WHEN I FOUND YOU MY LOVE

WHEN I FOUND YOU MY LOVE

last updateLast Updated : 2023-07-31
By:   Angelita NOBELISTA  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
15 ratings. 15 reviews
78Chapters
17.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Andrea ay isang guro na tumandang dalaga dahil sa pagmamanipula ng ina niyang si Selya. Nang mamatay ito, lalong nakadama ng kahungkagan sa buhay niya si Andrea. Hinangad niya na magkaroon ng anak. Kahit walang asawa. Basta kahit isang anak lang na kukumpleto sa kan'yang pagkababae at makakasama niya sa kan'yang pagtanda. Ang problema, wala siyang nobyo. Sino ang magbibigay sa kan'ya ng anak? Dumating sa isip niya ang isang plano. Hahanap siya ng lalaking may magagandang katangian upang maging ama ng pinapangarap niyang anak. Hanggang sa makilala niya si Vincent. Si Vincent na pasado ang kwalipikasyon sa hinahanap niyang lalaki. Ang isa pa uling problema, paano niya sasabihin dito na sipingan siya nito gayong hindi naman sila personal na magkakilala? Gumawa siya ng paraan. At nagtagpo uli ang landas nila ni Vincent. Sinipingan siya nito. Isang pagsisiping lang na nagbunga agad ng binhi sa sinapupunan ni Andrea. Pagkatapos noon, lumayo siya. Sapat na sa kan'ya na magkakaroon siya ng anak sinira niya man ang dangal at ginawang mababa ang kan'yang pagkatao. Sapat na sa kan'ya na natupad ang inaasam niya kahit na nga ba, sa loob lamang ng maikling panahon, minahal niya na si Vincent at pinapangarap din na makasama ito habangbuhay. Hindi malalaman ni Vincent na nagkaroon sila ng anak. Pagkatapos ng gabing iyon, ang lahat ay mababaon nito sa limot.

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE & CHAPTER ONE

PROLOGUE: KANINA pa paikot-ikot si Andrea sa harap ng full size mirror sa kanyang silid. Binibistahan niyang mabuti ang sarili. Hindi ba masyadong makapal ang make up niya? Ang labi niya, hindi ba parang nagdurugo sa tingkad ng lipstick na ini-apply niya dito? Hinila niya pababa ang bestidang suot. Half of her thigh was out of the contour that reached her slender body. Hindi siya sanay sa gano’n kaikling damit na hakab sa kan’yang katawan. Lagi na’y uniporme ng guro ang suot niya. At kas’wal lang kapag naka-civilian siya. Mukha ba siyang kaakit-akit sa itsura at suot niya’ng sleeveless dress na iyon with black and red combination? Will she give attraction to the man she has chosen to be the father of her future child? This night is the fulfillment of her dream. Maglaho man ang kan’yang dignidad. Mawasak man ang kan’yang dangal. Who cares? Ngayon pa ba siya mag-aalala? Ngayong nag-iisa na lamang siya? Gusto niya ng anak. Kahit isang anak lang na kukumpleto ng kan’yang pagkababae....

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Angelita Nobelista
Sobrang ganda ng kwento nina Vincent at Andrea. Kinilig ako ng sobra at napaiyak sa love story nila. Ang galing ni author! more stories to come pa sana....️
2024-09-20 22:26:12
1
user avatar
Pepa Gy
highly recommended
2023-12-25 00:47:10
1
user avatar
Zham Gonzaga
maganda Yung story ..
2023-09-06 14:23:11
1
user avatar
April Marino Garia
5 stars kasi ang Ganda ng kwento
2023-08-13 22:32:24
1
default avatar
Joel Herico
Napakagandang kuwento!
2023-08-04 08:10:49
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
grabe super ganda ng kwento na ito.. I'm so proud kay Ate Ne na author nito..napakaganda tlga..this is her second story here in goodnovel na inaabangan ko tlga ung update.. congrats Ate Ne..labyu always .........
2023-08-01 11:53:23
1
user avatar
Angelita Nobelista
Palambing naman po ng review kina Vincent at Andeng...maraming salamat po...
2023-07-24 21:37:19
0
user avatar
Tessa Lugana Lonesto Resotay
maganda po Ang kwento n, anding at n, Vincent d kau mag sisisi pag nabasa NYU na.
2023-07-06 13:35:15
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
kwentong may super kilig..love it
2023-07-06 08:38:13
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
ito tlga ung kwento na may sobrang kilig..kakainlove..salamat sa magandang story na ito Miss. A.........
2023-07-04 09:31:10
1
default avatar
Glenda Visillas Apostol
Ganda ng story author
2023-06-20 13:32:31
1
user avatar
Angelita Nobelista
sa waiting po ng update nina Vincent at andrea, wait lang po. may pasyente lang po ako sa ospital...
2023-06-10 15:50:27
0
user avatar
Angelita Nobelista
Maraming salamat po sa mga nagbabasa kina Vincent at Andrea. Almost a week pa lang po since nang i-publish ko sila pero malaking achievement na po sa akin na sa kasalukuyan ay nasa 120+ na ang views nila. Maraming salamat po talaga. maligayang pagbabasa po lagi...
2023-05-12 19:45:04
5
user avatar
Venera
Simula palang naenganyo na akong basahin. Susubaybayan ko ito :)
2023-05-07 01:45:52
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
another exciting story na naman ito mula sa isang writer na sinusundan ko kahit saan mapunta..galing nman kasi ni author .........
2023-05-06 17:59:36
1
78 Chapters
PROLOGUE & CHAPTER ONE
PROLOGUE: KANINA pa paikot-ikot si Andrea sa harap ng full size mirror sa kanyang silid. Binibistahan niyang mabuti ang sarili. Hindi ba masyadong makapal ang make up niya? Ang labi niya, hindi ba parang nagdurugo sa tingkad ng lipstick na ini-apply niya dito? Hinila niya pababa ang bestidang suot. Half of her thigh was out of the contour that reached her slender body. Hindi siya sanay sa gano’n kaikling damit na hakab sa kan’yang katawan. Lagi na’y uniporme ng guro ang suot niya. At kas’wal lang kapag naka-civilian siya. Mukha ba siyang kaakit-akit sa itsura at suot niya’ng sleeveless dress na iyon with black and red combination? Will she give attraction to the man she has chosen to be the father of her future child? This night is the fulfillment of her dream. Maglaho man ang kan’yang dignidad. Mawasak man ang kan’yang dangal. Who cares? Ngayon pa ba siya mag-aalala? Ngayong nag-iisa na lamang siya? Gusto niya ng anak. Kahit isang anak lang na kukumpleto ng kan’yang pagkababae.
last updateLast Updated : 2023-05-03
Read more
CHAPTER TWO
SI VINCENT…GUWAPO, MATIKAS, MAPORMA…Iyan si Vincent Valderama. Sa gulang nitong treinta’y nuwebe, ay isa nang matagumpay na negosyante sa sarili nitong negosyo. Ang import/export ng mga produktong gawa sa mga local na materyales tulad ng abaka, kahoy, kawayan, anahaw at iba pa - ang naging best sellers ng dati’y maliit lamang niyang negosyo na ngayo’y matatawag na ring maliit na kompanya, dahil mayroon na rin siyang mahigit dalawangpung mga tauhan na katulong niyang nagpalago ng kan’yang hanapbuhay.Galing sa kahirapan at nagsikap na makatapos sa pag-aaral hanggang kolehiyo, naging working student si Vincent sa kurso niyang Business Management. At dati’y empleyado lamang siya bilang Junior Marketer sa isang malaking kompanya na gumagawa ng mga de-kalidad na furnitures sa bansa.Nahasa ng husto ang kaalaman niya sa larangan na iyon at pinag-aralan niya ang pasikot-sikot ng negosyo. Ipinangako niya sa sarili, hindi habangbuhay ay magiging empleyado lamang siya. Balang araw, siya na an
last updateLast Updated : 2023-05-03
Read more
CHAPTER THREE
CHAPTER THREENAATRASO ang uwi ni Andrea ng araw na iyon. Malapit ng dumilim nang makarating siya sa kanila. Nagtataka man, pinigilan ni Aling Selya ang mag-usisa. Nagpalit muna ng damit pambahay ang dalaga matapos magmano sa ina. Naghahapunan na sila kasalo si Aling Adel nang banggitin niya kung bakit naatraso ang uwi niya. Alam niya kasing naghihintay ang nanay niya ng dahilan kung bakit siya ginabi. Kilalang-kilala na niya ang ina. Lahat ng tungkol sa mga gagawin at desisyon niya, dapat alam nito.“Nagkatuwaan ho kanina sa school. Birthday nga kasi ni Sir Roldan kaya pagkatapos ng school hours, nagkaroon ng kaunti pang kasiyahan. Isinabay na din ang pa-despidida sa co-teacher namin na si Ma’m Irene na susunod na sa mister niya sa Japan sa isang linggo.” mahabang paliwanag ni Andrea. Nakikinig lang si Aling Selya. Parang hindi interesado sa sinasabi ng anak. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita.“Kaya pala ‘di ka masyado makakain, galing ka sa kainan. Teka, magta-trabaho rin ba i
last updateLast Updated : 2023-05-03
Read more
CHAPTER FOUR
CHAPTER FOUR NAGPAS’YA nang pumasok si Andrea. Hatinggabi na. May klase pa siya bukas. Mabuti na lang, nakapag-advance siyang gumawa ng lesson plan niya para sa susunod na ilang araw.Sinilip niya pa muna ang ina sa k’warto nito. Himbing na himbing na ito. Parang gusto niya itong lapitan. Yakapin. Tabihan sa pagtulog ngunit pinigil niya ang sarili. Saka na siguro. Kapag handang-handa na siyang sabihin dito na pinatatawad niya na ito. Nagtungo na siya sa sariling silid. Umusal siya ng dasal bago nahiga. Isang panalangin na sana, baguhin ng Diyos ang puso niya na waring pinatigas na ng maraming hinanakit sa buhay.Ipikit-idilat niya ang mga mata pero madamot sa kan’ya ang antok. Hindi mawala sa isip niya ang mga ipinarating sa kan'ya ng ina sa pamamagitan ni Aling Adel. At bigla, kung bakit rumehistro uli sa utak niya ang imahe ng lalaking una at huli niyang minahal. Si Carlos.Dahil ba hanggang sa mga sandaling ito, naroroon pa rin ang panghihinayang sa kan'ya? Na hindi sila nito na
last updateLast Updated : 2023-05-03
Read more
CHAPTER FIVE
HINDI alam ni Andrea kung anong oras na siya nakatulog ng gabing iyon. Madaling araw nang maalimpungatan siya. Sinulyapan niya ang wall clock. Pasado alas tres pa lang. At ewan niya kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay tumatahip ang kan'yang dibdib. Pinakiramdaman niya ang paligid. Tila nakabibingi ang katahimikan.Bumangon siya. Nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nasulyapan niya si Aling Adel sa karatig k’warto. Mahimbing pang natutulog ang matanda.Tinungo niya ang silid ng ina. Tila may nag-udyok sa kan’ya na lapitan ito. Pinagmasdan niya ito sa pagkakapikit nito. Naupo siya sa kama. Hinaplos niya ang braso nito. Kinuha niya ang dalawang kamay at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “’Nay,” bulong niya dito. “Mahal ko kayo.” aniya habang umiiyak na naman.Parang bata, tumabi siya sa ina at hinaplos pa ang pisngi nito. Naramdaman pa ng palad niya ang basang pisngi nito. Umiyak din ba ang nanay niya? Naantig ang kan’yang damdamin. Niyakap niya ito. Hinalikan sa
last updateLast Updated : 2023-05-06
Read more
CHAPTER SIX
NANG gabing iyon, nauwi sa mas malalim na pag-iisip ang utak ni Andrea, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na ang tungkol kay Aling Selya ang umo-okopa rito kun’di ang kagustuhan niyang magkaroon maski ng isang anak lamang. Mula sa lalaking nagtataglay ng magagandang katangian.Alam niyang mali ang pina-plano niyang iyon. Labag iyon sa kalooban ng Diyos, pero maiaalis ba sa kan’ya ang maghangad ng ikaliligaya niya ngayon? Ilang taon na rin siyang nagdurusa. Ilang taon na rin siyang nagtitiis sa kalungkutan mula nang pahinlutan niyang manipulahin ng nanay niya ang kan’yang buhay. At ngayong wala na ito, pagkakataon na'ng ang isipin niya naman ay ang tungkol sa sarili niyang kaligayahan. Kasalanan man iyon at kung parusahan man siya ng Diyos, bahala na. Basta, anoman ang mangyari, tutuparin niya ang pinaplano niya.Bago niya tuluyang ipinikit ang mga mata, buo na ang desisyon niya. At positibo ang magiging pananaw niya. Magkakaroon siya ng anak. At gagawin niya ang lahat upang matupad
last updateLast Updated : 2023-05-06
Read more
CHAPTER SEVEN
KANINA pa nasa harap ng desk top computer niya si Andrea. Sa wakas, nakumbinsi na rin siya ni Meldy na gumawa ng account niya sa face&book.Noong una, ayaw niya sana na magkaroon ng anomang access sa kahit na anong social media app. Alam niya kasi kung gaano ka-epektibo ang internet sa buhay ng isang tao. Isang pindot o browse lang sa computer bubulaga na sa ‘yo ang maraming bagay na gusto mong malaman. At mayroon siyang gustong iwasan. Ang kan’yang nakaraan.Mahigit isang dekada na rin buhat nang makabalita siya ng tungkol kay Carlos. Huling impormasyon na narinig niya tungkol dito ay may asawa na raw ito. Kapwa OFW daw nito sa abroad ang napangasawa at may dalawa ng anak. May kirot pa rin siyang nadama nang malaman iyon dahil minsan nga sa buhay niya, pinangarap niya na si Carlos ang lalaking makakasama niya habangbuhay.Minsan ay inilarawan niya rin sa kan'yang imahinasyon na nakasuot siya ng trahe de boda. Naglalakad siya patungong altar habang ito ay buong kaligayahan na naghihin
last updateLast Updated : 2023-05-06
Read more
CHAPTER EIGHT
HINDI alam ni Vincent kung ano ang kahulugan ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Mula pa kanina, speechless na siya at walang malaman na sabihin.Si Trina…ang ex-girlfriend niya, kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon na hindi niya na ito nakikita, kanina, nag-krus muli ang landas nilang dalawa. Ang masaklap, kasama pa nito ang taong pinaglalaanan na nito ng puso niya ngayon, o siguro, pinaglalaanan na ng buong buhay niya ngayon.Napahugot ng malalim na buntong-hininga ang binata. Ito ang hirap na binigyan niya pa ng day-off ang sarili sa araw na ito. Sana, isinubsob niya na lang uli ang ulo kanina sa trabaho. Sa pagbusisi ng mga transaks’yon nila na ibibiyahe patungong probinsiya sa isang linggo. Pero sa kakukulit ng assistant niyang si Joe, napahinuhod siya nito na magpahinga. At ayon nga, naisipan niyang pumunta ng mall para personal na mag-grocery.Inadya ba talaga ng pagkakataon na muli niyang makita ang dating nobya? Kasi, bakit ba dati-rati nama’y ipinakikisuyo niya n
last updateLast Updated : 2023-05-06
Read more
CHAPTER NINE
ABALA si Vincent sa pagki-create ng bagong designs sa maliit niyang private office nang kumatok doon ang sekretarya niyang si Edna. “Pasok.” aniya. “Yes, Edna?” hindi tumitingin na tanong niya. “Ire-remind ko lang boss, mamaya ang dating ni Atty. Lorenzo. Siya ang personal na pipili ng designs ng mga furnitures para sa soon to open niyang law firm.” Imporma ng mahigit treinta anyos na babae. “Ah, okay. Nag-usap na kami ni Joe tungkol diyan. Ipa-ready n’yo na rin ang showroom dahil ang alam ko, kasama niya rin ang kaibigan niyang abogado na interesado rin sa mga produkto natin.” “Yes, boss.” “At Edna,” tawag niya sa papalabas ng sekretarya. “Please update me sa mga bagong kliyente na nadagdag. Pag-aaralan ko kung kaya nating magbigay ng maganda-gandang discount para umulit sila sa atin.” “Speaking boss, may bago nga tayong kliyente from Sta.Rosa. Nagkainteres no’ng makita niya ‘yong ipi-nost ko last week. ‘Yong bed frame nating made in abaca. At ‘yong bamboo dresser natin. Asking
last updateLast Updated : 2023-05-07
Read more
CHAPTER TEN
LUMAPIT si Vincent kina Andrea at Meldy. “Miss D-domingo --- ?” inilahad pa nito ang kanang palad.“Ah, siya po iyon.” Mabilis na agap ni Meldy. Miss pa nga po siya. Ako nama’y misis na…!”Natawa ang binata. “Hindi halata.” Sagot nito kay Meldy.“Ay, sir! Kilig much here!” humagikgik pa si Meldy.Siniko uli ni Andrea ang kaibigan. Saglit itong pinandilatan ng mata.“Pasensiya na po uli kayo at ginabi na kami sa paghahatid nitong in-order ninyo. Bukod sa na-traffic kami kanina sa Manila, inuna kasi muna namin ang Canlubang sa urgent issue doon.”“O-okay lang. Bukas ko pa nga inaasahan ‘yan.”May inabot si Vincent kay Andrea upang papirmahan nang tumunog ang cellphone nito.“Ah, excuse me…!” paghingi ng paumanhin ng binata bago lumayo ng kaunti upang kausapin ang tumawag.Sinundan ito ng tanaw ni Andrea. Si Meldy naman at si Aling Adel ang nag-assist sa dalawang trabahador na ipinanhik na sa bahay ni Andrea ang mga gamit.“Sa ayaw at sa gusto n’yo kukunin ko ang bata, tapos ang usapan!”
last updateLast Updated : 2023-05-07
Read more
DMCA.com Protection Status