The Cold Billionaire's Secret Wife

The Cold Billionaire's Secret Wife

last updateLast Updated : 2023-04-29
By:  Rhod Selda  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
52 ratings. 52 reviews
68Chapters
136.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa edad na diyese-nuwebe ay nagpakasal si Liza kay Midnight, ang bilyonaryong binili ang lupaing pamana ng yumao niyang lolo. Subalit tila naging masikip ang mundo niya sa piling nito. Ni hindi siya maituring na asawa ni Midnight. Kasing lamig ng yelo ang puso nito, ayaw ng atensiyon. Gusto na niya itong sukuan kahit nasanay na ang puso niya rito. Ngunit isang gabi ay umuwi ito at sinugod siya sa kuwarto, hinalikan at inangkin. At dahil sa kapusukan, nagparaya siya. Inakala ni Liza na mamahalin na siya ni Midnight pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nila. Ngunit bigla sila nitong inalok ng sampung milyon kapalit ng divorce. Labag man sa kalooban ngunit pumayag siya. Subalit sa kaniyang pag-alis ay nagimbal siya sa natuklasan. Nagbunga ang gabing pagniniig nila ng dating asawa! Hahabulin ba niya ang karapatan, o ililihim ang katotohanan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

UNANG beses na nakaapak sa siyudad sa Maynila si Liza. Naninibago siya dahil sa modernong mga gusali, malalaki, maraming sasakyan sa kalsada na halos wala nang espasyo. Kamuntik pa siyang masagasaan sa pagtawid ng kalsada. Ang mas malala, naligaw siya sa napakalaking mall kung saan siya dinala ng kaniyang lolo. Birthday kasi niya kaya siya ipinasayal ng kaniyang lolo. Nineteen years old na siya ngunit second year high school pa lamang ang kaniyang natapos. Namatay kasi sa engkuwentro kontra rebelde ang mga magulang niya. Kinupkop siya ng katutubong kaibigan ng kaniyang ina sa Digos City. Lumaki siya sa kabundukan ng Digos, salat sa salapi. Tanging ikinabubuhay nila ay pagsasaka ng kamote at saging. Kaya nasasapat lamang pambili ng bigas ang kanilang kinikita. Laking pasasalamat niya at nahanap siya ng kaniyang lolo, ama ng yumao niyang ina. “Ayos ka lang ba, apo?” tanong ng kaniyang lolo. Lulan na sila ng kotseng inupahan ng lolo niya upang hindi sila mahirapang bumiyahe. Abala siy

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Lance Jorduela
sobrang ganda
2024-10-18 15:34:13
1
user avatar
Josephine Tobias Andulana
wow Ang Ganda Ng story mo author,,...️...
2024-10-10 04:43:07
1
user avatar
maribeth
ang ganda ng story thank you Author ...
2024-09-28 21:33:53
1
user avatar
Amihar02
Napaka ganda po ng kwento at nakakakilig po ang dalawa midnight and liza.
2024-09-15 21:18:11
1
user avatar
Leah Desabille
ganda ng story thank u author
2024-09-04 14:05:14
2
user avatar
Ashleykun Sarah
gooonndddooo!!!
2024-09-01 12:02:54
2
user avatar
Babylyn Valencia
nice story
2024-08-17 19:55:53
2
default avatar
Sasaki Yuzuki
buo naba ang kwento nato hindi poba nkaupdate
2024-08-04 19:02:51
3
user avatar
Funbun
Napakagandang kuwento nito sulit ang gabing walang masyadong tulog sa kababasa. Thank you author sa iyong npakagandang kuwento.
2024-07-20 14:41:03
2
user avatar
Lourdes Enanoria
nice ... story ......
2024-07-07 18:31:12
3
user avatar
Dimple Heart
sobrang gnda ang kwento
2024-06-21 14:05:06
2
user avatar
Dathan B. Manalo
may kwento po ba sila Richard at Aniza?
2024-05-11 18:35:30
1
user avatar
ryan
Highly recommended ......️
2024-05-09 21:55:21
0
user avatar
Edna Jacinto
highly recommended......
2024-02-01 02:46:45
1
user avatar
Rosemarie Baquiran
nice story nakakatuwa c midnight
2023-06-05 23:15:18
1
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
68 Chapters

Chapter 1

UNANG beses na nakaapak sa siyudad sa Maynila si Liza. Naninibago siya dahil sa modernong mga gusali, malalaki, maraming sasakyan sa kalsada na halos wala nang espasyo. Kamuntik pa siyang masagasaan sa pagtawid ng kalsada. Ang mas malala, naligaw siya sa napakalaking mall kung saan siya dinala ng kaniyang lolo. Birthday kasi niya kaya siya ipinasayal ng kaniyang lolo. Nineteen years old na siya ngunit second year high school pa lamang ang kaniyang natapos. Namatay kasi sa engkuwentro kontra rebelde ang mga magulang niya. Kinupkop siya ng katutubong kaibigan ng kaniyang ina sa Digos City. Lumaki siya sa kabundukan ng Digos, salat sa salapi. Tanging ikinabubuhay nila ay pagsasaka ng kamote at saging. Kaya nasasapat lamang pambili ng bigas ang kanilang kinikita. Laking pasasalamat niya at nahanap siya ng kaniyang lolo, ama ng yumao niyang ina. “Ayos ka lang ba, apo?” tanong ng kaniyang lolo. Lulan na sila ng kotseng inupahan ng lolo niya upang hindi sila mahirapang bumiyahe. Abala siy
Read more

Chapter 2

SA halip na magprotesta, sumang-ayon si Liza sa desisyon ng kaniyang lolo. Rinig niya ang maayos na usapan sa pagitan ng kaniyang lolo at ni Midnight. Nangako ang binata na ibibigay nito ang kailangan niya, lalo na ang makapag-aral.Pagkatapos ng kasunduan, nilapitan siya ni Midnight nang nasa kusina siya. Silang dalawa lamang ang naroon.“How old are you?” seryosong tanong sa kaniya ni Midnight.Nagbabalat siya ng hilaw na papaya para sa tinola. “Ho?” untag niya. Nakatungo lamang siya sa binata na tumayo sa kaniyang harapan.“Ang sabi ko, ilang taon ka na?” muli’y tanong nito.“Uh…. n-nineteen po,” naiilang niyang tugon. Hindi niya makuhang makipagtitigan sa binata.“You’re so young to get married. Sigurado ka bang okay lang sa ‘yo na makasal sa akin? I’m twenty-five years old now.”Hindi siya makapag-focus sa sinasabi nito kaya hindi niya masyadong maintindihan.“Ano po?” tanong niya.Napailing ang binata, ngumisi. “Mahina ba ang pandinig mo? O talagang mahina lang ang pick-up ng ut
Read more

Chapter 3

ILANG linggo pa ang lumipas. Upang hindi mainip, nagtanim ng iba’t ibang gulay sa bakuran si Liza. Binilhan siya ni Midnight ng laptop, mayroon ding internet connection kaya nagagamit niya sa online tutorial.Masuwerte nang makauwi isang beses sa isang linggo ang kaniyang asawa. Ganoon pa rin ang sitwasyon, mistulang caretaker lamang siya ni Midnight sa bahay nito. Pero minsan ay dumating sa isip niya na umalis na lamang doon. Hindi na siya umaasa na magugustuhan siya ni Midnight.Hindi niya maintindihan bakit ayaw ni Midnight mag-asawa. Naghihinayang siya sa katangian nito. Maaring may mas malalim itong dahilan bakit ayaw nitong magkapamilya.Ilang oras din ang iginugol niya sa paghahalaman sa likod ng bahay. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Palubog na pala ang araw. Nagulat siya pagpasok ng bahay ay naroon si Midnight. Marami itong pinamiling stock na pagkain at ibang kailangan niya.Nag-iiwan naman ng allowance niya si Midnight pero naiipon dahil hindi naman siya gumagast
Read more

Chapter 4

AKALA ni Liza ay titigil din si Midnight, ngunit itinuloy nito ang paghalik sa kaniyang mga labi. Pakiramdam niya’y may taglay na apoy ang halik nito na unti-unting tumutupok sa kaniyang wisyo.Ganoon pala ang pakiramdam na nahahalikan, nakaliliyo. Nanlulumo siya sa tindi ng sensasyong hatid ng halik ni Midnight sa kaniya. Nag-iinit ang buong sistema niya, at tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang katawan. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa bawat galaw ng mga labi ng asawa.Ang kaniyang pagtugon ay naging mitsa upang lumalim pa ang halik ni Midnight. Nagsimula na ring kumilos ang mga kamay nito sa maseselang parte ng kaniyang katawan, wari may hinahagilap.Napasinghap siya nang itulak siya ng asawa sa likod ng pinto habang hinahapuhap ng halik ang kaniyang mga labi. Tanging banayad na daing lamang ang naitutugon niya, lalo nang dumapo ang mga kamay nito sa mayayaman niyang dibdib. Marahan na napipisil nito ang mga iyon.Mamaya ay apuradong hinubad ni Midnight a
Read more

Chapter 5

PARANG walang nangyari at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Midnight kay Liza. Ni minsan ay hindi nito nabanggit ang tungkol sa namagitang sekswal sa kanila. Hindi na iyon naulit pa. May pagkakataon na gusto na niyang sumuko at iwan si Midnight. Kaso natatakot siya baka babalik siya sa dating buhay.Paubos na ang pera niya sa pagtulong sa kinalakihang pamilya. Kung babalik siya roon, maaring siya ang papasan sa lahat ng responsibilidad dahil parehong may sakit ang mga magulang, at hindi rin siya makapag-aral nang maayos. Hindi na niya malaman ang gagawin. Ayaw niyang galawin ang natitirang dalawang milyon sa bangko. Ilalaan niya iyon sa kaniyang pag-aaral at negosyo balang araw.Ang halagang sampung milyon na bayad sa lupa at mga hayop, nabawasan din pambayad ng mga utang ng lolo niya at ibang gastusin sa ospital. Kaya ang natira sa kaniya ay limang milyon. Mahigit dalawang milyon na ang naibigay niya sa kinalakihang pamilya. Mahigit isang milyon kasi ang nagastos sa ospital at ilang b
Read more

Chapter 6

LIMANG taon ang lumipas. Pagkatapos ng graduation ni Liza sa kolehiyo ay nagpasya siyang ibenta ang puwesto niya sa bayan ng Lucena. Wala na rin naman siyang budget para mabuksan ulit ang nalugi niyang food house at bakeshop. Idiniposito niya sa bangko ang pinagbentahan sa lupa para sa kinabukasan ng limang taon niyang anak na babae. “Sigurado ka na bang aalis ka rito, Liza?” tanong ni Aniza, ang pinsan niya sa father side. Pinapunta niya ito roon sa Batangas para samahan siya total ay ulila na rin ito at wala pang asawa. Kauuwi lang nila ng bahay mula bangko. Iyong dating bahay ng lolo niya sa Pagbilao ay naibenta niya bago siya umuwi ng Digos. Kaso nahirapan siyang magsimula ng negosyo roon kaya bumalik ng Batangas at doon nakabili ng maliit na property. “Oo. Gusto kong magtrabaho sa Maynila,” aniya. Naghahanda na siya para sa hapunan nila. “Eh, paano itong bahay mo rito? Ibebenta mo na naman?” Napabuga siya ng hangin. Simula noong tumira siya roon sa barangay nila ay palagi si
Read more

Chapter 7

HINDI inaasahan ni Liza na susundan siya ni Midnight sa kusina. Nagulat ang staff sa biglang pagpasok ng boss.“Good morning, sir!” sabayang bati ng staff. Napahinto pa sa trabaho ang iba para lang batiin ang boss.Kumislot si Liza nang sikuhin siya ni Lara, isa sa line cook nila. “Bumati ka kay Sir. Siya ang big boss natin,” bulong nito sa kaniya.Humarap naman siya kay Midnight na noo’y nakatayo lang sa pintuan. “Good morning po!” bati niya.Napako sa kaniya ang tingin ni Midnight. Alam niya na hindi siya nito kakausapin sa harap ng maraming tao.“May napansin lang akong bagong mukha. Can I talk to her?” sabi ni Midnight.“Tatlo po silang bago, sir. Dalawang babae. Sino po sa kanila ang gusto n’yong makausap?” ani Lara.“Her.” Itinuro ni Midnight si Liza.Napalunok siya nang gupuin siya ng kaba. May impact pa rin sa kaniya ang baritonong boses ni Midnight, na madalas magpangatog sa mga tuhod niya noon.“Ikaw pala, Liza. Sumama ka kay Boss,” udyok sa kaniya ni Lara.Kumilos naman siy
Read more

Chapter 8

NAKAILANG hakbang pa lamang si Liza mula sa opisina ni Richard ay narinig na niya ang boses ni Midnight. “Liza!” muli ay tawag nito na tuluyang nagpatigil sa kaniya. Nang pumihit siya paharap dito ay nagulat siya nang hawakan siya nito sa kanang braso. Napasunod siya rito nang isama siya nito sa CEO’s office. Hindi na siya nakapalag dahil ini-lock nito ang pinto. “Tell me that Richard was lying,” balisang sabi nito. Bumuntong-hininga siya. Nilakasan na niya ang loob at sinimulan ang plano, tutal ay nagkabistuhan na sila. “Nagsasabi siya ng totoo,” aniya. “Buntis ka noong umalis sa bahay ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Huh!” nanlilisik ang mga matang asik nito. “Para ano pa? Pinagtabuyan mo na ako. At saka wala ka rin namang pakialam,” matapang na buwelta niya. “Maybe you’re lying. Kailangan mo ba ng pera? Nasaan na ang sampung milyong binigay ko sa ‘yo?” Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Gusto niya itong sampalin ngunit nakapagpigil siya. Tumapang siya dahil sa inas
Read more

Chapter 9

PAGDATING sa bahay ni Liza ay hindi na nila naabutang gising si Samara.“Katutulog lang niya, eh. Alam mo naman, sanay matulog nang maaga ang bata,” sabi ni Aniza. Sinalubong sila nito sa gate.Hinarap naman niya si Midnight na kabababa ng kotse nito. “Tulog na si Samara,” sabi niya.“Still, I want to see her,” anito.Nagtitigan pa sila ni Aniza. “Payagan mo na, insan. Basta huwag lang kayong maingay kasi mabilis magising si Samara. Nagwawala pa naman ‘yon kapag alanganin ang tulog,” ani Aniza.Pinayagan na niyang makapasok si Midnight. Dumiretso sila sa kaniyang kuwarto kung saan natutulog ang anak niya. Mabuti hindi magulo ang kuwarto. Pagpasok pa lamang nila ay kaagad nilapitan ni Midnight si Samara. Tuwid ang higa ng bata sa kama habang yakap ang malaking teddy bear nito.Pinagmamasdan lang ni Liza si Midnight na tila natatakot hawakan si Samara. Titig na titig ito sa mukha ng kaniyang anak. Maaring pinakikiramdaman nito ang sarili kung may pitik sa puso nito ang lukso ng dugo. Mam
Read more

Chapter 10

“SAMARA!” tawag ni Liza sa anak. Inatake na siya ng kaba nang hindi ito makita sa loob ng bahay.Lumabas na siya. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang kaniyang anak na naroon sa gate, kaharap si Midnight! Wari may naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib nang mapansing hawak ni Midnight ang kamay ni Samara. Naaantig ang kaniyang puso, naghuhumiyaw sa tuwa nang masilayan sa wakas na nagkita ang kaniyang mag-ama.Nilapitan niya ang mga ito. Awtomatikong nabaling sa kaniya ang tingin ni Midnight.“Can you please open the gate?” samo nito sa kaniya.Binuksan naman niya ang maliit na gate. Kaagad na pumasok si Midnight at walang abog na niyakap nang mahigpit si Samara.“Ouch! Naiipit ako!” angal ng bata.“Oh, sorry.” Kaagad itong pinakawalan ni Midnight pero ayaw nang bitawan ang mga kamay. Lumuhod ito sa sahig. “Baby, you’re right. I’m your daddy,” kausap nito sa bata.“Daddy? Totoo?” Tiningala ni Samara si Liza upang kunin ang kaniyang komento.Napangiti siya sa kabila ng pa
Read more
DMCA.com Protection Status