Happy reading, pasensya na't walang update dahil nagkasakit ako at nawalan rin ng internet, bukas payata maibabalik. Please vote, rate, comment. <3
“Mama!” masiglang bati ng bata sa kanya. Lumapad ang ngisi na mayroon ito sa labi, pati siya ay nahawa sa ngiti nito kaya napangiti rin siya. Dinaluhan niya ang batang paslit na nakaupo sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito. “Check ko vital signs mo, baby. Ayos lang ba?” malambing niyang tanong sa bata.“It won’t hurt me, Mama?” nakalabing aniya nito. Luminga-linga siya at hinanap ang bantay ng bata. Wala siyang mahagilap na guardian nito. Kagaya noong una niyang nadatnan ang paslit dito. Ayaw niyang manghusga dahil labas siya sa kung anong mayroon ang pamilyang ito. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon.Nang matapos siyang kunin ang vital signs ng bata ay nagdadalawang isip siya kung paano umalis. Nakatingin lang ang bata sa kaniya at nakaabang sa bawat kilos niya. Kinakabahan siya na baka umatungal ito. Hindi pa naman siya maalam sa pag-aalaga ng bata. “Baby?” usal niya, ngumiti naman sa kanya ang bata.“Yes, Mama?” malambing na wika nito saka niyakap siya.Napakamot siya sa u
Tinignan niya ang kabuohan ng mansyon. Wala na naman siyang kawala–iniisip niya talaga kung paano makakalayo sa pamilyang Leviste. Kapag namalagi siya sa lungsod ay gagamitan lang siya ng pera para mapasunod siya pero wala namang silbi ang pera nila nang makulong siya. “Ma’am, pumasok na ‘ho tayo. Naghihintay na po si Sir,” ani ni Lance.“Alam ba ng Mommy ni Hendrix?” kabadong tanong niya pa.“Hindi ko po alam, Ma’am. Bumaba na po kayo,” pag-uulit nito. “Kuya naman!” ungot niya pa.Ayaw niya talagang sumama. Mas gusto niya tuloy na magtrabaho na lang. Kahit pa akuin niya ang shift ng mga katrabaho niya! Ayaw niya na talagang umuwi kay Hendrix. Gulat nga siya’t discharge na pala ang asawa niya. Isang araw palang ang lumipas nang layasan niya ito noong huli silang mag-usap. Napakamot sa leeg si Lance, “Ma’am pasensya na napag-utusan lang ni Sir.”Gusto niyang magpapadyak sa inis. Hindi pa ba malinaw sa utak ni Hendrix na ayaw na niya–she wants to be out of the damn hopeless marriage.
Nagising si Arabella dahil sa uhaw. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya katabi ang asawa niya. Himbing na himbing pa rin si Hendrix–napangiwi siya. Naisahan na naman siya ng asawa niya. Natulala siya at napatitig sa kisame. Hindi niya alam kung paano lulusutan ang pamilyang Leviste. Hanggat dala-dala niya ang apelyido ng mga ito ay hindi siya tatantanan ng mga ito. Dahan-dahan siyang umalis sa kama. Ang balak niya ngayon ay lumipat ng silid. Kapag nakahanap na siya ng paraan ay tatakas siya mula sa mga Leviste. Masyadong malaki ang kailangan para makapag-file siya ng annulment. Ang perang mayroon siya ay hindi umaabot sa tatlong daang libong piso. The estimated amount for annulment is around seven hundred thousand pesos. Aabutin pa siya ng ilang taon para malikom ang gano’n kalaking halaga. Sumulyap siya kay Hendrix—napaka amo ng mukha. Hindi aakalaing may lahing satanas ito. Tumunog ang cellphone ng asawa niya. She knows it’s Abegail again. Lumabas na siya sa silid nilang ma
“Ayos ka lang, Hija?” tanong ni Nanay Martha sa kanya. Ngitian niya lang ang ito. “Ayos lang naman, Nanay. Chill-chill lang muna ako.”“Chill-chill? ‘Di ka ba lalamigin niyan?” biro pa ng matanda.Napaghagikgik pa siya. “Nanay naman.”“Biro lang. Akala ko hindi ka na babalik pa dito,” malungkot nitong aniya.Iyon naman talaga ang plano. Kaso hawak siya sa leeg ng mga Leviste. No matter where she goes as long as she is still a Leviste–wala siyang matatakbuhan. Kayang-kaya siyang ibagsak ng mga ito. Wala kasing nakasaad sa kasunduan nila kung kailan matatapos. Ang tanging naksaad lamang doon ay gampanan niya ang pagiging Mrs. Leviste niya.“Wala akong choice Nanay. Alam mo naman,” wika niya pa.Malungkot na ngumiti ang matanda sa kanya at hinawakan ang kamay niya, “Darating ang panahon na magiging masaya ka rin anak. Magiging malaya ka at malayo sa lungkot dahil nararapat lang sa ‘yo ang maging masaya.”“‘Di ‘ho yata ako trip ng kasiyahan, Nay. Kahit anong pilit kong abutin iyon, lumala
“Ni hindi niyo nga ako dinalaw sa kulungan sa loob man lang ng isang taon. Pinakiusapan ko kayo na sana alagaan niyo si Mamay habang wala ako. Ang iniwan kong pera tinakbo niyo. Ako pa ngayon ang bastos at makasarili?” hindi makapaniwala na usal niya. “Hoy, babae! Hindi namin kasalanan kung nakulong ka. Inalagaan naman si Mama kahit papaano, ah? Ang sabihin mo madamot ka at gahaman ka sa pera!” sigaw ng tiyahin niya.“Hindi ako gahamang kagaya niyo. Na walang ibang iniisip kundi pera lang!” sigaw niya pa, wala na siyang pakialam kung marinig pa ng mga kasambahay. Alam naman nila kung gaano ka gulo ang buhay na mayroon siya.“Madamot kang putang ina ka!” akmang sasapalin siya ng tiyuhin nang biglang humarang si Lance. Mapakurap siya sa gulat, hindi niya aakalain na ihaharang ni Lance ang sarili. Ito ang tinamaang ng sampal ng tiyuhin niya. Hindi niya alam at napansin ang presensya ni Lance, masyado siyang nadadala sa emosyon niya.“Mawalang galang na ‘ho. Pero hindi po kami mangingi
Hendrix Levian Leviste–her first love. Her ex-fiance. Simula pagkabata ay magkakilala na sila dahil malapit na magkaibigan ang mga ama nila. At nang mag doce anyos siya ay tinatak ng mga magulang niya na silang dalawa ni Hendrix ang nakatadhana. Mas lalo siyang nahulog sa binata dahil sa kabaitan nito–he treated her with kindness and affection. Kaya para sa kanya wala ng iba pang nababagay para kay Hendrix kundi siya lang. Ngunit dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Bumangga ang sinasakyan nilang kotse, Hendrix got comatosed and she suffered paralyzation. At doon nagbago ang takbo ng lahat. Arabella came into the picture and married Hendrix. At doon nagsimula ang impyerno ng buhay ni Abegail. “Hi,” bati niya kay Hendrix. “Why are you here?” tanong nito sa kanya. Lumabi siya, “I missed you, Hendrix. I haven’t seen you for a while now. Wala naman sigurong masama kung dalawin kita dito ‘di ba? As far as I know, Tita Mommy and Tito Daddy isn’t here.”He sighed, “Hindi iyon ang
“Nanay Martha,” tawag ni Hendrix sa katiwala. “Bakit, ‘nak?” Anak ang turing nito sa kanya at matagal na rin itong naninilbihan sa pamilya nila. Kaya anak ang tawag nito sa kanya. Lumaki siya sa pangangalaga nito dahil ang mga magulang niya ay abala sa negosyo ng pamilya nila. “Nasaan ang asawa ko?” tanong niya rito. Ininat niya pa ang paa niya. He’s doing well, mukhang malapit ng gumaling ang mga binti niya dahil na i-aapak na niya at naigagalaw. Nabuburyo na siya sa bahay. Hindi siya sanay na walang trabaho at ginagawa. Madalas naman na dumalaw ang kababata niyang si Abegail kaya may pinagkakaabalahan siya. Nais niya sanang igugol ang oras niya sa asawa ngunit hindi niya matanggihan ang kaibigan niya. Abegail is a precious friend for him. Mahina rin ang puso nito kaya ayaw niyang nalulungkot ito. Nagkibit-balikat si Nanay Martha, “Aba malay ko. Asawa mo ‘yon. Hindi ba kayo tabing matulog?”Umiling siya, “Hindi kami tabi matulog. She insisted on sleeping in the guest room.”Wala
“Good Morning, baby!” malambing niyang bati sa alagang si Khalid. First day niya ngayon sa mga De Ayala. Ang numerong ibinigay sa kanya ay tinawagan niya. Mabilis siyang sinundo ng mga tauhan ni Mr. Yohan De Ayala. Hindi na niya naabutan si Mr. Yohan dahil maaga raw itong yumakag. Ngunit ipinaghabilin naman siya sa butler nito.Mainit ang pagtanggap ng mga tauhan sa kanya kaya wala siyang naramdaman na pagkailang. Iginiya siya sa silid ni Khalid. Nadatnan niya ang paslit na tulog na tulog pa. Medyo maayos na rin ang kulay nito, hindi na gaanong maputlan. Kinusot-kusot nito ang mata saka unti-unting dumilat. Tulala ito… saglit pa bago rumhestro sa utak nito. Namilog ang singkit nitong mga mata at mabilis siyang niyakap. “Mommy!” tuwang-tuwang anas nito at niyakap siya nang mahigpit. “I miss you!”“I miss you too, beh!” nakangiting wika niya pa. Humiwalay ang paslit sa pagkakayakap sa kanya. Hindi maalis sa labi nito ang ngiti, ang mga mata nito ay kumikislap sa tuwa. Sa mga nagdaan
Unang gabi palang ni Lara Leviste sa mansyon pero nangungunsimi ni si Arabella. Hindi siya makakilos dahil panay ito bantay sa kanya. Kakauwi lang nito galing sa hospital at eksaktong hapunan ito dumating kaya kasabay ito nila Hendrix na kumain. Masakit pa ang leeg at balakang niya nanunuot pa ang mga irap ni Lara sa kanya. Ano na naman kayang kinainis nito sa kanya at bakit panay irap na naman ito sa kanya. Wala naman siyang ginawa rito.“Stop glaring at Arabella, Mom.” Saway ni Hendrix, napansin pala nito ang matalim na titig ni Lara kay Arabella. Tahimik lang na ngumuya-nguya si Arabella, pinaghihimay rin siya ni Hendrix ng karne. Hinayaan naniya at hindi na siya nagreklamo. Kulang pang kabayaran ang paghimay nito ng karne para sa kanya. Baka nga habang-buhay na pang-aalipin ay kulang pa rin. “I am not doing anything, Hendrix.” Katwiran ni Lara. “Tayo ang may problema, Mom. Hindi kayo ng asawa ko. Arabella never did anything,” Giit ni Hendrix. “Ikaw ang nagsinungaling sa ‘kin a
Araw-araw sinusubok ang pasensya ni Arabella. Hindi niya aakalain na mas magiging mahirap ang lahat dahil sa paglipat ni Lara ay mas lalo pang gumulo ang lahat. At nalaman na rin ni Hendrix ang buong katotohanan. Idagdag pa ang pagkakabangga ni Arabella sa pinto nang makita niyang nasa silid pala ni si Hendrix. Hilong-hilo si Arabella habang nakabulagta sa sahig. Gusto niyang maiyak sa sakit ng ulo niya. Hindi niya aakalain na mamapupunta siya sa nakakahiyang tagpo. “Arabella!” Dali-daling dinaluhan ni Hendrix ang nakahigang si Arabella. Sapu-sapo ni Arabella ang noo niya, pakiramdam niya ay nagkabukol siya dahil sa pagkakabangga. Mabilis siyang nagmulat ng mata nang maalala na nakahubo’t hubad pala siya. “Umalis ka nga!” Sigaw ni Arabella. “Shit! H’wag na h’wag mong titignan ang katawan kong hayop ka!” “I am not!” Giit ni Hendrix, ngunit ang totoo ay titig na titig ito sa kahubaran ng asawa niya.It’s been a while since the last time they slept together. Kahit anong pigil ni Hen
Sa isang coffee shop ay prenteng nakaupo si Abegail sa sulok. Solong-solo niya ang buong coffee shop sa isang araw. Binayaran niya ang may-ari upang arkilahin ito, isa itong coffee shop tatlong oras mula sa bahay nila. At sinigurado rin ni abegail na tago ang shop na iyon at wala halos dumadaan na tao. Prenteng sumimsim ito sa iced coffee na in-order nito. Nasa labas ng shop naghihintay ang dalawang guards niya. Suot-suot niya rin ang mahahalang sunglasses at cap upang itago ang katauhan niya. Hindi lang sa lugar kundi pati mismo sa ayos ay siniguro ni Abegail na walang makakakilala sa kanya.Ilang araw na ang lumipas simula nang makita niya Hendrix at makausap. Ay halos mabaliw na si Abegail. Hindi niya kayang mawalay nang matagal rito. Hindi niya rin alam kung kailan niya pa muling masisilayan si Hendrix lalo pa’t hindi pa ito bumabalik sa pagtatrabaho.Masyadong maraming humahadlang kay Abegail uoang makita ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Hindi lang si Gabriel, kundi pati
“Tanghali na’t ngayon pa lamang kayo bumaba,” komento ni Lara nang makitang bumaba na sina Arabella at Hendrix.“Napasarap lang ang tulog namin, Mommy.” Katwiran pa ni Hendrix. “Pinakatok ko kayo kay Ellen. Nakaistorbo ba kami sa inyo?” Lara asked. Hindi sumagot si Arabella, nanatili siyang tahimik sa tabi ni Hendrix. Habang si Hendrix naman ay nakabusangot. Nang halikan kasi ni Hendrix si Arabella ay siyang pagkatok naman ni Hellen. Lumapat lang ang labi ni Hendrix sa labi ni Arabella. Narinig yata ng Diyos ang dasal ni Arabella.Mabilis niya agad naitulak si Hendrix at sumigaw siyang palabas na kaya wala nang nagawa si Hendrix kundi ang umalis sa ibabaw niya. Lalo pa’t hinahanap na raw sila ni Lara. Bumaba tuloy silang mag-asawa na parehong naka roba dahil hindi pa sila nakakapag-ayos. Sumilay ang malapad na ngisi ni Lara, “May hihintayin na ba akong dumating?”Sabay na kumunot ang noo ng mag-asawa. Hindi maintindihan ang sinasabi ni Lara, lumingon si Arabella kay Hendrix. Pinapa
Pupungas-pungas pa si Arabella. Nakangiti siyang umupo sa kama. Dahil alam niyang hindi niya katabi ang demonyo niyang asawa. Tumayo siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos.Nag matapos siya sa paghilamos ay nagsuot siya roba bago lumabas sa silid niya.Matapos ang komprontasyon nilang mag-asawa ay medyo gumaan na ang pakiramdam ni Arabella. Kahit papaano ay nalabas niya ang dinadamdam niya sa asawa. Although, alam niyang iinvalidate lang ni Hendrix ang nararamdaman niya. At least ay nabawasan ang tinik sa dibdib niya.Habang naglalakad papunta sa hagdan ay nakadinig ng ingay mula sa salas si Arabella kaya dumungaw siya sa railings. Kung saan nakiya niya si Lara Leviste na kakapasok lang sa pintuan ng bahay nila.At mas lalong namilog ang mga mata ni Arabella nang pumasok ang mga tauhan ni Lara na may hila-hilang mga maleta.“Shit!” Mahinang mura ni Arabella at agad na ay umatras at lumayo sa railings.Saan nga ba natulog si Hendrix? Nanlamig ang buong katawan ni Arabella, iisipin
“Arabella,” Seryosong sambit ni Hendrix. Hindi alam ni Hendrix kung paano ito pakakalmahin. Sa nakikita niya ay galit na galit sa kanya ang asawa niya. Ni hindi nga siya nito halos matignan sa mata. Natatakot si Hendrix na humakbang baka hindi lang spatula ang maibato ni Arabella. Napahilamos sa mukha si Arabella, “Hendrix… Ayoko na.” “W-What do you mean?” Mahinang usal ni Hendrix, halos wala ng boses na lumalabas sa bibig niya. “Please… Just let me go,” Pagmamakaawa ni Arabella sa asawa. “Are we talking about this again? You know I can’t let you go. Hindi pwedeng maghiwalay tayo, Arabella. Hindi naniniwala ang pamilya namin sa hiwalayan–”“Bullshit!” She spat angrily. “Lahat na lang ba ay ibabasi niyo sa malas at suwerte? Sana inisip mo rin na para sa ‘kin ang malas ko dahil naikasal ako sa ‘yo. Our marriage isn’t ideal Hendrix. Alam kong ramdam mo na hindi pagmamahal ang dahilan kung bakit tayo ikinasal. Hindi ko maalala ang lahat but everyone is telling me I married you becaus
Inaalalayan ni Arabella na bumaba sa kotse si Hendrix. Kakadating lang nila sa bahay nila. Nasa kabilang sasakyan nakasakay ang biyenan niya kaya tahimik ang biyahe ni Arabella. “Thank you,” Hendrix muttered.Tumango lang si Arabella bilang tugod. Ingat na ingat siya kilos niya dahil maraming nakabantay. Halos lahat sa paligid niya ay alagad ni Lara Leviste.Lumayo ng kaunti si Arabella kay Hendrix at hinayaan na niya itong kumilos ng mag isa. Nakakalakad na naman ito nang maayos. Sumasabay na lang si Arabella sa bawat hakbang ni Hendrix.Nang makapasok sila sa bahay ay naroon ang mga kasambahay nila. Naghihintay sa pagdating ni Hendrix. May kaunti ring salo-salo na hinanda ang mga ito.Hindi na sumabay pa si Arabella. Nauna na siyang umakyat. Kung mag-aalburuto si Lara mamaya ay hindi naman siya nito basta-basta na masasaktan lalo pa’t kasama niya si Hendrix.Naligo muna si Arabella bago humilata sa kama niya. Set na ang date kung kailan siya tatakas. At sa susunod na linggo iyon. W
Nagtungo si Arabella at Khalid sa front desk. Karga-karga niya si Khalid dahil biglang itong nagreklamo na napagod daw ito sa kakatakbo para hanapin siya kanina. Wala namang problema kay Arabella kaya kinarga niya agad si Khalid.“Miss,” tawag ni Arabella sa babaeng naka-assign sa front desk.Ngumiti ang babae kay Arabella, “Yes, Ma’am. How may I help you?”“Itong bata kasi Miss, nawawala. Tinakbuhan niya raw iyong kasama niya na nagpunta dito sa mall. Baka pwede namang pa-page—”“Mommy!” Wika ni Khalid at nagsusumiksik sa leeg ni Arabella. “Shh,” Saway ni Arabella at muling tumingin sa babae. Kunot ang noo ng babae at nagdududa ang mga tingin kay Arabella, “Ma’am, kung anak niyo po ‘yan h’wag niyo naman pong ikahiya. Hindi iyong magpupunta pa kayo rito. Kung may balak kayong iwanan ang bata dito, paalala ko lang po may CCTV camer’as po sa bawat sulok ng mall. Kaya matutukoy at matutukoy pa rin kayi kapag iniwanan niyo iyang bata.”“What?” Litong-litong wika ni Arabella. “What are y
Bukas makakalabas na sa hospital si Hendrix at imbes na magbantay si Arabella sa hospital ay nilayasan niya ito matapos siyang ihatid ng family driver ng mga Leviste. Hindi maatim ni Arabella na pumirmi sa isang silid kasama si Hendrix. Naaalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Sisi tungkol sa kagaguhan nito. Sa tuwing tumitingin siya rito ay naninikip ang dibdib niya sa galit. Hindi na naman binubulabog ni Lara Leviste si Arabella. Kaya medyo tahimik ang buhay niya. Wala ring Abegail na nambwibwisit sa kanya. Tahimik ito at hindi na muling dumalaw pa kay Hendrix. Hinihintay na muna ni Arabella na makauwi si Hendirx sa bahay nila saka niya isasagawa ang plano niya. Sa ngayon ay mananahimik rin siya oara hindi magduda ang mag-ina. “Uy, Fae!” Bati sa kanya ni Sisi, kasalukuyan itong naglilinis sa foodcourt. Natanggap na kasi ito sa inaaplyan nitong trabaho bilang janitress. Kinawayan ni Arabella si Sisi, may hilahila itong mop. Magaan pakiramdam ni Arabella kay Sisi, mukhang maganda a