Share

Capitulo Siete

“What did you do to him?!” galit na wika ni Abegail nang makarating sa silid ni Hendrix. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising ang binata. Hindi siya umalis sa tabi ng asawa. Gaano man siya kagalit rito ay hindi niya maitatangging mahal niya ito. She still wants the best for him. Ayaw niyang malagay ito sa kapahamakan.

“Wala akong ginawa sa kanya, Abegail…” 

Umiiyak na si Abegail. “What did you do to him? Bakit ba siya minamalas nang gan’to? He married you to get rid of that damn curse pero mas isinumpa yata siya simula nang ikasal kayo! Hindi ko siya pinakawalan para lang mag kaganito.”

Napailing siya sa sinabi nito. Siya pa ang malas? Siya itong minalas nang maikasal silang dalawa. Akala niya ay buhay niya ay magbabago kapag ikinasal sila ngunit mas naglugmok pa siya sa putik.

“Ikaw ang malas, Abegail. You kept on clinging onto him. Kaya nga kami ikinasal para makaiwas sa ‘yo,” she spat. Hindi siya papayag nadurugin nito–tapos na siya sa pagiging santa. Panahon naman para lumaban siya. 

“Because he is mine!” sigaw nito habang rumaragasa ang luha sa mukha nito. “He is mine. You took him away from me!” 

Sa mga mata ni Abegail siya ang kontrabida pero sa mga mata ni Arabella. Siya ang kontrabida–hindi umusad ang relasyon nilang mag-asawa dahil palagi itong pumapagitna. Hendrix always make sure that Abegail is his top priority–at paulit-ulit niyang nasasaksihan iyon. Hendrix and Arabella are compatible in bed–bukod doon ay wala na. Isa lang siyang parausan para sa asawa. Kahit kailan ay hindi siya nito tinuring na asawa. Lahat ng tao sa pamilya nito at sa mansyon ay mababang uri ang pananaw sa kanya. Hindi naman siya nagpumilit na maging parte ng pamilyang Leviste. 

“Ako ang asawa. Sa mata ng batas at Diyos—”

“Shut the fuck, up! Sampid ka lang!” Abegail screamed hysterically. 

“Sampid?” she chuckled. “Sa mata ng Diyos at batas, ikaw ang sampid Abegail. Para kang linta, pilit kumakapit sa pamilyang Leviste. Kung sumpa ako ano ka? Demonyo? You lied, that's why I was imprisoned. And  now you keep on saying I was the bad luck?” 

“Hindi! Hindi! You pushed me down the stairs!” 

Abegail is a fucked up woman. Nang maging trabahante siya sa Leviste, ay nasusulyapan na niya ito. Maganda si Abegail, mayaman at mula sa isang prominenteng pamilya. Mabait ito… sa harap ng pamilya ni Hendrix at ni Hendrix. Ngunit kapag ibang tao ang kaharap nito ay nag-iiba ang ugali nito. Noong kasambahay palang siya sa pamilya ni Hendrix ay madalas siya nitong sinusungitan dahil siya ang madalas mapag-utusan Hendrix. Hendrix was kind back then–ngunit nang maikasal sila ay nagbago rin ito. Para itong isang asong ulol–nakikita pa lang siya ay tumatahol na. 

Pumasok ang guard ni Abegail. Tumingin ito at yumuko–humihingi ng paumanhin sa kanya. Nginitian lang niya ito. Labas naman ang mga trabahante ni Abegail sa away nilang dalawa. Abegail was crying–screaming like a mad woman. Hinayaan niya lang at hindi pinansin. Saglit pa ay bigla itong namula at nahihirapang huminga. Sapu-sapo ang dibdib nito, mabilis na kumilos ang bodyguard ni Abegail. Kinuha nito ang inhaler sa bag ni Abegail at inilapit sa labi ng dalaga at saka ini-spray iyon. 

Saglit pa ay kumalma na si Abegail at nakatulog sa wheel chair nito. Inayos ng bodyguard ang telang nakatakip sa paa ni Abegail. Bumaling ito sa kanya at yumuko. 

“Pasensya na po kayo,” aniya nito sa mahinang boses.

“Hindi, ayos lang po. Sanay na naman po ako. Pakiuwi na lang po siya. Ibalik niyo na lang bukas, baka sakaling gising na si Hendrix. Ingat po kayo.”

Umalis rin agad ang sila Abegail at naiwan na naman siyang mag-isa sa silid. Nakatingin lang siya sa asawa niyang tulog pa hanggang ngayon. Nang huli silang mag-usap ay nagkasagutan sila, nais niya na talagang makipaghiwalay rito at mag-umpisa ng bagong buhay. Malayo sa pamilya at impluwensya nito. Ang perang ibinigay ng mga ito sa kanya ay hindi pa niya nagagalaw–maliban sa savings niyang paulit-ulit niyang nagagastos. 

Hinila niya ang silya papalapit sa kama nito at umupo roon. Inabot niya ang kamay nito at hinawakan.

“Hendrix…” 

Pinisil niya ang kamay nito. Mainit ang kamay nito, napangiti siya nang makita kung gaano kalaki ang kaibahan ng kamay nila. Kumpara sa kamay ni Hendrix–mukhang kamay ng elementary student ang sa kanya dahil sa sobrang laki ng kamay ni Hendrix. Malaking tao kasi ang asawa niya. 

“Please gumising ka na…” 

Kahabag-habag ang itsura nito. Namamaga ang mukha nito at may benda sa ulo. His head was shaved too, nagkaroon ito ng operasyon sa ulo. May benda rin ito sa binti nito–malakas ang pagkakasalpok ng sinasakyan nito. 

“Hindi man tayo madalas magkasundo but I don’t want to see you in this situation. And we have to settle our annulment too. Kaya utang na loob gumising ka na,” mapaklang wika niya. “Maraming naghihintay sa ‘yo. Naghihintay kami sa ‘yo kaya gumising ka na. Kapag may liwanag kang nakikita umiwas ka–hindi mo pa oras–ay mali sa impyerno pala ang bagsak mo. H’wag ka munang bababa, Hendrix. You still have a lot to do, may trabaho ka pa. Ang dami mo na sigurong kailangan pirmahan sa opisina. Kapag natulog ka pa baka mas dumami pa ‘yon. Saka kapag talaga bumaba ka sa impyerno. Hihilahin ko pataas ang kaluluwa mo,” humihikbing aniya. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang kamay ng asawa niya. “Kapag nawala ka baka sa ‘kin, isisi ang lahat. Bakit ba kasi mahilig maniwala sa kung anu-ano ang pamilya niyo? E, ‘di sana ‘di ako nasisisi ngayon. Naging malas pa tuloy ako. Kapag talaga sa ‘kin nasisi ang lahat sisirain ko ang koleksyon mo ng mga sasakyan. Kaya please lang, gumising ka na at matakot ka sa banta ko. And even if we’re not like any other couple–I still don’t want you to die. So please wake up. Wake up, Hendrix.” 

Wala na siyang pakialam kung may pumasok man sa silid ng asawa niya. Iyak lang siya nang iyak, parang batang pinagkaitan ng candy. Naghalo-halo na ang nararamdaman niya. Seeing Hendrix lying in bed–naaalala niya ang Mamay niya. Kung paano ito pumanaw nang hindi man lang siya nakakapagpaalam. Hindi man lang niya nasabi ang totoong nararamdaman niya.

And she doesn’t want to lose Hendrix na hindi man lang siya nakakapagpasalamat sa tulong nito sa kanya noong buhay pa ang Mamay niya. Napalitan ng galit ang pagmamahal niya para kay Hendrix pero hindi ibig sabihin noon ay nakalimutan niya ang kabaitan nito sa kanya at sa Mamay niya. 

“Please wake up, Drix. Wake up,” she pleaded. 

Kung may Diyos mang nakakarinig sa dasal niya ay sana dinggin ang tanging hiling niya. Ang gumising at gumaling na si Hendrix.

Deandra

Happy reading, please vote, comment, and rate <3

| Like
Comments (1)
goodnovel comment avatar
❤❤❤(Mrs.Kim❤)
Thanks author.Maganda po ang story...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status