Share

CHAPTER 2 : THE MEET

last update Huling Na-update: 2023-01-14 18:45:17

(THE MEET)

PAGKATAPOS kong mag-shower at lumabas sa bathroom ay wala na siya doon. Lumuwag ang hininga ko dahil makakagalaw na'ko ng maayos.

Sinadya ko talagang magpatagal sa bathroom kasi iritang-irita ako sakanya, atsaka ayokong narito pa siya habang nagbibihis ako. Ano siya sinuswerte? Hindi lagi birthday niya.

May nakita akong maayos na nakalatag na dress sa kama. Isang ruffled close neck na bubble type na long sleeves ang style at light peach ang kulay. May isang pares din ng silver stilettos doon atsaka silver necklace na kumikinang dahil sa repleksyon ng liwanag.

Ngumuso akong lumapit roon para tignang maigi. Kumunot ang noo ko at napatanong, bakit ako magsusuot ng ganito kung lolo lang naman niya ang kikitain namin? Tss. Mga mayayaman nga talaga. Inilingan ko nalang habang pinagmamasdan ang damit.

Halos mapatalon ako ng may kumatok sa pinto.

"Maam? Pinapatawag na po kayo ni Sir sa baba." tawag ng katulog mula sa labas ng pintuan.

"O-Oo. Malapit na akong matapos." sabi ko kahit wala pang nasisimulan.

Binilisan ko nalang na mag-bihis saka nag-ayos ng itsura. Tinignan ko muna ang kabuuan ko sa malaki niyang salamin sa may pader sa labas ng walk in closet ni Fiandro.

Kahit hindi na'ko mag-make up eh ayos lang dahil sa kapal ng pilik-mata ko ay mukha akong nag-eyeliner. Natural ang pag-pula ng aking mga labi na akala nila'y naka-lipstick. Akala nga rin ni Rebecca noon nagma-make up pa ko kahit nasa bahay lang nila, pero ang totoo non ay hindi.

Nang makuntento na'ko tsaka ako lumabas ng kwarto.

Nabigla ako ng nandoon pa rin ang dalawang katulong sa labas at naghihintay sakin. Iminuwestra ng isang katulong ang kamay nito na mauna akong maglakad na sinunod ko naman. Nasa likuran ko silang dalawa habang nauuna akong naglalakad sa hagdan pababa.

Hirap akong bumaba ng hagdan dahil sa sapatos ko at hindi ako sanay sa ganitong kataas na takong. Bakit ba kasi kailangang sosyal pa ang pananamit ko?

Ilang hakbang lang pababa ay nakita ko na si Fiandro kasama ang isang matandang lalaki. Nasa salas silang dalawa at seryosong nag-uusap.

Nakaupo ang matanda sa pang-isahang sofa at nakatalikod siya sakin. Samantalang si Fiandro ay nasa kaliwang bahagi lang niya at nakaupo sa mahaba namang sofa.

Naka-dekwatrong upo si Finadro, nakatukod ang kanang siko nito sa arm rest ng sofa at ang kamay niya'y hinihinlot ang baba habang seryosong kinakausap ang matanda.

He's wearing a black turtle neck knitted top, pinatungan niya pa ng light brown coat. Black slacks and black leather shoes. But holy god! He's like a high international model! He can fit at Gucci, Balenciaga, or Chanel fashion shows!

Pagkababa ko ng hagdan dalawang beses siyang napatingin sakin. There were no emotions on his face, but his eyes were slightly stunned and went back to a serious look. Hindi ko naiwasang magtaas ng kilay sa reaksyong 'yon pero hindi ko pinahalata. May dumi ba sa mukha ko?

Habang papalapit ako sa kanila ramdam ko ang paninitig ni Fiandro kahit na ako'y nakatingin sa baba. Pumunta ako sa tabi niya dahil iyon nalang ang pwedeng pag-upuan. Hindi ako gaanong dumikit sakanya, nagbigay pa rin ako ng konting espasyo sa aming dalawa.

I slightly glanced at his grandfather. I saw his smug face when I sat down beside Fiandro. Tila ba hindi siya kumbinsido sa aking kinikilos. Something suspicious...

Naramdaman ko agad ang paghapit ng kamay ni Fiandro sa aking baywang at hinigit ako ng sobrang lapit sakanya. Napasandal pa ako sa kaliwang dibdib niya dahil sa biglang paghatak.

Nagtaas ako ng tingin sakanya dahil sa pagkabigla. He didn't even looked at me. Patay malisya siya sa ginawa niya.

Nanatili ang isang paa niyang naka-dekwatro at ang siko niya na nakatukod kanina sa arm rest ay nakababa na. Humapit pa lalo ang kamay nito sa aking baywang kaya napatuwid pa ako ng upo. Damn his hand! He can command me just like that!

Huli kong nakita ang lolo niya sa simbahan noong kasal namin. Pero umuwi din agad pagkatapos dahil nahihirapan siyang huminga noong oras na iyon. Hindi na siya nakasunod sa wedding reception, kaya hindi ko na rin nakilala ng maayos.

He cleared his throat. "I want you to meet my grandfather. Enrique Perez Arzadon." pakilala niya sakin.

Naglahad ng kamay ang kanyang lolo sakin. Mabilis ko naman itong inabot at nakipag-kamayan rin. "Magandang araw po. Natutuwa po akong makilala kayo." ngiting sabi ko sa pormal na boses. Gosh, I never knew I was good in acting.

"Pleasure to meet you too. At last, makakapag-usap na din tayo ng maayos." he smiled, and his wrinkles showed up on his eyes. "The last time I saw you was on your wedding day. Alam mo naman siguro kung bakit." hinuha niya sabay tawa. Tumawa rin ako.

Kung titignan ko siyang maigi, talaga ngang may katandaan na. Puti na lahat ng buhok at nangungulubot pati noo at pisngi nito. May tukod rin siyang dala na nasa tabi niya na nagsisilbing gabay para siya'y makalakad ng maayos.

Hindi naman nakakatakot ang itsura nito, ang totoo nga niyan eh sobrang amo ng mukha kung tititigan mo. Hindi tulad dito sa apo niyang anak ata ng kadiliman sa sobrang dilim ng awra.

Pinatong nito ang magkabilang kamay sa arm rest ng sofa saka sumandal sa likod non. "So, kamusta ang first night honeymoon?" pabirong tanong sa amin ni Fiandro sabay halakhak.

Yumuko si Fiandro saka ngumisi lang. Samantalang ako pinamulaanan ng mukha at hindi naka-react kaagad. Hindi ko alam bakit ganoon ang naging reaksyon ko na dapat wala lang kasi wala naman talagang naganap na honeymoon.

Hindi ba talaga nila alam na hindi ako si Rebecca? Pero pakiramdam ko may alam 'tong si Fiandro, ayaw niya lang aminin. Eh ang kanyang lolo? Alam din ba kaya?

Inangat ni Fiandro ang kanyang ulo saka sumandal sa likod ng sofa. "It's great." sagot naman niya.

"Mabuti't nagkasundo din kayo pagkatapos ng kasal. Sana dati ko na 'tong ginawa para siguro ngayon may apo na ako." humagalpak sa tawa ang kanyang lolo. Tuwang-tuwa.

Nakitawa na rin ako kahit peke, siya naman pangisi-ngisi lang. Mas napepekehan pa ako sa ginagawa niya eh. Pabebe.

Madami kaming napag-usapan. Kapag may tinatanong ang lolo niya sakin na hindi ko masagot, si Fiandro ang sumasagot rito. Karamihan kasi sa tanong nito ay tungkol sa negosyo nina Rebecca na wala akong kaalam-alam. At kapag mayroon man akong nasasagot ay tipid lang ang nasasabi ko.

Okay sige, may puntos na siya sa akin doon dahil napagtatakpan niya ako. Pero alam ko, sa dulo, malalaman din niya ang katotohanan. Ngayon palang iniisip ko na kung anong magiging kahihinatnan kapag malaman ng kanyang lolo at ng buong mundo na peke ang aming kasal.

Babawiin kaya nito ang posisyon para sa apo niya? Kailangan ba talagang maikasal muna bago makuha ang posisyon sa kompanya?

Dumating ang mga katulong at may dala silang juice at iilang meryenda namin saka nilapag nila iyon sa clear glass table sa aming harapan.

Kinuha ko iyong juice dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw. Sa gitna ng pag-inom ko nagsalita ang lolo niya.

"So, when will I have a little Arzadon, Fiandro?" he asked in a playful tone.

Halos maubo ako sa nainom na juice. Inalo ako kaagad ni Fiandro sa paghagod ng aking likod, gulat naman ang mukha ng lolo niya. Nagtawag siya kaagad ng katulong para tulungan ako na punasan ang nabasa kong damit.

"P-Pasensya na..." hindi ako makatingin sa kanilang dalawa dahil sa kahihiyan.

"Magpalit ka na ng damit." bulong ni Fiandro. Bumaling siya sa katulong at sumenyas na iakyat ako papuntang kwarto para magpalit muli.

Nasunod iyon agad, giniya ako ng katulong at agad akong tumayo saka nag-excuse sakanila.

Iba rin 'tong lolo niya, padalos-dalos.

Pagpasok ko sa kwarto kinuha ko ang tuwalya saka tinanggal ang stilettos at pumasok ng banyo para maglinis. Malagkit iyong juice sa katawan ko.

Pagkatapos noon at pagkalabas ko roon, may nakahanda ulit na dress sa kama. Gaano ba karaming damit ang nabili niya? Paano din niya nalaman ang sukat ko?

Kinibit balikat ko nalang 'yon saka kinuha ang dress.

It's a boat neckline cream dress. Hanggang siko ang sleeve nito at hanggang tuhod ang haba. Simple lang ang style pero nangingibabaw ang pagiging sosyal mo dito.

Paglabas ko ulit sa silid naroon ang isang katulong, naghihintay sakin. Pinauna niya ulit ako bago siya.

Bumababa palang kami sa hagdan ng marinig ko ang pag-uusap ng mag-lolo.

"Next week, I'll turn it over to you as the new president of our company." boses ng kanyang lolo.

Naabutan ko silang dalawa sa tapat ng pintuan, nasa labas na ang lolo niya at si Fiandro ay nasa loob.

Tumango lang si Fiandro, nagpaalam na ang lolo niya saka umalis kasama ang dalawang bodyguard. Hahabol pa sana ako para makapag-paalam pero saktong kasasakay lang niya sa itim na sasakyan.

Dumungaw nalang ako sa pinto at pinanood ang papaalis nitong sasakyan.

"Bakit saglit lang siyang bumisita dito?" bigla kong tanong at tumingin sakanya.

Tinitigan niya ako saglit at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"May appointment siya sa doctor niya ngayon." sagot niya ng talikuran ako.

Mahina akong tumango. "Eh bakit pa ganito ang suot ko?" pagtataka ko.

Pabalik na siya sa akin at may hawak ng susi, susi ng sasakyan. Aalis kami?

Tamad siyang tumingin sakin. "Makikipagkita tayo." simple niyang sagot saka nilagpasan ako palabas ng bahay.

Sinundan ko naman siya hanggang sa makapasok na sa loob ng kanyang mercedes benz. Pinagbuksan ako ng bodyguard nito sa may front seat. Gusto ko pa sanang malaman muna kung sino ang kikitain namin, pero parang sa galaw ni Fiandro ma-awtoridad siya ngayon.

Wala akong nagawa kun'di ang pumasok sa sasakyan. Sinarado na ng bodyguard ang pinto at awtomatik na bumukas ang malaking gate. Binuhay niya agad ang makina non saka pinaharurot.

PINARKE niya ang sasakyan sa tapat ng isang classic restaurant. Una si Fiandro na lumabas ng sasakyan, sasabay na sana ako ng sinabihan akong huwag lalabas.

Dumating ang isang valet at binigay niya ang susi ng kanyang sasakyan. Umikot siya sa banda ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok na kami sa loob ng restaurant. Agad akong nabighani sa itsura ng loob dahil sa kumikinang na kagandahan ng mga gamit doon.

Ang ilaw ng resto ay ceiling panel lights na kulay warm white. Sa gitna non ay may isang malaking crystal chandelier, may pinag halong white at warm white din na ilaw. At ang sahig nito'y karpeta na kulay pula.

The color of the ceiling was cream. Tables covered with a white tablecloth and sofa chairs with a cream color. The waiter and waitress wearing a white polo with a black waistcoat and black slacks as their dress code.

Mula sa labas at loob ng restaurant pati mga tauhan nito ay namumutawi sa kasosyalan. Halos ang kabuuan ng lugar ay European style ang itsura.

Lumapit ang isang lalaking naka dark blue na waist coat, siguro ay siya ang puno ng mga waiter.

"Is Mr. and Mrs. Solomon here?" tanong ni Fiandro sa seryosong mukha.

Napasinghap ako. Tila nag-yelo ang buong katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, at gustong kumawala ang kaluluwa ko sa aking katawan.

In just seconds, small beads of cold sweat ran down both sides of my forehead. Did I hear him right?

Tumango ang lalaki, naglahad siya ng kamay para igiya kami sa kung saan sila naghihintay. Susundan na sana ni Fiandro ito pero hinawakan ko agad ang laylayan ng kanyang coat.

Tumigil siya at hinarap ako. "What?" tanong niya.

"S-Sinong Solomon?" nanginginig kong sabi, Nanlalamig na ang aking mga palad sa kaba na sana'y hindi sila ang naiisip ko.

"Mrs. Becca and Mr. Reden Solomon." matamang sagot ni Fiandro.

My eyes widened. More sweats coming down from my forehead. What. The. Hell!

Mas lalo akong nanghina dumoble ang aking kaba. Nanginginig ang mga tuhod ko na hindi na kayang ilakad pa 'yon. Parang gusto ko ng umalis dito! Gusto kong tumakas!

Akmang aalis ulit si Fiandro pero pinigilan ko siya sa pagkaka-kapit ko lalo sa coat niya.

Kumunot na ang kanyang noo. "What again?" iritang angal niya.

"Hindi ako si Rebecca Solomon." nanginginig kong boses sa pag-amin.

Pinilit kong tumingin sa mga mata niya. Madilim at malalim ang paninitig nito. I can't stand looking at him, it's just... Too intimidating and intense...

Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko na siya kayang titigan pa. Para akong tuta na nagmamakaawa.

Hindi ko kayang harapin ang mga magulang ni Rebecca ngayon. Bakit hindi ko pa siya kinulit kanina kung sino ang kikitain namin? Edi sana nakapag-handa pa ako. Edi sana hindi na'ko sumama rito.

Ilang segundo lang bago siya nagsalita.

"I know. That's why we're here to settle this issue. And you've been involved with this matter." his voice was cold and serious.

Gulat akong nag-angat ng tingin at natulala sa sinabi niya. Simula pa noong una alam na niya? Paano?

I looked at him. His eyes tell me I'm doomed! And I should take whatever the consequences it is.

Umawang ang bibig ko, gusto kong magprotesta na hindi pa ako handang humarap sa kanila. Pero huli na dahil hinablot na ni Fiandro ang palapulsuhan ko na nakahawak sa kanyang coat at hinila papunta sa mga magulang ni Rebecca.

Nakababa na ang aking ulo samantalang ang mga mata ko ay naka-angat. Kita ko ang pamilyar na likod ng mag-asawa. Masayang nag-uusap kasama ang head ng waiter.

Hindi tumitigil sa kakalabog ng aking dibdib, pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga dito. Nagmamanhid na ang aking mga palad sa sobrang lamig, pawis, at panginginig.

Naunang umupo si Fiandro, sa tapat ng ama ni Rebecca. Ang head ng waiter ay iminuwestra sa akin ang upuan sa tabi ni Fiandro sa tapat naman ng ina ni Rebecca.

Matamis ang mga ngiti nila kay Fiandro pero ng lumipat sa akin ay unti-unting nawala iyon at napalitan ng hindi maipintang mukha. Pero lumalamang ang pagka-balisa, at pagka-gulat nila.

"Tina?" halos hindi makapaniwala ang boses ni Mrs. Becca.

"Anong ginagawa mo dito? Asan si Rebecca?" pagtataka naman ni Mr. Reden.

Nakayuko lang ako at hindi sumagot. Walang humulma na mga salita sa bibig ko. Buhol ang pag-iisip ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat na sasabihin sakanila.

Kalmante ang pagsandal ni Fiandro sa back rest ng sofa chair, ang isang kamay niya'y nakapatong sa lamesa at ang mga binti'y pinag-krus.

"Tumakas ang anak niyo sa mismong kasal." diretsong siwalat ni Fiandro.

Napakagat ako sa ibabang labi na halos bumaon na doon ang aking mga ngipin sa diin. Sh*t. I'm screwed!

Umangat ang tingin ko sa mag-asawa. Pareho silang natanga sa sinabi ni Fiandro.

Nagtaas ng kamay sa ere si Mrs. Becca sabay pikit ng mata at tumawa. "Wait. Wait. Wait." pigil niya saka minulat ulit ang mga mata at tumingin kay Fiandro. "Ibig mong sabihin, hindi ang anak ko ang napakasalan mo kun'di siya?" duro niya sa akin, at pagka-klaro sa sinabi ni Fiandro sakanila.

Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pagtango niya at pagsang-ayon sa sagot ni Mrs. Becca. "You got that." turo niya.

Kumunot ang noo ni Mr. Reden na gulong-gulo pa rin. "It's imposible! I was talking to her while we're walking down the-" Fiandro cut him off.

"Hindi ba sinabi ng lolo ko na kapag tumanggi ang anak ninyo sa kasunduan ay walang kasal na magaganap?" malamig niyang tanong sa mag-asawa. Parang alam niya kung bakit iyon nangyari.

I drifted my eyes to them. Natahimik silang dalawa. Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Mrs. Becca at pag iwas lang ng tingin ni Mr. Reden.

So, dumaan pala ito sa maayos na kasunduan at walang sapilitan na ganap?

Truly enough, they don't care about their daughter. It's proof that they only care about the share of the company!

Hindi pa rin umaalis ang mariing tingin ni Fiandro kina Mrs. Becca at Mr. Reden. "I do appreciate on what you invested in our company..." puri niya pero malalim siyang huminga. "But this got me disappointed. Very disappointed." halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Tamad siyang nagbaba ng tingin saka kinuha ang kubyertos at nilaro iyon.

Sinubukan ni Mrs. Becca na magpaliwanag, pinilit ngumisi na parang may magagawa pang paraan. "Mr. Fiandro, uhm. H-Hindi ko alam na tatakas si Rebecca sa kasal niyo. Kasi noong nakausap namin siya, pumayag siya sa kasunduan." nanginginig ang tinig nito ng sabihin iyon, kita ko ang paglaro sa kanyang mga daliri at ang mukhang tensyonado.

Tumango-tango naman si Mr. Reden. "P-Pwede pa naman natin 'tong pag-usapang maigi. Kakausapin namin ulit si Rebecca." pangungumbinsi kay Fiandro.

I never thought they would go this far. And how greedy they are to get the shares that they want.

Habang nakababa ako ng tingin eh hindi ko tuloy naiwasang pumakla ang aking mukha dahil sa sobrang desperado nilang dalawa.

Binalik ni Fiandro ang kubyertos na nilaro sa dating ayos, mataman muling tiningnan ang mag-asawa. "It's fine." pinal niyang sagot. "Magbibigay pa rin ako ng share sa inyo, despite on what happened at the wedding."

Umaliwalas naman ang mukha nina Mrs. Becca at Mr. Reden pero naroon pa rin ang pangamba sa kanilang itsura dahil sa nangyari.

"Five percent." he said.

Kasing bilis ng kidlat ang pagka-wala ng ngiti sa mga labi nila ng malaman ang pursyento ng kanilang share sa kompanya ni Fiandro. Kahit ako napakurap doon.

"Five percent?!" tumaas ang boses ni Mrs. Becca sa hindi makapaniwalang share na makukuha.

Ang sabi ni Rebecca noon, mga kalahating pursyentong share ang makukuha nila. From fifty down to five percent? Sobrang laki ang nabawas! Mula sa bilyong pera, magiging libong pera na lang.

Dismayado ang mukha ni Mr. Reden at naka-awang ang mga labi. "B-Bakit ang baba?" reklamo niya.

Nagtaas si Fiandro ng kilay saka tamad ang mga matang tumingin sakanila. "Kahit na dismayado ako sa napag-usapan, tutupad pa rin ako sa napag-kasunduan dahil natuloy pa rin ang kasal. Magpasalamat kayo at nagbigay pa ako na dapat sana hindi na." saad niya sa pagka-aroganteng boses.

Pakiramdam ko nainsulto sila sa sinabi ni Fiandro. Sa paraang pagkakasabi niya doon ay para na din niyang sinabi na magmamakaawa ang mag-asawang 'to kung hindi iyon matutuloy.

"Take it or leave it? You decide." hamon niya sa mag-asawa.

Mariing napapikit si Mrs. Becca saka huminga ng malalim. "Fine!" inis na sambit.

Tumunog ang cellphone galing kay Fiandro, nilabas niya 'yon sa bulsa ng kanyang coat. Tiningnan ang kung sinong tumatawag at napapikit siya sabay mahinang pag-singhal.

"Excuse me." paalam niya at iniwan kaming tatlo.

Pagkaalis na pagkaalis palang ni Fiandro ay agad na tumayo si Mr. Reden sa kinauupuan sabay sampa ang magkabilang kamay sa lamesa at inilapit ang mukha sakin ng konti. "Where's Rebecca?" he snarled in very low voice.

"Hindi ko po alam." pinilit kong maging pormal ang aking sagot, pero nangibabaw ang pait ng boses ko doon.

"Alam kong alam mo." mariing sabat ni Mrs. Becca.

Hindi ko naiwasang mag-angat ng tingin sa naningkit nitong mga mata. Tinatantya ang bawat kilos o salita na pwedeng magpatunay na may alam ako sa pag-alis ni Rebecca.

Kahit nagkaka-wrinkles na ang gilid ng mga mata ni Mrs. Becca, ay hindi pa rin siya nakikitaan ng katandaan sa kanyang mukha. Napapanatili pa rin nitong maging maganda at makinis ang balat. Ang mga mapupulang labi ay unti-unting umiisa ang linya at pilit na nagtitimpi sa kung anong gustong ilabas sa loob nito.

Sinubukan kong kumalma at hindi nagpakita ng kahit anong emosyon na magpapatunay sa kanila na nagsisinungaling ako. Hinahanda ko ang aking magiging sagot sa kanilang mapanuring tanong.

Umupo si Mr. Reden at nabaling ako sakanya, galit na ang mukha sa akin. "Huwag mo ng pahabain pa ang usapan Tina. Imposibleng wala kang alam kung nasaan si Rebecca dahil malapit kayong magkaibigan sa isa't-isa." mahinang akusa niya sa mariin na boses, tila ba nauubusan na ng pasensya.

Iyon na nga eh, malapit kaming magkaibigan. Bakit ko sasabihin sa kanila?

Mrs. Becca took a deep breath. "Rebecca will inherit all of our investments, and she'll be the one to manage our businesses," she concludes.

Mahina akong suminghal. "Maam, sir, hindi ko po talaga alam kung nasaan siya. Pinilit niya lang ako na pabihisin ng gown para magpanggap na ako ay siya na ikakasal." mataman kong sagot at tumingin sa kanilang mga mata para mas mukhang kapani-paniwala. Na iyon lang talaga ang aking nalalaman.

Pumungay ang mga mata ni Mr. Reden. "I don't believe in you," he said emphatically.

Kumalabog ang dibdib ko doon, pero napanatili ko pa ring tumingin sa mga mata nito ng kalmado. "Hindi ko po kayo pinipilit na maniwala sakin sir." marahang sambit ko.

"You want money to speak up? Fine! Name your price!" Mr. Reden spat. Iniisip na doon ako maidadaan para umamin.

Nalilito ang mukha ko ng sabihin iyon.

"Siguro kaya ka din pumayag sa gusto ng anak namin dahil alam mong mayaman ang papakasalan niya. Hindi ko aakalaing magbabalak ka din na angkinin ang kanya para umangat ka ng madalian. Ano? Dahil ba pakiramdam mo na habang buhay ka ng magiging katulong? Ganoon ka na ba ka-desperada!?" kutya ni Mrs. Becca na halos mandiri na sa sinabi.

Namilog ang mga mata ko saka kumunot ang aking noo, napaawang ang bibig ko sa mga sinabi nilang dalawa. Hindi ko aakalaing ganoon ang magiging tingin nila sa akin!

Unti-unting kumuyom ang mga kamay ko. Ang aking mga daliri ay halos mabaon na ang mga kuko ko sa balat ng aking palad. Pumuyos ako sa galit at inis sa pag-alipusta sa pagkatao ko.

Oo inaamin ko, iniisip ko ding baka habang huhay na akong magiging katulong at natatakot ako na magkatotoo iyon. Pangarap ko talagang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto kong maging Architech o maging Interior Designer, pero sa kakulangan ng pera wala akong sapat na pagpa-aral sa aking sarili.

Sinubukan ko noong mag-apply ng scholarship pero halos lahat ng eskwelahan ng mga unibersidad ay full slots na at limitado lang ang kinukuha.

Kaya ng mamatay ang lola ko, nagpasya na akong bumiyahe pa-Maynila para sa pansamantalang trabaho at maka-ipon ng pera pampa-aral ko.

Ginawa ko ang lahat para makasurvive sa buhay at sa pangarap ko ding makapag-aral at makahanap ng trabaho sa malalaking kompanya.

Hindi ko pinangarap na maging katulong. Hindi ko din ginusto na ganito ang aking magiging trabaho at hinding-hindi ko nanaising habang buhay na maging kasambahay.

Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang mga ganoon bagay. Na kailangan kumapit sa patalim para lang umangat sa buhay.

"Kung makapagsalita kayo parang kilalang-kilala niyo talaga ako. Bakit kayo? Hindi ba pagiging desperado ang ginagawa ninyo para kay Rebecca?" halong pait at sakit ng sumbatan ko ang sinabi ni Mrs. Becca.

"Aba't! Sumusumbat ka na-" hindi ko pinatapos si Mr. Reden at bumaling naman ako sakanya ng may katapangan.

"At kayo, hinahayaan niyo nalang ang pagkunsinti ng asawa niyo dahil lang sa pera? Ganoon na ba talaga kayo kagarapal?" nabigla siya sa pagsumbat ko at hindi agad nakasagot.

Gulat na gulat si Mrs. Becca. Sa tagal kong pagiging tahimik nilang kasambahay ay ngayon niya lang ako narinig na sumagot sakanila. Hindi ako bastos, pero sa sinabi nila sakin ay sa tingin ko hindi sila nararapatan na bigyan ng respeto.

Hindi na amo at kasambahay ang pinag-uusapan na dito. Kundi respeto sa respeto bilang tao.

Matigas ang ekspresyon sa mukha ko at muling bumaling kay Mrs. Becca. "Na gagawin ninyo ang lahat para lang sa pera. Na wala kayong pakialam kahit na matapakan ninyo ang pangarap ng inyong anak makuha lang ang kagustuhan. Hindi na rin ako magtataka kung bakit siya tumakas para sa gusto niya sa buhay, dahil makasarili kayong mga magulang." untag ko sa nanginginig na boses.

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Mrs. Becca, tila malapit ng sumabog ang nagaalburotong galit sakin.

Wala silang karapatang husgaan ako dahil sa naging trabaho ko. Wala silang karapatan para apakan ang pagkatao ko.

Pinukulan ako ni Mrs. Becca ng matalim na titig. "Huwag mo kaming masabihan na makasarili dahil ginagawa din namin ito para sakanya. Dahil siya rin ang makikinabang nang lahat ng 'to sa hinaharap." mariing depensa niya.

Ang sabihin niyo, kayo ang makikinabang hindi siya.

Pumungay ang aking mga mata, naghahamon. "Ginagamit niyo lang si Rebecca para sa sarili ninyong yaman." pagdiin ko sakanila.

Hindi na nakapag-pigil si Mrs. Becca, tumayo siya ng kaunti para ako'y abutin at mabigyan ng sampal.

Mariin akong pumikit, hinihintay ang paglapat ng nag-iinit nitong palad sa aking mukha. Hindi nagtagal ay nagmulat ako ng mga mata at makitang may nakahawak na sa palapulsuhang kamay ni Mrs. Becca.

Nag-angat ako ng tingin, nakita kong mataman niyang tinitigan si Mrs. Becca pero hindi siya nagsabi kahit na isang salita.

Marahas namang binawi ni Mrs. Becca ang kanyang kamay. Bumaling siya sakin, grabe ang pagkamuhi sa mga mata niya na halos ipagkanulo na ako sa kailaliman ng impyerno sa kanyang mga titig.

"Wala kang mararating sa buhay! Tandaan mo iyan. Habang buhay kang magiging alila, at salot sa lipunan! Masyado kang pakialamera!" duro niya sa akin sabay hablot ng handbag at padabog na umalis sa upuan.

Tumingin sa akin si Mr. Reden at dismayadong umiling saka sumunod na tumayo at umalis na rin.

Bumaba ang tingin ko sa aking pinggan, pagkaalis nila ay pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon.

Nakita ko ang pagbaling sa akin ni Fiandro, halos walang kaalam-alam sa nangyari. Alam kong gusto niya akong tanungin sa kung anong naging iringan namin pero hindi ko iyon hinayaan.

Bago pa man siya magtanong inunahan ko na.

"Gusto ko ng umuwi." walang gana kong sabi.

"Sige."

Una akong lumabas ng restaurant. Ayokong makita ni Fiandro ang itsura ko ngayon na halos wasak dahil sa mga binitawan nilang salita.

Malayo ang iniisip ko habang naglalakad papalapit sa kanyang sasakyan. Paulit-ulit nagpo-proseso sa aking utak ang mga sinabi sakin ni Mrs. Becca.

Nanunubig na ang mga mata ko na halos hindi ko na makita ang aking dinaraanan, pero pinilit ko pa ding hindi iluha iyon. Dahil pag nagsimula ang unang patak ay tuloy-tuloy na ang ragasa ng aking luha.

Tumigil ako sa pinto ng front seat at hinintay kong buksan iyon ni Fiandro. Kung sa likod ako uupo, makikita niya ang itsura kong sawi sa laban kaya maiging sa tabi nalang niya ko umupo para kahit sumulyap-sulyap siya sakin ay hindi nito makikita.

Narinig ko ang pagtunog ng sasakyan ni Fiandro, hudyat na na-unlock na ang pinto sa harap ko. Pumasok ako kaagad sa loob at pagka-sara ko ng pinto ay nilingon ko ang labas ng bintana.

Tahimik naman na pumasok si Fiandro sa loob, pero ramdam ko na pinapakiramdaman niya ako.

Kumurap-kurap ako para ibalik ang nagbabadyang luha. Nararamdaman ko na din ang biglang pagtubo ng bukol sa aking lalamunan.

Sh*t lang!

Napakagat ako sa labi ng sobrang diin nang maramdaman ulit ang panunubig ng mata ko. Halos mairita na ako sa paulit-ulit kong ginagawa sa tuwing nagpaparamdam ang sakit ng luha.

Hinilig ko ang aking ulo sa bintana. Nang maidaan ko ang bigat ng nararamdaman ko roon ay bigla akong kumalma. Wala ng nagbabadyang luha, pero may nananatili pa ding bigat sa loob ng aking damdamin. Para bang may nakadagan na malaking bato at hirap pa rin akong makalunok ng maayos dahil hindi pa humuhupa ang bukol na naroon sa lalamunan ko.

Gusto ko ng makauwi. Gusto ko nalang itulog ang bigat na nararamdam ko at sobrang pagka-pagod sa nangyari.

Kaugnay na kabanata

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 3 : TRUTH AND TRAP

    (TRUTH AND TRAP)TAHIMIK kaming pumasok sa loob ng bahay ni Fiandro, sobrang nakakabinging katahimikan iyon. Tamad ang paglakad ko sa aking sapatos para marinig ang tunog ng takong non at magkaroon naman kahit konting ingay sa loob.Unang sumagi sa isipan ko ang kama, gusto kong mahiga at maidlip kahit sandali manlang. Para kasing nalusaw ang utak ko ngayon at ayaw gumana ng maayos."Wala ka na bang ibang kwarto dito?" wala sa sarili kong tanong."Isa lang ang kwarto dito." agap niyang sagot.Nasa likod ko lang siya kanina ng sumagot, nasulyap ko na dumiretso siya sa kusina nila at nilapag doon ang susi ng kanyang sasakyan sa island counter nito.Tumigil siya sa gilid ng island counter saka sinampa ang isang kamay doon. Nilabas ang cellphone at may tinawagan.Binalewala ko na iyon saka dumiretso na sa kwarto ni Fiandro. Pagpasok ko doon ay tinanggal ko ang aking stilettos at itinabi sa gilid ng pintuan sa labas. Pagod akong naglakad papunta sa kanyang kama, dahan-dahang umupo saka tum

    Huling Na-update : 2023-01-15
  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 4 : THE HELP

    (THE HELP)BUMABA ako mula sa kwarto ni Fiandro dahil sa pagka-uhaw. Ika-dalawang araw ko na rito, at masasabi kong sobrang nakakabagot sa bahay na'to.Gusto kong magbalak na tumakas, pero mahigpit ang bantay ng mga bodyguards niya. Halos bawat sulok ng labas ng kanyang mansyon ay may bantay. Kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang maghintay na lang.Ilang hakbang palang sa hagdan mula sa taas ko ay dinig ko na ang boses ng lolo niya at kausap mismo si Fiandro. Bumaba pa'ko ng ilang hakbang para sumungaw sa baba at marinig lalo ang pag-uusap nilang dalawa.Nakaupo ang lolo niya sa isahang sofa samantalang si Fiandro nakatayo sa harapan nito, pagitan nila ay iyong glass table.Ulo at likod ng lolo niya ang nakikita ko, pansin ko din ang dalawang kamay nito na nakahawak sa tungkod paharap. Si Fiandro naman ay tanging katawan lang ang aking nadudungaw.Nakasuot siya ng white polo at neck tie na dark blue, may suot din siyang silver wrist watch, nakablack slacks at dark brown leather shoes.

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 5 : LIE

    (LIE)PAGTAPOS ng hapunan ay nanatili ako sa kusina kasama si manang Linda at nagku-kwentuhan, habang siya'y naghuhugas ng pinggan. Samantalang ako naman ang nagpupunas at nagpupunta sa paglalagyan.Si Pipay ay nasa itaas pa, marahil di pa tapos na naglilinis doon."Hija, ako na. Di mo trabaho iyan." marahang pigil sakin ni manang Linda ng matapos itong maghugas, at agad na kinuha ang pamunas sakin.Ngumuso nalang ako at hinayaang kunin ang pamunas, pero di ako umalis doon sapagkat pinanood ko siya na nagpupunas ng pinggan.Ilang saglit lang ang katahimikan sa kusina saka ako nag-pasyang nagsalita."Uhm. Manang Linda ilang buwan ka ng nagtatrabaho dito?" tanong ko.Sumulyap siya sakin, pagkatapos binalik ulit ang tingin sa pinupunasan at nangiti. "Taon na, hija." sagot niya.Bahagyang tumaas ang aking mga kilay sa bigla at mangha sa sagot ni manang Linda. "Mga ilang taon na po?" dagdag kong tanong."Labing-limang taon na..."Kumurap pa ang mga mata ko sa sinabi ni manang Linda. Sa sob

    Huling Na-update : 2023-01-17
  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 6 : BOND

    (BOND)I SAW how Rebecca's mouth dropped while stirring her coffee and slowly sitting down on her high chair.Titig na titig siya sa akin gamit ang kanyang laptop at ako naman ay gamit ang cellphone ko na binalik ni Fiandro kagabi.Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko at kausap si Rebecca ngayon. Saktong wala siyang klase sa fashion designing. Nang replyan ko ang mga messages niya kagabi ay kinaumagahan agad niya akong tinawagan.Napakagat ako sa labi sa naging reaksyon ni Rebecca. Kwinento ko lahat ng nangyari sa akin magmula ng umalis siya.Halos di maipinta ang kanyang mukha at kung saan-saan tumitingin na parang di inaakalang ganoon ang mangyayari sa kanyang pag-alis.Ngumiti ako sa screen ng cellphone ko para maipakita kay Rebecca na ayos lang ako. Nahahandle ko pa naman ang sitwasyon dito, buti at mabait ang lolo ng mokong na 'yon. Kung hindi baka unang araw ko pa lang dito eh tumakas na'ko.Well, kahit mabait ang lolo ni Fiandro ay balak ko pa rin tumakas

    Huling Na-update : 2023-01-18
  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 7 : EPIC

    (EPIC)EVERYTHING was ready, at si Kurt nalang ang aking hinihintay. Sina manang Linda at Pipay ay umuwi na muna dahil tapos na sila sa kanilang trabaho dito kay Fiandro at para makapag-palit pa sila.Nag-message ako kay Kurt para ibalita na umuwi muna sina manang Linda at Pipay sa bahay ni Senyor Enrique. Nagreply siya na susunduin na lang namin sila pagkatapos niya akong masundo.Dumating si Kurt mga alas sais na ng gabi. Dumungaw ako sa halfglass door, at nakita ko si Kurt na kabababa ng sasakyan.Bago pa nito mabuksan ang pinto ay ako na ang nagbukas para sakanya na ikinagulat naman niya."Hi." wala sa sarili nitong bati."Hello. Tara na ba?" tanong ko sabay ayos sa aking damit.Tumango siya sabay ngiti sakin. "Yup. Ang simple mo, pero bagay sayo." komento niya sa aking kabuuan.Bigla akong namula, kahit sino naman siguro magagalak sa mga ganoong salita."Salamat. Di mo na kailangang sabihin iyan eh." sabi ko sabay yuko dahil nahihiya akong tumingin sakanya."I can't help it. I wi

    Huling Na-update : 2023-01-19
  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 8 : OFFER

    (OFFER)UMUWI na kami ni Fiandro pagkatapos naming kumain sa pinuntahan na restaurant.Nadaan ko ang orasan at saglit na tumingin doon, alas nuwebe na ng gabi ng makarating kami. Bilis din ng oras noh? Di mo mamamalayan agad.Tahimik kaming dalawa paakyat ng hagdan papuntang kwarto. Nauna akong naglakad pataas ng hagdan pagkatapos tignan ang orasan. Sumunod si Fiandro na nasa likod ko dahil kanina pumunta siya sa kusina kanina. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob."Huwag ka ng lalapit kay Kurt sa susunod." bilin ni Fiandro sa seryosong tono.Hinarap ko siya. Nakasandal na sa hamba ng pintuan at nakapamulsa ang dalawang kamay nito.Kumunot ang aking noo. "Bakit naman?" pagtataka ko.He should give me a good reason to stay away from Kurt. Dahil wala akong nakikitang mali sa ginagawa noong tao. I can see him as so friendly, jolly, and caring. Atsaka bakit ko susundin ang bilin niya kung maayos naman ang pakikitungo sakin ni Kurt?"Basta." simpleng sagot lang niya.It irritates m

    Huling Na-update : 2023-01-20
  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 9 : SETTLEMENT

    (SETTLEMENT)DAHIL sa konsensya napag-isipan kong magluto ng gabihan. Gusto kong makabawi sa ginawa ni Fiandro bilang pagpapa-salamat at pag-hingi na din ng tawad.I know it's sounds ridiculous but this is the only way I could do to settle our misunderstanding.Nag-luto ako ng menudo, isa sa pinaka-paborito kong pagkain. Madalas ito ang niluluto ng lola ko noong bata pa ako, kaya naman ito ang ipapatikim ko kay Fiandro na minana ko pa sa aking lola.Agad ding nawala ang masama kong pakiramdam. Kaya nang gumaling na'ko ay doon ko napag-isipan na mag-luto para sa kanya. Masaya akong nagluluto, ni hindi ko rin alam kung bakit. Binuksan ko ang takip ng kaldero, marahan kong ipinikit ang mga mata ko ng amuyin ko ang bango ng menudo. I hope he would like it. Nag-effort ako para rito.Sinulyapan ko ang orasan, inorasan ko ang niluluto ko ng limang minuto para lumambot pa ang patatas at karots.I heard the door opened. I looked back and saw Fiandro standing in front of the door with his eyeb

    Huling Na-update : 2023-01-21
  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 10 : THANK YOU

    (THANK YOU)NASA ikatlong palapag kami ni Kim ng simulan niya akong ilibot. Galing kami sa ikalawang palapag kung saan ang office ni Fiandro.Sa buong palapag na iyon ay nahati sa tatlong malalaking cubicle. Dalawa doon ay ang mga empleyado at ang isa ay kung saan mga naka-display na miniatures na buildings.Lumapit ako ng konti para masilip ang ginagawa nila. Karamihan sa kanila ay nag-guguhit at may iilan na nasa isang cubicle na nag-uusap sa ginagawang miniature na building na hindi pa natatapos. Maybe it's a huge project."This is the Architect floor." lumingon ako kay Kim na nasa likod ko. "Sila ang nagde-design ng mga bahay at buildings."Tumango ako sa sinabi niya. "Ang dami nila. At, iisang building lang ang ginagawa nila?" kuryoso kong tanong.Ang dami talaga nila para gawin ang isang malaking building. Wouldn't be enough kung dalawa o tatlo lang? They were almost ten architects!"Well, si sir Fiandro ay mataas ang expectations non. One architecture wasn't enough for him. Gus

    Huling Na-update : 2023-04-01

Pinakabagong kabanata

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   NEW APP READING

    Hello readers!Sorry to disappoint you. Nasa isang reading plat form na itong story ko. It's Dreame app. You can search it on google play or apps store. Same pen name and same title din po ito. Nasa chapter 70 na po itong story. Hindi ko na po itu-tuloy dito ang story doon na po sa Dreame app.Sana po doon ma-suportahan ninyo ako. At hindi pa rin kayo magsa-sawang suportahan ako. Maraming salamat sa naghihintay sa update nito. Pasensya na sa paghintay at pag-dismaya sa inyo ng napaka-tagal.Salamat po sa inyong malalim na pag-unawa. Love you all po! 🫶🏻

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 45 : ENJOY

    (ENJOY)PINUNTA niya ako sa isa na namang mamahaling restaurant. I pursed my lips as I breathe out while looking outside the resto. Sa totoo lang hindi ako nag-eenjoy sa mga ganitong klaseng kainan. Namamangha ako sa itsura pati sa pagkain kaso bukod sa mahal na, hindi pa nakakabusog. Para sa akin."We're here." he said as we stopped in front of the resto.Tumingin ako sa kanya. Tatanggalin na sana ang seatbelt pero napansin niya ang aking itsura. "Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"Inimpit ko ang bibig ko at tinaas ang mga balikat sabay sulyap muli sa kainan. Tumingin ako sa kanya at tipid ngumiti sabay iling."Wala." ani ko tsaka tinanggal na ang seatbelt para wala siyang maisip na ayaw ko rito.Nakakahiyang sabihin kung ayaw kong kumain doon. Tsaka baka nagreserve na din siya ng mauupuan namin. Mas nakakahiya na naman 'yon.Napatango si Fiandro at tuluyan na ngang tinanggal ang seatbelt. Sabay kaming lumabas ng kotse. Mabilis niya 'kong nilapitan para igiya sa restaurant. H

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 44 : OFFICIAL

    (OFFICIAL)AKALA ko sa pelikula ko lang makikita ang ganitong eksena, ngayon sa akin ko na nararanasan. Hindi ko aakalaing ganito sa pakiramdam kapag may taong umamin sayo na gusto ka.Nakaka-kaba, ang sarap sa feeling, na parang umaangat ka sa ere. Halo-halong emosyon ang mararamdaman mo pagkatapos umamin sayo. Ang tagal bago ako bumalik sa tamang katinuan kasi talagang na blangko ang aking pag-iisip nang sabihin ni Fiandro na gusto niya ako.Ang hirap paniwalaan at hindi ko rin 'to aasahan. Dahil inaakala ko noon na imposibleng magkaka-gusto siya sa isang katulad ko. Ang dami ko ring tanong sa isipan na bakit, paano, saan, ano, at kailan siya nagka-gusto sa akin. Na kahit sinong tao din naman ay mapapatanong ng ganito.Ngunit sa lahat ng aking mga katanungan ay nangibabaw ang sayang aking nararamdaman ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala na gusto niya ako. Grabeng kilig ang bumabalot sa buong katawan ko."I like you, Shawntina." ulit niya na para bang hindi ko narinig ang unang sa

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 43 : CONFESS

    (CONFESS)"I CAN'T believe it, Shawntina. Asawa mo si Fiandro? Bakit mo hindi mo sinabi sakin 'to?" pabulong na reklamo ni Elly. Nakayakap ang mga bisig niya sa braso ko at nasa likod namin si Fiandro habang sinusundan papasok ng bahay.Napasinghal ako. Sa totoo lang, hindi na nga importante na sabihin 'yon kay Elly. Never naging big deal sakin na kailangang sabihin na ako ang asawa ni Fiandro sa lahat ng kilala ko.Ang hindi ko pa maintindihan sa mokong na'to kung bakit sinasabi niya na asawa niya 'ko? Dapat walang nakakaalam ang tungkol saming dalawa. Dahil alam naming pareho ang mangyayari kung isa sa amin ang mag-bulgar.May binabalak ba siya? At kung anumang mga binabalak niya ay dapat ko ding malaman. Dapat ay pinag-uusapan namin ito kasi kapag malaman ng publiko ay husgahan siya at baka hindi na ibigay ang posisyon sakanya ng kanyang lolo."Paano kayo nagkakilala? Kasi noong nasa America ako, nabalitaan ko agad na ikakasal si Fiandro pero hindi binanggit ang pangalan. Ikaw pal

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 42 : WIFE

    (WIFE)"SALAMAT po." magalang kong ani sa may-ari ng condo unit.Tinupi nito ang hawak na paypay at ngumiti. "Wala iyon. Ito lang ba muna ang ipupunta mo dito sa condo mo?" bahagya nitong tanong tsaka dinungaw ang iilang gamit na nasa aking likod.Nilingon ko ang gamit ko pagtapos tumingin ulit sa may-ari nitong condo."Opo. Pailan-ilan muna akong maglalagay dito ng mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit ko at iyong iba bibilhin ko nalang.""Bakit kasi hindi ka nalang maghire ng magbubuhat niyan? Isang bagsakan para di ka na mahirapan sana." suhestyon nito.Inilingan ko siya."Ayos lang po talaga. Salamat po." ngiti ko rito.Kumibit ito ng balikat sabay ngiwi."Ikaw ang bahala. Sige mauna na ako. Kung anong gusto mong ipabagong posisyon sa mga gamit na narito, bahala ka na. Tutal rent to own naman ang binayad mo." ani ng may-ari. Tumango ako bago ito umalis.Nilingon ko na ang buong condo unit. Sakto talaga 'to para sa akin. Isang master's bed, isang maliit na guest room. Sa salas

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 41 : DATE

    (DATE)PAGKABALIK ko sa cubicle ay bitbit ko pa rin ang malaking ngiti. Pag-upo ko napatanong si Harley."Ngiting-ngiti ka bakla? Anong sinabi ni sir Fiandro sayo?" usisyo ni Harley.Tumingin ako sakanya di mawala-wala ang ngiti ko sa saya."May bagong kliyente daw ako sabi ni sir. Imemeet namin mamayang lunch break." mahina kong ani.Kumurap ang mga mata niya at umawang ang bibig."Talaga? Ang tagal din noong huling proyekto mo kay sir Kurt ah? Congrats!""Salamat." tapos binaling ko na ang sketch ko tsaka pinagpatuloy iyon."Akala ko kung ano na ang sasabihin sayo. Kinabahan pa ako." sabay mahinang tawa.Nakitawa din ako ngunit hindi na sumagot.Di nako magkanda-ugaga ng sumapit na nga ang lunch break. Mabilis kong inayos ang mga gamit na nasa mesa ko at nag-ayos ng itsura."Grabe naman ang excited mo bakla." puna ni Harley ng mag-ayos din ng gamit."Ewan ko ba. Excited na e

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 40 : TROUBLE

    (TROUBLE)FIANDROAFTER a straight three days of leave, the next morning I went to my office. Inasikaso ko na agad ang mga naiwang trabaho at nadagdag na paperworks na dapat kong pipirmahan sana.I canceled all the meetings when I went to her hometown. Ngayon puno ang schedules ko diretsong isang linggo. At sa buong linggong 'yon, tig-iisang oras lang ang free time ko.Ayaw na ayaw ko sa lahat na napupuno ang schedule ko sa isang araw. Now it happened. Fantastic!Some of the papers need to be signed immediately. Ang iba ay dapat noong nakaraang araw pa pero iba ang ginawa ko...I followed her."Tititigan mo nalang ba iyang papel, o pipirmahan mo na?" Leo snapped out of me. I almost forgot he was there.Tumingin ako sakanya ng mahimasmasan."I am," I said.Nakaupo siya sa gilid ng mesa ko. His one hand put on the table and leaned forward then narrowed his eyes."Inoorasan kaya kita. Kanina mo pa tinititigan iyang papel. Nabasa mo na iyan bago ka nag-absent. Pirma nalang ang kulang." he

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 39 : HOPE

    (HOPE)MAGMULA sa hacienda hanggang pauwi ay sobra akong natuliro. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Fiandro.Bumalik ang dating ala-ala ko sa batang lalaki noon. Hindi ko aakalain na siya ang lalaking 'yon. And for Pete's sake! Siya ang napakasalan ko. Can you believe that?!Gusto ko ng magpalamon sa lupa sa kahihiyan! Iniisip ko na lamang na coincidence ito. Hindi naman niya alam na ako ang babaeng iyon noon. Ganoon naman madalas na nangyayari sa buhay, puro lahat coincindence at hindi itinakda.Right, Tina? Right...I mean, all those years I thought the boy I admired before will looked like the same when he get older. Soft, jolly, and feminine. Hindi ako makapaniwalang kabaliktaran ang nai-imagine ko.Naging matangkad, tigasin, malamig, at... sobrang gwapo na... Kahit sino naman ay magugulat ng bongga sa malaking pagbabago.Kahit naiisip ko ang pagbabago ng itsura't katauhan niya'y, ma

  • MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)   CHAPTER 38 : FALL

    (FALL)WE decided to go home. Some of my cousins are sleepy and drunk already. Even I can feel the alcohol devouring my senses. Kaya habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko ay ginawa ko na.Napansin ni Fiandro ang pagtayo ko kaya tumayo na din ito. Saktong kababalik nina Jun-jun at tito Paul para sunduin na din ang mga babae kong pinsan at ihatid sa kanilang mga bahay gamit ang kulong-kulong.Si tito Kanor nagpaiwan, aayusin daw ang mga kalat na naiwan. "Sumabay na din kayo samin, Tina. Para minsanan ang uwi. Baka natamaan ka na din ng alak." bungad ni tito Paul ng makita na umalis nako sa bonfire."Ako na ang bahala sakanya." si Fiandro ang sumagot kaya nabaling ako sakanya na tumingin din sa akin.Tumingin ako kay tito. "Kaya ko pa naman tito. Sila nalang ihatid mo, mukhang lahat sila tinamaan na eh." tukoy ko sa mga pinsan ko.Si Mikai nakaupo at nakadumog. Si Patty nakahiga ang ulo sa mga hita ni Mikai. Si Gena

DMCA.com Protection Status