The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)

The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)

By:  AraBella  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
28Mga Kabanata
235views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Evina Chen ay isang young career woman na hindi natatakot na suwayin ang mga nakatataas sa kanya lalo na't alam niyang sila ay mali. Itataya pa niya ang kanyang personal na buhay upang ipagtanggol ang kanyang mga kasamahan mula sa mga malulupit nilang boss. Samantala, si Gabriel Yang naman ay isang dominanteng CEO na handang isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng paglago ng kanilang kumpanya. Dudurugin niya ang sinumang maglalakas-loob na humarang sa kanyang daraanan. Kinamumuhian ni Evina ang mga awtoridad. Ayaw naman ni Gabriel sa mga rebelde. Ngunit pareho nilang matututunan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa mga bisig ng isa't isa. ***** NOTE: > You can reach me at my FB account po @7arabella7 > Salamat po ng madami sa suporta! Sana po ay magustuhan nyo ang kuwento ni Gabriel at Evina!:*

view more
The CEO's Rebellious Woman (Tagalog) Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
28 Kabanata
Chapter 1: Ako Ang Boss
“Sige! Tanggalin nyo na po ako! Hindi po ako natatakot!" sinabi ni Evina sabay lakad palabas ng Sapphire Co. Building papunta sa parking lot.Sa sandaling iyon, mas nanaig sa kanya ang galit sa masasamang ginawa ng Chief nila kaysa sa kanyang pagnanais na manatili sa kumpanya.Sa sobrang init ng araw ng oras na iyon, pwedeng magprito ng itlog ang kahit sino sa pamamagitan lamang ng paglalagay nito sa lupa. Pero walang pakialam si Evina at padabog na nilakaran ito habang nagbubuhat ng isang mabigat na kahon. Ang kahon ay naglalaman ng kanyang mga gamit, na kanyang isinilid pagkalabas na pagkalabas niya sa kwarto ni Chief. Nagkaroon sila ng mainit na talakayan na nagresulta sa kanyang maagang termination.Nanginginig ang mga kamay niya sa galit na sinadya niyang ihagis pabagsak ang karton sa sahig na malakas na kumalabog. "Sana mabangkarote kayong lahat na mga sakim na boss. O kaya mabulok sa kulungan habang buhay!" sigaw niya sa galit bago binuksan ang pinto ng kotse niya ng buong l
Magbasa pa
Chapter 2: Isang Magandang Bubuwit
Isang beep na nagmumula sa isang carlock mula sa isang malayong kotse ang maririnig mula sa kinaroroonan nila. May iba ding tao sa parking lot. Ngunit walang plano ang may-ari ng luxury car na palayain siya ng ganun ganun lang.Nakatayo siya na para siyang isang napakalaking pusa na naka-corner sa isang maliit na bubwit. Naningkit ang kanyang luntiang mga mata habang sinusuri ang kanyang biktima. Ang babaeng nasa harap niya ay may ordinaryong tangkad na may ordinaryong pigura na nakasuot ng ordinaryong office uniform. Gayunpaman, ang kanyang maapoy na pulang buhok at mapanghamon na tingin ay iba ang ipinararating. Hindi siya isang tipikal na uri ng babae. At hindi maalis ni Gabriel ang tingin sa kanya."Ito ay isang Lamborghini Sian na nagkakahalaga ng 3,000 beses sa average na buwanang sahod ng isang ordinayong empleyado," sabi niya habang patuloy niyang pinagmamasdan kung ano ang magiging reaksyon ng babae sa harapan niya. "So that would be - Teka, paano mo ako pinaplanong bayar
Magbasa pa
Chapter 3: Rebelde
Tatlong oras ang nakalipas..."Malamang na may ideya sila na yung existence mo palang sa company ay isa ng rebellion," pang-uuyam ni Maria sa kanyang nakababatang kapatid na babae, si Evina, sa telepono.Oras ng trabaho ito para sa kanilang dalawa. Si Maria ay nasa field, na nagtatrabaho bilang isang landscape designer habang si Evina ay isang bagong empleyado sa Sapphire Co. Kausap ni Maria ang kanyang kliyente nang makatanggap siya ng text message mula kay Evina. Isang mensahe na maaaring makasira muli sa kanyang career.Humingi ng tulong sa kanyang nakababatang kapatid na babae ang mga ka trabaho nito na magsumite ng reklamo laban sa Chief para matanggal ito sa pwesto."Nagsisimula ka pa lang na muling buuin ang buhay mo pagkatapos matanggal sa iyong dating trabaho, Evie." pinagpatuloy niya ang pagbulyaw kay Evina, tulad ng nakasanayan niya noong mga bata pa sila. Si Evina ay palaging matigas ang ulo kahit noong mga bata pa sila. Mahilig siyang lumabag sa rules, maging ito ay ang
Magbasa pa
Chapter 4: You're Fired
Natigil ang lahat. Sa sobrang tahimik ay maririnig ang huni ng mga ibon sa labas ng bintana habang lumilipad sila sa kalangitan.Napanganga si Evina sa gulat sa sinabi ni Cynthia. At bigla siyang tumagilid para itago ito. “No wonder hindi makapagsalita si Cynthia,” naisip niya.Sumikip ang sikmura niya nang maisip ang maaaring ginawa ng Chief sa kawawang babaeng ito. Naikuyom niya ang kanyang kamao habang pinipigilan ang sarili na hindi harapin ang Chief sa oras ding iyon.“Akala ko noong una, sobrang friendly lang niya. Ngunit pagkatapos ay sinimulan niya akong hawakan. Tumanggi ako,” nagpatuloy si Cynthia sa pagsasalaysay ng kanyang kuwento, "pero sinabi niya sa akin na matatanggal ako kapag hindi ako bumigay." Namimilipit ang kanyang braso at nangingiwi habang ibinabahagi ang kanyang karanasan kay Evina. Nag-aapoy sa galit ang bawat himaymay ng kalamnan ni Evina, “I’m sorry to say this, Cynthia. Pero sa tingin ko dapat pinili mo nalang na tanggalin sa trabaho.”Iyon ang gagawin n
Magbasa pa
Chapter 5: Mr. Yang
Sa kasalukuyan..."Evina Chen," napaawang ang labi ni Gabriel habang binabaligtad ang card sa kamay niya. Nilagay niya ito sa inner pocket ng coat niya habang naglalakad siya patungo sa Sapphire Co. Building.Tanghali noon, at inaasahan niyang magkakaroon ng libreng oras ang CEO ng Sapphire Co. sa kanyang sorpresang pagbisita. Ngunit siya ang natigilan nang makasalubong ang isang masungit na dalaga na tila nasa bad side ng kanyang mga nakatataas. Nagagalit siya sa kanya sa pagsira ng kanyang kotse at pagtatangkang tuhurin siya. Pero parang may kung ano sa kanya na gusto niyang makita ulit siya."O huwag na lang," sabi niya sa kanyang sarili habang iniunat niya ang kanyang malalapad na balikat. Pumasok siya sa main door ng building. ****Nasa reception couch ang ilang empleyado nang mapansin siya ng isa sa kanila. Agad siyang tumango dito."Si Mr. Yang!" tinampal nito ang sariling noo. "Yari tayo. Mukhang magkaka problema tayo," bulong niya sa kasamahan.“Paano siya magiging cause
Magbasa pa
Chapter 6: Walang Awang CEO
"Dito pala siya nagtatrabaho," tinapik ng mga daliri ni Gabriel ang mesa habang patuloy niyang pinagmamasdan ang istraktura ng Sapphire Co. Building. Simple lamang ang disenyo nito kumpara sa The Elysian Co. Ngunit ang mga bintana ay nag-aalok ng magandang tanawin ng lugar para sa mga naninirahan sa urban area. "Sapat na bang dahilan ang isyung iyon para iwanan niya ang lugar na ito nang ganoon na lang?" Napaisip siya habang inaalala ang dahilan kung bakit umalis si Mr. Li sa boardroom. Kahit naiirita pa rin siya sa babae, na-curious siya sa dahilan ng pagrerebelde nito sa kumpanyang ito."Eto na po sir," agad na bumalik si Mr. Li. Binigyan siya nito ng isang folder na naglalaman ng sagot sa kanyang mga tanong. Pagkatapos ay umatras siya upang hayaan siyang basahin ito nang mag-isa. "Hindi pa ho siya iniimbestigahan, sir. Hindi po natin alam kung ito ay mga katotohanan o mga haka-haka lamang,” depensa ni Mr. Li sa Chief.Tumango lang si Gabriel na kunwaring sang-ayon sa kanya. N
Magbasa pa
Chapter 7: Kailangan Mo Nang Mag Asawa
"I'm sorry for being late, boss," yumuko si Paul kay Gabriel habang hinahabol niya ang kanyang hininga. Agad niyang binuksan ang pinto ng passenger’s seat ng kotse ng kanyang amo.Si Paul ay driver at personal assistant ni Gabriel. Hindi siya karaniwang umaalis sa tabi ng kanyang amo. Ngunit ngayon, humiling siya na magbakasyon para tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa isang ospital. "Anong nangyari sa kotse mo, boss?" hinawakan ni Paul ang scratch sa bagong biling sasakyan ng executive."Huwag mo na akong tanungin muli," isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gabriel habang inaalala ang hindi magandang pangyayari kasama si Evina Chen. ‘Kamusta na kaya siya ngayon?’ Ngunit kaagad niyang inalis iyon sa kanyang isip pagkatapos niyang maalala kung paano niya sinubukang tuhurin ang kanyang gitna.“Tumawag na ako ng service. Kamusta ang nanay mo?" sagot ni Gabriel para ma-distract siya. Pagkatapos ay idinantay niya ang kanyang ulo sa headrest ng upuan.Pinaandar na ni Pa
Magbasa pa
Chapter 8: Family Time
Samantala…"Pupunta ako dyan in 10 minutes. Hold on, Evie." alo ni Maria kay Evina habang parang baliw na bumubusina ang kanyang sasakyan. Natanggap niya ang balita na kakatanggal lang ng kanyang nakababatang kapatid sa trabaho. Hindi man lang nagpaalam sa mga kasamahan niya, agad siyang umalis sa lokasyon niya para makipagkita sa kanya. Magkausap sila sa phone habang nagmamaneho siya papunta sa kinaroroonan ni Evina.“Take your time, Iya. Hindi pa naman end of the world,” natatawang tugon ni Evina sa kanyang nakatatandang kapatid. “Huwag ako. I know you too much, Evina Chen,” irap ni Maria, dahilan para bumunghalit ng tawa si Evina sa kabilang linya.“Sige. Salamat, ate. I appreciate it,” sincere na sabi ni Evina bago nila binaba ang tawag. Dinampot ni Evina ang iced tea sa kanyang harapan para pakalmahin ang pusong nagdurusa. Tama si Maria. Dinadaan niya lang sa tawa pero she was devastated sa kinalabasan ng ginawa niya. Kahit na naniniwala siyang tama lang ang ginawa niya, con
Magbasa pa
Chapter 9: Walang Trabaho
“Ring!” “Ring!” “Ring!”Agad na umupo si Evina sa kama. Nagmamadali siyang tumayo, nagsuot ng tsinelas at kinuha ang tuwalya. Kagaya ng laging morning routine niya, maliligo na siya. Pero napagtanto niyang wala na nga pala siyang mapupuntahan.“Body clock ko na siguro. Isa ka ng officially unemployed, Evina. Congratulations sa bago mong buhay." tinapik niya ang kanyang ulo ng tatlong beses, sinisiguradong gagana ito ng maayos.Bumalik siya sa kanyang kama at humiga muli sa kanyang malambot na mga unan bago kinuha ang kanyang cell phone para tingnan ang kanyang mga news feed. Ngayon ay marami na siyang oras para gawin iyon.Habang ini-scan niya ang kanyang social media account, nakita niyang nagpo-post ang dati niyang kaklase ng mga larawan niya sa stage na may libo-libong likes at hearts. Kamakailan ay na-promote siya ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan."Sigurado akong katakot takot na pagmamakaawa ang ginawa niya sa boss niya. Hmph," umirap ang mga mata ni Evina. Nagpatuloy siya
Magbasa pa
Chapter 10: Hindi Inaasahang Bisita
Hinanap agad ni Evina ang The Elysian Inc sa internet. Pamilyar siya sa giant corporation na ito, ngunit hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng hierarchy. Dapat ay may malawak siyang kaalaman sa kumpanya kung gusto niyang maging bahagi nito.“Ang Elysian Inc. ay nag-aalok ng maraming pagpipilian ng software para sa maraming layunin. Ang kanilang software ay sa ngayon ang pinaka ginagamit na operating system sa bansa. Sa kita na $107.8 milyon, ang nangingibabaw na industriya ng software ay nananatiling The Elysian Inc. Ang kumpanya ay itinatag noong 1965 ng founder na si Chairman Rafael Yang.”"Wow! Impressive," tango ni Evina habang ini-scroll pababa ang pahina. Gayunpaman, ang nakatawag pansin sa kanya ay ang larawan ng nagtatag ng kahanga-hangang korporasyon."Parang pamilyar siya," nag-zoom in siya sa larawan ni Chairman Yang, na nasa webpage din na tinitingnan niya. Napaka-attractive niya para sa isang lalaking kasing edad niya. Ang kanyang ilong ay napaka-prominente sa ibabaw
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status