DALAWANG gabi na hindi nabisita ni Midnight si Samara. May inaasikaso ito sa ibang business at walang update kung kailan ang kasal nila. Umaasa si Liza na mamadaliin ni Midnight ang kasal, kaso nagkataong busy na ito. Sabado ng hapon ay mayroong business conference meeting at nakatoka si Liza sa pagkain ng mga bisita. Nagtataka siya bakit madalas na si Mica sa hotel. Daig pa nito ang boss kung magmando sa mga staff. Silang dalawa ni Lara ang naka-assign sa pag-asikaso ng pagkain ng bisita. “Umalis na ba si Ma’am Mica?” pabulong na tanong sa kaniya ni Lara. Naroon sila sa extension ng conference room na nagsisilhing kusina. Mas malapit doon kaya doon na nila dinala ang mga pagkain. “Hindi ko napansin. Bakit?” aniya. Gumagawa siya ng tuna sandwich. “Maarte kasi ‘yon. Ang dami niyang gustong ipabago sa routine natin sa restaurant.” “Bakit siya nakikialam?” Hindi niya gusto ang narinig ng impormasyon. “Siya na kasi ang hotel consultant. Actually, business consultant siya ni Sir Midn
“MIDNIGHT was gradually taking Samara from you, Liza,” sabi ni Richard nang ihatid ito ni Liza sa labas ng bahay. Niyaya niya itong maghapunan ngunit mariing tumanggi. “Hindi ‘yan mangyayari,” aniya. “Paano ka nakasisiguro? Magagawa ni Midnight lahat para makuha ang gusto niya.” “Hindi ako papayag. Mananatili sa puder ko si Samara.” “At sa palagay mo ba papayag si Midnight sa ganitong setup na padalaw-dalaw lang siya kay Samara?” Bumuntong-hininga siya. Hindi na siya apektado sa sinasabi ni Richard dahil close na ang deal nila ni Midnight. Ang kailangan na lang niya’y magkunwari. “Ako ang masusunod para sa anak ko,” matatag niyang sabi. “I hope hindi titiklop ang tuhod mo kay Midnight, Liza. Your experience with him before was a lesson. Sorry kung nakikialam ako pero hindi ko matiis. Nai-imagine ko kung paano ka tintrato noon ni Midnight. Dapat hindi mo makalimutan ‘yon.” Hindi na siya kumibo at hinintay na makaalis si Richard lulan ng kotse nito. Pagkuwan ay isinara niya ang
HINDI nakita ni Liza si Mica maghapon sa hotel nang Sabado. Ayon kay Lara, nahuli raw nitong nagtatalo sina Mica at Midnight noong Biyernes ng hapon sa lobby. At biglang nag-walk out si Mica, galit na galit kay Midnight. Ang akala pala ng ibang staff sa hotel ay girlfriend talaga ni Midnight si Mica. Pero may iilang alam kung ano ang totoo. Naglipana rin talaga ang mga marites sa hotel. Kaya hindi puwedeng padalus-dalos siya roon. Konting kibot lang, kakalat sa buong gusali ang balita. Kahit nga ang madalas pagsasabay nila ni Richard sa lunch, maging ang pag-uwi nila ay napapansin ng mga empleyado. At iginigiit ng kasama niya sa kitchen department na may relasyon sila ni Richard. Ang daming isyu pero wala siyang pinansin. Alam naman niya kung ano ang totoo. “May anak ka pala, Liza?” manghang sabi ni Lara nang magkasabay sila sa locker. Off duty na nila. “Oo, nag-limang taon lang last month,” aniya. “Ah, kaya pala nagkaproblema sa leave mo. Nagalit tuloy si Ma’am Mica at Rita dahi
NAKATULOG na si Samara nang bumalik si Midnight. Nakahiga na rin sa kama si Liza at nagpakaabala sa pagtipa sa cellphone. Pasimpleng sinipat niya si Midnight na naghuhubad ng coat. May dala itong bag na laman ang damit nitong baon.“I’ll take a shower,” sabi nito. Pumasok na ito ng banyo.Alas diyes na ng gabi. Dapat ay natutulog na siya dahil may pasok kinabukasan. Ang problema, nalipasan na siya ng antok kakahintay kay Midnight. Nag-post siya ng status sa social media. Mamaya’y nag-chat sa kaniya si Richard.Richard: Still awake?Hindi niya ito sinagot at natuon ang atensiyon niya kay Midnight na lumabas ng banyo, tanging tuwalya ang nakapulupot sa ibabang katawan nito. Umupo ito sa kabilang gilid ng kama.Dahil nakatutok siya kay Midnight, nawala sa loob niya ang cellphone na hawak. Nagbukas pala ng video call si Richard at nasagot niya. Kumislot siya nang bigla itong nagsalita.Napalingon sa kaniya si Midnight, hindi maipinta ang mukha.“Hey!” si Richard.“Uh…. sorry. Matutulog na
“WHY are you scared? I’m your husband in the first place,” wika ni Midnight sa malamyos na tinig.Nahimasmasan si Liza nang matanto na kasal na pala sila ni Midnight. Pero wala sa usapan nila na dapat din nilang gawin ang karaniwang gawain ng mag-asawa.“Uh…. hindi naman sa natatakot ako. Kasi hindi naman tayo ikinasal dahil sa love. So, para sa akin, hindi okay na sabay tayong maligo,” naiilang niyang sabi. Hindi pa rin niya kayang harapin si Midnight.Kumislot siya nang dumikit ang katawan nito sa kaniyang likod. Ramdam niya ang pagdaiti ng matigas nitong dibdib at ang pagsayad ng pagkal*laki nito sa kaniyang pang-upo. Dumampi rin ang mainit nitong mga kamay sa kaniyang balikat--dumausdos pababa sa kaniyang mga braso.Pakiramdam niya’y wari nagtataglay ng apoy ang mga palad nito na unti-unting tumutupok sa kaniyang wisyo. Hinawakan ni Midnight ang kanang kamay niya na may hawak sa sabon at inagaw ito sa kaniya.“You made this deal to marry me, and now, you have to accept the consequ
MGA personal na gamit lang ang hinakot ni Liza. Iniwan na niya kay Aniza ang kaniyang naipundar na appliences at ibang gamit. Uuwi pa rin naman sila roon. Nasorpresa si Liza na ang condominium na katabi ng hotel ni Midnight ay pag-aari pa rin nito. Dalawang condominuim ang malapit sa hotel, at inakala niya na iyong ten story lang ang pag-aari nito. Twelve story ang condominium na pinuntahan nila kung saan naglalagi si Midnight. May hiwalay na parking lot si Midnight na eksklusibo lamang dito. May personalize elevator din ito na automated ang security at hawak nito ang monitor. Kaya hindi na kailangan ng taong magbabantay roon. Hawak lahat ni Midnight ang access. Saka lang may darating na security personnel sakaling magtawag ito ng emergency. Nasa pinakatuktok ang puwesto in Midnight, ang buong rooftop. May five hundred square meters ang lawak ng rooftop, at meron itong Olympic pool, garden, function area. At ang bahay ni Midnight ay salamin ang palibot na may tatlong kuwarto. Mataas
DAGLING pinulot ni Liza ang kaniyang cellphone at na-off ito. Nabubuksan pa naman ito ngunit basag na ang screen. Nabasag din kasi ang tempered glass nito. “What happened?” curious na tanong ni Midnight. “Uh, nabagsak ang cellphone ko at nabasag,” aniya. Kinuha ni Midnight sa kamay niya ang cellphone at tiningnan. “It’s not safe to use. Palitan mo,” sabi nito. Ibinalik din nito sa kaniya ang cellphone. “Anyway, this is Aunt Patty. She will be Samara’s nanny,” pagkuwan ay pakilala nito sa kasama. Ngumiti naman siya sa ginang. “Hello po! Magandang gabi,” naiilang niyang bati sa tiyahin ni Midnight. “Magandang gabi rin sa ‘yo, iha. Ikinagagalak kitang makilala,” anang ginang. Nilapitan pa siya nito at niyakap. “Daddy, sino po siya?” tanong ni Samara sa tatay nito. “She’s you’re nanny and Lola Patty.” “Lola Patty?” “Yes. She will live here with us.” Nginitian ni Samara si Aleng Patty. “Hello po! My name is Samara Saavedra, five years old!” pakilala ni Samara. Hindi napigil ni L
HUWEBES ng umaga pagpasok ni Liza sa hotel, saka lang niya naalala ang huling conversation nila ni Richard sa cellphone. Napabili siya ng bagong cellphone at inilipat ang files niya roon.Ang aga-aga’y pinag-initan na naman siya ni Rita. Dahil tatlong araw siyang wala, inasa nito sa kaniya ang trabaho sa kitchen stock inventory, bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Nauubos kasi ang oras niya rito at nanghihina siya. Mas gusto niya iyong palakad-lakad at gumagalaw nang mabilis.Nasa stock room siya ng kusina nang biglang maligaw roon si Richard. “Welcome back, Liza!” bungad nito.As usual, naka-suit si Richard. Ito madalas ang suot nito na iba-ibang kulay. Napagkakamalan itong may-ari ng hotel dahil mas desente pa minsan kay Midnight. Sa tuwing pumupunta roon si Midnight, kadalasan itim na polo ang suot. Nagsusuot lang ito ng suit kung may paperwork sa main office o kaya’y may meeting.“Hello!” bati niya. Sinipat lang niya ito at itinuloy ang pagsusulat sa inventory sheet.“Why are you
HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis
NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I
PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa
NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c
NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis
BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n
“I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang
KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M
NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da