Noah's Pov: "Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad. Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas. Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya. "Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya. She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing. She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya. Tss! mas gwapo ako d'yan! I was about to walk away nang makaisip ng paraan para mapansin niya ako. Mabilis akong naglakad papunta sa likod niya. Patay malisya kong inapakan ang nakalaylay niyang gown na ikinalingon niya bigla. Damn! Did i hear a ripping sound? Lagot na! ang balak ko lang ay apakan ang gown niya para mapansin niya ako. Pero hindi ko gustong mapunit iyon. "Oh my God! What did you do?" halos mamutla ako sa tanong niya. Oh, great! You really did a great job! You've got her attention: now what? Akala ko ay hahampasin ako nito ngunit bigla na lang itong naupo sa harap ko at tahimik na umiyak.
View MoreAla-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka
Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang
Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la
Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin
Napagpasyahan ko ng bumaba upang makapagmuni-muni sa labas. Tuwang-tuwa ako sa aking mga nakikita, nakakakalmang tingnan ang azul na dagat. At ang sarap ng simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat. Nagtugo ako sa gilid ng swimming pool at umupo doon. Tila kay sarap ng tubig, sinubukan kong abutin ang tubig nito."Bilisan mo, ang bagal-bagal mo!" narinig kong salita na tila papalapit sa akin."Ito na nga-""Ayyyyyyyy!" malakas kong sigaw ng madali ang aking likod ng isang tao na nagdulot sa aking pagkahulog sa tubig.Hayop ka! humanda ka lulunurin kita kung sino ka mang pontio pilato ka! Gigil kong sambit sa aking sarili."Naku, Miss! pasensya na, hindi kita napansin. Patalikod ko kasing binubuhat yung lamesa," paliwanag nito sa akin.Nakasimangot ako ng tumunghay sa kanya pero nawala ang aking galit ng makita ang kanyang mukha. Balak ko din sanang higitin siya kapag inabot niya ang kamay ko. Para parehas na din kaming mabasa kung hindi ko lang talaga siya nakilala.Nakasuot ito ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments