Share

Capitulo Cinco

“Fuck! Shut the fuck up!” sigaw nito sa kanya. “You will fucking go with me. H’wag mo akong subukan, Arabella Fae. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!” bigla siya nitong binuhat sinampa sa balikat nito. Pinagsusuntok niya ang likod ni Hendrix ngunit wala man lang itong reaksyon, binitbit siya nito na parang sako ng bigas. 

“I hate you! Tang ina ka!” sigaw niya ngunit kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi siya makawala sa asawa niya. 

Binuksan ni Hendrix ang pinto ng kotse nito at mabilis siyang inilagay sa upuan at sinuotan ng seatbelt. Mabilis rin na nagtungo si Hendrix sa driver’s seat pinaandar ang kotse. Napagod na siya na manlaban sa asawa niya kaya hinayaan niya na lamang ito. 

Nais niyang tumalon paalis sa kotse pero ayaw niyang masayang ang uniporme niya. Kailangan niya pa itong labhan pag-uwi niya para may maisuot pa siya bukas pagpasok niya. Kapos pa siya sa budget kaya hindi pa siya nakakabili ng extra na uniporme. 

“Ano pa bang kailangan mo, Hendrix? Hindi mo na naman ako kailangan sa buhay mo. Tapos na ang trabaho ko sa ‘yo. Malayo ka na sa kapahamakan at kamalasan!”

Kinasal silang dalawa dahil ang magulang ni Hendrix ay mapamahiing tao. Sunod-sunod ang kamalasan ni Hendrix at ang tanging solusyon ay makasal siya sa isang babaeng isinilang sa taon na 2000. Dapat si Abegail ang papakasalan ni Hendrix ngunit si Abegail rin pala ang nagdala ng kamalasan kay Hendrix kaya mas minabuti ng ina ni Hendrix na maikasal siya sa iba upang mahinto ang kamalasan niya. 

Sinuwerte nga si Hendrix nang maikasal sila, malayo na ito sa mga kapahamakan at kamalasan. Sunod-sunod ang swerteng nangyari sa pamilyang Leviste lalo na kay Hendrix. Ngunit iyon naman ang umpisa ng kalbaryo niya. 

Kung dati ay tuwang-tuwa siya na maikasal kay Hendrix dahil mahal niya ito. Kinalaunan ay nagsisi na siya dahil sunod-sunod naman ang kamalasan na nangyari sa kanya. Ang dami niyang tiniis ng maging misis siya nito. 

“Just because your grandmother died, hihiwalayan mo na ako? Wala na akong pakinabang sa ‘yo kaya you want to drop like a hot potato?!” hininto ni Hendrix ang kotse, tinabi nito sa gilid ng daan at hinarap siya. “Sagutin mo ako, Arabella. Answer me damn it!” 

“Alam mong wala na si Mamay?” nanginginig niyang tanong. 

Malapit ang Mamay niya kay Hendrix, tuwang-tuwa ang Mamay niya rito dahil mabait si Hendrix at mabilis makapalagayan ng loob. At alam rin ng Mamay niya na mahal na mahal niya si Hendrix kaya tuwang-tuwa ito nang maikasal sila. 

He sighed. “Nalaman ko noong araw na pumanaw rin ito. The nursed informed me.”

“Alam mo,” nanginginig niya itong tinignan. “Alam mo. But you never came!”

“I know I am sorry. But I can’t just leave Abegail. Paano kung lumala ang kondisyon nito? I don’t want to upset her–”

“Pero ayos lang sa ‘yo kapag ako ang malungkot? Alam mong hirap na hirap ako ng araw na ‘yon. I need you. I need you to  be there for me kahit nung araw lang na ‘yun. Mahalaga ka rin kay Mamay, tinuring ka niyang apo niya. Mahal ka pa niya kaysa sa ‘kin!” 

“I know pero alam ko naman kaya mo ‘yun! You’re braver and stronger than Abegail, you know Abegail has a weak body. Hindi ko kayang isakripisyo ang kalusugan niya—”

Nag-uunahang tumulo ang mga luha niya. Bawat salitang lumalabas sa bigbig ni Hendrix ay parang punyal na sumasaksak sa puso niya. Ganoon  ba talaga siya kawalang halaga rito? Apat na taon silang kasal, kahit respeto lang sa araw na ‘yun ay hindi pa naibigay ni Hendrix at nais nitong maintindihan niya ang rason nito?

“Maghiwalay na tayo,” wika niya nang may pinalidad sa boses niya. 

“Fuck! Why can’t you just understand me, Arabella? Mahirap bang intindihin iyon?! You know I’ve been trying to pacify Abegail and her family para lang makalabas ka ng maaga! Kahit iyon man lang sana naisip mo–”

“Tang ina! Sana naisip mo rin ang nararamdaman ko, Hendrix. Sana sumagi rin sa isip mo na hindi sa lahat ng oras kaya ko. Kaya ko na intindihin ka at ang punyetang Abegail na ‘yan–”

“Stop bad mouthing Abegail, Arabella! Alam mo bang iniisip ni Abegail kung maayos ka na ba at nakapag-adjust ka na ba sa buhay mo! If it weren’t–

“Tang ina!” sigaw niya at habang pinapahid ang mga luhang lumalandas sa mukha niya. “Tang ina! Dapat ko pa palang ipagpasalamat sa ‘yo ang lahat? Na nakalaya ako dahil naging tuta ka ni Abegail? Bullshit! Tuta ka na ni Abegail matagal na!”

Marahas niyang kinalas ang seatbelt nasuot niya at agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. 

Humarap siya kay Hendrix, “Maghiwalay na tayong dalawa. Set me free, Hendrix. I deserve to be free.”

Sa bawat hakbang niya papalayo sa kotse ng asawa niya ay para siyang kandilang nauupos. Ngunit buo na ang desisyon niya, panahon na para piliin niya ang sarili niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status