"I'm sorry for being late, boss," yumuko si Paul kay Gabriel habang hinahabol niya ang kanyang hininga. Agad niyang binuksan ang pinto ng passenger’s seat ng kotse ng kanyang amo.
Si Paul ay driver at personal assistant ni Gabriel. Hindi siya karaniwang umaalis sa tabi ng kanyang amo. Ngunit ngayon, humiling siya na magbakasyon para tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa isang ospital.
"Anong nangyari sa kotse mo, boss?" hinawakan ni Paul ang scratch sa bagong biling sasakyan ng executive.
"Huwag mo na akong tanungin muli," isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gabriel habang inaalala ang hindi magandang pangyayari kasama si Evina Chen. ‘Kamusta na kaya siya ngayon?’
Ngunit kaagad niyang inalis iyon sa kanyang isip pagkatapos niyang maalala kung paano niya sinubukang tuhurin ang kanyang gitna.
“Tumawag na ako ng service. Kamusta ang nanay mo?" sagot ni Gabriel para ma-distract siya. Pagkatapos ay idinantay niya ang kanyang ulo sa headrest ng upuan.
Pinaandar na ni Paul ang sasakyan at ilang minuto lang ay nakalabas na sila sa parking lot ng Sapphire Co. 25 milya ang layo ng lokasyon ng Sapphire Co sa syudad. Ngunit naglakbay sila sa expressway para makarating sila sa metropolis sa loob ng isang oras para sa susunod na appointment ni Gabriel.
"Okay na siya ngayon, boss. Baka sobrang pagod lang siya at kailangan niyang magpahinga," sagot ni Paul habang nagmamaneho. Pagkatapos ay sumulyap siya sa rearview mirror para tingnan ang CEO.
Nakapikit ang mga mata ni Gabriel, ngunit nakatikom ang kanyang panga dahil sa kirot sa kanyang ulo.
"At siguro kailangan mo ring gawin iyon, boss." mungkahi ni Paul habang patuloy na nagmamaneho ng sasakyan patungo sa susunod na destinasyon ni Gabriel. Tinapakan ng kanyang paa ang gas, para makarating siya doon sa pinakamabilis na oras.
“No, I’m good. Siguradong hinihintay na tayo ng Chairman ngayon. Iidlip lang ako ng konti. Just turn on the music and drop some essential oils in the diffuser,” huminga si Gabriel habang namimilipit, para makakuha siya ng mas komportableng posisyon.
"Yes, boss," sabi ni Paul sa mahinang boses at sinunod agad ang utos niya.
Kung totoo si Gabriel sa sarili niya, aaminin niya. Napapagod na talaga siya. Hands-on siya sa bawat negosyong konektado sa The Elysian Inc, bukod sa kumpanyang siya mismo ang namamahala.
May mga pagkakataong gusto niyang mag break muna sa kanilang lahat at magpahinga. Ngunit ang obligasyon ng pagpapanatili ng The Elysian Inc bilang numero unong korporasyon sa bansa ay higit sa kanyang mga personal na hangarin.
Kailangan niyang gawin ang kanyang mga tungkulin.
Sinubukan niyang matulog sa nakakarelaks na atmosphere. Ngunit hindi pa rin ito sapat. Gayunpaman, sinubukan niyang umidlip habang naglalakbay sila patungo sa kanilang meeting place ng ama.
"Nandito na po tayo, boss," ginising siya ni Paul habang ipinaparada niya ang sasakyan.
Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya, lumabas siya ng sasakyan at naglakad patungo sa lugar. Sa katunayan, hinihintay na sila ni Chairman Yang.
Hiniling niya sa kanya na makipagkita sa kanya pagkatapos ng kanyang transaksyon kay Mr. Zhang.
Tinitigan siya ni Gabriel mula sa malayo. Maging ang mga waitress ay hindi napigilan ang kanilang mga sarili na mamangha nang makita ang Chairman ng The Elysian Inc, na kumakain sa gitna nila.
"Pardon me for my tardiness, sir," yumuko si Gabriel sa Chairman nang ilang pulgada na lang ang layo nito sa kanya.
Ang Chairman nga ay isang larawan ng isang malakas at makapangyarihang lalaki, kahit na sa kanyang plain white shirt at khaki pants.
"Lumuhod ba siya at pinunasan ang sapatos mo gamit ang kanyang manggas?" tanong ng Chairman pagkaupo niya.
Tumango si Gabriel, na ikinatawa ni Chairman Yang. “Isang dosenang beses na niyang inulit iyon. But this time, I will not acquit him,” kumuyom ang kamao niya at naningkit ang mga mata.
"Huwag ka pong mag-alala, naayos ko na ang usapin, sir. You can erase the Sapphire Co. from your list,” yumuko si Gabriel sa kanya bilang paggalang.
Huminga ng malalim si Chairman Yang bago ngumiti kay Gabriel, "Alam kong maaasahan kita sa bagay na ito."
Pagkasabi nito, nagsalubong ang kanyang mga kilay at itinaas ang kanyang eyeglasses palapit sa kanyang mga mata. “Are you feeling well? You look pale."
Inangat ni Gabriel ang kanyang ulo, para masilayan niya ang Chairman, na ngayon lang napansin ang kanyang kalusugan. Ilang taon na niyang hindi ginagawa iyon.
"Tiyak na nag-aalala siya tungkol sa akin," ang isang sulok ng kanyang mga labi ay napaangat sa pag-iisip nito. Ngunit nasira ang kanyang pag-asa nang marinig niya ang sumunod na sinabi ng Chairman.
“Sino ang mag-aalaga sa negosyo ng pamilya kung mamatay ka? Kung hindi lang tayo iniwan ng nanay mo ng maaga, maaari kang magkaroon ng kapatid na maaaring pumalit sa iyo anumang oras," dagdag ni Chairman Yang nang may malungkot ang mukha, habang tinatawag ang waitress para sa menu.
Humalukipkip ang mga balikat ni Gabriel at lumihis ang mata sa gilid. 'It's the family business, again,' bulong niya sa sarili. “Ayos lang ako, sir. As healthy as a horse," nakangiting sabi niya sa Chairman habang itinatago ang pagkadismaya.
Gayunpaman, nang tumingin siya sa Chairman, nagsimulang lumabo ang kanyang mukha. Kinusot niya ang kanyang mga mata, iniisip na pagod lang ito. Ngunit ilang segundo lang ay nabalot na ng dilim ang kanyang paningin.
Nawalan ng malay si Gabriel sa gitna ng kanilang pag-uusap.
*****
Pagdilat niya, nasa ibang kwarto na siya. Isang puting kumot ang nakatakip sa kalahati ng kanyang katawan. At ang kanyang kanang braso ay konektado sa isang IV drip.
Tumagilid siya patungo sa kaliwang bahagi. At habang ginagawa niya iyon, nakita niya ang mabagsik na mukha ng Chairman na nakatitig sa kanya nang hindi man lang kumukurap.
Nagulat si Gabriel at sinubukang tumayo. Pero pinigilan siya ni Chairman.
“I-I’m sorry, sir. Hindi na ito mauulit,” nauutal niyang sabi habang nakayuko ang ulo. Kumuyom ang kamao niya sa kagustuhang bugbugin ang sarili.
‘Hindi ka maaaring maging ganito kahina, Gabriel Yang,’ hatol niya sa sarili ng pabulong.
“Ito ang dahilan kung bakit lagi kitang sinasabihang magpakasal. Kahit papaano ay may mag-aalaga sa iyo habang inaalagaan ang ating corporation."
Gustong magbigay ng komento ni Gabriel tungkol sa part ng ‘kasal’ pero tumahimik na lamang siya. Pwede naman siyang humiling ng isang personal physician o nurse. Pareho silang mas mahusay sa pag-aalaga ng mga tao kaysa sa isang asawa.
'Siguro inaalagaan talaga siya ni Mom noon,' pag-iisip niya nang mapansin niya ang lungkot sa mga mata ng Chairman, sa ilalim ng malamig nitong pakikitungo sa kanya.
Dahil sa ayaw niyang magtagal sa kanyang mga alaala, inipon ni Gabriel ang lahat ng kanyang lakas upang magmukhang masigla at masigasig.
“Huwag mo akong pansinin, sir. ayos lang ako. Kailangan lang ibabad ang katawan ko sa mga drips na ito, at babangon ako at babalik sa business sa lalong madaling panahon," sinubukan niyang pasayahin ang Chairman.
Pero parang hindi kumbinsido ang Chairman habang patuloy pa ring nagsasalita, “At least have a fixed secretary. O mas mabuti talaga ay maghanap ka na ng mapapangasawa."
Gamit na nito ang maotoridad na tinig na ginagamit niya kapag nagbibigay ng utos bilang isang Chairman kung saan gusto nyang pasunurin ang isang tao nang wala na itong tanung tanong pa. “If not, I would personally take matters with my own hands.”
Napalunok si Gabriel. Alam niya ang tonong iyon. At hindi siya mangangahas na maghimagsik laban dito.
Nag isip siya ng solusyon. Wala pang nahahanap na assistant para sa kanya ang Elysian Co. Ang mga tauhan na nakatalaga sa kanya ay hindi nagtatagal ng higit sa anim na buwan.
“Maghihire ako ng assistant within this week, sir. And I will make sure she would stay with a minimum of one year,” sagot ni Gabriel sa kanya sa determinadong tono.
‘Imposible, pero mas mabuti na iyon kesa mag asawa,’ sabi niya sa kanyang sarili.
Samantala…"Pupunta ako dyan in 10 minutes. Hold on, Evie." alo ni Maria kay Evina habang parang baliw na bumubusina ang kanyang sasakyan. Natanggap niya ang balita na kakatanggal lang ng kanyang nakababatang kapatid sa trabaho. Hindi man lang nagpaalam sa mga kasamahan niya, agad siyang umalis sa lokasyon niya para makipagkita sa kanya. Magkausap sila sa phone habang nagmamaneho siya papunta sa kinaroroonan ni Evina.“Take your time, Iya. Hindi pa naman end of the world,” natatawang tugon ni Evina sa kanyang nakatatandang kapatid. “Huwag ako. I know you too much, Evina Chen,” irap ni Maria, dahilan para bumunghalit ng tawa si Evina sa kabilang linya.“Sige. Salamat, ate. I appreciate it,” sincere na sabi ni Evina bago nila binaba ang tawag. Dinampot ni Evina ang iced tea sa kanyang harapan para pakalmahin ang pusong nagdurusa. Tama si Maria. Dinadaan niya lang sa tawa pero she was devastated sa kinalabasan ng ginawa niya. Kahit na naniniwala siyang tama lang ang ginawa niya, con
“Ring!” “Ring!” “Ring!”Agad na umupo si Evina sa kama. Nagmamadali siyang tumayo, nagsuot ng tsinelas at kinuha ang tuwalya. Kagaya ng laging morning routine niya, maliligo na siya. Pero napagtanto niyang wala na nga pala siyang mapupuntahan.“Body clock ko na siguro. Isa ka ng officially unemployed, Evina. Congratulations sa bago mong buhay." tinapik niya ang kanyang ulo ng tatlong beses, sinisiguradong gagana ito ng maayos.Bumalik siya sa kanyang kama at humiga muli sa kanyang malambot na mga unan bago kinuha ang kanyang cell phone para tingnan ang kanyang mga news feed. Ngayon ay marami na siyang oras para gawin iyon.Habang ini-scan niya ang kanyang social media account, nakita niyang nagpo-post ang dati niyang kaklase ng mga larawan niya sa stage na may libo-libong likes at hearts. Kamakailan ay na-promote siya ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan."Sigurado akong katakot takot na pagmamakaawa ang ginawa niya sa boss niya. Hmph," umirap ang mga mata ni Evina. Nagpatuloy siya
Hinanap agad ni Evina ang The Elysian Inc sa internet. Pamilyar siya sa giant corporation na ito, ngunit hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng hierarchy. Dapat ay may malawak siyang kaalaman sa kumpanya kung gusto niyang maging bahagi nito.“Ang Elysian Inc. ay nag-aalok ng maraming pagpipilian ng software para sa maraming layunin. Ang kanilang software ay sa ngayon ang pinaka ginagamit na operating system sa bansa. Sa kita na $107.8 milyon, ang nangingibabaw na industriya ng software ay nananatiling The Elysian Inc. Ang kumpanya ay itinatag noong 1965 ng founder na si Chairman Rafael Yang.”"Wow! Impressive," tango ni Evina habang ini-scroll pababa ang pahina. Gayunpaman, ang nakatawag pansin sa kanya ay ang larawan ng nagtatag ng kahanga-hangang korporasyon."Parang pamilyar siya," nag-zoom in siya sa larawan ni Chairman Yang, na nasa webpage din na tinitingnan niya. Napaka-attractive niya para sa isang lalaking kasing edad niya. Ang kanyang ilong ay napaka-prominente sa ibabaw
"Alam mo kung gaano kita kagusto, Evina," sabi ni Julian sa namamaos na boses, na kinukumpleto ang nakakatakot na ambiance sa loob ng sasakyan.Nasa parking lot pa sila ng isang abandonadong building kung saan dinala ni Julian si Evina.Natulala si Evina dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.Ilang oras lang ang nakalipas nang dalawin siya nito sa unit nito, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Maria. Sinabi niya rito na may alam siyang job opening sa kanilang kumpanya, kaya sumama ito sa kanya. “L-Let’s go, Julian. Baka hinihintay na nila tayo," bulalas niya.Naghanap ang kanyang mga mata ng palatandaan na baka nasa company naman talaga sila ni Julian. At hindi niya gagawin ang iniisip nito na gagawin niya.Ngunit ang mga ilaw ay patuloy na kumikislap, na nagbigay ng anino sa nakakatakot na mukha ni Julian. Napaatras si Evina hanggang sa madikit ang buong katawan niya sa pinto ng sasakyan."Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to," saad ni Julian sa pagitan
Sa kabilang panig ng distrito, nasa isang business meeting si Gabriel kasama ang CEO ng Astro Inc. “Congratulations, Mr. Yang. Pinahahalagahan namin ang iyong initiative na makipag-ugnayan muna sa amin," yuko kay Gabriel ng CEO ng Astro, Inc. habang nakikipagkamay. "Talagang hangarin ng Chairman na makipagtulungan sa isang world-class na kumpanya tulad ng Astro, Inc." Yumuko rin si Gabriel sa kanya.Kakakuha lang ni Gabriel sa deal. Ilang buwan ng namumuhunan ang The Elysian, Inc para makuha ito. Nasa good mood siya at sumisipol habang papunta sa parking lot sa basement ng Astro Inc. Building."The Chairman would be so proud of me," nakangiting sabi niya sa sarili habang papalapit sa kanyang sasakyan. Tila naramdaman ni Paul ang positibong resulta ng transaksyon. Ngumiti siya habang, pinagbubuksan niya siya ng pinto ng kotse. Habang ginagawa niya iyon, nahagip ng mga mata ni Gabriel ang gilid nito. Napalitan ng pagsimangot ang mukha niya nang maalala ang salarin sa likod nito."Ev
Natigilan si Paul ng ilang segundo bago niya iniabot ang kanyang baril kay Gabriel. Nagulat siguro siya sa biglang reaksyon ni Gabriel. Nagulat din si Gabriel sa kanyang sarili. Hindi karaniwan para sa kanya na magdirekta ng sandata sa iba.‘Pero hindi rin naman ordinaryo ang sitwasyong ‘to,’ bulong ni Gabriel sa sarili habang lalabas na sana at ipagtatanggol ang babae.Sa sandaling nasa kamay ni Gabriel ang baril ni Paul, agad siyang umikot para lumabas ng sasakyan. Gayunpaman, nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang payat na braso na umaabot sa nakabukas na pinto."Papasukin mo ako!" sigaw ng babaeng kanina pa hysterical na humihingi ng tulong sa kanila.Hindi man lang siya humingi ng permiso kay Gabriel. Agad siyang gumapang sa loob at tinulak si Gabriel sa kabilang side ng sasakyan.Agad niyang isinara ang pinto at mabilis na iwinasiwas ang kamay kay Paul habang hinihiling niya, “Go, go, go! Bilisan mo!” Tumango si Paul na para bang naramdaman niya ang kaapurahan ng sitwasy
Tahimik na naghihintay si Evina sa kotse habang nasa labas ang CEO. Ang driver nito o bodyguard ay kasama niya. Pakiramdam ni Evina ay kahit papano ay ligtas siya Nasa parking lot sila ng isang department store kung saan hiniling ng may-ari ng sasakyan na dumaan muna dito.Gusto niyang kalimutan ang nangyari. Pero aaminin niya, sobrang naapektuhan siya nito. Ang alaala ng kamuntik ng panggagahasa ni Julian sa kanya sa isang abandonadong gusali ay di maalis sa kanyang isipan at hindi siya makahinga. Napahawak ang kanyang kamay sa pinakamalapit na suporta na kanyang matatagpuan habang siya ay humihingang malalim. "Ayos ka lang ba, Miss Chen?" lumingon si Paul sa kanya at inalok siya ng isang bote ng tubig. Ngumiti si Evina sa kanya at tinanggap ang bote. Pagkatapos ay uminom siya mula dito, umaasa na maibsan nito ang kanyang pakiramdam. Habang tumatagos ang inuming tubig sa kanyang mga cells, nagsimulang huminga nang normal si Evina. "Salamat. Baka mawala naman ito bukas makala
Gabi na sa labas ng department store. Paalis na sa establisyimento ang mga mamimili. Ang ilan ay nag enjoy sa kanilang pamimili at tumatawa habang lumalabas. Ang iba naman ay mabilis na naglalakad at nagmamadaling makahabol sa tren.Sa parking lot, may tatlong tao na nasa iisang sasakyan. Iba't iba ang gusto nilang gawin pagkatapos bisitahin ang store. Gusto ng isa na iwan ang dalawa at umuwi sa sarili niyang paraan. Ang isa ay gusto siyang manatili.At ang huli ay nahahati sa pagitan ng dalawa.Kadalasan, hindi iniisip ni Gabriel ang mga plano ng ibang tao. Bakit pa siya mag-aalala kung marami na siyang iniintindi? Gayunpaman, ito ay kakaibang sitwasyon para sa kanya.Kahit na hindi isiwalat ni Evina ang anumang impormasyon tungkol sa nangyari, alam niyang may di magandang insidente ang nangyari sa gitna ng Jeyong Town."Pumasok ka. Huwag mo na ako hintaying sabihin pa yun ng tatlong beses," utos ni Gabriel.Natigilan si Evina sa kanyang kinatatayuan. Binuksan na niya ang pin
Nakangiti si Julio mula tenga hanggang tenga habang hinihintay nila ang tugon ni Mr. Zheng. Nasa boardroom na siya at ang iba pang executives, kasama sina Gabriel at Evina. Lahat sila ay nasasabik na malaman kung sino ang nanalo ng hinahangad na proyekto.Sa kanyang ginawa, kumbinsido si Julio na ang Ming’s Group ang mananalo sa bid. Medyo nagulat siya na makitang nagtatrabaho pa rin si Evina kay Gabriel. Alam niyang matalino si Gabriel para malaman ang ginawa niya. Napahawak si Julio sa baba habang nakatitig sa dalawa. Nakikipagkwentuhan lang si Gabriel sa ibang executives. Si Evina naman ay nakatitig sa kanya. “Magandang araw sa inyo! I’m now ready to announce the company that we would work with,” bati ni Mr. Zheng sa kanila, na ikinagagambala ni Julio sa kanyang obserbasyon. "Kung hindi tayo, I'm sure it's either the Ming's or The Elysian's," narinig niyang nag-uusap ang mga ito. Ang iba ay nagsasaad din ng kanilang sariling taya para sa nanalo. Inamoy ni Julio ang matami
"Gabriel," Isang halinghing ang kumawala sa mga labi ni Evina habang binibigkas ang pangalan ng kanyang boss. Namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo habang nasasarapan sa ginagawa niya sa kanya.Pabalik-balik ang ulo niya sa pagkahibang. Hinawakan ng kanyang mga daliri ang kanyang puting kumot hanggang sa maabot niya ang kaniyang sukdulan.Makalipas ang ilang minuto, huminahon ang kanyang katawan at bumalik sa dati nitong kalagayan. Habang nangyayari iyon, bigla siyang bumalikwas mula sa kanyang kama. Lumibot ang mga mata niya sa paligid niya. Nakahiga pa rin siya, at 5am pa lang ng umaga. At walang Mr. Yang."Panaginip lang," sabi ni Evina at nayuko ang kanyang mga balikat. Hindi niya alam kung dahil ba sa natutuwa siya o dahil disappointed siya.Alam niyang kailangan niyang layuan ito, gaya ng ipinangako niya sa kapatid na si Maria. Ang orihinal niyang plano sa pagiging executive assistant ay para lang kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mainvolve sa kahi
Sa loob ng isang linggo, nagtrabaho sina Gabriel at Evina sa paggawa ng panukala na mas mura at mas siguradong lalago kumpara sa Ming’s Group. Si Evina ay nagmungkahi ng mga paraan upang gawin ito ayon sa kanyang nakitang karakter at motibasyon ni Mr. Zheng, ang may-ari ng Gentech Project. Sa kabilang banda, tinarabaho ni Gabriel ang pagputol ng mga gastos at pag-improve ng iba pang mga mapagkukunan upang gawing mas cost-friendly ang plano kaysa dati. Sa kanilang pagtutulungan, nagpuyat sila sa opisina. Ginamit din nila ang sabado at linggo. Habang ginagawa nila ito, nagsimula silang makilala ang isa't isa, ang kanilang mga gusto at hindi gusto, kung ano ang nagpapasaya o nakakalungkot sa kanila. Naging masiyahin si Gabriel at naging mas malaya na magpakita ng kanyang tunay na emosyon. Kasabay nito, si Evina ay nagsimulang makinig at magpasakop sa isang may awtoridad sa kanya."Tama ka. Ire-revise ko po ulit sir. Just give me a few minutes,” tumango si Evina pagkatapos niyang p
"Ginamit ako ni Julio?" hindi makapaniwalang sambit ni Evina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sandaling iyon. Ramdam niya ang bawat himaymay sa kanyang kalamnan na nag-aapoy sa galit kay Julio. At gayundin sa kanyang sarili dahil sa pagiging mapaniwalain sa kanyang mapanlinlang na mga pakana.Gayunpaman, naawa din siya kay Gabriel. Dugo at pawis ang ibinuhos niya para sa proyektong ito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Pero alam niyang ang katigasan ng ulo niya ang dahilan ng kaguluhang ito. At gusto niyang aminin iyon."Humihingi ako ng paumanhin, sir. Dapat nakinig ako sa'yo noong sinabi mong layuan ko siya," yuko niya. Hindi nag-react si Gabriel.Naramdaman naman ni Mr. Gu na parang kailangan nila ng privacy. Yumuko siya sa kanilang dalawa at sinabing, “Titingnan ko lang kung ano ang magagawa ko. Excuse me, ma'am at sir." Silang dalawa na lang ngayon ang nasa opisina. Pero hindi pa rin nagsasalita si Gabriel. Para siyang na-freeze sa kinatat
Kinabukasan, excited si Gabriel na pumasok sa trabaho. Sanay siyang mag-isang makipaglabanan ng utak sa iba pang mga executives na namumuno sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Pero ibang kaso kahapon.Si Gabriel ay sumipol habang inaalala kung paano humakbang si Evina para iangat ang The Elysian Inc sa pedestal habang ang mga executives ay umaawit ng papuri sa kanilang pangunahing kaaway. Dahil sa mahusay na kasanayan ni Evina sa pakikipagrelasyon, tila binago niya ang kanilang direksiyon mula sa Ming's Group tungo sa The Elysian. Ito ay kapaki-pakinabang dahil ito ay dumaloy sa aktwal na pagpupulong, kung saan ang tenga ng Direktor na namumuno sa Gentech ay pumalakpak sa pagkakarinig kung gaano kaungos sa iba ang The Elysian Inc. Mayroon na silang pahiwatig na gagawa sila ng isang matalinong pamumuhunan kung pipiliin nila ang kanilang kumpanya.Naalala rin niya kung paano sinabi ni Evina na siya ang kanyang “gem”, at hindi siya ang nakahanap siya, pero baliktad.Parang ang corny ng
Humugot ng malalim na hininga si Evina pagkatapos niyang humigop ng milk tea niya. Dumadagsa ang mga manggagawa mula sa opisina patungo kung nasaan siya ngayon. Tila kagagaling lang nila sa nakakapagod na bahagi ng araw at kakain na ng kanilang meryenda sa hapon. Malapit lang ang tea shop sa building kung saan sila nagkaroon ng meeting para sa Gentech. Nanatili siya habang hinihintay si Julio, nang hindi nalalaman ng kanyang boss. Ilang oras ang nakalipas, pumunta si Evina sa banyo habang nagpapatuloy ang meeting. Sa panahong iyon, nilapitan siya ni Julio at hiniling na makipagkita sa kanya. May ipapakonsulta daw siya sa kanya patungkol sa kapatid niya.“I would hit two birds in one stone,” tiniyak ni Evina sa sarili kung bakit siya nanatili. Magagawa niyang maghiganti. Kasabay nito, matutulungan niya ang kanyang boss na magkaroon ng dagdag na kalamangan laban sa kanyang karibal. Hindi binanggit ni Mr. Yang na si Julio pala ay si Julio Ming, ang nakatatandang kapatid ni Julia
Naweirduhan si Gabriel sa sariling reaksyon kay Evina. Paano niya naiisip ang isang malaswang eksena habang nagtatrabaho? Maiintindihan niya kung nasa labas sila ng opisina. Ngunit ito ang unang pagkakataon na na distract siya sa ganun habang nagtatrabaho. Sa epekto ni Evina sa kanya, nagpasya siyang makipagkita nalang sa kanilang kliyente sa ibang distrito nang wala siya. Gayunpaman, pakiramdam niya ay nagkamali siya dahil gusto niya itong makasama sa sandaling iyon. Tumingin siya sa likod at tinignan kung malayo na ba sila sa The Elysian Inc. "May naiwan ka ba, boss?" tanong ni Paul sa kanya nang makita ang kanyang pagkabalisa sa rearview mirror. "Uh yeah, I think dapat kasama natin si Miss Chen, para maging pamilyar siya sa industriya," paliwanag ni Gabriel. Tinikom ni Paul ang kaniyang mga labi upang pigilan ang mga ito mangiti. First time niyang makitang nag-aalala ang amo niya sa isang babae. Hindi pa siya nag-aalok ng tulong sa sinumang babae noon. Hindi rin siya nag
Alas otso na ng umaga. Pero parang madaling araw pa lang. Ang araw at ang madilim na ulap ay tila nagtatalo kung sino ang maghahari sa buong araw. "Lalayuan ko siya hangga't kaya ko," determinadong wika ni Evina habang nakapikit. Nakaupo na siya sa kanyang upuan sa opisina, at handa nang harapin ang bigat ng trabaho para sa araw na iyon."Ano ang kinakatakutan mo, little mouse?" Isang malalim at banayad na boses ang bumalabag kay Evina mula sa kanyang pagmumuni-muni. Si Mr. Yang iyon, ang kanyang multi-billionaire boss. At isang dipa lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Nagulat si Evina sa pagkakaupo. Pero pinagkrus niya ang kanyang braso at pinandilatan siya.“Wala akong kinakatakutan. And I’m not a little mouse.” Napataas ang isang sulok ng labi ni Mr. Yang. Umayos siya ng pagkakatayo at inayos niya ang kanyang kurbata at itinaas ang kanyang baba. Para bang sinasabi niyang boss siya, at empleyado lang niya. “S-sir,” agad na dagdag ni Evina sabay yuko. ‘Luka-luka ka, Ev
“Oo. Anak siya ni Chairman Yang, ang founder ng The Elysian Inc,” pagmamalaki ni Evina pero may bahid ng pag-aalala sa tono nito.Matapos ang sunod-sunod na hindi magandang pangyayari na kanyang naranasan, pakiramdam niya ay nakahanap na siya ng kapayapaan. Sa wakas ay maaari na siyang kumita ng totoong pera at magsimula ng sarili niyang negosyo habang tinutulungan ang pamilya ng kanyang kapatid na mamuhay nang kumportable.Ang pagtatrabaho bilang isang executive assistant ng CEO ay totoong nagpasaya sa kanya, kahit papaano. Ngunit tila hindi ito ang kaso sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.Namumutla ang mga labi niya habang binabanggit ang pangalan ng kumpanya na para bang isinumpa ito at hindi dapat banggitin. Pero si Evina lang ang nakapuna nito. Mabilis na kinagat ni Maria ang maputla niyang mga labi, na nagpabalik ng dugo dito."Ikinagagalak kong makilala ka, Sir. Siguro kailangan na naming umalis ngayon. Ang haba ng traffic papunta ko dito. Hinihintay na din ako ng an