“Good Morning, baby!” malambing niyang bati sa alagang si Khalid. First day niya ngayon sa mga De Ayala. Ang numerong ibinigay sa kanya ay tinawagan niya. Mabilis siyang sinundo ng mga tauhan ni Mr. Yohan De Ayala. Hindi na niya naabutan si Mr. Yohan dahil maaga raw itong yumakag. Ngunit ipinaghabilin naman siya sa butler nito.Mainit ang pagtanggap ng mga tauhan sa kanya kaya wala siyang naramdaman na pagkailang. Iginiya siya sa silid ni Khalid. Nadatnan niya ang paslit na tulog na tulog pa. Medyo maayos na rin ang kulay nito, hindi na gaanong maputlan. Kinusot-kusot nito ang mata saka unti-unting dumilat. Tulala ito… saglit pa bago rumhestro sa utak nito. Namilog ang singkit nitong mga mata at mabilis siyang niyakap. “Mommy!” tuwang-tuwang anas nito at niyakap siya nang mahigpit. “I miss you!”“I miss you too, beh!” nakangiting wika niya pa. Humiwalay ang paslit sa pagkakayakap sa kanya. Hindi maalis sa labi nito ang ngiti, ang mga mata nito ay kumikislap sa tuwa. Sa mga nagdaan
“Good morning, Sir!” bati ni Mark sa among si Hendrix.Tinanguan niya ito, “Mark, I have a task for you.”Lumunok si Mark dahil sa kaba, “A-ano po ‘yon, Sir?”Kinakabahan siya sa ekspresyon na mayroon ang boss niya. Mas magulo pa sa babae ang utak na mayroon si Hendrix Levian Leviste. Mahirap intindihin at kahit papaano ay tumagal siya rito ng ilang taon. Kung hindi lang dahil sa laki ng pasahod nito ay walang magtatagal na sekretarya rito. Pabago-bago ang timpla nito at madalas galit sa mundo. “I want you to investigate my wife’s new employer,” mariin nitong utos. Napaawang ang labi ni Marks sa gulat, “May I know the name, Sir?”Pinatunog nito ang mga daliri at prenteng sumandal sa backrest ng swivel chair nito, “I don’t know. That’s why I am telling you to investigate. Now, leave. You have a day to find out or else I will fire you.”“Y-yes, Sir.”Ngumiti siya at mabilis na lumabas sa opisina nito. Nang maisara ang pinto ay napahilamos na lamang si Mark sa mukha dahil sa utos ng am
Hindi niya lubos maisip na pinasundan siya ni Hendrix. Hiyang-hiya siya sa among si Yohan, hindi niya rin kasi nasabi rito kung sino ang asawa niya. Wala rin siyang balak sanang sabihin pero wala siyang nagawa kundi umamin rito sa tunay niyang katauhan na hindi naman sana importante kung hindi lang tinutubuan ng kabaliwan ang asawa niya. “Pasensya ka na, Sir. Hiyang-hiya po ako sa ginawa ng sekretary nga asawa ko,” paliwanag niya pa.“I didn’t know you’re married,” wika nito na mas ikinatakot niya. She sighed, “I-I didn’t intend to deceive you or anything, Sir.” “Who’s your husband?” tanong nito. Wala siyang magawa kundi sagutin iyon. Kahit para sa kanya ay hindi importante iyon, ngunit dahil sa katarantaduhan ni Mark o mas tamang sabihin ni Hendrix ay nagalit ito. “My husband is Hendrix Leviste,” sagot niya pa animo’y nasa isa siyang oral recitation.“Oh,” gulat na wika nito tumukhim ito. “Hindi mo naman pala kailangan ang trabahong ‘to. Your husband is a billionaire. He comes f
“Mommy!” irit ni Khalid nang makababa sila sa sasakyan. Nasa hospital kasi sila ngayon para sa weekly check up ng bata. Ayaw magpa-check up ni Khalid–kahit sino naman yatang bata ayaw talaga sa doctor. Ngunit wala silang magagawa dahil kailangan imonitor ang kalagayan ni Khalid.“I don’t want to go!” palahaw nito. Inalo-alo niya ang paslit, “Kailangan bebe ko, e. Alam mo naman na hindi pa ikaw magaling and kailangan mo pa i-check ng doctor. Makinig ka mabuti, please? Gusto ko gumaling ka kaya need natin magpatingin sa doctor today.”“But they will hurt me again,” iyak nito. Napa awang ang labi niya sa narinig. Nakaramdam siya ng awa sa mumunting paslit. Sa pagkakaalam niya ay halos kada buwan na-hospital si Khalid. Sakitin raw kasi ito simula ng isilang. And to think the kid is afraid of being hurt, it broke her heart. “Bebe ko… the nurses and doctors aren’t hurting you but helping you to get better. Kasi if they will not help you. Your sickness might get worse,” katwiran niya. N
“Sorry po talaga, Sir. Nalingat lang po ako saglit,” hinging paumanhin ni Arabella kay Yohan De Ayala. Bumuntong hininga si Yohan, “No. Hindi mo kasalanan ‘yon. What happened today was that bitch faults.”“Kung hindi ho sana ako nalingat kanina. Hindi sana mangyayari iyon.”Umiling ito, “Stop blaming yourself. Khalid’s a bit different from others. Lalo na kung magtantrums ito. So it’s not your fault.”Nagpaalam si Yohan na may biglaang pupuntahan kaya siya ang naiwan sa bata. Hindi na siya nag-usisa pa, labas naman siya sa kung anuman ang gagawin ni Yohan. Nakatulog sa kaiiyak si Khalid. Hindi na sila tumuloy na lumabas dahil mukhang napagod ang bata sa pag-iyak. Sinundo rin sila ni Yohan at kinuwento niya ang nangyari. Ayaw niyang ilihim iyon. At ang pinaka mas ikinababahala niya ay tungkol kay Abegail. Alam niyang masama ang budhi nito lalo na sa kanya–given the fact the she married Hendrix instead of her. Pero pati bata sasaktan nito? Gaano ba ka itim ang budhi nito? “Mommy,” h
Buong magdamag hindi umuwi ang asawa ni Hendrix. Hindi siya mapakali, lalo pa’t nagtatrabaho si Arabella kay Yohan. Walang tiwala si Hendrix sa lalaki, lalo pa’t sa hilatsa nito ay hindi mapapagkatiwalan. At ang asawa niya ay madaling mamanipula kaya nag-aalala si Hendrix. Kagagaling lang ni Arabella sa kulungan at kamamatay lang ng Lola Mamay nito.“What?” iritadong asik ng kaibigan ni Hendrix na si Eos. “Do you know what time it is, Hendrix? What the fuck is wrong with you!”“Shut up, Dude. I need you to help me,” iritadong wika nito.“What the fuck! Are you high?”Kumunot ang noo ni Hendrix sa narinig, “Of course not! I told you I am asking for your help.”“Hmm. Nothing is free in the world anymore, Hendrix.”“I know. I will pay, mukha ka talagang pera!” Malakas na tawa ang narinig ni Hendrix mula sa kabilang linya. Matagal-tagal na rin silang magkaibigan ni Eos at alam niyang maaasahan niya ang kaibigan. Kababalik rin lang ni Eos mula misyon kaya ngayon niya lang ito nahagilap ma
Napatakip ng bibig si Arabella, hindi niya sinasadyang masukahan si Hendrix. Mabilis siyang ibinaba ni Hendrix. Hindi maipinta ang mukha ng lalaki habang nakatingin kay Arabella. Mabilis na kumapit si Khalid kay Arabella.“What the hell, Arabella!” nagngingitngit na reklamo ni Hendrix.Napangiwi si Arabella, ramdam niya pa ang pait na gumuguhit sa lalamunan niya. Saglit pa nang makabawi si Arabella, sinalubong niya ang masamang tingin ng asawang si Hendrix. “I told you ibaba mo ako but you didn’t listen. Pinairal mo ang—” tinakpan niya ang tenga ni Khalid na nakakapit sa kanya. “Ang pagiging gago mo!”Hiyang-hiya siya dahil nasukahan niya ang asawa ngunit hindi naman niya kasalanan iyon dahil matigas pa sa semento ang ulo ni Hendrix. Kung sana nakinig ito sa kanya hindi sana niya ito masusukahan.“Khalid!” Napalingon silang mag-asawa nang marinig ang boses ni Yohan, kunot ang noo nito. Huminto ito sa harap nila. Yohan De Ayala sighed as he saw his son clinging to Arabella. “Khalid,
Kunot ang noo ni Abegail nang hindi niya ma-contact si Hendrix. Madalas ay isang tawag niya lang ay nagkukumahog ito na puntahan siya. Ngayong araw ay nakailang tawag na siya ay hindi pa rin sinasagot nito ang tawag niya. Sa inis ay ibinato ni Abegail ang hawak na cellphone niya. Hindi siya mapakali! Iba ang pakiramdam niya ngayong araw! Mabilis siyang tumawag sa opisina ni Hendrix, ngunit wala ring sumasagot roon. Mas lalong nagngingitngit sa galit si Abegail. Napasigaw siya sa inis. Marahas na bumukas ang pinto at iniluwa ang ina niyang puno ng pag-alala. “What happened, Baby?” nagkukumahog na nagtungo kay Abegail ang inang si Anna. Hindi mapigilang mapa luha ni Abegail, “Mom! I can’t contact ni Hendrix. He might be with his criminal wife! Sana pala, pinapatay na lamang natin siya sa loob, Mommy!”“Baby! You can’t say that recklessly, baka may makarinig,” saway ng ina niya. Humingang malalim si Anna saka niyakap ang anak na umiiyak. “I told you right? You shouldn’t talk about wha