MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)

MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)

last updateLast Updated : 2023-11-18
By:  Nathy’s WattyOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
47Chapters
19.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay may di inaasahang pangyayari ang hindi niya makakalimutan. Ang ipakakasal siya sa taong hindi niya kilala at sinasabing pinaka-kinakatakutan sa lahat...

View More

Chapter 1

MARRIED TO THE WRONG BRIDE : THE WEDDING AND ESCAPE

(THE WEDDING AND ESCAPE)

"READY ka na?" tanong ni Rebecca sa akin akmang ilalagay ang puting belo sa aking ulo.

"Hindi." diretsong sagot ko. Natigilan siya sa paglagay ng belo. Naramdaman ko iyon kaya tiningala ko siya na nakatayo sa harapan ko.

Inipit niya ang mga labi niya saka binaba ang belo at inilagay muna sa lamesa ng vanity mirror sa tabi ko.

Malungkot akong tinitigan ni Rebecca may halo iyong konsensya pero ito lang ang nakikita niyang paraan para makatakas sa balak ng mga magulang niya.

Anak siya ng mga amo ko, magkasing edad lang kami at maniwala kayo sa hindi ay sobra kaming malapit sa isa't-isa na parang magkapatid na ang turingan.

Ipapakasal kasi si Rebecca sa lalaking hindi pa niya nakikita o nakikilala man lang. Kahit ang mga magulang daw nito ay hindi rin kilala ang lalaking kanyang mapapangasawa basta't nakipagkasundo nalang raw ang pamilya nito sa lolo ng lalaki at si Rebecca ang napili noong lolo na presidente ng pinakamalaking Real Estate dito sa bansa.

Investor ang mga magulang niya, at isa sila sa mga investors ng Arzadon Real Estate na 'yon. Dahil raw sa katandaan ng business partner na pinag-iinvestan nila ay kailangang may pumalit na sa posisyon nito at gusto nito na ipakasal na ang kanyang apo pagka-upo sa posisyon para sa mabilisang pamana ng ari-arian pati na kompanya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung bakit ko ba tinanggap itong pinagawa ni Rebecca sakin. Malaki kasi ang kapalit na ibibigay niya sa akin, isang bahay at lupa na kakasya sa dalawa o tatlong tao.

Noong una ay hindi ako naniwala pero nang ipakita ni Rebecca sakin ang titulo ng bahay at lupa na nabili niya ay doon lang ako napapayag kahit sobrang labag sa aking kalooban. 

Mas lalo akong nabigla ng malaman ko pang nakapangalan na sakin ang bahay at lupang kanyang nabili. 'Tsaka niya lang raw ibibigay ang titulong 'yon pag natapos na akong ikasal sa lalaking 'yon.

Hinila ni Rebecca ang upuan na nasa likod niya saka umupo siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapa-ibabaw sa mga hita ko at marahang pinisil iyon. 

Suminghal siya ng mahina, pa iba-iba ang kurba ng bibig niya na para bang hinuhulma muna ang mga salitang sasabihin. "I'm really sorry." paumanhin ni Rebecca sakin. Pasalit-salit ang tingin niya sa mga mata ko, at ramdam ko ang sinseridad sa mga titig niya roon.

"Sorry dahil dinamay kita sa kalokohan nina mama at papa." bigo ang boses ni Rebecca ng sabihin 'yon.

Pinilit kong ngumiti para naman makita niya na hindi ako masyadong tensyonado sa nangyayari. Na kahit ang totoo ay parang hihiwalay na ang kaluluwa ko sa kaba at takot.

“Hindi lang ako handa sa mga sasabihin ko sa harapan ng simbahan, sa maraming tao, lalong-lalo na sa lalaking pakakasalan ko." rason ko sa kanya.

Ang totoo talaga niyan, hindi ako handa. Hindi talaga ako handa. Ang bilis kasi, sobrang bilis na talagang masasabi kong napag-planuhan na'to ni Rebecca bago ang kasal para hindi na'ko makatanggi pa.

Kaya pala noong nagtatanong ako tungkol sa mga preparasyon sa kasal niya ay oo lang siya ng oo. Iyon naman pala ay ako ang ipapalit niya para malaya siyang maka-alis ng bansa.

Dati ng tumanggi si Rebecca sa mga magulang niya na ipakasal sa apo ng presidente ng Arzadon Real Estate. Ang mga amo ko lang naman ang nagpupumilit dahil makakakuha raw sila ng halos kalahating pursyentong share ng kompanya at dodoble pa raw 'yon kung magkakaroon pa raw ito ng apo sa tuhod.

Sino ba nga naman ang hi-hindi sa ganoong proposal diba? Bilyong pera ang pinag-uusapan, kaya hindi ka na magtataka kung bakit ganoon na lang sila kadesperado na i-udyok ang sarili nilang anak na ipakasal sa hindi naman nila kilala.

Nagkaroon ng konting research si Rebecca sa apo ng presidente ng Real Estate na nag ngangalang Fiandro Hoaquin Arzadon.

Unang-una sa listahan ay babaero raw ito, strikto pagdating sa trabaho, at laging mainitin ang ulo. Balita rin daw niya eh wala itong puso dahil mahilig itong magsi-sante ng empleyado. Sobrang lamig makitungo lalo na kung hindi tungkol sa trabaho.

Kaya sinong matutuwa kung ganoong klaseng lalaki ang papakasalan mo. Hindi ko masisisi ang kaibigan ko kung bakit ayaw niya sa taong iyon.

Ako lang ang naisip niyang sumalo non para madali siyang makaluwas ng bansa kasi kung hindi ay habang buhay siyang magluluksa sa buhay na hindi naman niya pinapangarap.

Hindi lang sa ayaw niya ang katauhan noong Fiandro, ayaw niya pang magpakasal at pumasok sa responsableng mundo ng pagiging mag-asawa.

Gusto niya kasing mag-enjoy sa pagiging dalaga. Ayaw niya pa ng mga commitments at may mga pangarap pa siya sa buhay na gusto niyang marating kahit na wala ang tulong ng mga magulang nito.

Mahinang humagikgik si Rebecca. “Sundin mo lang ang pari sa ipapagawa at sasabihin sa’yo. Nakahanda na rin ang speech mo sa lalaking ‘yon.” pag-instruct niya sakin saka hinawi ang iilang hibla ng natural na kulot kong buhok at inipit sa kanang tainga ko.

"Huwag kang mag-alala Tina, lahat ng hinanda ko ay naaayon na sa plano hindi lang sa kasal na’to. Alam mo namang pekeng marriage contract ang ipinadala ko kaya pagkatapos niyong ikasal ay wala ding magiging silbi ‘yon."

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. May tiwala ako sakanya at gusto kong tulungan si Rebecca. Gusto ko siyang maabot ang mga pangarap na gusto niya.

Napaka-independent ni Rebecca, iyon ang aking kinabibilib sakanya. Ayaw niyang humihingi ng tulong galing sa kanyang mga magulang. Gusto niyang siya lang ang gagawa ng sariling pangalan sa industriya, at ako ang magiging tulay ni Rebecca para matupad na iyon.

Nilabas ni Rebecca ang wallet niya at may mga kinuhang silver, blue at gold na credit card saka nilapag sa mesa ng vanity mirror.

“Iyan ang mga credit cards ko na galing kina mama at papa, iiwan ko ang mga ‘yan dito. At alam kong ihohold nila ang laman nang mga ‘yan para hindi ako makaalis.” ngumisi siya ng may pagka-pilyo. “Ang hindi nila alam may sarili akong bank account at nakapag-ipon nako ng malaki-laki para makapag-simula na sa Paris.” kinikilig niyang sabi halata ang pagka-excite.

Ngumiti ako, masaya ako dahil nakita ko ang tunay na saya sa mukha niya. Ang saya na hindi ko pa nakikita kailanman. Iyong bang saya ng kalayaan.

“Masaya ako dahil sa wakas, matutupad mo na ang mga pangarap mo.” ani ko saka hinawakan ang isang kamay niya na naka-hawak sa aking kamay.

Lumungkot ang ngiti ni Rebecca pero mangha ang mga matang nakatingin sa akin. “Hindi ko makakamtan ‘to dahil sa’yo. Hinding-hindi ko ‘to malilimutan…At kahit na nasa Paris na’ko lagi kitang kokontakin. Alam mo namang kapatid na ang turing ko sa’yo.” pagkasabi niya non ay napansin kong nanunubig na ang mga mata niya.

Nang makita ko ‘yon ay hindi ko maiwasang maluha na rin. Magkakahiwalay kami para sa pangarap at kalayaan. At naiintindihan ko siya sa parte niya.

“Lagi mo akong tatawagan ha? Sige ka, magtatampo ako kung hindi.” sabi ko sa basag na boses.

Tumango tango si Rebecca, sa oras na ‘yon hindi na namin napigilang maluha kasi magkakahiwalay kami ng medyo katagalan.

Nagkayakapan kami ng sobrang higpit na parang wala ng bukas. Nang maghiwalay kami sa yakapan ay may inabot siya sakin na gold card.

Tumingin ako kay Rebecca ng pagkataka-taka. “Bakit ‘to?” tanong ko ng kumunot ng konti ang aking noo.

“Bigay ko ‘yan sa’yo. Panimula mo sa kung anong negosyong gusto mong itayo. Deserve mo iyan dahil sa pagiging mabuti mong kaibigan.” ngiti niya.

Umiling ako at akmang ibabalik ang gold card pero tinaasan niya lang ako ng kamay para pigilan sa gagawin ko.

“Please tanggapin mo. Para na rin sa pag agrabiyado ko sa’yo. I think this is the sign. Kaya iggrab ko na ang pagkakataon na ‘to para makapagsimula na ako sa journey ko.”

“Mamimiss kita, Rebecca.” malungkot kong sabi.

“Mamimiss rin kita, Tina.” niyakap niya ulit ako. “Maghanda ka na at baka naghihintay na sila doon.” anito ng humiwalay sa yakap.

Kinuha niya ulit ang belo at inilagay sa uluhan ko. Sa harapan ng belo ko ay tanging mga labi ko lang ang nakikita. Hindi gaanong see through ang belo kaya hindi nila makikita ang mukha ko.

Hindi ako mababahala kasi magkaparehas kami ni Rebecca ng hugis ng labi at pangangatawan. Kaya walang magtataka. Kung sa buhok kong nakalugay ay di nila iyon papansinin dahil ang iisipin nila ay nakasuot siya ng wig.

Pinatayo ako ni Rebecca saka hinawi ang mahabang wavy kong buhok palikod. “Pagkatapos ng kasal, may sasakyan akong ipapapunta sa simbahan at ididiretso kayo sa hotel na pinabook nina mama at papa. Pagkarating niyo roon takasan mo na siya ng hindi niya nalalaman. Aabangan kita sa labas ng hotel para sunduin ka at ihatid sa magiging bago mong bahay bago ako lilipad sa Paris.” sabi niya.

Tumango naman ako sa sinabi ni Rebecca. “Paano ka pala makakalabas dito?” tanong ko.

Nginusuan niya ang nasa likuran ko na tapat namin ay terrace ng kwarto. “Diyan sa terrace ko. Huwag kang mag-alala hindi nila ako makikita dahil nakatuon ang atensyon nila sayo dahil akala nila ako ay ikaw na ikakasal.”

Lumuwag naman ang aking hininga. Buti nalang kasi kinakabahan ako at baka mahuli kami sa ginagawa namin.

May kumatok sa pinto ng kwarto ni Rebecca sabay kaming nalinga doon.

“Maam Rebecca nandyan na po iyong sasakyan papuntang simbahan.” isa sa mga bodyguard ni Rebecca.

“Ah. Oo lalabas na ako. Sabihan mo ang mga katulong na hintayin ako dyan sa labas ng kwarto.” sagot mismo ni Rebecca. Pagkatapos ay inilagay niya ang bonet sa ulo at nag face mask. “Aalis na ako Tina. See you.” nagmamadali niyang paalam.

“Mag-iingat ka Rebecca.”

“Oo. Ikaw rin.”

Tuluyan nang naka-alis si Rebecca, lumusot siya sa terrace dito sa kanyang kwarto. Dito sa likod ng mansyon ang malalabasan niya kaya hindi siya makikita kaagad.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng silid. Late reaction ata itong kaba at takot ko kasi trumiple ang nararamdaman ko ngayon.

HUMAWAK ako sa braso ng ama ni Rebecca. Dahan-dahan naming tinahak ang red carpet ng simbahan para ako’y ihatid sa lalaking papakasalan ko.

Kahit may kalabuan ang pagka-see through ng belo ay kita ko pa rin ang mga bisitang nagsipag-dalo sa kasal. Pansin kong okupado ang bawat upuang aming nalalagpasan.

Ibig sabihin hindi ito simpleng kasalan lang kundi isang bonggang kasal ang nagaganap.

Habang palapit kami ng palapit ay nakikita ko ang bulto ng lalaki malapit sa pari. Malapad ang balikat nito, matangkad at mukhang nanggaling talaga sa angkan ng karespe-respetong pamilya.

Inilahad ni Fiandro ang kanyang kamay sakin, tinitigan ko muna iyon saglit, malaki at mahaba ang mga daliri nito.

Nang mahawakan ko ang palad niya ay sobrang lambot non. Parang kalahati lang ng palad ko ang kanya. Kapre ata ang pakakasalan ko.

Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha niya, pero mapupulang mga labi lang ang aking nakikita. Dahil nga sa medyo malabo ang belo kaya hindi ko makita ng klaro ang mukha.

Umalis na ang ama ni Rebecca sa tabi ko ng ipaubaya ako kay Fiandro.

Maingat akong iginiya ni Fiandro papunta sa harap ng pari. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal. Nakaka-kaba ng bonggang-bongga, iyong bang gusto ng lumabas ng iyong kaluluwa sa hindi maintindihang pakiramdam.

Bago magsimula ang pari ay kinausap ako ni Fiandro. “Nanlalamig ang palad mo. Ayos ka lang ba?” tanong niya na aking ikinagulat.

Sa tono ng boses niya ay malumanay iyon at malalim, pero hindi naman nakakatakot pakinggan.

Hindi ko napigilang tingalaan siya. Dinungaw niya naman ako. Tanging mapupulang labi pa rin ang aking nakikita at ang buhok na sa tingin ko’y naka-brush up style.

Isang beses na tango ang isinagot ko. Nang malaman niya iyon ay hindi na siya nagsalita pa at hinarap na ang pari na magsisimula na ng seremonya. At ganoon na din ang ginawa ko.

Mahaba ang seremonya, nagpalitan kami ng mensahe sa isa’t-isa na akala ng lahat ay totoong iyon ang aming mga nararamdaman.

Hindi alam ng lahat na galing sa arranged marriage ito. Sinabi ng ama ni Rebecca sakin habang naglalakad kami sa red carpet kanina na ang sinabi nila sa lahat na long time girlfriend ako noong Fiandro at sinikreto lang ang aming relasyon.

Nang magpalitan kami ng singsing ay doon na sinabi ng pari na halikan na’ko ni Fiandro. Nagulantang ako dahil hindi ako nakahanda sa ganoon.

Pinangarap ko pa man din na maging memorable ang first kiss ko. Pero mukhang magiging pangarap nalang ‘yon.

Itataas na sana nito ang aking belo ngunit pinigilan ko siya sa paghawak ko sa mga kamay niya. Naintindihan naman ni Fiandro ang ibig kong sabihin roon. Siguro ang iniisip niya ay nahihiya ako. Na sana nga eh tama ang hinala ko.

Humakbang siya palapit sa akin para halikan ako. Biglang kumalabog ang dibdib ko ng napakalakas na halos madinig ko na ang pagdagundong non dahil sa kabang nararamdaman.

Hinawakan nalang nito ang mga kamay ko saka inilapit ang kanyang mukha para ako’y maabot.

Naramdaman ko ang paghalik niya sakin at ang gaan ng pagkakahalik nito. Iyong bang kasing lambot ng bulak ang pagkakalapat non. Sa sobrang nipis ng mga labi nito ay parang wala akong n*******n, na parang hangin lang na lumapat.

Nagsipalakpakan ang mga bisita sa amin. Hinarap namin sila at kahit malabo ang nakikita ko ay klaro sa akin ang masayang mukha ng mga magulang ni Rebecca pati na rin ang lolo ni Fiandro.

Hindi ko napigilang magtiim ng bagang sakanila. Naging mabuti silang amo sa akin pero naging makasarili silang magulang para kay Rebecca.

Patawad sa may kapal pero alam ko ang pinagdaan ni Rebecca. Mga gabi na umiiyak sakin para magsabi ng sama ng loob sakanila. Mga araw na sinasabihan siya kung anong maging dapat siya pagtapos ng kanyang pag-aaral.

Saksi ako sa mga ilang pagtatalo nilang tatlo at dahil lang ‘yon sa negosyo. Na dapat sumunod si Rebecca sa yapak nila hanggang sa mga susunod nilang henerasyon.

Ngumiti ako kunwaring masaya. Pero nag-aalala na ako kung anong mangyayari pagkatapos nitong kasal. Na malaman ng lahat ng narito ay hindi ako ang Rebecca Solomon na pakakasalan ng apo ng pinakatanyag na Arzadon Real Estate sa buong bansa.

Magiging isang kahihiyan ito sa pamilya ni Rebecca at lalong-lalo na sa parte ng Arzadon. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako sa magiging resulta nito.

Sabi ni Rebecca sakin na walang makakaalam sa aking katauhan hangga’t hindi naitataas ang aking belo sa mukha. Mukha namang walang pakielam itong apo ng Arzadon sa kasal o sa marriage contract. At alam ko na ang habol lang niya ay ang posisyon ng kompanya.

Buti nalang na pekeng marriage contract ang pinalit ni Rebecca. Dahil panigurado akong magiging katulong ako nitong lalaking ‘to kun’di man.

Inangat ni Fiandro ang isa kong kamay at itinaas ‘yon. Naglakad siya at sumunod ako para sabay kaming lumabas ng simabahan.

Isang grey na limousine ang nag-aabang sa amin sa labas ng simbahan. Ito na siguro ang binanggit ni Rebecca na maghahatid samin sa hotel.

Medyo kinabahan ako kasi ibang sasakyan ang kukuha sa amin. Wala namang ganitong sasakyan sina Rebecca. Dibale iyong hotel na binanggit ni Rebecca ay doon ang huli naming destinasyon.

Makakatakas rin ako kaagad dito.

TWO EMPIRE HOTEL ang pangalan ng hotel na aming pagche-check inan. Nang pagbuksan ako ni Fiandro ng pinto ay di ko napigilang isilip ang isang mata ko sa likod ng aking belo para tumingala at makita ang ganda ng building.

Nakapunta na ako sa mga iilang hotels lalo na kapag may family trip sina Rebecca, pero ito ang kauna-unahang makakakita ako ng ganito kalaki at kasosyal na hotel.

Tantiya ko nasa trenta o kwarenta ang palapag ng dalawang building. May nakita din akong parang hallway na naka-konekta sa dalawang building na ‘yon doon sa pinakatuktok.

Mababali siguro ang leeg na kung sinong titingala sa hotel na’to. Ako pa nga ay nangawit na sa iilang segundong nakatingala, sila pa kaya?

Natili ako at napasinghap nang bigla niya akong pinangko. Dahil sa pagkagulat ay napayakap ako sa leeg nito.

Nagawa niya pa akong buhatin ng ganoon eh mabigat ang gown na suot ko, marami kasi itong mga petticoats.

“Bubuhatin na kita, alam kong nangangalay ka na.” malamig niyang saad.

“Ayos lang. Hindi ka na dapat nag abala pa.” tugon ko naman.

Kahit na ang totoo eh sobrang sakit na ng dapan ko dahil sa aking sapatos na pagka-taas taas.

“Ganito ang ginagawa ng mga bagong kasal diba? So let me do it.” he said in cold tone again. Pero kahit ganoon ang tono ng boses niya ay ramdam ko naman na sincere siya sa pagiging gentleman.

Ipinasok niya ako sa isang Luxurious room. Diko naiwasang matulala sa mangha dahil sa sobrang ganda ng loob.

Sakop ng red carpet ang buong sahig ng kwarto. Naghalong cream at gold ang lahat ng kulay ng mga interiors.

Isang king size bed na royal chamber ang naroon, may cleopatrang sofa rin sa may paanan ng kama. Nakahawi ang mga malalaking kurtina na kulay gold at cream sa mga bintana, at nagsisilbi iyong dagdag liwanag ng kwarto.

Warm white ang mga ceiling panel lights na nagpatingkad ng kulay ng kwarto at umaalingawngaw ang ka sosyalan at kamahalan non sa bawat gamit na naroon.

Parang ayaw na ng mga paa kong tumapak sa sobrang linis ng carpet. Kahit ang napakalambot na kama ay ayaw ko ng higaan. Parang kinakahiya ng pagkatao ko ang tumuloy sa ganoong silid.

Maingat akong ibinaba ni Fiandro sa kama na parang sanggol lang. Ramdam ko ang sobrang lambot ng kama na para bang nakahiga ako sa ulap.

Nakita ko ang pagtalikod ni Fiandro at nagsimula na siyang maghubad ng mga suot nito. Nataranta ako at kinabahan kaya ang nagawa ko lang ay ang tumalikod sakanya.

Ano ‘to?! Gagawin na namin agad?! Lalabas ako dito sa hotel na wala na ang pagkabirhen ko?

“Magsh-shower lang ako.” paalam niya sakin.

Lumuwag agad ang hininga ko, para din akong nabunutan ng tinik.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil narinig ko ang pagsara ng pinto ng bathroom.

Marahas kong tinggal ang aking belo, umalis ako sa kama at sinimulan ko ng hinubad ang aking wedding gown. May panloob akong damit kaya hindi na’ko nahirapan pa na magbihis.

Fitted sando at denim shorts ang aking suot. Tinanggal ko rin ang heels ko at magpa-paa akong lalabas ng hotel para mas mabilis ang pagtakas ko.

Dahan-dahan ang lakad ko pero malalaki ang hakbang non para maabot ang pinto ng kwarto. Pagkalabas ko roon ay binilisan kong tumakbo sa hallway. Humabol pa’ko sa papasarang elevator at hindi naman ako nabigong nakapasok.

Sumandal ako sa dingding ng elevator. Habol ang aking hininga habang nilalabas ang cellphone na nasa bulsa ng shorts ko. Dinial ko ang number ni Rebecca, ilang ring lang ay agad niyang sinagot ang tawag.

“Hello? Asan ka na? Nandito na’ko sa labas ng hotel. Kararating lang ng taxi’ng sinakyan ko.” bungad ni Rebecca sakin sa kabilang linya.

Hinihingal pa’ko ng sagutin ko siya. “Nasa elevator na’ko. Ilang floor nalang ‘to. Hintayin mo’ko.” medyo nanginginig ang boses ko ng sabihin ‘yon sakanya.

Hindi ko alam bakit kinakabahan ako ng sobra. Para akong hostage na nakatakas sa kidnapper ang ganap.

Habang naghihintay akong makababa sa ground floor ay bigla akong napaisip. Na sa pagtapos nito ay magkakaroon ng malaking issue na kakalat sa bawat panig ng Pilipinas.

Kinikilala na rin ang Arzadon Real Estate sa ibang bansa kaya maaaring mabalita ang pangyayari ‘to.

Ito ang plinano ni Rebecca, ang magkaroon ng kasysayan ng kahihiyan sa henersyon ng kanyang pamilya. At ito rin ang magsisilbing pangaral niya sa mga magulang nito na hindi lahat ng gusto nila ay nasusunod. Na hindi lahat ng pangarap nila sakanya ay matutupad.

Nang marinig ko ang tunog ng elevator ay hudyat iyon na nasa tamang palapag na ako. Lakad-takbo ang ginawa ko para makalabas ng hotel.

Pagkalabas ko roon ay wala akong nakitang taxi. Wala ni kahit anong sasakyan na naghihintay sa tapat mismo ng entrance nitong hotel. Luminga-linga pa ako na baka sakaling nag park sila sa ibang pwesto, ngunit bigo ako.

Ididial ko na sana ang number ni Rebecca pero naunahan ako ng tawag niya. Sinagot ko iyon kaagad.

“Matagal ka pa ba Tina?” nag-aalalang tanong ni Rebecca.

“Nandito na ako sa labas. Saan ka ba banda?” paghahanap ko.

“Huh? Andito ako sa tapat mismo ng hotel. Nag-iisang taxi na nakapark.” nalilitong sagot niya.

“Naka-shorts ako at sando. Atsaka walang taxi na nakapark dito. Ang linis kaya ng kalsada.” pamimilit ko sakanya.

“What?” dinig ko ang pagtaas ng boses ni Rebecca. “Wait. Anong pangalan ng hotel na pinuntahan ninyo?”

“Two Empire Hotel.”

“Holy crap!” sabi niya na ikinabigla ko.

“B-Bakit? Anong ibig mong sabihin?” kinakabahan kong tanong.

“Tina, hindi iyan ang pinabook nina mama at papa na hotel. Nandito ako sa Five Star Hotel.” sabi ni Rebecca na ikinatameme ko. “Atsaka bakit diyan ka ipinunta ng sasakyan na pinapunta ko sa simbahan? Imposibleng magkamali ako kasi tinanong ko pa ang front desk ng hotel na nakareserve ang room niyo ni Fiandro sa isang deluxe room.” pagtataka pa niya.

Ano ‘to? Na set up ako? Papaano nangyari ‘yon?

Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Gabi na at ngayon ko lang naramdaman ang sobrang lamig sa daan. Wala pa akong suot na jacket o sapatos manlang.

“Listen Tina, I don’t have much time left. Baka mahuli ako sa flight kung pupuntahan pa kita diyan. Ganito, mag withdraw ka ng pang pocket money mo sa gold card na binigay ko. Tapos magtaxi ka at imemessage ko sa’yo ‘yong address papunta sa bahay mo.” turo niya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita ‘yon. “S-Sige.” huli kong sabi.

“When you get there, please text me back.” nagaalala niyang bilin.

Malungkot akong ngumiti. “Oo. Ingat ka sa pag-alis.” paalam ko kay Rebecca.

“Bye, Tina.”

“Ba-bye…”

Pinutol ko na ang tawag. Sinimulan ko ng maglakad at maghanap kung saan mayroong malapit na atm machine para maka-withdraw ng pera.

Pinilit kong nag takbo lakad kahit na sobrang lamig sa daan. Yakap ko ang aking sarili habang hinahagod-hagod ko ang magkabila kong braso para bumuo ng init roon, para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko.

Swinerte ako ng makakita ako ng atm machine, agad akong naglabas ng pera roon na sapat sa kakailanganin ko pansamantala.

Nareceive ko ang message ni Rebecca. Address iyon ng aking magiging bahay. Pumara ako ng taxi at sinabi ang lokasyon na aking pupuntahan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
47 Chapters
MARRIED TO THE WRONG BRIDE : THE WEDDING AND ESCAPE
(THE WEDDING AND ESCAPE) "READY ka na?" tanong ni Rebecca sa akin akmang ilalagay ang puting belo sa aking ulo. "Hindi." diretsong sagot ko. Natigilan siya sa paglagay ng belo. Naramdaman ko iyon kaya tiningala ko siya na nakatayo sa harapan ko. Inipit niya ang mga labi niya saka binaba ang belo at inilagay muna sa lamesa ng vanity mirror sa tabi ko. Malungkot akong tinitigan ni Rebecca may halo iyong konsensya pero ito lang ang nakikita niyang paraan para makatakas sa balak ng mga magulang niya. Anak siya ng mga amo ko, magkasing edad lang kami at maniwala kayo sa hindi ay sobra kaming malapit sa isa't-isa na parang magkapatid na ang turingan. Ipapakasal kasi si Rebecca sa lalaking hindi pa niya nakikita o nakikilala man lang. Kahit ang mga magulang daw nito ay hindi rin kilala ang lalaking kanyang mapapangasawa basta't nakipagkasundo nalang raw ang pamilya nito sa lolo ng lalaki at si Rebecca ang napili noong lolo na presidente ng pinakamal
last updateLast Updated : 2023-01-06
Read more
CHAPTER 1: CAUGHT
(CAUGHT) TANGHALI na ng magising ako. Umunat muna ako sabay hikab, pagkatapos ay bumangon na sa aking kama. Agad na kumalam ang sikmura ko at napagtantong nagising ako sa gutom. Dali dali akong lumabas ng kwarto para dumiretso sa kusina at maghanap ng makakain. Pagbukas ko ng ref ay tumambad sa akin ang napakaraming stocks. Magmula frozen foods hanggang sa rekados pangluto ay meron. Hindi rin nawala ang sweets na aking paborito, pati na mga prutas. Hindi ko namamalayan na nakangiti na ako. Grabe si Rebecca, hindi lang bahay kun'di pati na pagkain ay kinumpleto na. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot, gayoong miss ko na siya. Siguro nasa Paris na siya ngayon. Mamaya ay tatawagan ko sa messenger para kamustahin ito at balitaan na rin sa nangyari sakin baka kasi napagod pa iyon sa biyahe at nagpapahinga na. Speaking of that, nabuhayan ang dugo ko ng maalala ko pala na tumakas ako sa honeymoon namin ni Fiandro. Ano na kayang nangyari sa l
last updateLast Updated : 2023-01-06
Read more
CHAPTER 2 : THE MEET
(THE MEET)PAGKATAPOS kong mag-shower at lumabas sa bathroom ay wala na siya doon. Lumuwag ang hininga ko dahil makakagalaw na'ko ng maayos. Sinadya ko talagang magpatagal sa bathroom kasi iritang-irita ako sakanya, atsaka ayokong narito pa siya habang nagbibihis ako. Ano siya sinuswerte? Hindi lagi birthday niya. May nakita akong maayos na nakalatag na dress sa kama. Isang ruffled close neck na bubble type na long sleeves ang style at light peach ang kulay. May isang pares din ng silver stilettos doon atsaka silver necklace na kumikinang dahil sa repleksyon ng liwanag. Ngumuso akong lumapit roon para tignang maigi. Kumunot ang noo ko at napatanong, bakit ako magsusuot ng ganito kung lolo lang naman niya ang kikitain namin? Tss. Mga mayayaman nga talaga. Inilingan ko nalang habang pinagmamasdan ang damit. Halos mapatalon ako ng may kumatok sa pinto. "Maam? Pinapatawag na po kayo ni Sir sa baba." tawag ng katulog mula sa labas ng pintuan. "O-Oo. Malapit na akong matapos." sabi ko
last updateLast Updated : 2023-01-14
Read more
CHAPTER 3 : TRUTH AND TRAP
(TRUTH AND TRAP)TAHIMIK kaming pumasok sa loob ng bahay ni Fiandro, sobrang nakakabinging katahimikan iyon. Tamad ang paglakad ko sa aking sapatos para marinig ang tunog ng takong non at magkaroon naman kahit konting ingay sa loob.Unang sumagi sa isipan ko ang kama, gusto kong mahiga at maidlip kahit sandali manlang. Para kasing nalusaw ang utak ko ngayon at ayaw gumana ng maayos."Wala ka na bang ibang kwarto dito?" wala sa sarili kong tanong."Isa lang ang kwarto dito." agap niyang sagot.Nasa likod ko lang siya kanina ng sumagot, nasulyap ko na dumiretso siya sa kusina nila at nilapag doon ang susi ng kanyang sasakyan sa island counter nito.Tumigil siya sa gilid ng island counter saka sinampa ang isang kamay doon. Nilabas ang cellphone at may tinawagan.Binalewala ko na iyon saka dumiretso na sa kwarto ni Fiandro. Pagpasok ko doon ay tinanggal ko ang aking stilettos at itinabi sa gilid ng pintuan sa labas. Pagod akong naglakad papunta sa kanyang kama, dahan-dahang umupo saka tum
last updateLast Updated : 2023-01-15
Read more
CHAPTER 4 : THE HELP
(THE HELP)BUMABA ako mula sa kwarto ni Fiandro dahil sa pagka-uhaw. Ika-dalawang araw ko na rito, at masasabi kong sobrang nakakabagot sa bahay na'to.Gusto kong magbalak na tumakas, pero mahigpit ang bantay ng mga bodyguards niya. Halos bawat sulok ng labas ng kanyang mansyon ay may bantay. Kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang maghintay na lang.Ilang hakbang palang sa hagdan mula sa taas ko ay dinig ko na ang boses ng lolo niya at kausap mismo si Fiandro. Bumaba pa'ko ng ilang hakbang para sumungaw sa baba at marinig lalo ang pag-uusap nilang dalawa.Nakaupo ang lolo niya sa isahang sofa samantalang si Fiandro nakatayo sa harapan nito, pagitan nila ay iyong glass table.Ulo at likod ng lolo niya ang nakikita ko, pansin ko din ang dalawang kamay nito na nakahawak sa tungkod paharap. Si Fiandro naman ay tanging katawan lang ang aking nadudungaw.Nakasuot siya ng white polo at neck tie na dark blue, may suot din siyang silver wrist watch, nakablack slacks at dark brown leather shoes.
last updateLast Updated : 2023-01-16
Read more
CHAPTER 5 : LIE
(LIE)PAGTAPOS ng hapunan ay nanatili ako sa kusina kasama si manang Linda at nagku-kwentuhan, habang siya'y naghuhugas ng pinggan. Samantalang ako naman ang nagpupunas at nagpupunta sa paglalagyan.Si Pipay ay nasa itaas pa, marahil di pa tapos na naglilinis doon."Hija, ako na. Di mo trabaho iyan." marahang pigil sakin ni manang Linda ng matapos itong maghugas, at agad na kinuha ang pamunas sakin.Ngumuso nalang ako at hinayaang kunin ang pamunas, pero di ako umalis doon sapagkat pinanood ko siya na nagpupunas ng pinggan.Ilang saglit lang ang katahimikan sa kusina saka ako nag-pasyang nagsalita."Uhm. Manang Linda ilang buwan ka ng nagtatrabaho dito?" tanong ko.Sumulyap siya sakin, pagkatapos binalik ulit ang tingin sa pinupunasan at nangiti. "Taon na, hija." sagot niya.Bahagyang tumaas ang aking mga kilay sa bigla at mangha sa sagot ni manang Linda. "Mga ilang taon na po?" dagdag kong tanong."Labing-limang taon na..."Kumurap pa ang mga mata ko sa sinabi ni manang Linda. Sa sob
last updateLast Updated : 2023-01-17
Read more
CHAPTER 6 : BOND
(BOND)I SAW how Rebecca's mouth dropped while stirring her coffee and slowly sitting down on her high chair.Titig na titig siya sa akin gamit ang kanyang laptop at ako naman ay gamit ang cellphone ko na binalik ni Fiandro kagabi.Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko at kausap si Rebecca ngayon. Saktong wala siyang klase sa fashion designing. Nang replyan ko ang mga messages niya kagabi ay kinaumagahan agad niya akong tinawagan.Napakagat ako sa labi sa naging reaksyon ni Rebecca. Kwinento ko lahat ng nangyari sa akin magmula ng umalis siya.Halos di maipinta ang kanyang mukha at kung saan-saan tumitingin na parang di inaakalang ganoon ang mangyayari sa kanyang pag-alis.Ngumiti ako sa screen ng cellphone ko para maipakita kay Rebecca na ayos lang ako. Nahahandle ko pa naman ang sitwasyon dito, buti at mabait ang lolo ng mokong na 'yon. Kung hindi baka unang araw ko pa lang dito eh tumakas na'ko.Well, kahit mabait ang lolo ni Fiandro ay balak ko pa rin tumakas
last updateLast Updated : 2023-01-18
Read more
CHAPTER 7 : EPIC
(EPIC)EVERYTHING was ready, at si Kurt nalang ang aking hinihintay. Sina manang Linda at Pipay ay umuwi na muna dahil tapos na sila sa kanilang trabaho dito kay Fiandro at para makapag-palit pa sila.Nag-message ako kay Kurt para ibalita na umuwi muna sina manang Linda at Pipay sa bahay ni Senyor Enrique. Nagreply siya na susunduin na lang namin sila pagkatapos niya akong masundo.Dumating si Kurt mga alas sais na ng gabi. Dumungaw ako sa halfglass door, at nakita ko si Kurt na kabababa ng sasakyan.Bago pa nito mabuksan ang pinto ay ako na ang nagbukas para sakanya na ikinagulat naman niya."Hi." wala sa sarili nitong bati."Hello. Tara na ba?" tanong ko sabay ayos sa aking damit.Tumango siya sabay ngiti sakin. "Yup. Ang simple mo, pero bagay sayo." komento niya sa aking kabuuan.Bigla akong namula, kahit sino naman siguro magagalak sa mga ganoong salita."Salamat. Di mo na kailangang sabihin iyan eh." sabi ko sabay yuko dahil nahihiya akong tumingin sakanya."I can't help it. I wi
last updateLast Updated : 2023-01-19
Read more
CHAPTER 8 : OFFER
(OFFER)UMUWI na kami ni Fiandro pagkatapos naming kumain sa pinuntahan na restaurant.Nadaan ko ang orasan at saglit na tumingin doon, alas nuwebe na ng gabi ng makarating kami. Bilis din ng oras noh? Di mo mamamalayan agad.Tahimik kaming dalawa paakyat ng hagdan papuntang kwarto. Nauna akong naglakad pataas ng hagdan pagkatapos tignan ang orasan. Sumunod si Fiandro na nasa likod ko dahil kanina pumunta siya sa kusina kanina. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob."Huwag ka ng lalapit kay Kurt sa susunod." bilin ni Fiandro sa seryosong tono.Hinarap ko siya. Nakasandal na sa hamba ng pintuan at nakapamulsa ang dalawang kamay nito.Kumunot ang aking noo. "Bakit naman?" pagtataka ko.He should give me a good reason to stay away from Kurt. Dahil wala akong nakikitang mali sa ginagawa noong tao. I can see him as so friendly, jolly, and caring. Atsaka bakit ko susundin ang bilin niya kung maayos naman ang pakikitungo sakin ni Kurt?"Basta." simpleng sagot lang niya.It irritates m
last updateLast Updated : 2023-01-20
Read more
CHAPTER 9 : SETTLEMENT
(SETTLEMENT)DAHIL sa konsensya napag-isipan kong magluto ng gabihan. Gusto kong makabawi sa ginawa ni Fiandro bilang pagpapa-salamat at pag-hingi na din ng tawad.I know it's sounds ridiculous but this is the only way I could do to settle our misunderstanding.Nag-luto ako ng menudo, isa sa pinaka-paborito kong pagkain. Madalas ito ang niluluto ng lola ko noong bata pa ako, kaya naman ito ang ipapatikim ko kay Fiandro na minana ko pa sa aking lola.Agad ding nawala ang masama kong pakiramdam. Kaya nang gumaling na'ko ay doon ko napag-isipan na mag-luto para sa kanya. Masaya akong nagluluto, ni hindi ko rin alam kung bakit. Binuksan ko ang takip ng kaldero, marahan kong ipinikit ang mga mata ko ng amuyin ko ang bango ng menudo. I hope he would like it. Nag-effort ako para rito.Sinulyapan ko ang orasan, inorasan ko ang niluluto ko ng limang minuto para lumambot pa ang patatas at karots.I heard the door opened. I looked back and saw Fiandro standing in front of the door with his eyeb
last updateLast Updated : 2023-01-21
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status