Home / Romance / YOUNG AGAIN / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Jey Kim
last update Last Updated: 2023-06-13 19:05:40

Isang gabing madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang umiilaw sa berdeng kapaligiran. Madamo at masa-masa ang lupa dulot na din ng pag-uulan. Napuputikan na rin ang kanyang suot na sapatos nang kanya'y ito'y lingonin.

Unti-unti na rin na bumubuhos ang malakas na ulan, takbo at lakad ang ginagawang pag-hakbang ni Karina sa mausok at maulan na kadiliman. Nilalamig na rin ang dalaga at hindi niya alam kung saan paparoon at kung anong naghihintay sa kanyang paroroonan.

Kinakabahan man ang dalaga at natatakot, ipinagpatuloy niya ang kayang paglalakad. Hinaplos niya ang kan'yang braso ulang sa kahit papaano ay maibsan ang kan'yang nararamdamang ginaw. Nais na niyang makahanap ng masisilungan man lamang.

"Halika, pumarito ka sa akin." Bulong sa kanyang tainga. Nagtatakang umikot siya at hinanap kung nasaan ang bumulong sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at hinanap kung saan ba talaga nanggaling ang boses na bumulong sa kanya.

Takot at pinaghalong kaba ang kanyang naramdaman nang walang makita ni kahit isang tao ang nagsalita sa kanyang paligid. Taimtim siyang pumikit nang matagal at napahawak sa kanyang dibdib. "Naku po, 'wag ho kayong ganyan, matagal na akong takot!" sa takot ay napamuwestra ng tanda ng krus si Karina habang naglalakad. Tahimik niyang dinadasal ng pabulong habang siya ay naglalakad.

Nang makakita ng isang kubong masisilungan ay nagpasya siya na magpatila muna, butas-butas ito at mukang masisira na kapag lumakas pa lalo ang ulan. "Sana'y tumila na ang ulan upang makahanap na ako ng aking mapapaghingahan. Pagod na rin ang aking mga paa kakalakad." reklamo sa sarili ng dalaga.

Nang tumila ang ulan ay nagsimula na ulit ang dalagang si Karina na maglakad. Ayaw niyang doon manatili sapagkat sa pakiramdam niya ay hindi iyon magandang panatilihan. Kailangan niya parin makahanao ng lugar na alam niyang hindi siya mapapahamak.

Sa kalalakad ay napansin niya ang isang malaking arko, nagpatoy siya sa paglalakad at sinubukang maghanap ng matinong mapagsisilungan at mapapagpapahingahan.

Sa kalalakad niya ay narating niya ang isang malaking itim na bakal na tarangkahan. Sa kanyang kuryosidad ay walang atubling binuksan niya ang tarangkahang iyon at tuluyang pumasok sa loob.

Isang napakagandang hardin ang sa kanya'y bumungad, dulot ng katatapos lamang na ulan at sa liwanag ng buwan, ang mga bulaklak at dahon ay mga nagkikislapan. Kahit gabi na ay kaaya-aya pa rin sa kan'yang paningin ang hardin.

"Anong lugar ito at tila ako'y nasa paraiso?" manghang tanong ni Karina sa sarili. Maingat niyang hinaplos ang mga halaman at pumitas siya ng isang bulaklak.

Sa pagtingin-tingin sa paligid ay isang kuwadradong sabunang batong daan ang kanyang napansin. Sinundan niya ang pagkakasunod-sunod nito.

"Napakagandang mga sabunang bato ng talko." manghang sambit ni Karina sa sarili. "Saan kaya ito patungo?"

Dinala siya ng mga bato patungo sa tagong malaking mansyon, isang luma ngunit mababakas mo ang katanyagan ng mansyon. Lumapit siya sa pinto at kumatok.

"Tao po?" tatlong beses niyang bigkas. Nang walang sumagot ay kusa niyang pinihit ang seradura. Tumambad sa kanya ang isang malaking sala, pula ang dingding at mga muwebles na gawa sa ginto ang kulay. Masasabing luma na ang mga kagamitan ngunit sumisigaw naman ito sa karangyaan.

Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng mansyon. Tila siya ay nasa panahon ng espanyol. Napagtantong ang may-ari ay mukhang mahilig magbasa kung kaya naman ang buong sala ay halos mapuno ng maraming aklat.

Napatingin si Karina sa isang malaking larawan ng isang babae. Bagaman luma na ang larawan, makikita parin ang taglay nitong kagandahan. Tila ito'y nangungusap at inaanyayahan siyang pumasok sa loob.

"Maligayang pagdating, kanina pa kita hinihintay." Muli niya na namang narinig. Ngunit wala siyang mahanap kung kanino o sino ang nagsalita.

Nang iikot niya ang kan'yang sarili, napako ang kan'yang paningin sa malaking larawan ng isang meztisong binata, na pormal na pormal sa suot nitong amerikana. Ang amo ng mukha nito at tila kay sarap pagmasdan ang mapupungay nitong mga mata. May matangos na ilong at mapupulang labi. Tila nakakatunaw ito kung makatingin. Waring inaarok ang kan'yang damdamin at tila may paro-parong nagliliparan sa kan'yang sikmura.

"Ikaw naman! Ba't ganyan ka naman makatingin!" Sambit niya sa larawan. "Marupok ako! Huwag mo 'kong tingnan ng ganyan!" Sabay takip ng kan'yang mga mata at nagmuwestra na animo'y kinikilig.

"Sabe ng 'wag mo 'kong tingnan ng ganyan e!" Sabay padyak pa ng kan'yang paa na animo'y nilagyan ng asin ang katawan at kikibot-kibot sa kilig.

"Ahahaha" Napatawa siya ng bigla ngunit nakaramdam ng pagkahiya ng mapagtantong nasa ibang bahay nga pala siya. Tinampal niya ang sariling bibig at tumayo ng ayos at maka-ilang beses inayos ang lalamunan.

Litrato lamang iyon, ngunit napakalakas ng dating. Tila nakalimutan niya na si Harvey nang iyo'y masilayan. Naisip niya na kung iyon ang magiging kasintahan niya ay siya na siguro ang pinakaswerte na babae sa buong mundo.

Tila naman pinamulahan siya ng mukha ng maisip iyon.

Nang inilipat niya ang paningin sa isa pa nitong larawan ay tila lalo siyang kinilig.

"Ay! ang mga mata ko!" Kinikilig niyang anas ng mapansin ang hubad baro nitong litrato. Tanging pantalon lamang ang suot nito.

"Saan ka naman rarampa? Grabe namang katawan 'yan! Ang macho! Diyos ko! Inaakit mo ba ako?" Kinikilig niya paring sambit.

Binilang niya ng paisa-isa ang pandesal nito sa tiyan.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... ay, anim! Wagi!" Sabay palakpak niya pa. Naging bading na ata siya sa pinaggaga-gawa niya.

Sinubukan niyang magtingin-tingin sa loob upang malaman kung may tao bang nakatira sa kanyang pinasok. At kung naroon ang lalakeng nasa larawan.

"Gagapangin kita! charot!" Sabay tawa niya ulit.

Mariing sinaway niya ang sarili ng mapagtantong tila nagkaroon siya ng pagkagusto sa lalake kahit sa litrato niya pa lamang itong nakikita.

Otimatikong siya'y napatingala sa taas. At waring siya'y pinapaakyat nang kung sino man. Wala sa loob na umakyat si Karina sa batong hagdanan at tinungo ang pang-anim na silid na may nakasulat sa pinto na "volver al pasado."

Nang makapasok ay napako ang kanyang paningin sa duguang sahig patungo sa tokador na may nakasabit na lumang kwintas na susi. Wari siyang hinihipnotismo nito na para bang nagsasabing "suotin mo ako, ako'y saiyo."

Humakbang palapit sa tokador si Karina at wala sa loob na dinampot at isinuot sa leeg ang kwintas na susi.

Nakaramdam na tila ba ay may dalawang pares ng mata ang sa kanya'y nagmamasid, kaya naman otomatikong napalingon si Karina sa kaliwa sa may bintana. Ngunit tanging kurtinang tila isinasayaw ng malakas na hangin lamang ang kanyang nakita.

Dahan-dahang umupo si Karina sa kama habang pinagmamasdan ang lumang kwintas na susi. "Saan kita magagamit? Anong hiwaga ang iyong dala?" tanong sa sarili ni Karina.

Isinuot niya ang kwintas at itinago sa ilalim ng kan'yang blusa. Nakaramdam ng pagod si Karina ng mapasulyap sa kamang nasa harapan.

Tila napakalambot ng kamang iyon at tila kay sarap humiga. Dahil sa wala naman tao ay nagpasya siyang umupo sa kama at maya-maya pa ay humiga. Sa ilang sandali ay napapikit na ang dalaga at mahimbing na nakatulog.

"Karina ! pssst, Iha ! gumising ka!" Gising sa kanya ni Mang Lando, ang supulturero ng sementeryo. "Tila na ang ulan, ika'y makakauwi na!"

"Salamat ho sa pagising, Mang Lando. Uuwi na po ako." papungas-pungas na nagmamadaling bumangon at nagligpit si Karina.

"Siya nga pala ! Masama ang matulog sa ganitong lugar, baka ikaw ay mapaglaruan." matalinhagang wika ni Mang Lando habang papalayo ng lakad sa kaniya.

Kinabahan naman ang dalaga at wala sa loob na napahawak sa dibdib. Nanlaki ang kanyang mata nang makapa niya ang lumang kwintas na susi sa dibdib. Madumi rin ang kanyang sapatos, senyales na naglakad siya sa maputik na daan.

"Tila ako nga'y napapaglaruan!" Kinikilabutang wika ng dalaga. Halos Hindi makapaniwala ang dalaga sa naranasan.

"Paano at bakit? Ibig sabihin totoo ang naranasan kong panaginip kagabi?" Hindi makapaniwalang sambit sa sarili ng dalagang si Karina. Bitbit ang mga gamit, wala sa sariling naglakad at sumakay ng kotse ang dalaga. Nagiisip at tulala parin ang dalaga dahil sa pangyayare.

"Ano kaya ang ibig sabihin ng aking panaginip?" tanong sa isip ng dalaga. Hindi rin mawala sa isip niya ang nakitang litrato ng gwapong lalake sa mansyon.

"Ano kayang pangalan niya? Totoo rin kaya siya?" Tanong niya sa sarili habang paalis sa lugar na iyon.

"Ano man ang iyong kahilingan, ito'y iyong makakamtan sa tamang panahon."

Related chapters

  • YOUNG AGAIN   Chapter 3

    "Oo, papunta na ako at dala ko na lahat ng kailangan." wika ni Karina sa kaibigan. Ikakasal ang kaibigan ni Karina na si Wendy at ito'y gaganapin sa Cavite."Baka naman hindi ka pa papunta, madami pang aasikasuhin." may pag-aalinlangan na tanong ng kaibigan. "Sus, ako pa ba ang pagdududahan mo? Basta antayin mo na lang ako mamaya." wika ni Karina sa kaibigan.Habang binabagtas ng dalaga ang kahabaan ng Cavite ay may napansin siyang lugar na pamilyar sa kanya. Napapreno siya nang bigla. Sa sobrang kuryosidad ay lumiko siya sa daang kanyang nakita."aba! Totoo ba itong nakikita ko? Yung daan sa panaginip ko ay ganitong-ganito." mangha niyang sambit. Pati ang kubo na sira-sira ay kanya ring nadaanan pati narin ang arko.Nang marating ang itim na bakal ng tarangkahan ay matagal siyang naghintay bago bumaba ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang labas ng tarangkahan at loob. Mukang wala paring tao katulad sa kanyang panaginip.Kaya naman tuluyan niyang pinasok ang loob. Katulad sa panaginip niy

    Last Updated : 2023-06-13
  • YOUNG AGAIN   Chapter 4

    Nang matulungan ni Karina ang ginang na makatayo ay iginiya siya nito palabas sa kwarto. Papunta sa ika-anim na silid. Katulad nang sa panaginip ni Karina, mayroon din itong nakasulat na "volver al pasado." Nang makapasok sa silid ay dumeretso ang Ginang sa kama at pilit inuusod ang katre. Lumapit naman si Karina at tinulungan ang ginang upang maiusod ang katre. Nang maiusod ay tumambad sa kanya ang isang sikretong kwadradong lagusan. "Anong mayroon sa lagusan na yan?" kinakabahang tanong ni Karina sa ginang.Ngunit hindi sumagot ang ginang, bagkus binuksan ang takip ng kwadradong lagusan. Dahil sa sobrang tagal at hindi na muling nabuksan ang lagusan, kumalat ang sobrang kapal na alikabok nito."Ilang taon n'yo na bang hindi nalilinis ito?" maubo-ubong tanong ni Karina sa Ginang. "Maraming taon na, iha. Simula nang pumalya ang aking nagawa, hindi ko na muli itong nabuksan pa," paliwanag ng Ginang.Iginiya ng Ginang si Karina sa pababa ng lagusan. Nagsindi ng lampara ang ginang upan

    Last Updated : 2023-06-13
  • YOUNG AGAIN   Chapter 5

    "Ang Pag-ibig na na-udlot muling ibabalik.""Ikinagagalak kitang makilala, Binibining Karina," tumingin siya sa mga mata ng dalaga sabay kuha sa kamay ni Karina at masuyo itong hinalikan."Nais kong malaman mo na sa unang silay pa lang ng aking mga mata ay naramdaman na ng aking puso ang pag-ibig ng puso ko para sa'yo. Huwag ka sanang lalayo o madidismaya. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking dibdib kung hindi ko masasabi ang aking nararamdaman," madamdaming hayag ni Harvey sa dalagang si Karina.Sa sobrang kilig at tuwa ni Karina sa nobyo, lumapit at niyapos nang mahigpit ng dalaga ang kasintahan. "Ako rin!" maluha-luhang bulalas ng dalaga sa kasintahan.Kinagagalak rin kitang makasamang muli... dugtong ni Karina sa kan'yang isipan.Hindi mapigilang yakapin ng dalaga ang binata sa sobrang pananabik na muli niya itong makasama sapagkat ilang taon niya rin itong inaasam-asam na makasama. Ngayon ay gagawin niya ang lahat upang mabago ang kapalaran ng kaniyang kaawa-awang nobyo."Hoy! dalag

    Last Updated : 2023-06-13
  • YOUNG AGAIN   Chapter 6

    Sinipat ni Karina sa salamin ang suot na puting pang-itaas na may mahabang manggas na pinatungan ng asul na panlamig, pantalon na tamang-tama ang sukat sa kan'yang baywang at binti at ang pinaka huli ang paborito niyang puting sapatos."Tama na siguro ito, ay oo nga pala ang mga singsing ko." Matapos magbihis at magayos ay dumeretso na si Karina sa Paaralan.Eksaktong ala sais 'y medya ng umaga nang makarating si Karina sa Paaralan. Ang ibang kaklase ay mga nagsipagakyatan na sa loob ng bus at ang iba naman ay inaantay ang mga kaibigan nila."Karina! dito!" Sigaw ng kaibigang si Abby na inginunguso ang katabing si Harvey na may katabing isang maputing babae. "Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bagong nakaraan? Bagong mga tao din sa buhay namin?" Tanong sa sarili ni Karina.Lumapit naman si Karina at bumeso sa kaibigan. Pasimpleng sinilip si Harvey at ang kasama nito at taas noong nag-aya sa kaibigan na umakyat na sa loob ng bus."Napakagwapo talaga ng aking nobyo" sambit sa sarili ni

    Last Updated : 2023-06-20
  • YOUNG AGAIN   Chapter 7

    Nakaramdam ng magaan na pakiramdam si Karina nang masuyo s'yang hinalikan ng kan'yang nobyo. Maingat niyang hinaplos ang pisngi, mata, ilong at bibig ng kan'yang nobyo."Hindi mo lang alam, masaya akong nakikita ka lalong-lalo na ang iyong pagngiti. Habang musika naman sa aking pandinig, ang marinig ang iyong tinig at ang pagpikit ng talukap ng iyong mga mata. Lahat ng iyan ang bumubuhay sa akin." malambing na nakangiting wika ni Karina sa nobyo."Una pa lang kitang nakita noon, nabihag mo na ang puso ko. Naalala mo ba noong panahong umuulan, inabot mo sa akin ang iyong payong at agad sumakay ng sasakyan? Simula ng araw na iyon, ako'y pabalik-balik sa lugar na iyon upang ika'y muling makita. Ngunit sa kasamaang palad palage akong nabibigo. Ngunit sa huli ay nakita kitang pasakay sa sasakyan, suot ang uniporme ng ating paaralan. Kaya naman dali-dali ako nagpalipat sa ating paaralan upang ika'y makasama." Mahabang litanya ni Harvey sa nobya."Kaya huwag ka nang malulungkot sapagkat ako'

    Last Updated : 2023-06-20
  • YOUNG AGAIN   Chapter 8

    Nang maalala ang sumigaw ay dali-daling lumabas si Karina at sinilip kung saan banda iyon. Nang makita naman siya ni Harvey ay agad siya nitong nilapitan at sabay nagpunta sa kinaroroonan ng kanilang kasamahan.Takot na takot at namumutla ang kamag-aral nilang si Joshua nang makita nito ang kamag-aral na si Emily Parenes, na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay. Sa kamay nito ay may isang papel na may nakasulat na "perdóname por mi pecado."Sa labis na pagkatakot ay hindi na ito nakatayo pa mula sa kanyang kinasasadlakan. Nanginginig at sumisigaw ng tulong habng tinuturo ang bangkay.Nalulungkot ang dalagang si Karina sa nasaksihan sapagkat pakiramdam n'ya ay may kasalanan din s'ya. Alam n'ya na sana na mangyayari ito ngunit kanyang nakaligtaan."Nakakaawa naman ang sinapit niya, galit na galit siguro ang gumawa sa kanya n'yan!" usyoso ng isa nilang kamag-aral.Kaawa-awa ang sinapit ng biktima sapagkat ito'y tadtad ng saksak at ginilitan ang leeg.Dahil sa nangyaring krimen ay

    Last Updated : 2023-06-20
  • YOUNG AGAIN   Chapter 9

    Bago magpaalam si Karina sa kanyang ina ay ibinigay niya ang lokasyon ng kanyang pupuntahan. Sakaling may mangyari mang masama sa kanya ay alam nito kung saan siya hahanapin.Ganoon ang laging bilin sa kanya ng kanyang ina, sa bawat pag-alis niya ay laging nakasulat ang lokasyon. Napakabait at napakamaalaga ng kanyang ina. Bukod sa isang simpleng maybahay ang kanyang ina, tumutulong din ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo ng kanyang ama.Simple lang ang pamumuhay na mayroon sila Karina. Mayroon silang mga palayan, taniman ng gulay at palaisdaan na pinagtutulungan ng kanyang ama at ina.Nang nasa biyahe na ang dalaga ay napatigil siya nang mapansin ang isang matandang pulubi. Dahil sa likas na maawain ay naisipan niyang bigyan muna ito ng makakain.Ngunit sa paglapit niya ay bigla na lang nito hinawakan ang kan'yang kamay. "Hindi ka taga-rito! Nais mong baguhin ang iyong nakaraan? Hindi iyon mababago kung hindi ka magsasakripisyo! Kailangang ng kapalit upang mabago ang nais mo!" Bu

    Last Updated : 2023-06-20
  • YOUNG AGAIN   Chapter 10

    Panay ang kulitan ng dalawang magkaibigan habang pababa ng hagdanan habang si Noah naman ay pasulyap-sulyap lamang sa dalawa at paminsan-minsan ay nakikitawa."Ano ba 'yang suot mo? parang daig mo pa yung lolo ko sa pormahan ah." pambubuksa ni Remualdo kay Abby habang pababa sila ng hagdanan kasama si Noah."Hoy, gagi! mahal 'to noh!!! Kesa naman d'yan sa suot-suot mo para kang lumpia na binalot ng mahigpit, kulang na lang sa'yo ay sarsa!" pangbabalik asar ni Abby sa kaibigan.Pailing-iling naman ang binatang si Noah habang papalit-palit ang tingin sa dalawang kasama pababa ng hagdanan."Jusko day, kaya wala kang jowawis. Sasamahan kita mamili sa susunod para naman hindi kana mukhang kasapi ng aking mga ninuno." may pailing-iling pang wika ni Remualdo."Nako! 'wag mo'ko idamay sa mga ninuno mo na katutubo. Aba, teka! buti na lang hindi mo sila kakulay ano? anak araw ka kasi! patuloy na pambubuska ni Abby.Bigla namang tumahimik ang dalawa ng makasalubong ang ina ni Noah. Ang binata na

    Last Updated : 2023-06-20

Latest chapter

  • YOUNG AGAIN   SPECIAL CHAPTER

    Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman

  • YOUNG AGAIN   Epilogue

    Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas

  • YOUNG AGAIN   Chapter 75

    Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon

  • YOUNG AGAIN   Chapter 74

    Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan

  • YOUNG AGAIN   Chapter 73

    Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na

  • YOUNG AGAIN   Chapter 72

    Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka

  • YOUNG AGAIN   Chapter 71

    Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang

  • YOUNG AGAIN   Chapter 70

    Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la

  • YOUNG AGAIN   Chapter 69

    Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin

DMCA.com Protection Status