All Chapters of Reigniting The Flames: Claiming His Ex-Wife: Chapter 1 - Chapter 10

79 Chapters

Capitulo Uno

“De Jesus, Arabella Fae. Ito ang araw na pinakahihintay mo. Laya ka na!” anunsyo ng BJMP officer.“Congrats Fae!” bati sa kanya ng mga kasamahan niya sa selda.“Salamat,” sensirong wika niya.Ang masikip at maruming seldang ito ay ang naging tahanan niya sa loob ng halos isang taon. At ang mga narito ay itinuturing na niyang kaibigan. Sa mata ng ibang tao ay marumi at nakakatakot sila dahil suot nila ang kulay kahel na kamiseta.“Baka makalimutan mo na kami, ah!” pagbibiro ni Leila sa kanya at niyakap siya.“Paano kita makakalimutan kung sa bawat pikit ko mukha mo ang nakikita ko?” biro niya pabalik.“Fae, ha! H’wag mo rin kaming kalimutan!” sigaw ni Anna na nakaupo sa ibabaw ng kamang gawa sa kahoy.Ngumiti siya at tinignan isa-isa, “Hindi ko kayo makakalimutan, pangako ‘yan.”Paano niya makakalimutan ang mga taong mas naging pamilya niya pa kaysa sa sarili niyang pamilya. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumingala siya. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiiyak. Sino ba naman ang
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

Capitulo Dos

Napaungol siya nang maramdaman ang mainit na palad ang dumampi sa kanyang balat. Pababa nang pababa ang haplos nito at huminto sa hita niya. He skillfully slid his hand inside the small fabric that’s covering her femininity. Nagmulat siya ng mata nang maramdamang hinahaplos nito ang kaselanan niya. “Hendrix no,” pakiusap niya, wala siyang sapat na lakas para pagbigyan ito sa makamundong pagnanasa na mayroon ito. His face darkened, “What do you mean no?”Napalunok siya, “Pagod ako. At kakalabas ko lang mula sa kulungan.”“I don’t care, it’s been a year Arabella. I fucking want you,” mariin nitong sambit at mas diniinan ang daliri nito sa kaselanan niya. “Hendrix please,” namamaos niyang sambit. He smirked at her. Alam na alam nito kung paano siya kunin, na isang salita lang nito ay tunaw na naman siya. He have the power to control her. Siniil siya nito ng halik. Napapikit na lamang siya at ninamnam ang bawat halik nito sa kanya. Sa pagkakataong ‘to lang niya nararamdaman na gusto
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

Capítulo Tres

Nakatulala siya, hinihintay na ma-cremate ang katawan ng Lola niya. Hindi niya alam kung paano siya uusad, kung paano siya mabubuhay. Napahawak siya sa mukha niya, hinang-hina na siya. Tumayo siya at lumapit sa babaeng nasa front desk.“Ma’am?”Nag-angat ng tingin ang babae, “Yes? Ano po ang maipanglilingkod ko?”“Pwede po bang makitawag ako sa telepono niyo?” sabay turo sa teleponong nasa mesa.Tumango ito at nginitian siya kaya mabilis niyang sinubukang tawagan ang telepono sa opisina nito. Kailangan niya si Hendrix, kailangan niya ng may masasandalan sa mga oras na ‘to.“Hello?” ani niya nang may sumagot na roon. “Hendrix?”“Hello, sino sila?” ang sekretarya ni Hendrix ang sumagot sa tawag niya.Napakagat labi siya sa inis, “Nasaan si Hendrix?”“Miss Arabella?”“Ako ‘to, Mark. Nasaan si Hendrix?” napapikit pa siya nang marinig niyang bumuntong hininga si Mark sa kabilang linya. “Please, answer me honestly, Mark.”“Magkasama po sila ni Ma’am Abegail. Bigla po kasing inatake ng hika
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

Capitulo Quatro

“Good morning!” bati niya sa mga kasamahan sa station na iyon. “Good morning, ako nga pala si Sheena!” pakilala ng babaeng may katangkaran , inilahad nito ang palad niya.Tinanggap naman niya, “Fae.”Ngumiti si Sheena, “Ito naman si Naz,” turo niya sa lalaking kumaway sa kanya. “Ito naman si Iya,” sabay turo sa babaeng may hawak na chart. “Welcome sa station natin!”Mababait naman ang mga kasamahan niya sa trabaho. Hati-hati sila sa lahat ng gawain. Dahil siya ay bago ni-review niya muna lahat ng charts at profiles. Tumunog ang buzzer, kung saan may pasyenteng tumatawag sa kanila. Nagkatinginan silang apat. “Ako na,” anas niya.“Sure ka? May sa demonya pa naman ang pasyenteng ‘yun,” nakangiwing sambit ni Iya.“Bonus na lang talaga na gwapo ang boyfriend nito!” sabat naman ni Sheena.Kinawayan niya na lamang ang dalawa at mabilis na nagtungo kung saan private room iyon. Mabilis niyang pinihit ang sedura at bumungad sa kanya ang mukha ni Abegail.Pareho silang gulat na gulat nang ma
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

Capitulo Cinco

“Fuck! Shut the fuck up!” sigaw nito sa kanya. “You will fucking go with me. H’wag mo akong subukan, Arabella Fae. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!” bigla siya nitong binuhat sinampa sa balikat nito. Pinagsusuntok niya ang likod ni Hendrix ngunit wala man lang itong reaksyon, binitbit siya nito na parang sako ng bigas. “I hate you! Tang ina ka!” sigaw niya ngunit kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi siya makawala sa asawa niya. Binuksan ni Hendrix ang pinto ng kotse nito at mabilis siyang inilagay sa upuan at sinuotan ng seatbelt. Mabilis rin na nagtungo si Hendrix sa driver’s seat pinaandar ang kotse. Napagod na siya na manlaban sa asawa niya kaya hinayaan niya na lamang ito. Nais niyang tumalon paalis sa kotse pero ayaw niyang masayang ang uniporme niya. Kailangan niya pa itong labhan pag-uwi niya para may maisuot pa siya bukas pagpasok niya. Kapos pa siya sa budget kaya hindi pa siya nakakabili ng extra na uniporme. “Ano pa bang kailangan mo, Hendrix? Hindi mo na naman
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

Capitulo Seis

Nagising si Arabella sa malakas na tunog ng cellphone. Kinapa niya ang cellphone sa tabi niya. Dali-dali niya iyong sinagot dahil nahihiya siya na maistorbo ang mga kasamahan niya sa silid. Pikit ang mga mata niya, inaantok pa siya dahil sa pagod sa trabaho ngayong araw.“Hello,” humikab pa siya matapos sagutin ang tawag. “Sino ‘to?”“Hello, si Mrs. Leviste po ba ‘to? Asawa ni Mr. Leviste?” isang hindi pamilyar na boses ang nagsalita sa kabilang linya. Napamulat siya ng mata at tinignan kung sino ang caller ID, hindi naman nakarehistro ang numerong iyon. Nagising ang diwa niya, napaupo siya, sa pagkakaalam niya ay bago ang numero niya paano nalaman iyon ni Hendrix?Ibinalik niya sa tenga ang mumurahing cellphone niya, “Hello. Sino nga ulit ito?”“Hello Mrs. Leviste, si Aaron po ‘to. Trabahante sa Ledge Restaubar, tinawagan ko po kayo para ipaalam na lasing na lasing po ang asawa niya. At nagwawala po siya kanina sa VIP room. Pakikuha po sana ng asawa niyo rito, Ma’am. Kanina pa po si
last updateLast Updated : 2024-07-25
Read more

Capitulo Siete

“What did you do to him?!” galit na wika ni Abegail nang makarating sa silid ni Hendrix. Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising ang binata. Hindi siya umalis sa tabi ng asawa. Gaano man siya kagalit rito ay hindi niya maitatangging mahal niya ito. She still wants the best for him. Ayaw niyang malagay ito sa kapahamakan.“Wala akong ginawa sa kanya, Abegail…” Umiiyak na si Abegail. “What did you do to him? Bakit ba siya minamalas nang gan’to? He married you to get rid of that damn curse pero mas isinumpa yata siya simula nang ikasal kayo! Hindi ko siya pinakawalan para lang mag kaganito.”Napailing siya sa sinabi nito. Siya pa ang malas? Siya itong minalas nang maikasal silang dalawa. Akala niya ay buhay niya ay magbabago kapag ikinasal sila ngunit mas naglugmok pa siya sa putik.“Ikaw ang malas, Abegail. You kept on clinging onto him. Kaya nga kami ikinasal para makaiwas sa ‘yo,” she spat. Hindi siya papayag nadurugin nito–tapos na siya sa pagiging santa. Panahon naman para lumab
last updateLast Updated : 2024-07-28
Read more

Capitulo Ocho

Arabella had no choice but to work. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang trabaho niya. And she can’t file a leave yet. Kabago-bago niya lang kaya hindi pa siya maaaring mag-leave. Naroon naman ang ilang katiwala nila Hendrix, nagbabantay sa binata. Tumwag kasi siya sa mga ito nakiusap. Alam rin naman niyang dadalawa ang kabit ng asawa niya kaya wala na siyang dapat alalahanin pa. Matapos maligo at magbihis ay dumiretso siya sa hospital para magtrabaho. Nadatnan niya ang iilan sa mga katrabaho niya. Binati niya ang mga ito saka dumiretso sa pagtatrabaho. Inabala niya ang sarili niya sa pagche-check ng mga pasyente. Hanggang sa makarating siya sa VIP area–kung saan sakop pa rin ng department nila. Pinihit niya ang sedura–sumalubong sa kanya ang isang batang lalaki. Sa tansya niya ay nasa apat o limang taong gulang ito. Payat at medyo maputla ang kompleksyon nito. Kumunot ang noo nito nang makita siya. Ilang segundo pa ay nagbago ang ekspresyon nito. Biglang namilog ang inosenting mga
last updateLast Updated : 2024-07-28
Read more

Capitulo Nueve

Hindi siya umalis sa trabaho. Hinintay niya munang pumatak ang alas singko para magtungo sa kabilang hospital kung saan naroon ang asawa niya. Nadatnan niya si Ellen na nakatayo sa labas. Kinawayan niya ito, nanlaki ang mata ni Ellen at sumenyas ito. Tinuro ang leeg nito at gumawa ng imaginary line. Napangiwi siya nang mapagtanto kung ano iyon. Nasa loob ang biyenan niya kaya patay talaga siya. Mabilis siyang naglakad papalapit kay Ellen–ka edad niya ito at ito ang pinaka malapit sa kanya. Isa rin itong kasambahay na namamasukan sa pamilyang Leviste–siya itong sinuwerte–o mas tamang sabihing minalas at nasali sa pamilyang ‘to. Kaya heto siya, nagdurusa. Humawak siya sa braso ni Ellen, “Sino ba ang nandyan?”“Nasa loob ang biyenan mo. Kahit iyong kabit andon. Lumabas na nga ako ‘di ko kaya sa loob. Para akong nasa impyerno! Nagsama-sama lahat ng mga demonyo,” halos pabulong na wika ni Ellen. Napalunok siya sa kaba. Kapag pumasok siya sa loob parang ipinagkanulo niya ang sarili bilan
last updateLast Updated : 2024-07-28
Read more

Capitulo Diez

“Arabella,” namamaos na usal ng asawa niya.“Oh?”Gising na si Hendrix at siya ang unang nabungaran nito. Masaya siyang gising na ito pero hindi siya masaya na kailangan niyang bumalik sa mansyon ng mga Leviste. Nalaman ng biyenan niyang demonya na lumayas siya sa bahay nila ni Hendrix. Galit na galit ito at nabaling na naman sa kanya ang sisi.“I’m thirsty,” wika nito.Umirap siya at padabog na tumayo at kumuha ng tubig sa fridge. Binuksan niya iyon at inabot sa asawa niya. Ayon sa doctor ni Hendrix ay masuwerte ito wala masyadong impact sa ulo nito. Maliban na lang pagiging iritable nito, ang sabi ng doctor ay mawawala raw iyon makalipas ang ilang araw. Although, may cast ang paa ni Hendrix. Bukod doon ay wala na itong bali o kung ano, ang mga pasa at pamamaga sa ibang bahagi ng katawan nito ay medyo nawawala na.“Why are you grumpy?” iritadong wika ni Hendrix. “I am sick.”“So? Kasalanan ko kung ba’t ka nakaratay rito?” ismid niya. “And you didn’t tell your mother na maghihiwalay na
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status