Share

Chapter 7

Author: Rhod Selda
last update Huling Na-update: 2023-03-31 14:46:39

HINDI inaasahan ni Liza na susundan siya ni Midnight sa kusina. Nagulat ang staff sa biglang pagpasok ng boss.

“Good morning, sir!” sabayang bati ng staff. Napahinto pa sa trabaho ang iba para lang batiin ang boss.

Kumislot si Liza nang sikuhin siya ni Lara, isa sa line cook nila. “Bumati ka kay Sir. Siya ang big boss natin,” bulong nito sa kaniya.

Humarap naman siya kay Midnight na noo’y nakatayo lang sa pintuan. “Good morning po!” bati niya.

Napako sa kaniya ang tingin ni Midnight. Alam niya na hindi siya nito kakausapin sa harap ng maraming tao.

“May napansin lang akong bagong mukha. Can I talk to her?” sabi ni Midnight.

“Tatlo po silang bago, sir. Dalawang babae. Sino po sa kanila ang gusto n’yong makausap?” ani Lara.

“Her.” Itinuro ni Midnight si Liza.

Napalunok siya nang gupuin siya ng kaba. May impact pa rin sa kaniya ang baritonong boses ni Midnight, na madalas magpangatog sa mga tuhod niya noon.

“Ikaw pala, Liza. Sumama ka kay Boss,” udyok sa kaniya ni Lara.

Kumilos naman siya at sumunod kay Midnight. Sa may pasilyo lang naman siya nito kinausap papuntang locker room. Walang tao roon dahil exclusive lang para sa mga empleyado.

“Who hired you?” kaagad ay tanong ni Midnight sa kaniya. Huminto ito saka pumihit paharap sa kaniya.

Huminto rin siya may isang dipa ang layo rito. “Nag-aaply ako at tinanggap ako ni Sir Richard,” kaswal niyang turan.

“Why here?” usisa nito.

“Uh…. ito lang kasi ang may hiring na malapit sa bahay ko.”

“May bahay ka rito sa Makati?” Mariing kumunot ang noo nito.

“Oo.”

“You can find another job, not here,” matigas nitong sabi.

Nawindang siya. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. “Nandito ako para magtrabaho. Wala akong intensiyong manggulo,” aniya.

“I don’t care! Just leave. I’ll talk to Richard tomorrow for your urgent replacement,” sabi nito saka siya iniwan.

Wari may kumukurot sa puso ni Liza. Hindi na dapat siya apektado pero bakit ganoon? Masakit pa rin ang pagbabalewala sa kaniya ni Midnight. Tinapangan niya ang kaniyang anyo at bumalik sa trabaho. Hindi siya magpapasindak kay Midnight.

“Ano ang sabi sa ‘yo ni Boss?” tanong sa kaniya ni Lara pagbalik niya ng kusina.

Inaayos niya ang mga bagong lutong pagkain at inilagay sa serving tray. “Tinanong lang niya ako kung sino ang nag-hire sa akin dito,” aniya.

“Talaga? Sana all tinatanong. Mukhang type ka ni Boss. Ayiie!” kinilig pang sabi ni Lara.

Hindi niya magawang ngumiti. “Imposible ‘yan. Mukhang masungit si Boss,” aniya.

“Nako! Sungit mo lang? Kapag narito nga iyon, nginig kaming lahat sa kaba. Mabuti hindi siya nagtatagal dito. Marami kasi siyang business.”

Hindi na siya nagkomento. Inabot niya sa naghihintay na waiter ang nakahandang order ng costumer.

ALAS singko ng hapon ang off ni Liza sa trabaho. Pero mag-a-alas sais na siya nakalabas ng hotel. Nakasabay niya sa lobby si Richard na nag-log out. Wala ito noong umaga sa hotel dahil may dinaluhan umano itong meeting.

“May service ka ba, Liza?” tanong ni Richard nang makalabas na sila ng hotel.

“Wala. Sasakay lang ako ng jeep,” aniya.

“You can ride with me.”

“Nako, salamat pero may bibilhin pa kasi ako sa botika, vitamins ng anak ko.”

“No problem. Dadaan tayo sa botika.”

Hindi na siya nakatanggi.

“Ilang taon na pala kayong nakatira rito sa Makati?” tanong ni Richard nang lulan na sila ng kotse nito.

“Kalilipat lang namin. Sa Batanggas kami rati nakatira,” aniya.

“So, umuwi ka sa probinsiya noong nag-divorce kayo ni Midnight?”

Tumango siya. “Palipat-lipat ako ng lugar. Sa loob ng limang taon, ang daming nangyari,” amuse niyang kuwento.

“Imagine that? Five years na pala ang nakalipas,” nakangising wika ni Richard. “Pero bakit hindi mo sinabi kay Midnight ang tungkol sa anak niya?”

Bumuga siya ng hangin. “Wala rin namang silbi kung sasabihin ko sa kaniya. Baka hindi rin niya ako panagutan at kukunin lang niya ang anak ko.”

“Kung sa bagay. Hindi ko alam ang nangyari sa inyo pero sa palagay ko ay wala kang kasalanan. Kaya hindi kita masisi kung itinago mo ang anak mo kay Midnight. I’m sure, hindi rin siya mabuting ama.” Bumungisngis si Richard.

Noon pa ma’y ramdam niya na hindi okay ang relasyon ni Richard kay Midnight. Ayaw na niyang magbahagi pa ng kuwento. Kung maraming makaaalam, mas risky. Iyon ang natutunan niya habang nagma-mature ang kaniyang isip. Hindi lahat ng taong sinasabihan ng problema ay nakikisimpatiya, ang iba, nakikinig lang para may maitsismis.

Namili na rin siya ng gatas at snacks ni Samara. Mahilig kasi ito sa biscuit at chocolate. Pero nilimitahan na niya ito sa pagkain ng chocolate dahil namamaga ang tonsils.

Pagdating ng bahay ay pinapasok muna niya si Richard. Inabot na ito ng alas otso kaya naisip niyang imbitahin itong maghapunan. Nagulat siya nang salubungin sila ni Samara, wala pang suot na tsinelas.

“Daddy!” tili nito. Walang anu-ano’y sinugod nito si Richard at yumakap sa mga tuhod nito.

“Hey, little girl!” gulat ding sabi ni Richard. Hinipo ito sa ulo ang bata.

“Ikaw na ba ang daddy ko po?” excited na tanong ni Samara kay Richard.

Napangiwi si Liza. Mamaya rin ay may munting kirot sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na sabik sa ama. Inusig na naman siya ng kaniyang konsensiya.

Umuklo si Richard sa harapan ni Samara. “Sorry, I’m not your daddy,” anito.

Awtomatikong napalis ang ngiti sa mukha ni Samara. Umatras ito nang isang hakbang. “Eh, sino ka po?” nakasimangot nitong tanong.

“I’m Richard. Kaibigan ako ng mommy mo.”

“Hm! Akala ko si Daddy,” may hinampong wika ni Samara. Humalukipkip ito at matalim ang titig sa bisita.

“Gusto mo bang makita ang daddy mo?” si Richard.

“Opo! Alam mo po ba kung nasaan ang daddy ko?” Sumigla ulit ang mukha ni Samara.

Napasulyap si Richard kay Liza. Sumenyas siya na huwag nitong sabihin kung nasaan ang tatay ni Samara.

“Uh, hindi, eh,” pagkuwan ay tugon nito sa tanong ni Samara.

Humaba na naman ang nguso ni Samara. “Ayy. Kala ko alam mo, eh.”

“Ayaw mo ba ng ibang daddy?” mamaya ay tanong ni Richard.

“Paano po ‘yong ibang daddy?” inosenteng tanong ni Samara.

“I mean, kung sakaling mag-asawa ulit ang mommy mo, magkakaroon ka ng bagong daddy.”

“Magiging dalawa na ang daddy ko po?” Nanlaki ang mga mata ni Samara.

“Oo, pero isa lang ang makakasama mong daddy.”

Hindi na gusto ni Liza ang usapan ng dalawa. Nilapitan na niya ang anak. “Tama nang daldal, anak. Papasukin muna natin si Tito Richard,” apela niya.

“Okay.” Humawak sa kanang kamay niya si Samara at sabay na naglakad sa kaniya.

Nakabuntot lang sa kanila si Richard.

Pinaupo na niya sa harap ng lamesa si Samara katabi si Richard. Dumaldal na naman ito. Tinulungan naman niya sa kusina si Aniza.

“Sino naman ‘yong poging kasama mo?” usisa ni Aniza.

“Manager ng hotel,” aniya. Nagsalin na siya ng kanin sa rice bowl na malaki.

“Naks! May pahatid kaagad? In fairness, ang guwapo, insan!” Kinilig pa ito. Panay ang silip nito sa hapag.

Alam ni Aniza ang buong kuwento ng buhay niya, maging ang karanasan niya kay Midnight. Alam din nito ang mga plano niya.

“Pinsan siya ni Midnight,” aniya.

“Ano?” gilalas na untag ni Aniza. “Pero alam niya na ikinasal kayo dati ni Midnight?”

“Oo. Alam na rin niya na may anak kami ni Midnight.”

“Hala! Baka sabihin niya kay Midnight ang tungkol kay Samara.”

“Hindi ‘yan. Hindi close ni Midnight si Richard.”

“Mukhang mabait naman si Richard. Binata pa ba siya?”

Natawa lang siya sa tanong ni Aniza. “Binata pa naman ata,” aniya.

“Ay, bongga! Baka siya ang forever mo. Kung ayaw mo naman, ibalato mo na sa akin.”

“Baliw!” Iiling-iling na iniwan niya si Aniza. Dinala na niya sa hapag ang mga pagkain.

Nagkukuwento na si Samara kay Richard tungkol sa naging karanasan nito sa laro. Mabilis talaga itong mapalapit sa ibang tao, lalo na sa lalaki na nai-imagine nito na tatay nito. Mabuti na lang hindi mainipin si Richard. Matiyaga itong makipag-usap sa anak niya.

“Saan ba nagmana ng kadaldalan itong anak mo, Liza? Tahimik naman ang tatay nito. Hindi ka rin naman madaldal,” mamaya ay tanong ni Richard.

Kumakain na sila kasama si Aniza. “Nagmana ‘yan sa lola niya. Madaldal kasi ‘yong nanay ni Liza,” ani Aniza.

“Ah, mana rin sa isang lola na m*****a,” amuse na sabi ni Richard.

Naalala bigla ni Liza si Lola Lucy. Natawa na lamang siya.

“Sino po ang lola ko?” mamaya ay tanong ni Samara.

“Wala na ‘yong lola mo, Samara. At mabuti pa ay kumain ka nang mabilis kang lalaki,” ani Aniza. Nilagyan nito ng carrot ang plato ni Samara.

“Kakain ako ng maraming gulay para maging big girl ako!” sabi naman ng bata.

“Yas! At iwasan mo ang kadaldalan. Matutuyo lalamunan mo,” si Aniza.

Tuwang-tuwa si Richard kay Samara. Sinusubuan nito ng gulay ang anak niya.

Kinabukasan pagpasok ni Liza sa restaurant ay kaagad siyang pinatawag sa opisina ng manager. Wala naman siyang naisip na problema kay Richard. Masaya naman itong umalis sa bahay niya noong gabi.

Nang papasok na siya sa opisina ni Richard ay naalala niya si Midnight. Kumabog ang dibdib niya sa isiping nakausap na nito si Richard upang tanggalin siya sa trabaho.

Pagpasok niya ng opisina ay naroon nga si Midnight at kausap ni Richard. Magkaharap ang mga ito na nakaupo at tanging lamesa ang pagitan. Madilim ang aura ni Midnight, lalo’t itim na suit ang suot nito.

“Bakit ba ayaw mong magtrabaho rito si Liza? Divorce na kayo five years ago. Ano pa ba ang problema?” kastigo ni Richard kay Midnight.

Umupo si Liza sa couch malapit sa lamesa ni Richard. Awtomatikong sinipat siya ni Midnight. Masama ang titig nito sa kaniya.

“I don’t want to see her in my company,” matigas na sabi ni Midnight.

Tumawa nang pagak si Richard. “Ano ba ang kasalanan ni Liza sa ‘yo? Ninakawan ka ba niya noon?”

Tumayo na si Midnight. “Replace her right away, no questions ask,” anito. Aalis na sana ito.

“Sigurado ka ba na ayaw mo na ng kahit anong koneksiyon kay Liza?” usig dito ni Richard.

Inalipin na ng kaba si Liza.

Marahas na humarap si Midnight kay Richard. “Bakit ba nakikialam ka sa desisyon ko? Ako ang boss, at may karapatan akong mamili ng empleyado!” Nagtaas na ito ng tinig.

“Paano kung ayaw kong tanggalin si Liza? Will you fire me, too?” matapang na buwelta ni Richard.

Umigting ang panga ni Midnight sa gigil. Itinukod nito ang mga kamay sa mesa ni Richard.“Don’t be entitled, Richard. Anytime, I can fire anyone from my company, even you!”

Taas-noo pa ring hinarap ni Richard si Midnight. “Kung paaalisin mo si Liza, malalaman ng mga tao kung gaano ka kalupit sa babae. At isa kang iresponsableng ama na itinakwil ang asawa kasama ang anak,” may diing sabi ni Richard.

Napatayo na si Liza. “Richard!” awat niya sa lalaki.

Bakas sa mukha ni Midnight ang pagkagulat. “What are you talking about?” naguguluhang tanong nito kay Richard.

Tumayo na rin si Richard. “For your information, Liza needs a job to support her five-year-old daughter. She’s a single parent, and I want to help her, so I hired her without any doubt,” anito.

Marahas na lumipad ang tingin ni Midnight kay Liza. Animo nakakita ito ng multo, napapamulagat sa pagkawindang.

Namayani na ang kaba sa puso ni Liza. Hindi na niya napigilang ibunyag ni Richard ang sikreto niya. Sinira nito ang plano niya. Dapat ay patatagalin pa niya bago sabihin kay Midnight na may anak sila. Ayaw pang tumigil ni Richard at gustong ipamukha kay Midnight ang pagkukulang nito.

“Five years kayong hiwalay ni Liza, ‘di ba? Meaning, buntis siya noong umalis sa puder mo. And I saw her daughter already. Hindi na ako nagduda dahil kamukha mo siya noong bata ka,” patuloy ni Richard.

Hindi na naalis ang titig ni Midnight kay Liza. Inuusig siya ng tingin nito. Hindi na siya mapakali at nagpasyang umalis na lamang.

Mga Comments (23)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
ano kaya ang marandaman ni midnight na mnalaman na nagkalanak cla ni Liza excited naku mabasa ang next chapter
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
ano kaya reaction ni midnight tnx author sa magandang update
goodnovel comment avatar
Arlyn Matuguina Cabesas
please pa unlock po Ang ganda NG story ............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 8

    NAKAILANG hakbang pa lamang si Liza mula sa opisina ni Richard ay narinig na niya ang boses ni Midnight. “Liza!” muli ay tawag nito na tuluyang nagpatigil sa kaniya. Nang pumihit siya paharap dito ay nagulat siya nang hawakan siya nito sa kanang braso. Napasunod siya rito nang isama siya nito sa CEO’s office. Hindi na siya nakapalag dahil ini-lock nito ang pinto. “Tell me that Richard was lying,” balisang sabi nito. Bumuntong-hininga siya. Nilakasan na niya ang loob at sinimulan ang plano, tutal ay nagkabistuhan na sila. “Nagsasabi siya ng totoo,” aniya. “Buntis ka noong umalis sa bahay ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Huh!” nanlilisik ang mga matang asik nito. “Para ano pa? Pinagtabuyan mo na ako. At saka wala ka rin namang pakialam,” matapang na buwelta niya. “Maybe you’re lying. Kailangan mo ba ng pera? Nasaan na ang sampung milyong binigay ko sa ‘yo?” Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Gusto niya itong sampalin ngunit nakapagpigil siya. Tumapang siya dahil sa inas

    Huling Na-update : 2023-03-31
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 9

    PAGDATING sa bahay ni Liza ay hindi na nila naabutang gising si Samara.“Katutulog lang niya, eh. Alam mo naman, sanay matulog nang maaga ang bata,” sabi ni Aniza. Sinalubong sila nito sa gate.Hinarap naman niya si Midnight na kabababa ng kotse nito. “Tulog na si Samara,” sabi niya.“Still, I want to see her,” anito.Nagtitigan pa sila ni Aniza. “Payagan mo na, insan. Basta huwag lang kayong maingay kasi mabilis magising si Samara. Nagwawala pa naman ‘yon kapag alanganin ang tulog,” ani Aniza.Pinayagan na niyang makapasok si Midnight. Dumiretso sila sa kaniyang kuwarto kung saan natutulog ang anak niya. Mabuti hindi magulo ang kuwarto. Pagpasok pa lamang nila ay kaagad nilapitan ni Midnight si Samara. Tuwid ang higa ng bata sa kama habang yakap ang malaking teddy bear nito.Pinagmamasdan lang ni Liza si Midnight na tila natatakot hawakan si Samara. Titig na titig ito sa mukha ng kaniyang anak. Maaring pinakikiramdaman nito ang sarili kung may pitik sa puso nito ang lukso ng dugo. Mam

    Huling Na-update : 2023-04-01
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 10

    “SAMARA!” tawag ni Liza sa anak. Inatake na siya ng kaba nang hindi ito makita sa loob ng bahay.Lumabas na siya. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang kaniyang anak na naroon sa gate, kaharap si Midnight! Wari may naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib nang mapansing hawak ni Midnight ang kamay ni Samara. Naaantig ang kaniyang puso, naghuhumiyaw sa tuwa nang masilayan sa wakas na nagkita ang kaniyang mag-ama.Nilapitan niya ang mga ito. Awtomatikong nabaling sa kaniya ang tingin ni Midnight.“Can you please open the gate?” samo nito sa kaniya.Binuksan naman niya ang maliit na gate. Kaagad na pumasok si Midnight at walang abog na niyakap nang mahigpit si Samara.“Ouch! Naiipit ako!” angal ng bata.“Oh, sorry.” Kaagad itong pinakawalan ni Midnight pero ayaw nang bitawan ang mga kamay. Lumuhod ito sa sahig. “Baby, you’re right. I’m your daddy,” kausap nito sa bata.“Daddy? Totoo?” Tiningala ni Samara si Liza upang kunin ang kaniyang komento.Napangiti siya sa kabila ng pa

    Huling Na-update : 2023-04-02
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 11

    PAGKATAPOS maligo ni Midnight ay sumunod naman si Liza. Nanglalagkit na siya at gusto nang makuskos ng sabon ang katawan. Pagkatapos ay dinala niya sa luandry area ang mga hinubad nilang damit, kasama na ang kay Midnight. Pinaikot niya sa washing machine ang mga damit nito.Kaagad niya itong inanlawan, isinalang sa spinner nang mabilis matuyo. Kailangan iyong isuot ni Midnight kinabukasan. Inabot siya ng isang oras sa laundry. Sinadya pa siya roon ni Aniza.“Gabi na, naglalaba ka pa,” anito.“Uniform ko ito at damit ni Midnight,” aniya.Napasugod sa kaniya si Aniza at tinapik siya sa pang-upo. “Seryoso ka? Dito ba matutulog si Midnight?” manghang untag nito.“Oo. Mapilit si Samara, eh.”“OMG! As in, sa kuwarto n’yo siya matutulog?” Ang lakas pa ng boses nito.“Hoy! Hinaan mo nga ang boses mo,” saway niya sa pinsan.“Eh, kasi naman, insan. Ang hot ni Midnight. Patawarin mo na lang siya at huwag nang pahirapan.”Napabuga siya ng hangin. Kahit naman ipilit niya ang galit kay Midnight, sa

    Huling Na-update : 2023-04-03
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 12

    HINDI nakatiis si Liza. Bago pa siya makita ni Lola Lucy at makilala ay nakaisip na siya ng paraan. Nakiusap siya sa waiter na ito muna ang mag-assist sa matatandang costumer. Idinahilan niya na masakit ang kaniyang tiyan. Pumayag naman ito.Tumakbo siya sa banyo at doon muna tumambay. Hindi niya alam kung hanggang anong oras ang matatanda sa restaurant. Ang babagal pa namang kumain ng mga ito. Hinahanap na siya ni Rita, at talagang pinuntahan siya roon sa banyo at kinatok ang pinto.“Liza! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Ang daming costumer!”“Masakit po ang tiyan ko!” drama niya. Kunwari siyang dumaing.“Hay! Nag-almusal ka ba?” mamaya ay tanong nito.“Nagkape lang po ako.”“Anak ka talaga ng pating oo. Lumabas ka na riyan at pumuntang clinic. Humingi ka ng gamot doon.”“Sige po.”Nang makaalis si Rita ay saka lamang siya lumabas. Kailangan na talaga niyang makakain nang maayos. Nagtungo naman siya sa clinic at humingi ng gamot para sa sakit ng tiyan. Pero hindi niya ito iinumin. Pagk

    Huling Na-update : 2023-04-03
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 13

    PINUNTAHAN ni Liza sa kuwarto ang kaniyang mag-ama. Tahimik na si Samara at nagpapasuklay ng buhok sa daddy nito. Nakaupo ang mga ito sa kama. Nagtatawag na si Aniza upang kumain. “Anak, baba ka na roon at kakain na. Maghugas ka ng mga kamay,” sabi niya sa bata. “Opo, Mommy,” paos nitong sabi. Bumaba na ito ng kama at lumabas. Tumayo na rin si Midnight. Inaasahan ni Liza na magso-sorry ito pero nilagpasan lang siya. Hindi niya ito hinayaang balewalain siya. “Sandali,” pigil niya rito. Huminto naman ito ngunit hindi siya hinarap. “What?” untag nito sa matigas na tinig. Pumihit naman siya paharap dito. Talagang matigas ang pride nito. “Kapag kaharap mo si Samara, huwag kang bayolente. Hindi siya sanay na nasisigawan o may naririnig na nag-aaway. Madali siyang ma-offend,” aniya. “I had lost control.” Pumihit din ito paharap sa kaniya. “I hate how Richard ruining Samara’s mind.” “Alam ko, pero alam naman ni Richard ang limitasyon niya.” “No, he doesn’t. Ipinipilit niya kay Samara

    Huling Na-update : 2023-04-04
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 14

    LALONG pinag-initan ni Rita si Liza dahil sa sermong inabot nito kay Midnight. Naaawa rin naman dito si Liza pero sadyang may ugaling hindi kanais-nais ang babae. Pagkatapos ng lunch break ay pinatawag siya ni Midnight sa opisina nito. Dinala na rin niya ang order nitong orange juice. Wala siyang ideya kung ano ang pakay nito sa kaniya pero kabado siya. Nakaupo sa harap ng lamesa nito si Midnight nang datnan niya. May binabasa itong papeles. Maingat naman niyang inilapag sa lamesa ang tray kung saan nakapatong ang juice nito. Tumayo lang siya sa harapan nito at hinintay itong magsalita. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong nito pero sa papeles pa rin ang tingin. “A-Anong desisyon?” maang niya. Nag-angat ng mukha ang binata at diretso ang tingin sa kaniyang mga mata. “About marriage.” Natigagal siya, ilang sandaling umiikot lamang ang kaniyang diwa sa sinabi ni Midnight. Bumuntong-hininga siya upang maituon ang focus sa kausap. “Uh…. oo. Para kay Samara,” tugon niya. Tipid

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 15

    NAKATULOG na lang si Samara ay hindi pa nakabalik si Midnight. Kumain na rin sila. Magla-lock na sana ng gate si Liza nang may humintong itim na kotse, kotse ni Midnight. Kaagad itong tumalilis ng sasakyan at nilapitan siya.“Liza, wait!” pigil nito.“Umuwi ka na lang. Tulog na si Samara,” maangil niyang sabi.“Wait, I’m sorry. I got a call from Mica, and she told me that Lola Lucy was in the hospital,” he explained.Medyo kumalma ang hinampo niya. “Sana sinabi mo para hindi na ako naghintay at umasa,” aniya sa malamig na tinig.“I didn’t mean it. I can’t ignore Lola Lucy.”“Sige na. Umuwi ka na.”“Liza, let me in, please,” samo nito.“Tulog na si Samara. Mag-set ka ng lang ng ibang araw para sa proposal mo, iyong walang aberya.”“I want to make it tomorrow when Samara wakes up.”Napangiwi siya. “Bukas? Ibig mo bang sabihin ay dito ka matutulog?” manghang untag niya.“Yes.”Bumuga siya ng hangin. Pinagbuksan na lamang niya ng gate si Midnight upang maipasok nito ang kotse.“Kumain ka

    Huling Na-update : 2023-04-06

Pinakabagong kabanata

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 68

    HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 67

    NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 66

    PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 65

    NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 64

    NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 63

    BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 62

    “I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 61

    KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 60

    NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da

DMCA.com Protection Status