"Ang Pag-ibig na na-udlot muling ibabalik."
"Ikinagagalak kitang makilala, Binibining Karina," tumingin siya sa mga mata ng dalaga sabay kuha sa kamay ni Karina at masuyo itong hinalikan."Nais kong malaman mo na sa unang silay pa lang ng aking mga mata ay naramdaman na ng aking puso ang pag-ibig ng puso ko para sa'yo. Huwag ka sanang lalayo o madidismaya. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking dibdib kung hindi ko masasabi ang aking nararamdaman," madamdaming hayag ni Harvey sa dalagang si Karina.Sa sobrang kilig at tuwa ni Karina sa nobyo, lumapit at niyapos nang mahigpit ng dalaga ang kasintahan. "Ako rin!" maluha-luhang bulalas ng dalaga sa kasintahan.Kinagagalak rin kitang makasamang muli... dugtong ni Karina sa kan'yang isipan.Hindi mapigilang yakapin ng dalaga ang binata sa sobrang pananabik na muli niya itong makasama sapagkat ilang taon niya rin itong inaasam-asam na makasama. Ngayon ay gagawin niya ang lahat upang mabago ang kapalaran ng kaniyang kaawa-awang nobyo."Hoy! dalagang pilipina tayo, dalagang pilipina!" nagpapadyak na pigil ni Abby sa kaibigan habang hawak nito ang bahaging dulo ng uniporme ng kaibigan. "Lintek ka! maghunos dili kang babae ka!" matawa-tawang litanya ni Abby."Wala pang isang oras may payapos-yapos ka nang nalalaman! Diyos, ko po mahabaging Maria," mahabang litanya ng kaibigan na 'di mawari kung maiinis o matatawa sa ginawa ng kaibigan.Matawa-tawa din ang magkasintahan sa kanilang nagawa. Sabay silang napaupo ng diretso nang biglang matawag ng maestra. "Mamaya na yang ligawan pagtapos ng klase ko," masungit na wika ni Ginang Abalos.Panakaw na silip naman ang ginawa ni Karina sa kasintahang si Harvey. At matamis na napangiti nang mahuli n'ya itong nakatingin din sa kanya."Ayaw parin tumigil oh, Ginang Abalos!" sumbong ni Abby sa guro na nakasilip rin pala sa dalawang magkasintahan habang pinipigilan ang pagtawa."Hmmp! inggitera ka, bruha! Landiin mo kaya iyang nasa likod mo, yan ang mapapangasawa mo sa panahong 2023," Matatawang bulong ni Karina sa kaibigang si Abby.Napasilip naman sa likod si Abby sabay napangiwi. "Diyos ko! Iyang bakla na yan na si Remauldo? ang mapapangasawa ko?! Nasisiraan ka na nga ng ulo, Rina!" Hindi makapaniwalang bulalas ng kaibigan kay Karina."Gaga! patay na patay ka kaya d'yan," pahabol na asar ni Karina sa kaibigan."hehehe... hindi nakakatawa! nalipasan ka na talaga ng gutom kaya kung ano-ano na iyong mga nasasabe," sabay pasingkit na tingin ni Abby sa kaibigan, sabay silip din sa kaklaseng si Remualdo, na panay pabebe ang ginagawa.Napapangiwing umiling na lang ang kaibigang si Abby sa mga kalokohang sinasabe ng kanyang kaibigang si Karina. Matamang nakinig na lamang ang magkaibigan sa kanilang guro."Siya nga pala, bago kayo mananghalian at matapos ang ating klase ay inaanunsyo ko na magkakaroon tayo ng isang serbisyo sa komyunidad. Bilang pasasalamat sa ating biyayang natatamo ng ating paaralan at bilang pagdiriwang na rin ng anibersaryo ng ating paaralan, tayo ay masayang magsasagawa ng pagtulong sa ating mga katutubo. Ilista n'yo lamang ang inyong pangalan sa papel kung kayo ay sasama," anunsiyo ni Ginang Abalos sa kanyang mga estudyante.Nang matapos ang klase, sabay bumaba at nagpunta ng kantina ang magkaibigan. Habang nakasunod naman sa likod ang gwapong si Harvey."Sagot ko na ang pananghalian ninyo mga Binibini. Maupo na lamang kayo d'yan." Maginoong alok ni Harvey sa magkaibigan. Wala naman magawa ang magkaibigan kung 'di ang pumayag sa alok ng binata. Sino nga ba naman ang tatanggi sa grasya. Nang makaupo ang dalawang dalaga ay napansin ni Karina ang isang estudyanteng babae."Hindi ba, si Emily Parenes 'yon?" tanong ni Karina sa kaibigan. Tumingin at sinipat din naman ni Abby ang tinutukoy ng kaibigan. "Oo, siya nga, ang kaklase natin noon. Bakit? may problema ba?" tanong ni Abby sa kaibigang si Karina.Tumahimik naman ang dalaga nang makumpirmang totoong si Emily Parenes ang nakita. Sa kanyang pagkaka-alala si Emily ay pinatay noong panahong desi-otso pa lamang sila. Nangyari ang krimen noong sila ay sumama sa serbisyo sa komyunidad.Isang malagim na pangyayaring kakila-kilabot at mahirap kalimutan.Nakaramdam ng kaba at takot si Karina. Naisip niya na baka isa sa mga posibilidad na sagot sa pagkamatay ng kanyang nobyo. Ang pagkakamatay ng kanyang nobyo at ni Emily ay hindi nagkakalayo. Parehong namantay ang dalawa na puno ng saksak at wakwak ang dibdib. Kaya ang kutob ni Karina ay lalong tumindi.Nalalapit na ang serbisyo sa komyunidad kaya naman kinakabahan na talaga ang dalaga. Iniisip niya kung anong gagawin niya sakaling mangyari ang kinakatakutan."Hoy! tinatanong kita, bruha ka!" untag ni Abby sa kaibigan nang hindi sumagot ang kaibigan sa tanong niya. "Natulala ka na d'yan, kanina lang panay ang kilig mo," dagdag pa ng kaibigan."Wala naman, may naalala lang ako," sagot na lamang ni Karina upang hindi mahalata ang nerbyos na nararamdaman.Nang bumalik si Harvey ay may mga dala na itong pagkain para sa kanilang tatlo.Inihain ni Harvey ang isang mangkok ng sinigang na baboy at isang kanin sa harapan ng kanyang nobya. "Para saiyo ito aking nobya," nakangiti na wika ni Harvey kay Karina.Ngiting-ngiti naman si Karina ng mapatingin sa kanyang nobyo, nabawasan ng kahit paano ang kanyang nararamdaman. Tulad noon, napaka-maalalahanin ng kanyang nobyo. Kulang na lang ay subuan siya nito."Salamat dito, umupo at kumain kana rin aking nobyo," yaya ni Karina sa nobyo."Kow ! Nobyo-nobya! kayong dalawa ka-kikita n'yo pa lang, kotang-kota na kayo sa landian! Animo'y kayo'y magnobyo't magnobya sa mga asta n'yo," sitang mapait na wika ng kaibigan. "Hala, magsikain na lang tayo at nang mabusog pa!" dagdag ni Abby sa dalawa."Ang totoo n'yan may sikreto ako," lumingon muna si Karina sa kaliwa at kanan upang masigurado na walang iba sa kanila ang nakikinig. "Ang totoo n'yan, galing talaga ako sa hinaharap.""Kung gan'on, naging kasintahan ba kita sa hinaharap?" malokong tanong ni Harvey na imbes na magseryoso ay lalo pang nagbiro. "Naging asawa ba kita? Ilan ang naging anak natin?" patuloy pa ni Harvey."Dumale na naman kayo! Baka nanaginip ka lang, Rina? Ang tagal mong nakatulog kanina," hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan na si Abby."Totoong sinasabe ko, maniwala naman kayo sa akin!" nagmamakaawang wika ni Karina sa dalawa."Sige nga, pa'no mo kami mapapaniwala na totoong nanggaling ka sa hinaharap?" Seryosong tanong ng kaibigan na si Abby. "Kapag napatunayan mo saka lang kami maniniwala," dagdag pa nito."Sige, mamaya paguwi mo, papagalitan ka ng nanay mo kase kumupit ka na naman ng limang daan," kumpyansang wika ni Karina sa kaibigang si Abby."At paano mo naman nalaman na kumupit ako, aber?" mataray na tanong ni Abby sa kaibigan."Kase tumakas ka nung gabi at sa bahay ka natulog. Galing nga kase ako sa hinaharap, wag ka ngang makulit!" Sagot ni karina sa kaibigan na si Abby."Kumusta na nga pala si Mama Lourdes at Papa Fabian, aking nobyo, Harvey?" pangiti-ngiting tanong ni Karina sa nobyo."O, sige! napaniwala mo ako d'yan!" Sagot ni Harvey. "Ngayon sabihin mo sa amin kung anong hinaharap namin? At bakit ka bumalik sa nakaraan?" kuryosong tanong ng nobyo niyang si Harvey."Oo nga, kung nasa hinaharap ka na, bakit bumalik ka pa? May gusto ka bang itama?" tanong naman ni Abby."Oo, may misyon ako at bumalik ako para baguhin ang nakaraan. Tulungan niyo ako para mabago ko ang hinaharap," paliwanag ni Karina sa dalawa.Sumang-ayon naman ang dalawa sa nais ni Karina. Kahit medyo hindi kapani-paniwala ang kan'yang sinabi. Hindi pa maipagtapat ni Karina ang kapalaran ng kanyang nobyo sapagkat ayaw niya itong mabigla. Hindi pa napa-panahon, ngayon ang tanging kailangan nilang gawin ay mailigtas ang mga unang mabibiktima ng salarin. At kailangang mahuli ang salarin upang hindi na muli ito makagawa ng krimen."Pero paaano at saan sila magsisimula mag-imbestiga?" Tanong sa sarili ng dalagang si Karina."Si Emily Parenes, kailangan natin siyang iligtas sa kapahamakan. Nasa panganib ang kaniyang buhay!" May pag-aalalang wika ni Karina sa dalawa.Sinipat ni Karina sa salamin ang suot na puting pang-itaas na may mahabang manggas na pinatungan ng asul na panlamig, pantalon na tamang-tama ang sukat sa kan'yang baywang at binti at ang pinaka huli ang paborito niyang puting sapatos."Tama na siguro ito, ay oo nga pala ang mga singsing ko." Matapos magbihis at magayos ay dumeretso na si Karina sa Paaralan.Eksaktong ala sais 'y medya ng umaga nang makarating si Karina sa Paaralan. Ang ibang kaklase ay mga nagsipagakyatan na sa loob ng bus at ang iba naman ay inaantay ang mga kaibigan nila."Karina! dito!" Sigaw ng kaibigang si Abby na inginunguso ang katabing si Harvey na may katabing isang maputing babae. "Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bagong nakaraan? Bagong mga tao din sa buhay namin?" Tanong sa sarili ni Karina.Lumapit naman si Karina at bumeso sa kaibigan. Pasimpleng sinilip si Harvey at ang kasama nito at taas noong nag-aya sa kaibigan na umakyat na sa loob ng bus."Napakagwapo talaga ng aking nobyo" sambit sa sarili ni
Nakaramdam ng magaan na pakiramdam si Karina nang masuyo s'yang hinalikan ng kan'yang nobyo. Maingat niyang hinaplos ang pisngi, mata, ilong at bibig ng kan'yang nobyo."Hindi mo lang alam, masaya akong nakikita ka lalong-lalo na ang iyong pagngiti. Habang musika naman sa aking pandinig, ang marinig ang iyong tinig at ang pagpikit ng talukap ng iyong mga mata. Lahat ng iyan ang bumubuhay sa akin." malambing na nakangiting wika ni Karina sa nobyo."Una pa lang kitang nakita noon, nabihag mo na ang puso ko. Naalala mo ba noong panahong umuulan, inabot mo sa akin ang iyong payong at agad sumakay ng sasakyan? Simula ng araw na iyon, ako'y pabalik-balik sa lugar na iyon upang ika'y muling makita. Ngunit sa kasamaang palad palage akong nabibigo. Ngunit sa huli ay nakita kitang pasakay sa sasakyan, suot ang uniporme ng ating paaralan. Kaya naman dali-dali ako nagpalipat sa ating paaralan upang ika'y makasama." Mahabang litanya ni Harvey sa nobya."Kaya huwag ka nang malulungkot sapagkat ako'
Nang maalala ang sumigaw ay dali-daling lumabas si Karina at sinilip kung saan banda iyon. Nang makita naman siya ni Harvey ay agad siya nitong nilapitan at sabay nagpunta sa kinaroroonan ng kanilang kasamahan.Takot na takot at namumutla ang kamag-aral nilang si Joshua nang makita nito ang kamag-aral na si Emily Parenes, na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay. Sa kamay nito ay may isang papel na may nakasulat na "perdóname por mi pecado."Sa labis na pagkatakot ay hindi na ito nakatayo pa mula sa kanyang kinasasadlakan. Nanginginig at sumisigaw ng tulong habng tinuturo ang bangkay.Nalulungkot ang dalagang si Karina sa nasaksihan sapagkat pakiramdam n'ya ay may kasalanan din s'ya. Alam n'ya na sana na mangyayari ito ngunit kanyang nakaligtaan."Nakakaawa naman ang sinapit niya, galit na galit siguro ang gumawa sa kanya n'yan!" usyoso ng isa nilang kamag-aral.Kaawa-awa ang sinapit ng biktima sapagkat ito'y tadtad ng saksak at ginilitan ang leeg.Dahil sa nangyaring krimen ay
Bago magpaalam si Karina sa kanyang ina ay ibinigay niya ang lokasyon ng kanyang pupuntahan. Sakaling may mangyari mang masama sa kanya ay alam nito kung saan siya hahanapin.Ganoon ang laging bilin sa kanya ng kanyang ina, sa bawat pag-alis niya ay laging nakasulat ang lokasyon. Napakabait at napakamaalaga ng kanyang ina. Bukod sa isang simpleng maybahay ang kanyang ina, tumutulong din ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo ng kanyang ama.Simple lang ang pamumuhay na mayroon sila Karina. Mayroon silang mga palayan, taniman ng gulay at palaisdaan na pinagtutulungan ng kanyang ama at ina.Nang nasa biyahe na ang dalaga ay napatigil siya nang mapansin ang isang matandang pulubi. Dahil sa likas na maawain ay naisipan niyang bigyan muna ito ng makakain.Ngunit sa paglapit niya ay bigla na lang nito hinawakan ang kan'yang kamay. "Hindi ka taga-rito! Nais mong baguhin ang iyong nakaraan? Hindi iyon mababago kung hindi ka magsasakripisyo! Kailangang ng kapalit upang mabago ang nais mo!" Bu
Panay ang kulitan ng dalawang magkaibigan habang pababa ng hagdanan habang si Noah naman ay pasulyap-sulyap lamang sa dalawa at paminsan-minsan ay nakikitawa."Ano ba 'yang suot mo? parang daig mo pa yung lolo ko sa pormahan ah." pambubuksa ni Remualdo kay Abby habang pababa sila ng hagdanan kasama si Noah."Hoy, gagi! mahal 'to noh!!! Kesa naman d'yan sa suot-suot mo para kang lumpia na binalot ng mahigpit, kulang na lang sa'yo ay sarsa!" pangbabalik asar ni Abby sa kaibigan.Pailing-iling naman ang binatang si Noah habang papalit-palit ang tingin sa dalawang kasama pababa ng hagdanan."Jusko day, kaya wala kang jowawis. Sasamahan kita mamili sa susunod para naman hindi kana mukhang kasapi ng aking mga ninuno." may pailing-iling pang wika ni Remualdo."Nako! 'wag mo'ko idamay sa mga ninuno mo na katutubo. Aba, teka! buti na lang hindi mo sila kakulay ano? anak araw ka kasi! patuloy na pambubuska ni Abby.Bigla namang tumahimik ang dalawa ng makasalubong ang ina ni Noah. Ang binata na
Nagpagpasyahan ng mga magkakaibigan na magpunta sa isang depatamento ng isang pamilihan upang mamili ng kanilang ka-kailanganin para sa kanilang gagamiting proteksyon sa kani-kanilang sarili para makaiwas sa masasamang tao na may balak na tangkain silang saktan o ang pagtangkaan silang patayin."Rina, tingnan mo bagay ito sa'yo!" komento ni Abby sa kaibigan habang hawak-hawak ang damit at ipinapakita kay Rina.Isa itong bestida na kulay lila na may maikling manggas na aalon-alon, na aabot lamang sa gitna bago makarating ng kanyang tuhod."Ay, ang ganda nga!" sagot naman ni Karina habang tuwang-tuwa na nakamasid sa damit na hawak ni Abby."Bagay sa'yo yan, bilhin mo na!" singit ni Noah na tila nagningning ang mata ng ibaling ni Rina ang mata sa kan'ya."Masyadong maikli yan, makikita agad ang pundyo mo d'yan kapag yumuko ka!" tutol naman ni Harvey na animo'y makikita nga ang pundyo ni Rina.Sumimangot naman si Karina ng marinig ang sinabi ng kasintahan. Gusto niya din sana magsuot ng g
Isang nagbabagang balita, isa na namang babae ang natagpuang patay malapit sa isang lumang gusali kaninang madaling araw. Kinilala ang biktima na si Leah Panganiban, 19 na taong gulang. Ang biktima ay puno ng saksak ng matagpuan."Bakit mo pinatay, Ma?" tanong ni Karina sa ina."Kinikilabutan ako sa mga balita ngayon, ang dami nang namamatay na estudyante. Kaya ikaw ay lagi kang mag-iingat. Aba! sobrang delikado na ngayon. Huwag na huwag kang pagala-gala sa kalsada ng mag-isa, baka ikaw ay mapagtripan ng mga adik. Hindi natin alam kung kailan tayo mapapahamak kaya, ingat-ingat!" sermon ng kanyang ina sa kan'ya."Opo, palagi ho, Mama." ngiting sagot ni Karina sabay yakap sa ina."Oh, siya ika'y muna ay magpahinga doon sa kuwarto mo at baka mabinat ka kakagaling mo lang sa sakit, aba!" taboy kay Rina ng kanyang Ina."Opo, iidlip muna ako, Ma. Medyo masakit din ang ulo ko." sagot naman ni Rina habang minamasahe ang noo."Heto ang tubig, mayroon ka pa namang gamot sa aparador mo, kunin mo
"Oh, Karina, iha! and'yan ka na pala!" wika ng kanyang ina. "Nais mo na bang maghapunan?" dagdag na tanong ng kanyang ina."Busog pa ho ako, Ma!" sagot naman ng dalagang si Karina."Nagpunta dito si Noah, dinalhan ka ng hilaw na mangga at alamang." Sambit ng kanyang ina. "Hindi ba paborito mo ang mga iyon?" tanong pa nito."Oho, ngunit paano ho nalaman ni Noah na dito ako nakatira? Hindi ko pa ho siya naimmbitahan dito o hindi ko nasabi man lang kung saan ako nakatira!" nagtatakang tanong niya sa kanyang ina.Nagkibit balikat lamang ang kanyang ina at binalatan ang hilaw na mangga upang makain ng kanyang anak."Heto! alam ko na paborito mo ito kaya dinamihan ko na ang pagbabalat." wika ng kanyang ina habang inaabot sa kanya ang limang piraso ng hilaw na mangga.Malugod namang tinanggap niya iyon at sinimulang kainin ang hilaw na mangga ngunit matamis at masarap naman ang mga ito. Kaya hindi niya napansin na sunod-sunod ang kan'yang pagsubo habang nagbabasa ng isang libro.Busog na bus
Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka
Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang
Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la
Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin