Share

Capitulo Ocho

Arabella had no choice but to work. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang trabaho niya. And she can’t file a leave yet. Kabago-bago niya lang kaya hindi pa siya maaaring mag-leave. Naroon naman ang ilang katiwala nila Hendrix, nagbabantay sa binata. Tumwag kasi siya sa mga ito nakiusap. Alam rin naman niyang dadalawa ang kabit ng asawa niya kaya wala na siyang dapat alalahanin pa. 

Matapos maligo at magbihis ay dumiretso siya sa hospital para magtrabaho. Nadatnan niya ang iilan sa mga katrabaho niya. Binati niya ang mga ito saka  dumiretso sa pagtatrabaho. Inabala niya ang sarili niya sa pagche-check ng mga pasyente. Hanggang sa makarating siya sa VIP area–kung saan sakop pa rin ng department nila. 

Pinihit niya ang sedura–sumalubong sa kanya ang isang batang lalaki. Sa tansya niya ay nasa apat o limang taong gulang ito. Payat at medyo maputla ang kompleksyon nito. Kumunot ang noo nito nang makita siya. Ilang segundo pa ay nagbago ang ekspresyon nito. Biglang namilog ang inosenting mga mata nito at lumapad ang ngisi sa labi nito. 

“Mama!” sigaw nito–napakaripas siya ng takbo papalapit rito nang akmang tatalong ito sa hospital bed. 

Hinawakan niya agad ang braso nito, “H’wag kang maglikot baby. Baka matanggal itong swero mo. Sige ka, baka injection-an ka na naman.”

Lumabi ang bata at umiling. “I don’t want that, Mama.”

Mama? Mukha ba siyang nanay? Napangiwi siya–baka mukha talaga siyang nanay. Hindi kasi siya nag-aayos ng sarili niya. Kung noon ay wala siyang pera para ayusin ang pananamit niya at maglagay ng kung anu-anong anek-anek sa mukha niya. Nang maikasal naman siya kay Hendrix–she got tired from it. Hanggang sa napagod siya dahil kahit anong ayos niya ay hindi pa rin siya mamahalin ni Hendrix. 

Parating sinasabi ni Hendrix na mas maganda si Abegail. Si Abegail ganito—ganyan si Abegail. She stopped proving herself to anyone. Pang lamang tiyan lang siya ni Hendrix. Na hindi siya kagandahan at kasing yaman o kasing hinhin kumilos ni Abegail. 

“Mama,” nakalabing aniya ng bata. Kinabahan siya dahil paiyak na ito, agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito. 

“Baby…” napalunok siya nang makita ang nangungusap nitong mga mata. “Kasi… I am not your Mama. I am a nurse here. I-I work here.”

“No!” marahas na wika ng bata saka umiling. “You are my Mama! My Mama!

The child started crying and screaming. Pinaghahampas pa nito ang unan kaya natakot siya na baka  dumugo ang kamay nito. Mabilis niyang kinarga ang bata–hindi alintana ang mga hampas nito. Inalo-alo niya ito, marahang hinahaplos ang likod nito. 

“Shh. Stop crying na. O-of course you are my baby,” napipilitang aniya–natatakot siya na baka  madatnan siya ng mga magulang ng bata at mapagkamalan pa siyang nanakit ng bata. 

Sumisinok-sinok pa ang bata. Humarap ito sa kanya, namumula ang ilong nito at pisngi. Bilog na bilog ang magkabilang pisngi nito kaya pinipigilan niya ang sariling panggigilan ang bata. Lumabi ang bata saka malambing na ikinawit ang braso sa leeg niya. 

“Ang tagal mo, Mama. I waited for you to come,” a hint of sadness laced in his voice.

Napakagat labi siya. Pakiramdam niya ay tinutusok ang puso niya sa binitawang salita nito. Kung nasaan man ang ina ng bata–kung iniwan man nito ito sana hindi masarap ang ulam nito. Alam niya ang pakiramdam ng may kulang sa buhay niya. Hindi niya nakilala ang ama at ina niya. Kahit pa sabihing sinubukang punan ng Mamay niya lahat ng kulang sa kanya may parte pa rin sa kanya na naghahanap ng aruga ng tunay niyang mga magulang.

“Papa told me that if I will be good you will come. I prayed and prayed Mama–that one day you will come and be with us. I miss you, Mama!” umatungal ang bata kaya naiyak na rin siya. 

Iyak lang rin siya nang iyak. Pakiramdam niya ay siya ang nasa sitwasyon ng paslit. Ganito rin siya noon–inaakalang babalikan siya ng nanay niya. But her mother never came back. Nabalitaan na lamang nilang pumanaw na ito.

At ngayon pati ang Mamay niya ay wala na. Wala na siyang kakampi. Wala na siyang masasandalan. Wala na ang Mamay niya na siyang nagpapagaan ng loob niya. Hindi man lang niya natupad ang pangako rito na madadala ito sa isang magandang lugar. Sa loob ng ilang taon ay nasa hospital lang ito halos. 

Hinawakan ng bata ang magkabilang pisngi niya, “Stop crying Mama. It is breaking my heart.”

Mas lalo tuloy siyang naiyak nang marinig ang mga katagang iyon. She’s alone now and no one will be there for her. Pinunasan ng bata ang mga luha niya gamit ang maliit at malambot nitong mga kamay. May luha pa rin ang gilid  ng mga mata nito. 

“H’wag na tayo cry, Mama. I don’t want to see you crying,” he said in a soft voice.

Binaba niya ang bata sa kama. Pinunasan niya ang mga luha niya. Huminga siya ng malalim at saka nginitian ang bata. Nakalimutan na tuloy niya ang pakay rito. Imbes i-che-check niya ang ang blood pressure at heart rate nito ay nakalimutan niya. 

Natawa siya at tumawa rin ang bata–pareho silang nakangiti. 

Bumukas ang pinto at pareho silang napatingin roon. Pumasok ang isang lalaking nakasuit, may kasama itong babae. Kaya agad siyang yumuko–baka mahalata nito ang pamumula ng mata niya. At baka sabihing pinaiyak niya rin ang bata.

“Is everything alright?” 

Nag-angat siya ng tingin sa lalaki–mukhang tatay iyon ng bata dahil pansin niya ang pagkakahawig ng mukha ng dalawa. Napasulyap naman siya sa babaeng katabi nito at napansin niyang hindi ito kamukha ng bata. Nag-iwas siya ng tingin ng irapan siya nito. 

“Ah! Iche-check ko ‘ho sana ang vital signs ng bata,” napakamot siya sa leeg niya. “Kaso po… ano.”

“What?!” naiinip na wika ng lalaki.

“Papa that’s bad! That’s my Mama!” sigaw ng bata na paiyak na naman, namumula na naman ang ilong nito at namumuo ang luha sa kanyang mga mata. 

Napasinghap ang babaeng katabi ng tatay ng bata. Napalunok siya nang bumaling ang lalaki sa kanya. She bit her lower lip, she pinched her thighs to calm herself down. Kinakabahan siya, napapikit na lamang siya sa takot na bulyawan siya ng lalaki. Ngunit ilang saglit ang lumipas ay wala siyang narinig, unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya. 

Seryosong nakatingin sa kanya ang lalaki kaya nag-iwas siya ng tingin. Mabilis siyang kumilos at agad niyang kinuhanan ng blood pressure ang bata. The innocent child was staring at her intently–na para bang mawawala siya sa paningin nito kaya ilang na ilang siya. 

Nang matapos niya lahat ng gawain ay napalunok siya nang mapansing nakatingin lahat sa kilis niya. Agad siyang nag-angat ng tingin.

“Mauna na ‘ho ako,” she said as she took a step. 

“Mama, where are you going?” ani ng bata kaya napalingon siya rito, paiyak na naman ito! Kaya kabado siyang ngumiti sa bata. 

“A-ano… I have to work kasi baby, eh.”

“Will you come back, Mama?”

Bumaling siya sa tatay ng bata. Hindi rin ito nagsalita o kumilos kaya kinakabahan siya kung ano ang sasabihin niya. Ayaw niyang paasahin ang bata ngunit ayaw niyang ring masaktan ito. She couln’t break his little heart… may puso naman siya!

She swallowed hard as she looked at the innocent child. “I’ll be back. I have to work, Baby. See you tomorrow!”

Mabilis niyang nilisan ang silid. Ilang hakbang lang naman ang tinakbo niya pero hingal na hingal siya. Sapu-sapo ang dibdib habang hinahabol ang hininga niya. Tumunog ang cellphone niya sa bulsa kaya mabilis niyang kinuha iyon. Remihistro ang numero ni Ellen–kasambahay sa mansyon ng mga Leviste. Ang nagbabantay kay Hendrix ngayon. 

Mabilis niyang sinagot iyon, “Hello? Ellen, may problema ba? Nagalit ba sila Ma’am Lara?”

“Hello? Teh, asa’n ka? Pumunta ka rito! Gising na ang asawa mo!” halos mabingi siya sa sigaw nito mula sa kabilang linya.

“Sure ka ba d’yan?”

“Mukha ba akong nagjojoke time? Pumarini ka na at baka maunahan ka pa ng haliparot at magpaka-asawa na naman sa asawa mo. At baka dumating rin sila Ma’am Lara, e.”

Naku, problema na naman! Napahawak siya sa ulo niya. Paano siya aalis? May trabaho pa siya at hindi siya pwedeng mag-undertime baka masisante siya! Ngunit baka bugahan na naman siya ng biyenan niya!

Deandra

Happy reading! Please, vote, rate, and comment. Support my other story too.

| 2
Comments (1)
goodnovel comment avatar
❤❤❤(Mrs.Kim❤)
more update please.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status