PAGDATING sa bahay ni Liza ay hindi na nila naabutang gising si Samara.“Katutulog lang niya, eh. Alam mo naman, sanay matulog nang maaga ang bata,” sabi ni Aniza. Sinalubong sila nito sa gate.Hinarap naman niya si Midnight na kabababa ng kotse nito. “Tulog na si Samara,” sabi niya.“Still, I want to see her,” anito.Nagtitigan pa sila ni Aniza. “Payagan mo na, insan. Basta huwag lang kayong maingay kasi mabilis magising si Samara. Nagwawala pa naman ‘yon kapag alanganin ang tulog,” ani Aniza.Pinayagan na niyang makapasok si Midnight. Dumiretso sila sa kaniyang kuwarto kung saan natutulog ang anak niya. Mabuti hindi magulo ang kuwarto. Pagpasok pa lamang nila ay kaagad nilapitan ni Midnight si Samara. Tuwid ang higa ng bata sa kama habang yakap ang malaking teddy bear nito.Pinagmamasdan lang ni Liza si Midnight na tila natatakot hawakan si Samara. Titig na titig ito sa mukha ng kaniyang anak. Maaring pinakikiramdaman nito ang sarili kung may pitik sa puso nito ang lukso ng dugo. Mam
“SAMARA!” tawag ni Liza sa anak. Inatake na siya ng kaba nang hindi ito makita sa loob ng bahay.Lumabas na siya. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang kaniyang anak na naroon sa gate, kaharap si Midnight! Wari may naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib nang mapansing hawak ni Midnight ang kamay ni Samara. Naaantig ang kaniyang puso, naghuhumiyaw sa tuwa nang masilayan sa wakas na nagkita ang kaniyang mag-ama.Nilapitan niya ang mga ito. Awtomatikong nabaling sa kaniya ang tingin ni Midnight.“Can you please open the gate?” samo nito sa kaniya.Binuksan naman niya ang maliit na gate. Kaagad na pumasok si Midnight at walang abog na niyakap nang mahigpit si Samara.“Ouch! Naiipit ako!” angal ng bata.“Oh, sorry.” Kaagad itong pinakawalan ni Midnight pero ayaw nang bitawan ang mga kamay. Lumuhod ito sa sahig. “Baby, you’re right. I’m your daddy,” kausap nito sa bata.“Daddy? Totoo?” Tiningala ni Samara si Liza upang kunin ang kaniyang komento.Napangiti siya sa kabila ng pa
PAGKATAPOS maligo ni Midnight ay sumunod naman si Liza. Nanglalagkit na siya at gusto nang makuskos ng sabon ang katawan. Pagkatapos ay dinala niya sa luandry area ang mga hinubad nilang damit, kasama na ang kay Midnight. Pinaikot niya sa washing machine ang mga damit nito.Kaagad niya itong inanlawan, isinalang sa spinner nang mabilis matuyo. Kailangan iyong isuot ni Midnight kinabukasan. Inabot siya ng isang oras sa laundry. Sinadya pa siya roon ni Aniza.“Gabi na, naglalaba ka pa,” anito.“Uniform ko ito at damit ni Midnight,” aniya.Napasugod sa kaniya si Aniza at tinapik siya sa pang-upo. “Seryoso ka? Dito ba matutulog si Midnight?” manghang untag nito.“Oo. Mapilit si Samara, eh.”“OMG! As in, sa kuwarto n’yo siya matutulog?” Ang lakas pa ng boses nito.“Hoy! Hinaan mo nga ang boses mo,” saway niya sa pinsan.“Eh, kasi naman, insan. Ang hot ni Midnight. Patawarin mo na lang siya at huwag nang pahirapan.”Napabuga siya ng hangin. Kahit naman ipilit niya ang galit kay Midnight, sa
HINDI nakatiis si Liza. Bago pa siya makita ni Lola Lucy at makilala ay nakaisip na siya ng paraan. Nakiusap siya sa waiter na ito muna ang mag-assist sa matatandang costumer. Idinahilan niya na masakit ang kaniyang tiyan. Pumayag naman ito.Tumakbo siya sa banyo at doon muna tumambay. Hindi niya alam kung hanggang anong oras ang matatanda sa restaurant. Ang babagal pa namang kumain ng mga ito. Hinahanap na siya ni Rita, at talagang pinuntahan siya roon sa banyo at kinatok ang pinto.“Liza! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Ang daming costumer!”“Masakit po ang tiyan ko!” drama niya. Kunwari siyang dumaing.“Hay! Nag-almusal ka ba?” mamaya ay tanong nito.“Nagkape lang po ako.”“Anak ka talaga ng pating oo. Lumabas ka na riyan at pumuntang clinic. Humingi ka ng gamot doon.”“Sige po.”Nang makaalis si Rita ay saka lamang siya lumabas. Kailangan na talaga niyang makakain nang maayos. Nagtungo naman siya sa clinic at humingi ng gamot para sa sakit ng tiyan. Pero hindi niya ito iinumin. Pagk
PINUNTAHAN ni Liza sa kuwarto ang kaniyang mag-ama. Tahimik na si Samara at nagpapasuklay ng buhok sa daddy nito. Nakaupo ang mga ito sa kama. Nagtatawag na si Aniza upang kumain. “Anak, baba ka na roon at kakain na. Maghugas ka ng mga kamay,” sabi niya sa bata. “Opo, Mommy,” paos nitong sabi. Bumaba na ito ng kama at lumabas. Tumayo na rin si Midnight. Inaasahan ni Liza na magso-sorry ito pero nilagpasan lang siya. Hindi niya ito hinayaang balewalain siya. “Sandali,” pigil niya rito. Huminto naman ito ngunit hindi siya hinarap. “What?” untag nito sa matigas na tinig. Pumihit naman siya paharap dito. Talagang matigas ang pride nito. “Kapag kaharap mo si Samara, huwag kang bayolente. Hindi siya sanay na nasisigawan o may naririnig na nag-aaway. Madali siyang ma-offend,” aniya. “I had lost control.” Pumihit din ito paharap sa kaniya. “I hate how Richard ruining Samara’s mind.” “Alam ko, pero alam naman ni Richard ang limitasyon niya.” “No, he doesn’t. Ipinipilit niya kay Samara
LALONG pinag-initan ni Rita si Liza dahil sa sermong inabot nito kay Midnight. Naaawa rin naman dito si Liza pero sadyang may ugaling hindi kanais-nais ang babae. Pagkatapos ng lunch break ay pinatawag siya ni Midnight sa opisina nito. Dinala na rin niya ang order nitong orange juice. Wala siyang ideya kung ano ang pakay nito sa kaniya pero kabado siya. Nakaupo sa harap ng lamesa nito si Midnight nang datnan niya. May binabasa itong papeles. Maingat naman niyang inilapag sa lamesa ang tray kung saan nakapatong ang juice nito. Tumayo lang siya sa harapan nito at hinintay itong magsalita. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong nito pero sa papeles pa rin ang tingin. “A-Anong desisyon?” maang niya. Nag-angat ng mukha ang binata at diretso ang tingin sa kaniyang mga mata. “About marriage.” Natigagal siya, ilang sandaling umiikot lamang ang kaniyang diwa sa sinabi ni Midnight. Bumuntong-hininga siya upang maituon ang focus sa kausap. “Uh…. oo. Para kay Samara,” tugon niya. Tipid
NAKATULOG na lang si Samara ay hindi pa nakabalik si Midnight. Kumain na rin sila. Magla-lock na sana ng gate si Liza nang may humintong itim na kotse, kotse ni Midnight. Kaagad itong tumalilis ng sasakyan at nilapitan siya.“Liza, wait!” pigil nito.“Umuwi ka na lang. Tulog na si Samara,” maangil niyang sabi.“Wait, I’m sorry. I got a call from Mica, and she told me that Lola Lucy was in the hospital,” he explained.Medyo kumalma ang hinampo niya. “Sana sinabi mo para hindi na ako naghintay at umasa,” aniya sa malamig na tinig.“I didn’t mean it. I can’t ignore Lola Lucy.”“Sige na. Umuwi ka na.”“Liza, let me in, please,” samo nito.“Tulog na si Samara. Mag-set ka ng lang ng ibang araw para sa proposal mo, iyong walang aberya.”“I want to make it tomorrow when Samara wakes up.”Napangiwi siya. “Bukas? Ibig mo bang sabihin ay dito ka matutulog?” manghang untag niya.“Yes.”Bumuga siya ng hangin. Pinagbuksan na lamang niya ng gate si Midnight upang maipasok nito ang kotse.“Kumain ka
DALAWANG gabi na hindi nabisita ni Midnight si Samara. May inaasikaso ito sa ibang business at walang update kung kailan ang kasal nila. Umaasa si Liza na mamadaliin ni Midnight ang kasal, kaso nagkataong busy na ito. Sabado ng hapon ay mayroong business conference meeting at nakatoka si Liza sa pagkain ng mga bisita. Nagtataka siya bakit madalas na si Mica sa hotel. Daig pa nito ang boss kung magmando sa mga staff. Silang dalawa ni Lara ang naka-assign sa pag-asikaso ng pagkain ng bisita. “Umalis na ba si Ma’am Mica?” pabulong na tanong sa kaniya ni Lara. Naroon sila sa extension ng conference room na nagsisilhing kusina. Mas malapit doon kaya doon na nila dinala ang mga pagkain. “Hindi ko napansin. Bakit?” aniya. Gumagawa siya ng tuna sandwich. “Maarte kasi ‘yon. Ang dami niyang gustong ipabago sa routine natin sa restaurant.” “Bakit siya nakikialam?” Hindi niya gusto ang narinig ng impormasyon. “Siya na kasi ang hotel consultant. Actually, business consultant siya ni Sir Midn
HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis
NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I
PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa
NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c
NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis
BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n
“I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang
KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M
NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da