Napapikit si Arabella, nasa labas siya ng VIP room. Tulala at hindi alam ang gagawin kung papasok ba siya sa loob at kakausapin si Hendrix o hindi. Nakausap niya ang doktor na in charge rito at ayun rito ay disoriented pa si Hendrix at bigyan muna ito ng oras na mapag-isa at binigyan nga ni Arabella. Isang oras na siyang nasa labas ng silid nito. Parang baliw na pabalik-balik na naglalakad sa harap ng pinto. At hindi rin mawaglit sa isipan niya ang tono ng pananalita ni Nanay Martha kanina. “Anak.”“Anak ka ng kabayo!” gulat na sambit ni Arabella habang sapu-sapo ang dibdib. Nang lumingon siya ay nakita niya si Nanay Martha at Ellen na humahangos. Namumula ang mga mata at halatang kagagaling lang sa pag-iyak. “Asa’n ang asawa mo?” bakas sa boses ni Nanay Martha ang pag-aalala. Tinuro ni Arabella ang pinto, “Nandyan sa loob, Nay. Pumasok na lang kayo.” Kumunot ang noo ni Nanay Martha, “Bakit? Hindi ka pa ba pumasok?” Pagak na natawa si Arabella, “Mauna na kayo, Nay. Dito na muna
Magulo na nga ang buhay ni Arabella dahil wala siyang maalala. Wala na ang Lola Mamay niya, hindi niya alam kung saan ito nakalibing. May asawa siya pero may kabit ito at may bago siyang pamilya ngunit ayaw naman sa kanya.At ang asawa niya ngayon ay wala ring maalala na kasal ito sa kanya. At ang tinuturing nitong asawa ay ang kabit nito na may saltik sa ulo. Ang akala niyang masasandalan niya kahit papaano ay wala rin palang maalala.“A–alis muna ako, Nay Martha, Ellen. O baka umuwi ako kayo na muna ang bahala sa kanya, Nanay. Magpatawag kayo ng doktor, sabihin niyo bigyan siya ng thorough check up.” Hindi na hinintay ni Arabella na sumagot pa sila, tumalikod na siya at naglakad papaalis ng silid. Hindi siya lumingon, dire-diretso lang naglakad si Arabella. Parang sasabog na ang utak niya sa dami ng tanong. Hindi niya alam kung saan pa siya magsisimula. Napapagod na siya sa buhay na mayroon siya. Naglakad-lakad lang si Arabella, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang tanging
“Daddy, I want Mommy!” palahaw ni Khalid at halos maglupasay na sa sahig. Bumuntong hininga si Yohan, “Baby. You know that I can’t easily bring your Mom here. That’s not how the world works, Khalid. Even if you wanted, Mommy has her own life. She can’t always be with you. At hindi pa siya magaling that’s why she fainted the last time you saw her.”Kahit gaano ka gusto ni Yohan na ibigay lahat sa nag-iisang anak niya. Hindi niya iyon pwedeng gawin palagi. Natatakot siya na baka hindi nito maintindihan ang halaga ng mga bagay-bagay. Na baka dahil may kaya sila ay maaari niyang ibigay rito lahat. Hindi ganun umiikot ang mundo.“No! I want Mommy!” “Khalid De Ayala! You know that she isn’t your real mother and Arabella has her own life. Hindi natin hawak ang oras niya kaya hindi pwede na nandito siya palagi!” hindi na napigilan ni Yohan na magtaas ng boses, kahit kailan ay hindi niya iyon ginawa. Ngayon lang… dala na rin ng pagod sa dami ng papeles na Malaki rin ang naging pagkakamali n
Hindi iyaking tao si Arabella kaya kapag umiyak na siya, hindi na niya talaga kaya. And to think na sa isang estranghero ang magpapaiyak sa kanya at magpapakalma. Ilang minuto matapos na magbitiw ng salita ni Yohan ay kumalma si Arabella. Doon lang siya nakaramdam ng hiya. Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Yohan at mabilis na pinunsan ang mukha niya.“S-sorry,” halos pabulong na wika ni Arabella. Yohan smiled, “You don’t need to say sorry. Ayos ka na ba?” “W-wala akong choice, eh. Kailangan kung maging maayos dahil wala naman tutulong sa ‘kin para makaahon,” kumpisal niya pa. “You don’t need to push yourself to be okay, Arabella. It’s okay not to be okay.” How she wish she could think like that. Kaso hindi, eh. Kung hindi niya pipilitin ang sariling maging maayos ano na lang ang mangyayari sa kanya? Wala namang sasalo sa kanya. Siguro kung buhay pa ang Mamay niya may masasandalan siya. Pero masyadong madaya ang mundo, kung sino ang pinaka importanteng tao sa kaniya ay
Karga-karga ni Yohan si Khalid habang nasa gilid naman si Arabella. Parang pelikula ang buhay ni Arabella, kung kanina ay nagda-drama siya. Ngayon naman ay haharap siya sa mga magulang ni Yohan dahil sinama siya nito. Kapag magulang ang usapan, kabadong-kabado si Arabella. Siguro ay isa doon ang mga magulang ni Hendrix na hindi siya gusto at galit na galit sa kanya. At pangalawa, ay hindi niya naranasan na magkaroon ng mga magulang. Wala siyang masyadong alam sa mga magulang niya, tanging alam niya lang ay namatay ang mga ito sa isang aksidente. At ang tiyo at tiya naman niya na minsan niyang nakasama na tumira sa iisang bubong, inaakala niya na ito ang tatayong mga magulang sa kanya. Aalagaan siya at mamahalin pero bugbog at pasakit ang abot niya sa mga ito lalo na kapag walang pera ang mga ito o ‘di kaya natalo sa sugal. Napilitan sila ng Lola Mamay niya na bumukod at paminsan-minsan na lamang niya nakikita ang mga ito, sa tuwing humihingi ang mga ito ng pera sa Lola Mamay niya.
Hindi na meet ni Arabella ang mga magulang ni Yohan dahil tulog na raw ang mga ito. Parang nabunutan ng tinik si Arabella sa puso dahil doon. At kung siya lang ay ayaw niyang ma-meet ang mga ito. Dahil baka magkaroon pa ng hindi pagkakaunawan. Kahit pa hindi maayos ang pagsasama nila ni Hendrix ay ayaw niyang mahila si Yohan sa gulo ng buhay niya. Na kahit siya ay sukong-suko na.Nagtatalo kanina si Yohan at Khalid dahil nais ni Khalid na katabi siya ni Arabella. Habang si Yohan naman ay ayaw pumayag dahil para makapagpahinga raw si Arabella. Sa huli ay walang nagawa si Yohan kundi ang pumayag. Sumulyap si Arabella kay Khalid na tulog na tulog na. Habang siya naman ay hindi makatulog. Marahil ay nakatulog siya sa sasakyan kanina kaya hindi siya dinadalaw ng antok ngayon. Dahan dahan na tinanggal ni Arabella ang pagkakayakap ni Khalid sa kanya. Nang masigurong himbing pa rin ang tulog ni Khalid ay nakahinga ng maluwag si Arabella at dahan dahan na umalis sa kama.At lumabas sa silid a
“De Jesus, Arabella Fae. Ito ang araw na pinakahihintay mo. Laya ka na!” anunsyo ng BJMP officer.“Congrats Fae!” bati sa kanya ng mga kasamahan niya sa selda.“Salamat,” sensirong wika niya.Ang masikip at maruming seldang ito ay ang naging tahanan niya sa loob ng halos isang taon. At ang mga narito ay itinuturing na niyang kaibigan. Sa mata ng ibang tao ay marumi at nakakatakot sila dahil suot nila ang kulay kahel na kamiseta.“Baka makalimutan mo na kami, ah!” pagbibiro ni Leila sa kanya at niyakap siya.“Paano kita makakalimutan kung sa bawat pikit ko mukha mo ang nakikita ko?” biro niya pabalik.“Fae, ha! H’wag mo rin kaming kalimutan!” sigaw ni Anna na nakaupo sa ibabaw ng kamang gawa sa kahoy.Ngumiti siya at tinignan isa-isa, “Hindi ko kayo makakalimutan, pangako ‘yan.”Paano niya makakalimutan ang mga taong mas naging pamilya niya pa kaysa sa sarili niyang pamilya. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumingala siya. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiiyak. Sino ba naman ang
Napaungol siya nang maramdaman ang mainit na palad ang dumampi sa kanyang balat. Pababa nang pababa ang haplos nito at huminto sa hita niya. He skillfully slid his hand inside the small fabric that’s covering her femininity. Nagmulat siya ng mata nang maramdamang hinahaplos nito ang kaselanan niya. “Hendrix no,” pakiusap niya, wala siyang sapat na lakas para pagbigyan ito sa makamundong pagnanasa na mayroon ito. His face darkened, “What do you mean no?”Napalunok siya, “Pagod ako. At kakalabas ko lang mula sa kulungan.”“I don’t care, it’s been a year Arabella. I fucking want you,” mariin nitong sambit at mas diniinan ang daliri nito sa kaselanan niya. “Hendrix please,” namamaos niyang sambit. He smirked at her. Alam na alam nito kung paano siya kunin, na isang salita lang nito ay tunaw na naman siya. He have the power to control her. Siniil siya nito ng halik. Napapikit na lamang siya at ninamnam ang bawat halik nito sa kanya. Sa pagkakataong ‘to lang niya nararamdaman na gusto