WHEN I FOUND YOU MY LOVE
Si Andrea ay isang guro na tumandang dalaga dahil sa pagmamanipula ng ina niyang si Selya. Nang mamatay ito, lalong nakadama ng kahungkagan sa buhay niya si Andrea. Hinangad niya na magkaroon ng anak. Kahit walang asawa. Basta kahit isang anak lang na kukumpleto sa kan'yang pagkababae at makakasama niya sa kan'yang pagtanda. Ang problema, wala siyang nobyo. Sino ang magbibigay sa kan'ya ng anak? Dumating sa isip niya ang isang plano. Hahanap siya ng lalaking may magagandang katangian upang maging ama ng pinapangarap niyang anak. Hanggang sa makilala niya si Vincent. Si Vincent na pasado ang kwalipikasyon sa hinahanap niyang lalaki. Ang isa pa uling problema, paano niya sasabihin dito na sipingan siya nito gayong hindi naman sila personal na magkakilala? Gumawa siya ng paraan. At nagtagpo uli ang landas nila ni Vincent. Sinipingan siya nito. Isang pagsisiping lang na nagbunga agad ng binhi sa sinapupunan ni Andrea. Pagkatapos noon, lumayo siya. Sapat na sa kan'ya na magkakaroon siya ng anak sinira niya man ang dangal at ginawang mababa ang kan'yang pagkatao. Sapat na sa kan'ya na natupad ang inaasam niya kahit na nga ba, sa loob lamang ng maikling panahon, minahal niya na si Vincent at pinapangarap din na makasama ito habangbuhay. Hindi malalaman ni Vincent na nagkaroon sila ng anak. Pagkatapos ng gabing iyon, ang lahat ay mababaon nito sa limot.
อ่าน
Chapter: CHAPTER SEVENTY EIGHTANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-07-31
Chapter: CHAPTER SEVENTY SEVENPAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-07-29
Chapter: CHAPTER SEVENTY SIXNAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-07-27
Chapter: CHAPTER SEVENTY FIVEBAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-07-26
Chapter: CHAPTER SEVENTY FOURSA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-07-26
Chapter: CHAPTER SEVENTY THREELAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-07-25
Chapter: CHAPTER SIXTY FIVEEPILOGUE and LAST CHAPTERAng kuwento ng buhay pag-ibig nina Markus at Helena, para sa akin bilang manunulat na lumikha sa mga karakter nila ay hindi nabibilang sa pangkaraniwang kuwento ng pagmamahalan.Maaaring sa iba, imposibleng mangyari ito. Na may isang mayaman, matalino at magandang babae na magagawang bumili ng isang lalaki upang pakasalan siya at isalba sa kahihiyan. Ngunit dahil ako nga ang author ng kuwentong ito, ginawa ko itong posible. Sa palagay ko ay nagawa ko namang palawakin ang imahinasyon ko upang mailarawan ko ang lahat ng naging mga kaganapan sa buhay ng dalawang bida na kalauna’y nadiskubre ang tunay na pag-ibig nila sa bawat isa.Sa isang bahagi ng mga kabanata nila, minsan ay sinabi ni Helena kay Markus, na ang gusto niya, KUNG SIYA AY IIBIGIN ni Markus, sana, huwag nitong tingnan kung paano sila nag-umpisa. Kung paano niya pinapasok si Markus sa buhay niya kasi insulto iyon sa kan’yang pagkatao. Bagkus, sana ang tingnan nito ay ang magaganda niyang mga katang
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-21
Chapter: CHAPTER SIXTY FOUR“TUMAWAG ang abogado ni Helena.” Imporma ni Markus sa asawa nang sila na lamang dalawa ang nasa hospital room nito. “Ipina-kansel na nang tuluyan ni Efraim ang hearing.” Nakaupo ito sa kama katabi ni Helena.Napamaang si Helena. Tinitigan ang asawa. Parang hindi makapaniwala. “A-anong dahilan?”“Walang sinabi. But I hope, may magandang dahilan. O, maaaring nakunsensiya na dahil sa nangyari sa inyo ng lola.”“Knowing Efraim…” malungkot na saad ni Helena.“Ganoon mo siya kakilala? Parang gusto kong magselos, ah?” Biro ni Markus.Mahinang tumawa si Helena. Humilig ito sa dibdib ng asawa. “Totoo ang sinabi ng lola. Matigas ang puso ni Efraim. Even when we were in college. Every time I try to get close to him to end the gap between the two of us and make our competition healthy, he avoids me as if he doesn't know me.”Tumango-tango si Markus.“Until I found out why he was so angry with our family and he only used me for his revenge.”Pinisil ni Markus ang palad ng kabiyak. “At buong akala
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-21
Chapter: CHAPTER SIXTY THREE“BAKIT ka umiiyak? Para saan ang mga luhang ‘yan, Clarisa?” Sarkastiko ang tono ni Aling Lora sa kaharap na dalaga nang mga sandaling iyon.Makaraan ang ilang araw, nagpakita uli sa kanila si Clarisa. Nasa anyo ang pagsisisi sa pagkakamali nitong ginawa.Sinugod ng yakap ni Clarisa ang may edad na babae. “Patawarin ninyo ako, ‘Nay!” humagulgol ito. “Tulungan ninyo akong humingi ng tawad kina Makoy at Helena. At kay lola Amanda…! Hindi ko kayang humarap sa kanila nang nag-iisa, ‘Nay. Hindi ko po kaya…!”Napahinga nang malalim si Aling Lora. "Nakapag-isip-isip ka na bang mabuti, Clarisa? Natanto mo na ba ang ginawa mo sa mga taong naging mabuti sa 'yo?"Tumango si Clarisa. Sunod-sunod. Habang walang humpay ang pagsigok."Kung taos sa puso ang pagsisisi mo, haharap ka sa kanila kahit nag-iisa ka lang, Clarisa.”Umiling ang dalaga. “Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, ‘Nay Lora. At pinagsisisihan ko na nakipagsabwatan ako kay Efraim at tumanggap ng pera mula sa kan’ya.”Iniharap ni Aling Lora a
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-20
Chapter: CHAPTER SIXTY TWOISANG MALAKAS NA SUNTOK ang pinawalan ng kanang kamao ni Markus na ang nahagip ay ang bibig ni Efraim. Pumutok iyon at tumalsik ang dugo mula doon.Nagkaroon ng komosyon sa loob ng pribadong opisina ng huli na pwersahang pinasok ni Markus sa kabila ng pagpigil sa kan’ya ng private secretary nito.“P***ng-i*a mo!!!” Galit na galit na sigaw ni Markus at inundayan pa uli ng malakas na suntok si Efraim na ang nahagip naman ay ang kaliwang mata nito.Gumanti si Efraim pero hindi sapat ang lakas ng kamao niya sa bagsik ng kamao ng katunggaling galit na galit sa mga sandaling iyon.Isa pa uling suntok ang pinawalan ni Markus na nagpabalandra kay Efraim sa sahig. Doon na napigilan ng mga guwardiya si Markus na pilit kumakawala sa mga bisig na pumipigil sa kan’ya.“Nabingit sa kamatayan ang lola ni Helena! Maging siya at ang mga anak namin dahil sa kahayupan mo! Papatayin kita!!!” tungayaw ni Markus. Buong lakas na nag-uumalpas sa mga nakahawak sa kan’ya.Pilit bumangon si Efraim mula sa pagka
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-20
Chapter: CHAPTER SIXTY ONEBUONG kalungkutang lumapit si Markus kay Doña Amanda kasunod ang kapatid nitong si JR matapos itong talikuran ni Efraim.Hindi man niya narinig ang usapan ng dalawa, batid niyang negatibo ang naging kaganapan noon.Matalim ang mga matang nasundan na lamang niya ng tingin ang ama ni Mandy na kaybilis ng mga hakbang paalis sa kubling lugar na iyon kasunod ang asawa nitong si Glenda.“Matigas ang puso niya…” parang sa hangin nagsalita si Doña Amanda. Malungkot pa itong napangiti.“L-lola…” ani Markus na naaawang tinitigan lang ang matanda.Kumapit ito sa braso niya. “T-tena, hijo. Umuwi na tayo…” Kumapit din ito sa braso ni JR. Napagitnaan siya ng magkapatid na iginiya siya patungo sa parking lot kung saan naroroon ang kanilang kotse.Walang kibo at nanatiling tahimik lamang ang matanda habang binabagtas nila ang daan pauwi.Maya’t-maya ay pinagmamasdan ito ni Markus sa rear view mirror. Hindi niya maiwasan ang labis na pag-aalala rito.Nakatanaw lang ang mga mata ni Doña Amanda sa labas
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-18
Chapter: CHAPTER SIXTYNAGTAGIS ang bagang ni Markus matapos mapanood ang video na ipinadala ni Efraim sa social media account ng kapatid na si JR.“A-ano ang gagawin natin, anak? Hindi ‘yan dapat mapanood ni Mama Amanda.” ani Aling Lora na agad napaluha. “Baka, kung ano pa ang mangyari sa matanda…!”“Hindi talaga titigil si Efraim…!” Naniningkit sa galit ang mga matang wika ni Markus.“K-kuya, bakit hindi na lang ninyo ibigay sa tunay na tatay ni Mandy ang karapatan sa anak niya? Para hindi na lumala ang problema?” Alanganin man sa sinabi ay lakas-loob na nulas ng labi ni JR.Tiningnan ng masama ni Markus ang kapatid. “Hindi iyan ang solusyon, JR! Kapag ibinigay namin ang gusto ni Efraim, tiyak na ilalayo niya si Mandy sa amin. Sa ating lahat! Aangkinin niya na ang bata dahil wala silang anak ng kan'yang asawa! Malabo na siyang magkaroon ng anak dahil malalagay sa peligro ang buhay ng asawa niya kapag nagbuntis uli ito kaya ganoon siya kapursige na makuha sa amin ang custody ni Mandy!”Napapikit si JR saba
ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-11