Tulala si Arabella nang hilahin paalis si Abegail ng guard nito. Hindi niya lubos aakalain na ipagtatanggol siya ng lalaking biyenan dahil basi sa sinasabi ng biyenan niyang babae ay kasalanan niya ang lahat kaya nagkanda-leche-leche ang pamumuhay ng mga Leviste. Humingang malalim si Gabriel Leviste, “Hija… can you please watch over, Hendrix?”Lumunok si Arabella at nanginginig na tumango, “Opo, Sir. A-ayos lang po sa ‘kin. Magpapahatid nga po sana ako do’n, eh. Kasi hindi ko ‘ho tanda iyong hospital at w-wala po akong pera.” “Don’t worry about the money, Hija. Na sa ‘kin ang cards at ID’s mo,” may dinukot si Gabriel sa bulsa nito at inabot kay Arabella ang isang a black card. “Use this too and about your cards, ipapahatid ko kay Manong Ben bukas.”Kabadong tinanggap ni Arabella ang black card,”T-thank you, Sir.” “Call me Dad, Hija. You’re my son’s wife, and people might think I don’t like you.”Ngumiti na lamang si Arabella bilang sagot, alam naman niyang ayaw sa kanya ng biyenan
Bumungad kay Arabella ang puting kisame. Napahawak siya sa ulo niya nang makaramdam ng kirot. Dahan dan siyang umupo, napatingin siya sa tabi niya nang maramdamang may maliit na kamay na nakapulupot sa kanya. It was the same kid who insisted on calling her “Mom.” “You’re awake,” napaigtad sa gulat si Arabella nang may magsalita sa gilid at nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa silya at nakatingin ito sa kanya at kunot ang noo nito. Hindi magkakamali si Arabella, ito ang ama ng bata, ultimo pag-arko ng kilay ay namana ng paslit rito. Napalunok si Arabella dahil kinakabahan siya. “S-Sino ‘ho sila?” Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki, “Are you playing games with me, Arabella?” Nanuyo ang lalamunan ni Arabella sa narinig, “H-hindi ho ako nakikipagbiruan, Sir. Hindi ko talaga kayo kilala.”“You’re gone for almost a month. Alam mo bang hinahanap ka ng bata? Khalid had been crying asking where did you go? Hindi ko masagot kasi hindi kita ma-contact. I know you had issues with you
Umawang ang labi ni Arabella sa gulat. Hindi niya alam kung anong gagawin kung aatras ba at aalis o papasok sa loob. Natulos siya sa kinatatayuan niya. “Hi, Arabella! Long time no see,” the man who greeted her first added. Naglakad ito papalapit kay Arabella, nahihilo siya at nasusuka sa kaba. Hinawakan siya ng lalaki sa braso at hinila papasok ng silid. Tumingala si Arabella dahil matangkad ito at dinaig pa ang poste dahil sa tangkad nito. Para itong siga sa kanto dahil sa mga hikaw na nasa tenga nito at nasa gilid ng labi nito. “You’re scaring her, Dude!” sabat naman ng isa pang lalaki, matangkad rin ito ngunit kayumanggi ang balat nito at nakatali ang may kahabaan nitong buhok. Bumitaw ang namanang lalaki sa pagkakahawak kay Arabella. Hindi pa rin umimik si Arabella. Nanatili ang mga mata niya sa kalalakihan na nasa silid. Apat ang naroon, ang unang nagsalita at lumapit sa kanya ay may hikaw sa tenga at labi. Ang sumunod naman na nagsalita ay nakatali ang may kahabaang buhok ni
Nang sumunod na araw ay bumalik muli si Arabella sa hospital. Laking pasasalamat niya at wala siyang ibang nadatnan, hindi yata dumalaw ang biyenan niyang babae. At wala ring mga kaibigan na dumalaw muli kay Hendrix. At lalong-lalo na walang Abegail. Hindi niya kakayaning muli na makasalamuha ito. Sa mga kwento na naririnig ni Arabella mula sa mga kaibigan ni Hendrix. Hindi lang ito dating kasintahan ni Hendrix. Technically, hindi ito kasintahan ni Hendrix–ito ang babaeng napili ng biyenan ni Arabella noon. At biglang inayawan ito at siya ang sumunod na naging babae ni Hendrix, yun lang walang matandaan si Arabella sa mga bagay-bagay unless magising si Hendrix. Pinunasan ni Arabella ang braso ni Hendrix ng wet wipes sabay tingin sa mukha nito, “Hindi ka pa ba magiging? Kung nasaan man ang kaluluwa mo ‘wag na ‘wag ka munang tumawid sa kabilang buhay.” Humagikgik si Arabella nang may maalala. “Pero imposible ka naman yatang makatawid, Hendrix. May sa demonyo lahi mo, eh.”Namilog ang
Napapikit si Arabella, nasa labas siya ng VIP room. Tulala at hindi alam ang gagawin kung papasok ba siya sa loob at kakausapin si Hendrix o hindi. Nakausap niya ang doktor na in charge rito at ayun rito ay disoriented pa si Hendrix at bigyan muna ito ng oras na mapag-isa at binigyan nga ni Arabella. Isang oras na siyang nasa labas ng silid nito. Parang baliw na pabalik-balik na naglalakad sa harap ng pinto. At hindi rin mawaglit sa isipan niya ang tono ng pananalita ni Nanay Martha kanina. “Anak.”“Anak ka ng kabayo!” gulat na sambit ni Arabella habang sapu-sapo ang dibdib. Nang lumingon siya ay nakita niya si Nanay Martha at Ellen na humahangos. Namumula ang mga mata at halatang kagagaling lang sa pag-iyak. “Asa’n ang asawa mo?” bakas sa boses ni Nanay Martha ang pag-aalala. Tinuro ni Arabella ang pinto, “Nandyan sa loob, Nay. Pumasok na lang kayo.” Kumunot ang noo ni Nanay Martha, “Bakit? Hindi ka pa ba pumasok?” Pagak na natawa si Arabella, “Mauna na kayo, Nay. Dito na muna
Magulo na nga ang buhay ni Arabella dahil wala siyang maalala. Wala na ang Lola Mamay niya, hindi niya alam kung saan ito nakalibing. May asawa siya pero may kabit ito at may bago siyang pamilya ngunit ayaw naman sa kanya.At ang asawa niya ngayon ay wala ring maalala na kasal ito sa kanya. At ang tinuturing nitong asawa ay ang kabit nito na may saltik sa ulo. Ang akala niyang masasandalan niya kahit papaano ay wala rin palang maalala.“A–alis muna ako, Nay Martha, Ellen. O baka umuwi ako kayo na muna ang bahala sa kanya, Nanay. Magpatawag kayo ng doktor, sabihin niyo bigyan siya ng thorough check up.” Hindi na hinintay ni Arabella na sumagot pa sila, tumalikod na siya at naglakad papaalis ng silid. Hindi siya lumingon, dire-diretso lang naglakad si Arabella. Parang sasabog na ang utak niya sa dami ng tanong. Hindi niya alam kung saan pa siya magsisimula. Napapagod na siya sa buhay na mayroon siya. Naglakad-lakad lang si Arabella, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang tanging
“Daddy, I want Mommy!” palahaw ni Khalid at halos maglupasay na sa sahig. Bumuntong hininga si Yohan, “Baby. You know that I can’t easily bring your Mom here. That’s not how the world works, Khalid. Even if you wanted, Mommy has her own life. She can’t always be with you. At hindi pa siya magaling that’s why she fainted the last time you saw her.”Kahit gaano ka gusto ni Yohan na ibigay lahat sa nag-iisang anak niya. Hindi niya iyon pwedeng gawin palagi. Natatakot siya na baka hindi nito maintindihan ang halaga ng mga bagay-bagay. Na baka dahil may kaya sila ay maaari niyang ibigay rito lahat. Hindi ganun umiikot ang mundo.“No! I want Mommy!” “Khalid De Ayala! You know that she isn’t your real mother and Arabella has her own life. Hindi natin hawak ang oras niya kaya hindi pwede na nandito siya palagi!” hindi na napigilan ni Yohan na magtaas ng boses, kahit kailan ay hindi niya iyon ginawa. Ngayon lang… dala na rin ng pagod sa dami ng papeles na Malaki rin ang naging pagkakamali n
Hindi iyaking tao si Arabella kaya kapag umiyak na siya, hindi na niya talaga kaya. And to think na sa isang estranghero ang magpapaiyak sa kanya at magpapakalma. Ilang minuto matapos na magbitiw ng salita ni Yohan ay kumalma si Arabella. Doon lang siya nakaramdam ng hiya. Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Yohan at mabilis na pinunsan ang mukha niya.“S-sorry,” halos pabulong na wika ni Arabella. Yohan smiled, “You don’t need to say sorry. Ayos ka na ba?” “W-wala akong choice, eh. Kailangan kung maging maayos dahil wala naman tutulong sa ‘kin para makaahon,” kumpisal niya pa. “You don’t need to push yourself to be okay, Arabella. It’s okay not to be okay.” How she wish she could think like that. Kaso hindi, eh. Kung hindi niya pipilitin ang sariling maging maayos ano na lang ang mangyayari sa kanya? Wala namang sasalo sa kanya. Siguro kung buhay pa ang Mamay niya may masasandalan siya. Pero masyadong madaya ang mundo, kung sino ang pinaka importanteng tao sa kaniya ay