argentina please!" paki-usap niya rito. Mabilis naman itong sinagot ang kaniyang text message. "Okay, tomorrow at the airport," relpy nito, na ikinatuwa naman ni Mark, kaya sinagot di niya ito kaagad. "Okay, see you tomorrow, goodnight." Wika ni Mark dito. Ilang minuto na ang nakalipas nang mai-send niya ang text kay
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
Chapter eight
"Wow! ang galing!" manghang sambit nang tatlong babae. "Ang galing mo naman pala sa archery, Joan, grabe kahit siguro nakapikit kaya mong patamaan ang bullseye niyan." wika ni Jade. "Oo nga, Joan. mag-gun shooting naman tayo," aya ni Case. " Tama, para naman makita namin ang galing mo." sabat naman ni shane. "Kayo na lang muna siguro, papahinga na muna ako. namiss ko lang ito kaya pinuntahan ko. bukas na lang ako makikipag compitensiya sa inyo, puwede tayong magpustahan, ano deal?" hamon ni Joan sa mga kaibigan. "Out ako diyan wala akong pangtaya." Pagtanggi ni Shane. "Kung ganun e 'di kami na lang tatlo." wika naman ni Case. "Maiwan ko na kayo, magpapahinga na muna ako, bye girls!" aniya, at iniwan na niya ang tatlo na nagtatalo kung ano ang una nilang gagawin. Natatawa na lang siya at masaya siyang nagkaroon siya nang mga bagong kaibigan tulad nila. Nang maisip niya ang isa pa niyang kaibigan, kaya tinawagan niya ito. "Hello, glaze! kumusta na?"
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
Chapter nine
MASAYA si Joan habang nakikipagtawanan sa mga bagong niyang kaibigan. Abala siya sa pakikipagbiruan ng marinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone, agad niya itong kinuha sa bag at sinagot nang hindi tinitignan. "Hello, who's this?" tanong niya. "Summer?" tanong nang nasa kabilang linya. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at biglang nanlamig ang buo niyang katawan. Ang bilis nang tibok ng kanyang puso ng marinig ang tinig na iyon. Lumingon siya kung saan naroon si Mark, nakatingin lang ito sa kaniya habang nasa tainga ang cellphone. "Mark, bakit? " nanginginig ang boses na tanong niya rito. "I just want to hear your voice, i really miss you," anito, kasabay ang bumuntong-hininga. "Kaya pala pamilyar sa akin ang boses mo. Binago mo lang nang kaunti," wika nito na may kasamang pagtawa. "kaya pala pakiramdam ko, matagal na kitang kilala, magaan ang loob ko kapag kausap kita. ikaw pala iyon." Saad ni Mark habang nakatingin pa rin kung saan naka-upo si Joan. "Sor
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
Chapter ten
"What!" bulalas ni Joan sa ama. "Why me, wala bang ibang pwede? papa, i know you train me because all i know is for protection purposes, pero hindi ko alam na ipapasa mo sa akin yang posisyon mo." Inis na wika ni Joan dahil sa sinabi ng kaniyang ama. "Sorry, princess. kinailangan kong 'wag munang sabihin sayo kasi, hindi ka pa handa, but now is the right time and i know you can handle it." Mahinahon nitong saad sa anak. "The only thing that i can handle is your buisness, but that! I'm sorry papa, that's too big responsibility to handle." Wika niya na may pagka-iretable. "Pero princess kung hindi ko maipapasa sa iyo ang posisyon ko ay mapipilitan akong ipakasal ka sa isa sa mga anak nang leader ng organisasyon. para ma-secure na hindi mapupunta sa masama ang posisyon at hindi mapunta sa wala ang lahat nang ginawa ko para sa samahang ito." Paliwanag ni Don Ronaldo sa anak. "I dont know papa, naiintindihan naman kita, pero please intindihin mo din ako. aalisan mo a
last updateLast Updated : 2021-02-03
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status