Kunot ang noo ni Abegail nang hindi niya ma-contact si Hendrix. Madalas ay isang tawag niya lang ay nagkukumahog ito na puntahan siya. Ngayong araw ay nakailang tawag na siya ay hindi pa rin sinasagot nito ang tawag niya. Sa inis ay ibinato ni Abegail ang hawak na cellphone niya. Hindi siya mapakali! Iba ang pakiramdam niya ngayong araw! Mabilis siyang tumawag sa opisina ni Hendrix, ngunit wala ring sumasagot roon. Mas lalong nagngingitngit sa galit si Abegail. Napasigaw siya sa inis. Marahas na bumukas ang pinto at iniluwa ang ina niyang puno ng pag-alala. “What happened, Baby?” nagkukumahog na nagtungo kay Abegail ang inang si Anna. Hindi mapigilang mapa luha ni Abegail, “Mom! I can’t contact ni Hendrix. He might be with his criminal wife! Sana pala, pinapatay na lamang natin siya sa loob, Mommy!”“Baby! You can’t say that recklessly, baka may makarinig,” saway ng ina niya. Humingang malalim si Anna saka niyakap ang anak na umiiyak. “I told you right? You shouldn’t talk about wha
Napaungol si Arabella nang makaramdam ng uhaw. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. Puting kisame ang bumungad sa kanya. Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig ngunit walang lumalabas na boses mula sa kanya. Sinubukan niyang igalaw ang buong katawan niya ngunit hindi niya maigalaw. May nakita siyang babaeng dumungaw sa kanya ngunit hindi niya kilala. May dumating ring ibang tao at chi-neck si Arabella. Hindi pa rin siya makapagsalita at makagalaw kaya kurap lang ang tanging nagagawa niya. Walang maintindihan si Arabella sa mga nangyayari. Bumukas ang pinto, iniluwa ang isang may edad na babae, kasunod nito ang asawa nito. Nagpupuyos sa galit ang mga mata nito at huminto sa harapan niya at malakas na sinampal si Arabella. Napatulala si Arabella at hindi maalala kung sino ang babaeng nasa harapan niya. “You put my son in danger! Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin gumigising si Hendrix?! Samantalang ikaw ay buhay na buhay na! I let you marry my son to save him from the
Isang linggo na sa hospital si Arabella simula nang magising siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang asawa niya kuno. Araw-araw siyang tumatambay sa silid nito at umaalis lang siya sa tuwing dumadating ang biyenan niyang babae. Gusto nang umuwi ni Arabella ngunit hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ibabayad sa mga bills at kung saan siya uuwi. Ang sabi ng doctor ang memoryang mayroon siya ay nasa quince anyos pa lamang siya. Kaya ang posibleng tinitirhan niya noon ay wala na ngayon at ang pinakamasakit sa lahat ay wala na ang Lola Mamay niya. Hindi niya pa nadadalaw ang puntod nito dahil hindi pa siya makaalis sa hospital. Napatayo nang tuwid si Arabella nang makarinig ng katok mula sa pinto. “Pasok,” wika pa ni Arabella. Bumukas ang pinto napalunok siya nang makitang pumasok ang biyenan niyang lalaki. “Hija,” wika nito nang maisara ang pinto. Napatayo si Arabella, “M-magandang umaga po, Sir.”Tumango ito, naglakad ito papalapit kay Arabella at huminto sa har
“Ellen!” saway ni Arabella rito, luminga linga si Arabella baka muling tumingin kay Ellen. “Baka may makarinig sa ‘yo.”“Hindi naman siguro pupunta rito Madame Lara,” kabado ring wika ni Ellen kaya natawa si Arabella. “Pero kung darating siya, iba talaga ang powers niya kung ganun man!” “Hindi naman siguro pupunta iyon dito. Ang akin lang, baka may makarinig na iba at magsumbong sa kanya. Mahirap na,” wika ni Arabella. “Ay wala namang magsusumbong dito siguro, Arabella. Alam naman ng lahat kung gaano ka…” hininaan ni Ellen ang boses nito. “Sama ang budhi ng pamilyang ‘to. Kaya nga bilib ako sa ‘yo at hindi ka nahawaan, eh! Mabait ka pa rin kahit ang daming umaapi sa ‘yo dito. Minsan ang sarap mong gawan ng rebulto, Teh! Sa sobrang bait mo inaabuso ka na,” umirap pa si Ellen.Wala sa bokabularyo no Arabella ang makipag-away, kung maaari ay umiiwas siya sa gulo. Ayaw niyang madawit sa kung anong away na wala namang katuturan. Pero ang marinig naa hinahayaan niya ang sariling apihin ng
“Asa’n ba ang babaeng ‘yon?” inis na wika ni Lara Leviste. Pabalik-balik siya na naglalakad, hindi mapakali. “Hindi man lang ba magkukusa ang babaeng iyon? Walang utang na loob! Paano niya nagagawang humilata sa kama habang asawa niya na anak natin ay nakaratay at walang malay–”“Lara,” saway ni Gabriel Leviste sa asawa nito.“What? Kinakampihan mo ba ang babaeng ‘yon?” naningkit ang mga mata ni Lara Leviste sa inis, hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang tono ng asawa niyang si Gabriel. “I am a mother Gabriel! Sinong magulang ang matutuwang makita ang anak na nakaratay sa kama at hanggang ngayon wala pang malay? Habang ang asawa niya ay buhay na buhay at walang pakialam sa kanya?” “Lara!” dumagundong ang boses ni Gabriel sa buong silid. Kumunot ang noo ni Lara Leviste at inirapan ang asawa niya, “Bakit ka nagagalit? Hindi ka ba naiinis kay Arabella? Gising siya at ang asawa niya–anak natin! Ay hindi pa rin minumulat ang kanyang mata!” Napahilamos sa mukha sa inis si Gabriel,
“Mommy!” atungal ni Abegail nang makarating sa mansyon.Humahangos naman si Anna nang marinig ang boses ng anak. Nang makarating siya sa salas ay tulak-tulak ng bodyguard nito ang wheelchair ng anak niya. Mabilis na dinaluhan ni Anna ang anak, napaluhod siya sa harapan nito at marahang hinawakan ang mukha nito.“What’s wrong, Baby? Why are you crying?” “Mommy!” atungal muli ni Abegail.Sumenyas si Anna upang paalisin ang guard ni Abegail, sila na lang mag-ina ang naiwan sa salas. Nang sila na lang ang natira roon ay pinisil ni Anna ang kamay ng anak niya upang kalmahin ito. Si Anna na lang ang natatanging mayroon si Abegail kaya lahat ng kapritso ng anak niya ay gagawin niya. Kahit pa masunog ang kaluluwa ni Anna sa impyerno. “Anong nangyari anak? Bakit ka umiiyak?” pinalambing pa ni Anna ang boses niya. “Mommy, sinampal ako ni Tito Gab–”“What?” Hindi makapaniwala na bulaslas ni Anna, dahil alam ni Anna na mabait si Gabriel pagdating kay Abegail. “Why would he do that? Don’t worry
Tulala si Arabella nang hilahin paalis si Abegail ng guard nito. Hindi niya lubos aakalain na ipagtatanggol siya ng lalaking biyenan dahil basi sa sinasabi ng biyenan niyang babae ay kasalanan niya ang lahat kaya nagkanda-leche-leche ang pamumuhay ng mga Leviste. Humingang malalim si Gabriel Leviste, “Hija… can you please watch over, Hendrix?”Lumunok si Arabella at nanginginig na tumango, “Opo, Sir. A-ayos lang po sa ‘kin. Magpapahatid nga po sana ako do’n, eh. Kasi hindi ko ‘ho tanda iyong hospital at w-wala po akong pera.” “Don’t worry about the money, Hija. Na sa ‘kin ang cards at ID’s mo,” may dinukot si Gabriel sa bulsa nito at inabot kay Arabella ang isang a black card. “Use this too and about your cards, ipapahatid ko kay Manong Ben bukas.”Kabadong tinanggap ni Arabella ang black card,”T-thank you, Sir.” “Call me Dad, Hija. You’re my son’s wife, and people might think I don’t like you.”Ngumiti na lamang si Arabella bilang sagot, alam naman niyang ayaw sa kanya ng biyenan
Bumungad kay Arabella ang puting kisame. Napahawak siya sa ulo niya nang makaramdam ng kirot. Dahan dan siyang umupo, napatingin siya sa tabi niya nang maramdamang may maliit na kamay na nakapulupot sa kanya. It was the same kid who insisted on calling her “Mom.” “You’re awake,” napaigtad sa gulat si Arabella nang may magsalita sa gilid at nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa silya at nakatingin ito sa kanya at kunot ang noo nito. Hindi magkakamali si Arabella, ito ang ama ng bata, ultimo pag-arko ng kilay ay namana ng paslit rito. Napalunok si Arabella dahil kinakabahan siya. “S-Sino ‘ho sila?” Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki, “Are you playing games with me, Arabella?” Nanuyo ang lalamunan ni Arabella sa narinig, “H-hindi ho ako nakikipagbiruan, Sir. Hindi ko talaga kayo kilala.”“You’re gone for almost a month. Alam mo bang hinahanap ka ng bata? Khalid had been crying asking where did you go? Hindi ko masagot kasi hindi kita ma-contact. I know you had issues with you